Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter Three





Kisses felt like a living dead when she woke up this morning. Pagod pa ang katawan, puso at isipan niya pero pinagbawalan niya ang sariling magpahinga ng husto. As much as possible, ayaw niyang umupo na lang sa isang tabi para maiwasang isipin ang pagkabigo niya kay Ryan. The thought as well as the pain kept on haunting her. Hindi maalis sa isip at puso niya ang malalim na sugat na idinulot ng pagkakaroon ni Ryan ng ibang minamahal at worst…papakasalan pa.

                She diverted her attention on her work. Naging mas hands-on siya sa trabaho niya. She worked overtime, pinapagod niya ang sarili para pag dumating na siya sa bahay, wala ng magiging lugar pa para mag-isip, masaktan at umiyak. Agad na siyang makakatulog dahil sa pagod at gigisng ng maaga na tila pagod pa rin.  Kung tutuusin ay isang linggo na siyang ganon.

                Ngunit kahit tila adik-adik na kakatira pa lang ng drugs ang pakiramdam niya, this never stopped her from working. Nasa Hacienda Canilao siya sa Batangas at mananatili siya roon kasama ang kanyang mga crew at associates para sa final preparation, general rehearsal at wedding day nina Apple at ng sikat na band vocalist na si Rover Manalili.


                It was indeed a busy day for Kisses. Katatapos lang niyang i-supervise ang set up ng green house garden kung saan gaganapin ang mismong garden wedding. Nagbigay siya ng instructions sa kanyang crew, sa designer at florist ng lugar na abala na sa pag-aayos ng lahat. Nabigyan na rin niya ng final instructions ang staff and crew ni Hershey para sa set up ng Neryz Ennael Catering Services sa reception hall. Naubos na rin ang power niya sa pakikipag-usap sa press people. Tulad ng kasal nina Hamiel at Limien noong nakaraang taon, dagsa na naman ang mga media people sa venue. Tanging Pontez Media at HBH Network lang ang allowed na i-cover ang buong kasal kaya naman kung anu-anong offer na ang ibinigay niya sa ibang media people para wag ng magpumilit pumuslit at mag-gate crash sa kasalang magaganap. Kulang sa tulog, bugbog sa trabaho. Iyan ang buhay ni Kisses matapos mabigo ang kanyang puso.

                Kasalukuyang nasa isang kubo siya malapit sa green house na sinu-supervise. Habang hinihintay ang pagdating ng mga kasama sa entourage ng kasal para sa general rehearsal, inabala ni Kisses ang sarili sa pagbaybay ng checklist siya.

                She’s in the middle of writing remarks on her checklist when she felt everything that surrounds her seemed turning upside down. Nahihilo siya. Agad siyang pumikit at sumandal sa kinauupuan niya. Sinubukan niyang huminga ng malalim at mag-relax ngunit hindi niya makalma ang sarili.

                Until she felt a presence of someone coming. Gusto niyang magsalita, humingi ng tulong pero wala siyang lakas magsalita man lang. Any moment alam niyang malaki ang posibilidad na mawalan siya ng malay.

                “Kisses?” 

She heard a familiar voice. Kasabay noon ay may humawak sa pisngi niya.

“What’s wrong? Namumutla ka!” Tuluyan siya nitong dinaluhan.

“Hershey?” That’s the only word she was able to utter.

The next thing she knew she was already in the arms of Hershey. She was leaning on his broad chest while his arms were carefully embracing her for support. “Ano bang nangyari sa’yo?” tanong nito pero wala siyang lakas pa para sumagot.

Agad siya nitong in-adjust para makahiga siya ng ayos having him as her instant pillow. Pinaypayan siya nito habang marahan na hinahaplos ng isa nitong kamay ang kanyang noo, pisngi maging ang kanyang mga kamay.  Those tender care and sweet acts made her feel better…really better. Unti-unti ay gumaan ang pakiramdam niyta hanggang sa wakas ay nagawa na niyang imulat ang kanyang mga mata.

Ang maamong mukha na may nag-aalalang mga mata ni Hershey ang bumungad kay Kisses nang imulat niya ang kanyang mga mata. Biglang kumabog ang puso niya hanggang sa mapapikit uli siya sa kagyat na pagkahilo.  Muling iminulat niya ang mata nang masuyong haplusin nito ang kanyang pisngi.

“Uminom ka muna ang tubig, Kisses.”  He managed to hand a bottle of distilled water for her.  Lalong nakagaan ng pakiramdam niya ang tubig.  

Finally she gathered strength to look on his face again. “Salamat Hershey. Hero kita today.”

“No worries. Buti nga nakita kita agad. What if walang makakita sa’yo? Baka napaano ka na dito,” May halong pag-aalala at sermon ang tinig nito. Itinuloy nito ang pagpapaypay sa kanya at ang paghaplos nito sa noo at pisngi niya. “Are you feeling better now?”

“Yes. Million thanks to you.”  

“Mamaya pa naman ang rehearsal. Magpahinga ka muna kaya.”

 Isinakbat nito ang girlfriend nitong SLR camera sa kanang balikat at inalalayan siya nitong makatayo at makalabas ng kubo. At dahil medyo nahihilo pa siya, halos buong bigat niya ay nakadepende kay Hershey. Gentleman enough, he managed to support her while embracing her as they walk towards the direction wherein her room was located.  
            
            “Wait…” Bigla siyang napahintong sa paglalakad nang mahilo uli siya. Buti na lamang at nakayakap ito sa kanya.
       
         Without any words uttered, Hershey strongly lifted her and carried her with his arms as they walked towards her room.

                “Hershey, okay na ako pwede mo naman akong ibaba. Baka kung ano pa ang masabi ng ibang tao—” Natigilan siya nang sa unang pagkakataon ay pinagtaasan siya nito ng kilay.  “Ang cute mo pala Hershey kapag nagtataray ka.” Natutupo ni Kisses ang bibig. Ooops, anong sinabi ko?

                Nanatiling nakasimangot ito. “Hindi kasama sa contract natin ang bolahin mo ako, Miss Sandoval.”

                “Mr. Castillo hindi rin kasama sa contract natin ang buhatin mo ako. Ano bang drama ito ha? Feeling newly weds? Aagaw tayo ng eksena ng may eksena?” 

                As if on cue, nakasalubong nila ang kliyenteng ikakasal na kapwa natigilan sa eksena nila ni Hershey.

                “Uy, Kisses  ang taray naman ng kagandahan mo! Inunahan nyo na kami ni Rover ah. Saan ang honeymoon? Di ko alam mag-boyfriend pala kayo,” sambit ni Apple.

                “Yeah, we were surprised huh,” dagdag pa ni Rover.

                “Hindi kami magboyfriend!” sabay na apila nilang dalawa. Nagkatinginan tuloy sila at sabay ding nag-iwasan ng tingin.

                “Ay hindi ba. Ang tamis naman ng friendship n’yo. Sige ipagpatuloy n’yo lang iyan. In fairness bagay kayo, parang kami ni Rover, bagay na bagay. At saka, pareho kayong chocolates, masarap iyan!”

                Hinila na ito ni Rover. “Halika na, Apple, Hayaan na natin sila.”  

                Basta na lang umalis ang mga ito at naiwan silang dalawa ni Hershey na parehong natigilan. Bagay kami ni Hershey?  With that thought in her mind, she felt her heart skipped a bit. Napahinga tuloy siya ng malalim para kalmahin ang sarili.

              Hershey silently continued walking while carrying her. Hinayaan niya lang ito hanggang sa makarating na sila sa silid niya. Marahan siya nitong inihiga sa kama at kinumutan. 

                “Salamat uli, Hershey.”

                Finally, he smiled again. “Can I tell something, Kisses?” he sat on the side of her bed.

                “Sure.”

                “There are lots more ways to mend your broken heart. Acceptance, moving on, or falling to someone else are just few. You don’t have to kill yourself while working just to forget that you are hurting within. I hope this will be the last time I will see you like that.”

                A trace of worry and concern covered Hershey’s face while intently looking at her. Hindi tuloy maiwasan ni Kisses na kumontra o ipagtanggol man lang ang sarili. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Parang pinapatay niya ang sarili sa pagtatrabaho para lang makalimutan niyang broken hearted siya.

                “Salamat uli, Hershey. Pero gaya ng sinabi mo dati, easy to be said than done.”

                He held her hands. “I’m here for you, Kisses.  You can get through it. Believe me. I’m just here and will always be here for you.”

                “But you are also hurting within. Tulad ko may isang tao ring nawala sa’yo. Magkaiba man ang sitwasyon natin, pareho pa ring masakit. I know, I can see it in your eyes. Masyado ng bibigat ang emotional baggage mo kung dadagdag pa ako—”

                “Maluwag pa ang baggage ko, kasya ka pa.”

Tears fell in her eyes. Sa hindi niya mawaring dahilan, natagpuan na lang niya ang sariling bumangon sa pagkakahiga at yumakap ng mahigpit kay Hershey.

“Sige lang, iyak ka lang, Kisses. Basta pagkatapos nito, hindi mo na papagurin ang sarili mo para lang makalimutan mo siya.”

Salamat, Hershey…salamat. Sa katauhan ni Hershey ay tila nakatagpo siya ng karamay, kakampi, at taong uunawin lang siya at hindi na magtatanong-tanong pa.


ABALA si Kisses sa pag-aalis ng lahat ng alaala ni Ryan sa kwarto niya. Sa higit isang dekada nilang pagkakaibigan at pagiging mag-bestfriend marami-rami na rin siyang naipong mga kung anu-ano galing sa binata. Marami siyang bagay na tinago. Kahit isang pirasong papel, basta may bahid iyon ni Ryan, hindi niya itinatapon lang.

Ngunit dahil gusto talaga niyang makalimutan na at itigil na ang ilang linggong kadramahan niya, sinubukan niya ang payo ni Hershey— tanggalin na sa paningin niya ang kahit anong alaala ni Ryan. Kaya mula sa simpleng papel, cards, ballpen, key chain, cell phone case hanggang sa mamahaling bag, pabango,shirts, ipod at kung anu-ano pa…lahat iyon ay isa-isa na niyang kinakahon.

Nang matapos ay tila saka lang siya bumalik sa page-emote. Kailangan ba talagang matapos na ang pagkakaibigan nila? Si Kisses mismo ang gustong tapusin iyon dahil alam niyang lalo lang siyang masasaktan kapag makikita niya si Ryan sa piling ng fiancĂ©e nito. Pero habang nakikita niya ang mga gamit na nasa kahon ay tila bumalik lahat sa alaala niya ang magandang pagkakaibigang pinagsamahan nila ni Ryan. Ang mga tawanan, asaran, tulungan sa paggawa ng project, iyakan kapag nagkakaaway na sila, ang pambe-baby nito sa kanya…lahat.

Tears fell from her eyes. “Ano ba Kisses, maawa ka sa sarili mo. Tama na ang iyak ha, okay ka lang. Okay ka na. Okay ka na dapat,” sermon niya sa sarili.

Hinagilap niya ang isang unan. Muntik na ‘yong  maiwan sa ikakahon niya. Isa lang iyon sa mga naibigay sa kanya ni Ryan. Isinubsob niya ang mukha sa unan at saka ibinuhos doon ang ipinangako niyang huling batch ng luhang ibibigay niya kay Ryan. Nang sa wakas ay natapos siya sa pag-iyak ay inihagis na rin niya ang unan sa kahon.  Binuhat niya ang isa sa tatlong kahon at saka siya lumabas ng kwarto para dalhin iyon sa stockroom ng bahay.  Pababa na siya ng hagdan nang makasalubong niya ang Kuya Cholo niya. Agad nitong kinuha ang bitbit niya.

“Salamat kuya, ang gwapo mo talaga,” nakangiting bati niya dito.

“Saan mo ba dadalhin ‘to?”

Bumalik siya sa kwarto. “Diyan na lang muna sa baba kuya,” sigaw niya. Lumabas siya uli dala ang isa pang kahon na agad namang inagaw ng nakababatang kapatid na si Benson.

“Ako na ate.”

“Wuuu, walang kapalit na allowance iyan, Benson ha,” biro niya. Nasa huling taon na ito ng Orthodontics Dentistry.  Higit sa isang taon lang ang tanda niya rito.

Tumawa lang ito.  “Wala naman, ate.”

Bumalik siya sa kwarto para kunin ang huling kahon. Paglabas niya ng pinto ay nakaabang na sa kanya si Wayne at ang kakambal nitong si Melissa Katrine na tinatawag nilang Milky. 

“Ako na lang, ate.” Kinuha ni Wayne ang kahon.

“Oo nga ate, chill ka na lang,” segunda ni Milky.

Mukhang may kakaiba sa mga kapatid niya. Sa palagay niya ay napapansin na ng mga ito na may kakaiba rin sa kanya kaya ganito na lamang ang mga ito ngayon. Usually, hindi naman ganito ka-concern ang mga kapatid niya sa kanya. But lately, napapansin niyang nagiging sweet ang mga ito. Napapadalas ang pagyayaya ng kuya niyang kumain sa labas o gumimik. Ang ibang mga kapatid naman niya ay madalas nagyayayang manood ng sine at madalas na mag-text sa kanya ng mga sweet quotes.

Bumaba siyang hagdan at sumunod lang si Milky. Kinuha niya ang nakalapag na kahon.

“Kami na lang, Kisses. San mo ba dadalhin ang mga ito? Sa stockroom?”  pakli ni Cholo.

“Oo kuya.”

“Sige kami na lang tatlo ang magdadala.”

Hindi na siya umapela sa tatlong lalakng kapatid.

“Ate, di ba mga regalo iyon sa’yo ni Kuya Ryan? Nag-away ba kayo?” usisa ni Milky. Nasa huling taon na ito at si Wayne sa highschool.

“Hindi. Nasisikipan na kasi ako sa kwarto ko kaya nag-alis muna ako ng mga gamit. Next time, magbabawas pa uli ako ng gamit,” palusot niya. Hangga’t maaari, ayaw niyang malaman ng pamilya niya ang pinagdaraanan niya. Ayaw niyang makita siya ng mga kapatid, lalo’t higit ng kanilang mga magulang, na nahihirapan siya at nasasaktan. Ayaw niyang bigyan ng alalahanin ang mga magulang.

“Kisses!”

Natigilan siya nang marinig ang boses ni Ryan mula sa kanyang likuran. Oh no, this can’t be. Bakit andito ang lalaking ito? Hindi pa ako handa. She fixed her composure. She faked a smile as she turned to face her ex-love.

“Oh, Ryan. Naligaw ka ata. I thought you’re busy with business huh,” sambit niya.

“Ah, ate sige. Puntahan ko muna sina kuya. Mag-aayos kami ng stockroom,” sambit ng kapatid niya sabay exit. 

Gusto sana niyang hablutin ang kapatid niya para hindi umalis pero hindi naman pwede at lalong mahahalata siya ni Ryan.

  “Hindi naman ako busy lagi. Ikaw nga ang hirap mo ng hagilapin ngayon. Parang iniiwasan mo na ako e.”  

“Ako, umiiwas sa’yo? No, that’s a big no!” Eksaheradong sambit niya.  Echoserang palaka ang dating mo, Maria Kisses! okray naman ng isipan niya. “So anong bang atin? Medyo busy kasi ako e.”

“Iyong tungkol sana sa pagiging coordinator mo sa kasal ko. Kelan ba kami pwedeng makipag-usap sa’yo para do’n?” tanong nito.

Sa 2090, pwedeng pwede. Free sched ako no’n! Hirit niya sa isip. “Pa-schedule ka na lang sa secretary ko. And I’ll give one of my best wedding coordinator to handle your wedding preparations.”

“Akala ko ba ikaw ang mag-handle ng kasal ko?”  tila nalulungkot na sambit nito.

“Ah, pasensya ka na  Ryan kasi may malaki akong event na hahawakan e. Kasal ni Hiroshi Hotoki at ng voice talent na si Ann Janihim, at saka… iyong kay Cielo Pontez at ni Danica Urbano.” Huh? Nagkatuluyan ba sila?    Hindi pa ata nagkakatuluyan ang mga iyon ay nakaline-up na sila sa sinasabi niyang “events” na gagawin niya.

“Pero ikaw ang gusto kong wedding coordinator namin. Busy ka ba talaga o ayaw mo lang? Ayaw mo sa mapapangasawa ko?”

Hindi, ayaw na kitang makita, iyon ‘yon. “Hindi ano, busy lang talaga ako.”

“Okay. Labas tayo. Matagal na rin tayong hindi nakakalabas, nami-miss na kita.”

Por pabor, Labrador! “Ah…eh…”

“Kisses, may bisita ka!” sigaw ng kuya niya.

On cue pumasok si Hershey. As usual, nakasabi sa leeg nito ang girlfriend nitong SLR camera. May bitbit din itong bag na sa wari niya ay pagkain ang laman.  Pero kung bakit siya biglang dinalaw nito sa bahay, iyon ang hindi niya alam.

Binalingan ni Ryan si Hershey bago ito bumaling uli sa kanya. “Mukhang busy ka nga. Sige mauna na ako.”

Yes! Hershey, you’re really my hero! “ Sige, Ryan.”

Akmang lalapit ito sa kanya at hahalik sa pisngi nang sumingit si Hershey.

“Kisses!”

Ikinagulat niya ang biglang paglapit ni Hershey at ang paglapat ng malambot nitong labi sa kanyang pisngi. Muli ay sumulpot ang kakaibang kabang palagi niyang nararamdaman kapag kasama niya si Hershey.

“I brought you some food. Wanna try?” He winked.

Alam na. Nanadya lang ito. Gusto niyang matawa at the same time ay halikan din sa pisngi si Hershey sa pagliligtas nito sa puso niya.

Tila naatrasado na si Ryan. “I’ll go ahead, Kisses.”

Tinanguan lang niya si Ryan. Nang makaalis na ito ay saka niya pabirong binatukan si Hershey. “Loko ka. Pakindat-kindat ka pa. Pero pinasaya mo ako, Hershey.”

He just laughed. Ipinatong nito sa mini bar ang dalang bag ng pagkain. Iniangat nito ang SLR at as usual, kinuhanan siya nito ng picture. “Smile, Kisses.”

She did. “Ano bang ginagawa mo sa mga pictures na nakukuha mo?”

“Portfolio.”  Sinilip nito sa camera ang kuha nito sa kanya.

“Pati iyong mga pictures ko?” 

“Yup.” He smiled then he turned back to her. Natigilan ito at nawalan ng ngiti. Mabilis na iniangat uli nito ang camera at kinuhanan siya. Sa bilis, hindi niya nagawang ngumiti man lang. 

“Ano ba yan?  Stolen shot na naman, pangit na naman ako diyan,” reklamo niya.

“Your eyes,” bagkus ang sambit nito. Dumoble ang kabog ng puso ni Kisses nang haplusin ng thumb nito nag ibabang bahagi ng kanyang mata.

“Hershey…” Ano ba ang ibig sabihin ng pagkabog ng puso ko sa’yo?

“Umiyak ka na naman.” Niyakap siya nito.  “Wag mo ng pagurin ang sarili mo ha. Sana huling luha mo na yan para sa kanya. Hindi naman pogi masyado ang Ryan na iyon. Mas gwapo ako di ba?”

 Pabirong hinampas niya ito sa likod. Pero, agree siya do’n. Di hamak na mas ma-appeal si Hershey kesa kay Ryan. Napangiti tuloy si Kisses habang ninanamnam ang comfort na binibigay nito sa kanya. Natigilan lang siya nang mapansin niya ang mga kapatid na nagtutulakan sa sliding door na naghihiwalay sa lanai at sala ng bahay.  Kanina pa ata sila pinapanood ng mga ito.

“Excuse me.”

Tila napasong nagbitaw ang dalawa nang marinig niya ang boses ng kanyang ama. Paglingon nilang dalawa sa main door ay  nakatayo ang kanyang ama na kunot ang noo at ang kanyang inang tila nasa shock mode.

“Ah…Dad, si Hershey po. Siya po iyong anak ni Mr. Zyren Castillo.” 

“Good afternoon po,” sambit naman ni Hershey sa ama niya.

Ngunit hindi nawala ang  pagkakunot sa noo ng kanyang ama. “At bakit mo yakap ang anak ko?”

Nagkatinginan silang dalawa na parahong napipilan at walang maisagot. 

Sumingit na ang kanyang ina. “Sus, Choco. Halika dito, mag-facebook na lang tayo. Hayaan mo na muna ang anak mo at ang bisita niya ha.”  Hinila na ng kanyang ina ang kanyang ama.

“Pero—”

“Sige na, Choco.  Inaantok din ako at pagod sa byahe.”
 
“Ma, sama kami!”

Parang mga batang nagsisunuran sa kanyang mga magulang ang mga kapatid niya. nagkatinginan na lang silang dalawa ni Hershey at sabay na napatawa.

Iniangat ni Hershey ang SLR camera para makakuha ng picture nilang dalawa. “Say bangenge!”

“Bangenge!”

All of a sudden ay tila nabura ng presence ni Hershey ang lahat ng alalahanin niya sa buhay. 


PREVIOUS                                                    NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…