Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2 : Pamper My Heart, Doc Geo -Part 2




“You have to help me, Skyler,” giit ni Sophia sa kaibigang abugado.  Ito agad ang nilapitan niya nang matanggap niya ang subpoena. 

“Dr. Kaviero is filing you a case? Ano bang ginawa mo?” seryosong tanong nito habang binabasa ang subpoena.

“Wala.”

“Wag kang magsinungaling kung gusto mong tulungan kita.” 

Napangiwi siya. “Nasampal ko siya, sinugod ko siya.”

“Grave misconduct, physical injury.  Malamang may nakakita and that’s plus public scandal.”

“Grabe ka naman!” reklamo niya. “Hindi naman ako ganyan kasama.”

“What more?”

“Sinabi kong pangit siya at mabaho ang hininga.”

“Oral defamation.” Ibinalik  nito ang papel sa kanya. “I won’t handle your case.”


“Why?”

“You’re guilty. Better prepare yourself going to jail.”  He then lazily seated back on his swivel chair and focused his attention to other documents.

“Hindi pwede yon, Skyler!”

“Pwede yon so if you don’t mind, you may just step out. I’m still busy with other cases.”

“Ewan ko sa’yo! Walang pusong abugado! Matalo ka sana sa  hearing mo!” She drastically stepped out of her friend’s office.

She couldn’t believe it. Talagang tinanggihan siya ng childhood friend niya.  “Saan ako kukuha ng abugado ngayon?”

Wala na siyang matakbuhan. Hindi siya basta-basta makakuha ng abugado dahil natatakot siyang makarating sa Papa niya na may kaso siya. 

Pumasok siya sa elevator dala ang pag-iisip kung ano ang dapat niya gawin. At dahil wala naman siya kasabay sa elevator ay kinausap na lang niya ang sarili.

“Kung lumapit na lang ako kay  Doc at mag-sorry? Duh. That’s pathetic, ayaw ko. Hmmm, Kung mag-file din ako ng case sa kanya? Wala ngapala akong abugado.” Nahila niya ang sariling kulot na buhok. “Ano ba tong nangyayari?  Magsisindi na nga ako ng insenso mamaya!”

Her phone rang right after the elevator opened. Her Ninong Xeiji  was calling. She answered the phone while she’s walking towards the parking lot. “Ninong! Help ayokong makulong!”

“Relax baby Sophia. Come to my office right now for your pre-trial hearing.”

“What? Wala po akong abugado!”

“Basta ikaw punta dito. Di kailangan abugado.”

 “Huh?”

Kahit nagtataka ay tumuloy na rin siya sa opisina ng Ninong niya na kasalukuyang huwes sa municipality ng Pasay. Naabutan niya ang Ninong na abala sa Iphone nito. Lumapit siya ay nagmano. Saka niya napansing naglalaro lang pala ng Temple Run ito.

“Ninong, anong gagawin ko? Ayaw ko pong makulong.”

Pinagpatuloy ng Ninong niya ang paglalaro. “Ikaw hindi kulong.”

“Paano nga po? Inatras na ba  ng bakulaw na yon ang kaso?” Umiling ito. “Magbabayad na lang ako ng damages?” Umiling uli ito. “E paano nga?”

“He agreed to have out-of-court settlement.” Ininguso  nito ang receiving area ng office at saka lang niya napansin si Mathew, lazily sleeping like a baby in the long sofa. “Go ahead and deal with him.”

“Hah! At talagang dito pa dumayo ng tulog?” Armored by her favorite stiletto, Sophia marched towards him.       
           
           Umupo siya sa tapat nito at pinag-isipan kung paano ito gigisingin. Nagkaroon tuloy siya ng dahilan para malayang pagmasdan ito. He was sleeping peacefully. Bakas sa gwapo nitong mukha ang pagod. Ngunit kahit ganon ay hindi man lang nabawasan ang umaarangkadang level ng kagwapuhan at kakisigan nito.
     
           On the contrary, bakit nga ba hindi ko na lang patulan ang tadhana? Mukhang may magandang lahi namang maibibigay ang antuking doctor na to sa akin.  Napailing siyang bigla para hawiin ang agiw sa utak niya.  No! Hindi pwede, hindi siya Chinese! At ipapakulong  niya ako, masama siyang tao! For Buddha sake!  

                “Sino bang may sabing accurate ang ang calculations ni Kupido? Pwede rin naman siyang pumalpak. At sa lagay ng kagandahan kong ito, sigurado akong palpak siya dahil ang antuking ito ang binibigay niya sa akin.” Binalingan niya ang ninong na abala pa rin sa Temple Run. At dahil may kalayuan ang pwesto niya sa mesa ng ninong niya ay kinailangan niyang sumigaw.  “Ninonnnngggggggg! Paano ko madedemanda si Kupido dahil pumalpak siya. Mali ang pinana niya?”

                “Depends on resulted damages. Can be frustrated homicide, frustrated murder and such. File a case on the municipality where the case happened.”  

                “Ay bongga ka Ninong, sineryoso talaga?”

                Ngumiti lang ang Ninong niya.

                “Ang ingay naman!”  

                Napataas ang kilay niya nang maghikab ng parang walang bukas si Mathew sa harap niya. Di pa nakuntento ay nag-inat pa ito.

                Bahay mo ‘to, dude? “After decades, nagising din. Duh. How could you let me wait for you to wake up?”

                Pupungas-pungas pa itong bumaling sa kanya at ngumisi. “Oh, there you are Sophia. Kamusta?”

                “Close tayo para mangamusta ka? Magkano ba? Name the price and I pay for the damages and we’re  done.”

                “Excuse me?”

                “Out of court settlement ito di ba?  Preferably, babayad lang ako ng damages.”

                “Ah, certainly it’s a no. I don’t need money from you.  I need more than that.” He winked.

                “Bastos!” She was about to slap him again when he immediately held her arms, avoiding her to do the act.

                “Hold it. Ang mahirap sa’yo, Sophia, sarili mo lang ang naririnig mo. Ni hindi mo hinihintay ang ibang detalye bago ka tumira ng actions mo. Oh, such a brat. Hindi ako bastos, baka ikaw pa.” He moved closer to her face and posed his astonishing smile. “I want to clear the issues that happened last night. And these won’t be settled with money. You’re rich, I am too. So you better behave and listen if you want me to pull off the case or brag yourself and say hello to imprisonment.”

                Heck, bakit ang bango ng hininga niya kahit bagong gising? Naman! Naman! May factory din ba siya ng mouth wash?  Wala siyang nasabi habang nakatitig siya sa expressive nitong mga mata. She felt like being hypnotized by his fresh breath, lovely eyes, and handsomeness.

                “Well,  I take your silence as a compliment.” He moved away and sat back on the sofa. “At least alam mo na ngayong hindi mabaho ang hininga ko, Miss Chii.” 

                She rolled her eyes.  “Fine, sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Dami mong arte. Kung makasampa ka ng kaso kala mo napakalaki ng ginawa ko e hindi naman. I even hardly remembered everything well.”

                “Hindi malaki ba ang tingin mo sa ginawa mo? Have you seen television or read news?”

                “No, bakit ko naman pag-aaksayahan ang walang kwentang news na redundancy lang naman. never ending fluctuations of stocks, road accidents dahil sa mga tatanga-tangang motorista, murder, kidnapping, baha, lindol, hiwalayan ng artista. I rather devote my time doing shoe designs.”

“Kaya naman pala pinag-iiwanan ka na ng real world, Sophia.”

“Who the hell are you to say that?” 

 “That’s just a harmless opinion. Ang problema kasi sa’yo, nakikita mo lang ang gusto mong makita. That guy in the mall, alam mong may iba na pero minamahal mo pa rin di ba?”

“Ano namang pakialam mo? You’re a doctor right? Or sideline mong maging paparazzi?” 

“May pakialam ako dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi mo ako masasampal ng dalawang beses.”

Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Nasampal kita the second time dahil napaka-nosy mo! Wala kang pakialam kung umiyak ako, magkandarapa, o magluksa sa ibang lalaki dahil di naman tayo magkaanu-ano!”

“Yeah, okay lang naman yon basta iyong hindi nakikita ko.”

Natigilan ni Sophia nang biglang kumabog ang puso niya. Sa unang pagkakataon ay nagustuhan niya ang sinabi ni Mathew. Tila nabura na rin ang asar  niya dito. “Bakit?”

Tila na-corner naman ito sa tanong niya. Umiwas ito ng tingin. “Never mind that. Well anyway, what you did last night to me was all over the news. Affected ang reputation ko bilang band member ng Karisma at maging bilang doctor.” He threw newspaper clippings on the center table in between them. Kinuha niya yon. “Dahil wala naman talagang dahilan ang pagkakasampal mo sa akin nang sugurin mo ako, gumawa ang press people ng kani-kanilang kwento. Secret girlfriend o wife daw kita. Nabuntis daw kita at hindi ko pinanagutan.  Isa ka daw sa pasyenteng pinagsamantalahan ko… And a lot more. Now tell me, hindi ba malaki yan?”

                Napangiwi siya. Habang naglilitanya kasi ito ay mabilisan niyang binabasa ang mga news clippings. She was really in big trouble this time. Alanganing binalingan niya si Mathew. He was seriously looking at her… waiting for her to say something.

                “I…” Bumuntong hininga siya. “I don’t know if it will lessen the burden but… I’m sorry. Lasing ako kagabi and that song… well I thought si Hamiel ang kakanta no’n. Wala namang problema kung si Hamiel ang kumanta non e kaya sorry.”

                “Forgiven.”

                Napamulagat siya. “Ganon kabilis?”    

                “Oo, but that doesn’t end up there. Tell me, what’s wrong with the song and me singing that song?”

                “Pwedeng pass?” Hindi pa siya handing ipaalam dito ang isa sa kapraningan niya. Not now. And not even to this person.

                “You’re going to tell or you’re going to take your journey to jail?”

                “Mathew naman e. Para ka namang others, pag-usapan na lang natin kung paano ako makakabawi sa ‘yo. Sige na, basta wag mo na muna akong tanungin kung anong meron sa Because of You at sa’yo.”

                “Huh? So it’s the song and me really.” He mischievously grinned.

                Napa-roll eyes siya. “Wag kang feeling, Mathew… please?”  Dinaan na lang niya sa charm at pagpapaawa cum pagpapacute.

                “Okay okay. Iatras ko na ang kaso. Pero sasabihin mo pa rin iyan sa akin soon when you’re ready. But for now, you have to comply with my demand.”

                “What’s the demand?”

                “Public apology. Tell the media anything that will spare me from that accusations and bad image.”

                “I can’t do that!”

                “Then let’s see in court.”  Akmang tatayo na ito nang pigilan niya ito.

                “Mathew, kahit ano wag lang public apology. We can do other things, gumawa tayo ng issue na aayos sa bad image mo but not a public apology. Malalagot ako sa Papa ko. Di niya pwedeng malaman ‘to.”

                Tila nag-isip ito. “Okay then, just feed the press a good info about this issue. Magschedule ng press con ang talent manager namin, you have to be there.”

                Nakahinga siya ng maluwag at napangiti. “Salamat Mathew. Sige I’ll be there. Ako ng bahala.”

                “Pero isa lang yan sa condition ko.”

                Napangiwi siya. “Meron pa?”

                He nodded. Nag-ring ang phone nito. Agad nitong sinagot ang tumatawag. “Ah sige, papunta na ako.” Binalingan uli siya nito.    “I have to go.  Halfway we’re settled.”

                “Wait, what’s the second condition?”

                “Hmmm…” Parang wala naman itong second condition at on the spot naisipang magka-second condition. “Cook for me in 5 days. 3 meals a day.”  Then he walked out of the room.

                Natigilan siya. Did I hear it right? Kung tutuusin okay lang naman ang second condition. Ang siste… “Hindi ako marunong magluto!”

                Her phone rang. Unregistered ang number ng tumatawag. “Yes?”

                “Nakalimutan kong sabihin na mag-start ka na bukas. I’m taking breakfast at 6am so you have to prepare my breakfast on my kitchen early in the morning.  And by te way, since you will be messing up my kitchen you also have the responsibility to clean. Ninong Xeiji has the spare key of my unit. I’ll text you my location. That’s it. Take care, Sophia. Oh btw, I preferred to be called Doc Geo okay?” 

                   “Math—Hello? Mathew, Mathematics, Mathenik?” Busy tone na lang ang  kumausap sa kanya.  Inis na kinuha niya ang susi ng unit ni Mathew sa mesa ng Ninong niyang walang pakialam dahil busy sa Temple Run.  “Ay Ninong, mahulog sana sa temple yang nilalaro mo!”

                “Damn!” Nag-dilang cute na anghel ata siya. Na-game over kasi ang Ninong niya.  Binalingan siya nito. “Wala ka pamasko this year Sophia!”

                She  just smiled and kissed on her Ninong’s cheek before she left the office. Habang naglalakad  ay iniisip pa rin niya kung paano siya magluluto kung sa tanang buhay niya ay never pa siyang nakahawak ng kahit anong kitchen ware para magluto.


QING yong can!”  Nakangiting sambit ni Sophia.  She wished Mathew to enjoy his meal, the first meal she prepared for him as pay for the damages she incurred to him.

Totoo nga ang sinabi nito na nag-aagahan ito ng alas-sais. As early as six, prepared na ito. Nakabihis na at handa ng magtrabaho. Umupo ito sa mesa at pinagmasdan ang agahang ginawa niya. Sandwich, veggie salad at juice ang ginawa niya, mga pagkaing hindi kailangang iluto.

“Hindi ka marunong magluto ano?” sambit ni Mathew habang kumakain.

“Mag-thank you ka na lang, no! Hindi nga ako marunong magluto. Kaya kung ayaw mo, palitan mo na lang ang condition mo. Maliligtas ka pa sa panganib.”

Tumawa ito. “Sino bang may sabing ayaw ko? Kinakain ko naman ah. Actually masarap kung hindi lang maalat ng konti at saka parang naparami ang paminta ng tuna sandwich mo at nitong salad. Diet mo ‘to ano? Ang anghang ng diet mo.”

Inirapan lang niya ito. Hanggang ng mga oras na iyon ay di niya matanggap na ginagawa niya ang mga bagay na iyon para sa isang lalaki. To think, never niyang naipaghanda ng kahit na anong meal si Coco Nat noong sila pa.    

“So what will be the lunch?”

Mas maanghang pa diyan. Sili salad, bet mo? “Hindi ba pwedeng ibili na lang kita ng food tapos i-prepare ko? Sinasabi ko na sa’yo, hindi ako marunong magluto. Baka bago matapos ang araw na ito, ikaw na ang mangangailangan ng doctor,” sh honestly uttered. Oo nga madalas, she acted like a brat pero honest siyang tao. Pag di niya alam sinasabi niyang di niya alam. Pag di niya kaya sinasabi niyang di niya  kaya. Katwiran niya, walang masamang umamin na normal na tao siya. May mga bagay siyang alam at di alam sa mundo.

“Paano ka matututong magluto kung di mo ako ipapagluto?”

“At bakit ko naman kailangang matutong magluto? Andaming pwede i-hire na cook dyan. I can pay kahit sampung cook pa na may iba’t ibang specialization.”

Binalingan siya nito. “Kung mag-aasawa ka, kailangan mong matutong magluto. Walang meaning ang kahit anong cuisine at ang food preparations ng isang misis para sa asawa niya kung hindi naman siya ang nagluto. Pero kung ikaw mismo ang magluluto kahit pritong itlog lang at  kanin ang ihain mo sa mister mo, sobrang meaningful yon sa lalaki.”

“Masarap nga sigurong magluto para sa taong mahal mo. Pero in my case, hindi ko kailangan niya sa magiging asawa ko.”

“Why?” He took his last sip of juice. He was finally finished eating the breakfast and in her mere surprise, he was able to eat them all.

“Because I’m Chinese. I don’t have the right to choose who I will marry. I will not marry because of love. I’ll marry because of family, business, and combination of both. No emotional attachment. So tell me, do I need to learn how to cook just to please my husband that I hardly know at all?”

Natigilan ito sa sinabi niya. ”Is that the reason why you chose to break up with that guy and let him propose to someone else in your face?”

“Bakit ba andami mong alam?”  naiiritang sambit niya. “Stalker ka ba?”

“Hindi. Madalas lang kitang makitang malungkot since you’ve sponsored my band in the previous Keithan Apparel Catalog. Since then, I got curious why someone like you with a good reputation in business, have pretty face, have a nice way of living, will have to be so sad especially that night that you drunk yourself too much.”

“Stalker ka nga.”

He laughed. “Whatever you call it.” Tumayo na ito. “I have to go, pakilinis lang ng kalat mo sa kusina ko at makihugas ng pinagkainan natin.  The press con will be this  afternoon around 3pm. Be there on time. Don’t forget my lunch at 12 okay? Umuuwi ako ng 11:30.”  He kissed on her cheeks.

Pagkatapos noon ay mabilis na itong lumabas. Naiwan siyang natitigilan na lang. What a heck?  Mabilisang nagrewind sa utak niya ang nakaraang eksena at sa di mawaring dahilan ay tila kinilig ata siya sa kiss na iniwan nito. “Waaaaaa. Nasan ba ang insenso? Makapag-alay ng dasal kay Buddha!”    


GAYA NG napag-usapan, dumalo si Sophia sa Press con. More or else ay napaghandaan na niya ang  mga tanong ng press kaya naman naging madali lang para sa kanya ang sumagot. Inamin na niya sa media na walang kasalanan si Mathew sa kanya. Pinalabas niyang mistaken identity lang ang dahilan kaya “aksidente” niya itong nasampal. Mukha namang kinagat ng press ang fabricated story.

“Ah Miss Chii, kung hindi naman pala kayo lovers na nagkawalaan ni Doc Geo, may pag-asa bang mauwi kayo sa ganon ngayong ang balitang nakaabot sa akin mula sa isang reliable source e nakita daw kayong magkasama kahapon at kanina nga lang e sabay pa kayong dumating at sakay kayo  mismo sa kotse ni Doc Geo. May chance bang magkagusto ka sa kanya?”

Duh? The question is so… arrghh! Ngumiti siya nang dinampot niya ang mic. “Ah, well magkagusto? Wala naman atang hindi magkakagusto kay Doc Geo.” Binalingan niya ang katabing si Mathew.  Muntik na siyang mapangiwi nang mahuling nakatitig lang ito sa kanila. Kaya pala parang kinikilig ang press sa harap nila. Weh! Ano kami? Love team?  Bumaling uli siya sa press people. “He is indeed a good man.”  Actually…. Gustong-gusto ko siyang tadtarin ng pinong-pino, iblender, isalpak sa food processor at gawing pataba sa pananim ng magsasaka!   

Ang totoo nito, litong-lito na rin siya sa sarili niya. Naiinis siya sa pagiging nosy err pakialamero ni Mathew pero hindi niya rin maiwasang di maapektuhan kapag nakatingin ito sa kanya. Nakakalimutan niyang naiinis ngapala siya dito. Or rather, pinipilit lang niya talagang mainis.

“Eh ikaw naman Doc Geo, currently single ka ngayon di ba? Hindi kaya si Miss Chii na ang para sa’yo?”

“Ah, let’s wait and see. Wag nating pangunahan ang tadhana. Kung mangyayari man, I will be grateful that she’ll be my destined one.”

Charotera. Ang showbiz ng sagot! Kung alam lang ng tao na kani-kanina lang ay muntik na siyang mapatay nito dahil dinalhan niya ito ng sunog na pork, sunog na hotdog, sunog na egg at hilaw /sunog na kanin. Sa sobrang worst na luto niya, hindi nito naatim na kainin yon. Na-late tuloy ang lunch nito dahil hinintay pa nito ang pinadeliver na pagkain. Hindi siya nito kinausap mula noon.

Marami pang naging tanong ang mga press at sinagot naman nila yon ng ayos. Hanggang sa finally tapos na ang press con.  Hindi pa rin siya kinakausap ni Mathew kaya nagdesisyon siyang humiwalay na at uuwi na lang. Mukhang doon na magtatapos ang pagiging cook niya dito. Dahil alam nitong ikakamatay talaga nito ang luto niya, malamang na babaguhin na nito ang second condition.

She was walking towards the cab terminal when Mathew grabbed her hands. “Saan ka pupunta? Paano ang dinner ko?”

Binalingan niya ito. “Nakita mo na nga ang lunch di ba? Di mo nga nakain, sayang lang tapos papaluto ka ng dinner? Seryoso ka?”

“Sumusuko ka na? Dahil sunog ang first try mo, aayaw ka na? Ganyan  ka ba talaga kadaling sumuko?”

 “Hindi ah! Hindi ako madaling sumuko.” Letse! Talagang sinusbubok nito ang pasensya niya.

“So tara na. Uuwi tayo at magluluto. Tuturuan kita.”   

Wala na siyang nagawa nang kaladkarin siya nito. In few minutes ay nakarating sila sa bahay nito. Tinuro nito ang lahat step by step sa tamang pagpiprito at pagluluto ng kanin.

“Umamin ka nga Doc Geo. You cared for me ano?”

“Bakit mo naman nasabi?” tanong nito habang kumakain sila.

“Kasi nag-effort kang turuan akong magluto. Thanks for the care.”

“Hindi yon ganon ano. Nag-aalala ako sa health ko at sa health ng magiging asawa mo. Maliban sa kakayahan mong gawing poisonous ang pagkaing edible, papatayin mo rin sa cancer ang kakain ng niluto mo.”

Parang nabuhusan siya ng tubig sa sinabi nito.  Ay nako, walang pag-asa ang lalaking ito! Ang sama mo, Geo o Mathew or whatever!!  

“Ang sama mo. Sige sunog uli ang lulutuin ko bukas.”  Inirapan  niya ito.

“Sungit. Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?”

“Kasi , pakielamero ka!”

“Concerned ang tawag do’n.”

“Whatever!”

“Di ba pwedeng truce na lang tayo? Maging sweet ka na lang at ganon din ako sa’yo?” 

Napakunot ang noo niya sa narinig kasabay ng pagsikdo ng puso niya. Kunot noong binalingan niya ito. “At bakit ako magiging sweet sa’yo? Wag mong sabihing may gusto ka sa akin?” balewalang  tanong niya.

“Oo, pwedeng manligaw?” balewala ding sagot nito.

“Wow! Ayos ka rin ano? Kung makatanong ka parang pwedeng paabot ng kanin lang,” hirit niya para pagtakpan ang kilig na nararamdaman. Kung san galing ang kilig, hindi niya rin alam. Muntik na siyang natawa nang kunin nga nito ang kanin at  naglagay sa plato niya.

“Ulam, gusto mo pa?” She smiled. Ngumiti din si Mathew habang pinagsisilbihan siya. Lihim naman siyang naa-amazed. Madalas gawin iyon ni Coco Nat dati, pero tila ibang-iba sa pakiramdam niya ang lahat ngayon si Mathew ang gumagawa noon sa kanya. “Seryoso naman ako.  We’re both single. No problem with that.”

“Okay ka rin ano? Nakalimutan mo na bang kakabreak ko lang sa years-long boyfriend ko?”

“And so?”

“Hah! And because of that… No!”

“No agad? Hindi mo man lang ako bibigyan ng chance?”

Inihinto niya ang pagkain at tinitigan ito. “Look. Hindi ka, Chinese. Ako ay para sa Chinese lang. Iyan ang sabi ng ama ko sa akin. Gusto mo bang matulad kay Coco Nat na pinamigay ko lang dahil di ko naman siya mapapakasalan sa future?”

He held her hand. “Hindi mo ako maipapamigay na lang  kung mamahalin mo ako ng totoo. Ayaw mo bang matutong maging matapang para ipaglaban sa ama mo kung ano ang gusto mo? Kung saan ka magiging masaya? Sa kung  kanino ka magiging kumpleto? Sophia, I like you. I really do. I don’t care about what you had in past. I just want to be with you.”

Tumayo na siya kahit di pa siya tapos kumain.  Kailangan niyang iwasan ang usapang yon. Masyadong masakit, masayadong maraming issues ang nasasangkot. Ayaw niyang aminin sa sarili niyang duwag siya. “Andito lang ako to pay damages. No more no less. After 5 days, we’re   completely truce. Imposible yang chance na sinasabi mo.”

“Sumusuko ka na agad?”  Tumayo ito at itinukod ang kanang kamay nito sa mesa sa gilid niya. Iiwas sana siya nang itukod naman nito sa kabilang bahagi niya ang isa pa nitong kamay. Nakakulong na siya ngayon sa mga bisig nito. Sabi na nga ba e, ikukulong talaga ako ng loko na ‘to? Bakit ang sarap ng feeling ng nakakulong sa bisig mo, Doc Geo? He moved closer and smile. 

“H-hindi ako sumusuko agad. Sinasabi ko lang na… na basted ka.”

“Hmm, kung ganon, may date tayo sa bukas. Wag mo na akong ipagluto ng breakfast kasi maaga ang date natin 8am sharp, don’t be late.”   

“What? Basted ka nga, basted!”

“Oo rinig ko hindi ako bingi, cute lang okay?  Bakit manyapa’t niyaya ba kita ng date, romantic date na agad? Friendly date, Sophia, no malice on my side…” He moved closer enough to whisper on her ears. “Pero bibigyan kita ng samu’t saring dahilan para magka-malice ka sa akin.” 

Natigilan siya sa muling pagkabog ng puso niya, alam niyang wala na siyang takas. Mukhang makukulong nga siya pero hindi sa rehas na bakal kundi sa kaguluhang ginagawa ni Mathew sa kanya.

“Kahit anong gawin mo, kesehodang maghubad ka pa, hinding-hindi ako magkaka-malice sa’yo! Itaga mo yan sa tirik mong buhok  at sa aking cute na curly hair!”

 “So, tinatanggap mo na ang date natin, huh.”

“Oo, tinatanggap ko dahil hindi ako duwag okay? At sinasabi ko sa’yo, hindi ka magtatagumpay!”

He grinned. “Let’s see how far you can resist my charm, Chinese sweet girl.”

She rolled her eyes. "Ni hao shuai a! Wo tao yan ni!”

Kumunot ang noo nito. “Ano? What’s the meaning of that?”

Tumawa siya ng nakakaloko. “Sabi ko, ang pangit ng hati ng buhok mo!” But she really meant, she hated him because he’s so handsome.    
            
          “Ganon ba?” Kunot noo nitong inayos ang hati ng buhok nito.
      
           Ang cute! Kainis this!

                Pagkatapos ay binalingan uli siya nito at nginitian. He lovingly stared at her as if she did something special that can melt the heart of a man. “Dang shin te moon e Ga soom i Seol rae yo.”

                “What?” Natabla ako ng lokong ‘to ah!

                “You know Mandarin by race. I know Korean by parents. I don’t understand what you really said, and so you too.  Quits!”

                “Anong ibig sabihin no’n?”

                “Secret!”

                Napataas ang kilay niya. At tumaas pa yon nang tinawanan lang siya nito.

                “Forget it.”

“Di pwede. Hindi ako makakatulog hangga’t di ko alam ang meaning no’n.  Malay ko ba kung nagka-cast ka na ng spell para kulamin ako at sagutin na kita bukas? Walang laban ang cuteness ko don!”

He laughed again. In one point, gusto niyang maasar pero habang tumatagal, parang natutuwa na siyang marinig ang pagtawa nito.  Inilabas  niya ang  cell phone. “Sabihin mo uli yon! Ire-record ko at igu-google translate ko!”

 Walang pakipot man lang na hinawakan nito ang kamay niyang may tangan na cell phone.  A thrill cuurent filled her system when his soft warm hand held hers.  Hindi pa do’n natapos ang pagppacute nito dahil talagang tinitigan pa siya nito. “Dang shin te moon e Ga soom i Seol rae yo.” 

Napatitig na rin siya dito. Hindi na tumigil ang puso niya s apagkabog. Totoo nga bang nagkamali lang si Kupido sa pagbibigay  nito ng isang Mathew sa kanya? O baka naman tama talaga ito.  I can’t give this man the risk to wound my heart.

 Umiwas siya ng tingin. “Ah ikaw ang nagluto, so ikaw ang nagkalat sa kusina at hindi ako. Aalis na ako, may gagawin pa akong trabaho e.”  She walked towards the door to leave.  Sasakay na siya sa kotse niya nang tawagin siya nito. “Bakit?”

He seemed to be hesitant on whatever he wanted to tell. “Bukas, susunduin  na lang kita. Ingat ka.”
She nodded. Pumasok na siya sa kotse niya  at saka nag-drive. Pre-occupied ang isip niya kaya huminto muna siya at muling pinakinggang ang boses ni Mathew while saying, “Dang shin te moon e Ga soom i Seol rae yo.”    Bagama’t hindi niya naintinidhan ang sentence na yon, sigurado siya romantic line yon. 






PREVIOUS                                                                        NEXT

Comments

Haffle :)) said…
Aaaahhhhhhhhhh! Doc Geo, why so sweet? :""""""> Ang cute cute ni bffffffffff dito hahahaha. Nakakatuwa!
Anonymous said…
kailan po ba ito i-uupdate? hehe .
Melai said…
to anonymous, bukas ng gabi. I'm on the last scene of next post :) salamat
kiz said…
kinikilig akoooooooo :)))

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…