Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter Six




“Good morning, Baguio!” masayang anas ni Kisses nang magising siya bandang alas-sais ng umaga. Masaya na siya dahil nakapagbakasyon na siya ngayon ng tahimik at malayo sa alaala ni Ryan at saka, okay na sila ni Hershey.

                The first thing she did is to search for Hershey. Kung hindi pa ito gising, pagkakataon na niya para ito naman ang ipaghanda ng agahan bilang pasasalamat. Ngunit pagdating niya sa kusina ay natagpuan na naman niya ito sa may gas stove at abala na naman sa pagluluto.

                Wow naman ang Chef na ‘to. Hindi na tumigil sa kakaluto.

                Hindi na muna niya ito inistorbo. Tahimik na pinanood niya ito habang abala sa pagigisa ng gulay para sa sinangag. Pamilyar kay Kisses ang bango ng fried rice na iyon. Paborito rin niya kasi ang specialty fried rice ni Hershey sa hotel and resto nito.

                Habang naggigisa ay inabot nito ang remote sa ibabaw ng ref at nag-turn on ng sound system. Isang Bruno Mars song ang pumailanlang sa buong bahay. 


                It’s a beautiful night. We’re looking for something dumb to do. Hey baby, I think I wanna marry you.

                At first, Hershey was slightly swaying his head while still cooking.  Nagulat na lang si Kisses at nagpigil tumawa nang sumayaw na ito na wala sa timing at sinabayan ang kanta. “Don’t say no no no no no. Just say yeah, yeah, yeah, yeah, yeah, And we’ll go go go go go. If you’re ready, like I’m ready. ‘Cause it’s a beautiful night. We’re looking for something dumb to do. Hey baby, I think I wanna marry you…”

                Buti na lang at magaling itong kumanta, dahil kung nagkataon baka makatawa si Kisses ng sobrang lakas.  Habang sumasayaw sa sarili ata nitong ritmo ay napabaling ito sa direksyon kung saan siya nakatayo. Bigla itong naistatwa sabay about face.

                Napangiti si Kisses. She clapped her hands. “Kaya pala sumasarap ang luto ni Chef Hershey. May kasamang sing and dance concert.”

                “A-are you praising me or making fool of me?” tanong nito nang hindi siya nililingon. Hinahango na kasi nito ang  sinangag.

                “Of course, praising you. Marunong ka palang kumanta. Bumu-Bruno Mars pa. Ikaw na ang super talented, Hershey.” Kinuha niya ang serving plate ng sinangag para ilagay sa mesa.

                “Careful. Medyo mainit iyan,” nakangiting paalala nito.

                “Sure I will.”  Inilapag niya ang sinangag sa mesa. Sumunod ito sa kanya bitbit ang fried bacon and eggs. Pinagtulungan nila ang paghahain sa lapag hanggang sa mapansin niya ang tinapay na huli nitong nilapag sa mesa bago sila naupo. Loaf bread na may chocolate bits ang mga ‘yon. “Can I have one of that?”  pa-cute na tanong niya.

                Tumawa lang si Hershey at iniabot sa kanya ang isang slice ng loaf bread. “Ikaw talaga, nakakita ka lang ng chocolate, balewala na ang iba ano?”

                “Mismo,” she agreed. “Grabe, the best! Salamat uli sa masarap na agahan, Hershey. I bet napakaswerte ng mapapangasawa mo. Dapat mahilig kumain iyon para sulit ang masasarap mong recipes—”

Isang camera flash ang tugon nito sa kanya.   She laughed and made some crazy poses with the bread and rest of the foods on the table.  Nang magsawa ay sinipat nito ang mga shots.

                “You’re really cute on camera shots,” sambit nito. Nagsimula na silang kumain ng agahan.

                “Sa camera lang?” pabirong tanong niya.

                “You’re more beautiful than cute with naked eye.”

                Waah, ang sarap mong kasama Hershey. Kahit bolahin mo ako, papabola talaga ako! She just smiled. Hindi niya na matandaan kung kelan nagsimula ngunit habang patagal ng patagal nararamdaman niyang  gustung- gusto ng puso niya ang mga pambobola nito. “Ahm, pwera biro talaga. Dapat mahilig kumain ang mapapangasawa mo. Sarap talaga e. For sure, hinding-hindi ka pagsasawaan ng mapapangasawa mo pag nagkataon.”

                “Ikaw.”

                “Ha?” Ako ba gusto mong mapangasawa? I like food so much, I like you too.

                “Ah, I mean ikaw? Ano bang type mong mapangasawa?” tanong nito.

                Ay, toinks lang pala. Pati siya ay napaismid sa sarili niyang may pagka-assuming. Akala pa man din niya ay naaakit na niya si Hershey. Wait a minute, bakit ko iniisip akitin si Hershey? Her heart answered her silent question with a fast heart beat.

                Sumubo siya ng pagkain at ini-straight ang isang basong tubig.

                “Okay ka lang Kisses?” tanong nito.

                “Ah, oo naman.”

                “So anong sagot mo sa tanong ko?”

                Ano ngang tanong mo? Hinalukay pa niya sa isip niya ang hanging question nito. “Ah, ako kasi…” She paused for a while to imagine her ideal hubby. “Basta mahal ako, naiintindihan ako, hindi ako sasaktan, hindi ako iiwan…okay na ako don.” Before, her definition of future hubby is somewhat like Ryan. Pero ngayon, sa hindi niya mawaring dahilan, imahe na ni Hershey ang nakita niya sa imagination niya. Binalingan niya ito. He was just serious while eating and listening to her. “Ayun, hindi naman ako mapili. Ang gusto ko lang, mahalin ako ng totoo.”

                “Ako.”

                “Ha?” maang na baling niya dito.

                “Ah, ako…ako naman. Ang gusto ko, parang ikaw. Simple lang, masayahin, matapang…mapagmahal.”  

                “Mapagmahal?” Tila dinoble ng papuring iyon ang bilis ng tibok ng puso niya.

                “Sa sobrang pagmamahal mo sa magulang mo, ayaw mo silang masaktan. Sa pagmamahal mo kay Ryan, a part of you don’t want to hurt him. Ni hindi mo nga sinabi sa kanya ang tunay mong nararamdaman di ba?  I admire the way you handled every situation. And I admire how you admit to me how you really feel. You know how to conceal yourself, and you know when to admit that you’re fragile too.”

                Napangiti siya. She looked at him with a thankful smile. “Hindi ko alam, ganyan pala ako until you said it to me.  Which reminds me to thank you for everything you did.”

                “Wala pa akong nagagawa. Ni hindi pa nga kita natutulungang makalimutan siya.”

                Umiling siya. “Sinabi ko na kalimutan mo na ‘yon. Okay na sa akin na andito ka para pagtyagaan ang kalokahan ko.”

                “I won’t let you fall in love with me just for you to forget him. I have a better suggestion on how you can move on.” He winked.

                “Ano naman iyan?”

                “Willing ka bang patulan?”

                “Kung hindi yan kalokohan, papatulan ko.” She laughed.

                “Okay then. Ano bang nawala sa’yo dahil sa nangyari?” tanong nito.

                Huminto siya sa pagsubo at napaisip. “Well, I lost bits of my self-confidence. Nagkaroon ako ng insecurities dahil sa feeling ko may mali sa akin o kulang sa akin kaya ako hindi nagustuhan ni Ryan.  May feeling ako na parang bumaba tingin ko sa sarili ko. Para ding nakalimutan ko atang mahalin ang sarili ko. Just because I loved him, okay lang masaktan ako, wag lang siya,wag lang niya malaman na minahal ko siya.”

                “Did it change your perception about love?”

                “Partly yes, partly no. Yes, kasi wala naman atang taong nasaktan sa love department ang hindi maapektuhan ang views about love. But in my case, it’s just partial. I still believe in true love and such. Whenever I see my parents lovingly showing their affection with each other despite of their ages now and whenever I see my kuya lovingly taking good care of his fiancée, my false belief about guys will just hurt girls are being washed away. Bumabalik ako sa hopeful feeling na someday, I’ll find my right man too.”

                “You will surely find your right one. Just be patient.”

                “I know. So… anong iniisip mong dapat kong gawin?”

                “Easy to be said but I know these may not be that easy to do. We will regain your self confidence and do something to love your self much better.”    

                The idea was brilliant as if she was talking to her guidance counselor. “Tutulungan mo ako?”

                “Sure.”

                Natapos na nila ang agahan at nag-volunteer si Kisses na siya naman ang maghuhugas ng pinggan.

                “Marunong ka ba niyan?” tanong nito.

                “Kahit may housemaid sa bahay, marunong ako sa gawaing bahay ano. Marunong akong maglinis ng bahay, maglaba, mamalantsa at marunong din akong magluto. Hindi lang kasing magical ng cooking hands mo,”  tugon niya. True indeed, kahit lumaki silang magkakapatid na may mga kasambahay, hindi nagkulang ang kanilang mga magulang na turuan silang mamuhay ng simple lamang at may alam sa ordinaryong gawain sa buhay.

                “O, kung ganyan, pwedeng-pwede ka rin naman palang mag-asawa na.”

                “Oo, kaso Malabo pa yon. Una wala naman akong pakakasalan. Pangalawa, ang Daddy ko over sa over sa pagka-OA. Nabiktima ka na nga di ba? Feeling ni Daddy, hindi lumalaki mga anak niya. Baby  pa rin kami hanggang ngayon,” kwento niya habang  naghuhugas ng pinggan. “But if right man comes, magpapakasal talaga ako.”

                “That’s the spirit.”

                 “Yes.” Natigilan silang dalawa nang muling magplay-in sa built in sound system ng kusina ang Marry You ni Bruno  Mars. Binalingan niya ito pero umiwas lang ito ng tingin na tila nahihiya sa kung anumang nasaksihan niya kani-kanina lang. Isang kalokahan ang naisip niya. “Hershey…”

                “Don’t ask me to sing and dance again, Kisses. Please, I’ll do anything but not that one.”

                Tumawa siya. ”May lahi ata kayo ng manghuhula e. Sige na, ituro mo sa akin ang steps mo kanina dali!” Hinila niya ito sa tabi niya sa tapat ng lababo.

                Napakamot ito sa ulo. “Kisses naman e!”

                “Sige na!” Pinilit niyang gayahin ang steps nitong wala sa timing para patunayan dito na hindi niya ito pinagtitripan. “Sige na…”

                Napilitan si Hershey na sumayaw na rin. Maya-maya pa, para na silang dalawang baliw na kumakanta at sumasayaw sa kusina. Iba-ibang variations ng mga steps na wala sa timing ang pinaggagawa nila habang pumapailanlang sa buong bahay ang magkahalong boses ni Bruno Mars at kanilang tawanan.


                KISSES was busy on her grocery thing. It has been 2 weeks since she escaped from her heartbreak era. Sa mga sumunod na araw ay tinulungan siya ni Hershey na pulutin ang shattered pieces ng kanyang pagkatao. He made an effort to collect her achievements. Nagulat na lang siya na kinabukasan pagkatapos ang makulit nilang araw kapiling ang Marry You ni Bruno Mars ay nagawa nitong kolektahin lahat ng mga achievements niya mula pagkabata hanggang ngayon. Malaking bagay at kahit iyong maliliit, iyong may kinalaman sa schooling at trabaho hanggang sa mga personal achievements niya. He made a list and photos compilation regarding that.

                Binigyan siya nito ng tamang oras mag-isa para balikan lahat ng mga bagay na iyon. And she was more than thankful that he did that effort just to help her. Parang bumalik siya sa past niya. Kasamang bumalik din sa kanya ang mga alaalang associated sa bawat achievements niya.

                Di naiwasang makasama sa mga alaalang iyong si Ryan. Sa lahat ng past achievements niya, walang ibang kaibigan ang sumuporta sa kanya na kasing tindi ng suportang ibinigay sa kanya ni Ryan. Ang ibang achievement pa nga niya ay katuwang niya ito sa tagumpay.

                Hindi na siya  masyadong nasasaktan pag naaalala niya si Ryan. Bagama’t may konting hurt feeling pa rin, hindi na siya katulad dati na awtomatikong pumapatak ang luha niya kapag naaalala niya ang pagkabigo dito. Marahil, unti-unti na ring naghihilom ang sugat sa puso niya.

                She also finally got the courage to set a specific date.  Sabi ni Hershey kailangan daw niyang magtakda ng isang date na magiging target niya. Dapat pagdating ng araw na iyon, buo na uli siya. Hilom na ang sugat. At higit sa lahat, kaya na niyang harapin si Ryan na hindi talaga nasasaktan.  

                Nagdesisyon na rin siya na umuwi sa sariling rest house pagkatapos ng session nila tungkol sa  pag-regain niya ng confidence sa sarili.  Hindi naman kasi magandang tingnan na nakatira sila sa iisang bahay. Hindi naman sila mag-boyfriend at hindi naman sila nagtanan. Sa ngayon ay dumadalaw araw-araw si Hershey sa kanya pagkatapos nitong magtrabaho sa isa sa mga branches ng Neryz Ennael sa Baguio. Minsan naman ay siya ang dumadalaw dito. They were like exclusively dating couple. Pero alam ni Kisses, imposible iyon sa kanila.  Ilang araw din silang magkasama sa iisang bahay ngunit ni katiting ay hindi niya ito nakitaan ng special attention sa kanya maliban sa friendly attention na binibigay nito.

                Patapos na siya sa grocery niya nang mapadaan siya sa toy corner ng all in one grocery store. May napansin siyang twin bears. Dalawang identical teddy bear iyon, kulay tsokolate at isang dangkal lang ang laki. Isang tao lang ang naisip niya nang makita niya iyon…si Hershey. Dinampot niya ang kambal na bears at isinama sa mga pinamili niya.

                Matapos mag-grocery ay nagpunta siya sa souvenir shop para humanap ng dog tags para sa teddy bear.  Pinalagyan niya ng pangalan nila ni Hershey ang dalawang dog tags. Papalabas na siya ng establishment nang mag-ring ang phone niya. Her heart skipped when Hershey’s name registered her phone.

                “Hello, Chef cute!” sagot niya rito.

                Mahinang tumawa ang nasa kabilang linya. “Ikaw pala ang bolero sa ating dalawa e. Saan ka?” mahina ang boses nito na tila pagod at walang energy.

                “Nag-grocery lang ako. Dumaan ka sa bahay?” 

                “Yeah, walang tao kaya umuwi na lang ako.” Rinig niya ang malalim nitong paghinga.

                “Hershey, bakit ganyan boses mo? May sakit ka ba?”

                “Hmm, ata. Basta mabigat katawan ko kaya umuwi na lang ako. Plus, my head is aching like hell.”

                “Ha?” Bigla siyang nag-alala dito. “Humiga ka lang diyan ha. Pupuntahan kita.” She cut the call.  Nagmadali siyang sumakay ng kotse at nagmaneho papunta sa bahay nito.


                HERSHEY felt like his head will break into pieces any moment. Inaatake siya ng migraine. Sa sobrang sakit ng ulo niya hindi na niya magawang bumangon pa para humanap ng gamot. This is one of his weaknesses. Ito rin ang bagay na madalas kinakatakot ng magulang niya. Whenever migraine attacked on him, it was always in severe cases. Natatakot din siya para sa sarili niya minsan. Mabuti na lang at ini-assure ng doctor niya na wala siyang sakit sa brain. Migraine from too much stress and changing weather lang ang dahilan kung bakit siya inaatake ng migraine.

                Pagkauwi niya ay mas lalong tumindi ang sakit ng ulo niya na tila hindi tinablan ng paracetamol na ininom niya sa hotel.

                Kumirot ang ulo niya. Ni hindi niya alam kung paano maaalis ang sakit. Definitely, he needed pain relievers. Iyon nga lang, wala siyang nadalang gamot nang bigla siyang mapapunta ng Baguio dahil kay Kisses.

                Ang dalaga ang last resort siya. Kapag dumating na ito ay makikisuyo siya sa pagbili ng gamot. Gagawin na sana niya iyon kanina ngunit bigla na lang nitong pinutol ang tawag niya. He tried to call her back but she was no longer answering the call. Marahil ay nagda-drive na ito papunta sa kanya.

                Bumuhos ang malakas na ulan. Hindi siya makatayo sa kama para isara ang bintana. Kaya ang lamig na nararamdaman niya ay lalong nadagdagan dahil sa pag-ulan. Bad trip ng weather ‘to ah. Ang init- init lang kanina!

                “Hershey….” Agad na pumasok ng kwarto niya si Kisses at dinaluhan siya.  Agad nitong sinalat ang noo at leeg niya. “Wala kang lagnat ah.”

                “W-wala nga pero masakit ang ulo ko.”

                Tumayo ito at isinara ang mga bintana sa kwarto niya at muling bumalik sa kanya. “Migraine?” He nodded. Hinilot nito ang sentido niya at noo. “Wait a minute.” Lumabas ito ng kwarto niya at pagbalik nito ay may dala na itong basin na may warm water.  Binuksan nito ang cabinet sa bedside table.

                “Anong hinahanap mo?”

                “Eucalyptus, lavender, peppermint…any of it. Meron ka ba?”

                “Massage oils?”

                “Yeah.”

                “Dito sa kabila.”

                Agad itong pumunta sa kabilang side ng kama at binuksan ang bedside table. Nang makita nito ang hinahanap ay binalikan nito ang bed side table kung saan nito ipinatong ang basin.  Binalingan naman nito ang cabinet niya. “Saan dito ang face towels? Baka briefs lang makita ko e,” natatawang tanong nito.

                Natatawa din siya sa out of the blue na tanong nito pero hindi siya makatawa dahil sa sakit ng ulo niya. “Kisses, wag kang magpatawa. Wag ngayon, maawa ka. Sa left drawer ang face towels.”

                Agad itong kumuha ng towel. “Sorry naman.”  Nilagyan nito ng Eucalyptus oil ang tubig  pagkatapos ay nilublob nito angang face towel doon. Piniga nito ang tuwalya at inihilot sa ulo niya. The aromas made by the Eucalyptus oil made him feel better. Nakatulong iyon para maibsan kahit konti ang pagsakit ng ulo niya. “Nakainom ka na ba ng gamot?”

                “Oo sa hotel pero, isang oras lang umepekto. Masakit na uli ulo ko.”

                “Sobrang sakit ba? Dalhin kita sa hospital?”  Bakas sa mga mata ni Kisses ang pag-aalala sa kanya. Lihim niyang ikinatuwa iyon. Ngayon ay nakita niya ang caring side nito.

                “No, I just need meds,” he said with a smile.

                “Ano bang gamot ang iniinom mo?” He gave her the generic medicines that his doctor recommended him for his migraine attacks. “Wait there, ibibili lang kita ng gamot.”

                “Salamat, Kisses. Mag-iingat ka at malakas ang ulan. Wag ka ng lalayo at baka magka-landslide pa. Masyadong delikado.”

                “Oo sige. Iyang towel wag mong aalisin sa ulo mo iyan.”

                “Opo.”

                “Good.”

                Umalis uli ito at wala siyang ginawa kundi ang maghintay lang.  Thanks to the eucalyptus aroma, gumaan at na-relax siya kahit papaano. Nakatulog din siya. Bigla lang siyang naalimpungatan nang mahulog mula sa ulo niya ang basang face towel. Nagawa na niyang bumangon. Inilublob muli niya ang tuwalya sa basin. Humiga siya uli at ipinatong sa ulo niya ang basang tuwalya. Nang mapagawi ang kanyang mga mata sa orasan ay saka lang niya napansin ang oras. Higit sa isang oras na nang umalis si Kisses at hindi pa ito nakakabalik. Nag-alala na siya dito. Malapit lang ang botika, bakit ito nagtagal ng ganon?

                He grabbed his phone and dialed her number. Nadagdagan ang pag-aalala niya nang marinig ang cellphone ring nito. Naiwan nito ang cellphone sa bedside table. Nasaan ka na Kisses?
                Kahit masakit pa din ang ulo at mabigat pa rin ang katawan, pinilit niyang bumangon. Lumabas siya ng kwarto, pumunta sa kusina at kumuha ng payong. Kahit masama pa ang pakiramdam niya, kailangan niyang hanapin si Kisses.

                Ngunit pagbukas niya ng pinto, si Kisses ang nabungadan niya. Nakasimangot ito. 

                “Kisses?”

                Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin. “Bakit ka tumayo? Paano kung matumba sa sobrang sakit ng ulo mo? Walang sasalo sa’yo.”

                “Kisses…” He lovingly embraced her back. “Medyo nabawasan naman ang sakit ng ulo ko at saka, hahanapin sana kita. Medyo, nagtagal ka at nag-aalala ako.”

                “Sa dinami-dami ng panahon na uulan bakit ngayon? Sa dinami-dami ng araw na pwedeng ma-flat ang letseng gulong ng kotse na yan, bakit ngayon pa? Sa dinami-daming oras na magkakaroon ng scarcity sa vulcanizing shop, bakit ngayon pa? Naglakad ako ng nakapayong nga, basa din naman! Ang tatlong botikang napuntahan ko sarado. Iyong sumunod, out of stock ang gamot mo.”

                “Kisses…”  Kaya naman pala ito nagtagal. Marami pa lang ito pinagdaanan mabili lang ang gamot niya.

Bumitaw ito sa pagkakayakap niya at tumungo lang. Maya-maya pa ay humikbi ito na parang bata. “Sorry, hindi ko sinasadyang magtagal. Kinuha nito sa bulsa ang gamot. Ayan, uminom ka na parang maging okay ka. Naiinis lang ako sa nangyari. Ngayon na nga lang ako makakabawi sa lahat ng naitulog mo sa akin, palpak pa.”

“Kisses…”  Tinanggap niya ang gamot. He lovingly touched her cheeks and lifted her chin.  There was a disappointment in her eyes mixed with worry. He wiped her tears. “Hindi ka naman palpak ah. Una nabigyan mo ako ng remedy bago ka bumili ng gamot. Effective ang ginawa mo dahil nabawasan ang sakit ng ulo ko. Pangalawa, eto iyong gamot ko o, nabili mo. Wag ka ng malungkot. Wag ka ng ma-disappoint. You did a great job in taking good care of me, Kisses. And I owe you a lot.”

“Talaga?” Pinawi nito ang sariling luha. “Nakatulong ba ako o nakaabala lang?”

“Nakatulong ka ng malaki kaya wag ka ng malungkot. Ngiti ka na.” He smiled when she finally smiled too. He held her hand. “Pumasok ka na nga, sumasakit uli ang ulo ko sa lamig.”

“Ha? Pumasok ka na sa kwarto mo dali, susunod ako basa kasi sapatos ko.” Itinulak na siya nito pabalik sa kwarto niya. “Shuuu, dali! Humiga ka agad.  Iyong tuwalya kasi, bakit mo inalis iyon sa ulo mo? Hala, balik sa kwarto! Basain mo uli ang tuwalya at ilagay mo sa ulo mo, dali!” mando nito na ikinatawa niya. “Anong nakakatawa?”  Inilagay pa nito ang kamay sa baywang nito habang nakataas ang isang kilay. 

He was still laughing when he said, “Nothing. You just suddenly sounded like my mother. I missed that tone and I love it.” And I think, I love you too, Kisses.  

“Ah, basta sumunod ka na lang o baka naman gusto mong tawagan ko pa ang nanay mo para sermunan ka?”

“Eto na nga o.” Bumalik siya sa kwarto niya at nahiga.

Ilang segundo lang ay sumunod ito na may dalang  isang basong tubig. Kinuha nito ang gamot na ipinatong niya sa bedside table at pinainom sa kanya. Pagkatapos ay umupo ito sa gilid ng kama. Kinuha nito ang eucalyptus oil. Naglagay ito sa palad. She rubbed her hands then took off the towel in his head.

Sinimulan nitong  hilutin ang noo  niya at sentido . “Salamat Kisses.”

“Wala iyon. Inaalagaan mo ako kaya aalagaan din kita. Pasensya na rin kanina. Nabadtrip  kasi talaga ako. Dapat kanina ka pa nakainom ng gamot at tulog na ngayon. Pero dahil malas  ako kanina, ngayon ka palang mabibigyan ng cure.”

“You already cured me a while ago. Pagkaalis mo nga nakatulog na ako kaya medyo nabawasan na ang sakit. Sorry ha, dahil sa akin, nabadtrip ka pa.”

“Para lang talaga akong bata minsan lalo na kapag nababadtrip ako.” Tuluy-tuloy pa rin ito sa pagmamasahe sa ulo niya. “Umiiyak ako pag sobra akong naiinis. Pero di mo kasalanan iyon. Kasalanan ng ulan ng vulcanizing shop na sarado, botikang walang kwenta at ng kotse kong walang pakisama.”

“Walang malay ang mga iyon.”

“Ah, basta kasalanan nila.”  Binalingan siya nito at nginitian. “Matulog ka muna. Pag nakatulog ka na saka kita ipagluluto ng dinner  para pag nagising ka, kakain ka na lang tapos matutulog uli.”

“Hindi ka ba uuwi?”

“Pwede bang dito muna ako para mabantayan kita? Hindi din naman ako mapapalagay sa bahay kung alam kong may sakit ang tsokolateng anghel ko.”   

“Ano?” gulat na tanong niya. Tsokolateng anghel? Ako?

She pinched his nose. Amoy eucalyptus pa ang  kamay nito. “Ikaw iyon. Ikaw ang tsokolateng anghel ko.” She smiled then winked.

He just lovingly  stared at her. “Kisses…”

“Hmmm?”

“Kung manligaw ba ako sa’yo, okay lang?”

Natigilan ito. Huli ng mata ni Hershey na  nag-blush ito bago ito tila napasong binitawan siya. “Ah..ahm, matulog  ka na. Magluluto lang ako.”

“Kisses…”

“Manligaw ka na lang wag ka ng magpaalam. Sige bye!” 

                 Before he was able to react, nakalabas na ito ng silid niya. Napatawa na lang tuloy siya.   




PREVIOUS                                                                NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…