Skip to main content

The Twenty Pesos Love Story




2008. Ibinili ni MJ ng C2 ang bente pesos na may note...

2009. Ibinigay ni MJ  ang bente pesos sa nanlilimos  sa may simbahan…


“I believe in destiny. And destiny is you and me,” determinadong sambit ni MJ sa ka-speed dating date niya. It was Valentine’s Day, 2010.

Kabi-kabila ang mga dating venues. May mga couple na  may romantic dates. Mga nagliligawan, mag-boyfriend, mag-asawa, mag-ex na umaasang magkabalikan, mga friends daw  pero nagmamahalan, mga nagmamahalang piniling maging magkaibigan na lang, mga masayang relasyon, mga relasyon pinunit ng kahapon, relasyon pinakukuluan sa mantika ngayon, mga date na napanalunan sa raffle, mga   solohistang ka-date ang sarili. At sa ganitong panahon, bida ang tulad ko. Pinagpapasa-pasahan nga ako ng mga tao. In demand ako sa mga araw na  box office ang tindahan ng mga gift items at lalo’t higit ang mga kainan, tulad ng Valentine’s Day.

Pero hindi ako ang bida sa kwento ito kundi si MJ at kung paano niya nahanap ang destiny niyang ilang taon ng naligaw ng landas, naligaw sa kagubatan,  nawalan ng compass,  pumalpak ang GPS, inantok, at huminto na ring hanapin siya.


Sino si MJ? Isa siyang hopeless romantic na lalaki.  Isang manunulat sa isang magazine. Madalas mapagalitan ni bossing. Paano ba naman, kung saan-saan nakakarating ang isip niya  habang nasa kalagitnaan ng meeting.  Twenty- nine na siya. Pero hindi pa niya nakita ang babaeng mamahalin. Hindi naman sa choosy siya ano, pero parang ganon na rin. Naniniwala kasi nga daw siya sa destiny. Iyong tipong pag may binitawan siya ay babalik iyon sa kanya for a purpose. Gaya ng ilang taon na niyang pagbibitaw ng paraan para hanapin ang babaeng para sa kanya. Umaasa siyang babalik ang mga binitawan niya upang ipakilala sa kanya ang babaeng mamahalin niya habambuhay.

Sayang sana, marami namang babae at feeling babae ang nanliligaw sa kanya o kaya naman ay type siya. Kung gugustuhin lang sana niya, malamang hindi siya parang sirang pumapatol sa mga dating services tulad ng speed dating ngayon  sa isang restaurant na malapit ng malugi kaya gumagawa na ng gimik.

Ngumiti lang si Erna sa sinabi ni MJ. “You’re poetic, hopeless romantic.”  At medyo cheesy and corny  na rin.

Sino naman si Erna? Siya ang nabiktima ng pagka-weird ni MJ ngayong 2010. Isa siyang pintor. Walang meaning ang love life para sa kanya. Wala siyang pakialam sa Valentine’s Day. Pero hindi siya bitter ha. Lumalabas pa nga siya tuwing araw ng mga puso at nangpa-power trip sa mga magkaka-date sa paligid. Na-curious lang siya kung anong meron sa mga dating services kaya pinatulan niya ang speed dating na yon. Doing things that are not usual to her was her prime hobby. Katulad ng ginagawa niya ngayon. Love life nga wala siyang pakialam, date pa kaya? Power trip lang!

“Hindi lang pagka-poetic iyon, Erna.”   Hinawakan niya ang kamay ng ka-date. “Nararamdaman ng aking puso na ikaw na nga.”

Madam Auring, lalaki ka na ba? Tumawa si Erna. “Baka, nag-aadik ka lang. Pero dahil cool ka para sa akin, sige friends na tayo.”

“Cool lang? Hindi mo ako type?”

“Hmm, gwapo ka, mukhang mabait, weird lang.  Too early para masabing type kita.”

“Paano kung tama ako, ikaw ang destiny ko at ako ang destiny mo?” Ngumisi pa ang loko.

Buti na lang gwapo kung hindi baka napa-shoot na siya sa presinto dahil magmumukhang manyakis ito.  Bakit parang nagra-rap na ako? Break it down yo!

“At paano naman natin masisigurado yan? Maniniwala lang ako kung may proof, MJ.”

Ngumiti si MJ. Nilabas niya sa bulsa ang twenty pesos. Kumuha rin siya ng ballpen at sinulatan ang twenty pesos ng, “I believe in destiny. And destiny is you and me.”  Kasama don ang pag-asang bumalik nga yon sa kanya. Oo adik lang no. Sa dami ng kamay na pagdadaanan ng isang pera, may pag-asa ba talagang babalik ito sa dating humawak na dito? Iyan daw ang destiny, ayon kay MJ e. Walang basagan ng trip, men!

“Anong ginagawa mo? Vandalism sa pera? Weird mo talaga,” komento ni Erna.

Ipinakita nito ang bente pesos na papel sa ka-date. “Kung makabalik itong bente sa ating dalawa, maniniwala ka na bang ako ang destiny mo?”

Napangiti si Erna. Gwapong siraulong wagas! “Seryoso ka?” Tumango si MJ. “Sige, tutal naman pareho tayong naghahanap ng destiny sige let’s play destiny’s game. So anong gagawin natin?”  

At sinakyan pa talaga ang trip. Good luck sa dalawang ito.

“Wala tayong gagawin. Ang bente na ito ang may gagawin para sa atin. Hindi tayo magpapalitan ng number, hindi tayo magse-set ng next date. Kapag bumalik ang twenty na ito sa atin nang hindi sinasadya at muli tayong magkita…iyon na ang destiny.”

“So hanggang kelan ang duration nito bago tayo  sumuko?”

“Hanggang  sa wala ka pang love life. Kung ma-in love ka sa iba, ibig sabihin hindi nga ako ang para sa’yo.”

“Eh paano ikaw?”

“Maghihintay ako. Kaya nga hanggang ngayon wala pa akong girlfriend e. Wala pa sa  bente pesos na pinakawalan ko ang bumabalik.”

“Palagi mong ginagawa to?”

“Pangatlong beses pa lang naman ngayon. O ano? Deal?”

  “Sige, deal!”

Nag-ring ang bell tapos na ang oras para sa kanilang dalawa at mag-move na para sa next dating partner. Natapos ang date nila MJ at Erna sa isang shake hands.

Anong nangyari sa twenty pesos? Ibinili ni MJ ng juice sa restaurant na yon bago siya umuwi. Mula sa  cashier ng restaurant, napunta ang  bente sa bangko, inilabas ng bangko at binigay sa misis na kumuha ng remittance galing sa asawa nitong nasa Saudi. Napasakamay ng tindera sa palengke nang ipambili yon ng pitong maliliit na itlog. At ipinambayad naman ng tindera sa  maniningil ng hulugang utang.  Pagkatapos ay ibinigay ng maniningil sa anak nitong papasok sa eskwela. Ipinambili sa canteen ng tanghalian, isinukli sa teacher na  bading, ibinayad  kay manong drayber sa jeep, napasama sa intrega ng boundary, ibinayad sa kuryente, isinukli sa nagbayad ng kuryente, nahulog sa daan, nasagasaan ng  jeep, tricycle, jeep at van. Pinulot ng pulubi, ibinigay sa nanay, ibinili ng sardinas, isinukli sa bumili ng mantika. Hanggang lumipas ang isang taon. Valentine’s Day na uli.

     2011. Hindi nakapunta sa kahit anong dating events si MJ pero napaligiran pa rin siya  ng mga taong haling na haling mag-celebrate sa pausong love holiday na ito. Nasa isang concert siya, para magsulat ng article tungkol sa February 14 concerts.  

Lahat ng tao doon ay pares-pares. OP ang single tulad niya. Parang masaya ang mundo dahil may pag-ibig sila at siya ay hanggang ngayon… bokya. Wala pa ring bumabalik sa twenty pesos.  Speaking of, dumukot siya ng twenty pesos at sinulatan yon ng love note. Pagkatapos ay nagpunta siya sa tindahan ng pizza. Isinama niya sa binayad ang twenty pesos.   Pagkatapos niyang kumain ay bumalik siya sa  gitna ng mga magkaka-date. Kung krimen ang maging basag trip ng mga in love, baka kanina pa siyang  nakulong dahil talagang dumadaan siya sa pagitan ng mga magkaka-date sa concert na yon. Sinisira niya ang moment ng magkaholding hands.  

Naghiyawan ang  tao. Lumabas na pala ang sikat na international singer. Mga tao talaga basta artista, sumisigaw ng walang bukas.  Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang may makabangga sa kanya.

“Sorry!” sabay nilang sambit.

Nagkatinginan sila ng nakabanggaan. Parehong kumunot ang noo. Nagtatanong kung  sino ang kaharap. Kung makakapagsalita nga ako sisigaw ako ng, “Kayo ang magka-date last year!” Kaso di naman ako makakasigaw. Bidang narrator lang naman ang role ko ngayon.

“Erna?”

“MJ?”

“Uy! Musta!” korong sambit uli nila. Kapwa natigilan at natawa. 

“Akalain mo nga naman, makikita pala kita dito. It’s been a year, Erna,” sabi ni MJ.

“Oo nga, wala lang naisipan ko lang manood ng concert  para maiba naman. Kamusta ka na?” 

“Okay naman, ganon pa rin. Ikaw?”

“Cute pa rin.”

“Tama.”

“Ito naman hindi man lang kumontra.”

“Totoo naman e bakit ako kokontra?” Nagkatitigan silang muli. Pakyeme pang wala silang Valentine’s connection. Pero ang totoo… isang taon na silang connected.

“Ah, iyong twenty pesos mo bumalik na ba?”

“Di pa rin e. Ikaw may boyfriend na?”

“Wala nga e.”

Nagkatinginan muli sila. Tila parehong may gustong sabihin ngunit  kapwa walang lakas ng loob. Ang naging ending ng drama nilang ito… kwentuhan magdamag. Hindi nila namalayang nag-get-to-know-each-other na sila.

Ang bente pesos? Ayun, isinukli ng tindera ng pizza sa magjowang nag-aaway. Ibinayad sa taxi, ibinigay sa misis ng  taxi drayber, ibinili ng SO-EN na panty. Ibinili ng kape’t suman, ibinigay sa anak, ibinili ng laruan. Ibinayad sa supplier, muling nakabalik sa bangko, ibinigay nang magpapalit ang supermarket ng denominations. Isinukli  sa bumili ng pirated  LV, ibinayad sa manikyuristang expert sa modern nail art  design, ibinigay sa jowa ng bakla, ipinambili ng toma, isinama sa tuition ng anak na Nursing. Hanggang sa isang taon na  naman ang lumipas. Valentine’s day na uli.

Sa school fair naman tinapon si MJ ng boss niya. Mga teenager na haling sa pag-ibig naman ang nasa paligid niya. May mga booth, photo booth, wedding booth, horror booth, prisoners’ booth… Puss in boots. Karamihan ng nasa paligid ay mga college na magkaka-date at mga high school na haling na haling sa mga Korean stars.

Napapakamot sa ulo si MJ nang umupo siya sa bench. Isang taon na naman ang lumipas, wala pa ring bumabalik sa apat na bente pesos na  ikinalat niya. Konti na lang talaga mawawalan na siya ng pag-asa. Iniisip niyang baka hindi naman talaga siya para sa love at ang destiny niya ay maging matandang binata.  Napabuntong hininga siya at pumikit, ipinagdasal na niyang dumating ang destiny niya.

“Makikiupo ha!” isang babae ang umupo sa tabi niya dahilan para mapamulat siya.   

“Erna?”

Gulat na binalingan siya nito. “MJ!” Matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.

Kakaibang tuwa ang naramdaman ni MJ. Tila bigla din siyang nagkaroon ng pag-asa. Bakit kaya palagi na lang silang nagkikita ni Erna tuwing Valentine’s Day? Destiny? Eh ano na lang ang role ng twenty pesos kung ganon?

Nauwi sila sa kamustahan, parang annual update, yearly date. Masaya nilang pinagkuwentuhan ang nakaraang taon.  Catch up kung catching up ang laban.  Wala na silang pakialam sa paligid. Para sa kanila, walang taong iba, sila lamang dalawa. Nagtatawanan, nagkukulitan… lihim na nagkakaunawaan.  

“Ay teka sandali at bibili lang ako ng tubig,” sambit ni Erna.

“Ako na lang Erna, dito ka na lang,” sansala ni MJ.

“Tayong dalawa na lang.”

Tumayo sila at pumunta sa mga food stalls. Nag-abot si MJ ng pera  sa tindera. “Erna, kunin mo sukli ko. Wait there, bibili lang ako ng makakain doon.”  

Tumungo si MJ sa stall ng mga chips habang si Erna ay hinintay ang tinderang nagpapalit pa  sa katabing stall para masuklian sila. Natigilan si Erna at napangiti nang makuha at mapansin ang sukli.

Bumalik sila sa bench. Inilapag ni Erna sa pagitan nila ang dalawang bote ng tubig at iniabot sa kanya ang sukli. “MJ, sukli mo.”

“Thanks.”  Tinanggap niya ito. Natigilan lang siya nang may iniabot uli ito.

“Iyong bente mo, bumalik na oh,”  sambit nito.

Makahulugang binalingan niya ito. “So, naniniwala ka na sa destiny?”

Tumango si Erna. “Akala ko coincidence lang yan noong una.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Lalo siyang nagulat nang iabot nito sa kanya ang tatlo pang bente pesos na may note niya. “Pero destiny nga siguro ang ibig sabihin ng  pagdating ng apat na bente na yan sa kamay ko.”

They both smiled.

Mula noon ay huminto na siya sa pagba-vandal sa bente pesos. Napatunayan na niyang totoo nga ang destiny. Sino ba namang may sabing pana lang ni kupido ang pwedeng mag-pair up? Sinong may sabing walang ibang purpose ang bente kundi ang pagiging “matter with monetary value” nito? Lahat ng bagay ay maaaring maging instrumento ni kupido upang pagtagpuin ang dalawang nakalaan para sa isa’t isa.
At kung tatanungin mo kung sino nga ba ako sa kwentong ito… ako ang apat na benteng ilang taong naglakbay para  gawin ang aking misyon.






The End

Comments

kiz said…
magsusulat ako sa bente ngayun!! hahaha. ay wala pala akong bente, pwede sa piso na lang? :)))) gandaaaaaaaa :">
Haffle :)) said…
Eeeeeeeeee! Ang ganda at ang kulit! Hahaha! Tarayyyy! Sa bente lang ba to gumagana? Hahaha :)) Ayos!
Bea Janin said…
yiiee!! suppeerr ganda!! :DD
Anonymous said…
wow!! sobrang nakakatuwa yung story..
:))
love it.. <3
Rosalyn Nunez said…
Naks...destiny tlga Sila.
Anonymous said…
Pwede ba sa 100 ? pro parang sayang ahaha
ahahahaha..ang beinte pesos.bow

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…