Skip to main content

When Hershey Meets Kisses- Chapter Eight





Nakasimangot na pumasok si Kisses sa rest house niya. Buong araw na hindi niya nakita si Hershey. Nag-cater ito sa isang birthday party ng politiko sa Sagada. At sa sobrang pagka-busy nito, pati ata mag-text ay hindi nito magawa. She sent lots of messages but none of them were answered. Paalis na sila ng Baguio kinabukasan at wala man lang si Hershey sa huling gabi nila sa Baguio. Hindi siya nagtatampo dahil naiintindihan naman niya ang trabaho nito. Mas tamang sabihing nalulungkot lang siya.  

                Pagpasok niya ng bahay ay umupo siya sa sofa at nagtype ng last message niya para kay Hershey. Ayaw din naman niyang makulitan ito sa kanya. Kung hindi ito magrereply sa messages ay hindi na muna niya ito gagambalain sa trabaho.  Hershey, kahit maraming niluluto para sa event mo, wag mong kakalimutang kumain ha. Wag ka ring magpapatuyo ng pawis sa likod. Iyong bag mo may towel doon at spare shirt. Palit agad pag pawisan na ha. Uwi ka ba? Text mo ako ha.  Sent.

                 Pagod din siya sa trabaho. Dalawang kasal ang magkasabay niyang inasikaso kaya nagpabalik-balik siya sa dalawang wedding venues. Isinandal niya ang likod sa sofa at pumikit. Magpapahinga muna siya saglit bago siya magbihis at magsimulang mag-empake ng gamit na iuuwi niya sa Manila.


                Napapaidlip na siya nang mag-beep ang phone niya. Kisses, sorry ngayon ko lang nabasa ang mga text messages mo. I’m on my way to your home. Btw, I have something for you on your room. Did you see it?  

                Full of excitement, tumayo siya at nagmadaling magpunta sa kwarto niya. Natigilan siya nang buksan niya ang pinto. Nagbago ang decors sa kwarto niya. There were pocket-size photos hanging from the ceiling sa tapat ng kama niya. Her bed was full of rose petals, too. May isang CD din ang natagpuan sa kama niya. Napalitan na ang bed sheets, at curtains from it’s yellow inspired motif to pink, her favorite color.

                Sumampa siya sa kama at tiningnan ang mga nakasabit na pictures. Mga sweet at wacky pictures nila iyon ni Hershey. Mukhang handmade ang mga iyon. Ibig sabihin ay nagawa nitong pagtyagaang gawin ang mga yon nang hindi niya namamalayan. She was touched with his sweetness.

                Her phone rang. Hershey’s name and cute picture blinked on the screen of her cellphone. She answered the call.

                “Hershey, kainis ka naman. Kanino ka ba kumukuha ng mga ganitong idea?”

                He laughed. “You like it?” tanong nito.

                “Of course, I love it.”

                “There’s a DVD there. I know few on video editing. I may not be as good as you but I tried my best making that video for you.”

                Nangilid ang luha niya sa tuwa. “Why are you doing this, Hershey?”

                “Nothing much. It’s just our last day and night together in Baguio and it’s our tenth day. Pasakay na ako ng kotse. Be there in few minutes. Bye. I love you.”

                “I love you, Hershey. Take care.”

                Nanatiling nakangiti pa rin siya kahit na-cut na ang call. She grabbed the CD and went to her table. Binuksan niya ang laptop at pinanood ang laman ng CD.

                It was like a pre-nuptial video. The song was The Love I Found In You and Hershey was the one who sings the song while playing the piano. Ito ang unang lumabas sa video. Nasundan iyon ng mga cinematic insertion ng mga photos nilang dalawa.

                You are the air I need to breathe, the river of life inside me. You are the half that made me whole. You are the anchor of my soul. And you are strong when I am weak. You are the words when I can’t speak. You never fail to see me through… That’s the love I found in you…

                Tuluyang naiyak si Kisses sa sobrang tuwa. Unang nota pa lang ng kanta ay ramdam na ramdam na niya kung gaano siya kaswerte at si Hershey ang halos lahat ng una niya sa usapin ng true love.

                And once in every life you find the one that’s right. And when you say forever it’s true. That’s the love I found in you…

                Mula sa simula hanggang sa matapos ang video ay nakangiti lang si Kisses. Once again, binigyan siya ni Hershey ng dahilan para wag makalimutan kung gaano siya kaswerte dito.

                Pinagpaulit-ulit niya ang video hanggang sa may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Paglingon niya ay si Hershey ang bumungad sa kanya. Agad niya itong sinalubong ng yakap. She didn’t say anything. Niyakap lang niya ito ng mahigpit.

                He embraced her back and kissed her temple. “Kapag ganyan ka lagi, okay lang mapagod sa maghapon. Basta bago matapos ang araw ay may isang sweet hug ako mula sa’yo, sulit na.”

                She felt their bodies sway as the song from the video was playing all over her room. She closed her eyes and let herself feel his presence. “Pagod ka sa pagluluto?”

                “Medyo. Ikaw mukhang pagod ka rin.”

                She rested her head on his left chest and felt his fast heartbeat. Napaangat siya ng tingin at  nahuli niyang nakatitig ito sa kanya. “Okay ka lang ba?” Hinaplos niya ang pisngi nito.

                Ngumiti ito. “Oo naman, okay lang ako. I think it will be better kung magsimula na tayong mag-empake para makapagpahinga.”

                She smiled. “Right. Tara.”  Bumitaw siya dito. Ngunit bago siya makalayo ay hinawakan nito ang kanyang kamay. Binalingan niya ito. “Bakit?”

                “We can make it, Kisses… right?”  May himig ng pag-aalala sa tinig nito.

                Umupo uli siya sa tabi nito at hinawakan niya ang kamay nito. “Ano bang inaalala mo? Na pagbalik natin ng Manila, hindi na tayo? Na may magbago? Na parang nag-love affair lang tayo sa summer-capital ng Pilipinas? Na parang nanaginip lang tayo ng isang buwan? Hershey, mahal kita. Walang mababago. Wag mo ng isipin ang tungkol sa nakaraan. Ang mahalaga, ngayon. Tayo…ngayon.”

                Niyakap  siya nito. “I will hold on to your words, Kisses. I love you.”

                “I love you too. Let’s make this work, okay?” She kissed his nose.

                He nodded.


                “WHERE the hell is my camera?” Nagpaikot-ikot na si Hershey sa paghahanap ng kanyang precious SLR camera pero wala ito sa gamit niya sa office. Hindi niya maalala kung saan niya huling pinatong ang camera bago siya pumunta sa kitchen area ng restaurant para magluto. Pagbalik niya sa opisina ay saka niya nalamang nawawala ang camera niya.

                Nang mapagod sa paghahanap ay tumawag siya sa bahay para ipahanap sa mga kasambahay ang camera. Ilang minuto pa ay tumawag muli sa kanya ang mama niya at sinabing wala ang camera sa bahay. He was upset. Ang camera niya ay parang bahagi na ng katawan niya. Ngayong nawawala ito, hindi niya maiwasang malungkot. Malas ata siya ngayong araw. Kanina ay napaso ang kanang kamay niya habang nagluluto at ngayon naman, nawawala ang camera niya. Bagsak ang balikat na umupo siya sa swivel chair at binuksan ang kanyang laptop.  Ang pinakapaboritong picture nila ni Kisses ang bumungad sa kanya mula sa screen ng laptop.

                Napangiti siya. Dalawang araw pa lang nang makabalik sila sa Maynila. Pitong oras palang ang nakakaraan nang huli niya itong makita nang ihatid niya ito sa opisina nito pero nami-miss na niya ito agad. Few seconds more he almost forgot that he lost his camera.With Kisses, kahit ata mawala lahat ng material things na meron siya ay magiging okay pa rin siya wag lang itong mawawala sa kanya.

                His peaceful resting on his swivel chair was disturbed by a knock on the door. “Sir, Ms. Jowi Andres is looking for you. Are you going to face her, Sir?” Alam ng secretary niya na nagpapahinga siya pagkatapos magluto.

                “Okay, let her in,” tugon niya.  She was still staying on his hotel. Iyon agad ang una niyang nai-check nang makabalik sila ng Maynila. He didn’t bother to set a meet up with her though.

                After a while, pumasok si Jowi sa office niya.

                “Oh Hershey, it’s been years,” bungad nito sa kanya.

He just stood up as a sign of respect and offered her to take a sit. “Yeah right and you still look fabulous huh.”  For old time’s sake. Nagulat din si Hershey sa sarili niya. Siguro kung hindi siya in love, Jowi’s come back will definitely led him to court her again. Her look hardly changed. She still pretty. But my Kisses is a lot prettier, I bet.

“And you’re still bolero as always. You never change huh,”  she replied as they seated.    

                “Apparently, I did,” pakli niya. “So what can I do for you, Mrs. Andres-Willen?”

                Umiling ito. “No more. Divorced na ako.” Nakangiti pa ito nang sabihin iyon as if divorce from marriage was just nothing.

                “Oh…Sorry to hear that.”

                “I’m not sorry for it. In fact, masaya akong nahiwalay sa asawa ko. Now I’m free and back here for good. Anyway, enough with me. How about you? Where have you been? Hindi ba sinabi ng secretary mo na andito ako? She answered your phone the last time.”

                He proudly looked at her. Naalala niya ang gabing napag-usapan nila ni Kisses ang sagot sa tanong na yon. “Well you talked to my girlfriend and not with a secretary. Nagbakasyon kasi kami sa Baguio. I  had a great vacation with my girl.”

                A shock was in her face when he said about Kisses. “Oh, my girlfriend ka na pala. To tell you honestly, bumalik ako para sa’yo. I heard about Myca’s death. I’m sorry for that, Hershey. I thought may babalikan ako.”

                Nagulat si Hershey sa sinabi nito. Jowi was a straight-forward type of person. Direkta nitong sasabihin ang anumang gusto nitong sabihin without any reservation.

                “I’m sorry, Jowi but you’re half a year late already and as far as I remember you are the one who turn your back on me first.” He said firmly.

                Ngumiti lang ito. “It’s okay. This is life eh. Pero pa rin naman tayong maging friends right? Friends with no hard feelings?” She offered her hand to him.

                Sa tingin naman niya ay walang mali. Wala na rin naman siyang nararamdamang special para kay Jowi. “Sure, no problem.” He accepted her hands.

                “Thanks.” Tumayo na ito nang bitawan niya ang kamay nito. “I have to go. Dumaan lang naman ako e. Mag-check out na rin kami ng anak ko bukas. Nakakuha na ako ng flight pauwi ng Davao so have a nice day na lang.”

                “Sure. Have a nice day.”

                Pagkalabas nito ay siya namang pagpasok ni Kisses sa office niya. Sinundan pa nito ng tingin ang kaaalis lang na si Jowi.

                “Sino iyon? Client mo?” she asked as she closed the door.

                Nilapitan niya ito at hinalikan. “Hindi, si Jowi iyon. Napadaan lang.” Agad kumunot ang noo nito na ikinatawa niya. He playfully touched her knotted forehead. “We just talk and like what I promised to you, I told her I had a great vacation with my girlfriend in Baguio recently.”

                “Iyon lang? Gaano siya katagal dito?”

                “Hmm, mga fifteen minutes.” Niyakap niya ito. “Ikaw, wag ka ng magselos. She’s just an old friend.”

                She intently looked at him and smiled. “Hindi na, sabi mo e. May tiwala naman ako sa’yo. Btw, you left your camera in my car.” Ibinigay nito sa kanya ang camera bag. “Pasensya ka na at hindi ko agad nasabi sayo o nadala man lang sa’yo itong syota mo. Marami din kasi akong trabaho—”

               Sa sobrang tuwa ngayong nakita na uli niya ang camera ay niyakap niya ito. “Thank you so much, Kisses. You’re really my angel. Kanina ko pa hinahanap ang pasaway na camera na ‘to.” He adjusted to be able to look on her face. “I love you so much.” Then he gave her a quick kiss on lips.

                “Sweet mo talaga, Hershey. Wag kang ganyan. Araw-araw na akong mai-in love sa’yo,” sambit nito. She carelessly held his hand. Unfortunately, ang kamay niyang napaso ang nahawakan nito kaya napasinghap siya. “Oh my!” Iniaangat nito ang kamay niya at saka nito nakita ang malaking paso sa kamay niya. “Anong nangyari sa’yo?” Iginiya siya nito sa sofa at naupo sila. Maingat na hawak pa rin nito ang kanyang kamay.

                “Nabuhusan ng pasta sauce. But don’t worry. Natingnan na iyan ng doctor.” He smiled.      

                “Sigurado kang okay ka lang?” A trace of worry flashed her face.

                “Yes.” He kissed her temple for assurance.

                “Lika nga.” She moved closer to him. Yumakap ito sa kaya. She rested on his chest.”Sa susunod nga mag-ingat ka ng mabuti. Mag-aalala ako sa’yo habang nagtatrabaho ka pag naulit pa yan.”

                “Don’t worry about me. Mag-iingat na ako sa susunod.”

                Her phone rang. Agad nitong hinagilap ang cellphone sa bag. She turned to him and smiled. “Client call.”

                “Go ahead.”

                She didn’t bother to stand up and go somewhere to talk privately with her client. She just stay beside her and answered the call. “Yes, Mr. Pontez? Ahuh…” Kinuha nito ang planner sa bag at nagsimulang magsulat.

                Inabala naman niya ang sarili sa pagkuha ng stolen shots pictures ni Kisses. Nang mapansin siya nito ay nginitian siya nito at nag-pose pa ito at nag-pacute habang abala sa kausap na kliyente sa cellphone.

                “Okay then, Mr. Pontez. I don’t usually do the scheduling pero dahil malakas ka sa akin, I‘ll give adjustment. Okay. Thank you.” The call ended. Inilapag nito ang cellphone at planner sa center table. At binalingan siya nito. “Hindi ka pa nagsasawa sa picture ko?”

                Ngumiti siya. “Never.” Kisses phone rang again. “Mukhang napaka-busy ng girlfriend ko.”

                “Ay ewan ko ba. Hindi naman season ng events ngayon.” She grabbed the cellphone. Bigla itong natigilan.

                “Something wrong?” She showed up the screen of her cellphone. Ryan was calling her. May kirot ng selos ang nagbabadyang sumalakay sa puso ni Hershey na pilit niyang itinatakwil. “Sagutin mo, baka importante. You’re still best friends anyway.”

                “Sigurado ka?” gulat na tanong ni Kisses.

He nodded and smiled.

But when she was about to answer the call, the phone suddenly stopped ringing. Nagkibit-balikat lang si Kisses pero nahalata ni Hershey na nagtataka din ito sa biglang pagtawag ni Ryan dito.

Few minutes more, her message alert tone beeped. Binasa nito ang text message. All along ay inobserbahan lang ni Hershey ang kasintahan kaya huli ng kanyang mata ang bakas ng pag-aalala nito sa natanggap na text.  Pagkatapos ay binalingan siya nito.

“Nagtext si Ryan. Mukhang may problema sa asawa. Kailangan daw niya ng kausap,” seryosong sambit ni Kisses. “Okay lang ba puntahan ko muna siya?”

Do I have a right to stop you? He nodded. “Sure. Mag-iingat ka.”

Dahil pumayag siya ay inilagay na nito ang planner sa bag at naghandang umalis. She kissed on his lips. “Let’s have a dinner later.”

He nodded then she left. He sighed.      


KISSES and Ryan met on a coffee shop. Sa isang sulok ng Kofi Cups and Sweets na medyo kubli sa sa nakararaming customers sila nakapwesto.

“So what’s the problem?” tanong ni Kisses. “Kakakasal nyo lang, away agad?”

“A lot more than that, Kisses,” tugon ni Ryan sabay higop ng kape. “I received too much lies from her. Sa madaling sabi, ginago ako.”

Kisses just looked at him. Bakas sa mukha ni Ryan ang parehong galit at sakit. ”Ano bang nangyari?”

“She’s pregnant. Iyon ang dahilan kung bakit ko siya pinakasalan.”

“O, e ayun naman pala e. Baka naman kaya moody nga lang ang asawa mo ay dahil naglilihi.”

“So kasama sa paglilihi niya ang sabihin na lang basta-basta na hindi pala ako ang ama ng dinadala niya?”

“Ha?” May babae pala talagang ganon?

“After all the years of loving her, that’s what I got. Ang sakit dito, Kisses.” He tapped his own keft chest. “She lied to me. Binuo ko na ang pangarap para sa aming dalawa, para sa magiging baby namin pero sinira niyang lahat iyon.”

“Ryan, pag-usapan nyo munang mag-asawa iyan,” payo niya. She hated to see her best friend got hurt. Kahit pa man noon, nasasaktan siya pag nasasaktan ito.

“How can we?  Umalis na siya, bumalik na sa ama ng anak niya. At sinabi niya lang sa akin na sorry, mas mahal pala niya ang ama ng anak niya kesa sa akin. Bullshit, Kisses. We were just married in two weeks! Sana man lang hindi na niya pjnaabot pa sa ganito.”  Isinubsob nito ang mukha sa mga kamay.

Kisses knew Ryan was just controlling his emotion to prevent himself to breakdown. Naaawa siya dito pero wala din naman siyang magagawa. Hinawakan na lang niya ang kamay nito. “Be strong Ryan. You’ll be okay. Sa simula lang masakit mabigo pero pag nagtagal na, mawawala din ang sakit. ” She remembered when she was the one grieving for her love for him. She was just too lucky she had Hershey way back then. Napangiti tuloy siya ng wala sa oras.

“Thanks, Kisses. You’re such my saving angel.” Umiling ito. “Nakakaasar ang buhay. Kung alam ko lang na masasaktan lang ako sa kanya, ikaw na lang sana ang minahal ko. Andon na tayo e pero nilimitahan ko ang sarili ko. Pinigilan ko ang sarili kong mahalin ka.” He lifted his hand, reverse it to held her hand better.

Natigilan si Kisses. Kay tagal niyang hinintay na sabihin iyon ni Ryan sa kanya pero huli na ang lahat. “Ryan…”

“If given the chance, may pag-asa ba ako, Kisses?”

Malungkot na umiling siya. “I already have Hershey. He took care of my heart well. He loves me so much and I love him even more. Sorry, Ryan. It’s too late.”

He posed a sad smile. “Ganon ba? Swerte naman niya.”

“I’m luckier actually.”

“Kisses I know I don’t make sense anymore but…I loved you. It’s just I choose not to love you before. Now, I lost.”

She was stunned by the revelation. Ni hindi nga siya sigurado kung tama ang narinig niya. “Ryan…”

“Don’t worry. I don’t have any intention to ruin your relationship with him. I can see it in your eyes. You love him, you’re in love. Well at least you know now the truth. Hope I can still keep you.”

“I’m still your bubbly best friend, Ryan.” She tried to show him that she’s not affected of what he just said. Pero ramdam niya sa puso at isip niya ang tension.

“Good to hear that.”


I LOVED you. It’s just I choose not to love you before. Hindi pa rin makapaniwala si Kisses na narinig niya ang mga salita na yon kay Ryan. Ang kinakainisan pa niya sa sarili, may kung anong naramdaman siya sa sinabi ni Ryan nang una silang muling magkita. I should not feel anything. I must not feel at all. Mahal ko si Hershey, I should not care if Ryan loved me before! Kaya para maiwasan ang sobrang pag-iisip, nag-focus na lang siya sa trabaho.

Kisses was too busy assisting her staff on a beach party para sa birthday ng ama ni Hershey. Sa project na iyon ay pressured siya. Wala dapat maging mali at dapat lahat ng anggulo ng event ay maging maayos. Wala sa bokabularyo niya ang mapahiya sa magiging future father-in-law niya.

“Ayusin nyo yan ha,” sambit niya sa mga tauhan na nag-aayos ng makeshift stage malapit sa dagat ng  Talisay Batangas. “Siguraduhin nyong matibay ang pagkakakabit ng decors para hindi manlalag mamaya.”

“Opo, Ma’am.”

She nodded and went back checking the details on her checklist habang naglalakad siya papunta sa room niya. She carelessly inserted the key on the door and opened it habang ang mata ay nasa binabasa pa rin. Nasa checklist ang full concentration niya kaya laking gulat niya nang may magpatong ng red rose sa binabasa niyang checklist. Agad na nag-angat siya ng tingin at camera na naman ni Hershey ang bumugad sa kanya.

“The busy events coordinator.” Sinilip nito ang shots na nakuha. “Still pretty kahit pagod na.”

Kinuha niya ang stemmed rose at pabirong ipinukpok iyon sa noo nito.  Pumikit lang ito nang nakangiti. Waaah, cute! “Pag busy talaga ako, saka ka nagta-timing magpa-sweet.”

“Ayaw mo?” pabirong nag-sad face ito.  He moved closer and embraced her waist. Then he lovingly gazed at her.

“Hah! Sinong may sabing ayaw ko? Gustong-gusto, Hershey.”

He took off the papers and rose she was holding then he touched her cheeks. She did the same. Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga palad. “I love you, Hershey.” Awtomatikong pagkasabi niya noon ay bumalik sa isip niya ang pagtatapat ni Ryan. Ano ba???  Her heart was testing her love for Hershey but she didn’t bother to tell him. Iniiwasan niyang isipin nito na nagtataksil siya.

“Iyan naman talaga ang love ko sa’yo. Napakalambing mo.” Pasimple siyang hinalikan nito sa labi.  “Na-miss kita.” 

Isang linggo silang hindi nagkita dahil parehong naging hectic ang schedule. Kung hindi pa naging kliyente niya ang magulang nito, malamang na ilang araw pa silang hindi magkikita. Sinusulit na lang nila sa tawagan at chat pag hindi nila magawang magkita ng personal.

 “Mas na-miss kita.” She embraced him. “Almost eight days tayong hindi nagkita.”

 “Yeah, and it’s kinda hellish. A day without you is one of a heck lonely day.” Kumalas ito sa pagkakayakap niya at tinitigan siya nito. “Parang tumataba ka.”

Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Oy, OA ka. Palakain nga ako pero hindi ako tumataba ano. Kung tumaba naman ako, kasalanan mo. Sarap mong magluto e. Pero ngayon hindi ‘no! Hindi ako tumataba!”

“Tumataba ka. Parang ang laki nga ng itinaba mo.”

“Adik ka, Hershey.” Pabirong inirapan niya ito.

He just hugged her again and whispered on her ears. “You seemed like bigger than before. And it seems like you overly fit in my heart. Lumalaki tuloy puso ko kasi kailangan kong pagkasyahin ang pagmamahal mo dito.”

She smiled. “Bumabanat ka na naman.”

 “I love you so much, Kisses.”

“I love—” Her ringing tone interrupted. Sinilip niya ang caller. It was Ryan.

Mula nang mag-usap sila at sinabi nito ang tunay nitong nararamdaman sa kanya, ilang beses pa uli silang nagkita. In that case, it wasn’t about him and her but about him and his problem towards his wife. Hindi na niya pinaalam pa kay Hershey ang mga bagay na yon upang maiwasan na magselos ito. 

 Hindi niya agad nagawang ilayo ang cellphone niya. Hershey found out that Ryan was the one calling.

“O tinatawagan ka pa rin pala niya. Go ahead sagutin mo na.” May halong tampo ang tinig nito. Tumungo lang ito at bumitaw sa kanya.

“Hershey…”

“Magkaibigan kayo. You have to talk once in a while. Don’t mind me here.”

Tumigil na ang ring at nakatanggap siya ng text. Magkasama kayo ng boyfriend mo? Kisses I need you. Nakita ko siya kasama ang lalaki niya.

Tinitigan lang ni Kisses ang cellphone niya.  She wanted to call him to comfort him but she’s taking consideration on Hershey’s feelings.

“Gusto ba niyang magkita na naman kayo uli?” tanong ni Hershey.

“May problema siya sa asawa niya. Kailangan niya ng kausap. Kailangan niya daw ako.”

“Hanggang kailan ka niya kailangan, Kisses?” Sa tono ni Hershey, alam ni Kisses na nagseselos na nga ito. 

“Hershey…” Niyakap niya ito. Umiwas lang ito ng tingin kahit tinanggap nito ang yakap niya. “Kaibigan ko siya. Kung lumalapit man ako sa kanya ngayon, iyon  para sa pagkakaibigan lang namin.”

Pumikit ito ng mariin na animo’y kinokontrol ang sarili pagkatapos ay masuyong tinitigan siya nito.  

 “Alam ko iyon, Kisses. Magkaibigan kayo pero past love mo siya. Ilang araw pa lang ba tayo? Ilang araw pa lang ba nang huli mong sinabing mahal mo siya? Alam ko magkaibigan lang kayo ngayon, pero sana maintindihan mo rin na natatakot ako tuwing magkikita kayo.”

“Trust me, Hershey. He was just a friend now. Mahal kita. Please trust me.”

He kissed her forehead. “I know how much you love me. I trust you… But I don’t trust him.”   

Her phone rang again.

Bumitaw si Hershey sa pagkakayakap niya.  “Go ahead, talk to him. Kailangan ko na rin bumalik sa kitchen para sa food preparations.”

She sighed. Para hindi na masaktan si Hershey at hindi na rin sila mag-away nito nagpunta siya sa veranda para doon kausapin ang kaibigan. At habang magkausap sila ni Ryan, inoobserbahan niya si Hershey. Malungkot lang na lumabas ito ng silid niya.




PREVIOUS                                                               NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…