Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter Four







Hershey was preparing a special chocolate mousse cake for Kisses. Kasalakuyan siyang nasa kitchen ng cafeteria sa loob ng Pontez Building na pagmamay-ari ng pamilya ng kaibigan niyang si Cielo Pontez. Kasalukuyang ginaganap ang annual business convention ng Pontez Group of Companies at ang catering service niya ang kinuhang caterer para sa event. Bilang isang hands-on boss, madalas na siya pa rin ang mismong nagluluto ng mga pagkain hangga’t kaya pa niya.

                  Tapos na niyang lutuin at i-prepare ang mga pagkaing kailangan sa convention. Ngayon naman ay ang exclusive chocolate cake para kay Kisses naman ang pinagkakaabalahan niya.  Nagkataon din kasing si Kisses ang naging event coordinator ng naturang business convention.  Nang matapos ang chocolate mousse cake ay ikinahon niya iyon at saka binitbit palabas ng kitchen.

                His message alert tone rang. Kinuha niya mula sa bulsa ang cell phone at kasabay noon ay may nahulog na panyo. Saka lang niya napansin na ang nakuha pala niyang panyo dahil sa pagmamadali ay panyo ni Myca. Pinulot niya ang panyo at muli iyong ibinulsa bago niya tiningnan ang text message sa cellphone niya.

 Isang message ang natanggap niya mula sa ina ng namayapang kaibigan. Hijo, it’s her 40th day of death. May padasal sa bahay mamayang alas-sais. Hope you can come.


                Natigilan si Hershey. All these days, sinusubukan niyang wag magpaapekto sa pagkamatay ni Myca. Alam niyang nasa mabuting kamay na ang kaibigan niya. He promised her na kakayanin niya ang buhay na wala ito ngunit tila habang tumatagal ay inaanyayahan siya ng pagkakataon para ipagluksa ng  buong-buo ang pagkamatay ng kaibigan.

                Bumuntong-hininga siya bago nagreply sa text message. Sure, Tita. I’ll be there.

                Nagtuloy siya sa board room kung saan nag-stand by ang crew ni Kisses. Inabutan niya si Kisses na nag-iisa lang sa board room at tila abala sa kung anumang ginagawa nito sa laptop. Nilapitan niya ito.

                “How’s the in-demand videographer and events coordinator? Busy?” bati niya rito.

                Binalingan siya nito at nginitian. “I’m not a good videographer, Hershey. Pwede kang magpreno sa pambobola mo sa akin minsan. Sa lahat talaga ng kaibigan ko, ikaw na ang pinakabolero.” 

                “Sus, two million and still counting hits on youtube on Rover and Apple’s wedding video in just one week. So, hindi ka pa magaling na videographer sa lagay na iyon?”  He did watch all her video portfolios. At bilang isang may alam sa videography, masasabi niyang magaling talaga ito.

                “Pinanood mo ang videos ko? Well, artista si Rover, sikat. Natural na searcheable siya sa internet.”

                “Kisses, basahin mo kaya ang hundred comments ng youtube channel mo para marealize mo na magaling kang videographer,” he said with a smile as he placed the box of chocolates in front of her.

                Ngiti lang ang ginanti ni Kisses sa sinabi niya. “Ano naman iyan?”

                “Chocolate mousse cake para sa isang humble, pretty and sweet Kisses.”

                “Wow! My most ever favorite stress-reliever! Ay naku, Hershey. Salamat talaga naging friend kita.” Tila na-excite itong tikman ang dala niya.

                Agad nitong inisang-tabi ang laptop at napunta na sa chocolate cake ang atensyon nito. Ikinuha naman niya ito ng malinis na plato mula sa pantry ng board room. He sliced a piece of cake and gave it to her.

                “Di iyan kasama sa naka-serve sa labas. Ginawa ko iyan para lang talaga sa’yo.”

                “Naks. Napaka-sweet friend mo talaga. Salamat.” She took her first bite. “Sarap. Dahil diyan, may offer ako sa’yo.” Ibinigay nito ang isang folder sa kanya. “Read it while I’m dating with my chocolate mousse. Yes!”

                “Nakakatuwa ka talagang pakainin. Para kang bata…cute.” Iniangat muna niya ang SLR camera at kinuhanan ito ng picture.

                Tila nagulat ito sa flash ng camera. “Nagsasayang ka na naman ng film,” patawang hirit nito.

“Marami pa akong film para sa’yo,” sakay niya sa biro nito.

“Wuuu, pambobola overload na, Hershey! Basahin mo na lang iyang folder. Hayaan mo kami ni chocolate mousse dito.”

  Natatawang binuklat lang niya ang folder at binasa iyon. Natigilan siya at muling binalingan ito. “Kinukuha mo na ang restaurant ko as official caterer ng Dernadez Events Services?”

                “Yup. Basta kailangan ng client ko ng caterer, ang Neryz Ennael na ang nasa top priority list unless may ibang gusto ang client. Well, kung papayag ka lang naman.  Nasa supporting documents ang terms and conditions. Honestly, nagustuhan ko at ng mga previous clients ko ang catering service nyo kaya I want this thing to be official.”

                “What more can I say? Of course! It’s a deal!” He was indeed so much happy. Hindi lang kasi iyon nangangahulugan ng stable income sa negosyo niya. Higit pa roon, nangangahulugan din iyon na mas madalas silang magkakasama sa trabaho ni Kisses. And that idea agitated him more.

                “Kung ganon. Deal closed.” She offered her hands to him.

                Agad naman niyang tinanggap ang kamay nito.  “My pleasure.”  Then they both smiled.

                She scooped a part of the cake and offered it to him. “Tikman mo rin ang ginawa mo. Sarap talaga promise.”

                Nahihiya man ay sinubo na rin niya ang binigay nito. “Ano pa bang klase food with chocolates ang gusto mo?”

                “Kahit ano basta may chocolates. Bakit? Ipagluluto mo uli ako?” tugon nito habang enjoy na enjoy sa pagkain.

                “Oo naman para maging masaya ka palagi.”

                Natigilan ito at seryosong binalingan siya. “Teka nga, Mr. Castillo…nanliligaw ka ba sa akin?”

                He was caught off guard with that question. Ni siya nga hindi niya alam na nagpapakita na pala siya  ng sintomas na nanliligaw siya dito.  Lagot ka, Hershey.  

                “Ah…”

                The glass door opened at iniluwa nito si Ryan. Bakit hanggang dito, naliligaw ang lokong ito?  

                 “Hi Kisses!”

                Hindi alam ni Hershey kung ikatutuwa niya ang pagsulpot nito o ikakainis. Oo nakaligtas siya sa hot seat ngunit batid niyang pagdating kay Ryan ay sensitibo pa rin si Kisses. Ayaw niyang bumalik na naman sa page-emote ito dahil lang sa muling paglitaw ng Ryan na ito. Nevertheless, he let Kisses handled everything. Nanatili naman siyang nasa tabi lang ni Kisses para sumuporta.

                Biglang naging formal si Kisses.

                “Oh Ryan, andito ka rin pala.”

                “Ah consultant lang ako ng mga Pontez. Ahm, nakita kita kanina pero mukhang masyado kang abala kaya hindi na kita nilapitan. I have to give this to you.” Isang envelop ang ipinatong nito sa mesa. “Tinanggihan mo na ako noong inalok kitang maging wedding coordinator ko. Tumanggi ka ring maging maid of honor. Pero sana dumating ka sa kasal ko, Kisses para maramdaman ko naman na totoo ang sinabi mong hindi ka umiiwas sa akin.”

                Hindi na nito hinintay na magsalita si Kisses. Agad na rin itong umalis ng board room at naiwan silang dalawa.

                Napailing na lang si Kisses. “Aba’t hindi man lang ako pinagsalita ng walang-hiya!” Asar na umupo lang ito at tiningnan lang ng masama ang invitation.

                Dinampot niya ang invitation para ilayo dito.

                “Hershey! Akin na iyan!” sita nito.

                “Ibibigay ko ito, if you will attend his wedding. Hindi mo na kailangang makita pa ang laman nito kung hindi ka naman a-attend. It’s just a waste of time and emotion,” mariing sambit niya.

                Pinagtaasan siya nito ng kilay. “And who are you to do that, Mr. Castillo?”

                “I just want to make sure you won’t sore your eyes crying just because of that guy.”

                Natigilan ito pagkatapos ay bumuntong hininga. “Akin na, pupunta ako.”

                “Sure?”

                “Yeah, sure. Pupunta ako para patunayan ko sa sarili ko na kaya ko ng mag-move on.”

                Iniabot niya dito ang invitation. Umupo ito at binuklat ang invitation. Si Hershey naman ay sumandal lang sa hamba ng mesa sa tabi ni Kisses. Iniangat niya ang SLR camera at kinuhanan uli ng stolen shot si Kisses. Sinilip niya ang kuha niya sa screen ng camera. Lalo siyang nanahimik  nang ma-capture ng camera niya ang lungkot sa mga mata ni Kisses habang binabasa ang laman ng invitation.  Binalingan niya ito at tinitigan na lamang.

                “Ipapakita ko na hindi na ako affected at hindi na ako bitter. By the way, mas maganda ako sa bride niya di ba? Di ba?”

                Ipinakita pa nito ang picture sa invitation. It’s true. Mas maganda si Kisses kesa sa bride-to-be. “Hindi ka talaga bitter?” tudyo niya rito.

                Sinamaan siya nito ng tingin. “Kanino ka ba panig ha?”

                Pabirong pinisil niya ang ilong nito. “Sa’yo syempre.”

                “Good.”  

                “Kisses, if you want, I can go with you.”

                Hinawakan ni Kisses ang kamay niya. “Let me do this on my own this time, Hershey.”

                 Pinagsalikop niya ang kanilang mga kamay. “Okay. If ever you need me, I’m just one call away.”

                “Thank you, Hershey.” She smiled and he stil continued gazing at her. “Don’t look at me like that.”

                “Why?”

                “Nakakaagiw ng utak ka kung makatitig.”

                “Huh?”

                Tumawa ito. “Nevermind.” She scooped a slice of cake and offered ito to him. “Let’s eat your masterpiece.”


                 “ANO KISSES, papasok ka ba o hindi? Aba, nag-aksaya ka lang ng gasolina kung hindi ka naman bababa ng kotse. Sayang din ang new dress mo pati stilettos mo,” sita ni Kisses sa sarili. Higit thirty minutes na siya doon sa tapat ng simbahan. Kanina pang nagsimula ang kasal pero hindi pa rin siya makalabas sa kotse niya…or shall we say, natatakot talaga siyang lumabas.

                Nag-ipon siya ng lakas ng loob. Lumipas ang limang minuto pa bago pa niya nakumbinsi ang sarili na lumabas ng kotse at pumasok sa simbahan. Maayos ang arrangement ng decorations ng buong simbahan. Of course, well trained ang mga staff niya kaya kahit hindi siya ang may handle ng isang event, kampante siyang maganda ang kalalabasan dahil puro magagaling lamang sa industry ng events ang mga tauhan niya.

                Pumasok siya sa loob at namaybay ng lakad sa gilid ng simbahan papalapit sa altar. Tila may malaking bloke ng yelo na dumagan sa puso niya. Muli ay tila nanumbalik lahat ng sakit at kabiguan na matagal na niyang itinakwil sa puso niya.  Masakit pa rin palang makita si Ryan na ikinakasal.

                “And now, I pronounce you, husband and wife. Congratulations, you may now kiss the bride,” sambit ng  pari.

                Kagyat na tumakas ang isang patak ng luha sa mata ni Kisses nang sa harap mismo niya ay nag-award ng newly-wed kiss si Ryan sa pinakasalan nito. Official na… paalam na sa batang puso niyang nagmahal kay Ryan noon. Wala na siyang laban. Sa simula pa lang, talo na ang puso niya.

                Pasimpleng tumakbo siya palabas ng simbahan… nakatungo, nagmamadali, ninanais tumakas. Malapit na siya sa kotse niya nang may makabangga siya.  “Sorry.” Hindi man lang siya tumunghay para makita ang nabangga niya. Walang dapat makakita na bigo pa rin siya sa pangako niya sa sarili na mag-move on na.

                Nagulat na lang siya nang sa halip na mag-give way ay masuyong niyakap siya nang nabangga niya. Then she recognized those loving arms, that men scent, and that sweet comfort the man was giving her.

                “It’s okay, Kisses. I’m here.”  The man uttered a familiar voice.

                Tumunghay siya para masiguradong hindi siya nililinlang ng pandinig niya. “Hershey…”

                Niyakap lang uli siya nito ng mahigpit.  “Let me carry your baggage, Kisses.”

                “Why are you so…caring…and sweet?” She felt like her broken heart was being repaired by this guy. Unti-unti ay lumuluwag ang kalooban niya. Tila may isang mabuting pusong nagbuhat ng bloke ng yelo sa puso niya. And that good-hearted man was named Hershey.

                Hindi nito sinagot ang tanong niya. “Let’s go. I’ll take you home,” sambit nito nang igiya siya nito sa kotse niya. Sa halip na sa driver’s seat ay sa passenger seat siya nito pinapasok. He then rode on the driver’s seat. “May I have the key?” nakangiting baling nito sa kanya. Ngunit agad nabawi nito ang ngiti nang mapansin ang mga mata niya.  With his thumb’s gentle touch, her tears and burden were washed away.

                “Thanks, Hershey. Minsan pakiramdam ko, anghel ka na pinadala para maging karamay ko sa lahat ng bagay.”

                “Then let the angel take care of you, Kisses. Give me the key.”

                She did. “Teka, nakakabading ang kotse ko e. Ako na lang ang mag-drive—” Pinagtaasan siya nito ng kilay. “Ang cute mo talaga pag tumataas ang kilay mo. Wag ka ngang ganyan Hershey, naku-cute-an ako sa’yo e.”

                Ngumiti ito pagkatapos ay nagtaas uli ng kilay. Waaaaah, ang cute mo talaga Hershey! Napatawa na lang tuloy siya.

                “That’s far better.”  Iniangat nito ang SLR camera. “Smile!”

She did.

Then he started the engine of her pink car. Ang totoo, kotse iyon ng kanyang ama na adik sa color pink. Isa pa iyon sa namana niya sa magulang. Paborito rin niya ang color pink.  Then he started driving away from the church. At doon din sa simbahan na iyon, iniwan niya ang nabigo niyang puso dala ang panalanging sana nga ay tuluyan na niyang makalimutan ang pagmamahal kay Ryan. 

Binalingan niya si Hershey na abala sa pagmamaneho. “Ayoko pang umuwi.”

“Saan mo gustong pumunta?”

She smiled.


BUMALIK sila sa simbahan kung saan ikinasal si Ryan.  Naging solid ang decision ni Kisses na harapin ang  sitwasyon niya upang sa ganon ay matapos na lahat. Sakto namang kalalabas lang ng simbahan ang bagong kasal.

With Hershey on her side, matapang na lumapit siya sa bagong kasal. “Ryan, best wishes!” Iniabot niya dito ang kanyang gift.  At nginitian din niya ang  napangasawa nito.

Ryan kissed on her cheeks. Gusto sana niyang umiwas pero hindi pwede. “Thank you at dumating ka. Sunod kayo sa reception ha.”

“Sorry Ryan, pero may importante kaming lakad ni Hershey. Actually, I just dropped by to greet you personally and to hand you the gift,” palusot niya.

Nalungkot bahagya si Ryan. “Ah, ganon ba. Sige mag-ingat kayo ha.” Binalingan nito si Hershey. “Pare, kindly take care of her.”

“Of course, I will,” formal na tugon ni Hershey. Binalingan siya nito. “Let’s go?” 

She nodded bago niya muling binalingan si Ryan. “Mauna na kami ha.”

Tumango lang ito at muling binalingan ang napangasawa na iginiya nito sa bridal car. Few minutes more, nakaalis na ang bridal car at nakasakay na rin silang dalawa sa pink niyang kotse.

“It still hurts like hell, Hershey.” Tears fell again from her eyes.  “Kailan ba mawawala ang pain na ‘to?”

Hershey didn’t say anything. Bagkus ay niyakap lang siya nito. And she just cried on his shoulder. Ilang minutong hinayaan lang siya nitong umiyak hanggang sa lumuwag ang pakiramdam niya.

“Can I ask a favor Hershey?”

“Yes. Anything.”

“Help me forget him.”

Nagulat ito ngunit agad ding nakabawi. “Okay, I will. But for the mean time, I’ll take you home.”

Hidi na siya tumanggi nang i-start nito ang engine at nagsimula muling magmaneho.  Tahimik lang sila habang binabagtas nila ang daan pauwi. Hanggang sa finally, nakarating din sila sa bahay niya. He parked the car. Pagkatapos ay pinagbuksan pa siya nito ng pinto.

“Kisses, anak.”

Nagulat sila pareho nang bigla na lang sumulpot ang kanyang ama.          

“Dad!” Agad siyang yumakap at humalik sa pisngi ng ama pero na kay Hershey na naman ang atensyon ng ama.  “Ah, nagpahatid lang ako kay Hershey Dad.”

“Good evening po, Sir.”

Nagtaas ng kilay ang kanyang ama. “Mukhang napapadalas ang pag-deliver ng pagkain at paghatid mo sa anak ko, Mr. Castillo.”

“Ahm, I don’t have any bad intention, Sir.”

“Dad, friend ko siya and business client,” singit ni Kisses but knowing her Dad, alam niyang hindi nito titigilan si Hershey unless ma-satisfy ito sa maririnig.

“So what’s the good intention, Mr. Castillo.”

“Ah, Dad—”

“Kisses anak, pumasok ka muna sa loob. Mag-uusap lang kami ng kaibigan mo.”

Wala na siyang nagawa dahil mula pa noong bata pa siya, kapag nag-utos ang kanyang ama, wala ni isa man sa kanilang magkakapatid ang nakakahindi. Nag-aalala siya kay Hershey nang pumasok siya sa bahay. Nanatili siya sa may pinto at nakasilip. Malas lang niya dahil sa labas pa ng gate nag-usap ang mga ito. Naku Hershey, pasensya ka na sa strikto kong ama.  

“Manliligaw mo ba ‘yon, anak?” Nagulat siya nang magsalita ang nanay niya. Nakalapit na pala ito sa kanya nang hindi niya namamalayan.

“Hindi po, Ma. Angel ko siya.”

Her mom gave her a doubt look. “Boyfriend mo na?”

“Hindi po, angel ko po siya. Pag kailangan ko ng instant karamay, bigla-bigla siyang sumusulpot. Pag kailangan kong tumawa, napapatawa niya ako.”

“Type mo siya?”

“Ano po kayang pinag-uusapan nila ni Dad?” pag-iwas niya sa tanong dahil maging siya ay hindi sigurado sa dapat niyang isagot.

“Wow, nag-change topic. In denial stage. Interesting kayo, anak,” tudyo ng kanyang mama. “Wag mong intindihin ang pag-uusap nila. Your Dad knows only the best for you…for us.”

Maya-maya pa’y pumasok na ng bahay ang kanyang ama. “Umalis na ang kaibigan mo, anak. Tayo naman ang mag-usap.”

Atubiling sumunod lang siya sa ama sa loob ng  study room. Umupo ang kanyang ama sa sofa at pinaupo siya nito sa tabi niya.

“Nagkamali ako dahil inakala kong ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit ka ilang linggo ng matamlay at minsan ay umiiyak. Kung  hindi ko pa nasindak ang kaibigan mo, hindi  ko malalaman na na-heart-broken na pala ang baby ko.” There was a trace of guilt and sadness on her father’s face.

Iyon na nga ang iniiwasan niyang mangyari kaya ayaw niyang malaman ng magulang pinagdaraanan niya. Naku,  tsokolateng chef! Lagot ka talaga sa akin Hershey! Bakit mo sinabi kay Dad iyon?  Nainis tuloy siya kay Hershey ng wala sa oras. Napangunahan kasi siya.

“Okay lang po ako Dad—”

“Kung okay ka, bakit pugto na naman ang mata mo?” Inakbayan siya ng kanya ama. Yumakap siya dito tulad ng palagi niyang paglalambing dito. “It’s Ryan’s wedding today, right? Tapos nagpunta ka pa do’n  kahit na nasaktan ka na. Nasaktan ka na ng husto,anak. At wala man lang magawa si Daddy para sa’yo.”

“Dad, okay na sa akin ang ganito. Kaya ko kaya wag na kayong mag-alala sa akin.”

“Anak, alam kong matapang ka, pero pagdating sa usaping puso, madalas na nawawalan ng tapang ang isang tao. Let me share you a secret. Alam mong nagkakilala kami ng nanay mo sa panahong pareho kaming heartbroken right?” She nodded and let him continue his story. “Hindi namin sinabi sa inyo kung sino ang love ng mama mo at love ko that time. Ang mother mo ang wedding coordinator sa kasal ng taong minahal niya ng ilang taon…si Tito Lem mo. At ako naman, abay pa ako sa kasal ng secret kong minamahal that time, ang Tita Thea mo. But look at us now. I am more than happy when I married your mom. At wala ni katiting na pagsisisi sa puso ko na pinakasalan ko si Loise. Anak masakit ang mabigo sa pag-ibig pero minsan daan ang heart-broken para makita mo kung sino talaga ang magpapasaya sa’yo.

“Anak, kung nahihirapan ka, nasasaktan ka, pwede kang umiyak sa akin o sa mama mo anytime. Kasi mas masakit sa puso naming mga magulang na nakikita ka naming nasasaktan pero wala kaming magawa dahil alam naming ayaw mong pakialaman ka namin.”

“Dad…” Tears fell again from her eyes. Nagi-guilty siya sa paglilihim sa magulang. Hindi niya alam na nasasaktan na niya ang mga ito nang hindi niya namamalayan.

 “At alam mo ba kung ano ang mas masakit? Nadudurog ang puso kong makita kang umiiyak at nasasaktan dahil sa isang lalaki. Mula pagkapanganak sa’yo hanggang sa eto ka na, malaki na at nasa tamang edad na, never kitang pinabayaan. Lahat ng sakit kung kaya kong alisin sa’yo gagawin ko. Ganon kita kamahal pagkatapos ang mga lalaking makikilala mo, sasaktan ka lang nila ng basta-basta? Mabigat sa kalooban ko iyon, anak.”

“Sorry Dad, kung naglihim ako.”

“Do you remember what I do every time you cry?” Her Dad smiled.

Umiiyak na napangiti siya at umupo siya sa kandungan ng ama. Yumakap siya dito at inihilig niya ang ulo sa balikat nito tulad ng ginagawa niya kapag pinapatahan siya nito noong bata pa siya.

“Tahan na, baby ko.” Her dad kissed her temple.

Naalala niya noong bata pa siya. Pag sinasabi iyon ng ng tatay niya ay agad siyang nagsusumbong kung bakit siya umiiyak. “Nadurog puso ko, Dad. Ang sakit-sakit!”

Tulad noong bata pa siya ay hinigpitan ni Choco ang pagkakayakap sa kanya. “Don’t worry, baby. Daddy is here. Daddy will take away the pain.”

And the rest of the moment she rested on her father’s arms.



PREVIOUS                                                         NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…