Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter Two





“So how’s business?” tanong ni Kisses kay Ryan. Kasalukuyan silang naglalakad sa sea side ng Mall of Asia. Paboritong lugar nilang magkaibigan iyon. Madalas kasi sila sa mall na iyon. Nood ng sine, mag-ubos ng oras sa arcades, mag-dine at mag-bar. Doon sa sea side sila napupunta pag napapasarap sila sa kwentuhan.  

                “Okay naman. Keep going. Wala namang bago sa airlines maliban sa mga bagong sexy stewardess,” biro nito.

                “Ikaw talaga!” pabirong hinampas niya ito sa balikat.

                “Ikaw, kamusta naman ang pasikat ng pasikat kong best friend ha. Marami ka na namang tanggap na projects ano?”

                “Hindi naman masyadong marami. Tama lang sa ganda ko,” biro niya na ikinangiti ni Ryan.

                “Ikaw bata ka palang masyado ka ng masipag sa work. Ingatan mo ang sarili, Kisses ha.” Huminto sila sa paglalakad at hinarap siya nito. Hinawakan pa nito ang kanyang mga kamay habang titig na titig ito sa kanya.

                Hohemji!

                “You know how much I care about you, Kisses right?”

She nodded. “Yeah, I cared so much about you,too.”

“I know. At alam ko rin na pareho nating hinahangad na maging masaya tayo pareho sa buhay di ba?”
“Of course.” At magiging mas masaya ako pag sinabi mong mahal mo ako, Ryan. Ngayon pa lang, handang-handa na akong mag-I do.


“Kisses…”

She was surprised when he suddenly embraced her. Hindi nito inalintana ang mga taong makakakita sa kanila.

“I want you to know that I love you.”

Kisses became speechless. Finally, narinig na niya ang mga katagang noon pa niya idinadalanging marinig mula sa kaibigang kay tagal na niyang lihim na minamahal.

“Ryan…”  She was so happy that time. Pakiramdam niya, iyon na ang pinakamagandang araw na nangyari sa buhay niya.

“Whatever happen, you will always be the bestest best friend I ever had. You will always  be special and my love for you will stay forever.” Bahagya nitong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya. “Naiintindihan mo ako di ba?” He was sincerely looking into her eyes.

She smiled. “Oo naman, Ryan. Actually, I love—”

A cellphone ring interfered. It was Ryan’s phone. Bigla tuloy nawala ang moment nila. Ryan answered the phone.

“You’re here? Okay then.” Sinabi nito sa kausap kung saang parte ng sea side sila andon bago nito tinapos ang tawag. Binalingan siya nito saka hinawakan ang kanyang mga kamay. “Come, may ipapakilala ako sa’yo.”  Then they walked towards a bar nearby.

Waaahh!! Meet the parents na ba ito?  Though they had been best friends since high school, never pa niyang nakaharap ang magulang nito.

Napatingin si Kisses sa magkasalikop nilang mga kamay nang may mapansin siya.  She was waiting for her heart to beat faster, for the thrilling sensation that will run through her veins, for the weird feeling she also felt when Hershey once held her hands this morning. But…nothing came. Bakit kaya? Samantalang si Hershey…

She shook her head. Si Ryan ang kasama niya ngayon. Kasasabi lang nito ng I love you sa kanya. Hindi tama na mag-isip siya ng tungkol sa ibang lalaki. Simula pa lang, nagtataksil na siya. Oh my, no!

“Ryan!”

Isang Chinitang babae ang nakangiting lumapit sa kanila at agad humalik sa labi ni Ryan ng wala man lang ka-intro-intro kasabay ng biglang pagkalas ni Ryan sa pagkakahawak nito sa kamay niya as if putting a sign of letting go. Nanlaki ang mata ni Kisses at naestatwa siya sa nakikita ng mata niya.

Anong eksena ito? Di ba nag-I love you na siya sa akin? Bakit may ganito?  Puno ng tanong ang kanyang isipan nang magsalita ang babae habang nakatitig kay Ryan ng buong pagmamahal. Ouch!

“Hon, pasensya na ha. Naipit ako sa traffic e.”  

“It’s okay, hon.”

Hello, can anybody explain? I’m here oh, shocked and broken. Can’t you see??? Though alam na niya ang ibig sabihin ng tawagan ng mga ito, gusto pa rin niyang marinig mismo ng tenga niya na tama ang hinala niya. At the same time, she’s taking her might to gather all the strength she need for her not to show any weak emotion at the moment.

Sa wakas ay binalingan siya ng babae. “Oh, you must be Kisses!” nakangiting bati sa kanya ng babae. Hindi pa nakuntento ay nakipagbeso-beso pa ito sa kanya.  “I heard so much about you. Finally we meet!”

Grrrr! Feeling close?

 She faked a smile and turned a questioning look to Ryan.

Inakbayan nito ang babae.  “Kisses, this is my fiancée, Gerese.”

“A-ano? F-fiancee?”  Pero kasasabi mo lang mahal mo ako. Gusto sana niyang idugtong iyon pero pinigilan niya ang sarili. Binalingan niya ang babae. Magmamaldita sana siya kung hindi lang niya nakikitang mukhang mabait ang babae at mukhang mahal na mahal ito ni Ryan.  “H-hi…” That’s the only word she was able to utter.

Nagyaya na si Ryan na pumasok sa bar. Sa isang iglap naitsapwera siya. Kung kanina lang ay halos liparin siya sa cloud nine nang sabihin ni Ryan na mahal siya nito, ngayon ay parang ibinagsak siyang bigla mula sa ulap. Kanina lang ay sa kanya lamang ang buong atensyon ni Ryan ngayon ay tila nakalimutan na siya.  Magkayakap sa baywang ang dalawa habang naglalakad papasok sa bar, samantalang siya ay bigong-bigong naglalakad sa likod ng mga ito, nag-iisa at walang magawa kundi ang manood na lang.

Oo, mahal mo ako…bilang kaibigan. Pero mahal kita Ryan, higit pa sa kaibigan. Maraming tanong sa isipan ni Kisses. Bakit hindi agad sinabi ni Ryan sa kanya na may girlfriend na pala ito? Umasa pa tuloy siya ng bonggang bonga. Bakit kailangan pa nitong ilihim sa kanya ang lahat? Bakit kailangan pa nitong sabihing mahal siya nito kung ibang pagmamahal pala iyon? Buti na lamang at hindi niya naamin dito ang totoo niyang naramdaman. At mananatili kang walang alam, Ryan.  

“Oh Kisses,  ano bang ginagawa mo diyan? Tara na.” Nakangiting hinila ni Ryan ang kamay niya. nakangiti din sa kanya si Gerese.   Samantalang siya, mukha natutulala pa rin.

Napatingin siya sa magkasalikop na kamay nina Ryan at Gerese habang ang isang kamay ng kaibigan ay nakahawak sa kamay niya. Magkaiba ang paraan ng pagkakahawak ni Ryan sa kanilang dalawa. Ang sa mga ito ay may halong pag-ibig at tila iba ang dating ng pagkakabigkis, may kilig, may romance. Samantalang ang pagkakahawak ni Ryan sa kamay niya ay pawang genuine care lamang ng isang kaibigan. Isang kaibigan… tila kutsilyong tumutusok ang katotohanang iyon sa kanyang puso.

Noon lamang tila nag-sink in sa puso niya ang katotohanang iyon. And that made her eyes teary and about to shed.

“A-ah…Ryan… sa rest room muna ako.” Tumungo si Kisses. Hindi na niya hinintay ang tugon nito. Dire-diretsong nagtungo siya sa restroom. Ngunit  bago siyang tuluyang makalayo ay narinig pa niya ang tanong ni Gerese kay Ryan.

“Hon, okay lang ba siya?”

 Pabalang na napatawa siya habang tumutulo ang luha niya. Okay lang ako. Sinuwerte ka lang, ikaw ang pinili ng taong minahal ko. Pero okay lang ako… Napahikbi siya. Kung kaya ko lang sanang lokohin ang sarili ko.

Pumasok siya sa cubicle sa restroom at doon impit na umiyak. Iyon ang unang pag-ibig niya at unang heartbreaking experience. Masakit pala…masakit pala talagang mapatunayan na hindi ka kayang mahalin ng taong minahal mo. At mula sa mga sandaling iyon, kabilang na siya sa liga ng mga bigo sa pag-ibig.

Pero kailangan niyang ibangon ang nasaktan niyang puso. Agad niyang inayos ang sarili. Nag-retouch siya ng make-up. Kung anuman ang pain   na pinagdadaanan niya, walang malalaman si Ryan.   Kung kailangan niyang magpanggap at umarteng hindi siya affected at masaya siya para sa kaibigan, gagawin niya. Nang maibalik niya ang composure ay lumabas na siya ng restroom at binalikan sina Ryan at Gerese.

Natigilan siya at muling nawalan ng lakas ng loob nang mapagmasdan ang dalawa. Masakit mang tanggapin pero dapat niyang aminin na bagay ang dalawa. They really looked good together. Kahit hindi PDA ang mga ito ay kitang-kita pa rin ang lambing nila sa isa’t isa. Mga bagay na hindi nakamtan ni Kisses sa piling ng kaibigan.  Pasimpleng kinapa ang puso. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay durog na durog na iyon. She had to escape or else Ryan will notice that there’s something strange on her.  Huminga siya ng malalim para ibalik ang composure niya at saka lumapit sa mga ito.

Isang fake na ngiti ang ipinaskil niya. “Ryan, I’m sorry. My mom just called. Pinapauwi na ako at may pag-uusapan kaming importante…ah… business matters.” 

“Ah, ganon ba? Hatid na kita.”

Umiling siya. “No wag na. I have my car. I can manage. Just…ah well, just enjoy the rest of the night together. Bye!”

Ouch! Tumalikod na siya sa mga ito at naglakad palabas ng bar nang tawagin siya ni Ryan. Sinundan pala siya nito.

“Kisses, may problema ba?” 

Natigilan siya sa paglalakad. Huminga siya ng malalim bago ito hinarap. “Wala naman, sige balikan mo na siya. Baka mainip iyong fiancée mo.”

“Masaya ka naman para sa akin, Kisses di ba?”

Adik ka ba? “Oo naman. Sige na, nagmamadali ako e.”

“Kisses…I want you to be our wedding coordinator.”

Punyemas! Manhid ka ba?  “Sure. That’s what friends are for.”

Ngumiti ito. He moved closer and kissed her cheeks. “Thank you. Take care ha.”  Then he turned back and entered the bar. Samantalang siya ay muntik nang mang-agaw ng bote ng beer sa kahit sinong makikita niyang nag-iinuman sa labas ng bar at ipukpok iyon sa ulo ng kaibigan para matauhan.  

She went to the parking lot. Nagkataon namang bago niya marating ang sariling kotse ay dadaanan niya muna ang kotse ni Ryan. Then on cue, may isang motor na may loud stereo.

   I bust the windows of your car. I know it didn’t mend my brokenheart…. You see you can’t just play with people’s feeling. Tell them that you love them and don’t mean it…

Napatawa na lang si Kisses. Para siyang dinedemonyo ng kanta na gantihan si Ryan. Not now… pasalamat ka Ryan, minamahal kita.  Then she passed on his car and ride on hers.  


“KUYA, naks ang pagkagwapo naman ng kuya kong tsokolate!” hirit ni Leiren, ang only girl na kapatid ni Hershey na kasalukuyang nag-aaral pa lang sa college. 

“Hindi ko tataasan allowance mo kahit bolahin mo ako ng todo, Lei,” tugon ni Hershey. 

Katatapos lang niyang mag-ayos para sa special na lakad niya. Pupuntahan niya ang kaibigan na nasa hospital.  It wasn’t a secret on him that his girl bestfriend has a huge crush on him. At dahil ang tangi lang magagawa niya ay ang magpa-cute dito para maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman nito dulot ng sakit nito sa kidney, palagi siyang pumoporma kapag pupuntahan niya ito sa hospital.

 “Hindi ako hihingi ng additional allowance kuya,” she seated on the side of his bed. “Nabigyan na ako ni Mommy at ni Dad at pati na rin ni Kuya Golen. Eh baka kasi willing ka ring magbigay ng reward sa akin, kuya.”

Napailing siya. Nasa second year college pa lang ang kapatid niyang ito, may utak negosyante na talaga. Hindi daw humihingi ng allowance pero doon din naman ang pinupunto. “At bakit ka nabigyan ng reward ha?”

Isang sobre ang ibinigay nito sa kanya. He read the letter and smiled. “Good. Congratulations. Top Dean’s lister ka na naman. Keep it up little daughter, okay.”  Ibinalik niya ang sobre dito.

“Iyon lang? Walang reward?” tila nagtatampong sambit nito. Ipinangako kasi nila dito na bibigyan ito ng reward kapag naging consistent dean’s lister ito. Wala silang hinangad sa bunsong kapatid kundi ang makapag-aral ito ng mabuti at wag munang maisipang mag-entertain ng mga manliligaw.

  He laughed. “Kelan ba ako nawalan ng reward sa’yo? How about a new SLR camera?” Kinuha niya sa cabinet ang brand new na Canon SLR camera at ibinigay sa kapatid. Nakuha nito sa kanya ang interest sa photography kahit hindi naman photography ang kurso nito.  Hospitality Management kasi ang kinuha nitong course para naman daw makatulong din ito sa negosyo ng pamilya na halos lahat ay in line with hotel, resorts, and recreational establishement.

“Wow kuya!” Niyakap siya nito. “Salamat, I love you talaga!”

“Mas maganda pa iyan sa camera ko kaya alagaan mong mabuti. At unahin ang pag-aaral kesa sa photography ha.”

“Sure kuya, basta tuturuan mo pa ako sa photography ha?”

He took a crash course in photography and videography nang makatapos siya ng college. And now he’s enjoying the benefit of working with his profession and enjoying his passion all at the same time. 

“During sembreaks, Lei.”

“Yes!” She kissed his cheeks. “Ikamusta mo na lang ako kay Ate Myca ha.”

He nodded. At pagkalipas ng ilang minuto, tahimik na uli ang kwarto niya matapos lumabas ng makulit niyang kapatid.  His phone rang. Ang pinaka-cute na kuha niya kay Kisses ang nagbi-blink sa screen cellphone niya. He immediately answered the call.

“Good afternoon, Miss Sandoval,” he addressed.

“Good afternoon, Mr. Castillo. I’ll just ask if we can set the food testing tomorrow afternoon? Can you make it?” 

Napapangiti si Hershey. He admitted to himself that he was a little attracted with this girl. Hindi lang kasi ganda ang meron ito. Matalino, responsible, tough woman, at the same time, may humor. Plus the fact, maganda ang boses.  “Sure no problem, ikaw pa Kisses. Malakas ka sa akin e.”

“Meganon talaga? Anyway, Hershey ang request ng client ko ay European and Asian dish. Take note that they want Filipino foods also. Desserts will be cakes, pastries and salads. Just a tip, the bride to be loves chocolates.”

“Okay noted. Ikaw you loves chocolates, too?”   

“Super, that’s heaven…Ooops!” He heard her laughed at the other line. Isn’t she the cutest?  

“That’s good. I’ll prepare chocolates for you, too.”

“Ha? Bakit nasali ako?”

“Because, you’re cute.”

“Ay, nambobola ka na, Hershey.  So settled na tayo ha?”

“Sure.”

“Okay, see you tomorrow then.”

“Yeah, and take care tomorrow.”

He had a sweet smile as the phone call ended. Hindi niya namalayang ang dalawang kapatid ay nagbubungisngisang nakikiusyoso na pala sa may pintuan. “Anong ginagawa nyo diyan?”

“Kuya, may chicks ka ano?” hirit ni Lei.

“May alaga ba akong manok ha?”

“Bro, Magkakaroon na ba kami ng sister-in-law?”  hirit naman ng kuya  Golen nila. He used to be the general manager of Neryz Ennael but due to some reason, he decided to give up the position to handle the family business abroad. Once in a while ay umuuwi ito para mangulit lang.

“Sure, pero mauna ka munang mag-asawa kuya.”

“Ay malabo yan, bro.  Kokonti ang Pilipinong lumalapit sa akin sa Hawaii.”

“Eh di dito ka sa Pilipinas maghanap.”

“Sus, nakakatamad.”

They laughed. Pareho sila ng kuya niya na wala pa talaga sa isip ang pag-aasawa.

“Mauna ka na lang, bro. Meron ka na ata e,” tudyo ng kuya niya.

“Wala pa.” Though, he’s targeting someone. An image of Kisses, taking her cute poses registered his mind. Sana nga…   

“Wag muna!” kontra naman ni Lei. “Ako na lang muna ang mahalin nyo.”

“Ayoko, mataas ang maintenance.”

They shared a bunch of laughs again.

Nagpaalam na siya sa mga kapatid para makaalis na. Alam niyang kanina pang naghihintay si Myca sa kanya. Na-traffic siya ng ilang minuto kaya naman magdidilim na nang makarating siya sa hospital. Bitbit niya ang paboritong pink roses ni Myca at isang basket ng prutas habang naglalakad sa kahabaan ng hallway sa hospital nang biglang lagpasan siya ng mga nagmamadaling doctor at nurses. Natakot siya nang makitang ang mga ito ay pumasok sa silid ng dadalawin niya. Tumakbo na rin siya at ang  matinis na tunog na nagpapahiwatig ng pagkawala ng buhay ng kaibigan ang bumungad sa kanya.  

Namanhid ang buong katawan ni Hershey nang makita ang lagay ng kaibigan. She was already thin dahil sa ilang taon na rin itong ginugupo ng sakit. And now, the doctors are trying to revive her.

Myca, don’t give up. Matagal ng may taning ang buhay ng kaibigan. In fact, nagagawa pa nga nitong gawing biro ang pagkamatay nito. Marami na itong plano para daw sa burol at libing nito. Madalas sinasakyan lang niya ang mga biro ni Myca. Minsan na ring nagpaalam na si Myca sa kanya. Inihanda na siya nito kung sakaling mawala ito.

Umiling ang doctor at itinigil na ang pagre-revive. “Time of death, six fifty-five pm.”  Wala ng nagawa ang mga magulang ni Myca na naroon at maging si Hershey kundi tanggapin ang nangyari.  He just moved closer to his friend’s dead body and for the last time, he kissed her on forehead. “Tapos na ang paghihirap mo sa dialysis. Wag mo na kaming intindihin. Kaya namin ito. Mag-iingat ka sa taas, Myca.”


PAIKOT-IKOT lang ang kotse ni Kisses sa Ayala. Doon siya nakarating habang tinatakas niya ang pagkabigo ng kanyang puso. Kanina bago siya tuluyang umalis sa bar ay tinawagan muna niya si Hershey para magpa-schedule agad-agad ng food testing. Masyado kasing hectic ang schedule ng mga kliyente niya kaya alangan palagi ang oras ng kanilang mga meetings at madalas pa ay biglaan.  Nang pumayag si Hershey sa napag-usapang schedule ay saka siya nakaalis sa lugar kung saan nagpapakasaya ang taong dumurog sa paniniwala niya sa happy ending. At ang naging ending nga, hindi niya makapagdesisyon kung saan pupunta.

Hanggang sa mapagod siya at nagpasyang sa ibang lugar na lang siya magpapaikot-ikot o umuwi na lang at doon mag-emote.  On her way home ay napadaan siya sa Makati Med at sa labas ng hospital ay tila may napansin siyang papalabas na binata na mukhang nalugi ng sampung milyon. At nang mapalapit siya ay namukhaan niya ang binata. Walang iba kundi si Hershey Castillo. 

Hindi alam ni Kisses kung bakit pero bigla niyang naisipang mag-park at bumaba ng kotse.  Agad din niyang hinabol si Hershey.

“Hershey!”  

Agad itong lumingon ngunit agad ding umiwas ng tingin tumungo at tila nagpunas ng luha sa mata. Muli siya nitong binalingan.

Ngumiti ito. “O Kisses, anong ginagawa mo dito? May dadalawin ka bang pasyente?” He managed to smile though Kisses knew that it was just a mask of what he really feels.

“Ah, napadaan lang ako tapos nakita kita—” Napansin niyang may luha pa sa gilid ng mga mata nito. Hindi alam ni Kisses kung anong espiritu ang sumanib sa kanya. Bigla na lang niyang naisipan na pawiin ang luha sa gilid ng mata nito gamit ang hintuturo niya.

Tila nahihiyang tumango lang ito. “Sorry, Kisses I’m not in condition today. I’m grieving.”

“Gusto mo ng kausap?”  she offered.

Tumunghay ito at inaya siya sa parking lot. Ilang minuto pa ay nauwi sila sa kwentuhan habang nakaupo sa pavement ng parking lot.  Hershey shared the story about his best friend who recently died few hours ago. Iniwasan ni Kisses na tingnan ito sa mata para hindi ito mailang magkwento. Kapwa sila nakatingin sa malayo habang kinukwento nito ang tungkol sa kaibigan.

“I don’t know. I’m still numb at the moment. It was always easy to be said than done. Madali sabihing oo kaya ko pag nawala siya. Handa na ako. She already made me ready, anyway.  But when the real moment came, I ended up, emotionless. Manhid,”  litanya nito.

                 “You love her?” Kisses asked.

                “Of course, She’s everything to me. A sister, a friend, a best friend, a lover. I knew from the start that she loves me. Kahit na hindi pareho ang nararamdaman naming pagmamahal sa isa’t isa, isinakripisyo ko ang sariling love life para mapasaya siya. Hindi ako nanligaw, hindi ako nagka-girlfriend dahil ayoko siyang saktan. Sinubukan ko ring mahalin siya pero hindi nangyari. Siguro nga, totoo iyong sinasabi nilang titibok lang ang puso ng tao sa tamang kapareha.” Binalingan siya nito at nginitian. Pagkatapos ay napakunot ang noo nito. “What happened to your eyes? Umiyak ka rin ba?”

                Umiwas siya ng tingin. “Wala ‘to. I just had my heart broken a while ago. Iyong taong minahal ko ng higit sampung taon na inakala kong single at mahal din ako, ayun nalaman ko may fiancée na pala.” Turn naman niyang magkwento nang nangyari sa pagitan nila ni Ryan kani-kanina lang.  Idinitalye  niya dito ang lahat. Until all the pains suddenly went back that made her eyes shedding tears again. She sobbed. “Sakit nga e, first time ko kasing mabigo. Nakakawala pala ng rason yon para mabuhay.” 

                Hindi na niya napigilan ang sarili. Isinubsob niya ang mukha ang mga kamay at sa sobrang hiya ay itiluloy niya ang pag-iyak habang nakayukyok sa kanyang mga tuhod. Hikbi lang siya ng hikbi. Kung kanina sa bar ay hindi niya magawang umiyak ng sobra-sobra, ngayon ay nagawa na niyang ibuhos ang kanyang  mga luha tanda ng sobrang sakit  sa kalooban ng naranasan niya. 

                A warm arm enveloped her shoulders. “Kung hindi ka niya minahal, malaki ang nawala sa kanya. Kasi hindi niya mararanasang mahalin mo ng sobra-sobra. Sabi ng Mommy ko, ang heartbreak masakit lang sa simula pero kapag na-realize mo ng naging daan ang heartbreak na iyon para matagpuan mo ang tunay na magmamahal sa’yo ng totoo, ipagpapasalamat mo pa na na-broken heart ka.”

                Tumunghay siya. Ang gwapong mukha ni Hershey ang agad sumalubong sa umiiyak niyang mga mata. Sobrang thankful siya at huminto siya para kausapin si Hershey. Hindi man sila lubos na magkakilala sa ngayon, palagay siya sa comfort na binigay nito sa kanya.


                She felt her heart skipped when he sincerely gazed at her. Ito na naman ang heartbeat na ‘to! Bakit andali kong maramdaman ito sa’yo, Hershey pero kay Ryan hindi?    Then she remembered what he said a while ago- titibok lang ang puso ng tao sa tamang kapareha.

                He raised his hands and gently wiped away the tears in her eyes and cheeks as well.  Iyon ang nagpadoble ng pagkabog ng puso niya.  Then Hershey smiled. “A woman should not cry for a guy who doesn’t deserve her tears.  The guy you fell in love with and had your heart broken doesn’t deserve your precious tears.”

                “Thanks Hershey for being there.”  She smiled.

                “I should thank you too, actually.” 

    They both smiled.


PREVIOUS                                                           NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…