Skip to main content

Find Your Way To Me 3 Keep The Music Playing - Chapter Nine




“Where the hell is that?” Aligaga si Vlad habang hinahanap ang kwintas ni Christian sa loob ng kwarto nila ni Amhiela. Kabado siya dahil bihadong malilintikan siya kung makita iyon ng asawa niya. Ang siste, hindi  niya maalala kung saan niya exactly naipatong yon bago yon mawala sa kanya. 

                Nasa kalagitnaan siya ng paghahanap sa mga cabinet at drawers nang biglang pumasok sa kwarto si Amhiela.

                “Anong hinahanap mo?”

                Natigilan siya.  Damn! Alanganing nginitian niya. “Ah…. Iyong cell phone ko kasi di ko matandaan kung saan ko naipatong. Nakita mo ba?”

                “Oo.”

                “Talaga? Saan?”

                Kinuha nito ang cellphone  niya mula mismo sa bulsa nng suot niyang shorts. Patay ako nito!

                Di na maipinta ang mukha ng kanyang asawa nang ibigay nito ang cellphone niya. “Sa susunod Vlad, wag kang magsisinungaling kasi hindi mo expertise yon. Ano ba talagang hinahanap mo?”  She rolled her eyes and walked out when he suddenly lost words to utter.


                Napapakamot sa ulong sinundan niya ito. Lately, napapansin niyang moody ito. Lahat na lang ng gawin niya ay binibigyan nito ng ibang meaning. She often questioned his acts. Ma-late lang siya ng uwi, iniisip agad nitong may pinagkakaabalahan siyang iba, na may tinatago siya, minsan na ring natanong siya nito kung may iba siya. Lalo tuloy siyang kinakabahan. Alam niyang wala namang siyang ginagawang kasalanan ngunit batid niyang hindi iyong mauunawaan agad ni Amhiela kung sakaling matuklasan nito ang pagkikita nila ni Christian.  Damn! I have to find that necklace. Hindi ako pwedeng maunahan ni Ayen.  

                “Ito naman nagsusuplada agad. Ayen!”  He grabbed her arms.  Huminto ito sa paglalakad. He just simply moved closer and hug her tummy from her back. Then he whispered in her ears. “Wag ka ng masungit, Ayen. Ang baby natin magiging next kontrabida sa pinilakang tabing yan, gusto mo ba yon?”

                “May hinahanap ka, ayaw mong sabihin sa akin kung ano ang totoo. Ano ba talaga Vlad? May babae ka ba?”

                “Meron, ikaw.”

                “Vlad!”

                “Wala. Saan mo ba napupulot yang mga iniisip mo? Nasosobrahan ka na sa Koreanovela.”

                Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya. “Be honest, Vlad.” She looked into his eyes intensely. Mababakas sa mata nito ang magkahalong takot at pangamba. “Sino si Christian? Siya ba ang ex mo? Bakit tumatawag siya sa’yo noong isang araw?”

            “Hindi siya yon,” tipid na sagot niya. Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga palad. “Magtiwala ka sa akin, Ayen. Mahal na mahal kita. Kahit bumalik siya, o may mga temptations na dumating, hinding-hindi ako mawawala sa’yo. Hold on to my words, okay? Wag ka ng masyadong mag-isip ng kung anu-ano at baka mapaano kayo ng baby natin.”
               
                “Then Vlad, anong sabi ng doctor sa sakit mo?”

                Isa iyon sa mga bagay na hindi niya sinasabi ng tuwiran sa asawa niya. Natatakot siyang makasama iyon sa pagbubuntis nito kaya pag nagtatanong ito ay umiiwas siya. “Kailangan bang ngayon natin pag-usapan yan?”

                “Bakit ba palagi  ka na lang umiiwas pag-usapan yan? Sabihin mo na lang, Vlad.  Hindi kasi ako mapalagay. Sabihin mo man o hindi, nag-aalala ako sa’yo.”

                “Alright. Come.” Hinila niya ito sa kwarto  at naupo sila sa sofa bed doon.  

                Mataman niya itong pinagmasdan.  Ngayon lang niya naisip na andami pala niyang personal na issues na inilihim sa asawa dahil ayaw niya itong masaktan. Marahil makakabuti ngang ipagtapat  na nga niya dito ang health condition niya. Baka sa ganoong paraan ang mabura din ang pagdududa nito sa kanya.

                “I have primary-progressive multiple sclerosis. Gaya nga nang sinabi sa’yo nina Mama, sakit ito na nakakaapekto sa central nervous system ng tao including brain at spinal cord. Ang type ng MS na meron ako ay magmamanifest sa akin ng continous na paglala. Hindi ko  masyadong iniisip ito kasi kailangan maging malakas ako para sayo at kay Mirasol. Dumadating minsan sa punto na nagre-rehearse ako sa music studio, bigla   na lang sasakit ang arms ko, di ko magalaw, masyadong masakit, something na di ko makaya without medical aid. Nawala iyon nang maging tayo e. Bumalik lang ang mga sintomas mula noong nagkavertigo uli ako on our wedding day.”

                “May nararamdaman ka pa bang iba after noon?”

                Umiling siya. “Wala pa uli, Ayen. Kung meron man, ipapaalam ko sa’yo.” Tumulo ang luha ng misis niya. He then wiped her tears away. “Kaya ayaw kong sabihin sayo lahat e. Wag ka ng umiyak ha. You made me stronger, Ayen. I’ll fight for you and Mirasol.”

                “Anong pwedeng mangyari pa sa’yo?”

                Bumuntng hininga siya. “Pwedeng magtuloy-tuloy ang muscle spasm ko. Hindi ko magalaw ang kamay ko o binti ko. Di na ako makatugtog ng piano. Di na kita mabuhat at di ko mabuhat si baby. Maparalyze…mamatay. Pero Ayen, hindi yon mangyayari. Maniwala ka lang sa akin na hinding-hindi kita iiwan. Hindi  mangyayari ang mga yon.”  Hindi niya napigilan ang umiyak. Madalas niyang pigilan ang sarili na isipin ang sakit niya dahil ayaw niyang magpaapekto, ayaw niyang ipakita  kay Amhiela na nahihirapan siya.

                Niyakap  siya nito. “I’m sorry Vlad ha. Palagi kitang inaaway,sinusungitan, pinag-iisipan ng kung anu-ano. Di ko napansin na iniwan kitang mag-isa sa paglaban mo sa letseng sclerosis na yan.”

                “Wala yon, Ayen. Just be okay. Take good care of our baby. Tama na, wag ka ng umiyak.” Niyakap niya ito ng mahigpit. “Huling drama na muna natin to Ayen ha. Baka maging best drama actress naman ang baby natin niyan.”

                Pabirong  hinampas nito ang likod niya. “Seryoso na bigla ka namang magloloko e.”

                He moved a little enough for him to look into her lovely eyes.  “Seryoso ako, tama na muna ang drama natin. Saka na lang nating problemahin ang mga problemang iyan pag oras na para problemahin yon. Ay anong sabi ko? Di ko rin gets.” He smiled when she laughed. “Yan mas bagay sa’yo yan, kesa naman crayola ka ng crayola.”

                Pinunsan nito ang luha sa gilid ng mata niya. “Ikaw din kaya. Kaya natin ‘to Vlad ha.”

                “Oo naman tayo pa?”

                Niyakap niya uli ang misis niya, giving her assurance that everything will be okay as long as he’s there for her. Pero aminado si Vlad na kalahati ng isip niya, iniisip pa rin kung saan napunta ang kwintas ni Christian.

 
                ABALA si Amhiela sa paghahanda ng merienda para kay Vlad. Abala ang mister niya sa pag-aayos ng nursery room para sa kanilang baby. Iyon palagi ang madalas gawin ni Vlad kapag day off nito.  Ginusto ng asawa niyang ito mismo ang gagawa ng lahat ng gagamitin ng anak niya lalo na ang crib at kama.  Bitbit ang merienda ay pumanhik uli siya sa nursery room. Naabutan niya itong humihiga sa kama at kapa nito dibdib.

                “Anong problema Vlad?” Agad niyang ibinaba ang tray ng pagkain sa mesa at dinaluhan niya ito.

                “Wala naman, napagod lang ako. Kailangan ko lang itulog saglit ito.”

                Inayos niya ang unan at hinayaan na niya itong makahiga. “Sigurado ka? Baka need  mo ng doctor para sigurado.”    
            
                Pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay. “Kailangan ko lang ng pahinga, Ayen.“

                “Sige, Ikaw kasi e, sabi ko na sayong mag-hire ka na lang ng karpenterong gagawa ng crib kung ayaw mo ang mga crib na nabibili sa furniture shops.”

                He smiled. “Nasabi ko na sa’yo. Gusto kong maging special ang crib ni baby. Magiging special lang yon kung ako ang gagawa. Matutulog muna ako. Pagkagising ko, saka ko na lang kakainin ang ginawa mong merienda. Magpahinga ka rin later okay?” He closed his eyes and went to sleep.

                Inasikaso naman muna niya ang pagluluto ng kanilang lunch. Iyon na lang kasi ang nagawa niyang 
way of exercise. Nang matapos magluto ay pumanhik muli siya sa nursery room para i-check ang asawa niya. Vlad was still sleeping. Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang asawa niya. Nitong nakaraan any napakadali nitong mapagod. Minsan pa, wala na itong nagagawang iba dahil pagkauwi nito sa bahay ay agad na itong nagpapahinga di tulad noon na may oras pa silang manood ng movie together o kaya naman ay mag-rehearse.

                Hinaplos niya ang pisngi nito pagkatapos ay humalik siya sa noo nito.  Lalabas n asana uli siya ng silid nang mag-ring ang phone nito. Sinilip niya ang cell phone na nasa bedside table at nalamang tumatawag na naman ang Christian na dini-deny ng asawa niya na ex nito. Hinayaan niyang mag-ingay ang cellphone at tiningnan niya kung magigising si Vlad. Ngunit mukhang mahimbing ang tulog ng asawa. She grabbed the phone and pressed the answer key.

                “Vlad, hello. I know you are there listening to me Vlad. Mahal kita at alam kong mahal mo rin ako. Hindi pa huli ang lahat Vlad. We could be together. Let’s have our escape. Trust me, this time I will never turn back on you. Hihintayin kita sa pavilion dito sa village kung saan tayo nagging magkapitbahay. Maghihintay lang ako dito…aasa akong darating ka at sasama sa akin.”

                She didn’t answer back. Mas mabuting isipin ng Christian na yon na si Vlad nga ang kausap nito.

                “Alam kong naguguluhan ka ngayon dahil sa misis mo. Pero hindi ito ang buhay para sa’yo. Bakla ka, Vlad. Kahit magkaanak ka pa ng sampu, hindi mababago no’n na bakla ka. Hindi ka para sa babae. believe me, narananasan ko nay an sa pag-aakalang pag nag-asawa at nagkaanak na ako, mababago ang lahat, pero patuloy akong bumabalik sa totoong ako. Babalik ka rin sa totoong ikaw. Kaya please, let’s go. I’ll wait.”

                She silently ended the call and placed the cellphone on the bed side again. Confirmed ang hinala niya.  Someone was trying to get her hubby from her at hindi siya makakapayag na ganon-ganon na lang yon. Maaaring mahal nga siya ng asawa niya pero pag ganitong may ahas na bumubulong, maaaring mag-iba ang isip ng asawa niya tungkol sa pinangarap nilang pamilya. And that’s the worst thing ever. She pulled of the cabinet at got a note pad and ballpen. Nag-iwan siya ng note sa asawa na sasaglit lang siya sa simbahan para mag-alay ng dasal para sa kanyang panganganak sa mga susunod na buwan. Pagkatapos ay nagbihis na siya at umalis ng bahay.

                Hawak niya sa kamay ang necklace ni Christian habang naglalakad papunta sa pavilion na meeting place ng asawa niya at ng ahas na ex nito.  Habang papalapit siya sa lugar na yon ay nabubuo sa puso at isipan niya ang tapang para ipagdamot ang asawa niya sa kahit sinong may tangkang umagaw, babae man o lalaki. 

                Finally, nakarating din siya sa pavilion. Naabutan niya doon ang pakay.

                “Excuse me. Ikaw ba si Christian?”

                Lumingon ito at seryosong hinarap siya, ni wala man lang bahid ng takot o pagkabigla. Mukhang wala talaga itong pakialam kung makasira man ito ng pamilya. What a heck?!  

                “Yes? And you are Vlad’s wife I guess.”

                “Yes, I am.” Binigay niya dito ang kwintas. “May konti lang akong sasabihin sa’yo Christian. Mahal ko ang asawa ko. Hinding-hindi ko siya ibibigay sa’yo. At sigurado akong mahal din ako ng asawa ko at kahit anong kademonyuhan ang ibulong mo sa tenga niya, hindi ka niya papakinggan.  Hindi ko hihilingin na magkaroon ka naman ng hiya sa akin. Babae ako lalaki ka, anong maibibigay mo sa kanya ng higit sa kaya kong ibigay? Wala, Christian. Kung hindi ka nahihiya sa sarili mo, mahiya ka naman sa asawa’t mga anak mo at sa baby na ito nasa tiyan ko.”

                “Gaano ka kasiguradong mahal ka ni Vlad? It is very easy to say I love you, dearie.”

                Impaktang baklitang ‘to! Pasalamat ka buntis ako kung hindi naku! Ingungudngod ko ang fezlak mo sa damuhan! “Nakikita mo ba ang tummy ko?  This baby is a proof of how much he loves me.  Kung minahal ka man niya noon, nakaraan na yon. At please lang wag na wag ka ng babalik. Kung gusto mong umalis sige lang, gumora ka hanggang Pluto pa. Wag mo lang masama-sama ang asawa ko sa kalokohan mo.”

                “Iyon lang ang proof mo?” Kinuha nito ang cellphone and few minutes more she heard the familiar voice of her husband.

                “Oo, minahal kita, hindi ko alam kung mahal pa kita. At madalas kitang maalala.”

                Natigilan si Amhiela. Sigurado siyang boses ng mister niya iyon. Pero pumasok din sa isip niyang ginugulo lang ni Christian ang defenses niya. “Sa’yo na rin galing, Christian. Medaling magsabi ng I love you. Alam kong ako ang pinipili ng asawa ko dahil kung ikaw ang pinili niya, hindi sana siya natutulog ngayon sa bahay at walang pakialam sa’yo.”

                “Bahala ka sa pinaniniwalaan mo. Pero sinasabi ko sa’yo, bading ang mister mo. At kahit anong mangyari hindi siya magiging lalaking-lalaki dahil lang sa’yo kahit gaano nyo pa kamahal ang isa’t isa.”

                “Bahala ka rin sa buhay mo. At kahit anong gawin mo, hindi ko ipapaubaya sa isang tulad mo at kahit kanino ang asawa ko. Umalis ka na. Nagsasayang ka ng oras mo, hindi darating si Vlad dito.”

                “Hihintayin ko pa rin siya. At kahit anong sabihin mo rin, hindi ikaw ang magdedesisyon para sa aming dalawa ng asawa mo.”

                Napapikit siya ng mariin para maiwasang hatakin ang buhok nito at masabunutan ng bonggang-bongga. “Ganyan ba talaga kasama ang ugali mo?”

                “Hindi, ganito lang ako magmahal. Maswerte si Vlad at may asawa siyang tulad mo na handing ipaglaban siya.”

                Napa-irap siya. How could someone did crazy things just because of love? “Which reminds me na dapat ko palang alamin ang  number ng asawa mo.”

                “At bakit?” kunot-noong tanong nito.

                “Tuturuan ko siya kung paano ka ipaglabanang mister niya. Good luck sa paghihintay mo.” She turned away and walked.

                Nagsunod-sunod ang pagpatak ng luha niya habang naglalakad palayo. Hindi  tanggap ng puso niya ang narinig mula sa cell phone ni Christian. Gusto niyang magwala, gusto niyang tumakbo pero hindi pwede sa condition niya. All this time, Vlad was still thinking of other guy. Tama nga siguro si Christian. Kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya kayang baguhin ang katotohanan na isang bading si Vlad.  Masakit lang talagang tanggapin na ang kaagaw niya sa puso nito ay isang lalaki.  Dahil sa kalituhan ng isip niya, tumuloy siya sa simbahan kung saan silani Vlad madalas magsimba. Ginugol niya  ang ilang minuto sa pagdarasal. Humingi siya ng gabay para maging mas matatag siya. Hindi niya isusuko kailan man si Vlad, ngunit mukhang hindi rin ito isusuko ni Christian. At kung sakaling si Vlad naman ang sumuko sa kanya, wala siyang magiging laban.     

                Tears fell from her eyes. Hinawakan niya ang kanyang tummy. “Baby sana ipaglaban tayo ng ama mo.” Pinawi niya ang sariling luha nang may mag-abot ng panyo sa kanya. Agad niyang binalingan ang nag-offer. “Aaron…”

                Hinawakan nito ang kamay niya at  pinahawak sa kanya ang panyo. “Sabi ng nanay ko hindi daw dapat umiiyak ang buntis.”

                “Dahil baka may mangyaring hindi maganda sa buntis?”

                “Hindi. Papanget daw kasi ang baby.”

                Napangiti siya. “Siraulo ka. Kamusta?”

                He smiled. “Gwapo pa rin kahit haggard.may problema ba?”

                Napatingin siya sa altar. Doon din sa simbahang iyon sila kinasal ni Vlad. “Aaron kung may nagtangkang umagaw sa taong mahal mo, anong gagawin mo?”

                “Wala.”

                “Wala? Bakit?”

                “Wala akong ititira sa mang-aagaw. Pipinuhin ko siya na parang harina at isasaboy kong pakain sa isda sa dagat. O kaya naman ay ihahalo ko sa sementong gagamitin sa pagpapagawa ng musuleo niya.”

                Napakunot ang noo niya. Sa dinami-dami ng pwedeng makausap, bakit itong elyen na ito pa? “Yung seryoso naman!” Sinamaan niya ito ng tingin.   

                He smiled. “But kidding aside, I will fight if my love wants to fight with me. Pero kung siya ang susuko sa akin, papalayin ko na lang siya.”

                Damn right. Tama ang desisyon niyang ipaglaban si Vlad kahit anong mangyari, kahit napakasakit, kahit magmukha siyang tanga.  Dahil iyon para kay Amhiela ang love… something she will fight up to her last breath.

                “Salamat, Aaron.” Her phone rang. Tumatawag na si Vlad. Kailangan na niyang umuwi bago ito magalit. She declined the call. “Mauna na ako. Kailangan ko ng umuwi.”

                “Ihahatid na kita. On the way naman ang bahay nyo sa daraanan ko. Mainit ang sikat ng araw, makakasama kung maglakad ka pa ng malayo.”

                Hindi na siya tumanggi dahil pagod na rin naman siya. Baka mapasama nga ang baby niya kung magbabyahe siya.  Few minutes lang ay huminto na ang kotse sa tapat ng bahay niya. Lumabas ng kotse si Aaron at pinagbuksan siya ng pinto.

                “Salamat, Aaron.” Bumaba siya ng kotse. “Ingat ka ha.”

                “Yeah, Congrats again para sa baby nyo ni Vlad.”

                “Salamat.”

                Pumasok siya sa bahay. Agad siyang sinalubong ni Vlad. Seryoso ang mukha nito. Gumuhit ang sakit sa puso niya nang maalala ang pag-uusap nila ni Christian.  Bakit ganito kasakit marinig na may feelings ka pa sa bading na yon?

                Humalik siya sa pisngi nito at hindi nagpahalata sa nararamdaman niya. “Kumain ka na ba? Iniwan ko ang lunch mo sa mesa. Nakita mo ba?” 

                “Biglaan mo lang naisip magsimba.”

                “Ahm, kahapon kais hindi ako nakapag-alay ng kandila para sa panganganak ko.  Mag-isa lang naman akong nagpunta sa simbahan.”

                “Mag-isa? Driver mo lang si Aaron? Saang simbahan kayo nagpunta? And why the hell are you trying to tell lies on me?” May himig ng sama ng loob ang pagkakasambit nito.

                “It’s not what you think. Nag-offer lang ng ride si Aaron at dahil wala naman akong dalawang sasakyan, hindi ko na tinanggihan ang  offer niyang idaan ako dito sa bahay natin. Hindi din naman kasi ako pwedeng sobrang mapagod dahil sa baby.”

                “Do you think,  I’ll buy that? Tinatawagan kita para masundo kita pero hindi mo sinagot.  Ganon na nga ang ginawa mo sa akin, pinakita mo pang may ibang taong naghatid sa’yo. Ano ba to, Ayen? Ano bang gusto mong palabasin? Are you having an affair with that model in the middle of pregnancy?”   

                Hindi niya napagilang sampalin ito. “Ganyan kababaw ba ang tingin mo sa akin, Vlad? Wala akong ginawa kundi ang mahalin ka lang. Andaming lalaki diyan na pumoporma sa akin noong dalaga pa ako. Hindi ko sila pinapansin dahil sa’yo. Dahil ikaw lang ang ginusto ko mula noon. Ikaw ang gusto kong pasayahin, pagbuhusan ng atensyon, mahalin ng buong-buo. At ikaw rin lang ang pinangarap kong magpapasaya sa akin, pagbubuhusan ako ng atensyon, at mamahalin ako ng buong-buo. Tapos pagbibintangan mo akong may affair?” Umupo siya sa sofa. Sumunod ito pero hindi ito umupo sa tabi niya, nanatili itong nakatayo.

                “Anong gusto mong isipin ko? Natulog lang ako, umalis ka agad. Sabi mo sa simbahan ang punta mo pero bigla ko na lang makikita na may ibang lalaking naghatid sa’yo. I’m calling you, hindi ka sumasagot. Iniiwasan mong malaman na may kasama kang lalaki? Saan ka talaga galing?” tumataas na ang tono nito na kinaiinis niya.

                “Sige sasabihin ko sa’yo ang totoo. Nakipagkita ako kay Christian. Alam ko na ang tungkol sa affair nyo. Wala akong affair sa iba. Ikaw ang kumpirmadong meron! Ikaw!” Binato niya ito ng throw pillow.

                Natigilan ito. Bakas sa mukha nito ang magkahalong takot, kaba at pagkabalisa. Sinalo lang nito lahat ang unan na binato niya. An act of receiving the punishment for being guilty. Tears fell from her eyes.

                “Wala akong affair sa kanya. Oo nagkikita kami. Oo niyaya niya akong lumayo, iwan ka, piliin siya pero hindi ko ginawa kasi mahal  kita. Mahal ko kayong mag-ina ko.” Nakita niyang tumulo ang luha nito. “I’m sorry kung naging impulsive ako kanina. Nagselos lang naman ako. Takot akong iwan mo ako at ipagpalit mo ako kay Aaron o kahit sinong lalaki na nakakasalamuha mo. Kasi kahit baligtarin natin ang mundo, hindi mababago ang katotohanan    na kulang ako… kasi bakla ako.”  

                 “Kahit kelan hindi ko naisip na  kulang ka. Pero hindi ko matanggap na pilit mong itinago sa akin ang tungkol sa kanya. Totoo bang mahal mo siya? Na iniisip mo siya habang magkasama tayo?”

                Natahimik ito.  It took him few seconds more before he was able to answer. “Minsan naiisip ko siya. Kung ano ang buhay ko kaya kung siya ang kasama ko, kung hindi kita pinakasalan. Pero hindi  ibig sabihin noon,  pinagsisihan ko ng magkasama tayo.” Lumapit ito sa kanya at lumhod sa harap niya habang siya ay nakaupo at umiiyak lang.  He held her hands. “Look at me, Amhiela and read my eyes.”

                Napilitan siyang balingan ito. There were lots of emotions reflected in his eyes. “Mahal mo ba talaga ako?”

                “Mahal na mahal kita, Ayen. Kung anuman ang narinig mo sa pag-uusap naming ni Christian it was just part of  the picture. Sinabi ko  sa kanyang wala siyang aasahan sa akin dahil hinding-hindi kita iiwan. Wala akong planong puntahan siya. Wala akong pakialam sa kanya. All I care in the world right know is you and our baby. Oo, bakla ako, at hindi na ako maalis sa pagiging bakla ko, pero hindi ibig sabihin no’n hindi ko kayang magmahal ng babae ng totoo. I’m sorry kung nasaktan kita.”

                “Di ko na alam, Vlad. Di ko alam kung maniniwala pa ako sa’yo.  Tama si Christian. Madali ang magsabi ng I love you pero anong assurance kong mahal mo talaga ako o sinasabi mo lang yan dahil wala ka ng choice dahil asawa mo ako, magkakaanak na tayo?”

                “Di mo ba nararamdaman kung gaano kita kamahal?”

                “Talung-talo ako kung damdamin ko ang pakikinggan ko.”

                His phone rang. Nakita niyang nagbago na naman ang facial expressions nito nang Makita kung sino ang tumatawag. Hindi na niya kailangang manghula. Alam niyang si Christian ang tumatawag.

                Tumayo na siya. “Iempake ko ang gamit mo. Sumama ka na sa kanya, kung yon ang magpapasaya sa’yo.”

                Pumanhik siya sa kwarto nila. Kinuha niya ang maleta at inisa isang tiklupin ang  mga damit nito at  nilagay sa maleta.

                “Stop it Amhiela! Hindi ako aalis. Hindi ako sasama sa kanya. For God’s sake! Sa’yo ako masaya. Sa’yo lang ako magiging buo. Wag mong gawin sa akin ‘to, Ayen!”

                “Hindi ka titigilan ng lalaking yan hangga’t di ka sumasama sa kanya.”

                “You’re giving me up?”

                “No. But I’m helping you to decide.”  Tiniklop uli niya ang nahagip ng tshirt at inilagay sa maleta.

                “Wait!” he shouted. “Look, nakapagdesisyon na ako noon pa and my decision is to stay here. Whether you like it or not, I’ll stay at your side. Kahit ipagtabuyan mo ako, itulak mo ako palayo. Punish me if you want but you will never be able to throw me away from you and my baby.” Inagaw nito ang maleta  sa kanya.  “Ako ang padre de familia dito at desisyon ko ang masusunod. Ilang beses ko ng sinabing ikaw ang pinili ko, na mahal na mahal kita pero sa tingin ko, hindi ka naniniwala. Kasalanan ko rin naman ang lahat kasi bakla ako… I will never be your ideal husband at all. Sorry,  you married someone that is not really worth it.”

                Natahimik siya. Hindi nga ba ito worth it para sa kanya? Suddenly her mind went blank. “Maybe, I need time to think. We actually need time to clear our heads. Kung ayaw mong puntahan siya, ipagpapasalamat ko yon sa’yo. I’m glad, ako at ang baby natin ang pinili mo.   But I think something will change after this. I don’t know if I can still continue to love you at all.” She walked out of his room. 

                 Sa kabilang kwarto siya nagkulong at doon na rin niya naisipan na magpalipas ng gabi. Ayaw na muna niyang makita si Vlad. Ang lahat ng nangyari sa araw na iyon ay tila napakabigat sa kalooban niya. Naalala niya ang kanyang ama. Bilin nito na humanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya ng lubos. Dati, masaya siyang si Vlad ang minahal niya despite of his preference ay  hindi ito nagkulang sa kanya. Ngunit ngayon, hindi na siya sigurado.

                Marami siyang iniisip. Paano kung maulit ito at this time si Vlad na mismo ang makipagkalas sa kanila dahil may affair ito sa iba? Paano kung bigla nitong ma-realize na hindi pala nito gustong maging ama at asawa sa kanila tulad ng nangyari kay Christian? Paano kung bigla siya nitong iwan sa ere? Ang mga takot na yon ang nagsilbing pader sa pagitan nilang dalawa.

                Naputol ang pagninilay-nilay niya nang may kumatok. Ang kulit talaga sabi ng ayoko ng kausap! Nilingon niya ang pinto pero hindi siya nag-abalang tumugon. Mas mabuti kung isipin ni Vlad na tulog siya. Na-curious lang siya nang may lumusot na papel mula sa maliit na butas sa ilalim ng pinto. 

                May nakasulat sa papel : Kahit anong mangyari, hindi ko makakalimutan ang pinangako ko sa altar…

                It was followed by another paper: na wala kong aalagaan, pagsisilbihan, pasasayahin… 

                And another paper: at mamahalin ng buong buo…. kundi…

                And another one: Ikaw lamang.

                And the last one:  Dito lang ako sa labas ng pinto….maghihintay sa’yo.


                Tears fell from her eyes. But this time, hindi na siya nasasaktan. Nanalo na ang pagmamahal sa puso niya. Tinunaw ng mga salita at pangakong iyon ang lahat ng takot, galit, at pangamba na naramdaman niya kanina.  Walang mababago. Mahal niya pa rin ito.

                Binuksan niya ang pinto. Nakita niya si Vlad at napahagalpak siya ng tawa. Suot nito ang tuxedong ginamit noong kinasal sila. Okay  na sana kung hindi lang niya napansing naka-shorts lang ito.

                “Bakit di ka man lang nagpantalon?”

                “Hassle ang slacks ko e.” Iniabot nito ang wedding gown niya. “Kung handa kang ayusin natin ang lahat at magsimulang muli, isuot mo uli ang gown mo. Babalik tayo sa past kung kelan ko binitawan ang lahat na atang pangako na pwedeng ipangako ng isang cute guy sa isang cute girl.”

                “Hindi na ‘to kasya sa amin ni baby.” Sa halip ay niyakap na lang niya si Vlad.  He lovingly embraced her back. “Mula ngayon wala ng secrets  ha. Wag ka ng makikipagkita sa Christian na yon. Itatali kita sa kama pag naulit pa yon.”

                “Wala na, at hinding-hindi na. Ayokong mawala ka sa akin. Kaya  ko lahat pero hindi ang mawala ka sa akin Ayen.   I love you so much and I hope you believe on it. Gagawin ko lahat to regain your trust and your love for me. Just please hold on, and let me prove you that I am worth it to love.” He kissed her forehead, her nose and claimed her lips with a quick kiss.  

                “I’m not selfish to deprive you from having a second chance.”

                “Salamat, Ayen.” 


PREVIOUS                                                                           NEXT

Comments

Haffle :)) said…
Ganyan nga vladdddd! Weee! At yung christian na yon ipapasagasa ko na talaga! ahahaha Loves ko talaga si amhielaaaaaaa <3
kimy said…
waaa....my gawd ang sweet ni vlad!kahit bading payan kng gnyannka sweet,kbait at kayaman yan gora lang!!!haha
kiz said…
masyado akong kinilig to think na bading nga pala yung nagsasalita don. hahaha.

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…