Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Pamper My Heart, Doc Geo- Part 1



Inis na inis na naglalakad si Sophia sa mall papalayo sa agaw-eksenang proposal ng ex-boyfriend niya sa babaeng pinili nitong mahalin habambuhay. Naiinis siya dahil sa ginawa niya. Hindi niya ma-define sa sarili kung masokista ba siya o talagang may pagka-sadista ang ex niyang si Coco Nat. Yes, indeed. Nang humingi ng tulong si Coco Nat sa kanya para sa proposal nito  sa babaeng best friend ng kapatid nito  ay hindi man lang siya nakatanggi. Itinago niya ang tunay na damdamin. Hindi nito alam na masakit sa kanyang makitang nagpo-propose ito sa ibang babae matapos niya itong pakawalan.

                “Bakit pa kasi ako pumayag? Ang sakit tuloy sa puso kong cute!” sambit niya kahit wala naman siyang kausap.

 Naglalakad siyang hindi iniintindi ang mga  nasa paligid. Ang ilan ay tumitingin sa kanya, marahil ay mga nakasaksi yon sa agaw eksenang  proposal na yon. Wala na siyang pakialam kung ano ang iniisip  ng mga tao sa kanya basta ang gusto lang niya ay makatakas sa gulong yon. Nakatungo na naglalakad siya papunta sa restroom habang nakikipagdebate sa sarili. Sa CR siya magpapalipas ng inis.


Pumasok siya sa CR dala-dala pa rin sa puso niya ang pagmamaktol sa nangayari. A lot of why’s were roaming in her head. Why it have to happen? Why she have to give up Coco Nat just because he’s not Chinese? And why of all races, she was born to be a Chinese in the first place? Sophia Chii was three-fourths Chinese and one-fourth Filipino. At dahil mas nangingibabaw sa kanya ang dugong Chinese, lumaki siyang ang niyayakap ng pamilya  niya ay Chinese Tradition. At sakop ng tradition na yon, ang control sa pagpili niya ng mamahalin.

That was the end reason why she gave up Coco Nat. Nagkakaroon siya ng mga boyfriend.  Sa simula ay wala siyang pakialam kung Pilipino, Chinese o Elyen ang lahi ng naging boyfriend niya. Wala kasi siyang sineseryoso sa relasyon dahil alam niyang wala siyang karapatang magdesisyong mag-isa tungkol sa mapapangasawa niya. Buong angkan niya ang dapat sumang-ayon kung sakaling magmahal siya ng totoo.

Ngunit nang dumating sa kanya si Coco Nat ay tila nabago ang lahat. Naniwala siya sa true love. Naramdaman niya ang sincerity nito sa pagmamahal sa kanya. Okay na sana, kaso hindi ito Chinese at hindi ito approved ng pamilya niya. Nang tanggihan ng pamilya niya ang relasyon nila ay saka siya nagsimulang gumawa ng paraan para ito mismong si Coco Nat ang ma-fall out of love in her expense. At ngayon, nakatagpo na ito ng true love habang siya, bigung-bigo ang drama.

Pagpasok niya ng CR ay may binatang sumita sa kanya. “Miss!” Hindi niya yon pinansin ngunit talagang mapilit ang binata. “Miss, sandali!”

Mapilit ang herodes na to! Deadma pa rin ang drama niya at tuloy-tuloy sa pagpasok sa CR. Ngunit hanggang sa loob ng  CR ay sinundan siya nito. Manyak pa ata! Dum gai! Tinawag pa niyang stupid sa isip niya ang lalaki. Imagine, papasok talaga ito sa CR ng girls para lang habulin siya? Nasisiraan na talaga ng bait malamang.

Napilitan tuloy siyang mag-angat ng mukha at balingan ito ng masamang tingin. Agad na napako ang atensyon niya sa lalaking nakatayo sa harap niya. He was indeed an eye-catcher. Maganda ang built ng katawan, neat tingnan, at may maamong mukha  and… heck!  Sa dinami-dami ng makakita ng kapalpakan niya, isang sikat na celebrity pa. Right in front of her was Mathew Geoffrey Kaviero, isa sa gitarista ng bandang Karisma. May bitbit itong plastic bag na may lamang pampers. Hanggang sa malipat sa  kabuuan ng CR ang atensyon niya.   

Daig pa niya ang twin tower na pinasabog ng terorista nang mapansin niya ang palagid. Lahat ng lalaki ay nakatingin sa kanya preferably ang mga lalaking nasa kalagitnaan ng pag-ihi. She’s in the wrong CR!

Sobrang kamalasan na talaga ang inabot niya sa araw na yon. Pero agad siyang nakaisip ng solusyon. Pinagtaasan niya ng kilay ang lahat ng mga echoserong nakatingin sa kanya habang nilalabanan ang kaba dulot ng pagkapahiya at takot na ma-gang rape siya.

“Anong tinitingin-tingin nyo ha? Ngayon lang ba kayo nakakita ng baklang mukhang babaeng babae? Manyapat ba bading ako hindi na rin ako pwedeng mag-CR dito? Discrimination na naman? Idedemanda ko kayong lahat e!”

Nagsialisan ng tingin sa kanya ang mga ito maliban kay Mathew na hindi  niya ma-describe ang hitsura parang, nagpipigil itong tumawa at the same time ay napapakunot-noo. Letsugas na bagong ani! Nakilala ata ang aking beauty!  

Time to walk out. Pero sa halip na palabas, pumasok siya sa cubicle. Kailangan niyang panindigan na isa siyang “bading”  na nagpi-feeling may flower at gustong mag-CR sa  toilet bowl. Agad niyang nasabunutan ang sarili nang makapasok soya sa cubicle. This day wasn’t really meant for her.

She flashed the toilet bowl kahit hindi naman niya ginamit. Carrying her drama, chin up siyang lumabas ng CR ng lalaki. Pagkalabas na pagkalabas ay mabilis siyang naglakad  sa hallway palabas ng restroom/telephone area.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang nasa labas na siya ng pathway na yon. Naalala niya ang weird na experience at lihim na lang siyang natawa. Sino ba namang  mag-aakalang makakapag-CR din pala siya sa CR ng lalaki ng walang effort?

Dashing with her stylish stiletto shoes na sarili niyang design sa sarili niyang company,  nag-cat walk siya. Kiber sa makakakita, naka-recover na siya agad sa letseng CR incident at kagya’t niyang nakalimutan ang pagkabigo kay Coco Nat.

Okay na sana  ang lahat  kung hindi lang niya narinig na naman ang pagtawag sa kanya ng Miss ng isang familiar na boses.

“Miss! Sandali lang, miss!”  

It got to her nerves. Huminto siya sa paglalakad at binalingan ito. “Ano bang problema mo at masyado mong pina-pamper ang kabaklaan ko at panay ang tawag mo ng miss ha?”

He grinned. “Di ba ikaw si Sophia Chii? Iyong nag-sponsor ng shoe wear sa pictorial naming sa Keithan Apparels noon isang linggo? For sure kilala mo ako but…” Ini-offer nito ang kamay sa kanya. “I want to formally introduce myself I’m Dr. Mathew Geoffrey Kav—”

“Hindi ako yon,” pagde-deny niya. Sabi na nga ba at mamumukhaan siya nito. “Can’t you see? I’m gay and beautiful—“ Natigilan siya nang abutan siya nito ng sanitary napkin.

“Walang bading na may menstruation. You have stains on your butt.”

Hala! Nakagat niya ang labi. Ngayon, nawalan na siya ng paraan para-mag-escape. Strike- two  na siya kay Mathew! 

  “Take this, and change bago lumaki yan at mas maging noticeable.” Nang hindi siya kumilos ay hinawakan nito ang kamay niya at ito na ang naglagay sa palad niya ng napkin.

Bigla siyang natigilan, ganon din ito.  The moment his hands touched her, she felt a strange current. Anong nangyayari? Nagkatinginan sila. Marahil ay naramdaman din nito ang naramdaman niya. Ano yon?

  Hanggang sa bitawan nito ang kamay niya.  “Oh, take this too.”    Ibinigay naman nito ang isang maliit na bote ng agua oxinada. “Good thing you’re wearing white. Use it to remove the stain.”

“T-thank you.” Yon lang ang nasabi niya dahil napatitig na lang siya  dito. He was overly attractive in her eyes.  Bakit di ko agad napansin na cute siya? Plus he’s kind of super kind.

He smiled. Her heat skipped. “If you have nothing to do tonight, be at Senang Hati at 10pm. I’ll wait you there. Take care, Miss Chii.” Then he turned around and walked away.  Naiwan siyang nasa loading mode pa ang understanding process dahil sa isang iglap, nagulo ng gitaristang yon ang  organisado niyang way of thinking. Ano daw sabi?


“WOOOHHH! Rakenrol Karisma!”

Maingay ang kabuuan ng Senang Hati at isa si Sophia  sa nagbibigay ng noise pollution sa loob ng music lounge. Medyo lasing na siya. Iyon ang major major na dahilan kung bakit iniiwasan niya ang mag-bar pag problemado siya. Nalalasing siya at ayaw niyang danasin ang hangover. 

You’re Guardian Angel ang kinakanta ng banda. Hindi naman talaga rock pero walang pakialam si Sophia basta may maisigaw lang. Nang magsawa siya ay bumalik siya sa bar counter at humingi ng  brandy.   

“Cute na bartender, pwede ba akong mag-request ng song sa kanila?” tinuro niya ang Karisma Band on stage.

“Oo naman po, Ma’am.” Inabutan siya nito ng papel at ballpen.

Sinulat niya ang favorite song niya na ginawa niyang basis ng love life niya. Kapag kinanta ng lalaki sa kanya ang song na’yon, ibig sabihin ang lalaking yon na ang para sa kanya. Pero sa gabing yon, nagbigay siya ng exemption. Married na ang vocalist ng banda kaya naman sigurdo siyang kahit kantahin yon ni Hamiel Catacutan, hinding-hindi ito magiging destiny niya.

Iniabot niya sa bartender ang papel at iniabot naman nito iyon sa road manager ng banda. Maya-maya lang daw ay tutugtugin  na ng banda ang request niya.

Muli niyang hinarap ang alak. Bumalik lang tuloy sa alala-ala niya si Coco Nat. Ngayon talaga, siguradong tapos na sila dahil nakapag-propose na ito sa first love nito. ”Bakit ang Chinese para lang sa Chinese? Kailangan ko pa talagang magmaldita para bitawan ako ni Coco Nat dahil wala rin namang mangyayari sa amin dahil hindi siya Chinese?” She was talking to herself.

Napatingin si Sophia sa stage. Minsan na niyang nakadaupang-palad ang mga ito nang kunin niyang endorser ang mga band members ng different designer shoes na likha niya. Nag-reshuffle ang mga band members and know the lead vocalist ay si Mathew, ang taong strike two siyang napahiya kanina lang. OM! Bakit siya ang kakanta? Single yan, hindi pwede! Don’t break my rule, poging Mathew!

“This song is dedicated to the sweet girl in the bar counter,” sambit ni Mathew sabay tingin sa kanya. “Thank you for requesting this song.  I hope you like our rendition of this love song.”

The next thing she heard was the melody of her most favorite love song.

If ever you wondered if you touched my soul yes you do. Since I met you I’m not the same. You bring life to everything I do. Just the way you say hello. With one touch I can’t let go. Never thought I’d fall in love with you...

Because of You… ang love song na sinabi ni Sophia na kapag kinanta sa kanya ng lalaki, ibig sabihin ang binatang iyon na ang para sa kanya. Napamulagat siya. No! No! Noooooooo!  “This can’t be happening! Bakit siya? Bakit ngayon? Bakit hindi man lang bukas? Naman!”  Wala sa sarili, na-grab niya ang kamay ng fafable bartender na nagpupunas ng bar counter.

“Ma’am?”

Saka lang siya natauhan. Agad niyang binatawan ang kamay ng bartender at masungit na umorder. “Isa pang brandy!”

Natakot at nawirduhan ata ang bartender kaya tahimik na lang nitong binigay ang order niya at lumayo na sa kanya.

Sometimes I get lonely and all I gotta do is think of you. You capture something inside of me, you make all my dreams come true. It’s not enough that you love me for me. You reached inside and touched me internally. I love you best explains how I feel for you….

“Hindi talaga maaari ito! Kailangan kong pigilan ang tadhana! Hindi ako pwedeng mapunta sa kanya!” Bakit nga ba hindi? Napaisip siya ano nga ang mali kay Mathew? Tinitigan niya ito habang kumakanta at naka-focus lang ang expressive nitong mga mata sa kanya. No hindi pwede! Hindi siya Chinese!

Inisang lagok niya ang natitirang brandy. Done na siya sa pag-inom at nakafocus na rin siya sa pag-iisip kung paano niya babaliin ang tadhana.


MATYAGANG inabangan ni Sophia sa backstage ng Senang Hati stage si Mathew. Kailangan niyang harapin ito, kastiguhin, at ipaalam dito na wala itong karapatang kantahin ang Because of You para sa kanya.  Nakipagsiksikan siya  sa ilang mga fans. At dahil kilala siya ng road manager ng band,  madali siyang nakapasok sa back stage.

Alright. Lasing na siya at hindi na niya pinag-isipan ang gagawin kaya kung ano na lang ang papasok sa isip niyaay siya niyang ginawa.

“Hey, Miss Chii—”

Ang una niyang naisip ay sampalin ito kaya iyon ang ginawa niya. Kitang-kita ang pagkabigla sa facial expression nito nang tila nagtatanong na binalingan pinagmasdan siya. Hindi na rin niya ito pinagsalita at siya na ang umagaw sa eksena.

“Hindi mo dapat ginawa yon! Ano karapatan mong gawin sa akin yon ha? Sino ka ba? You’re not even Chinese! I can’t take the risk with you. Hindi ko gusto ang ginawa mo kanina! Nakakainis ka! Hindi ko yon matanggap!”

At dahil may ibang taong makakarinig sa kanya ay hinila siya nito sa dressing room. “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo Sophia. Anong  mali sa ginawa ko?” tanong nito pagkatapos ay napakunot-noo.

“That song! Hindi mo dapat kinanta yon! Hindi dapat ikaw!”

“You’re drunk, Sophia. Mabuti pa ihahatid nalang kita pauwi.”  Hinawakan siya nito sa braso para alalayan pero nagpumiglas siya.

“No, ayokong sumama sa’yo. I hate you, Mathew. Wala kang pinagkaiba sa mga lalaki diyan. You will just play around and hurt woman’s feelings!”

Suddenly ay naging blangko  ang facial expression nito. “Look, Sophia. We hardly know each other, you don’t know me at all. How come you easily judged me like that?  Kung sinaktan ka ng lalaking nag-propose sa ibang babae sa harap mo kanina, sa kanya ka magalit! Bakit sa akin ka nagagalit? Anong problema mo sa requested song mo? Alam mo, ikaw lang ang nagreklamo na kinanta ko ang request song mo. Sana sinabi mo na lang  kung sino ang gusto mong pakantahin kesa naman masayang ang boses ko para sa’yo. Or rather sana hindi na lang yon ang nirequest mo para  wala kang pinoproblemang kababawan ngayon. Ayusin mo nga yang buhay mo!  Lalaki lang yon, andami namin sa mundo. Hindi siya kawalan sa buhay mo. Move on! Hindi yang sinisira mo ang sarili mo dahil lang hindi ka papakasalan ng taong mahal mo. Wake up, Sophia Chii. Kung ganyan ang attitude mo, tatanda kang dalaga.”

  Sinampal niya lang uli ito. Iyon na nga ang bagay na ayaw niyang marinig…and yet ito pa talaga ang nagsabi. Sabi na nga ba, ayoko sa lalaking ito!

Kinabig siya nito at naalarma siya. Mukhang napipikon na ito sa kanya. He was staring  at her with so much intense.

“Hindi ako pumapatol sa babae Sophia Chii, lalo na sa lasing. Pero magbiro ka na sa akin pag  lasing ako, bagong gising , o pag wala ako sa mood, pero wag na wag mo akong pipikunin pag ganitong puyat ako at pagod.” He moved closer to her face. Napapikit siya ng mariin. “Wag mong ubusin ang pasensya ko at baka ibang pagpatol ang gawin ko sa’yo.”

“Sows, Doc Geo. Wag ka ngang ganyan sa babae. Pag ganyan  ka ng ganyan, tatandang binata ka,” sabat ni Christella kasunod ang mga kabanda nito.

Tila napasong binitawan siya nito at saka lang siya nakahinga ng maluwag at nakapagmulat ng mata.

“Pare, ang babae hindi yan nakukuha sa rape. Dapat sinusuyo yan. Gusto mo pang ma-scandal e,” sita rin ni Hinaro.

“Bawal sa atin ang ganyang issue,” sabat din ni Dana.

“Malay nyo naman sweet kisses pala dapat ang kasunod at hindi naman harassment. Di kasi natin pinatapos e atat kasi kayo,” hirit ni Mien. “ Di ba Hamham?”

Tumango ang asawa nito. “Oo nga naman, kayo kasi. “

“Ewan ko sa bangs nyong mag-asawa kayo, lumayas na nga kayo!” hirit ni Dana na ikinatawa lang ng mga ito.

Napangiwi si Sophia. Dapat  na siguro siyang umalis. Ngunit paa pa lang niya ang nakakilos ay nahawakan na agad siya ni Mathew sa braso.  “Where do you think you’re going? We’re not yet done!”

Nagpumiglas siya. “Done-done-in mo yang fezlak mo!” Nang magawa niyang makatakas sa kamay nito ay naglakad siya palabas ng dressing room.
            
           Pero sinundan siya nito.  “Bumalik ka dito!”
     
           “Wala akong sinusunod na ibang tao kundi Papa ko lang,” sagot niya habang naglalakad siya papalayo dito. “Bahala ka na sa buhay mo. Malaki ka na Mathew Geoffrey Kaviero, alam mo ng maghugas ng pinggan at kumain ng alimango!”

                “What?”

                “Ang sabi ko ang pangit mo at ang baho ng hininga mo!”

                “You’re such a brat.”

                “Yes I am! If you have problem with that, that’s your problem.”  Napakunot-noo din siya sa sinabi niya. Ano daw?

                “Kakasuhan kita, Sophia Chii. That’s oral defamation and physical injury.”

                “Sige, anong laban mo sa sexual harassment case, Doc Geo?  At ewan ko na lang kung makahanap ka ng doctor na gagawa ng medico legal mo para patunayang nagka-physical injury ka sa mukha pagkatapos kang masampal ng cute na babae.”  

                “Papakasalan kita bukas pag hindi ka tumigil!”

                Napahinto siya sa paglalakad. Feelingero ang pogitong ‘to!

                In just a snap ay nasa harapan na niya ito.  He grinned.  “Got you! Mag-taxi ka at wag kang mag-drive okay?” Pagkatapos ay parang baliw na tumatawang naglakad ito palayo sa kanya.

Power Trip. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na kaninang umaga pa siya pinapower trip nito at ng tadhana. Kainis!


“ANO BA NAMAN kasi iyang pinaggagawa mo sa buhay mo, Sophia?” tanong sa kanya ng kaibigang si Rika. Sophia was lazily cuddling her favorite stuff toy while lying on her sofa bed. She was suffering from terrible hangover after she had herself over drunk   last night.

At dahil nasa bangenge state of body and soul siya, tinawagan na lang niya ang kanyang reliable secretary slash friend na puntahan siya sa bahay para sa mga trabahong ipapagawa niya sa staff niya.

“Kita mo naman di ba? I’m not okay!” tamad na tamad niyang sagot. “Nasobrahan ako sa brandy, angsakit sa ulo.”

“Eh sino ba naman kasing nagsabi sayong gawin mong iced tea ang brandy?  Ikaw talaga, sinasamantala mong nasa Shanghai ang Papa mo at nagpapaka-wild ka ngayon.”

“Hindi ako wild no!” Pinilit  niyang alalahanin ang pinaggagawa niya sa Senang Hati ngunit wala siyang maalala. Ni hindi na nga niya maalala kung  paano siya nakauwi. Nagulat na nga rin siya nang may staff ng Senang Hati na naghatid ng kotse niya kaninang umaga.

Though, she has a very unbelievable dream. Nakita niya si Mathew, sinampal niya ito ng walang matibay na dahilan pagkatapos ay kinabig siya nito, nagtitigan sila, bago silang mag-kiss ay nagising na siya.

“Why of all the Karisma, siya pa? Pwede namang si Fafa Hamham na lang,” wala sa sariling sambit niya.

“Ang ano?” tanong ni Rika.

“Ah wala.” Napilitan siyang bumangon at pirmahan ang mga papeles na dala ni Rika. “Hindi ako makakapasok ngayon kasi bangenge-bangenge ako. Ano bang appointment ko today?”

“Supposedly, you have a lunch meeting with Vlad Cerio and Maylee Uzen at 1pm and a dinner meeting with Mrs. Zhei Pontez. Ika-cancel ko ba?”

“Pa-reschedule mo ang appointment ko kay Vlad and confirm I’m coming on the meeting with Mrs. Pontez.”  Ibinalik niya ang papeles na pirmado na dito.

“Okay, got it.”  Tinanggap nito ang papeles at ibinalik ang atensyon sa pagsusulat sa organizer nito.  “What more?”

“Meet the production head, I want an update about the production of our new shoe line. Also ask the marketing department about the advertisements I’m asking them to work on. And get a sales report for this quarter from the Sales Department. Send everything on my email.  Tawagan mo na lang ako kapag naipadala mo na lahat ng yan. At kapag  tumawag si Coco Nat, sabihin mong nasa Shanghai ako.”

Nagulat si Rika sa  huling tinuran niya. “Himala!”

“Wag kang mang-asar. Ikakasal na siya sa iba kaya mag-move on ka na.”

“Ikaw dapat ang magmove on at hindi ako.”

“O di ba nga?  Kaya nga nagparty ako kagabi, nag-move on ako.”

Nagkibit-balikat si Rika. Alam na niya ang ibig sabihin no’n. Waley ang palusot niya.  Buti na lang at umeksena ang kanyang favorite yaya.

“Sophia, may sulat para sa’yo.” Iniabot ang all around maid niya ang sulat sa kanya.

“Salamat po.” Agad din itong umalis. “Uso pa pala ang sulat ngayon?”  Biglang napakunot ang ulo niya nang makita kung saan galing ang sulat. “Municipal Trial Court, Pasay? May kaso ako?”

“Yan nga itatanong ko e. May kaso ka ba? Anong ginawa mo? Wag Sophia, ayaw kitang makulong—aray!”

Hinila niya ang buhok nito. “OA ka naman! Baka kay Ninong Xeiji lang galing to.” Her favorite Ninong  Xeiji Hotoki was a judge in the Municipal Trial Court of Pasay.

Binuksan niya sobre at ang sulat na kalakip nito. Nakisilip din si Rika at pareho silang napanganga sa nabasa. Subpoena ang sulat na yon.

“What? Mathew Geoffrey Kaviero is filing multiple cases to me?” di  makapaniwalang sambit ni Sophia.

“Oral defamation, physical injury, grave misconduct…public scandal?” taka rin tanong ni Rika. “Bruha ka! Ano bang nangyari sayo kagabi?”

On cue saka lang niya naalala kung ano nga ba ang nangyari habang lasing siya. Napangiwi siya at napasabing, “Patay!” 



PREVIOUS                                                                  NEXT

Comments

Chiichoi said…
I loves it soooooooooo much moooooooooore! Kembz, hindi halatang love na love mo ako no? Nasaktan na ang cute heart ko dahil kay Coco Nat, nagpanggap akong bakla kasi mali ang napasukan kong CR, Natagusan ako, at ang huli ay makukulong ako! BWAHAHAHHAAH! Gawin mo pang mas karumadumal! I looooooooooove it talaga! Happy Birthday to meeeeeeeeee! :))
Melai said…
hahaha ganyan kita kamahal kembz. pabrutalan na lang hahaha. :D happy birthday!
kiz said…
hahaha, ang lukaret ni babes d2.. love it.. :))))
Haffle :)) said…
Hahahahahaha! Hanep si bff! Lahat na ng kabaliwan ginawa! Dami kong tawa. Hahahahaha. Next na! Happy birthday BFF! Kampaiii! (inom tayo ng Iced Tea kasama si motherrrr!) :))))

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…