Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter Nine





“Nababaliw ka na Maria Kisses!” sita niya sa sarili.  Hindi rin niya alam sa sarili niya kung bakit kailangan pa rin niyang asikasuhin si Ryan. Yes, ang press release reason niya ay dahil magkaibigan sila and he needed help. “Lokohin mo fez mo, Kisses! You know it. You are aware of it. You should avoid it!” Sinesermunan pa rin niya ang sarili. Dis-oras na ng gabi. Pero nasaan siya? She supposed to be out with Hershey pero pina-cancel niya ang date nila dahil tinawagan siya ni Ryan. Naglalasing itong mag-isa sa condo unit nito at kung anu-anong suicidal statements ang sinasabi sa kanya.

                Pero ngayong nasa tapat na siya mismo ng condo unit ay saka niya na-realize ang mga pinaggagawa niya. What the hell gonna happened if Hershey found out about this? She felt guilty as if she was doing a crime at the back of her boyfriend.

                Her message alert tone beeped. Mahal kita Kisses. Kung pwede ka nga lang agawin sa kanya ginawa ko na. The message came from Ryan.

                “Waaaah. Susme! Kabaliw na ito!” Bumuntong hininga siya at bumaba ng kotse. Nagmadali siyang pumasok sa condominium building kung saan naka-locate ang unit ni Ryan. Nang makarating sa tapat ng pinto ng unit nito ay huminga muna siya ng malalim bago nagdoorbell.


                Agad nitong binuksan ang pinto. By looking at him she already knew that he’s drunk. “What brought you here?”

                Pumasok siya sa loob ng unit nito at kinaladkad ito sa sofa at pinaupo. Inagaw niya ang beer dito. “Siraulo ka pala e. Kung anu-anong mga sinasabi mo sa aking suicidal tapos iyan ang isasalubong mo sa akin? Umayos ka nga Ryan. Hindi ka naman makakaisip ng tamang desisyon sa beer. Hindi maaayos ang buhay mo sa ganyan.”

                Tumawa ito ng pabalang. “Now I know. You love me too right?” bagkus ay patanong na tugon nito.

                “Ano kamo?”

                “Sinabi ko lang ‘yon to know if you cared for me, if you can come here and left your boyfriend out there. Now I know you did.” He immediately kissed her on lips. It was just quick and she wasn’t able to avoid it. The next thing she knew, she already slapped his face. Pero binalewala siya nito. He looked at her. May halong pagsusumamo. “Kahit minsan ba minahal mo ako? Oh, that’s a stupid question. I knew you loved me. Hindi ka naman lalayong bigla noong sinabi kong magpapakasal ako kung hindi. Sa akin ka na lang, Kisses. Iwanan mo na siya.”

                Napairap siya. Nangangati ang kamay niyang bigwasan ito kung hindi lang siya naaawa dahil alam niyang hindi nito batid ang sinasabi pagka’t lasing ito. “Lasing ka na Ryan, magpahinga ka na.” 

                “Sorry…” biglang bawi nito. Umupo lang ito carpeted na sahig. “Nagkamali ako na siya ang pinili ko. Dapat ikaw na lang. Bakit kasi ngayon ko lang na-realize ito.” He was crying when he looked into her eyes. “Hindi na ba talaga pwede? Sampung taon naman tayong naging magkaibigan. Siya gaano katagal mo na siya kakilala? Nauna naman ako sa kanya.  Hindi ba pwedeng ako na lang, wag na lang siya? Hirap na hirap na ako e. Wala namang nagmahal ng totoo sa akin, ikaw lang.”

                “Ryan…” wala siyang magawa kundi ang yakapin ito, ang bigyan ito ng comfort. “If only I could turn back time…” My! Ano itong sinasabi ko? Nagulat siya sa tinatakbo ng isip niya. Mahal pa rin ba kita, Ryan? Then what should my love for Hershey means? Pati tuloy siya ay naguguluhan ngayon. Natakot tuloy siyang dugtungan ang sinabi niya.

                “Pwede mo siyang iwan, Kisses. Para sa akin. Kailangan kita,” pagmamakaawa nito.

                Nangilid ang luha niya. Naiipit siya sa sitwasyon. “Hindi ko pwedeng gawin iyan, Ryan. Mahal ako ni Hershey at isa pa, kasal ka. Mali ang iniisip mo. Hindi ko iyon gagawin.”

                “Mahal mo siya?”

                “Oo.”

                “Sinong mas mahal mo sa aming dalawa?”

                She was stunned. All of a sudden, hindi na niya alam ang sagot sa tanong na iyon. Dati sigurado siyang si Hershey ang mahal niya, nakalimutan na niya si Ryan. Pero ngayon, habang nakikita ang pagsusumamo sa mata ni Ryan…unti-unti hindi na siya sigurado kung ano ang tamang sagot sa tanong na ‘yon.

                “Magpahinga ka na. Kailangan ko ng umuwi.” Niyakap niya ito at saka siya tumayo para makaalis na siya doon. She definitely knew it. She needed to escape before she derived the answer. Ang sagot na kinakatakot niyang malaman.

                Ngunit bago siya makalayo ay kjnabig siya nito at hinalikan. She supposed to push him away but she didn’t. Nagulat siya dahil nagawa niyang mag-response. Pero bago pa siya mawala sa katinuan ng kanyang pag-iisip ay nagpumiglas siya dito. Sinampal nya uli ito at saka siya nagdiretso palabas.

                “Mas mahal mo ako, Kisses. Hindi ka tutugon kung hindi.”

                “Hindi totoo iyan! Mahal ko si Hershey.  Siya lang ang mahal ko!”

                She run away until she finally reached the parking lot, ride her car and drove away. This can’t be. I don’t love you anymore. I love Hershey so much! The thought played over and over in her mind.  Huminto siya ng pagmamaneho nang makarating siya sa tapat ng bahay ni Hershey.

                Matamang tinitigan niya ang bahay. Her tears fell.  Gulong-gulo ang isipan niya. She felt so bad. “Ang tanga ko…ang tanga-tanga ko…” She touched her lips. Nagtaksil na siya kay Hershey nang hindi niya namalayan…na wala siyang nagawa. “No! I didn’t mean it!”

                She grabbed her phone and dialed Hershey’s number.

                “Kisses? Gising ka pa? Matulog ka na. Love you,” sambit nito. Halatang nagising lang ito ng tawag niya.

                “H-hershey…” Hindi niya napigilan ang mapahikbi at tuluyang umiyak na lang.

                Iyon ang nagpagising sa diwa ng kasintahan. “Kisses? What’s wrong? Umiiyak ka? Nasaan ka?”

                “Mahal na mahal kita, Hershey,” bagkus ay sambit.

                “I know Kisses. Please stop crying. Kung inaalala mo ang tampo ko sa’yo, kalimutan mo na iyon. I don’t want you to cry. Where are you?”

                “Can we talk?” Sinabi niyang nasa labas lang siya ng bahay nito.

                “Wait there. Love you.”

                “I love you so much, Hershey.”  The call ended but she’s still sobbing.    


                MATAMANG pinagmasdan ni Hershey si Kisses habang nahihimbing ito sa tabi niya. Ang pag-uusap nila ni Kisses ay nauwi sa bachelor’s pad niya sa hotel hindi para mag-usap kundi para muling ibigay at ipagkatiwala sa kanya ang sarili nito.

                They had a great night. They cope up, they make love, they share the most cherished moments of their relationship as they moved and worked on their 2nd month. Ngunit batid ni Hershey na may kung anong pinagdadaanan ang kasintahan.  Nang bigla siyang tinawagan nito kagabi ay yakap at pag-iyak lang ang sinalubong nito sa kanya nang makita niya ito. She was too emotional, too fragile. She said nothing but I love you’s to him. Kaya sa halip na magtanong agad, ipinakita na lang niya dito ang comfort at pagmamahal para hindi na ito malungkot. But he had to know what’s going on. Ang problema lang, natatakot siya sa maririnig niya kaya alangan siyang magtanong.

                He touched her cheeks. Hindi tulad kagabi, peaceful na ang mukha ng kasintahan. Wala na ang bakas ng takot at lungkot na nakita niya sa mga mata nito kagabi. He kissed her cheeks and her forehead.  Pagkatapos ay bumangon na siya para magluto ng agahan. 

                Done with the chocolate French toasties, bacon and fried rice. Now he’s working on her favorite mushroom soup when he felt the familiar presence of Kisses.

Few seconds more, she embraced her from his back and kissed his cheek. Then she whispered. “Good morning.”

                 He lovingly looked at her. “Good morning. Had a good sleep?”

                “A good night and a good sleep combined,” she grinned. “I love you.”

                “I love you.” He gave her a morning quick kiss. “Pero bago masunog na naman itong niluluto ko, mauna ka na sa mesa.”

                She just laughed. Bumitaw ito sa kanya at kinuha ang toasties na ginawa niya at dinala ang mga iyon sa mesa. Ito na rin ang naghain ng ayos. Few minutes more, the soup was ready and served. Pinagsaluhan nila ang agahan habang nagkukwentuhan.

                “Hindi ba parang mali itong eksena natin? I mean, ako ang babae Hershey. I should be the one cooking food for you,” sambit nito habang inuubos ang toasties na ginawa niya. They were almost done with the meal.

                “Your boyfriend is a chef. It’s my task to cook,” he said and smiled.

                “But I’m not a customer, I’m a girlfriend,” apila nito.

                “My loving cute girlfriend. Yeah, that’s you!”

                She just smiled on what he said. Nang matapos silang kumain ay sabay nilang niligpit at hinugasan ang pinagkainan. Hershey was both finding the right timing to ask and gathering all his strength to face the truth. Nakapagdesisyon na si Hershey. Hindi dapat lalabas si Kisses sa bachelor’s pad niya nang hindi niya nalalaman ang totoo mula mismo dito.

                 “Kisses?” Ibayong lakas ng loob ang kinailangan niya bago masabi iyon.

                “Bakit?” tanong nito saby punas ng basang kamay sa kitchen towel.

                “Sabi mo kagabi, we have to talk. You are too emotional last night. I think nakapagpahinga ka naman ng ayos, now…siguro pwede na tayong mag-usap.”

                Muling nabanaag sa mukha nito ang pag-aalinlangan at takot na nakita niya dito kagabi. He moved closer ang embraced her. “Don’t worry, Kisses. Makikinig ako.”

                Bumuntong-hininga ito. “Sige…”

                Umupo uli sila sa dining table. They were on opposite side thus they both have full access of both presence. He patiently waited until she was ready to speak up.

                  “I kept secret from you. Akala ko kasi kapag sinekreto ko ang bagay na iyon walang magiging gulo. Hindi mo ako pag-iisipan ng kung anu-ano, hindi ka masasaktan, hindi ako maguguluhan.” Tinitigan siya nito ng seryoso.   “Ilang beses pa akong nakipagkita kay Ryan.”

                Heto na. Naririnig na ni Hershey ang katotohanang kinakatakot niya noon pa man. Pinigilan niyang mag-react bagkus ay inuna niya ang makinig muna sa sasabihin nito.

                “Maliban sa phone calls, nagkikita kami. Kagabi, hindi totoo na may pinuntahan akong party ng empleyado ko. Pinuntahan ko si Ryan sa condo niya. Lasing siya at kung anu-anong sinasabi. Sinabi niyang mahal niya ako at—”

                “Bakit mo sinasabi ang lahat ng iyan ngayon? May relasyon ba kayo?” he firmly asked.

                “Wala, Hershey. Magkaibigan lang kami. Hindi ko magagawang lokohin ka. Mahal kita. Hindi ko iyon magagawa sa’yo,” sinserong sambit nito.

                “Then, bakit ka umiiyak kagabi? Anong nangyari?”

                Natigilan ito. Tila lalo itong natakot at nag-alinlangan. Ibinigay nito sa kanya ang cellphone nito at pinabasa ang mga text messages ni Ryan dito. Lahat ng yon ay nagtatapat ng pagmamahal ni Ryan sa kasintahan niya.

                Tumulo ang luha ni Kisses. “Sorry. I’m sorry, Hershey. Hindi ko sinasadyang tumugon sa forced kiss niya. Hindi talaga. Mahal kita, Hershey. Alam kong masasaktan kita sa pagtatapat kong ito  pero pinili ko pa ring sabihin sa’yo ang lahat.” Hinawakan nito ang kamay niya. “I love you Hershey. I didn’t mean it. I swear. Please, forgive me. I don’t want to lose you.”

                Daig pa niya ang binaksakan ng bloke ng yelo. Nasasaktan siya at pakiramdam niya sa sobrang sakit ay namamanhid ang puso niya.  Ibinalik niya dito ang cellphone nito at pinilt magpakahinahon. Hindi naman niya masisi si Kisses. two months  against years of love. Sa puntong iyon pa lang, talung-talo na siya.

 “Okay, I know someday this thing may happen. Too bad, maagang nangyari ito sa atin.” Umiwas siya ng tingin para di nito mahalatang nangingilid na ang luha niya. Nang magawang pigilan ang pagpatak ng luha niya ay muli niya itong binalingan.  “Don’t lie. Please don’t lie to me anymore. Mahal mo ba ako?” tanong niya.

                “Hershey, sinabing ko ng—”

                “Oo o hindi?”

                “Oo.”

                “Mahal mo pa ba siya?”

                Natigilan ito waring hindi alam ang isasagot. Pagkatapos ay yumuko ito at humikbi. “Hindi ko alam!”

                “Oo o hindi lang, Kisses. Please don’t make this hard for both of us.” He touched her cheeks. Tumunghay ito.  Sobra nga siguro niya itong minamahal. Kahit pa tila nagtaksil ito sa kanya ay hindi niya magawang magalit dito. Ni hindi niya gustong makita itong nasasaktan tulad ngayon. He managed to wipe her tears with his thumb as he lovingly stared at her. “No matter what I hear from you, even it will break my heart into pieces, the fact that I loved you so much will never change. Tell me the truth, I rather hear the painful truth than living with lies, Kisses.”

                “I’m sorry…” Sincerity was in her eyes. Kahit hindi nito sabihin alam na ni Hershey ang ibig sabihin ng pagso-sorry nito. “Oo, mahal ko pa siya.”

                Natigilan si Hershey. Nabitawan niya ito. Nanlumo siya sa narinig. Ni hindi niya nagawalang makahagilap ng tamang salita na itutugon dito. He wanted to shout. Gusto niyang magwala. Gusto niyang magmura ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi niya magawa. Kisses was a fragile girl. Sa kanilang dalawa, dapat lang na mas maging matatag si Hershey para dito. Para hindi na rin mahirapan ang babaeng pinakamamahal niya.

 They stayed in silence for a while. He was contemplating with the painful truth and she was just sobbing. Until finally he made a decision. Tumayo siya at kinuha sa kwarto niya ang teddy bear na binigay nito sa kanya nang maging sila. Binalikan niya ito sa dining table at inilagay sa tapat nito ang bear.

                “Hindi pwedeng dalawa kaming mahal mo. Kailangan mong pumili sa aming dalawa. Mahal kita Kisses pero kahit kailan hindi ko ipagdadamot ang kaligayan mo sa’yo. Iiwanan ko itong bear mo dito sa mesa. Sinabi mo sa akin dati na itong bear na ito ay ikaw. Inilagaan kita, inalagaan ko ang bear na ito. Alam mo na siguro ang ibig sabihin pag nawala ito sa kamay ko. Magpapaubaya ako para sa kaligayahan mo, para mas madali sayong sundin ang puso mo. Kung ako ang pipiliin mo, iwan mo ang bear sa mesa. Kunin mo ang bear kung siya ang pinipili mo.”

                “No Hershey!” Kinuha nito ang bear at akmang ibabalik sa kanya ngunit hindi niya iyon tinanggap. His eyes caught the tears fell on her eyes. Puno ng lungkot at pagmamakaawa ang mga nito. Umiwas siya ng tingin. Kailangan niyang pigilan ang puso niang maawa dito para sa ikakaayos ng lahat.

                Tumayo na si Hershey. “You have the whole day to decide.” He heard her sobbed. At bawat paghikbi nito ay  dumudurog sa puso niya. “I’ll be working the whole day. Once decided ka na, you can always leave my pad.” He then walked out of his pad. Hindi na siya lumingon para pigilan ang sariling desisiyon. Malungkot na naglakad lang siya papuntang restaurant.  

                What the hell are you doing Hershey? You should be convincing her to choose you. And dali mo siyang binitawan! Ang dali mong sumuko! sermon niya sa sarili. If only there’s someone he could talk to to release all the pain in his heart. But as of the moment, he had to face this all by himself.  All because I love you, Kisses. All because of you…


                “LAYUAN mo na ako. Ayaw na kitang makita ka pa, Ryan. Sinira mo ang buhay ko!” Umiiyak na binayo niya ang dibdib ni Ryan habang umiiyak. Hindi ito kumilos. Nanatili lang itong nakatayo at sinasalo ang bawat hampas niya. “Nasaktan mo na ako dati nang mahalin kita at nagpakasal ka naman sa iba. Hindi ka pa talaga nakuntento! Bakit kasi bumalik ka pa? Bakit mo sinabi ang mga iyon?! Nawala siya sa akin dahil sa’yo!” Pinaghahampas niya ito hanggang sa mapagod siya.

                Ilang oras pa ang itinagal niya sa pad ni Hershey ilang araw na ang nakakaraan. Naging mahirap sa kanya ang desisyon dahil kahit sino ang piliin niya alam niyang may taong masasaktan. Sa bandang huli ay kinuha niya ang teddy bear. Hindi niya pinili si Ryan. Pinili niyang wag pumili sa kanilang dalawa at lumayo na lang.

Pinuntahan niya si Ryan sa condo niya para i-test ang sarili. At nang makita niya ito bumalik lahat ng  sakit na nararamdaman niya kaya dito niya naibunton lahat.

                “I’m sorry, Kisses!” Nagawa na nitong pigilan siya sa pananakit dito. Hinawakan nito ang braso niya.

                Galit at matapang na tiningnan niya ito sa mga. “You really should be sorry. And I will repeat, stay away from me! For once, gusto ko ng tahimik na buhay. Kaya sana kung totoong, mahal mo ako Ryan, lalayo ka. Naiintindihan mo ba?” She never thought she could tell those words on him. Nagpumiglas siya dito. “Ayusin mo na lang ang buhay mo, Ryan,” sambit niya sa mas mahinahong tinig. “At aayusin ko rin ang buhay ko.”

                 “Kisses, I’m here for you. Kung may maitutulong ako—”

                “Wag na wag ka ng magpapakita sa akin. Iyon ang maitutulong mo, Ryan. Aayusin ko ang buhay ko ng mag-isa. Di ko kailangan ng kahit na anong tulong lalo na kung galing sa’yo.” She turned her back on him.

                “Do we really have to forget that we had been friends for more than a decade?” apila ni Ryan.

                Ay ngayon ko lang napagtantong isa kang malaking slow. Muli niya itong binalingan. “Di ka rin marunong umintindi ano? Magkalimutan na tayo, Ryan.”

                “Why did you have to blame me? Kasalanan ko bang minahal mo ako at ngayon lang kita minahal—”

                For the last time, sinampal niya ito. “Remembrance ko iyan sa’yo.” Then she walked out and left him shocked on what she did.

                Sumakay siya ng kotse at nagmaneho without any particular direction to go. Tulad dati, ang alam lang niya ay gusto lang niya umalis…lumayo. Kung siya ang masusunod, babalikan niya  agad si Hershey and they could start over again. Pero lubos na nasaktan na niya ito. Now she’s sure. Mahal na mahal niya si Hershey. Ang inakala niyang pagmamahal kay Ryan ay itinulak lang ng utak niya. Pagka’t ang kanyang puso ay para kay Hershey pa rin.

                She loved Hershey so much but she hurt him that much too. Ayaw na niya itong masaktan muli kaya ginawa niya ang pinakamasakit na desisyon  na nagawa niya sa buhay niya. Lalayo na siya.  Tuluyan na siyang lalayo kay Hershey at ipagdadasal na lang niya na sana makatagpo ito ng babaeng magmamahal dito ng lubos at higit sa lahat, isang babaeng hinding-hindi ito sasaktan tulad ng ginawa niya.

                She passed over a famous music lounge. All of a sudden ay naisipan niyang mag-U turn at mag-stop over sa Senang Hati.

                A place where you find your happiness. Napatingin siya sa mensaheng bumungad sa kanya sa may main entrance ng Senang Hati. The place has been known with this quotable tagline. Nagkataon ding maraming love story ang nabuo sa music lounge na yon. Find my happiness? If Hershey is inside, I will certainly believe on that line… Napailing siya.

                Malungkot na pumasok siya sa loob at humanap ng bakanteng mesang pupwestuhan. Isang senti na band song ang sumalubong sa kanya. On stage ang Karisma Band, ang banda ng sikat na model-actor na si Hamiel Catacutan na minsang naging client niya nang magpakasal ito sa nag-iisang anak ng sikat na film director. They were singing their own rendition of Till The End popularized by Six-Part Invention.

                Saying goodbye wasn’t easy to do. After all that we’ve been through. I can’t get get by with all these things in my head. I’m trying to understand… In my heart beating over and over for your love is the one thing that I can’t let go…  

                Napailing si Kisses. Tila hinahabol siya ng thought na bigo na naman siya sa pag-ibig. With the way Hamiel Catacutan sang the song, she got affected and felt her heart breaking into pieces in gradual motion as the song turned to chorus.

                Do you really wanna know what my love is holding on after all this time? That you I’m thinking of. Did I ever cross your mind? That I can even crossed the line for this heart is yours…only yours till the end of time….

                Ngayon tuluyang nag-sink in sa kanya ang lahat. She was more than what lost means. Hindi niya alam kung paano babangon muli. Nang mabigo siya kay Ryan, may isang Hershey na tumulong sa kanyang pulutin ang sarili niya. Ngunit ngayong kay Hershey na siya nabigo…wala siyang kaagapay kundi ang sarili niya…at ang muling nadurog niyang puso. If only I had been a good girlfriend to you, Hershey.

                Sumandal siya sa kinauupuan. Pagka’t celebrity ang performer on stage, napakaraming tao sa loob ng Senang Hati. Swerte pa siyang nakakuha siya ng mauupuan. Umorder siya ng konting makakain at moderate drinks. Hindi siya mahilig mag-inom at magmamaneho pa siya kaya wala sa plano niya ang malasing.

                She felt numb. Maraming tao sa paligid niya, mostly mga couples na nagde-date, pero tila wala siyang pakialam. Marami din ang lumapit sa kanya, nakikipagkilala, nago-offer na samahan siya sa mesa ngunit wala ni isa sa mga iyon ang in-entertain niya. Wala akong gustong makasama ngayong gabi…si Hershey lang. She sighed.

                Minsan talaga ang unfair ng buhay. Natagpuan na nga niya ang true love pero madali iyong binawi sa kanya ng pagkakataon. Sumandal siya sa inuupuan niya.  All of a sudden she smelled a familiar perfume. Nangilid ang luha niya. Over na ang imagination niya dahil pati men scent ni Hershey ay hinahanap-hanap na rin niya.

                Do I really have to leave you, Hershey? Ngayon ay tila pinagsisisihan na niya ang desisyon niya. The sad thing was…there’s no turning back. She knew she had to be strong for her love to Hershey. Carelessly, bumunot siya ng panyo sa bulsa ngunit nabitawan niya iyon. Nang pulutin niya iyon ay nagkasabay sila ng lalaking nakaupo sa likod niya. Their hands touched. Her tears fell. Kilala niya ang kamay na yon, ang familiar na men scent…ang pamilyar na taong kanina pang nakaupo sa likod niya.

                Kahit ayaw niya ay binawi niya ang kanyang kamay ng dahan-dahan. But when she was about to succeed, Hershey grabbed her hands again and held it firmly.

                “Let go…” she whispered without looking at him. Nanatili lang magkahawak ang kanilang kamay at nakatungo lang siya. Ayaw niyang makita kung gaano ito nasaktan sa desisyon niya.

                Hindi siya nito sinunod. Bagkus ay iniangat nito ang mukha niya. She was greeted by the most angelic face she ever seen, loved, and treasured. She remembered the electronic billboard outside the lounge. Now, this place was really right. My happiness was here.

                Malungkot ang mga mata nito, nagsusumamo, nanunuyo, nagpapatawad. He was indeed too good to be true kaya alam ni Kisses na hindi siya ang tamang babae para dito. He deserved someone who could give more than she gave him…minus the hurt feeling indeed.

He didn’t say anything. He just wiped her tears away. Pero dahil do’n lalo lang siyang naiyak. How could she break the heart of this loving guy?

                L-let go…” Halos walang lumabas sa bibig niya pero kailangan niyang sabihin iyon. Hindi siya pwedeng magbago ng isip sa paglayo niya. Ngunit itong si Hershey ay binibigyan siya ng pagkakataong magbago ng desisyon. No Kisses, you’re doing this for him. So do it. “Please, let go.”

                Daig pa niya ang nasaksak sa puso nang bitawan siya nito. Walang imik na ibinigay nito sa kanya ang panyo niya at umayos na uli ito ng upo…at ganon din ang ginawa niya. 


PREVIOUS                                                                NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…