Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter Twelve



Tahimik na naglalakad si Limien sa hallway ng hospital kung saan naka-confine si Hamiel. It has been three weeks and Hamiel was still in coma. Naaksidente ito during race noong huli silang nagkausap. Nagkaroon ito ng bali sa braso at malalang head injury. And that all led him to comatose state.

            Agad umuwi ng Pilipinas si Limien nang malaman niya ang masamang balita. At mula noong unang araw na nakita niya si Hamiel sa ICU ng hospital na iyon ay hindi na niya ito iniiwan hangga’t maaari. Umaalis lamang siya at umuuwi sa bahay para maligo at magpahinga ng dalawang oras kada araw. Halos ang nalalabing twenty two hours ay nasa tabi siya nito.

            Naglakad siya papunta sa canteen ng hospital. Iniwan niya sa ICU ang mama niya at mama ni Hamiel para magbantay.  

            Sa isang mesa sa di kalayuan ay natagpuan niya ang katagpo niya. Agad siyang lumapit at umupo sa tapat nito.

            “Kamusta na siya?” tanong ni Theacar.

            Malungkot na umiling si Limien. “Ganon pa rin siya. Natutulog. Ni mga doctor hindi masabi kung kelan siya magigising. Wala daw pagbabago sa lagay ni Hamiel.”

            “Don’t lose hope, Limien. Hamiel will never give up on you. Ang totoo, nakakainggit ka. One reason kung bakit nagkawalaan kami ni Hamiel noon ay dahil alam kong noon pa man, ikaw lang ang minahal niya. I was never his first priority. It’s always you first before me.”


            “Why telling me all these things, Acar?” 

            Na-realized ba nitong mahal pa rin nito si Hamiel despite and inspite of the situation?

            “I want you to think over your relationship towards him. Let’s put it this way. Minahal ko rin naman si Hamiel noon. Alam ko kung gaano ka niya kamahal. Nung iwan mo siya after mong i-call off ang wedding nyo, sa akin tumakbo si Hamiel. He was really hurt way back then. Doon ko na-realize na napakalayo ng pagmamahal niya sa’yo, kumpara sa ibinigay niya sa akin noon.”

            Hinawakan ni Theacar ang kamay niya. “Limien, the moment na magising si Hamiel, please don’t leave him. Stay with him. Be with him. Iyan ang mga bagay na hindi ko nagawa sa relasyon namin noon at wala na akong pagkakataon ngayon. Don’t doubt his love. It was really pure and sincere.”  The way she said it, Limien felt something. Perhaps, Theacar still loved Hamiel until now.

Tumayo ito.  “I have to go. Kindly feed me updates with his condition. I’ll pray for him, too.”

            “Theacar?” 

            “Yes?”

            “Do you still love Hamiel? Kung wala ako… mag-stay ka ba sa tabi niya?”

            “Honestly, yes. And yes, I’ll stay with him kung wala ka. Pero alam mo ang sitwasyon ko. I just simply can’t.”

            Iyon pa rin ang nasa isip ni Limien habang pabalik siya sa ICU.  Inisip rin niya kung ano kaya ang magiging reaction ni Hamiel kung sakaling malaman nito ang natuklasan niya kay Theacar.  May posibilidad kayang iwan siya ni Hamiel para magkasama uli sila ng first love nito?

            Natakot siya. Nakakabaliw nga siguro ang magmahal. Sinubukan niyang iwan si Hamiel noon pero hindi naman siya papayag na may ibang babaeng aagaw ng pagmamahal nito sa kanya. Naging selfish na rin ba siya? No. You just love him. Inaamin mo lang sa sarili mo na hindi mo kayang makita siya na may kasamang ibang babae. Alam mo lang sa sarili mo na masasaktan ka ng lubos pag nangyari iyon, sambit ng isang bahagi ng utak niya.

            Pero alin ba ang mas makakabuti kay Hamiel? Ang maging nasa piling niya o sa piling ng ibang babae na kayang ibigay ang mga bagay na hindi niya maibibigay dito once na mabulag na siya?  

            There you go again, Mien. Akala ko ba kakalimutan mo na iyan?, sambit niya sa sarili.  Umiling siya. Hindi na niya dapat iniisip ang mga bagay na iyon. Ang mahalaga ngayon ay si Hamiel. And she will do what Theacar said. She would stay with him unless ito na mismo ang umalis.

            Sinaklob siya ng takot nang may makitang mga nurses at doctors na nagmamadaling pumasok sa silid ni Hamiel. Patakbong tinungo niya ang silid. Isang tunog mula sa aparatong nakakabit dito ang lalong nagbalot ng takot sa puso niya. Nagpa-flat line na ito.

             “Hamiel!”

            The doctors were busy reviving him. Sa isang sulok naman ay naroon ang pamilya ni Hamiel na  umiiyak na rin. 

            Natulala si Limien sa eksenang nakikita. Tumulo na lang ang luha niya nang hindi na  niya namamalayan. It seemed like the doctors were having difficulty in reviving him.

            “No, Hamiel, wag kang umalis…” pabulong na sambit niya.  She never thought that this thing might happen. Ni hindi sumagi sa isip niya  na pwedeng mawala ito sa kanya anytime.  Lahat ng pagsisi ay nagsibalikan sa kanya. Sana hindi na lang siya nakipaghiwalay. Sana hindi na lang na-call off ang wedding nila. Sana hindi na lang sila nagkalayo. This thing won’t happen kung hindi niya sinaktan ang damdamin ni Hamiel.

            Niyakap siya ng nanay niya.  Umiiyak lang siya. Walang masabi ni isang salita. Ang mata niya ay nakatutok sa nag-aagaw buhay katawan nito.

            Pakiramdam niya ay namanhid ang buo niyang katawan nang lumingon ang doctor at umiling pagkatapos ay bumaling ito sa nurse. “Time of death, 9:42 am.”
            Agad ng niyakap ng ina at mga kapatid nito si Hamiel.  

            “No!” bulong niya. “No Hamham!”

            Hindi niya hahayaang basta ganoon na lang ang mangyayari. Hindi pwedeng hindi tutupad si Hamiel sa pangako nito sa kanya. Hindi pwedeng doon lang matatapos ang lahat sa kanilang dalawa.

            Nagpumiglas siya sa kanyang ina at luhaang nilapitan si Hamiel. Nagpaubaya naman ang pamilya nito.

            “Gumising ka!” she shouted. She lifted his body. Umupo siya sa kama. Isinandal niya ang likod nito sa katawan niya at niyakap niya ito ng mahigpit. “You promised me that I will never lose you. And I promise to never let you go. I’m not letting you go, Hamham. So please, breathe!” He still didn’t response.

“Huminga ka, para sa akin para sa pamilya mo. Breathe please, Hamiel. Sumunod ka sa akin, please! Breathe!”
            
         Hinalikan  niya ito sa ulo. Mahirap mag-goodbye, ayaw niya at hindi niya kaya. “I love you so much, Hamiel. Wag ngayon….wag muna!” Napahagulhol na siya ng iyak. It seemed like Hamiel just give up on his life.  Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito. Niyakap niya ito ng mas mahigpit. “Hamham ko! I love you so much.”

            At sa mga sandaling unti-unti na siyang tinatakasan ng pag-asang hindi siya nito iiwan, naramdaman niyang suminghap ito ng malalim. Natigilan siya sampu ng mga taong naroon. Kasabay noon ay nag-iba ang tunog mula sa aparatong kanina’y nagpahiwatig na ng kamatayan nito.

             “He breathed!” Dali-dali niyang binitawan si Hamiel at muling pinaubaya ito sa doctor.

            Nabuhayan siya ng loob at nagtiwala ng lubos kay Hamiel. Alam niya, hindi siya nito basta-basta iiwan.

            “He’s alive!” the doctor declared.

Lahat sila ay nakapagbitaw ng sigh of relief. Umiiyak pa rin na bumalik siya sa yakap ng kanyang ina. Ramdam pa rin niya ang sobrang takot sa muntik ng pagkawala ni Hamiel sa kanya. Ngayon ay napatunayan niya mismo sa sarili niya kung gaano niya kamahal ito at kung gaano rin siya nito kamahal.

“You are so brave, Limien. Hindi ko iyan nagawa sa tatay mo noon. I just let him die,” sambit ng kanyang ina. Alam niyang  nauunawaan ng kanyang ina ang nararamdaman niya. Minsan na rin itong iniwan at hindi na muling nagmahal. Palagay niya, kung sakaling mangyari din iyon sa kanya, matutulad siya sa kanyang ina. Hinding-hindi na uli siya magmamahal pa.

“I have to, Ma. I have to…because I love him so much.”

Few minutes more, he was declared stable again. Ipinagpasalamat ni Limien na dininig ng Diyos ang panalangin niya. Hiniling na lang niya uli na sana’y maging mabuti na ang lagay nito at magising na ng tuluyan.


HAMIEL slowly opened his eyes. Ang puting ceiling ng silid ang una niyang nakita. Puro tanong lang ang agad pumasok sa isipan niya. Nasa’n ako? Anong nangyari?  Masakit ang buong katawan niya. Hindi niya maikilos kanyang katawan na tila na-stuck na siya sa kanyang pwesto. Tahimik ang buong silid maliban sa tunog na likha ng aparato na nasa kanan niya.

It seemed like his brain was having difficulty in recovering details. Wala siyang maalala  kahit ano…kahit pangalan niya. Anong nangyayari sa akin?  He tried his best not to panic on his situation. 

Bumaling siya sa kanyang kaliwa. There he saw a woman sleeping on the side of the hospital bed. Hawak nito ang kamay niya at nakabaling sa kanya ang mukha nitong nakasubsob sa gilid ng kama. May luhang kagyat na pumapatak mula sa mata nito kahit na naririnig niya ang mahinang paghilik nito na waring umantig sa puso niya.

Who’s this girl?Kapatid ko? Girlfriend? Asawa? A trace of strange feeling covered his heart. Pawang nais niyang hawakan ang pisngi nito at ibulong na wag na itong umiyak. But he just can’t move and he didn’t really know who’s that girl was.

Mataman niyang pinagmasdan ang babae, pilit inaalala kung sino nga ba ito at kung ano ang relasyon niya dito. Pero wala pa rin siyang maalala. He sighed when another girl entered the room.

“Kuya!” agad na sambit nito habang nakatingin sa kanya. Teary-eyed itong bumaling sa pintuan. “Mama, gising na si kuya!”

Kuya? So, she’s my sister?

An older woman entered the room and rushed on him. He presumed she was his mother. Kasunod nito ang isang binata…maybe he was his brother, then.

Agad na hinaplos ng ginang ang kanyang noo. “Anak, thank God you’re awake now.”  Agad siya nitong hinalikan sa noo at buong pagmamahal na hinaplos ang mukha niya. Bakas sa mga mata ng ginang na ito ang tuwa na makita siyang gising.

Hindi  makapagsalita  si Hamiel dahil hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya kilala ang mga tao sa paligid niya.

“Tatawagin ko lang ang doctor, Ma,” sambit ng binata.

“Samahan na kita, Kuya Miguel.”  Sumunod doon ang babae. Naiwan sa piling niya ang ginang at ang babae sa kaliwa niya.

Kung ina at mga kapatid ko sila, sino itong babaeng may hawak ng kamay ko? Binalingan niya ang babaeng tinutukoy nang maalimpungatan ito at nagising.

Siya ang unang natapunan ng expressive nitong mga mata nang magmulat ito. Agad itong tumayo at lumapit pa sa kanya. “Hamiel, gising ka na!” Tears fell from her eyes as she moved closer and kissed him on cheeks.

Girlfriend? Asawa? He hated that situation dahil wala siyang maalala. Ni hindi niya alam kung ano ba dapat ang maging reaction sa atensyon nito sa kanya. He only relied on his instinct and that dictated him to smile.

Maingat na niyakap siya nito. “May gusto ka ba? Tubig? Pagkain?”
            
           “Tinatawag na ng mga kapatid mo ang doctor mo para ma-check ka anak,” sambit uli ng ginang.
          
          Nagtatanong ang kanyang mga mata na nagpapalit-palit sa ginang at sa babaeng ito na nakayakap sa kanya. He needed to speak up para maparating sa mga ito ang lagay niya.

            “I…I can’t remember anything. I’m…I’m sorry.”

            Nagkatinginan ang dalawa at bumaling ng malungkot na tingin sa kanya hanggang sa dumating na ang doctor at inasikaso siya.


           
            NAPAPAKAMOT sa ulo si Hamiel. It’s been weeks since he woke up from few weeks of being in coma state. Nakalabas na siya ng hospital at maayos na ang lagay. Isa na lang ang hindi maayos, ang memory niya. He still can’t remember anything. He was just relying on the present information that he gathered from his so-called family and friends.

            The doctor told him that he was suffering from post-traumatic amnesia. His condition fell on the category of retrograde amnesia.   Lahat ng alaala niya bago siya maaksidente ay hindi na niya matandaan. Every detail even small ones were all gone. Sabi ng doctor, hindi naman daw iyon magtatagal. Pero para kay Hamiel, mukhang ayaw na ata siyang balikan ng memorya niya. Kaya naman nabuo ang desisyon niya. If he would never regain his memory, then he would gather it one by one all by himself. 

 He looked for all ways to regain his memory. Hindi man niya maalala ang eksaktong bahagi ng mga nawala sa memorya niya, mas mainam pa rin na kahit konti may alam siya.  Kinilala niya ang sarili sa pamamagitan ng mga tao sa paligid niya. He found out that he was a former commercial model, actor, and front man of a band. He met his band mates who happened to be his group of friends too and found out how lucky he was for having a nice set of friends. Sila rin ang mga kasama niya nang maaksidente siya, sabi nila.

            He spent time with his family and learned about them. He found out that he lost his father a year ago. Sabi ng mama niya, dinamdam niya iyon ng husto dahil sa kanilang tatlong magkakapatid, mas matagal ang pinagsamahan nila ng kanyang ama. 

He has a loving mother. Kahit hindi na niya maalala ang sweetness ng kanyang ina, ramdam na ramdam naman niya iyon ngayon. His brother Miguel was simple and timid. According to him, hindi daw sila madalas magkita dahil nakabase ito sa ibang bansa. Doon na rin nagkapamilya.  Amhiela, the youngest, was also the closest to him. Palibhasa’y nag-iisa itong princess ng pamilya, palagi daw siyang nakabantay at overprotective dito.

            Magaan sa loob na tinanggap niya sa sarili at ganon din ang pamilya niya ang nangyari sa kanya. Sabi nga ng kanyang mama, mas okay na iyon at least buhay niya. He found out that he almost died. The doctor even declared his time of death. May isa lang daw na sobrang nagmamahal sa kanya ang pinaglaban siya at bumulong sa kanyang walang buhay na katawan na sana ay wag muna siyang lumisan.

That  girl was Limien, his childhood best friend, ex-girlfriend, supposed wife…hindi niya ma-define kung ano ang relalsyon niya ngayon dito. Sabi ng mama niya, nagkaroon daw sila ng konting problema ni Limien na humantong sa pag-call off nito ng kasal at pag-alis nito ng bansa bago siya maaksidente. Hindi rin daw sigurado ang kanyang ina sa naging problema nila ni Limien dahil iniwasan daw niyang magsalita tungkol doon.  Pero ilang oras daw bago mangyari ang aksidente sa race track sa Batangas ay tumawag daw siya sa kanyang mama at sinabing okay na sila ni Limien. Nagkabalikan na sila.

Humiga si Hamiel sa kama at pinagmasdan isa-isa ang mga pictures sa photo album na hawak. Picture collections iyon nila ni Limien. Sabi nito siya daw mismo ang gumawa ng album. Ang iba pa sa mga iyon ay sabay nilang inayos. Kasalukuyan siya ngayong nakatira sa villa sa Green Haven Farm kasama si Limien.

            I presumed, you’re still my girl, Limien.

Those pictures never lied. Halatang-halata sa bawat larawan doon kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. At lalo niyang napatunayan iyon ngayon. Dalawang araw na siya doon sa villa na iyon at never pang hindi naging caring, malambing, at maasikaso ito sa kanya.

So you really loved me, huh? tanong niya sa picture nito. Napangiti siya. Limien was indeed a sweet-caring woman. Ibinuhos nito sa kanya ang lahat ng pag-aalaga at pagmamahal. Agad niyang nabawi ang ngiti nang ma-realized niyang may mali sa sitwasyon.  He suddenly can’t feel anything special for her. He honestly can’t recognize if he loved her, too. Hinahayaan lang niyang gawin nito sa kanya ang mga paglalambing nito dahil alam niyang iyon ang tama. Based on his mother’s information, nakipagbalikan ito o siya—meaning they were in the middle of romantic relationship by now if only he didn’t caught an accident.

Iyon ang isang bagay na gusto niya at pilit niyang hinahalukay sa memory niya pero wala talaga. What should I do? Tama pa bang abusuhin ko ang pagmamahal niya kahit hindi ko naman iyon masuklian ng ayos? He felt hopeless.  Having amnesia made him feel hopeless and his situation towards Limien was making it more complicated.
          
          Natigil ang pag-iisip niya ang may marinig siyang kumalabog mula sa sala ng villa. Bumangon siya at agad lumabas ng silid. Nakita na naman niya si Limien na ginagawa na naman ang weird na ginagawa nito noong nakaraang gabi.
      
         Patay na ang ilaw sa buong bahay. Dim light na lang ang nagsisilbing liwanag, sapat na para makaaninag. Limien was walking around the living room. Literal na nangangapa ito sa dilim. Gamit ang kamay ay tila kinakapa nito ang mga daraaanan nito. Hindi rin niya maintindihan kung saan nga ba ang gusto nitong puntahan. Malapit na kasi ito sa kusina nang bigla itong bumwelta papunta sa direction niya.

            Ano bang ginagawa niya?  Pwede naman nitong buksan ang ilaw para hindi na ito mahirapan. Bakit kailangang mangapa pa sa dilim kung pwede namang hindi?

            “Limien, anong ginagawa mo?”  Di niya naiwasang tanong.

            Tuloy lang ito sa tila bulag na paglalakad sa living area nang sumagot ito sa kanya. “Ah ano ah, wala lang ito, Hamham. Sige na, matulog ka na. Wag mo na akong pansinin.” 

            “Gusto mo bang buksan ko ang ilaw para sa’yo?”

            “No!”

            Napakunot ang noo niya sabay sandal sa hamba ng pintuan ng kanyang kwarto.  “Madadapa ka lang sa ginagawa mong iyan.”

            “Okay lang. Aray!” Nabangga na nga ito sa center table. “Aww!”

            Binuksan niya ang ilaw at agad niyang nilapitan ito. Nakaupo na sa sofa si Limien at pigil na hawak nito ang binti habang mariing nakapikit. Agad niyang hinawakan ang binti sabay upo sa tabi nito. May sugat at pasa ang tuhod nito. 

            “I told you. Bakit ka ba naglalakad sa dilim eh may kuryente naman?! Pinapahirapan mo ang sarili mo. Wait there, I’ll get some medicine.”  Maingat niyang inilapag ang binti nito. Kumuha siya ng medicine kit sa kwarto niya. Kunot noo pa rin siya nang makitang hindi man lang natinag si Limien. Nakapikit pa rin ito. Umupo uli siya sa tabi nito at kinalong ang binti nito. “You can open your eyes, Limien.”

            “It doesn’t make sense,” bagkus ay tugon nito sabay mulat ng mata. Napakurap-kurap pa ito na tila naninibago sa liwanag.

            “Ang alin?” He was about to put some medicine on her wound when she grabbed the cotton balls from him. Hinayaan lamang niyang gamutin nito ang sarili.

            “Ang pagpa-practice ko. Ang paggamot mo sa sugat ko. Lahat. It doesn’t make sense. I will still end up being useless.”

            “I can’t understand you, Limien.”

            Seryosong binalingan siya nito. “And that concludes, I don’t make sense, too.” Binalingan nito ang sugat. “Thank you na lang, Hamiel. Kaya ko na ang sarili ko. Magpahinga ka na.”

            “There’s something wrong,” bagkus ay tugon niya. “Tell me.”

            Natigilan ito at seryosong bumaling sa kanya. Nagulat siya nang bitawan nito ang hawak na bulak at pagkatapos ay hinawakan nito ang mukha niya. She was staring at him. Mababasa ni Hamiel sa mga mata nito ang halu-halong pagmamahal, takot, lungkot, pag-aalala. Sinimulan nitong kapain ang mukha niya na waring sinasaulo nito ang bawat sulok ng kanyang mukha.

            “What are you doing?’ tanong niya.

            “I’m memorizing your face. Nobody knows, maybe tomorrow I won’t be able to see your face anymore.” Tears fell from her loving eyes.

            Pinawi niya iyon. “Why? Ayaw mo na bang andito ako sa bahay mo? Babalik na ako sa amin bukas?”

            Baka nararamdaman na ni Limien na hindi niya magawang mahalin din ito ngayon kaya sumuko na ito.

            Umiling ito. “I want you to stay with me. This is my chance to show you how much I love you, Hamiel. Noon, iniikot mo ang mundo mo sa akin. Lahat ng bagay, ibinigay mo sa akin. Ikaw…buong buo. Puso mo, isipan at ang buhay mo. I valued your love so much. Thank you for being with me, again, Hamham. Kahit mahirap ang sitwasyon natin, I will never give up on you.”  

            Hinawakan niya ang kamay nitong nagkukulong sa mukha niya.  “Iyon naman pala. Anong problema? Pasensya ka na kasi hanggang ngayon, wala pa rin akong maalala sa atin pero nararamdaman ko ang pagmamahal mo, Limien. And I thank you for that. Though I don’t know you by memory, perhaps I know you by heart. That’s the reason why I’m here. “ Napabuntong-hininga siya. Hindi siya sigurado sa sinasabi niya o sa dapat niyang maramdaman. Naguguluhan pa talaga siya.   “Nararamdaman ko, may mga bagay na hindi ka sinasabi sa akin. I’m your boyfriend right? You may share your burden to me. Maybe in some case, I can help you.”

            Umiling ito.  “I can’t give you problem as of the moment. Makakaapekto iyon sa  condition mo.” Niyakap siya nito. “Just stay with me, Hamiel. As long as you’re here with me, I’m going to be okay.”

            Hindi niya magawang mag-promise. Alam niyang pag nagtagal siya sa poder ni Limien, lalo lang itong mahihirapan sa kanya. He was a total burden, a lover who doesn’t know how to love at all. Limien doesn’t deserve a guy like that. She doesn’t deserve him. 

            But this girl loves you so much. She doesn’t deserve to be left alone, too, kontra ng isip niya.  He moved a little, enough to give her one final kiss before his heart came up with his decision. He needed to regain his loss memory first before he face Limien again. Kailangan niyang maging karapat-dapat sa pagmamahal nito. Hindi niya iyon magagawa sa piling nito.



PREVIOUS                                                                       NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…