Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Wanted Boyfriend Hunter -Part 1




Richael was busy with her laptop while sitting firmly at the edge of the stage of Senang Hati Music Lounge, ang pamosong music lounge na talagang dinadayo ng mga tao dahil  sa unique na atmosphere  ng lugar. Perfect ang lugar para maging tambayan ng mga magkakaibigan, magkasintahan, mag-asawa at mga nangangarap magkaroon ng fafaness tulad niya.  

               Senang Hati was a place where you can find your happiness. Yan ang kilalang tag-line ng bar  na sumasalamin sa  mga tagpong nagpatunay na may mga tao na doon nga nila natagpuan ang true love nila. Richaelwas not a fan of mysterious beliefs but somehow she was hoping to find her right man there inside the lounge. Wala rin namang masama kung patulan ang pamahiin sa lugar na yon lalo na ngayong nasa desperate mode siyang makahanap ng fafaness.

                Richael has been working as a road manager of various celebrities for years already. Bahagi siya ng HM Talent Agency of late Haime Catacutan na ngayon ay pinamamahalaan ng nabyuda nitong asawa na si Mhiel Catacutan. At ngayon ang inaalagaan niya ay ang Karisma Band na pinamumunuan ng newly-wed celebrity couple na sina Hamiel at Limien. Marami na rin siyang nagging achievements sa buhay at sa palagay niya, love life na lang ang kulang sa kanya.


                It was Senang Hati’s third decade in the industry. At bilang celebration sa ika-tatlumpung taon ng lounge, isang gabi ng bonggang performances ang inihanda ng Lounge para sa mga dadalo. On stage ang Karisma Band, banging the crowd with lots of RNB songs. Punong-puno ang Senang Hati…higit pa sa inaasahan nila ang mga dumalo sa celebration night na ‘yon.  

                Pero wala sa partying crowd o extravagant stage performances ng Karisma ang attention ni Richael. She was in focus on her laptop, checking different online dating sites, hindi para humanap doon ng magiging boyfriend, ka-date or whatsoever kundi para humanap ng taong ihahanap siya ng matino at mapagkakatiwalaang boyfriend.

                Maraming mga nag-comment sa forum ng isang online dating site kung saan siya nag-post ng “Wanted: Boyfriend Hunter” pero karamihan sa mga yon pag sala sa power trip din lang ang reply sa kanya e mga foreigner naman na  mukhang terorista. 

                Bagsak na ang balikat niya. Isang linggo na ang mga post niya pero wala pa ring matinong willing siyang tulungan. Well, sino nga bang matino ang papatol sa post na mukhang power trip lang? 

                Napatingin siya sa stage when she heard Hamiel, Cielo, Hinaro and Mathew doing some perfect blending of voices as they sing their rendition of Your Call. It was already a second song of the band right after their opening song, Your Guardian Angel.

                 Stripped and polished, I am new, I am fresh. I am feeling so ambitious, you and me flesh to flesh. ‘Cause every breath that you will take when you are sitting next to me will bring life to my deepest hopes what’s your fantasy? (What’s your… what’s your… what’s your…)  ‘Cause I was born to tell you I love you and I was torn to do what I have to…to make you mine. Stay with me tonight…

                The crowd cheered. Napangiti si Richael. Isang rason kung bakit mahal na mahal niya ang trabaho niya ay ang mga naka-proud na sandali tulad nito. Seeing the celebrities and artists being cheered and admired of the crowd, somehow made her feel contented on her current job. Saksi siya sa hirap na pinagdaanan ng grupong ito at saksi rin siya sa tagumpay na tinatamasa ng grupo ngayon. She just so proud she was Karisma Band’s road manager.

                Buzz!

                Someone from the online dating site perhaps sent her an instant message via Yahoo! Messenger. Napabalik tuloy sa laptop ang atensyon niya.

                Icanbeyourman: Hi sweetsearcher. I’m the one you’ve been looking for :D

                Napangiti si Richael. Angas lang ng isang ito ah. She typed in her reply.

Sweetsearcher: Really? 

Icanbeyourman: Yes. You’re looking for someone who could find a boyfriend for you right? Well. I can do it. O kung nagmamadali ka, pwedeng skip na natin ang first step. I can be your bf. :)

Napapangiti si Richael. Mukhang nakatagpo na siya ng taong papatol sa trip niya.

 Sweetsearcher: I don’t skip steps. You wish.

Icanbeyourman:  I wish :P

Sweetsearcher: Kulet mo, you’re nice!

Icanbeyourman:   Yeah, I know.  My mama told me when I was young

Sweetsearcher:  Lady Gaga? =))

Icanbeyourman:  =)) So what’s the deal?

Sweetsearcher: How can I be sure that you are sincere? That I’m safe with you? That you’re not playing the game?  Icanbeyourman, I’m serious here, whether you believe it or not. :P

 Icanbeyourman:  I’m not here to fool around too. I’m a man of dignity and public service. We can meet up if you want to.

Sweetsearcher: You sounded like a police. :)

Icanbeyourman: Fortunately, yes I am a police. But keep this one as a secret.  *wink*

Sweetsearcher:  Really huh?

Icanbeyourman:Di ka naniniwala? Let’s meet then saka ka mag-decide.

Sweetsearcher:Nagmamadali ka?

Icanbeyourman:Oo, tara na pakasal na tayo.

Napatawa si Richael. Hindi niya alam ngunit may feeling siya na pwede niyang pagkatiwalaan ang estrangherong ito.

Sweetsearcher:Kulet mo!

Icanbeyourman:Cute din ako alam ko. :D

Sweetsearcher:  To see is to believe po. :P Sige payag na ako.

Icanbeyourman: Magpakasal sa akin? I do.

Sweetsearcher: Sira. Let’s meet. I’m on Senang Hati tonight. Can you come over?

Icanbeyourman: What a destiny! I’m on the same place. Saang part ka? Lots of people in here but I can surely find you.

Kinabahan si Richaelat na-excite.

 Sweetsearcher:  At the edge of the stage, right side. Hmm, maglalagay ako ng panyo sa balikat ko for your reference.

 Icanbeyourman: Good. Wait for me, sweet lady. I’m coming unto you. *kiss* and *wink*

Sweetsearcher:  :P

Inilagay ni Richael ang kanyang baby pink-colored na panyo sa kanyang balikat. She patiently wait. Kung totoo ngang pulis itong isang ito, sigurado siyang madali siya nitong makikita. Few seconds more, she spotted a guy carrying a laptop and seemed like searching for someone. Matikas ang tindig ng binata. Kahit medyo malayo pa ito sa kanya, batid na niyang good-looking ang guy.  This is one reason why I love Senang Hati. Umuulan ng fafaness! True indeed. Sa pabalik-balik niya linggo-linggo sa music lounge na yon para bantayan ang Karisma Band, busog na busog na ang mga mata niya sa site-seeing ng mga fafaness.

They guy then turned to her and smiled. Sumikdo ang puso ni Richaelnang maglakad palapit sa kanya ang binata. Oh my! Siya ba yong ka-chat ko? Ay Lord, panalo!

“Finally, I saw you.” He then get the handkerchief on her shoulder, folded it firmly and gave it to her again.

“Thank you,” she smiled.

He then offered his right hand to her. “ I’m Eldwick Jorden Almendral, at your service.”

Pangalan pa lang ulam na! Walang masabi si Richael. Kaya naman pala malakas ang loob ng binata na magsabing good looking ito. May ipagyayabang naman pala. 

Tinanggap ni Richaelang kamay nito. “Nice to meet you. I’m Richael Gabuya.”

“So this means you’re accepting my help?”  Eldwick sat on the vacant seat and smiled at her.

Tinitigan niya  muna ito, silently assessing if he can really be trusted. Pero ang siste, nakipagtitigan pa itong si Eldwick sa kanya. He intently gazed at her that made her  feel she was being admired of. Her heart then suddenly skipped a bit  when she showed off his charming smile again. That meant on thing. This guy certainly knew how to impress a woman by just simply smiling.

Umiwas siya ng tingin bago pa man siya magoyo ng  kacharmingan ng binata.  Richael, behave. Sa tingin niya ay certified babaero ang lalaking ito sa angas at pananalita pa lang… kita na ang ebidensya. “Police ka kamo?”

Walang kaabog-abog na pinakita nito sa kanya ang tsapa nito. “Yes. So diyan lang ako sa District 2.”

“Anong ranggo mo?”

“S/Pol. Inspector. Pwede kang tumawag sa hotline namin to confirm ang identity ko. But make sure you tell my full name right. May isang Almendral pa sa presinto, my proud Dad.”

“Ah, so bakit mo pinatulan ang ads ko sa dating site?”

“So this is a sort of interview huh?” he asked instead.

“Yeah, so will you answer the question please?”

“Public service.” He moved closer to her face. “You’re pretty,  bakit  ka pa nagpo-post sa online dating sites? No guy will just passed-by without noticing you.”

His words somehow touched her heart. Pero nang ma-realize  niyang maaring pambobola lang naman yon ay napaismid siya. “It is obvious Mr. Eldwick Jorden that no one came. Walang nagkakamali sa akin. Kaya I find a guide like you.”

“What’s the deal?”

She grinned. “Find me a boyfriend for fifty thousand.”

“No deal!”

Mukhang perang pulis? “Huh? Masyadong mababa ba? Yan lang ang kaya ko e. Thank you na lang kung ayaw mo.”

“No. I want to do the searching for you. But I won’t ask for any monetary payment.”

“So what you want?” Ang sexy kong katawan? Char!

“I’ll find you a perfect imperfectly boyfriend. In return, grant me a wish.”

Ano ako genie? Pero advantage yon sa kanya. At least hindi na siya magtatapon ng fifty thousand. “Okay deal.”


ABALA si Richaelsa pag-aayos. She carefully chose a good dress and  nice pair of stilletos matched with simple but nice touch of make-up. Hindi pa siya naihahahanap ng date ni Eldwick ngunit nagyaya itong lumabas para daw magkailanlan sila ng husto at sa gayon ay maihanap siya nito ng perfect much. 
         
       She was already on the finishing touches of her make-up when her friend, Danica entered her room. “Uy, nagmamaganda. Sa’n ang hada?” sambit nito.

                “Diyan lang sa tabi-tabi,” tugon niya.

                “May date ka? Nakakita na pa si Mr. boyfriend hunter?”

                “Wala pa. Siya lang nga ang kasama ko ngayon. Nagyayang lumabas e.”

                Humiga ito sa kama niya. Nakatira sila sa isang condo unit since mag-best friend na sila  mula pa noong highschool. Nakarinig sila ng busina. That must be Eldwick.

                Nauna pa si Danica na sumilip sa bintana. Nakisilip din siya. “Yan na sundo ko. Bye na friend. See you later!” Pinigilan nito ang kamay niya. “Bakit?”

                “Friend, wag ka ng maghanap ng bf.”

                “Bakit? Dahil delikado? Safe ako sa hunter ko. Police yan eh. Mataas nga ang ranggo.”

                Tumili ito. “Eeeeee! Friend, wag ka ng maghanap ng bf! Siya  na lang! Ulam na ulam na!”

                Napangiwi siya. Kakaiba talagang mag-isip itong best friend niya. She doubt kung paano ito naging multi-awarded talk show host  e isa naman itong baliw na nagpapanggap na normal. “Hindi ulam yan.”

                “Ano?”

                “Dessert!”

                Lumabas na siya ng bahay at sinalubong naman siya ni Eldwick. “Hello, Richael. Wow, naman ganda mo ngayon ah.”

                “Ngayon lang Eldwick?”

                “Araw-araw namn. Mas maganda ka nga lang ngayon.”

                Wuu. Bolero!  They rode his car and few minutes more he was  busy driving while she was sitting on the passenger sit. Nitong mga nakaraang araw ay nag-get-to-know each other sila. Iyon ay para malamang nito ang facts tungkol sa kanya. Nagtanong ito tungkol sa mga physical attributes ng lalaking type niya. Iyon daw ang way nito para ihanap siya ng perfect match.


                “So saan ang punta natin, Eldwick—Aww!” Nakagat niya ang dila niya. Nabubulol kasi siya pag binabanggit ang pangalan nito. “Wala ka bang nickname? Nakakabulol name mo eh.”

                “Wala e. You can give me if you want to.”

                Napangisi siya. “Talaga?” He nodded while still busy driving. “Okay, from now on, tatawaging kitang Jordie!”

                “What?”

                “May nickname ka na ngayon. Cute di ba? Jordie!”

                “Alam ko na ngayon ang isang dahilan kung bakit walang nagkakamali sa’yo,” sambit nito matapos siyang tapunan ng tinging deadly.

                Napataas ang kilay niya. “Ano naman yon aber?”

                “Siguro binibigyan mo ang date mo ng nicknames na cool pang para sa aso, pusa o hamster. Never do that again or else, magiging hands-off ang mga lalaki sa’yo. Ikaw rin pag nangyari yon, mawawala ka na ng chances.  Ako na lang ang maiiwan sa’yo.” He grinned.

                Napairap siya. “Hindi ka kasali sa choices, Jordie. Kaya back off okay?”

                He parked the car sa tapat ng isang commercial building. Nakita niya ang signage, Hearts Connected. Sino ba namang hindi nakakaalam sa agency na ito? People who look for love should drop by Hearts Connected and for sure they will find the right one as soon as possible. Ang siste, hindi iyon ang paraan na gusting mangyari ni Richael.

                “Don’t tell me you will register me with that love matching agency? Ayoko!”

                Hindi siya nito pinansin bagkus ay kinuha nito ang isang bouquet of flowers.  He then gazed at her. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay tila nahipnotismo siya ng expressive nitong mga mata. Her heart beat faster when he smiled. Wow, a cute guy plus bouquet of flowers. San ka pa? Sundin mo na lang Richaelang suggestion ni Danica. Wag ka ng maghanap ng fafa. Karerin mo na lang si Jordie! She was about to accept the flowers when he carelessly moved it away from her.

                “Ah, diyan ka muna ha. Aakyat lang ako ng ligaw sa umaga.”

                Nalaglag ang panga niya at kanyang pantasya.  Alanganing ngumiti siya kahit na napahiya siya sa sarili. Buti na lang hindi niya inagaw agad ang bulaklak sa binata. Sino bang may sabi na para yun sa’yo Richael? Oo nga naman, bakit siya nito bibigyan ng bulaklak e boyfriend hunter niya ito at hindi ito ang hina-hunt niya.

                Parang baliw pang sinipat nito ang signage ng Hearts Connected. His eyes were overly twinkling twinkle little star. “Nasa  building na iyan ang bago kong sinisinta. Ely my superwoman! Ely is for Eldwick only!”

                Napangiwi si Richael. Ganito bang ma-in love ang pulis? “O siya, sige na, manligaw ka na. Good luck sa kanya. Para ka namang tanga e. Kawawa lang siya sa’yo.”

                Seryosong binalingan siya nito. “I smell jealousy from a sweet lady in my passenger seat. Don’t worry, I won’t take long. Iaabot ko lang ang flowers.”

                “Tse!”

                Tumawa ito at bumaba ng kotse. Naiwan siyang mag-isa sa kotse. Hindi na niya ito sinundan at baka isipin pa nitong interasado siya sa binata. Inilibot niya ang paningin sa kotse nito. May air freshener  na nakapatong sa dashboard na pasong may bulaklak ang design. May tatlong kendi din don. Binuksan niya compartment at muling isinara nang makita niya ang laman. Baril at bala ng baril ang  nasa loob ng compartment. Sinilip niya ang backseat. May mga stuff toy at unan doon. May isa pa doon na sa tantsa niya ay bagong teddy bear pa. Malamang ibibigay nito iyon sa iba pang nililigawan. Sinubukan naman niyang kapain ang likod ng car seat dahil may pocket din yon. Isang pouch ang nakita niya. May lamang kikay kit ng babae, picture ni Eldwick at picture ng isang lalaki na sa tantsa niya ay nasa at fifties na at medyo kamukha ni Eldwick. Malamang, pagmamay-ari yon ng ina nito. Ibinabalik na niya ang inusisang gamit nang bumukas ang pinto ng kotse.

                “Uy, anong ginagawa mo diyan?” napakunot ang noo nito nang makita ang posisyon niya. Nakaluhod siya sa  upuan niya at nakaharap sa backseat.  

                “Ah….”

                “Umayos ka na ng upo. Parang kang bata.”

                Buti na lang at di na ito nang-usisa. Umupo na siya  ng ayos. Nagulat na lang siya nang iabot nito sa kanya ang bagong teddy bear. Hindi  muna siya nag-react. Hindi niya muna hinawakan ang teddy bear. Baka para na naman yon sa Ely na sinasabi nito kanina. Pag nagkataon, mapapahiya na naman siya sa sarili niya.

                “Take it, it’s yours.”

                “Mine?” 

                “Yeah, yours.”

                Tinanggap niya ang teddy bear. “Thank you. Bakit mo naman ako binigyan ng teddy bear?”

                He started the engine and drove again. “Richael, isa sa mga nakaka-turn off  sa lalaki ay ang babaeng tanong ng tanong lalo na iyong tipong parang hinihingan ng rason lahat ng ginagawa nila para sa babae. When you finally got your first date under my mission, remember all  I said and will say, “ he firmly stated. The way he delivered his lines seemed like he was giving commands on his men. He sounded too police.

                “Okay noted, Jordie!”

                Tiningnan siya nito ng masama. Tinawanan lang niya ito. “For recall…first, never baptized the guy with birdie, doggie, pussie nicknames. Second, never questioned the effort. Dadami pa yan later.”

               “Okay, pwedeng magtanong?”

                “Go ahead.”                                                   

                “Sa’n tayo pupunta? Di mo nasagot yan kanina e. At saka anong agenda natin ngayon? May date ka na bang nahanap para sa akin?”

                “I’m going to prepare you for a date.”

                “Ime-make over mo ako?”

                “Sweet lady, your beauty is perfect to catch every man’s attention. You don’t need a make-over.”

                “So ano ngang gagawin natin?”

                He smiled. “You’ll going to have your first date under my mission.”

                Na-excite si Richael. Bagama’t di niya inaasahan na ganon kabilis maghanap ng prospect boyfriend ang pulis na ito, masasabi niyang handa siya sa kahit anong mangyari. “Sino naman ang first date ko? Clue naman diyan.”

                He stopped the car, turned to her and grinned. “Ako!”

                “Huh?”


PREVIOUS                                                                          NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…