Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Primer






Dressing Room ng Senang Hati Music Lounge, few hours bago magsimulang mag-perform ang resident band ng Senang Hati—Karisma Band.

Unang dumating sa dressing room si Richael Gabuya, ang ever-reliable road manger ng banda mula ng maging celebrity ang banda  noong nakaraang taon. At dahil wala pa naman ang kanyang mga alaga, minabuti muna ni Richael na ayusin ang schedule ng banda for the coming days. Nang matapos siya ay inasikaso naman niya ang kanyang personal goal. She visited the online websites at free ads kung saan siya naghahanap ng taong tutulungan siyang makahanap ng boyfriend. Busy na siya sa pagba-browse sa internet nang dumating ang mag-asawang sina Limien at Hamiel. 

Magka-holding hands pa ang dalawa. “Hi Richael!” bati sa kanya ni Limien sabay beso sa kanya.

Hamiel did the same. He kissed on her cheeks. “Sweet Richael, aga mo ngayon ah.” 

“Dumaan kasi ako sa Pontez kaya eto napaaga ako ng dating dito. Saan sila?”  ngumiti siya sa mga ito at saka muling ibinalik ang atensyon sa laptop niya.


“On the way na siguro,” tugon ni Mien. “Busy ka?”

“Ah, hindi naghahanap lang ng fafa sa internet.”

Sa tagal na nilang magkakasama, parang mga katropa na rin niya ang mga inaalagaan niyang celebrity lalo na itong banda nina Mien at ang Sheyron Band na inaalagaan din niya.

Hamiel laughed. “Kung gusto mo ipapahanap na lang kita sa experts. May alam akong agency na ganyan ang nature, gusto mo? Delikado yang internet e.”

“No thanks, Hams! Gusto ko ng thrill.” Or talagang adik lang ako. Iyon lang!

“Bahala ka.” Umupo ito sa tabi ng asawa nito na tine-test ang gagamitin nitong piano. “Magpagawa ka muna ng last will bago ka makipagkita sa kung sinuman diyan sa internet ha.”

“Ganon? Mamamatay ba agad ako? Sira ka talaga.”

“Hello, everyone! Mabuhay!” Christella entered. Bumati ito sa kanila nang hindi man lang sila tinitingnan dahil ang paningin nito ay nasa binabasang papeles na hawak nito. Sakbat nito sa kanang balikat ang  bass guitar nito at sa kaliwa naman ay native hand bag na ito mismo ang nag-design. Christella Azel Arevalo is a known and multi-awarded entrepreneur. Nage-export ito ng native products, mula sa damit, sapatos, bags at iba pang handicrafts. A jolly super busy girl na walang pakialam sa love life.

Nasa  papeles pa rin ang mata nito nang ibaba nito ang gitara sa mesa. Nawala lang ito sa focus nang mahuli nitong nagmo-moment ng quick kiss ang mag-asawa sa isang tabi. “Oy, kayong dalawa, wag kayong PDA. Yuck kayo!”

They all laughed.

“Anong PDA, dalawa lang kayong audience, PDA na agad?”  reklamo ni Mien.

“Nag-asawa ka lang Mien nagkaganyan ka na.” OA na lumapit ito kay Mien at hinawakan ito sa magkabilang balikat at OA na naglitanya. “Nasaan na ang dating Limien na di makabasag pinggan ngunit nakakabangga ng kotse? Ang Limien na demure pero nagtu-two piece at nang-aakit—aray!” pabirong hinila ni Hamiel ang dulo ng mahaba nitong buhok. Binalingan nito si Hamiel. “Ano ba, Manong Hamon! Kung naiinggit ka sa bongga kong long hair, magpa-extension ka!”

Lalong umugong ang tawanan nila.

“Oh, may gyera?” Pumasok si Hinaro sa kagitnaan ng pagpapatawa ni Christela. Hinaro Losin, a co-owner of Senang Hati was also an expert stock investor. Kilala din ang pangalan nito bilang exemplary investment consultant. And that made him one of the chick-magnate bachelors.  He hardly cared about being serious about girls. Para kay Hinaro ang dalawang importante sa buhay niya ay ang pamilya niya at ang pagpapalago ng perang ipinamana sa kanya ng mga magulang. Getting married or having a stable girlfriend was out of his plan.   

“Pare, pag inilagay si Christella sa stock market anong value?” tanong ni Hamiel.

“Hmm, bad stock iyan. Not recommended,” patol ni Hinaro.

“Ang sama mo!”

“Kung ikaw lang naman yon, but when it comes to Arevalo Trading, highly recommended na mag-invest sa’yo. Kaya Hamham, mag-add ka ng investment sa lukring na iyan. Ikaw rin Richael. Her company is doing well in the stock market.”

“Thank you so much, Hinaro. I love you talaga.”

Binelatan lang ito ni Hinaro.

“Ganon? Saka na wala pa akong pera,” sabat ni Richael.

“So billionaire ka na, Christella?” tanong ni Mien.

“Hindi naman. Hindi pa.”

“Wow! Kung ganon, manlibre ka naman!” bigla na lang sumulpot si Cielo na parang kabute lang.

“Tse! Mukha kang libre e mas mayaman ka pa sa aming lahat. Ikaw kaya ang manlibre, Mr. Kuripot?” sagot ni Christella na tinawanan lang nila.

Cielo Prudence Pontez was a damn-rich executive producer ng mga pelikula, concerts at shows ng mga celebrities na bahagi ng Pontez Media. Super kuripot nito kaya naman lalong yumayaman. Makulit ito most of the time at good adviser ng tropa. Iyon nga lang, kung gaano ito kagaling mag-advise sa iba, ganon din ito kapalpak mag-advise sa sarili. 

“Ayoko, wala akong pera!”

“Lokohin mo ang chowchow mo!” buska nilang lahat.  Wala rin itong girlfriend kundi ang one year old nitong chowchow nito.

“Mahal ko ang chowchow ko.”

“Eh si Danica  Urbano?” segway ni Richael.

Kumunot ang noo nito. “Sino yon? Ano yon? Bagong brand ng pabango?”   

 Pumailanlang ang tawanan sa loob  ng dressing room.

“Ilang taon ka ng in denial, Cielo?”  tanong ni Christella. “Masakit pa rin ba ang nakaraang rejection?”

“Wala akong alam sa sinasabi nyo.
   
  “Sige deny lang, bukas bibigay ka din,” dagdag pa ni Mien.

    “Hindi ako bading, hindi ako bibigay.”
             
   “Sinong bading?” Enter Dr. Mathew Geoffrey Kaviero, isang Pediatrician na ngayon ay nag-aaral muli para maging ganap na Orthopedic doctor habang patuloy na kumakalinga sa mga batang may sakit. Naka-hospital robe pa ito nang dumating. Halatang galing pa sa trabaho.  Masyado itong dedicated sa trabaho kaya nag-fail ang ilang past relationship nito. Nangako na ito sa sarili na kung muling magmamahal ay sisiguraduhin nitong ibibigay na lahat ng pagmamahal sa babae.
              
  “Si Cielo!” sagot ni Richael.
               
  “Bakit biglang naging bading ako?”  napakamot sa ulo si Cielo habang inaayos ang violin nito.
              
  Inakbayan ito ni Mathew. “Kelan pa, pare?”
              
  “Sapak gusto mo?”
                
“Ayaw!”  May unusual na nakapa si Mathew sa bulsa ng robe kaya dinukot niya ang laman ng magkabilang bulsa para lang pala mapagtantong may stress ball, rubber duck sa kanang bulsa. “Gusto mo pare?”
                
Bunch of laughs again. Bumunot naman ito sa kaliwa at natuklasang may kendi at lollipop doon. “O ito na lang para cool!”
               
  Inilagay nito sa mesa ang mga kendi. Walang hiya-hiya namang nagkanya-kanya ng dampot sa kendi ang lahat. Parang noon lang nakakita ng kendi.
               
  “Nasaan si Dana?” tanong ni Richael.
                
On cue, Danielle Ahne Ferrer, they often called Dana entered in battle mode. “Wala na talagang matinong lalaki sa mundo as in wala. Wwwwaaaaaalaaaaaa!!!”
              
  “Ouch!” All of the guys sighed.  
                
“Char! Di kayo kasali. Exempted kayo,” nakangiting bawi ni Dana. “Pero iyong lalaking yon talaga. Kasama siya sa walang kwentang lalaking nakilala ko!” After maloko ng lalaki, yes indeed man-hater na itong si Dana. Hindi na siya naniniwalang may matinong lalaki pa sa mundo maliban sa mga kaibigan niya. Pero minsan nga ay pati ang mga ito damay sa galit niya sa mga lalaki.
                
Handa si Danielle Ahne na tumandang dalaga kung yon ang kapalit ng pagtahimik ng buhay niya. Ayaw na niyang maranasan ang pait na naranasan niya dati. Kaya ngayon, wala siyang inaatupag kundi ang pagpapatakbo ng sarili niyang pharmacy para sa mga hayop. Nagtitinda siya ng veterinary products at may sarili din siyang veterinary clinic. Kasosyo niya roon si Hamiel na isa ring licensed veterinarian tulad niya.

“Sino?”

“The who?”

“Tao?”

“Elyen?”

“Aso?”

“Amo?”

  Alanganing ngumiti si Dana. “Hindi ko na matandaan ang pangalan e.”
               
  “Iyon lang. Dinaig pa ako sa pagka-amnesia!” hirit ni Hamiel.
               
  “O siya, siya tama na yan. Ito na muna intindihin nyo.” Richael called their attention. “In few minutes more on stage na kayo. Pag pagod na kayo, i-open nyo sa free jam ang stage para makapahinga kayo ng konti lalo na kayong mag-asawa.” Hamiel ang Mien nodded. “Maraming tao ngayon dahil anniversary ng Senang Hati but remember we have to finish the night at 3am. Pack up na tayo at kailangan pa kayo sa HBH bukas ng 9am, mag-guest kayo sa show ni Danica Urbano, The Morning Talk with Danica.” Nanadyang nginitian pa niya si Cielo.
              
  “Goodluck!” sabi nito.
               
  “Sa kanya o sa’yo?”
                
“Sa inyo. Kayo naman ang aawat pag nag-init ang ulo ko sa babaeng yon. You know I hate her, and she’s acting like crazy para magpapansin sa akin kahit na she hates me too. For sure mapapanisan ako ng laway sa interview na yan o kaya naman mapapahiya lang ako or siya.”
                
“Ah basta, mag-guest kayo sa show niya tapos pahinga muna kayo uli then at 4pm may mall show kayo sa Bulacan. So reserve your energies okay?”
               
  “Okay.”
               
  Laina the bar manager, and Hinaro’s sister as well, entered. “Hey, mga cute. Mag-start na kayo dali. I’m so excited. Nasa audience sina Papa at Mama. Hinaro, galingan mo ha.”
                
Kumilos na agad ang grupo. Kanya-kanyang tayo, kanya-kanyang ayos ng mga instruments, kanya-kanyang retouch ng make up. At si Richael? Busy pa din sa pagi-internet. Makalipas lang ng ilang minuto, on stage na ang banda at lumipat na rin si Richael sa  gilid ng stage, dala-dala pa rin ang laptop niya.  

               
  SAMANTALA, punung-puno ang Senang Hati ng gabing iyon. Hindi na maipagkakailang sikat na sikat ang lugar. Dinadayo na nga rin ito ng mga  taga-probinsya. Idagdag pa na may celebration ng gabing yon dahil ika-30 anibersaryo na ng music lounge. At sari-sari rin ang taong nasa kalgitnaan ng crowd. At ang anim sa mga ito ay nakatakdang maging kabiyak ng Karisma Band members.
                
Hindi maiwasan ni Eldwick ang mapanguso habang pinapanood mula sa malayo ang kaibigan slash iniirog slash unang babaeng nang-basted sa kanya habang kasama nito ang ex-seminarian nitong boyfriend. Sa rami-rami ng lugar kung saan niya binalak ipagluksa ang pusong sugatan dahil walang-wala na siyang pag-asa sa katrabahong si Icee, eh doon pa siya napunta kung saan pala andon din ang iniiwasan niya.  Kaya ang ending, iniinom na lang niya ng beer ang lahat habang ang sikat na bandang Karisma Band ay kumakanta na tila inaasar siya.
                
  And I know I find, deep inside me I can be the one… I will never let you fall. I’ll stand up with you forever. I’ll be there for you through it all even if saving you sends me to heaven... ‘Cause you’re my..you’re my… my true love, my whole heart. Please don’t throw that away…
               
  “Asar!”
                
Binuksan na lang niya ang laptop at nag-search ng kung anu-ano mawala lang ang atensyon niya  kina Icee at sa boyfriend nitong ex-seminarian. Di nagtagal nakakita siya ng mapagtitripang isang babaeng desperadang makahanap ng taong ihahanap ito ng boyfriend.
                
On the other side of the bar, the famous talk show host Danica Urbano was drinking alone while maliciously seductively and annoyingly staring at Cielo. “Haaayyy, Cielo Pontez!” she sighed while driving her mind with her wildest fantasies.  Sa imagination niya, walang ibang tao kundi siya at si Cielo lamang. He was hopelessly, begging for her love, her affection, her attention. He was ready to be her slave and willing to command her order. Napangiti si Nica. Napaka-imposibleng mangyari ng iniisip niya. Isinusumpa siya ni Cielo. At ginagawa niya lahat para lalong maasar ito at umamin muli sa kanya na siya pa rin ang mahal nito. Tinapunan siya nito ng tingin sa wakas. She just seductively pouted her lips and did a gestured kiss. Muntik na siyang matawa nang saglit na nawala ito sa tono. It just meant one thing. She still had the power to affect him.

On the bar counter was a shoe designer overly drunken herself as if there’s no tomorrow.   Sophia Chii, one fourth Filipino, three-fourths Chinese was grieving for her heart. ”Bakit ang Chinese para lang sa Chinese? Kailangan ko pa talagang magmaldita para bitawan ako ni Coco Nat dahil wala rin namang mangyayari sa amin dahil hindi siya Chinese?” She was talking to herself.

Napatingin si Sophia sa stage. Minsan na niyang nakadaupang-palad ang mga ito nang kunin niyang endorser ang mga band members ng different designer shoes na likha niya. Nag-reshuffle ang mga band members and know the lead vocalist ay si Mathew.

“This song is dedicated to the sweet girl in the bar counter,” sambit ni Mathew sabay tingin sa kanya. “Thank you for requesting this song.  I hope you like our rendition of this love song.”

The next thing she heard was the melody of her most favorite love song.

If ever you wondered if you touched my soul yes you do. Since I met you I’m not the same. You bring life to everything I do. Just the way you say hello. With one touch I can’t let go. Never thought I’d fall in love with you...

Because of You… ang love song na sinabi ni Sophia na kapag kinanta sa kanya ng lalaki, ibig sabihin ang binatang iyon na ang para sa kanya.

“Ay ano ba yan? Ang galing ko talagang broker. I’m so great, and pretty, and beautiful.  Oh well, one shot of tequila please, fafable bartender!” Not that far from Sophia was Suzette Macabontoc, an expert stock broker na past time ding kausapin at purihin ang sarili niya.  She shot her tequila and went back her attention to her laptop. Nasa bar nga siya pero ang stock market pa din ang tinututukan niya. Saglit na binalingan niya ang bartender. “Kamusta naman ang buhay Mr. fafable bartender?  Ako kasi napakasaya ko. I won the bid again. O di ba? Ang galing-galing ko na, ang ganda ko pa.”

Ngumiti lang ang bartender sa kanya. “Congrats Ma’am.”

“Salamat. Salamat. Ikaw gusto mong bumili ng share of stocks? Tutulungan kita. Libre na serbisyo ko para sa’yo—”

“Ako naman. I dedicate this song to the charming broker I met somewhere in the crowd. Nasaan ba yon? Oh there on the bar counter. This one is for you, sweet Zeth.”

Natigilan si Suzette sa kakadaldal at napunta sa stage ang attention niya. Nag-reshuffle na naman pala ulit ang banda and this time ang vocalist na ay ang hinahangang stock investor at investment consultant na kanina lang niya nakilala ng personal. Hohemjiiii. Hindi pa ito nakakanta pero napapa-hohemji na siya sa titig pa lang nito sa kanya.

First day that I saw you I though you were beautiful. But I couldn’t talk to you, I watched you walk away. And it felt like I spent all of the second day. Trying to figure out what it was that I should have said. Third day, saw you again. Introduced by a friend. Said all the words I wanted to. On the day four five and six, I don’t what you did, but all I could think about was you…

 Panandaliang nakalimutan  niya ang stock market, ang buzz ng buzz na stock investors clients sa YM niya. All she can think about was him. Hohemjiii.  Kahit di niya alam kung anong title ng kanta wala siyang ibang reaction kundi… “Hohemjiii. It’s me already! I am beauty.”

“Okay we’re now opening the stage for free jam.  Guys, just be free to come over and jam with us. Sinong unang biktima natin ngayong gabi?” patawang hirit ni Limien. Napatawa na tuloy lahat.

“Ako daw!” A cheery guy stood up. He was Philip Nathaniel Canilao, ang masayahin at puno ng kalokohang young CEO ng Canilao Foods Corporation. First time niya sa Senang Hati at napagtripan siya ng mga kapatid at magulang na itulak sa stage.

“Go kapatid! Kahit anong kalabasan niyan, mahal ka namin!” sigaw ng kapatid nitong si Apple.

“Video-han kita para may souvenir! Happy birthday sa atin ‘tol!” sambit ng kakambal nito.

“Anak ko yan! Gwapo, single, at mabago!—”

“Mayii!” sinita ito ng asawa. “Wag mong ibenta anak natin!”

“Okay lang yan,  Chrys malaki na yan pwede ng ibenta!”

Napangiwi si Phi Nat. Nabiyayaan talaga siya ng mababait na kapamilya, medyo pare-pareho lang silang may pagkabaliw.

Umakyat siya ng stage. “Bakit mo naisip na gusto mong maging biktima?” tanong ni Limien.

“Ah, dahil birthday ko. Birthday naming ng kakambal ko,” sagot niya.

“Wow, happy birthday, sayo Philip Nataniel. The stage is yours now.”

“Pwedeng iuwi?”

People laughed. Pati si Limien ay natawa din.

“Sige, baklasin natin mamaya tulungan kita,” patol ni Limien sa joke niya. He then instructed to shortly discuss whatever he will sing with the band. Natigilan siya nang makita si Christella. She was indeed beautiful from afar… but she is much prettier now that they were just few inches away.  Natulala tuloy siya. At wala sa sariling kinuha ang gitara.

“Anong song?” tanong ni Christella sa kanya.

“Ha?”

“Anong kakantahin mo?”

“Ah, Everything of Michael Bubble…” Parang na-magnet siya at ang gusto na lang niya ay titigan ito. Out of focus, basta na lang niya isinakbat ang gagamiting gitara.

“Baliktad.” Nilapitan siya ni Christella at tinulungan siyang ayusin ang gitara.

“Yihiiiiiii!” the crowd suddenly teased them.

“Uyyyy, bagay!” Hamiel stated na lalong nagpalala ng pang-high school na tuksuhan ng mga tao roon.

“Weeeee, love team!” tukso ng mga kabanda nito.

“Want her number, dude? Bigyan kita later,” udyok pa ni Cielo.

“Oy, di ako for sale!” reklamo ni Christella. “Okay na, pwede ka ng kumanta.”

“Salamat.” He then faced the audience. “Happy birthday to me and my bro, Niyog!”

The crowd laughed He then sung while playing guitar.   … And in this crazy life and through these crazy times, it’s you…it’s you. You make me sing. You’re every line, you’re every word, you’re everything….

Nang matapos siya ay isa pang napagtripan ang bumagsak sa pagkanta sa stage ng Senang Hati… si Golen Castillo, a young hotel and resort owner. Sinabi nito ang kakantahin sa banda.

“I don’t really sing but my staffs are very eager to push me on stage. Wala kayong bonus dahil diyan,” Golen stated.

 “Sir, baba ka na. Ako na lang po diyan. Mas kailangan namin ang bonus!”  His secretary shouted from their table.

“Wuuu! Bilisan mo nga at baka masipa pa kita pababa ng stage,” pasimple ngunit dinig na dinig niyang sambit ni Danielle Ahne.

Small world. Sinong mag-aakala na kung sino pa ang nakabanggaan niya kanina ay member pala ng sikat na banda? Malay ba niya. 5 years na siyang wala sa bansa at ngayon lang siya umuwi ng Pilipinas.

“You don’t have to hate me that much, Miss Ferrer. For a truce, this song is for you.”

“Truce your face!”  asar pa ring tugon nito.

“What?

“Wala sabi ko, It was them you have to face. Dun ka sa audience humarap.”

Napakunot ang noo niya. No woman had caught his attention like this woman successfully did. So she’s a something huh. Nginitian niya ito, pinagtaasan siya nito ng kilay. Pinigilan niya ang matawa nang humarap siya sa audience and started strumming his guitar.

I’m open, you’re closed. Where I follow, you go. I worry I won’t see your face light up again. Even the best fall down sometimes. Even the wrong words seem to rhyme. Out of the doubt that fills my mind. I somehow find, you and I collide….

Kinindatan niya si Danielle Ahne at as usual, tiningnan lang siya nito ng masama. But deep within her expressive eyes, he knew he was able to capture a part of her secured heart.

Anim na naging passion ang maghatid ng musika sa madla. Anim na dinala ng tadhana upang kanilang maging kapareha. A place where you find your happiness. Anim na kwento ng pag-ibig na dito sa Senang Hati Music Lounge nagsimula. 


                                                                        NEXT STORY

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…