Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter Ten





Hershey felt like this day was the darkest day he ever had in his lifetime. Ang babaeng minamahal niya ay nasa likod lang niya…just few inches away but it seemed like she was a million miles in distance. Why do you have to give up me, Kisses? Ganon ba katindi ang pagmamahal nito kay Ryan kaya mas pinili nitong bumalik sa long time love nito at iwanan na lang siya?

                Nahinto ang pag-iisip niya nang dumating ang dalawa niyang kapatid.

                “Kuya, pasensya ka na at natagalan kami,” sambt ni Leiren sabay upo sa tapat niya.

                “Yes, itinakas ko pa kay Mama itong si Lei e,” dagdag pa ni Golen.

                He didn’t react. Wala siya sa mood mag-react. Hanggang sa mapansin na siya ng kanyang mga kapatid. His sister looked at him pagkatapos ay lumagpas ang tingin nito kay Kisses na nasa likod niya.

                “So anong dahilan kung bakit tayo andito sa Senang Hati?” pakli ng kuya niya.


                “We’re celebrating the art of letting go to let her be happier with someone else,” tugon niya. Batid niyang naririnig siya ni Kisses. Mabuti na yon, at least alam nito kung ano ang nararamdaman niya.

                “Aww. Pero kuya, do you still love her?”  His sister eyes was still on the girl at his back.

                “Of course.  You all know I never loved any woman more than I loved her. Malas lang siguro, hindi kami kasama sa mga hopeful promises ng mga paperback novels. We certainly have to end without happy ending. But she will always be a special girl to me. Malaking bahagi ng puso ko ang hahayaan ko lang na siya ang nagmamay-ari.”

                Nakuha ng sikat na banda on stage ang attention nila nang matapos ang senting kanta na ni-request niya.

                “Well that was entitled, Till the End of Six Part Invention. Such a sentimental love song,” komento pa ni Hamiel. “Anyway, our next song is somewhat related. Tungkol pa rin sa walang kamatayan topic about love. Napansin namin parang marami tayong couples on audience ah.” The crowd yelled for confirmation. “Kaya naman naisip namin na ilabas itong rendition namin of this heart-warming love song. Para sa lahat ng nagmamahal, whether it is a love story with happy ending or a love story that ended in a not so good way but still treasuring the feeling within, this one is for you. Loving couples out there, mga nagse-celebrate ng monthsary, anniversary…or those couples who are parting ways here…you can go on our dance floor and make your love dance. Kayo na ang bahala kung first dance nyo ito, anniversary dance, or last dance. What matters most tonight is you show your partner how much you love him or her. This is our rendition of Kapag Ako Ay Nagmahal, please welcome my loving wife, Limien Rose.”

                It was followed immediately with the piano, taking the first quarter notes of the song. Sa simula pa lang alam na ni Hershey na isang melodramatic version na naman iyon ng isang sikat na OPM at kahit ayaw niyang maapektuhan ng kanta, tumutulong pa ang senti songs sa lounge para sa pagdurog ng puso niya. Until the crowd heard Limien Rose’s sweet voice singing.

                Ibibigay ang lahat-lahat. Handa kong gawin lahat ng iyong hiling sukli man ay sugat sa puso. Karamay ka sa hirap at saya. Masaktan mo man damdamin ko  ako’y nandyan pa rin sayong tabi…

                 Napailing si Hershey habang nakikita niyang unti-unting napupuno ang dance floor ng mga couples. He knew he had to try again. Ini-offer niya ang kamay dito. Nang hindi nito abutin ang kamay niya at tumayo na siya para hingin ang kamay nito ng ayos. “Kung minahal mo ako kahit katiting lang sa dalawang buwan ng relasyon natin, papayag kang isayaw kita.” Malungkot na tinanggap nito ang kamay niya.

                Pinipigilan lang ni Hershey na maging emotional. Kisses was not just a girlfriend. They had more than a typical couple relationship. There are lots of times that their souls became one. Isa iyong napakalaking dahilan para ipagsigawan sa mundo kung gaano niya ito kamahal.

                Nakarating sila sa dance floor. Niyakap niya ito. He let her head rested on his chest while his left hand was embracing her back and his right was holding her free hands firmly. Then they slowly swayed. Unti-unti, nagkaroon muli sila ng sariling mundo kung saan walang ibang tao kundi sila at walang ibang ingay kundi ang tibok ng kanilang mga puso.

                “You are really stupid, Hershey. Niloko kita, hindi mo ba nakikita iyon? Why do you have to hurt yourself over and over?” tanong nito.

                “Hindi ka manloloko, Kisses. Nagdesisyon ka lang at naiintindihan ko lahat. Kung saktan ko ang sarili ko dahil patuloy kitang minamahal, kasalanan ko na iyon. Yeah I have choices. Pwede kitang kalimutan, pwedeng magalit na lang ako sa’yo, pwedeng ibaon kita sa limot. But I opt not to choose on those options. Mas kampante akong mahalin ka at hintayin ka.”

                “Paano kung hindi na ako bumalik sa’yo?”

                “Masaya ako kung mapapasaya ka niya higit sa nagawa ko,” tugon niya.

                Sa’yo lamang iikot aking mundo. Sa aki’y balewala, sasabihin ng iba basta’t alam ko mahal kita…

                   Tahimik na sumayaw sila. They were both breaking their hearts inside but trying to show how strong they were outside. 

                “Basta tandaan mo Kisses, mahal na mahal kita. At maghihintay ako sa’yo. Kahit gaano katagal,” he whispered on her ears.

                Kapag ako ay nagmahal umiyak man ako, hindi ko ito ikakahiya. Handa akong magtiis, hindi ka man maging akin…lahat ng ito’y gagawin…kapag ako….kapag ako ay nagmahal….  

                She didn’t say anything. In his mere surprise, bigla itong kumawala sa pagkakayakap niya. She gave him a quick kiss on his lips and then she turned around and walked away.

                Iyon na ang huli nilang pagkikita.


                FEW WEEKS later. Matamang nakatitig lang si Kisses sa dalawang teddy bear na nasa mesa niya. She lazily rested on the table. Inihilig niya ang ulo sa mesa at ang kanyang mga braso ang nagsilbing unan niya. She’s not feeling well…physically and emotionally. Ilang araw ng mabigat ang pakiramdam niya kahit wala naman siyang lagnat.

                She sighed as she kept on staring on those teddy bears that were named after her name and Hershey’s. Kinuha niya ang dalawang bear at pinaglapit. “Did I make a right decision?”

                Ilang araw na ang lumipas ngunit buhay na buhay pa rin sa alaala niya ang huling pagkikita nila ni Hershey. Wala itong alam sa desisyon niya. Ang buong akala nito ay sumama siya kay Ryan.  “Pwede nga ba akong bumalik sa’yo para itama ang lahat?” Ilang araw na rin siyang nag-iisip pero wala siyang makuhang tamang desisyon. “Lord, kung para ako kay Hershey, kung talagang kami ang nakalaan sa isa’t isa…give me a sign Lord please.”

                “Titaaaaaa!” Korong tawag sa kanya ng dalawang bata. Bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto niya ang mga anak ng Kuya Cholo niya. Brian and Nica were her kuya’s adopted children. Nang magpakasal ang kanyang kuya sa makulit niyang sister-in-law na si Erika na empleyado nito sa Zeus-Apollo, tuluyan na nilang inampon ang dalawang bibong bata na ito na inaalagaan na ng kuya niya sa bahay ampunan noong binata pa ito.

                Pansamantala, nanuluyan siya sa bahay ng kuya niya sa Los Baños. Iniwan na naman niya ang buhay niya sa Manila. Naunawaan naman siya ng pamliya niya kaya ang kuya Cholo niya ang pansamantalang sumisilip-silip sa iniwan niyang negosyo. All of a sudden, ayaw na muna niyang magtrabaho, lumabas ng bahay, at maging masaya.

                “Yes cute babies?” baling niya sa dalawa.

                Nakangiti ang dalawa. “Tawag po kayo ni Daddy,” sambit ni Nica. Tatlong taon pa lang ito pero madaldal na.

                “Kakain na po!” dagdag ni Brian na four years old na ngayon.

                Instantly, malaki na agad ang pamilya ng kuya niya lalo na ngayon, limang buwang buntis ang misis nito.

                Yumuko muna siya. “Kiss nyo muna ako!” Walang alinlangan na ginawaran siya ng mga pamangkin niya ng tig-isang halik sa magkabilang pisngi. Tumayo na siya at inaya ang mga bata. Nang makalabas ng pinto ng silid niya ay tila may sariling mundo na ang dalawang bata na nag-unahan pang makarating ng kusina. “Hey, careful babies!”

                Sumunod na rin siya sa kusina. Inabutan niya ang kuya niya at ang asawa nito. Masama ata ang pakiramdam ng misis nito. Nakaupo ang dalawa sa may hapag at nakahilig ang ulo ni Erika sa balikat ng kuya niya. Nakayakap naman ang braso ng kuya niya sa asawa nito.

                “Any problem kuya?”  Her brother looked like bothered.

                “Nag-spotting kasi siya tapos eto na masama na naman ang pakiramdam,” tugon ng kuya niya.

                “Okay lang ako, Cholo. Kailangan ko lang ng pahinga sabi ng doctor. Wag ka ng mag-alala sa akin. Pumapangit ka baka pumangit din ang anak natin. Ikaw pa naman ang pinaglilihian ko,” pabirong sabat ni Erika pagkatapos ay binalingan siya. “OA talaga itong kuya mo ano? Sige kumain ka na.”

                Umupo siya sa hapag ngunit tila wala pa rin siyang ganang kumain. It is more like nasusuka na naman siya nang maamoy ang pinakbet. Nagtataka siya, paborito pa nga niya ang pinakbet pero tila hindi tipo ng pang-amoy niya ngayon ang gulay.

                “Mukhang ikaw ang may problema, Kisses,” pakli ng kapatid niya.

                “Ha?”

                “May sakit ka ba? Matamlay ka. At unusual na hindi mo pansinin ang pinakbet.”

                “Masama nga kuya pakiramdam ko mga 3 days na. Nasusuka ako, nahihilo at mabigat ang katawan ko pero nawawala din naman.”

                Nagkatinginan ang  mag-asawa. Pagkatapos ay binalingan siya.

                “Bakit?”

                “Kisses, nagchuchu ba kayo ni Hershey?” tanong ni Erika.

                “Ha? Anong nagchuchu?” natatawang tanong niya. Ngunit bigla siyang natigilan nang may na-realize siya. Homaygulaylicious! Delayed na ako ng higit isang buwan! “Patay!” Kung makumpirmang buntis nga siya, anong gagawin niya?

                “Have a pregnancy test, sis.”

                Matapos kumain ay pinag-isipan niya ang realization na yon. Kinabukasan ay nag-take siya ng pregnancy test kit. Bumilis ang kabog nang puso niya nang makita ang dalawang guhit… buntis nga siya. Agad siyang nagpunta sa doctor at nakumpirmang anim na linggo na ang baby sa sinapupunan niya. Ngayong kumpirmado na, wala na siyang dapat pag-isipan pa. Hershey deserved to know that he’s going to be a father soon. Ang baby sa sinapupunan ni Kisses ang tinuring niyang sign na hiningi niya kay Lord. Ang sign na magdadala sa kanya pabalik sa nag-iisang lalaking minahal niya ng lubos. 

                Lulan ng kotse ng kanyang kuya na nagmagandang-loob na ipagmaneho siya pabalik ng Maynila, sinubukan niyang tawagan si Hershey. Kabado at excited siya. God gave the sign already. Wala na siyang takot na nararamdaman di tulad ng dati. Handa siyang tanggapin ang consequence na pakikipagbalikan niya. Ngunit ilang ring na ay wala pa ring Hershey na sumasagot. Laglag ang balikat niya nang tinigilan na niya muna ang pagtawag dito. Dalawa lang naman ang dahilan, maaaring ayaw nitong sagutin ang call o baka nasa kitchen ito at abala sa pagluluto.

                “O, san kita ihahatid? Sa bahay ba?” tanong ng kuya niya.

                “Sa Neryz Ennael na lang kuya.”

                “Sigurado ka na ba?” 

                “Oo kuya.” Few minutes more, nasa hotel na siya. She kissed her kuya’s cheeks. “Salamat kuya kong gwapo.”

                “Pag hindi ka pinanagutan ng lalaking iyon, sabihin mo sa kanyang magtago na siya sa saya ng nanay niya ha.”

                Pabirong binatukan niya ito. “Hindi nagsasaya si Tita Leanne,” pabirong tugon niya dito bago siya tuluyang bumaba ng kotse.

                 Bumuntong-hininga siya. Nag-iisip na siya ng sasabihin kay Hershey nang makita niya ito. Papasok ito sa restaurant. Sinundan niya ito. Wala pa siyang lakas ng loob kaya sinundan lang niya ito at hindi niya muna tinawag. Natigilan lang siya nang makita kung sino ang sumalubong dito sa loob ng restaurant. There inside was Jowi Andres with her son. Mula sa glass wall ay kitang-kita niya ang magiliw na pag-kiss ni Hershey sa pisngi ng nakangiting si Jowi. Binuhat din nito ang bata at nagtungo na sila sa kitchen area. Sa isang iglap, gumuho ang katiting na pag-asang naaninag niya. She’s late. Mukhang may iba ng nagpapasaya dito.

                Ura-uradang nagbago siya ng plano. Hindi na niya kailangang bumalik pa kay Hershey dahil masaya na ito sa ibang babae. Napahinto siya nang maalala ang baby sa tiyan niya. Patuloy na kumukulit sa isip niya na karapatan ni Hershey na malamang magkakababy sila. But…she’s not that stupid to ruin his happiness again. Naalala niya ang teddy bear. At bigla siyang nakaisip ng idea.


                “YOU KNOW what, Hershey? I have a better idea.” Jow grinned.

                “About what?” tanong naman ni Hershey habang nilalagyan ng icing ang mini-cake na ginagawa niya para sa anak ni Jowi.

                Bumalik ng Maynila si Jowi dahil malapit na rin itong bumalik sa US. Bilang regalo, nangako siya sa mag-ina na tuturuan niya si Jowi kung paano gumawa ng masarap na mini-cake.

                “About your paperback-like love story with Kisses.”

                Napaangat siya ng tingin mula sa ginagawa. “What’s on your mind?”

                “You are now an exemplary chef. It’s time for the world to see the artist side of yours.”

                “You mean my photography? Ano namang kinalaman ni Kisses do’n?”

                “What if I sponsor your first photo exhibit?” She winked.

                The idea sinked into his brain. A photo exhibit wherein he could tell the world how much he loved his photography subject.  Ngunit nang maisip niyang wala na nga pala siyang lugar kay Kisses dahil sumama na ito kay Ryan ay napailing na lang siya. “It won’t work. Nakapili na siya at minalas lang na hindi ako ang pinili.”

                “Hershey, ang sarap mong sapakin. Alam mo ba yon? Pwede ba kahit ngayon lang, matuto ka ngang ipaglaban ang babaeng minamahal mo. Kaya ako nawala sa’yo noon e. Wag mo ng ulitin ang pagkakamali mo sa akin. This time, it’s not a young love anymore. Panghabambuhay na ang pinag-uusapan dito. Kung ako sa’yo, gagawa ako ng paraan para makuha ko siya. Walang mali ro’n kasi nagmamahal ka. Go and fight for her.”

                Ang usapan nilang iyong ni Jowi ay laman pa rin ng isipan niya kahit ilang oras ng expired iyon. Ilang oras na ang nakakalipas ngunit ang huling sinabi ni Jowi ay tila orasyong malinaw na nagpapaulit-ulit sa isipan niya.  Duwag nga ba ako?

                He sighed. Bagsak ang balikat niya nang pumasok siya sa office at umupo sa swivel chair. Ngunit bigla siyang natigilan nang makita niya ang familiar na teddy bear na may dog tag. Sinipat niya ang teddy, it was named Kisses. may maliit na note na nakadikit dito.

                Darating din ang araw na magpapaalaga akong muli sa’yo, Hershey. Sa ngayon hahayaan kitang maging masaya sa kanya…

                He grabbed his cellphone at doon lang din niya nakita na may 3 siyang missed calls mula dito. Isa lang ang ibig sabihin no’n. Bumalik na si Kisses, may pag-asa na siya. Dala ang teddy bear ay agad siyang lumabas ng opisina at nagpunta sa reception area.

                “Nakita mo si Kisses?” tanong niya sa receptionist. Since she was his girlfriend, most of his employers knew Kisses well.  

                “Kaaalis lang po Sir, mga fifteen minutes po.”

                Agad siyang lumabas ng hotel ngunit hindi niya makita sa paligid si Kisses. Pumunta siya sa parking lot at agad na sumakay sa kotse niya. Tama si Jowi, he needed to fight for her and he was determined to win her back.  While driving, sinubukan niyang tawagan ito ngunit ring lang ng ring ang phone nito at walang sumasagot sa kanya.

                Ang opisina ni Kisses ang una niyang tinungo. Ngunit ang kuya nito ang naabutan niya roon. Kumunot pa ang noo ng kuya nito nang makita siya.

                “What brought you here? Inihatid ko sa hotel si Kisses ah,” nagtatakang tanong ni Cholo.

                “Hindi kami nagkita? Saan ko siya makikita?” tanong niya dito. Parang pinaglalaruan sila ng tadhana. Hanggang kelan matatapos ang habulan nilang dalawa?

                “Wait.” Cholo grabbed the cordless phone and dialed a number. “Maria Kisses, nasaan ka ba? Hinahanap ka ni Hershey—what? What the hell—Kisses?” Lalong kumunot ang noo nito nang balingan siya. “Wag daw muna ngayon, bro. Nakita ka daw niya with someone else and you look happy—“

                “Jowi is just a friend and she’s living the country and going to be re-married with her ex husband. All along, bro…I’m waiting for your sister to clear her minds and go back to me. Bakit kailangan niyang tumakbo uli? Tell me, nasaan ba siya?”

                Umiling si Cholo. “Sorry, bro. Kung ayaw ng kapatid ko, wala rin akong magagawa.”

                Dismayadong lumabas siya ng Dernadez Events Services. Pero hindi ito ang oras para mag-give up. Sinunod niya ang bahay nina Kisses. Ang ama nito ang humarap sa kanya.

                “Siguro nga matatanda na kayo para pakialaman pa ng mga magulang. But you can’t blame me. I’m a father. Just few words young man, if you really love my daughter, let her do what she wants. Just be patient and wait.”

“But Sir…” Pinakita niya dito ang teddy bear. “She went back to me…then suddenly she changed her mind without even facing me. I can’t—“

“Wait, young man…” sansala ni Mr. Choco. A pair of eyes of a loving father looked at him. “I know, you love her. I know you will do anything for her. But we have to wait until Kisses makes up her mind.”

“Okay then, Sir. I understand. Thank you po,” malungkot na tugon niya. Tumalikod na siya at naglalakad na palabas ng gate ng bahay nang tawagin uli siya nito.

“Young man, you will always be welcome here, anyway.”

Ngumiti siya. Salamat po, Sir.”

Second failure. Sumakay siya ng kotse at nag-isip kung saan maaaring makita si Kisses. Wala talaga sa kanyang makakapigil. Until Baguio popped his mind.

Unexpected road trip going Baguio. Tiniis ni Hershey ang gutom pati na rin ang pagkabagot sa mahabang byahe. Ang mahalaga ay makarating siya ng Baguio. After long hours of land travel, narating niya ang bahay ni Kisses sa Baguio. Sarado ang bahay. Good thing he still have the key.

“Kisses alam kong andito ka lang. Ito ang sanctuary mo di ba? I’m here, Kisses. Please let’s talk.” But one was in there. Nilibot niya ang buong bahay. Walang tao at walang indication na may tumira doon sa mga nakaraang araw. Pinuntahan niya ang kwarto ni Kisses. Their treasured memories were still there. The hanging photos, their sweet moments…lahat.

Out of too much frustration ay naupo siya sa kama. He wanted to shout. He wanted to blame no one. He wanted to ask the reasons why these things were happening to them. “Nasaan ka na ba, Kisses?” He tried to call her again but the line was already unattended.

He sighed. Then he remembered what Jowi said. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Jowi. “I made up my mind. Pumapayag na ako sa offer mo.”

“Good. Let’s talk about the details as soon as possible. Buti naman nauntog ka na,” Jowi replied.

Gagawin niya ang lahat para makuhang muli si Kisses. Lahat ng paraan ay susubukan niya. Kahit pa magsimula sa simula, handa siyang manuyong muli. At kahit pa makipag-agawan kay Ryan…gagawin niya. Because he knew, he will never fall in love again unless it was with the same woman. 




PREVIOUS                                                              NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…