Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter Five





Dahil hindi pa rin maalis-alis sa isip ni Kisses ang heartache niya, nagpaalam siya sa magulang na magbabakasyon muna sa Baguio. Sa palagay niya ay kailangan niyang gawin ang magbakasyon para magkaroon siya ng pagkakataon na ayusin ang buhay niya.

               Ibinagsak niya ang lougage bag sa backseat ng pink niyang kotse. Papasakay na siya ng kotse nang mag-park sa tapat ng kotse niya ang isang pamilyar Chevrolet car. Few moments more, umibis mula sa kotse si Hershey na may dalang bouquet of flowers at isang kahon na bihadong may lamang pastries.

                As usual, hindi niya maiwasang hangaan ang binata sa maganda nitong tindig at looks na pang-modelo. Pero hindi niya naiwasang mapaismid nang maalala ang atraso nito sa kanya. Don’t ever praise his new hairstyle, his fair skin, his cute and lovely eyes, his cuteness and his--- Napailing siya. Kasasabi lang niyang hindi niya dapat itong purihin pero iyon din ang naging litanya ng munting tinig sa utak niya.

                “Hello, Kisses. Paalis ka?” bungad nito.

                Hindi, kararating ko lang, obvious ba? “Anong ginagawa mo dito?” walang kagana-ganang sambit niya. “May lakad ako. Nagmamadali ako actually. Sige bye!”


                “Kisses wait!” Pinigilan nito ang akma niyang pagsakay sa kotse at pagsara ng pinto. “Why with that approach? Galit ka ba sa akin?”

                “For the record, oo. Asar ako  sa’yo kaya kung pwede wag ka ng magpakita pa sa akin. Hindi na tayo friends, babu!” Isasara na sana niya ang pinto ng kotse nang pumagitan ito. Dito tuloy napatama ang pinto ng kotse.

                Suminghap ito pero agad nakabawi. “Wait, hindi ko magets kung bakit bigla ka na lang nagalit sa akin. Nung isang araw lang okay tayo ah. Ano bang kasalanan ko sa’yo?”

                Tiningnan niya ito ng masama. “Anong kasalanan mo? Pinangunahan mo ako sa ama ko. Iyon ang kasalanan mo.”

                “Huh?” He gave her a confused look.

                Painosente? “Wala akong panahon sa painosente effect mo, Hershey. Pero para mas maintindihan mo ang ikinaaasar ko sayo, sige sasabihin ko— hey wag mo nga akong titigan ng ganyan!” Pinagtaasan niya ito ng kilay nang mapansing matamang nakatitig lang ito sa kanya... nanunuyo…nang-aakit. Anak ng tsokolate naman oh! Bakit ganyan ka Hershey?  

                “I’m sorry.”

                Hindi niya inasahan ang agad na paghingi nito ng sorry sa kabila ng katotohanan na hindi nito alam ang dahilan ng pagkaasar niya. A man who knows how to step down. Dumagdag na iyon sa pahaba ng pahabang listahan ng mga good qualities ni Hershey na napapansin niya.

                “Kung anuman ang nagawa ko, sorry.” Ibinigay nito ang flowers at ang box na dala nito sa kanya. Hypnotized by his lovely eyes, she just accepted those without resisting. “Peace offering.”

                Inilagay lang niya sa passenger seat ang mga  iyon. “Hindi mo dapat ako inunahan kay Dad. Hindi mo dapat sinabi sa kanya ang tungkol sa heartbreak ko. Naasar ako sa’yo kasi ang isang bagay na ayaw kong makita, which is masaktan ang magulang ko, nangyari dahil sa sinabi mo sa Dad ko.”

                Lumungkot ang mukha nito. “Sorry. Pinilit ako ng tatay mo and I think wala namang masama kung malaman iyon ng magulang mo –”

                “But the fact na inunahan mo ako, foul iyon. Now you know my sentiments, can I go now?” iritadong tugon niya. Naaasar siya, pero hindi siya sigurado kung kanino siya naaasar, kay Hershey ba o sa puso niyang tumatumbling na naman. Kailangan nga niya ang bakasyon. Pati ang kakaibang reaction ng puso niya towards Hershey ay dapat na rin niyang pag-isipang mabuti.

                “No, ayokong maghiwalay tayo na hindi mo ako napapatawad and worse, galit ka pa sa akin.”

                “I don’t want to deal with this matter today, Hershey. I need a break. Bye!”  Sa wakas ay nagawa na niya itong palayuin sa pinto at naisara na niya ito. She started the car engine. Napansin niyang wala na rin si Hershey sa may kotse niya. Nakita na lang niya itong bagsak ang balikat na sumakay sa kotse nito.

                  All of a sudden ay nadismaya siya. Madali ka rin palang sumuko, Hershey. Akala niya ay susuyuin siya nito at hindi siya titigilan hangga’t hindi sila okay. Pero wala. Mabilis din itong sumuko. She started driving.

                Tinatahak na niya ang NLEX nang mapansin niyang sumusunod sa kotse niya ang pamilyar na kotse ni Hershey. Siraulo! Kagyat siyang napangiti. Mali ang inaakala niya na basta-basta lang siya susukuan ni Hershey. Well I guess, I have to know you better my chocolate angel.  

                Ngunit nang maalala niyang bigla ang atraso nito sa kanya ay pawang inagiw na naman ang utak niya para mainis dito. Hindi ako dapat magpatawad agad-agad sa’yo, Hershey. Hindi ako hahantong sa pagbabakasyon kung hindi mo sinabi sa tatay ko na bigo ako!

                Hinayaan niya ito. Malay ba niya kung sinusundan nga ba siya nito o nagkataon lang na nasa parehong way sila ngayon. Pinalipas muna niya ang ilang minuto. Pero walang nagbago. Nakasunod pa rin ito sa kanya. Napailing siya.

                She grabbed her cellphone, inserted the earphones on her ears and dialed a number.

                “Don’t use phone while driving. Kisses.” Hershey dropped the call.

                Napanganga siya. Aba’t pinagbabaan pa ako! “Walanghiya ka rin pala, Hershey!” She dialed again.

                “I said, you should not use phone while driving!” he shouted.

                Napangiwi si Kisses sa sigaw ni Hershey. Kung hindi lang siya naka-earphones malamang naihagis na niya sa dashboard ang cellphone. “Aba, anong karapatang sigawan ako ha?”

                “Ang tigas ng ulo mo!”  He said instead. Mukhang mainit na rin ang ulo ni Hershey. 

                “Wag mo akong sundan. Leave mo alone!”

                “Ayoko! I don’t deal with hanging issues. Stop the car, let’s talk!”

                “Ayoko and hindi pwede nasa NLEX tayo. Hindi ka ba talaga marunong umintindi? Iwan mo na akong mag-isa, Hershey. Wala kang pinagkaiba sa kanya, inilaglag mo rin ako sa magulang ko. I thought mapapagkatiwalaan kita pero hindi. As I thought, secrets between us will always be secrets but I guess, I’m wrong.  For the nth time Hershey, magkalimutan na lang tayo!”

                “No.”

                “Siraulo ka talaga! I hate you.”  Do I?  Kinapa niya ang sariling damdamin ngunit wala siyang nasalat na galit para sa binata. Parang gumagawa lang siya ng lame excuse para makalayo dito o lumayo ito sa kanya.  I can’t believe this!

                “Say whatever you want but I won’t break my promise to stay with you and let you forget him with me.”

                 She hung up the call. Now that he said it, saka lang niya naalala ang mga pinagsasabi niya noon. Did I really ask you to help me forget him? Homaygawd, Maria Kisses! Desperada ang dating mo! Eeew ka!

                Busy tone ang sunod niyang narinig sa kabilang linya. Inalis na rin niya ang earphones sa tenga at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho hanggang sa makalagpas na siya sa NLEX. Still nakasunod pa rin sa kanya si Hershey. Hinayaan na lang niya ito. Napakaraming bagay ang tumatakbo sa isipan niya. Si Ryan… si Hershey…

Nang magkandaletse-letse ang buhay pag-ibig niya, walang ibang tumulong sa kanya kundi si Hershey lang. He came at the right timing, perfect day, perfect execution, and right point. Then all of a sudden, hiniling niya ditong tulungan siya nitong kalimutan si Ryan. Natigilan siya nang may ma-realize siya.  Homaygawd, ginagawa ko bang panakip-butas si Hershey?

                Dahil sa pagkatulala ay nawalan siya ng control sa pagmamaneho. Muntik na siyang mabangga sa isang nakaparadang kotse. Buti na lamang at naikabig niya ang sasakyan. Kabadung-kabado siya sa nerbyos nang huminto ang kotse niya at kumpirmadong ligtas siya.

                She was stunned. Parang tila huminto ang mundo ng ilang segundo. Literal na nablangko lang siya.  At kung wala pang kumatok sa bintana ng kotse niya ay hindi babalik ang huwisyo niya. Standing outside her car was Hershey worriedly asking her to open the car.

                She did. Agad siya nitong dinaluhan. “Are you okay?” he asked while lovingly touching her cheeks.

                Awtomatikong sumikdo ang puso niya. “I-I think so.”

                Nagulat siya nang yakapin siya nito.  “Kinabahan ako sa’yo.”

                She suddenly felt certain strange current flowing on her veins while she was being cradled by Hershey’s loving arms.  

                Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang nag-aalalang mga mata nito. “Pinagsabihan na kita na wag gumamit ng cell phone habang nagmamaneho.” He blew a sigh. “Now tell me, saan tayo pupunta?”

                Doon siya tuluyang natauhan kaya bumitaw siya dito. “Anong tayo? Ako may lakad akong akin, Ikaw, bahala ka sa buhay mo.”  

                “Kisses, pwede bang kahit ngayon lang wag ng matigas ang ulo mo?” medyo tumataas ang tono nito na animo’y nagtitimpi sa kanya.

                “Sinong matigas ang ulo sa ating dalawa? Sinabi ko ng pabayaan mo ako pero heto ka pa rin.”

                “Sa tingin mo ba,  magagawa kong pababayaan ka na lang after nang nangyari na ito? Hindi pa nga accident prone area, muntik ka ng maaksidente what more pa sa ibang dadaanan mo? I can’t just stand by and watch.  I’ll drive you in whatever place you are going. Magaling ng ako na lang ang magmaneho para masigurong okay ka.”

                Hindi alam ni Kisses kung alin ang damdaming dapat sunduin. Naiinis siya sa kakulitan nito at sa pangengealam nito sa buhay niya ngunit may kung anong damdamin itong hatid sa kanya na malumanay na humahaplos sa puso niya na siyang dahilan para makalimutan na niya ang totoong rason ng pagkaasar niya dito.

                She gave in. Mukha namang ipagpipilitan nito ang gusto nito. Bumuntong-hininga siya. “Baguio.”

                “Sasabihin din pala, ginalit mo pa ako.”

                Napa-rolleyes siya at umiwas ng tingin. “Ewan ko sa’yo.”

                “Wait there.”  Binalikan nito ang kotse at may ilang mga gamit na kinuha doon pagkatapos ay binalikan siya nito. Inilagay nito ang laptop bag at isang backpack sa backseat ng kotse. “Move in. I’ll be the one to drive.”

                “Paano ang kotse mo?”

                “Bahala na ang secretary ko doon.”

                Para makaiwas sa argument ay sumunod na lang siya. They continued the travel until they reached their destination.  

               
                TAHIMIK lang sina Hershey at Kisses habang nasa byahe. He just preferred to shut up. Baka kasi kung ano lang ang masabi niya kapag nakipag-argument pa siya kay Kisses. Aminadong napikon din siya sa katigasan ng ulo nito at nadismaya sa basta na lamang nitong pagtataboy sa kanya. For him, what she did was more like a childish act. Ngunit sa kabila ng inis, nangingibabaw pa rin sa kanya ang kagustuhang bantayan ito, alagaan, at unawain na lamang. Pagka’t mula nang makilala niya ito, pakiramdam niya may misyon siya para sa dalaga.

                Finally, nasa Baguio na sila. He suddenly stopped the car. “Saan tayo ngayon dito sa Baguio, Kisses?” She didn’t response. “Kisses?” Saka niya ito binalingan at natuklasan niyang nakatulog na pala ito. Kaya pala tahimik. He got the opportunity to lovingly stare on her face. Kisses had the most angelic face he ever seen. Iyon din ata ang dahilan kung bakit naging paborito niyang photography subject ang dalaga.

                He sighed. Habang tumatagal na tinititigan niya si Kisses ay tila napapawing bigla lahat ng sama ng loob niya dito. Kinuha niya sa backseat ang SLR camera at kinuhanan ito ng ilang shots. Napangiti niya nang mapagmasdan ang mukha nito sa screen ng camera niya.  Sleeping beauty.

                Then sinubukan niya uli itong gisingin. “Kisses?” Marahan niyang tinapik ang pisngi nito ngunit tila napalalim na rin ang tulog nito. Imbes na magising ay umayos lang ito ng baling ng katawan. Napapangiting napapailing na lamang siya. He grabbed a pink star pillow from the backseat and had that pillow embraced by her.

                Parang bata talaga. He started again the engine and drove towards his rest house nearby.


                KISSES felt she had a very comfortable sleep. Tama lamang ang lambot ng kama at unan, tama lamang ang lamig, at napakasariwa ng hanging nalalanghap niya. Pretty sure enough, batid niyang wala na siya sa Manila. Finally a vacation, I’ve been longing to have.  

                Babalik na lang sana siya sa pagtulog nang maisip niyang tila may mali. Nagmulat siya ng mata. Hindi siya pamilyar sa silid. Sigurado siyang hindi iyon ang silid niya sa rest house niya. Hohemji! Nasaan ako? The last thing she remembered, she was sitting in the passenger seat of her own car while Hershey was driving their way to Baguio. Pero paano ako napunta dito?

                Napabalikwas siya ng bangon. Agad niyang namataan ang mga picture frames sa bedside table. There she confirmed, nasa tahanan siya ng mga Castillo. Mga family pictures ng pamilya ni Hershey ang nakita niya sa mesa.

                Nakahinga siya ng maluwag. Sa piling ng tinuturing niyang tsokolateng anghel niya, alam niyang ligtas siya sa kahit anong panganib. Bumangon siya at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay inayos niya ang kama at saka lang niya naalala lahat. May malaki siyang kasalanan kay Hershey. Nang wala siyang ma-blame na tao sa kamiserablehan ng buhay niya, isinisi niya iyon dito. Ang totoo, hindi naman nakasama sa kanya ang pag-uusap nila ng Dad niya. Bigla na lang na naasar siya, ginusto niyang magalit, at mapag-isa. Si Hershey nga lang ang minalas na mapagbuntunan ng issues niya sa buhay.

                At anong klaseng logical reasoning naman yan, Maria Kisses? Napaka-childish mo talaga!  She had enough of her childish act. Kailangang ayusin na niya ngayon ang lahat bago pa iyon gumulo.

                Lumabas siya ng kwarto. Napakaganda ng interior ng bahay. Hindi maipagkakailang mayaman ang may-ari. She looked over the living room, wala roon si Hershey. So she went back and tried the other corner. Nakarating siya sa kusina. Sa pinto pa lang ang amoy na amoy na niya ang paniguradong masarap na hapunan na niluluto ni Hershey. Nakatayo ang binata at abala sa may gas stove.

                Huminga muna ng malalim si Kisses bago nilapitan ito. “Ah, Hershey—“

                Blangko lang ang facial expression nito nang balingan siya. Itinuro lang nito ang mesa. Sumunod lang siya na parang bata at naupo doon. He placed a tea cup on the table. Pagkatapos ay tahimik lang nitong sinalinan ng tea ang cup niya. 

                Galit na rin ata ito sa kanya. “Hershey, sorry na.”

                “Okay lang kahit anong gawin mo Kisses. Kahit anong trato mo sa akin. Isang bagay lang naman ang gusto ko. Iyon ay wag na wag kang mapapahamak.”

                She was touched by his words. He really cared for her. Bibihira sa mga taong nakakasalamuha niya sa linya ng kanyang negosyo ang nagiging ka-close niya. At tanging ito lamang ang naging kaibigan niya na nagpakita sa kanya ng concern at attention.

                “Sorry uli.”

                Binalingan siya nito at nginitian. “Sorry din uli. Secrets are secrets pero hindi ko kokunsintehin ang paglilihim mo sa parents mo. Magulang mo sila, higit sa mga kaibigan mo at sa lahat ng tao, sila ang dapat una mong tinatakbuhan pag mabigat ang loob mo.” Umupo ito sa tapat niya at nagsimula na ring inumin ang tsaa nito.

                Point noted and agreed. “Tama ka naman e. Nasagi lang ang prinsipyo ko sa buhay na wag pasakitan ang magulang ko kaya naibunton ko sa’yo ang galit ko sa mundo.” Humigop na rin siya ng tea. Napangiti siya. “Sarap naman ng tea.”

                “Masarap na tea para sa batang napakasarap ang tulog. Plus, masarap na hapunan later.” He smiled.

                “Pasensya ka na ha. Naistorbo na kita ng bonggang-bongga. Ewan ko nga ba kung paano mo pa nagagawang pagtiisan ako. Matigas na nga ulo ko, pasaway pa ako. Pero salamat ha.”

                “Well, ang totoo hindi ko rin alam. Ang alam ko lang, I enjoyed taking good care of you. Siguro nakikita ko rin sa’yo si Myca. You have lots of similarities pagdating sa ugali. When I lost my friend, I found you. Pasensya ka na nga pala at dito na kita dinala. Dito dati nakatira sina Dad bago mamatay ang lolo at lola ko. Ginigising kita kanina kaso mukhang pagod na pagod din ang katawan mo kaya napahimbing ka ng tulog.”

                     "Okay lang. Ako na nga ang nakaistorbo e."

“Ang cute mo namang istorbo. Masaya akong maistorbo kung kasing cute mo naman ang iistorbo sa akin." He winked.

               "Dinadaan mo na naman ako sa pambobola mo." 

             He just smiled.

                Silence took over between them. They just sipped their cups of tea. Paminsan-minsan ay tumatayo si Hershey para i-check ang niluluto nito.

“Ah, Hershey…”

“Hmmm?”

Huminga siya ng malalim. “Iyong tungkol sa sinabi ko dati na tulungan mo akong kalimutan siya, ahm, pwede bang kalimutan mo na rin iyon? Wala ako sa tamang way of mind that time dahil napakap-emotional ko. I really didn’t mean to beg for your—” 

“Don’t worry about it,” sansala nito. Nilapitan siya nito at tinitigan. Nagdulot ng kakaibang saya sa puso niya ang mga mata nitong tila nanunuyo habang mataman siyang pinagmamasdan. “Hiniling mo man o hindi, may agreement man o wala, mananatili ako sa tabi mo Kisses. Aalagaan kita, aalalayan kita at tutulungan kitang pulutin ang nasirang bahagi ng pagkatao mo dahil sa pagkabigo mo sa lalaking iyon.”

“B-bakit ba napakabait mo sa akin, Hershey?”  That reminded her na hindi pa nga pala nito sinasagot ang tanong niya kung nanliligaw ito sa kanya. “Which reminds me, hindi mo nasagot ang tanong ko kung nanliligaw ka sa akin.” She teasingly smiled.

“Ha?” Bigla itong tumalikod at inasikaso ang niluluto nito.

Gusto niyang matawa. Cute palang biruin itong si Herhsey. “Uy, Hershey, type mo ako ano?”

“You wish, gutom lang iyan!”

“Gutom ka diyan. Hindi mo naman sinasagot tanong ko e. Okay lang naman aminin mo iyon. Cute nga e.”

He threw her a knotted head. “Matulog ka na nga lang. Kung anu-ano iyang naiisip mo.”  Nagtaas pa ito ng kilay afterwards.

She laughed. “Ikaw ha, nagpapa-cute ka na naman sa akin.”

“Huh?”

“Sinabi ko na sa’yo na wag mo akong pagtaasan ng kilay kasi naku-cute-an ako sa’yo pero nagtataray ka pa rin lagi.”

He grinned as he walked towards her. Tintitigan siya nito with mischievous smile nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Nahigit ni Kisses ng hininga. Homaygawdilicious chocolate!

“Hmm, Maria Kisses, mukhang ikaw naman ata ang may gusto sa akin ah. Nanliligaw ka ba, Kisses?”

She gathered her might to pretend that she’s having trouble with her circling heart. Pabirong nag-rolleyes siya at tinapik ang noo nito. He just shut his eyes and teasingly smiled. Ah, ang cute cute mo. Crush na kita, Hershey!  “Binabangungot ka boi! Gising!”

   He opened his eyes and lovingly stared at her. In that simple gesture, she felt her heart being repaired and nurtured by his presence. It seemed like a certain undefined magic was casted between them. Wala mang magsalita, wala mang kumilos, ang kanilang mga mata ay tila piping nag-uusap. Okay na sana ang lahat, kung hindi lang nila naamoy na parang may nasusunog.

The magic suddenly disappeared.

“Oh crap! Nasusunog ang niluluto ko!”  Dali-dali nitong binalikan at isinalba ang kanilang hapunan habang siya naman ay tawa ng tawa. For the first time in his life as a chef, ngayon lang ito nasunugan ng niluluto.


PREVIOUS                                                     NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…