Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter Seven






Kung manligaw ba ako sa’yo, okay lang? Parang sirang plakang nagpapabalik-balik sa isipan ni Kisses ang mga katagang iyon. Noon una ay inakala niyang wala lang sa sarili si Hershey kaya nito nasabi ang mga bagay na iyon. Ngunit nang mga sumunod na araw ay napagtanto niyang seryoso nga si Hershey. Sa araw-araw na lamang ay gigising siyang may Hershey ng nagluluto sa kusina ng bahay niya. Inihahatid siya nito sa mga places na pinupuntahan niya. Kahit kasi nasa bakasyon, paminsan-minsan ay nagsu-supervise din siya sa mga events na hawak ng company niya sa branch nito sa Baguio. At  gabi-gabi, nagda-dine in sila, nagpupunta sa bar, o  kaya naman ay nagmo-movie marathon sa bahay niya. 

He never failed to make her feel better in many ways. Pinapasaya siya nito, pinapatawa, inaalagaan…minamahal. Kulang na lang ay marinig niyang mahal siya nito. Pero sa estado nila ngayon, sapat na lahat ng ginagawa nito para paniwalaan niyang seryoso ito sa panliligaw.

Napangiti si Kisses habang naaalala ang mga nagawa ni Hershey para sa kanya. Napahinto siya sa paghahalo ng hot chocolate at napailing. “Isn’t he the cutest among the cutest?  Aamin din pala sa panliligaw, pinatagal pa. Pero…” Tumili siya ng bonggang-bongga sa kilig. “Ang ganda ko. Kinikilig ako!” Tumayo pa siya at tumalon-talon pa.


Totoo, she hadn’t over it. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi siya makapaniwalang lumelevel-up na ang relasyon nilang dalawa ni Hershey mula sa pagiging magkatrabaho, magkaibigan at ngayon may espesyal na koneksyon. And she was more surprised on her reaction. She knew it. She had finally moved on from Ryan. Kung kelan nagsimulang makalimutan niya si Ryan ay hindi siya sigurado. Ang alam lang niya na kay Hershey na ang puso niya ngayon dahil dito niya naramdaman lahat ng bagay na dati ay pinangarap niyang gawin sa kanya ng isang lalaki.

 “I love you na, Hershey!” She shouted. Kahit naman magsisisigaw siya doon ay wala namang makakarinig sa kanya dahil malayo ang bahay ng pinakamalapit niyang kapit bahay. “I love you… I love you!”

“I love you more and more and more than that.”

Naestatwa siya nang may familiar na boses na sumagot mula sa likod niya. Waaaaaah! Wala siyang kawala dahil huling-huli na sa siya akto. She felt him moving closer to her. Hindi niya ito hinarap bagkus ay pumikit lang siya ng mariin.

“Kisses…” He lovingly embraced her from her back. His arms on her tummy and whispered on her ears. “Did I hear it right?”

“Ano bang narinig mo?”

“Na mahal mo ako.”

She smiled as she opened her eyes. “Bakit, did I hear it right too?”

“Na mas mahal kita higit sa I love you mo? Oo, Kisses mahal kita. Noong una kitang nakita alam ko na sa sarili ko na may special space ang puso ko para sa’yo. And the feelings grow bigger as time passes by.” Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya at lumipat ito sa harap niya.  “Did you mean it when you said you love me?”

“I think so, Hershey,” she admitted.

“You think so? You’re not yet sure?” He lovingly stared at her.

Those eyes… those expressive eyes never fail to tell thousands of definition of his love for her. “Hershey, it took me decades on loving Ryan. I still can’t believe that I can forget him and fall for you in just a month of vacation. I like you. I love what you are doing to me. Ikaw lang ang nakapagparamdam sa akin na hindi ko kailangan ang atensyon niya dahil ibinigay mo na lahat ng bagay na mapapagpahulog ng puso ko sa’yo. I’m on the process of loving you, Hershey.”

“I think I know something to help you out in that process.” He winked. 

Before she was able to say yes or no or even gave a reasonable reaction, he was already moving closer and closer to her. Without breaking an eye contact with her, he lovingly grabbed her nape. He lovingly looked down on her nose then on her lips. Her heart went crazier than its usual crazy beat.

She closed her eyes and wait for his lips to touch hers until it finally happened. His kiss, their first kiss…her first kiss… a kiss from a guy who confessed how much he loved her. At sa paglapat ng labi nito sa kanya ay tila isa-isang lumalayo sa isipan niya ang alaala ni Ryan. No more love for her best friend, no more space for that guy. For Hershey was successful invading her heart..and soul.

After few seconds, their lips parted. He gave her another final kiss on her forehead, on her nose and a quick kiss on her lips. “So, how’s the process?”

She smiled. “Finally completed.”

“Good.” He lovingly hugged her. “I love you so much, Kisses.”

“I love you too, Hershey.”

Bumitaw ito sa pagkayakap sa kanya at tinitigan siya. He lovingly caressed her soft cheeks. “Now, are you sure?”

“Pretty much sure than sure!”

He laughed. “Walang ng bawian iyan Kisses. Tayo na, okay.”

She laughed. “Oo.”

He gave her nose a quick kiss. “Good. Today is your test day, Kisses. Ready?”
Napagkasunduan nga pala ni Hershey na bibigyan siya nito ng test para patunayan niya sa sarili niya na naka-move on na siya kay Ryan. Kahapon ay pinaalam na niya rito na handa na siya sa kung anumang test na inihanda nito. Their not doing these things because they have a romantic relationship already. Ani Hershey, para ito sa kanya at hindi para sa kanilang dalawa.

 “Sa tingin mo after nating maging tayo, hindi pa ako magiging ready? Echoz ka rin, Tsokolateng Chef ano?”

“Ikaw kung anu-ano na namang tawag mo sa akin. Sige nga, let’s start your test.” He kissed her on her cheeks. “Pa-good luck lang.” He grinned.

“Sus, pa-goodluck ka diyan. Nananamantala ka na e. Nakakailan ka ng kiss ha.”

Napakamot ito sa ulo. “Ang pangalan mo kasi demanding sa kiss, you know. Kaya dapat hindi lang kiss ang ibigay ko sa’yo kundi kisses!”

“Corny. Ewan ko sa’yo. Nasaan na test paper ko?” natatawang tanong niya.

“Walang test paper. Pero, may mga stuff sa kotse ko.” Hinila siya nito papalabas ng bahay. Binuksan nito ang compartment ng kotse at tumambad sa kanya ang pamilyar na tatlong kahon.

“How did you get these?” baling niya dito.

“Bumaba ako ng Maynila kahapon after mong sabihin na handa ka na… na naka-move on ka na sa kanya.”

“Ha eh bakit sabi mo may board meeting ka sa Sagada?” Pinagtaasan niya ito ng kilay.

“Eh papayag ka bang kunin ko ang mga ito sa inyo kung sinabi ko? Eh di nakapaghanda ka kaagad sa test. Hindi magiging effective iyon.”   

May point ito. “Ikaw magbuhat niyan sa loob. Ayokong madungisan ng mga bagay na iyan ang kamay ko,” sambit niya. Nauna na siyang pumasok sa bahay.

And in her mere surprise, tinawanan lang nito ng malakas ang sinabi niya.


“NO REGRETS?” tanong ni Hershey kay Kisses.

Papauwi na sila mula sa charity foundation kung saan nila idinonate ang mga pwedeng i-donate sa mga gamit ni Kisses na may kinalaman kay Ryan. Hershey never saw any sign of hurt feeling or even love on Kisses eyes when she had the test.  Gamit ang mga stuffs na binigay ni Ryan dito, pinakwento niya ang koneksyon ng bawat bagay kina Kisses at Ryan. Sa wakas, nawala na rin sa mga mata nito ang lungkot at sakit na nakita niya dito dati. Nagtagumpay siya. Nagtagumpay ang idea na pinayo sa kanya ng mga magulang niya.

“Wala, Hershey. Hindi ko na kailangan ang mga iyon. Kung itatambak lang sa bodega, mas mabuti ng pakinabangan ng ibang nangangailangan. I don’t need them.  Having you is enough for me now.” A trace of peaceful happiness was on her voice. “I’m happy. I had never been this happy before. Salamat Hershey.”

He held her hand while they continue their long walk.  Walking distance lang kasi sa bahay ni Kisses ang foundation na pinagdalhan nila ng mga gamit.  “So, what’s next?” He stopped walking and faced her.

She smiled. “Nagugutom na ako. The next thing I guess is to eat and celebrate!”

“Nice idea. Tara. I’ll cook for you.”

“No.”

“Huh?”

“Sa ngayon, ako naman ang magluluto para sa’yo.”

 “Okay then.”

Nagpatuloy silang maglakad hanggang sa makarating sila sa bahay nito. They cooked food. Tumulong siya dito kahit na ayaw nitong magpatulong. Hindi na lang niya pinakialaman ang pagluluto nito. Tumulong lang siya sa paghahanda ng ingredients. Nang matapos ay pinagsaluhan nila ang niluto nito.

He took a picture of the food on table before they started eating.

“Para saan na naman iyan Chef Photographer?” tanong ni Kisses.

“Remembrance of our first day.”  Itinaas niya ang camera para kuhanan din ito ng picture. “Smile, Kisses.” She smiled and made some wacky poses.


Hinila siya nito. “Dapat dalawa tayo, dali!” They smiled and made some sweet poses together. “Say…”

“Bangenge!” they both uttered as he clicked on his camera.

Nang magsawa ay saka nila masayang pinagsaluhan ang niluto nito. Napapangiti si Hershey  habang kumakain. He was more than happy. Kung tutuusin ay nahila lang siya sa bakasyon na iyon sa Baguio at wala iyon sa kanyang plano. Sinong mag-aakalang magkaka-girlfriend siya sa unplanned vacation na iyon?

“Anong nginingiti mo diya, Hershey? Hindi masarap luto ko ano? Pinagtatawanan mo luto ko?” nakasimangot na tanong nito.

“Ano ka ba, hindi iyon. Masarap ka namang magluto.”

“Mas masarap ka pa ring magluto.”

“I don’t care, I love your food, Kisses.” Ang totoo ay medyo matabang ang luto nito pero wala na siyang pakialam doon. The fact that for the next few days, he would be spending lots of dine in with her, that was just enough for him to be contented on what he has at the moment.

“Seryoso…hindi masarap ano?”

“Kung hindi masarap hindi ko kakainin. Nakadalawang rice na nga ako di ba?” He winked.

“Ngayon alam ko na talagang mahal mo nga ako. Kahit hindi masarap luto ko, kinakain mo.”

He smiled. “Basta galing sa’yo, kahit ano, walang problema sa akin.”

“Speaking of wait lang at may ibibigay nga pala ako sa’yo.” Tumayo ito at pumasok sa room nito at maya-maya ay bumalik sa mesa. “Here!” iniabot nito sa kanya ang isang maliit na teddy bear na may dog tag sa leeg na may pangalan ni Kisses.

“What’s this for?”  tanong niya. 

“Ibibigay ko iyan dapat sa’yo noong araw na nagkasakit ka. Kaso nabigla naman ako sa pagkakasabi mong liligawan mo ako kaya nawala sa isip ko iyan. That supposed to be a thank you gift for all the help and care you had given me. Pero ngayon, nagkaroon iyan ng ibang purpose. That bear is me.” Ipinakita nito sa kanya ang kakambal na bear na hawak niya.  May dog tag din iyon na may pangalan niya. “And this one is you. Hindi tayo twenty four hours magkakasama lalo na pag nasa Manila na tayo kaya kung sakaling nami-miss mo ako o nami-miss kita, these cute bears will remind us of each other.”

Tinitigan niya ang bear. Minsan parang bata lang talaga si Kisses. Pati mga interest nito sa mga bagay-bagay ay tila pang-high school teenie winnie ideas but that’s what he loved most of her. He held her hand and lovingly stared at her while his other hand was holding the bear. “I’m going to take good care of you, Kisses. Hindi kita sasaktan, hindi kita papaiyakin, hindi kita pababayaan. As long as you’re willing to stay with me, I’ll stay with you. I’m going to take good care of this bear as if this is you, my love…my baby...my happiness.” 

She smiled as tears fell from her eyes.  “Pinapaiyak mo na nga ako e. Pero hindi dahil nasasaktan ako ha. Kundi dahil sobra kong saya. Hindi ito counted ha. Tama ang mga sinabi mo dati. Titibok lang puso ng tao sa tamang kapareha. And I will admit, sa’yo ko lang naramdaman iyong kakaibang kaba na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman pag malapit ka lang. Sabi mo, masakit ang heartbreak sa simula pero pag narealize mo na na iyon ang way para makita mo ang  taong nakatakda para sa’yo, ipagpapasalamat mo pang nabroken-heart ka. Pinagpapasalamat kong nabigo ako kay Ryan. Kung hindi dahil sa nangyaring iyon, hindi ka siguro darating sa buhay ko.”

Tumayo siya at niyakap niya ito. “Come to think of it. Pinagpapasalamat ko rin iyan. Buti na lang di kayo nagkatuluyan.  Kung nagkataon, walang akong girlfriend ngayon.”

Gumanti ito ng yakap sa kanya. “Siraulo ka talaga!”

He laughed. “I love you, Kisses.”

“I love you too.”

Once again they shared sweet kisses. Naputol lang ang eksenang iyon nang mag-ring ang phone ni Hershey.

“Sagutin mo na baka kliyente mo iyan,” paubaya ni Kisses.

He grabbed his phone. Natigilan siya nang makita ang pangalang naka-register sa cellphone niya. Si Jowi, his first young love. 
            
           “Hershey?” Kisses touched his cheeks. “Okay ka lang?”

                “A-ah, oo.” He rejected the call and turned off his cellphone.

                “Bakit di mo sinagot ang tawag?”

“A-ah, not so important iyong tawag.” He gave her a last quick kiss bago nila binalikan ang pinagkainan para ligpitin.  Habang nagpupunas ng mesa ay lihim na nag-iisip si Hershey. Why the hell she was calling me?


                KISSES was on phone with her father. Masaya niyang ibinalita dito na okay na siya, naka-move on na siya at babalik na siya sa Manila. Dapat ay noong isang linggo pa sila babalik ni Hershey sa Manila. Hindi lang sila natuloy dahil napagpasyahan niyang mag-spend muna ng isang linggo kasama ito bilang official na magboyfriend. Alam niyang pagbalik nila ng Manila ay marami pa silang aasikasuhin sa kani-kanyang negosyo na hinahawakan kaya batid nilang mababawasan ang oras nila sa isa’t isa kaya ngayon pa lang ay sinusulit na nilang dalawa ang bakasyon.

                “Yeah Dad. I’m going home in two days,” sambit niya.

                “Good. Miss na miss ka na ng mga kapatid mong siraulo kaya umuwi ka na anak,” patawang hirit ng kanyang  ama.

                “Sila lang nakaka-miss sa akin? Kayo ni mama, hindi nyo po ako na-miss?”

                “Aba, syempre anak, araw-araw ka naming nami-miss.  It’s just, nasa Sagada kami for our sixth honeymoon so ang aabutan mo lang sa bahay ay ang mga kapatid mo.”

                Napatawa siya. Minsan talaga feeling mga bata pa rin magulang niya at hanggang ngayon, may gana pang mag-honeymoon. Thank God her mom was no longer able to have a baby. Kung nagkataon, here comes sixth sibling to their family.  Lahat silang limang magkakapatid ay nabuo sa honeymoons ng mga magulang niya.

                “Okay then, dad. Enjoy your sixth honeymoon.”

                “Sure baby, any suggestion for the seventh?”

                She laughed. “Sa Maldives, Dad.”

                “That’s too costly, but nice idea. We will go to Maldives, on the seventh next month. Okay then, daughter. I love you so much. Have to go.”

                “Thanks Dad, I love you too.” 

                She was still smiling few seconds after the call ended. Napakasaya ni Kisses. She had a wonderful family, a loving pair of parents, a loving boyfriend…a happy life. Parang kelan lang, pakiramdam niya ay nakasuklob sa mundo niya lahat ng dilim.  Thank God there was a guy who lifted her spirit, carried her baggage, and made her fall in love head over heels.

                Hershey was still taking a shower on the bathroom while she was done with shower and now spending time on watching tv. They lived together. Pinagkasunduan nilang dalawa ni Hershey na tumira na lang sa isang bahay bago man lang sila bumalik sa normal nilang mundo sa Maynila.  Sinusulit na nilang dalawa ang panahon bago pa man nila maipagtapat sa magulang ang kanilang relasyon. They decided to keep the details secret until they faced their parents personally. 

                Hershey’s phone rang. Sinilip niya iyon at unregistered ang number.

                “Hershey, may tawag ka!” she yelled.

                “Pasagot na lang. I still need few minutes here.”

                Kibit-balikat na sinagot niya ang tawag. “Hello.”

                “Oh, hello, can I speak to Hershey, please?” Babae ang sumagot. Maganda ang boses.

                “I’m sorry, he’s not around. I’ll just ask him to call you back if it’s an emergency. Who’s on the line please?”  

                “I presumed you’re his secretary. I’m Jowi Andres, his friend from US. Kindly tell him, I’m in Manila and I’ll wait for him in his hotel tonight. I’ll just text the details okay.”

                Hindi palagay si Kisses sa kausap. Sa tingin niya ay may balak ang babaeng iyon sa boyfriend niya. “Okay Ms. Andres.”  Nakakunot na ang noo niya nang matapos ang tawag. Nasundan iyon ng pagtaas ng kilay niya nang mabasa ang text nito.  Neryz Ennael, Room 602. Don’t keep me waiting, Hershey.  May smiley pang kasunod.

                Napairap tuloy siya. Manigas kang chuawariwariwap ka! At excuse me, girlfriend ako at hindi secretary!

                Sakto namang paglabas ni Hershey sa kwartong ginagamit nito. “O, sino ang tumawag?”

                Ibinigay niya dito ang cellphone at ang text message ang bumulaga dito. “Sino daw ‘to?”

                “Jowi Andres, your friend from US,” walang emosyong sambit niya. Magpapakita sana siya ng selos dito kundi lang niya nasaksihang tila balewala nitong inihagis ang cellphone sa sofa na parang text advisory lang ang nag-text at hindi isang special na babae. “Sino siya?”

                Binalingan siya nito at naupo sila sa sofa. “Well, she’s part of the past.”

                “Expound please.”

                He faced her and lovingly gazed on her eyes. “He’s an ex-love. My first love. Dumating kami sa puntong parang kami na hindi. Isa lang naging kulang noon, relasyon. I asked her to wait for me because I have to spend time with Myca. You already know my situation with Myca, right?” She nodded. Naikwento na nito na may gusto dito ang namatay nitong best friend at mas pinili nitong manatili sa kaibigan hanggang sa uli kahit ang kapalit ay ang di nito pagkakaroon ng girlfriend wag lamang masaktan ang kaibigan. “Sinabi ko kay Jowi, kung mahihintay niya ako, papakasalan ko siya. Well, she didn’t. Nag-abroad siya at nagpakasal sa isang British Navy at nagkaanak three years ago. Hindi ko alam ba’t bumalik pa siya. Sorry to her, she’s six months too late.”  He smiled.

                Walang mabakas na pag-aalinlangan at pagsisinungaling si Kisses sa mga mata ni Hershey kaya napanatag siya. “Paano iyon naghihintay siya sa’yo?”

                “I don’t care. Why will I go to her if I have my happiness here beside me.”

                “Still love her?”

                “No. I think I never loved her at all. May iba kang damdaming inihatid sa puso ko, Kisses. And no one gave the same feeling you gave me.”

                 She smiled. “I love you, Hershey.”

                He moved closer and claimed her lips. He gave her a batch of sweet kisses. “I love you even more, Kisses. Pabalik na tayo ng Manila. And I don’t know what will happen there.”

                “Afraid?” She kissed him back. 

                “What if you see Ryan?” He asked instead. A trace of worry was reflecting on his eyes.

                “I’ll ask him about his honeymoon and told him I had a great vacation with my boyfriend.” She winked.

                He kissed her again. “That’s a good answer.”

                “What if you see Jowi?”

                He smiled. “I say hi and tell her I had a great vacation with my girlfriend.”

                “Great!”

                He grabbed her nape and started to kiss her again. Kisses felt like it was always a first time kiss. The magic was still there. The passion, the love, the sweetness… there were all there with his sweet gentle kisses. Few seconds more his kisses went deeper. She just closed her eyes and full-heartedly response with those sweet magical feeling he was giving her at that moment.

                Another level of passion burned as his kiss went more passionate, deeper, and full of hunger. Kisses was aware that something more than a kiss may happened but she hardly mind it. As long as she was with Hershey, she knew she will be okay. She just prepared herself to be ready.

                He started to touch her, carressed her as he showered kisses on her face down to her neck and whisper beautiful words on her ears.  “I love you, Kisses…” he whispered.

                “I love you, too.” 

                Their eyes met. “Kisses what if….”

                “Can I ask a favor?”

                “Huh?”

                “If you will just do something to express how much you love me, never ask question Hershey, just do it.” She knew it. She’s ready.

                He didn’t say anything, he just literally did it. He kissed her in more passionate way than the last one. Kisses seemed like to be hypnotized on the way he burned her on fire. Ni hindi niya namalayang nabuhat na siya nito at nadala sa kama.

The passion continued as he cast away the hindrances and went back showering her with his gentle ardent kisses. In few minutes more she felt him inside. She just closed her eyes, endure the pain and pleasure combined. They started dancing on a beat that only their souls can dance well. Their hearts mutually sing a love song that only their souls can rhythmically hum. Burning with passion, brimming with love.

Hershey was gentle on her, guiding her, supporting her and making her feel how great it was to make love with the one who could take good care of her in different ways. Kisses never thought that making love can be as passionate as her first. Until finally, they reached the peak of the highest note that music can hit.

                He gave her a final batch of sweet kisses before he lay back beside her. He then took the blanket and immediately covered them. Naramdaman ni Kisses ang kumot hanggang sa balikat niya. he gently touched her soft cheeks before he took off his arms on her.  Naramdaman niyan nagbigay ito ng konting distansya sa kanilang dalawa.

                “Kisses?”

                “Yes?”

                Bumaling siya at saktong nakabaling na rin pala ito sa direction niya. They were both smiling.

                “What if your father found out about this?” he asked.

                “Ay lagot kang bata ka. You definitely find a place where you will hide or else you’re dead.”   She laughed.

                He laughed with her. He moved a little bit closer and embraced her. Nagpaubaya siya. She rested her head on his chest and embraced him back.  “If I marry you will that be solution?”

                 Waaaaah, wag namang ganyan agad. Preno naman please. Ang bilis na nga ng mga pangyayari, nakakabaliw na! “Hey, you’re so fast and furious. That’s not a solution.”

                “You think so?”

                “I’m sure.”


                They shared bunch of laughs and kisses the whole night until they both felt tired and fell asleep. 




PREVIOUS                                                                   NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…