Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Wanted Boyfriend Hunter -Part 2




Sa Luneta ang bagsak nina Richael at Eldwick. Napangiwi si Richael. How epic. Hindi man lang siya sa Ocean Park dinala. Talagang sa Luneta pa. Cost-cutting ka ba, Jordie?   Sinamaan niya ito ng tingin. May duda siyang ginugulangan siya ng loko.

               “Oy Jordie! Bakit kailangang mag-date tayo? Sinabi ko ng di ka kasali sa choices. Siguro type mo ako ano?”

                “Oo.”

                Natigilan si Richael. She was caught off guard since she wasn’t able to ready herself for that answer.

Ngumisi si Eldwick.  “Joke! Ikaw naman nagpapaniwala  ka agad sa akin.” He moved closer to her face. “Hmm, and what’s with the blushing cheeks, Richael?” He winked. “Type mo ako ano?”

Napairap si Richael. “Kinulang ka ba sa kape? Try mo uminom mamaya para kabahan ka naman kahit konti lang.”

“Bawal sa pulis ang maging nerbyoso,” hirit pa nito. “Tara, let’s have your practice date.”

“Practice date? Why? What do you think of me? Walang magandang experience sa dating?” Di ba wala naman talaga? Pagkontra din ng isipan niya.

“Well…” May kinuha itong papel sa dashboard at binasa sa kanya ang content noon. “Richael Gabuya, dedicated road manager ng Karisma Band, Sheyron Band, and Alpha Stellar Band.  Living with her bff, Danica Urbano.” Huminto ito sa pagbabasa at binalingan siya. “Minsan sama mo siya sa mga lakad natin, papa-picture ako.” He then continued reading. “Loves eating, reading, and vacation. No boyfriend since birth. No record of successful date. Two out of three dates end up with war not love. The other one just got lost in the air. Hmmm….” May binasa pa ito pero hindi na sinabi sa kanya. “What are you saying a while ago?”

Napangiwi si Richael. Yeah, right. Bakit nga ba hindi niya naisip na police ang hunter niya? Pati siya ay hindi nakatakas sa scrupulous background check nito.  She just turned her look to something else.

“Come on, Richael. Kailangan nating alamin ang dahilan kung bakit hindi successful ang mga dates mo to make sure you will do better to your next date under my mission.”

“You sounded as if there’s something wrong in me.”

He pinched her nose and winked. “Sa’yo galing yan, hindi sa akin.”

“Ang yabang mo!”

“Gusto mong ma-experience kung paano dapat ang perfect date or not?”

Duda pa rin siya pero napapaisip. “Ano namang alam mo sa perfect date?”

“Hmmm. My mom is a bestseller Tagalog romance novelist. I read all her works pati iyong mga works niya before she met my Dad. Those are full of perfect dates and perfect love stories. Any question, Ms. Gabuya?”

Why are you so handsome in my eyes kahit na nakakaasar kang humirit? She was staring at him while he was manly speaking about his mom.

“Richael?”

Nabalik sa huwisyo ang lumipad niyang isip nang ngumisi ito. “We should start your lesson for the day bago pa maiba ang rule mo at ma-in love ka sa akin.”

Kapal talaga mukha ng isang ito. “Oo na sige na.”

“Ma-in love ka na sa akin?”

Iniumang niya dito ang kamay niya. “Hinding hindi no! Adik ka!”

He laughed.


THE DATE went out well. She enjoyed it so much na parang ang gaan lang ng lahat, hindi niya namalayan na lumilipas ang oras kumpara sa mga nakaraang dates niya na halos bilang na bilang niya ang bawat segundong lumilipas dahil hinihila niya ang oras para matapos na agad ang date. But with her boyfriend hunter… it’s totally different. Parang ayaw pa niyang tapusin ang simple ngunit nakakenjoy na date.

 Marami silang pinagkwentuhan dahilan para lalong makilala ni Richaelsi Eldwick. Masasabing niya may makulit na side nga ito pero may serious side din naman. Ang hindi lang niya talaga mapaniwalaan ay kung paano ito naging pulis. Para kasing hindi akma ang kakulitan nito para maging pulis na seryosong naglilingkod sa sambayanang Pilipino.

 The date was about to end when she saw a street foods stall. “Jordie! Kain tayo non!” Hinila niya ito.

“Kumakain ka niyan?”

“Oo,  bakit ikaw hindi?”

“Abnormal ang taong hindi nakaranas kumain ng street foods, Richael. In fact, this is my favorite past time. Hindi ko lang in-expect na kumakain rin pala ang tulad mo ng street foods. Sa liner ng work mo, malamang na palaging sa mahal na resto ka madalas kumain. Hindi pwede sa public places ang artista.” Nauna pa itong kumuha ng baso at stick.

Napaismid pa si  Richael. Minsan gentleman, minsan hindi itong isang ito. Nauna pa sa babae.

“Here.” Iniabot nito sa kanya ang baso na may kwek-kwek at fishballs pagkatapos ay kumuha uli ito ng baso at stick para naman sa sarili nito. Nagulat siya.  Mali pala, binabawi ko na. Ang sweet niya. Weeeee!  

 Few minutes more, naglalakad-lakad na sila while enjoying their street foods.

“Bakit nagmamadali kang makahanap ng boyfriend?” biglang tanong nito.

“Iyon na lang kasi ang kulang,”  tipid na sagot niya.

“Richael, kung para sa’yo ang isang lalaki, kahit di ka maghanap ng hunter darating yang boyfriend sa’yo.”

She took her second to the last piece of kwek-kwek. “Hindi mo naman ako masisisi din, Jordie. I already had everything as of the moment. Stable job that I really love, money, friends…lahat. Isang bagay na lang ang wala. Love.”

On cue,  may nakasalubong silang  young cute sweet couple. Napangiti si Richael. “Gusto ko rin ng ganon. A guy na hindi mahihiyang kaholding hands ako, dadamayan akong magsuot ng couple’s shirt, aakbayan ako at aalalayan if needed, yayakapin ako pag masama ang loob ko at higit sa lahat, a guy na mamahalin ako at ipaglalaban ako.” Binalingan niya ito at caught in the act itong nakatitig sa kanya…eagerly listening to what she was saying. “Andami kong celebrities na nakikita araw-araw kapag nagtatrabaho ako. Some of them are real-life couples. Pag nakikita ko sila, nai-inspired ako at naiingit. They are living evidences  na masarap palang ma-in love.”

“Masarap?” umiling ito. “Love can certainly give you the height of happiness. But, love can also give you height of pains and heartaches,” seryosong sambit nito.

“Sus! Wag mong sirain ang pantasya at idealism ko about love, Manong Jordie!”

“I’m just telling you the hurtful truth, Richael.”

 Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Turn na niya para i-corner ito. “Jordie…nabroken-heart ka ba? As in fresh na fresh lang at recently updated?”

Natigilan ito. His smiling face suddenly became blank.  Lihim na nagpunyagi si Richael. Tama ang hinala niya. Malamang na heart-broken ang loko. Ngunit bago pa niya ma-assess nang husto ang reaction nito ay agad itong nakabawi. “Anong broken-hearted? Ina-under estimate mo ba ang kaguwapuhan ko?”

She rolled her eyes. “Kung sabagay, your type is someone meant to play games.”

They continued walking going to his car parked few meters away. “Games? I always lose the game anyway. I’m not a good player.”
Siniko niya ito. “Aminin na kasi nabroken heart ka ano?”

Binalingan siya nito. “Hindi no—“ His phone rang.   “My, dad,” pagbibigay alam nito sabay sagot sa call. “Yes, dad? Si Mama? Nagsusulat po yon. Wala po sa study? Sa kwarto? Sa banyo po? Sa bubong? Ahuh. Baka po nasa tree house lang. Okay lang po siya, Dad. Don’t worry. Okay po. Bye po.”

Napapanganga si Richael. Sa way ng mga sinabi ni Eldwick sa tatay nito ay parang pusa lang ang nawawala pero nanay nito ang pinag-uusapan.

Alanganing ngumiti si Eldwick sa kanya. “Medyo weird si mama. Pag nagsusulat siya, kung saan saan siya napupunta. And my dad…he’s always over-reacting pag nawawala si mama.”

“Ah. Anong pen name ng nanay mo? I’m reading pocketbooks too.”

“Lanlan Custodio.”

Napamulagat siya.  “Mama mo si Lanlan Custodio?”

“Oo, bakit?”

Hinila niya ito. “Tara, umuwi na tayo at isama mo ako sa bahay nyo. Magpapa-autograph ako ngayon din!”  Walang reklamong sumunod ito sa kanya.

Pagkasakay nila sa kotse ay may iniabot itong folder sa kanya.

“Ano ‘to?”

“Profiles ng mga taong nag-confirm na willing silang makipag-date sa’yo.. at willing maging boyfriend mo. Pumili ka at i-message mo ako pag nakapili ka na. Ako na ang bahala sa lahat. Don’t worry. Trusted lahat mga yan. Some are college and highschool friends and some are friends of friends.”


                NAKASIMANGOT si Richaelhabang inaayos niya ang schedules ng Karisma Band. Katatapos lang ng third date niya mula sa list na binigay ni Eldwick ilang linggo na ang nakakalipas. It didn't end up well.
       
         Ang first date niya from Eldwick's list ended in just an hour. Businessman ang una niyang naka-date. Yes indeed na kay Golen  ang mga characteristics na gusto niya sa lalaki. Only one thing failed. Wala itong kilala kundi ang trabaho nito. Mas mahaba pa ang  ilang beses na pag-excuse nito para sa client calls kesa sa naging date period nila.

                Ang sunod niyang naka-date ay isang mahiyain na wanna be a scientist. Mahiyain nga ito pero nang maungkat ang tungkol sa propesyon nito, naging madaldal ito. Ang ending, mas maraming oras pa ang nasayang sa nosebleeding nitong discussion about organic farming kesa sa supposed romantic getting to know nila.  Nagyaya pa ng second date ang guy na yon pero tinanggihan na niya.

                And the third one was a one of a heck dedicated doctor. Okay sana ito. Mabait, masarap, kausap, at nag-enjoy siya sa date. Okay na okay na sana kung hindi  lang siya nito biglang ibinaba sa kalagitnaan ng kalsada at basta na lang sinabing hindi na siya maihahatid dahil bigla itong na on call sa hospital. At dahil hindi na an loading and unloading area ang bahagi ng highway kung saan siya inabanduna ng walanghiya niyang date, kinailangan niyang maglakad ng almost  isang kilometro para makasakay siya pabalik ng Pontez Building. At pagdating niya sa office, tambak na trabaho pa ang inabutan niya. Hindi pa siya nakakalahati sa ginagawa ay kinailangan na niyang iwan ang mga yon para samahan ang Karisma Band at Alpha Stellar Band para sa mall show. Pagkatapos ay bumalik siya sa office.

                Ngayon ay tapos na ang ginagawa niya pero tinatamad na siyang umuwi. Pakiramdam niya ay mas okay pa ang mag-emo kesa ang umuwi sa bahay. May mga damit naman siya roon at pwede din niyang gamitin ang pad kung sakaling  gusto niyang doon  matulog.

                Napabuntong-hininga siya nang sumandal siya sa swivel chair. Hindi niya mawari kung bakit kailangang may something wrong sa guy na nakaka-date niya. An image of Eldwick popped into her mind. Pero bakit si Jordie...naging successful ang date namin kahit practice date lang yon? Does it mean, wala sa kanya ang problema kundi nasa mga guys at sa wrong match? Eh bakit nga si Jordie???

                Natigilan siya. Eh bakit ko nga ba pinagpipilitan si Jordie e hindi naman siya kasama sa choices? Naalala niya ang nakaraan practise date nila at ikinumpara ang mga nakaraang date. Her heart suddenly skipped a bit. What a heck??

                On cue,  nag-ring ang phone. Iniangat niya ang receiver at sinagot ang tawag. "Hey, sweet lady, how's your date?"

                Tumalon ang puso niya nang ma-recognize ang boses ni Eldwick. She sighed. Mukhang napapagtripan siya ng tadhana. Kumakabog ang puso niya  sa taong hindi nito dapat kabugan.

                "Hindi okay no! Sablay ka na naman!"

                "Ganon ba? Don't worry, there's still four in the list. Dami ka bang work? Bakit nasa office ka pa? And why are you not answering my call on  your cellphone?"

                Call? Agad niyang kinuha ang cell phone niya at nakitang may tatlong missed calls nga siya mula dito. "Ah, naiwan ko sa bag ang cellphone ko."

                "Can I go up there? I have dinner for you."

                "Ha?"  First time na may isang lalaking mag-effort na dalhan siya ng dinner...a simple way of expressing his concern. Napangiti siya. "Sige, nasa tenth floor ako. Events Department."

                "Okay. Be there in two minutes."

                 Ibinaba nito ang telepono at siya naman ay nagmadaling magsuklay at mag-retouch ng lipstick. Napakunot lang  noo niyang nang di maisip ang dahilan kung bakit siya nag-retouch ng lipstick. As if, may kissing scene sila ni Eldwick later. Napangiwi siya. Isang katok lang sa pinto ang nagpabalik ng huwisyo niya.

                "Come in."

                Dashing in his police uniform, Eldwick came in with a bouquet of flowers a plastic bag with food. Lihim na napaismid si Richael. Mukhang hindi naman siya sinadya ng binata. Baka naman napadaan lang ito, naisipang dalhan siya ng pagkain pagkatapos ay sisibat na ito para manligaw sa Ely nito... which she found out was the heir of Hearts Connected. Nadismaya siya.

                "Here." Ipinatong nito sa mesa ang pagkain at iniabot sa kanya ang bulaklak. napamulagat siya. "What? Wag mo sabihing ngayon ka lang nabigyan ng flowers? Hindi ka binibigyan ng mga dates mo? Mga loko yon ah."

                "Sira!" Kinuha niya ang bulaklak at nginitian ito. "Anong nakain mo at ginagawa mo ito Jordie?" Pinagtaasan siya nito ng kilay. "Ay sorry, hindi ngapla dapat magtanong."

                "Siguro tanong ng tanong ka rin sa mga date mo ano? Kaya walang nagiging successful sa mga dates mo. Tell me anong nangyari?" Nilapitan siya nito.

                Inisang-tabi niya ang bulaklak sa mesa at saka niya binalingan ito. He was just starring at her...ready to listen.

                Inalala niya ang kamiserablehan na pinagdaanan niya kanina. Ang useless date, ang pagbaba niya sa kalagitnaan ng highway, ang paglalakad ng malayo. "Iyang lalakenn pina-date mo sa akin, okay sana. He's kind and dedicated to his profession. iyon lang sa sobra niyang ka-helpful sa kapwa, nawalan  siya ng konsensya."

                Naramdaman uli niya ang inis at nagsimulang mangilid ang luha niya.

                "Walang konsensya?"

                Napahikbi siya at nagsimulang magsumbong na parang bata. "Ang lalaking yon, pinababa ako sa gitna ng highway. Doon pa yon sa hindi loading area. Naglakad ako ng napakalayo para makasakay. Ang traffic-traffic. Pagdating  ko sa opisina tambak na work ko tapos di pa ako nakakakalahati, lumabas na ako para samahan ang Karisma at Alpha Stellar. Ang daming tao sa mall. Nakakahilo tapos ang tagal bago matapos ng autograph signing nila. Ang titigas pa ng ulo ng ibang fans Pagod na ako. At higit sa lahat...." humikbi uli siya. "gutom na ako."

                Sa gulat niya ay payakap siya nitong inakbayan at inalo siya nito. He lovingly caressed her head. "Tahan na, sorry ha. Hindi ko naman alam na ganon ang mga yon. They are good friends, I thought they are good dates too."

               "Di mo naman kasalanan yon e. Sinunod mo lang naman ang mga sinabi kong mga characteristics na gusto ko sa lalaki. It's just, hindi ko alam kung bakit ang mga nakaka-date ko, mga tipo na hindi ko matatagalan o kaya parang hindi naman nakalaan para sa akin."

                He moved a little enough for him to see her face. He then, wiped her tears from the side of her eyes and cheeks with his thumb. “Mabuti pa, kumain ka na at kapag busog  ka na, ihahatid na kita sa bahay nyo para makapagpahinga ka na.”

                Amusement covered her face. “Gagawin mo talaga iyon para sa akin?”

                “Oo naman, bakit hindi?”

                “Wala ka bang ibang gagawin?”

                “Wala.” Ngumisi ito. “I’m yours tonight!”

                Inirapan niya ito pero lihim siyang napapangiti. Kasabay noon ay ang muling pagsikdo ng puso niya. “Adik!”

                Tumawa lang ito at inasikaso na ang pagkain para mapagsaluhan na nila. Hindi maiwasan ni Richaelang mapangiti habang lihim na pinagmamasdan ang binata. Unti-unti, na-realized niyang nasa binata rin pala ang mga katangian ng lalaking hinahanap niya…higit pa nga si Eldwick.
               

                NANGINGITI  si Richaelhabang dala-dala niya ang box na naglalaman ng pasalubong niya kay Eldwick. It was a miniature figurine of him. Pinasadya pa niya yon. Ilang linggo kasi siyang nanatili sa Prague para sa European Tour ng Karisma Band. Excited siyang ibigay dito ang gift niya.
  
              Pumasok siya sa  isang restaurant. Doon niya  naisip makipagtagpo kay Eldwick. Umupo siya sa reserved table at saka tinawagan si Eldwick. Walang sumasagot. Nag-dial siya uli. Sa pang-limang ring ay sinagot nito ang tawag.

                “Yes, Richael? Oh, you’re back!”

                “Yeah, I’m back. Can we meet now?” Sinabi niya dito ang restaurant kung saan siya naroroon. Nagulat na lang siya sa naging reaction nito.

                “What? Anong ginagawa mo diyan? Umalis ka na diyan!”

                Napakunot ang noo niya. “Ha? Bakit? At bakit ka naninigaw ha?”

                “Wala akong oras magkwento Richael—”

                Pinagpatayan niya ito ng call. The nerve. Ilang linggo nga silang di nagkita pagkatapos ay ganon pa ang ibubungad nito sa kanya? Nainis tuloy siya.  She received a text message from him.

                May papasok na babaeng naka-red haltered dress, curly ang hair. Sundan mo siya. Please!

                A trace of worry was on that text message. Hindi alam ni Richaelkung ano ang nangyayari ngunit kinukutuban na siya na may hindi magandang magaganap. In few seconds,  she saw the woman he was talking about. Tumayo siya at sinundan ito sa CR. Pagkapasok ay saka ito bumaling sa kanya. Napanganga siya.

                “Jordie?”

                Nasapo nito ang noon a tila nagpipigil lang ng emosyon. Fierce mixed emotions of fear and worry was covering his face. “I’m in the middle of undercover. Any moment, may magaganap na barilan dito kaya lumabas ka na.”

                Natigilan siya. Natakot. Nalito.

                Kinamot ni Eldwick ang batok bago bigla na lang siyang kinabig at hinalikan sa labi. It was just a quick kiss but it almost melted her knees that fast.

               Nahalikan ako? Nahalikan talaga ako? Wuuuu! Nahalikan na ako!!! Magbunyi!!! Nang matapos ang halik na yon ay nagkatinginan sila. Ramdam ni Richaelang malakas na kabang na puso niya habang matamang nakatitig sa kanya si Eldwick na tila nagulat sin sa naging careless act nito. Bakit mo ako hinalikan Jordie??? Type mo ako? O pinagpraktisan mo lang ako?

                Umiwas ito ng tingin at binuksan nito ang pinto. “Lumabas ka na. Mamaya tayo mag-usap.”

                At magpapaliwanag ka na sa kiss? Tumango lang siya at balak na sundin na lang ito. Una itong lumabas ng CR para masiguradong ligtas siyang makakalabas. Ngunit hindi pa man sila lubusang nakakalabas ng restroom ay may nagpaulan na ng bala. Itinulak siya ni Eldwick papasok ng CR habang nakikipagpalitan ito ng bala sa kung sinumang tinutugis ng pulisya na nasa lugar na yon.

                Nilamon na si Richaelng takot lalo na nang mapakiramdaman niyang wala ng tao sa may pintuan ng CR at patuloy pa din ang serye ng putukan na naririnig niya. Baka, nakipagbakbakan pa si Jordie. Oh my! Baka mabaril siya. Or… no! Wag naman sanang nabaril na siya.

                On cue, may narinig siyang putok ng baril na til asa labas lang ng pinto galing at ang kasunod na yon ay tila taong bumagsak. Naiyak na siya sa takot. Gusto niyang sumilip sa labas ngunit baka iyon din ang maging katapusan niya kung sakaling may gun man sa labas ng pinto. Dahan-dahan siyang pumasok sa cubicle.  Pagkatapos ay nanatili lang siya sa gilid ng cubicle, holding the gift for Eldwick and her rosary. She just prayed n asana, makalabas pa siya doon ng buhay at sana hindi napahamak si Eldwick. She grabbed her phone, hihingi siya ng tulong kina Hamiel o kaya kina Rover pero ang pasaway  na CR… dead signal.

                Lalo siyang kinabahan nang may nagbukas ng CR. At pabalandrang iniisa-isang buksan ang bawat cubicle. Lord, eto na ba ang ending ng kagandahan ko? Kaya nyo ba pinalasap sa akin ang masarap at yummy na first kiss dahil sayonara earth na rin ako later? Lord naman e, pwede bang lubusin? Syotain ko muna si Jordie… pwede? Napangiwi si Richael. Heto nga anytime maaring madamay siya sa action scene na yon e si Jordie at ang di niya mawaring rason kung bakit tila type na niya si Jordie ngayon, pa rin ang naiisip niya. Ibang klase.

                Pumikit na lang siya nagdasal nang pilit kalabugin ng nasa labas ang cubicle kung saan siya nagtatago.

                “Richael, ako ‘to. Buksan mo ang cubicle.” It was indeed, Eldwick’s voice. Dali-dali niyang binuksan ang pinto ng cubicle. Bumungad sa kanya si Eldwick, still with red haltered dress, wig and stelletos, hinahapo na tila pagod na pagod. “Buti naman ligtas ka.”

Agad siya nitong niyakap. Finally she felt being secured and safe. Ngunit wala pang ilang segundo ay itinulak siya nito pabalik sa cubicle at may binaril ito mula sa main door ng CR. Tatlong putok ng baril ang narinig niya, dalawa ay tumama sa lalaking intruder sa CR at ang isa ay dumaplis sa balikat ni Eldwick. 

                “Jordie!” Agad niya itong dinaluhan at inalalayang makatayo.

                Tinitigan siya nito. Tingin na tila nangungusap or rather nagtatanong…naghahanap ng sagot kung bakit tila may ibang nangyayari na taliwas sa nakaplanong mangyari. At tila may ibang binubulong di ang puso ni Richaelsa kanya. Try mong sundin ang payo ni Danica. Stop searching…start loving him.

                “Wag kang mag-alala, daplis lang ang tama ko,” basag nito sa katahimikan. Bumunot ito ng panyo. “Ah…alam kong maganda ako pag babae ako pero sana e tinutulungan mo ako, Richael.”

                “Ah…” Kinuha niya ang panyo at siya na ang nagtali sa may sugat nito.

                Pagkatapos ay tila balewala at tila walang injury na hinawakan ng free hand nitoang kamay niya. “Okay game tara.”

                They walked going out of the vicinity. Tumatango at sumasaludo dito ang ilang mga nakakalat na pulis. Nanginginig ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

                “Jordie, okay ka lang?”

                “Hindi. Kaya papasama ako sa’yo sa hospital. Damn! Ang sakit ng balikat ko! Unang balang tumama sa akin, masakit pala ang mabaril. Dali, ipagmaneho mo ako!—Aray!”

                Kinurot niya ang tagiliran nito sa inis. Kay yabang nitong umastang tila wala lang nangyari iyon pala ay nanginginig na ito sa sakit. “Kahit kelan baliw ka talaga Jordie!”

                “On the record mas baliw ka, Richael.” 

                Sumakay sila ng kotse nito ito ang nasa passenger seat siya ang driver. Iniabot niya ang kahon dito. “Yan pasalubong ko!” pasungit na sambit niya. She started the engine and drove him to the nearest hospital.

                Hindi ito sumagot kaya nilingon niya ito. Nakapikit nap ala ito  sa tabi niya.

                “Jordie?” tinapik niya ang pisngi nito.

                “Buhay pa ako, nahihilo lang. Sige na bilisan mo, baka mamatay ako. Ikaw rin, mababawasan ang poging kaibigan mo.”

                “Tse! Manahimik ka na lang diyan.”

She just concentrated on driving kesa patulan pa ito dahil baka sa halip na humaba pa ang buhay nito ay siya pa ang makapatay dito. Number one hater pa naman siya ng lalaking mayabang.  

                 “Richael…”

                “Ano na naman? Malapit na tayo sa hospital, hindi ka pa mamamatay.” Tinapunan niya ito ng tingin. Kinindatan siya nito. Pinandilatan lang niya ito.

                “I miss you, Richael.”

                   
Natigilan siya sabay tapak ng preno, sakto lang sa pintuan ng emergency ng hospital. Binalingan niya si Jordie, maputla na ito. Ngumiti ito sa kanya at saka pumikit.



PREVIOUS                                                                        NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…