Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter One





Kisses was playfully walking along the aisle of Neryz Ennael. She was about to meet the Chef of this prestigious hotel as well as the managers. Ito ang hotel and restaurant na napiling reception venue ng kliyente niya sa Dernadez Events Services kung saan isa siyang events coordinator at expert videographer.

                Maswerteng nakuha ng company niya ang coverage ng maituturing na wedding of the year ng bansa, ang kasal ng sikat na singer na si Rover Manalili ng Sheyron Band at ng successful young businesswoman ng bansa na si Lovely Apple Canilao. Dagdag exposure na naman iyon sa negosyong namana pa niya sa kanyang magulang.

                Nagsimulang makilala sa industry ng events services ang Dernadez nang magkaroon ang kanya mga magulang ng mga artistang kliyente na nagpapaayos ng birthday parties, engagement parties, binyag, at kasal. Nadala hanggang sa henerasyon ng management ni Kisses ang tagumpay na natamo ng masipag niyang ina na syempre, may full-support ng kanyang loving father.

                Naging mas maugong sa industry ang pangalan ng negosyo niya nang siya mismo ang naging wedding coordinator ng sikat na celebrity couple na sina Hamiel Catacutan at Limien Rose Ferrer noong nakaraang taon. Iyon ang nagbigay sa kanila ng malaking break at mula noong araw na naging matagumpay ang wedding ng dalawa, nagsunod-sunod na ang mga celebrity clients niya. Maging mga sikat na negosyante ay kinukuha na rin ang serbisyo niya para mag-organize ng kanilang mga company events. All in all, that made Maria Kisses Sandoval richer than others at the age of twenty five. 


                Pero sa kabila ng success sa career, nanatiling humble at simple si Kisses. Wala siyang ibang hangad sa buhay kundi ang wag mabigo ang magulang sa negosyong pinamana sa kanya at ang magtapat na sa kanya ang best friend na si Ryan.

                And speaking of that guy, excited na siya sa magiging pagkikita nila mamayang hapon. May mahalaga daw sasabihin sa kanya si Ryan. He might as well admit that he loves me too! They had a unique friendship indeed. Maraming nagsasabing bagay sila, mukha silang mag-boyfriend. At kapag naaalala niya ang mga sandaling iyon…kinikilig siya. She had a huge love with Ryan since high school at hanggang ngayon ay umaasa siya. Alam naman kasi niyang wala itong girlfriend. Yeah, kasi hinihintay niya ako. Puro pag-aasikaso ng sariling negosyo ang ginagawa ni Ryan na nagmamay-ari ng isang airlines. 

                Ano kayang magandang maisuot mamaya pag nagkita na tayo, Ryan my dear?  She was thinking about her clothes in her closet when she noticed that she’s already at the dead end of the hallway. Ooops! Naliligaw ata ang kagandahan ko.

                There she goes again. Umandar na naman ang pagiging ligaw na bata niya. It was really her problem ever since…and her parents’ problem too on her. Madalas siyang maligaw kahit may maayos na direction siyang hawak. At kahit sa mga simpleng gusali ay naliligaw siya. Ganon siya kapalpak sa direction. She turned back and was greeted by a camera flash. Pagkatapos ay tumambad sa harap niya ang isang binata na nakaputing chef uniform at may hawak na SLR camera. He was looking at the screen of his camera, smiling mischievously as he turned to her.

                “You look good in my camera. And you look much better with my naked eye,” nakangiting bungad sa kanya ng binata. 

                Bolero!  The guy looked like a playful chef with awesome manly appearance. He looked like a model. Maganda ang tindig at built ng katawan nito plus the fact that the guy looked awesomely handsome, he looked like a nice guy, too. Parang di bagay dito ang chef uniform. Sa palagay ni Kisses, mas bagay sa binata ang three-piece business suit with attaché case o kaya naman ay topless with only trunks on. At umiral na naman ang wild imagination mo, Maria Kisses Sandoval. Dapat talaga nag-writer ka na lang!  buska niya sa sarili.

                She just gave the man some innocent but cute smile. The guy smiled back. Oh anong sunod? Ngingiti uli ako? Ngingiti ka rin? Hanggang sa maging unlimited smile-smile na lang tayo?  litanya niya sa isip. 

                “Ah, can I help you out? Mukhang naliligaw ka ata. Fire exit na kasi iyang dulo ng hallway,” he finally said still with his nice smile.

                “Manghuhula ka ba?”

                “Huh?”

                “Kasi tama lahat ng sinabi mo. Well, patulong naman. I presumed you work here. I’m looking for Mr. Zyren Castillo’s office.” Hindi na siya nahiya. Tutal naman, subok na subok na ang pagka-eng eng niya sa direction. Baka pag nagpakipot pa siya ay lalo siyang maligaw at mahuli sa meeting. Mawawalan siya ng kliyente dahil lang naligaw siya. That’s more pathetic.

                “No problem, I lead you the way. Let’s go.”

                “Salamat!”

                They started walking back to where she walked a while ago. Nadiskubre niyang maling corner pala ang nalikuan niya. Bakit kasi ang laki-laki ng hotel na ito? Baliw nga siguro siya at pati ang nananahimik na hotel na yon ay sinisisi niya. But on the second thought, Okay na rin ang maligaw basta ganito kagwapo ang magliligtas sa aking kaeng-engan sa direction. Not bad… very good. So good!  

                “By the way, Welcome to Neryz Ennael,” sambit nito sabay angat uli ng SLR camera nito. Kinuhanan nito ng picture ang nananahimik na halaman sa hallway.

                Photographer na chef? Chef na photographer? Pareho lang yon ah! She got curious with this guy.  Parang isa ito sa mga taong gusto niyang makilala, marahil dahil sa kawirduhang ginagawa nito.

                “Ah, salamat. Matagal ka ng Chef dito?”

                “Hmmm, not much mga  three years pa lang.” Kinuhanan nito ng picture ang paa niya.  Nag-angat ito ng tingin para ngitian siya. “I hope you don’t mind. You have a nice pair of foot and stilettos, by the way.”

                “Okay lang, nakuhanan mo na e. Ngayon ka pa nagpaalam tapos na,” pabirong sambit niya. At nabola mo na ako, ayos na yon,  dagdag niya sa isip niya.

                   Huminto sila sa isang pinto na may signage na, “Office of the CEO.” Now she concluded. May mga mababait na tao pa rin sa earth at kabilang na doon ang wirdong chef slash photographer na ito na inihatid siya ng ligtas sa pupuntahan niya.

 He just smiled. “I’m Hershey.” He extended his hand to her. “Chef Hershey Castillo, at your service Ma’am…”

“Maria Kisses Sandoval.”  She accepted his hand. Something strange gave seconds of unusual feeling to her when their hands finally touched. Hindi alam ni Kisses kung totoo ba iyon  o nagi-imagine lang siya.  Wait, Castillo? “You said you’re a Castillo?”

He smiled as he opened the door for her. “Dad, she’s here now.” Iyon ang binungad ni Hershey nang buksan nito ang pinto at tumambad sa kanila ang isang couple na sa tingin niya ay ang mag-asawang imi-meet niya. Kung ganon ang binatang ito ang Chef na kasama sa meeting at isa sa tatlong anak ng mga Castillo.

“Tumawag kasi ang magulang mo. They’re checking if you came safe here. Nagtanong ako sa lobby, dumating ka na daw but unusual na di ka pa dumarating sa office ni Dad so I volunteered to look around to find you.”

Alanganing ngiti ang ibinigay niya kay Hershey  bago binalingan ang mga magulang nito. “Good morning po.  I’m sorry for being a little late.”  Nahiya na tuloy siya. Parang siyang bata. Hinanap ng magulang at hinanap ng ibang tao dahil lang sa naligaw.

“It’s okay, hija. Come in and join us,” sambit ni Zyren.   


                THE MEETING ended well. Madali silang nagkasundo ng mga magulang ni Hershey sa lahat ng detalye ng kasal ng kliyente niya. Masarap din kakwentuhan ang mga ito. And she was a bit shocked when she found out that the couple was already on their early fifties since they both looked younger. Kapag nga tumatabi si Hershey sa magulang ay mapapagkamalang magkakapatid lang sila at hindi mag-iina.  She remembered her parents. Even her mom and dad were already on fifties too, no one could tell that right away. Her parents look a bit younger at their age, too.  Yan ang nagagawa ng Olay kay Mommy! biro niya sa sarili.

                “For sure napagod ka mentally sa meeting natin, hija. Why don’t you join us for lunch?” alok ni Mrs. Leanne.

                “Oo nga naman, masarap magluto iyang binata namin,” dagdag pa ni Mr. Zyren.

                Nilingon niya si Hershey na nakangiti lang at napapakamot sa ulo. Mukhang simpleng mahiyain din ang bolerong chef slash photographer. “Binebenta na naman ako ng magulang ko.” Binalingan siya nito. “Wag ka ng tumanggi. Masarap talaga akong magluto, patunayan ko iyan sa’yo.”

                “Wala naman akong sinabing hindi ah,” nakangiting  tugon niya. Of course, she knew it. Ilang beses na rin siyang nakapag-dine in sa restaurant ng hotel na iyon kasama ang kanyang pamilya.

                “Sabi ko nga, let’s go?”  He led her again towards the door.

                “Mauna na kayo, anak. Susunod kami ni beybs!”

                “Yuck ka talaga, Zyren. Ang tanda na natin para sa beybs beybs na iyan.”

                “Ayaw mo na sa akin?”

                “May sinabi ba ako… beybs? But seriously,  hon, it’s not proper to our age anymore.”

                “But I love that beybs thing.”

                “Bahala ka na nga sa buhay mo, Zyren!”   

                Hindi maiwasan ni Kisses na mapangiti habang papalabas na sila ng office. It’s so nice na sa edad ng mag-asawang iyon ay nagagawa pa nilang maglambingan na parang kahapon lang sila na-in love. What she witnessed made her dream of one great true love too…with Ryan of course

                “Pasensya ka na sa magulang ko. Minsan talaga para silang bata,” sambit ni Hershey habang nasa elevator na sila at papunta na sa restaurant na nasa 2nd floor.

                “Sus. Wala iyon. Parang ganon din ang magulang ko. Bumabalik sa pagka-teenagers.” Binuntutan niya ng tawa ang sariling biro. Na-distract lang siya when she heard a camera click. Kunot-noong binalingan niya si Hershey.  “Napapansin ko lang nakakailan ka na ah. Ang mga models may bayad ‘no! Anong gagawin mo sa pictures ko ha? Kukulamin mo ba ako?  At bakit puro stolen shots? Pwede naman akong mag-pose para maganda ang kuha ko sa camera mo,” pabirong hirit niya.

                Napatawa naman niya ito. “I just love stolen shots. Natural, totoo, no lies, no pretentions.”

                “Amen.”

                “And I don’t have plans to be a modern witch.”

                It’s her turn to laugh. “Hindi ba nagagalit ang girlfriend mo dahil puro stolen shots ang kuha mo sa kanya at kung sinu-sino ang kinukuhanan mo ng stolen shots?”

                “Hindi.” He clicked again his camera on her. Ngumiti siya.  Then he looked at the screen of his camera. “Wala pa naman akong girlfriend e.”

                She gave him a doubt look. Sa gwapong ito, wala pa itong girlfriend? Bulag na ba ang mga babae sa mundo? Anong mali at wala itong  girlfriend? Wala ka namang BO ah!  Pasimple niyang inamoy ito. Good thing hindi na niya kailangang mag-effort dahil kanina pa niyang nasisinghot, unintentionally ang men scent nito.  Ang bango mo nga e. Ay, siraulo lang siguro ang mga babae ngayon…choosy.

                “Seryoso, wala talaga akong girlfriend so stop that doubting look, Kisses.”  He gave her a sweet smile followed by a simple wink.

                 Nagpauto naman ang puso niya. Her heart suddenly skipped a bit. Hindi naman siya tomboy para hindi madala sa pagpapa-cute ng cute na binata.  And how could he pronounce my name in a very sweet way? Hindi niya alam kung bakit pero tila gumanda ng mas maganda pa sa ganda niya ang pangalan niya nang banggitin nito.

                Ang elevator’s sound na nag-indicate na nasa tamang floor na sila ang gumising sa kung anu-anong iniisip niya.

           “We’re here.” Pinauna siya nitong makalabas ng elevator pagkatapos  ay sinabayan siya nitng maglakad papunta sa restaurant. “Hindi ka naniniwalang wala akong girlfriend ano? Don’t worry hindi ka nag-iisa. Lahat ng nagtanong sa akin di rin naniwala agad.”
                
               “Wala akong sinabi, Hershey,” pakonswelo niya rito. Pakiramdam niya kasi ay hindi rin maganda ang dating dito ng negatibong tanong na “Bakit wala pa?” na paniguradong laging kabuntot ng tanong na “May girlfriend ka na?”  Babago pa lang niyang kilala si Hershey at wala siya sa lugar para mang-usisa. Kliyente ka nila, Kisses so behave.
               
                He smiled. “Ikaw, may boyfriend ka? Wag mo na lang sabihin na may nagnakaw ng pictures mo ha.”

                Umiling siya. “Wala ako no’n.”

                It’s now his turn to give her a doubt look.  Tila hindi rin ito naniwala na wala siyang boyfriend.

                “O, wala akong sinabi kanina kaya dapat wala ka ring sasabihin para quits!” Inunahan na niya ito sabay tawa.

                Wala tuloy itong nagawa kundi ang ngumiti. Binuksan nito ang pinto ng restaurant at pinauna siyang pumasok. Agad na binati siya ng mga staff do’n bilang paggalang sa guest.  Of course, binati din ng mga tao roon si Hershey.

                Inihatid siya ng binata sa isang table for two. “How about your mom and dad? I thought they will dine with us?”

                “Yeah, pero sabi ni Dad magkatabing mesa for two. Hindi iyon papayag na di niya solo ang mommy ko.”

                “Nakakatuwa talaga ang parents mo,” komento niya.  

                “Thank you. Diyan ka muna ha. I’ll get food and serve them personally. By the way, anong gusto mo nga palang kainin?”

                She picked the menu. “I want your specialty, salmon schnitzel and cannelloni and Serbian bean soup with Cabanossi.”

                “Any for dessert please?”

                Inilipat niya ang paningin sa listahan ng mga desserts. How she love sweets! Isa iyon sa namana niya sa ina na isa’t kalahating addict sa chocolates. Parang lahat ng desserts na andon ay gusto niyang tikman. Waaaah, pwedeng lahat?  “Ahm, marble cake and caramel shortbread.”

                “Alright. Wait there, I’ll get our food.”

                Tumango lang siya habang ito naman ay ngumiti muna bago umalis. Naiwan si Kisses sa mesa. Pasimpleng pinagmasdan niya ang paligid. Cozy, elegant, luxurious. Gaano kaya kayaman ang mga Castillo?  She also came from a rich family. Though hindi naman super yaman ang pamilya niya, masasabi pa rin niyang nakakaangat ang pamilya niya sa buhay. But despite of the social status, she, her  kuya Cholo, and three other siblings never lived in luxury. Tinuruan sila ng kanilang mga magulang na manatiling nakatapak ang paa sa lupa, nagsisikap, at may pahalaga sa bawat sentimo na meron sila sa bulsa. 

                Iyon din ang humble thing na nakita niya kay Hershey. Ni hindi niya ito nakitaan ng kahit konting hint na ipinagyayabang nito ang yaman nito though sigurado siyang milyones din ang net worth nito bilang tagapagmana ng hotel na iyon.

                Maya-maya pa’y bumalik na ang binata. Bahagya siyang nagulat nang makita ito. Gone with the chef uniform. He was wearing a simple polo and jeans. Ang hindi lang nawala ay ang SLR camera nitong nakasabit sa leeg.

                Ngumiti ito sa kanya bago nito inihain ang mga pagkain sa mesa nila.

                “Iyong parents mo, nasaan na?” tanong niya pagkatapos nitong maupo sa tapat niya.

                “Ah, sabi ni Mommy tinatamad na siyang bumaba. Nagpadala na lang ako ng lunch sa pad ni Dad.”


                “Ganon ba?”

                “Yeah, let’s eat. Take this as a pre-food tasting para sa wedding ng client mo. So eat well and enjoy,” he said with a smile.

                “Thank you.”  Sinimulan niya ang soup. It is her favorite in this restaurant kaya naman sarap na sarap siya. Then she started eating the pasta dish. The fact that the man behind these delicious foods was in front of her, made her feel special.  Iilan lang bang pagkakataon sa mundo ang makakasabay  mo sa hapag ang isang exemplary chef at ine-enjoy mo ang pagkaing ang kaharap mo mismo at ang expertise niya ang may gawa? “International Chef ka ba?”

                “Huh?” Nag-angat ito ng tingin mula sa pagkain nito.

                Saka lang din napansin ni Kisses na parehong pagkain lang ang kinakain nito. She smiled at tiningnan ang binata sa mata. “You’re cuisine expertise is very world-class.”

                “Thank you.”

                “Magaling kang magluto kaya nga pabalik-balik din ako dito sa restaurant na ito e.”

                A trace of surprise covered him. “You’ve been here?”

                “Oo madalas kami dito ni Ryan.”

                Biglang nawalan ng expression ang mukha nito. “I thought you don’t have a boyfriend.”
                Napangiti tuloy siya. Kung hindi lang siya aware na ngayong araw lang sila nagkakilala baka isipin pa niyang may kasamang selos ang sinabi nito. Meganung banat agad, Kisses? Adik you? “Wala nga. Best friend ko si Ryan.”

                “Ah.”

                Moments of silence took over. Sinamantala naman niya iyon para lalong lasapin ang  tanghalian niya. Nang matapos siya pasta at soup ay sinunod niya agad ang caramel shortbread. Hindi siya binigo ng dessert. It was also the best caramel shortbread she ever tasted.

                “Ikaw rin ba ang gumagawa ng dessert?” tanong niya.

                “Oo, all-around chef ako hindi lang halata kasi sabi nila hindi bagay sa akin ang napili kong career.”

                “Dapat kasi nag-artista ka o model. You have the face and body—“ Pasimpleng natutop niya ang bibig nang mapagtanto ang kanyang pinagsasabi. She was innocently praising him.  

                He just smiled. “Well, thank you but hindi ko type ang showbiz. Walang private life ang artista at model. Ayoko ng ganong buhay. Masaya na ako sa kusina ko.”

                 Ay sineryoso? “At sa camera mo,” dagdag niya.  

                He laughed. “Right. Which reminds me…” Iniangat nito ang camera and she heard the familiar click again. Hindi siya ready sa isang iyon. Nakuhanan tuloy siyang nakanganga at akmang susubo ng caramel shortcake.

                “Ikaw, abusado ka rin e. Kakakilala lang natin, nakailang picture ka na ha. Burahin mo iyan for sure pangit ako diyan.”

                “No, no. Look.”  Ipinakita nito sa kanya ang huling kuha. “Cute mo nga e.”

                Nagdududang tingin ang ibinigay niya dito. “Anong cute sa babaeng walang kapoise-poise sa pagnganga?”

                “Ikaw.”

                “Anong ako?”

                “Ikaw ang cute.”

                “Bolero. Ine-echoz mo lang ako nung sinabi mong wala kang girlfriend ano? Sa bolero mong iyan!”

                 “Hindi ako bolero. Honesty ang tawag do’n. And I’m honest. I’m available, free and single.”

                “Oo na. sige na—“

                Her phone rang. She got excited when she saw Ryan’s name registered on the screen of her cell phone. Hohemjiiiiii! “Hello, Ryan. What’s up?”

                 “Ahm, Kisses tuloy tayo mamaya ha,” sambit ni Ryan sa kabilang linya.

                “Sure, no problem.”

                “Okay. I just confirm our meeting. See you. And take care on driving ha. Nasaan ka ba ngayon?”

                Lihim siyang napangiti, kahit kelan talaga maaalalahanin itong si Ryan. “Sa Neryz Ennael, client meeting.”

                “Oh, sige. I’ll call you later. Take care.”  

                “Okay, Ryan. Take—” Busy tone na. Mukhang nagmamadali na naman si Ryan. Well, walang bago. Palagi namang ganon si Ryan sa kanya nitong mga nakaraang buwan. Tila palaging malalim ang iniisip nito at the same time ay palaging aburido. Alam niyang may pinoproblema ang kaibigan niya pero tikom naman ang bibig nito pag inuusisa niya. Ano kayang problema ng isang iyon?

                  Nahinto ang pagmumuni-muni niya nang marinig na naman niya ang click ng camera ni Hershey.

                “Hay, naku Hershey. Masisira na iyang camera mo mamaya. Puro ako na lang kasi ang laman niyan. Hindi mo ba alam? Virus ako,” biro niya dito. 

                “Kung ganon ikaw ang pinaka-cute na virus na nakita ko,” patol nito sa biro niya.

                “Sige, bumanat ka pa. Mr. Castillo.”  Nag-peace sign siya at nag-pose ng pa-cute nang iangat uli nito ang  camera nito at kuhanan muli siya ng picture. He just laughed on what she said. Ah, isn’t he really cute huh?

                Hindi niya alam kung bakit ngunit ang dali niyang nakagaanan ng loob ang binatang chef na photographer pa. She had a feeling that he will be one of her trusted friends soon. Plus he was a damn eye-catcher too! Gwapo, mabait, sweet, makulit, magaling magluto at bolero. What more she could ask for? Natigilan bigla si Kisses. Teka bakit pinupuri ko ng bonggang-bongga ang isang ito? May Fafa Ryan ako!

                “Kisses, we’re friends now right? Aside from being business colleague of course.”

                “Ha? Ah, oo naman.”  She glanced on her wrist. Kailangan na niyang umalis dahil magpapaganda pa siya bago siya makipag-meet kay Ryan. “Ah, tatawagan na lang kita Hershey para sa food tasting ha. Ahm, I think I have to go.”

                “Ah, sige sure. But wait.” Inilapit nito ang mukha sa kanya.

                Her heart suddenly beat faster the moment her system recognized his presence. Sa isang iglap, cheeks to cheeks ang naging drama nila as he clicked on his camera. Agad ding ito lumayo sa kanya. Ngunit hindi na napahinto ng paglayo nito ang pagkabog ng puso niya.

                Ano bang nangyayari sa akin?

                “That’s a remembrance of our first day of friendship. I’ll wait for your call, Kisses. Tara, hatid na kita sa parking lot.”

                He then carelessly held her hand as they walk out of the place. Wala ng nagawa si Kisses kundi ang matameme na lang. Sa buong buhay niya, ngayon lang ata niya naranasan ang kakaibang pakiramdam na iyon na hindi niya mailarawan ng tuwiran. His hands against hers gave her a warm feeling she really can’t explain literally.

                Hanggang sa makarating sila sa kotse niya ay hindi pa rin maawat ang puso niya sa pagkabog. Anovey? This is so weird.

                Pumasok na siya sa kotse at na-istart na rin niya ang makina nang katukin ni Hershey ang bintana ng kotse niya. Ibinaba  niya ang bintana.

                Isang click sa camera ang sumalubong sa kanya. “Nice meeting you, Kisses.”

                “Nice meeting you too, Mr. Camera addict.”

                “Take care!”  He waved.

                Itinaas na uli niya ang bintana ng kotse at nagmaneho na palabas ng parking lot. Napatingin siya sa side mirror at napapangiting napapailing. Caught in the mirror, Hershey was capturing photos of her car as it moved away from him.

                “Such a cute playful guy,” komento niya. “At ang bangu-bango. Kung ganyan naman lagi ang mga ka-transaction ko aba, Lord, magtitirik ako ng sampung kandila Linggo-linggo!”  Tinawanan niya ang sariling biro.


                                                                                          NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…