Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Wanted Boyfriend Hunter -Part 3




It was a busy day for Richael. General rehearsal day yon ng mga alaga niyang banda. Abala siya sa preparations ng major concert ng Karisma Band na gaganapin in few days kung saan ang tatlong banda na alaga niya ay magpe-perform. Alpha Stellar and Sheyron Band are guest band performers of the night along with other music artists. At bilang Road Manager, isa siya sa mga taong abala para maging successful ang event na yon. And that equaled almost a week without normal sleep, without full rest, and a week of stress and pressure.

               But Richaelremained cheerful and energetic. Ang dahilan? Si Eldwick. Dahil sa insidente noong nakaraang linggo kasunod ng patung-patong na trabaho, nawalan sila ng pagkakataong makapag-usap. Hindi tuloy niya nagawang itanong ang mga tanong na naisip niya noong araw ding yon  na hinalikan siya nito at the same time ay sinabi nitong na-miss siya nito. May ibang impact ang lahat ng yon sa kanya.  But nevertheless, hindi naman mawala sa isipan niya ang lahat ng iyon. The way Eldwick looked at him, the way he said those, “I miss you, Richael” thing, the way he held her hands, and the way he lovingly kissed her made her realize  what love really means. Tinanggap na niya ng lubusan… Eldwick unintentionally, made her fall in love with him.

                I think so… well anong think? In love ako sa’yo Jordie, where na you? Here na me!

                “Uy okay ka lang ba?” untag ni Mathew sa kanya na siyang nagpabalik sa realidad ng isipan niyang malayo na ang narating.


                “Ah… oo naman okay na okay ako! May kailangan ka?” Energetic na tugon niya dito. 

                Mathew showed up his captivating smile. Siguro kung hindi siya road manager ng banda at nanatili lang siyang fan ng mga ito, hinimatay na siya sa kilig. Walang panapon sa members ng Karisma Band. All of them are awesomely handsome and beautiful.  “Ah, pakitawagan si Cielo. Di ko ma-contact e. Sina Christella at Dana malapit na daw.”

                Hinaro along with couple Limien and Hamiel was already on the venue. It was still forty minutes before call time pero sa mga sandaling iyon ay dapat nasa venue na ang mga members ng banda. That was the usual thing for them… to be on site at least half an hour before call time.

                “O sige tawagan ko.” She dialed Cielo’s number. After four consecutive rings, someone from the other line answered the phone. Pero hindi si Cielo iyon. It was her friend Danica’s voice.

                “Hello, friend!” 

                Maang na nilingon niya si Mathew na tila naghihintay ng update about Cielo. Ngumiti siya ng alanganin. “Lalabas ako mahina signal,” pagdadahilan niya. Pagkalabas niya ay saka niya binalikan si Danica sa kabilang linya. “Firiend! Nasaan si Cielo? Bakit hawak mo cell phone niya? Kayo na? Binalikan mo na siya? Weeee!”

                “Adik! Hindi yon, friend. Napuruhan ko ata si Cielo!”

                “Whaaaaat? Nasaan siya? Anong ginawa mo?”

                “Ah well, he’s lying on our floor dito sa condo natin and I think he’s dead or comatose or playing statue.  He’s not moving e.”

                “Ano?” Hindi siya nag-aalala kay Cielo. Madalas na parang world war 8 ang drama ng kaibigan niya at ng binata. It’s just, kailangan na si Cielo sa venue. “Whatever, friend. Gisingin mo yan. In all means, dalhin mo siya dito. Kailangan siya dito.”

                “Eeeee! Ang bigat niya kaya! Paano ko ‘to gigisingin?”

                “Bahala ka kung paano. Halikan mo para mas masaya!” tatawa-tawang suggestion niya.

                “Yaksssss!”

                All of a sudden tila nagkaroon ng ingay sa kabilang linya pero hindi na niya magets kung anong pinagdiskusyunan ng dalawa. Bigla na lang may kumuha ng cell phone. “Richael, your friend is the most hellish girl I ever met in my entire life. Itatali ko lang ito sa banyo ha. Paki-pick up na lang pag-uwi mo. Damn! By the way, be there in fifteen minutes!”

                “Don’t do this to me Cielo my labs… wag po… wag po!” narinig pa ni Richaelsa kabilang linya bago  na-cut ang call.

                Napangiwi si Richael. “Kung bakit pa kasi hindi na lang mag-aminan ang dalawa. Nasobrahan  pa sa thrill ang drama tuloy.”

                Papasok na siya sa rehearsal studio nang may huminto police car sa tabi niya. “Richael!”

                Napangiti siya. Hindi na niya kailangang lumingon pa upang alamin kung sino yon. Memoryado na ng pandinig niya ang boses ni Eldwick.

                “Uy Richael!” He grabbed her hand, dahilan para mapalingon siya. She was greeted by a man in simple polo shirt and pants…lovingly smiling at her. Tila nabuhay muli ang puso niya. It started to beat in rhythmic motion.  Nakabenda pa ang isang kamay nito at ang isang kamay ay may hawak na punpon ng bulaklak.

                Sinilip niya ang kotseng sinakyan nito. There in the driver’s seat was his father who just smiled at her. She nodded as a sign of respect. Pagkatapos ay binalingan niya ito. Caught in the act, nakatitig ito sa kanya. Ngumiti siya at umiwas ng tingin. “Oh, naligaw ka?”

                “Ah…” Iniabot nito ang bouquet of roses sa kanya. “Ibibigay ko lang to.”

                Tinanggap niya ang bulaklak. “Thank you. Para saan naman ito?”

                “Wala lang…ahmm, may sasabihin kasi ako…sa’yo.”  Ngumiti ito at tinitigan siya. Mababakas sa mga mata nito ang saya ngayong nakita na uli siya nito. “Iyong last time…iyong sinabi ko na magpapaliwanag ako na hindi ako nakapagpaliwanag kasi nabaril ako…”

                Kumabog ang puso niya. Magtatapat na ito sa kanya.

                “Iyong….”

                Say it, Jordie! “Iyong ano?”

                “Iyong…” Bumuntong-hininga ito.  “Iyong sinabi ko na na-miss kita, seryoso ako no’n. I missed you so much that time. Really. Kasi kahit naman magkakaibigan nami-miss ang friends nila di ba? Kaya…. iyon. Na-miss kita…hanggang ngayon.”

                “Ah… okay.” Iyon lang? How about the kiss? “Iyon lang ba?”

                “Ah…ano.” Huminga uli ito ng malalim pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya.  “I have something to tell you.”

                She just looked at him back and waited for whatever he would say. 

                “I…I…”

                His phone rang. Tila nalungkot ito nang makita kung sino ang tumatawag dito. He just answered the phone while still holding her hands.  “O pare. You’re here? Ah… I see. Sure.” Binbalingan siya nito. Hindi niya alam kung bakit ngunit tila may bakas ng lungkot sa mata nito ngayon. Then he squeezed her hands a bit. “Yeah, she’s here.” Sinabi nito sa kausap ang exact location nila bago nito tinapos ang tawag.

 Then he faced her again. “Ahm, sasabihin ko lang na…I…I finally found your perfect date to be your perfect boyfriend. Actually, malapit lang bahay niya dito kaya pupuntahan ka daw niya. He’s just around here.” Nakangiting nagsasalita si Eldwick ngunit hindi nakatakas kay Richaelang malungkot nitong mata na tila hindi masaya sa takbo ng mga pangyayari.  Bakit kaya?

“Eldwick, pare!”

Richael found a guy walking towards them from his back. “Siya ba?”

Sa halip na tumugon, Eldwick just hugged her.  “Enjoy your date with him. If something wrong happened, just call me. I’m just somewhere… ready to rescue you anytime okay?”

She felt awkward, kaya naman wala siyang nasabi. She just nodded instead.

Kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Eldwick at binalingan ang binatang tumawag dito. “Pare!” He introduced her to him and vice versa.

“Hi, nice to meet you Richael. You are so pretty. Tama pala ang sinabi nitong si Eldwick. By the way, I’m Benson Sandoval, a dentist err orthodontics in the making.”  He offered his hand to her.

“Nice to meet you, Benson.”

The moment their hands touched, she found a feeling that she and this guy will get along. Magaan ang loob niya kay Benson. Ngunit kasabay ng pakiramdam na iyon ay ang pagka-miss niya kay Eldwick. He just stepped back and went to the police car that waited for him.

“Benson, pare. Ingatan mo ha. Mahalaga siya sa akin.”

“Sure, pare. She’s in good hands.”  Benson replied without taking his eyes away from her. It was indeed sweet… she knew it, but she can’t feel. Her heart was pre-occupied of Eldwick’s lonely eyes. Kung pwede lang sanang bawiin na ang task nito. By that time, she knew that she didn’t need him as a boyfriend hunter… she wanted him as her boyfriend instead.

The next thing she knew, Eldwick was gone, and it was only her and Benson left.  
                   

  FEW months after. No more Eldwick in the scene. Hindi na ito nagpakita kay Richaelafter nitong ipakilala sa kanya si Benson. On the other hand, she enjoyed every date with Benson. Masarap itong kasama, maalaga, maasikaso, sweet, at caring. Ibinigay nito lahat ng bagay na dati ay pinaparangap lang niya na maranasan mula sa isang lalaki. Ngunit may kulang, Masaya siya ngunit hindi lubusan. Pag kasama niya si Benson… nami-miss niya si Eldwick.

Nasaan na kaya ang mokong na iyon? Iyon ang nasa isip niya habang nagmamaneho siya ng kotse papunta sa Senang Hati.  Kapag naiisip niyang baka hindi na magpakita si Eldwick sa kanya ay natatakot siya at nalulungkot. Pero hindi pa niya nakukuha ang payment sa akin! Magkikita pa kami for sure. Marahil, binibigyan siya ni Eldwick ng oras para makilala at makasama si Benson.

Finally, she arrived at Senang Hati. Nang bumaba siya ng kotse ay bahagya pa siyang nagulat nang ang una niyang mabungadan ay si Eldwick. He smiled at her, she smiled back.  I miss you, Jordie! 

Agad siya nitong nilapitan. “So kamusta na kayo ni Benson?”

Yon agad? Walang I miss you o hi hello how are you man lang? “Ah, okay naman. We get along, watch movies a lot, and dated a lot.”  Sumandal siya sa kotse niya.

 “Are you enjoying his company?”  Sumandal din ito sa tabi niya at tumingin sa kawalan.

“Yeah, so far siya lang naman ang nakatagal. Inaalagaan niya ako, masarap siyang kasama. All in all, I enjoy being with him.” Really huh? May bahagi niya ang kumokontra.

Doon lang niya napansin na may hawak pala itong bote ng beer. Above half pa ang laman non na ininom nito lahat.

“A stupid guy like me can ask stupid question right?” he suddenly uttered.

“Huh?”

He turned to her. His eyes were full of sadness and regret. “Kahit minsan ba kinilig ka at naging masaya noong kasama mo ako?”

“Ha?” She went out of words for that out of that particular question. Ano ba talaga ang gustong tukuyin ni Eldwick? Bakit hindi mo na lang kaya tanungin kung minahal ba kita o hindi kahit labas yon sa usapan? For she knew, she was still in love with Eldwick.

“Richael!” Bigla na lang sumulpot si Benson. Pumagitna pa ito sa kanila ni Eldwick pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi at saka binalingan si Eldwick. “Dito ka rin pala pare.”

“Ah, oo. Wala lang magawa at badtrip sa trabaho kaya mag-unwind muna ako,” casual na tugon ni Eldwick ngunit hindi pa rin nakatakas kay Richaelang mga mata nitong masama ang tingin sa mga braso ni Benson na nakaakbay sa kanya.

“Ah ganon ba? Mauna na kami ni Richaelsa loob. See you!” Benson held her hand. Pagkatapos ay saka siya nito iginiya papasok sa Senang Hati.

Nilingon uli ni Richaelsi Eldwick. He just mouthed something, “Mahal kita.” Hindi siya sigurado kung iyon nga ang  sinabi ni Eldwick pero iyon ang nabasa ng kanyang mga mata sa labi nito. She didn’t answer back. Inalis na lang niya ang tingin dito. But what if, he really told her that he loves her?

“I do too, if you only knew…” wala sa sariling sambit niya.

“Ano iyon, Richael?”  untag ni Benson na nagpabalik sa kanya sa katinuan.

“Ah… w-wala. Halika na sa loob.”  

 Pumasok sila sa loob. Ang mga susunod na sandali ay kasama niya at kausap si Benson. Pero walang pagbabago, sumasagi pa rin sa utak niya siya Eldwick. May tama ka na talaga, Richael.

“Richael, are you still enjoying my company?”

Mula sa kawalan ay napabaling siya kay Benson, walang bakas ng hurt feeling sa mukha nito.  Seryoso nga ang mukha nito ngunit wala namang sama ng loob na mababakas sa expression nito.

“Ha?”

He held her hand and smiled. “Come on, Richael. Don’t you think I will never notice those eyes that I’m sure not meant to admire me but to love someone else? Just be honest, Richael…. Not to me but to yourself.”

“Benson, you’re a good guy, maalaga ka, sweet, masarap kasama but…”

“You’re not in love with me,” sansala nito at muling ngumiti. “We might get along well but that doesn’t mean that we are meant to be lovers.”
“I’m sorry, Benson.”
“Nothing to be sorry about. You’re a nice girl. Kung sinuman ang minamahal mo ngayon, swerte niya. Magtapat na dapat siya ngayon pa lang, kasi pag umatras pa siya ng isang step, baka mahuli ko na ang puso mo, magiging kawawa siya in the end.”

“Siraulo ka rin ano! Pareho kayo ng kaibigan mo.”

“Speaking of, kay Eldwick ka in love?”

Natigilan siya. Ngumiti si Benson.

“I’ll take your stroke mode as a yes. Oh, look nasa stage si Eldwick!”

Awtomatikong napalingon siya sa stage at nahuling sa kanya nakatingin si Eldwick. Her heart started to beat like crazy again and again.

“Anong atin pare? May violation ba kami?”

Nagtawanan ang crowd sa biro ni Hamiel. Na-introduce na rin kasi sa audience na isang police  si Eldwick.

“Wala naman. Makiki-jam lang.”

“Good, so anong song? Pang-love ba yan, para kay mama mo, sa daddy mo?”

“Sa aso ko.”

A bunch of laugh ruled over the music lounge. Pati si Richaelay natawa.

“Bakit? Mahal ko ang aso ko e!” Ngumiti si Eldwick at muling bumaling kay Richael. “Joke lang. Ang totoo para ito sa isang babaeng nakilala ko noong anniversary ng Senang Hati. Naging mahalaga sa akin ang babae na ito. Mula ng gabing yon ay naging mabuti kaming magkaibigan. At minsan, napag-usapan namin itong song na ito na ayon sa kanya ay ang song na gusto niyang ialay sa kanya ng isang lalaki. Batid kong hindi pa niya ito naririnig mula sa iba kaya pasintabi sa ibang lalaki sa paligid niya… mauna na ako.”

 The next thing she heard was the captivating voice of Eldwick singing the familiar song with Karisma Band’s rendition.

“Kahit anong mangyari, ang pag-ibig ko’y sa’yo pa rin. At kahit ano pa ang sabihin nila’y ikaw pa rin ang mahal. Maghihintay ako kahit kalian. Kahit pa, umabot pang ako’y nasa langit na. At kung di ka makita, makikiusap kay bathala. Na  ika’y hanapin at sabihin, ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan. Na ako’y sa’yo at ika’y akin lamang…”  

Richael’s dream finally came true. A guy she loved was their upstage singing a love song for her. Bagama’t hindi nito batid ang nararamdaman niya, masaya pa rin si Richaeldahil ito ang tumupad ng lahat ng bagay na dati ay iniilusyon lang niya.  Hindi na niya namalayan na napaluha na siya sa tuwa. Benson on the other hand just embraced her. At tulad kanina, masamang tingin na naman ang ipinukol ni Eldwick sa kanila.

“Nagseselos siya. So If I were you… go and get your man once he came over,” nakangiting sambit ni Benson.

“Salamat, Benson.”

“No cause for a friend.” He winked.

Inagaw muli ni Eldwick ang attention ni Richael matapos itong kumanta. “Ah, gusto kong malaman mo na bilang isang tunay na lalaki, lalaban ako ng patas. Real man never quit kaya makikipaglaban ako para sa pagmamahal mo kahit na alam ko na wala ako sa listahan ng gusto mong maging boyfriend  mula sa simula pa lang. Kung may pag-asa ako sa’yo hihintayin kita bukas sa sea bay ng Mall of Asia. Kailangan din naman talaga nating magkita dahil may i-grant ka pang wish ko. Buong araw maghihintay ako sa’yo.”

Napataas ang kilay ni Richael. Wala talaga itong taste pagdating sa dating place. Ngunit napangiti na rin siya nang maisip ang kabuuan ng sinabi nito. He just admitted to a lot of people that he really was in love with her.


“EWAN ko nga kung bakit palagi akong invited sa show na ito? Why don’t you just admit that you are still head over heals in love with me Danica?”

Napalingon si Richael sa direction kung saan niya narinig ang boses ni Cielo. Katatapos pa lang ng  live telecast ng show ng kaibigan niyang unforfunately fortunately, in denial pa rin sa relationship nito kay Cielo.

“Patawa mo, Cielo, nakakasuka!” But her naughty friend did her crazy acts once again. Iniyakap nito ang magkabilang braso sa leeg at balikat ni Cielo. “On the second thought, why don’t you admit first and I’ll think if I will kiss you for an answer or kick you balls.”

Sumama na naman ang mukha ni Cielo. One point for Danica. “Don’t dare me, Nica. You know that you are inside my kingdom. I’m the most powerful here. You know the extent of what I can do. Baka, mapasubo ka. Ikaw rin.”

One point for Cielo. At talagang nag-enjoy siyang bigyan ng puntos ang dalawa.
Tila napasong bumitaw si Danica kay Cielo, but kind of too late, nakabig na uli ito ni Cielo and without even care about the world, he awarded her friend sweet kisses.

Nangingiting tumalikod na si Richael. Oras na para mag-exit. Tumuloy siya sa dressing room kung saan naabutan niya si Christella na agang-aga ay may dayong manliligaw.

“Christella…”

“Ano na naman Phi Nat? Ang aga-aga mo namang manligaw. Intsik ka ba?”

“Hindi naman… na-miss lang kita!”

Parang lukring na mangisay-ngisay sa kilig naman si Christella. “Ikaw talaga Phi Nat, wag kang ganyan, kinikilig ako.”

The guy laughed. “Okay lang kiligin ka basta ako ang dahilan.”

“Naman! Oy, lalaki! Wag mo ngang sa dressing room ligawan ang kaibigan namin. May bahay yan. Don ka magpunta, “ hirit naman ni Hinaro. 

“Tse ka Mr. Stock Exchange! Kung naiinggit ka puwes, mainggit ka!”

“Bakit ako maiinggit e may beautiful stock broker ako?” sabay baling nito sa laptop. On screen ay ang babaeng tinutukoy nito via skype webchat. “Oh, how are you, my beautiful broker? Kamusta ang stocks ko?”

“Hohemjiiii! You’re so sweet, Hinaro. Hohemji!”

“Sweet? Sa stocks?” Nakakunot noo na hirit ni Mathew. “Mauna na ako guys. I have an on call appointment with my patient.”

“Patient o nililigawan?” tanong ni  Dana.

“Nililigawang patient I think,” sabat ni Hamiel.

“Wag nyo akong intrigahin. I’m not showbiz!” then he exit.

“Agree!” sambit ni Limien. Pagkatapos ay napansin nito si Richael. “Uy, hindi mo ba pupuntahan ang fafaness police?” 

“Oo nga magla-lunch na ah,” singit ni Cielo. 

Ngumiti si Richael. “Ah...eh… shy ako e.”

“Oy girl, sige ka pag napagod yon sa paghihintay, balik zero love life mo!” pananakot ni Christella.

“Oy wag namang ganon.” apila niya.

“Kaya nga puntahan mo na,” sambit ni Hinaro.

“Ngayon na!”  dagdag ni Dana.

“As in now na!” hirit ni Limien.

“Sugod na!” sambit din Hamiel.

“Lipad na!”  masabi lang na hirit ni Cielo na kinatawa nila.

Napatawa siya at napangiti. “Sige  pupunta na ako.”

“Wait, pupunta ka na ganyan itsura mo?” tanong ni Christella.

She was just wearing her simple corporate attire. “Bakit mukha pa naman akong tao ah.”

Hinila siya ni Limien sa sa may salamin at iniupo sa parlor chair. “Ay hindi sapat yan. Dapat magmukha kang Dyosa para magbarell roll sa sobrang pagkahumaling sayo si fafaness na pulis!”

They all laughed as her friends were giving her some instant makeover.               


KABADO at excited si Richaelhabang naglalakad siya papasok ng Mall of Asia. Matapos ang bonggang makeover na ginawa sa kanya ng mga alaga niya sa showbiz ay tumuloy agad siya sa destinasyon. Halos mag-ala una na at dahil araw ng linggo at nagkataonghindi masyadong mataas ang sikat ng alaw dahil bahagyang maulap ang langit at mahangin, padami ng padami ang mga pamilya, barkada, magjowaers na nagkalat sa malawak na parke ng sea side ng Manila Bay.

Nagmamadaling hinanap niya si Eldwick. Ngunit sa dami ng tao doon ay medyo nahihirapan siyang matagpuan ito. Until may nakasalubong siyang dalawang dalagang nagkukwentuhan.

“Ang sweet naman ng mamang iyon ano? I can’t imagine kung gaano na siyang katagal naghihintay don para sa kung sino mang hinihintay niya.”

“Kung girl yon, swerte naman niya. So sweet! Okay lang pagtinginan siya ng tao para lang mapanindigan niya ang girl. Wow ang taray di ba? Parang pelikula lang.”

Hindi pwedeng magkamali si Richael. Natitiyak niyang si Eldwick ang pinag-uusapan ng dalawa kaya hindi na siya nagdalawang isip. Hinaranagan niya ng dalawa. “Excuse me, saan ko makikita ang pinag-uusapan nyo?”

Nagkatinginan ang dalawa. Sumagot ang nasa kaliwa sa kanya. “Don sa may fountain.” Itinuro pa nito ang sinasabing fountain. 

“Salamat.”

Iyong nasa kanan ay nagpahabol pa ng tanong. “Ikaw ba ang hinihintay niya?”

“Hindi ako sigurado kung ako nga.” Idinescribe niya si Eldwick sa mga ito.  “Siya ba ang nakita nyo don?”

Nagkatinginan ang dalawa at impit na tumili.  “Siya nga ate.”

Ngumiti siya. “Baka ako nga ang hinihintay niya.”

“Ay! Ang taray! Gora na ate!”

“Sige salamat!”   nagpaalam siya sa mga ito at nagalakad papunta sa may fountain.  Habang papalapit siya sa fountain ay padami ng padami ang mga taong naririnig at nakikita niyang nakakapansin kay Eldwick. In general, puro pagiging romantiko ang naririnig niya.

Napangiti siya kasabay ng pagkabog ng puso niya nang mahagilap ng mata niya si Eldwick.  Naka-indian sit ito sa isang makeshift stage na sa pagkakaalam niya ay teritoryo ng statue dancer ng mall. May hawak itong bouquet ng peach roses. Sa  ground naman ay may mga placards na nakalatag stating a sweet message, “I’m just here, patiently waiting for you, Richael.”

Palinga-linga si Eldwick, mukhang hindi mapalagay, puno ng pag-aalala at takot marahil na baka hindi siya sumipot. Bahagya tuloy siyang naawa dito. Ilang oras na kaya itong naghihintay sa kanya? Maraming taong nakapalibot sa spot na yon dahil andon pa rin pala ang statue dancer na sasayaw lang at mangungulit kung hahagisan mo ng barya. May hawak itong placard na may nakalagay na, “Mahal mo ba ang mamang yon?”

Nangungulbit ito ng audience. Ipapabasa ang placard sabay turo kay Eldwick. Kapag umiling ang tinanong nito ay kakamot ito sa batok, makulit na aarteng tila nagagalit o nade-depress, minsan ay maglulupagi na parang bata na lalong ikinagiliw ng mga audience.  Until, Mr. Entertainer spotted her. He did the same gesture.  Nag-show off ito ng shocked face nang tumango siya at ngumiti pagkatapos ay umarte itong tila hindi naniniwala na ikinatawa niya. Muli nitong pinabasa  ang nasa placard.

“Oo nga sabi mahal ko yang adik na yan. I’m Richael.”

Ngumiti si Mr. Entertainer at akmang pabirong hahalikan siya sa labi nang batukan ito ni Eldwick.

“Pare naman, mahal ko iyan, hanap ka ng sayo!”  sita ni Eldwick.

Pabirong pumitik sa ere si Mr. Entertainer waring nanghihinayang at hindi ito nakahalik sa kanya. Naghalo-halo ang cheer ng mga tao sa paligid, may napapasinghap sa kilig, may tumitili, may pinagtatawanan si Mr. Entertainer na umaarterng bigo sa pag-ibig. Pero wala na siyang pakialam dahil hawak na ni Eldwick ang dalawa niyang kamay at buong pagmamahal na nakatitig ito sa kanya.

“Richael, I’m glad you came. Akala ko hindi mo na matutupad ang wish ko.”

“Ano bang wish mo ang dapat kong i-grant?” She smiled.

He lovingly smiled back. “Natupad mo na.”

“Ha?”

“Ang gusto ko lang naman ay bigyan mo ako ng pagkakataong makasama ka hindi para ihanap ka ng boyfriend kundi para mag-apply sa vacancy.” He winked.

Napatawa siya pero hindi na rin niya maitago ang katotohanang konti na lang mangingisay-ngisay na siya sa kilig.  “Siraulo!”

“Richael, hindi ako nahiyang pagtinginan ng mga tao dito ng matagal. Kasi—”

Sumingit si Mr. Entertainer at pinapagitan sa kanila ni Eldwick ang naiwan nitong bouquet of roses sa makeshift stage. Nagtawanan ang mga audience pati si Richaelhabang si Eldwick naman ay  pabirong iniumang ang kamao nito kay Mr. Entertainer.  

“Anyway, iyon nga kasi…” He lovingly caressed her cheeks. “Mahal kita. At patutunayan ko yan sa date nating ito.”

In just a snap daig pa nila ang nasa movie. Runaway  couple lang ang drama. Ang mga siraulong audience, cheer naman ng cheer. Artistahin na rin ang dating ng eksena nila. Few escape more natakasan na nila ang atensyon ng ibang tao.                                                                                      

He lovingly held her hands. “Saan mo gustong  magsimula?”

“Sa pagsagot mo sa tanong ko,” tugon ni Richael.

“Ano bang itatanong mo?”

“Bakit mo ako hinalikan noon sa restaurant?”

Natigilan ito. Pagkatapos ay umiwas ng tingin at hinila siya sa  ice skating arena. “Noon pa lang, mahal na kita.  Kaya nga sinabotahe ko lahat ng dates mo.”

“Ano?!” napamulagat siya.

He just posed some guilty smile on her. They entered the ice skating arena. Halatang iniiwasan nitong mag-explain pero hindi niya ito titigilan.

“Care to explain?” tanong niya.

Hinila lang siya nito sa ice skating arena. Hindi siya marunong mag-ice skating  kaya nawalan siya balance. He was just too alert to grip her before she hit the cold floor.

“Okay ka lang?” He was closely embracing her protecting her from any means of hurt. 

“With your arms, I will always be okay Jordie.”

He smiled. Pagkatapos ay inalalayan siya nitong makatayo at makakuha muli ng balance.  He then went to her back and embraced her on her arms that were currently embracing her body. “I’m glad you trust me. Sorry kung binali ko ng konti yon.” 

Naramdaman ni Richaelna slowly nagsa-slide na sila sa ice nang sabay. Sa unang pagkakataon, may yumakap sa kanya ng ganon, may nag-ingat para sa kanya, may nag-alay ng pagmamahal na ganoong kalupit, katransparent at ka-affectionate sa kanya.  Kaya kahit may inaamin itong kasalanan, wala na rin siyang pakialam. She just somehow wanted to know though.

“Gumawa ako ng paraan sa mga dates mo para sa huli, lalabas akong hero para sayo. Una pa lang, gusto kong sumama sa listahan pero ayaw mo,” paglalahad ni Eldwick. “Sa una ginawa ko ang practice date, thinking na baka pagkatapos noon, magkagusto ka rin sa akin kaya lang parang di effective kaya sinabotahe ko sila. Ang pagdeadma sayo ni Golen, ang pag-iwan sayo sa gitna ng highway ng kaibigan kong doctor, lahat yon slightly manipulated.”

“Si Benson? Partner in crime?”

“Nagvolunteer siya noong una pero bandang huli, sinabing niya nahulog ang loob niya sayo. Binabawi na niya ang usapan namin na dapat huhulihin lang niya kung may gusto ka sa akin o wala. Naging seryoso siya sa’yo. Ako ang binitag niya… dahil ako ang mamatay-matay sa selos kapag nakikita ko kayo. Hanggang sa nagulo na ang lahat. At dumating sa puntong inalis ko na lahat ng bagay at ang iniwan ko na lang sa  mundo ko ay ikaw at ako lang. I’m sorry RichaelI—“

Iniangat niya ang kamay at inihaplos sa pisngi nito. He then leaned lower and their cheeks touched. “Walang ibang lalaking nagparamdam sa akin ng pagmamahal  na gaya ng ibinigay mo sa akin  na tipong kahit iniiwasan ko, kusang kumakatok sa puso ko.”

They stopped sliding. Noon lang niya na-realized na nasa gitna na pala sila ng ice skating arena. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinrap siya nito. Holding her hands tight, Eldwick lovingly stared at her.

“Richael, mahal na mahal kita.”

He instructed to look up. May nakasabit palang placards doon stating, “Will you be my girl?”

Nangingiting ibinalik niya dito ang tingin. “Skating is something new to me. Takot akong masakatan physically, pero inalis mong lahat yon sa puso ko. Kung maisasama mo uli ako sa isang activity na bago sa akin at hindi ko naramdaman ang takot sa tabi mo, sasagutin ko ang tanong na iyan Jordie. Deal?”

“That’s easy. Deal!”

They went out of the arena. Bumalik sila sa sea bay.  Then they stop walking at the bottom of the zipline. Then he looked up and turned his attention to her.

 “Zipline. Ready?” He winked.

“Teka lang safe ba yan? Pano kung maluwag ang cable, magkaroon ng mistake at mahulog ako diyan sa ground?” Then lots of movies na mala-final destination ang pumasok sa isip niya. She was not an adventurous type of girl, madalas ay bahay, opisina, at field work lang siya. And Eldwick seemed like to know what to do. Talagang doon siya dinala nito sa activity na wala talaga siyang kalaban-laban.

Inakbayan siya ni Eldwick. “It won’t happen as long as you’re with me. Tara!” Hinawakan muli nito ang kamay niya at isinama siya sa taas.

Praning na sumisilip-silip siya sa height ng zipline waring tinatantsa ang taas kung sakaling mag-ala-final destination siya. Sumulpot ang takot sa puso niya. Ngunit biglang napawi lahat yon nang si Eldwick mismo ang nag-ayos ng harness at safety belts sa kanya… giving her assurance that she will be safe with him.

“Maikli lang yan, sandali lang. You will be okay basta isipin mo lang, para ka lang si Peter Pan Lilipad tayo. He then moved closer and whispered to her ear. “And think of happy thoughts…with me.”

She was hypnotized...mesmerized by a strange thrilling sensation that Eldwick gave her. Ang kabang dulot ng takot ay napalitan ng kabang   may halong kilig. 

Naramdaman na lang niyang nag-slide na pala ang zipline. He held her hand tight and just lovingly stared at her. Nakapikit naman ang mata ni Richael.

“Open you eyes, Sweet lady. sayang ang Peter Pan experience mo. Just trust me okay?”

She did. At pagmulat ng mata niya ay ang mga matang nanunuyo ng buong pagmamahal ang bumungad sa kanya. Saka lang niya na-aapreciate ang masarap na pakiramdam habang nasa zipline.

He extended his free hand and mouthed, “Mahal kita!”

 Tears fell from her eyes nang makarating sila sa dulo. Nasurpresa siya. Hamiel and Cielo were there playing the melodies of Ako’y Sa’yo At Ika’y Akin Lamang.  Kung paano nito napakiusapan ang dalawa sa kabilang ng threat na baka pagkaguluhan ang dalawang ito sa public place ay hindi niya mawari. Ngunit ang mas mahalaga ngayon, napatunayan ni Eldwick na kaya nitong gawin ang kahit na ano para sa pagmamahal niya.

Then Hamiel sang a line from the song.  Umasa kang maghihintay ako kahit kailan. Kahit pa umabot mang ako’y nasa langit na. At kung di ka makita. Makikiusap kay Bathala na ika’y hanapin. At sabihin, ipaalala sa iyo…ang nakalimutang sumpaan… Na ako’y sa’yo at ika’y akin lamang.

 Pati ang lugar na yon ay pinaayos ni Eldwick, may mga nagkalat na rose petals doon  at kung anu-ano pang nagbigay romance sa lugar na yon.

He held her hands again nang maalis na ang suot nilang harness. “Richael, I had been longing for this day to come that finally I will be able to shout to the world how much I love you.”

 “Jordie, thank you.” Tears fell from her eyes out of too much mixed emotions.

He wiped her tears away by his thumb.  “Wag kang umiyak.”

“Sobrang sweet mo parang di ka totoo! Pero thank you talaga.”

“So anong sagot mo?” 

“I granted your wish to give you this chance. I give you some freebies.” Niyakap niya nito. “I love you so much too, Jordie.”

He lovingly embraced her back. “Salamat Richael. Di mo ito pagsisisihan pangako.”

“Wala akong pinagsisihan nang mahalin din kita, Jordie! Weeee! I love you. Para ka talagang di totoo. Galing ka ba sa pocketbook?” hirit niya. Wala siyang ibang nararamdaman sa mga oras na iyon kundi ang sayang dulot ng pagmamahal.

 “Totoo ako!” patol nito.  Niluwagan nito ang yakap sa kanya pra magkaharap sila. His eyes were full of expressions of love for her. “At papatunayan ko yan sa’yo.” He moved closer and claimed her lips. Quick kiss… but that quick kiss melted her heart so well.  “Remember when I first kissed you? That’s when I first felt that I’m in love with you. Stay with me Richael. That’s the only thing I will ask.”

“I will love to stay with you and your love, my boyfriend hunter.”


             Finally, she found her right one, not just with help of her boyfriend hunter but with his love too.


PREVIOUS                                                       NEXT STORY

Comments

eingel brixx said…
waaaaaah!!! ako na ang kinilig!! sweeeet mo eldwick!! pwd ba kitang agawin sa bhe criza koo? hahahaha. sige! best wishes sa inyo! hahaha. lolaskiiee, galing mo tlaga! thumbs up ako :))))
Anonymous said…
Waaaaaa nakakakilig!! Ikaw na talagaaa ate melai! Ngayun lang ulit akl nakabisita! Forever a fan!


~rika

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…