Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing- Chapter Eight




Nagulat si Amhiela nang mag-iba ng way pauwi  ang sinasakyan nilang kotse ng mister niya. “Ah, Vlad, saan tayo pupunta? Sa kabilang way ang papunta sa bahay mo di ba?”

                Kagyat lang na binalingan siya nito at nginitian pagkatapos ay binalik sa pagmamaneho ang atensyon.  Katatapos lang ng kanilang kasal at on their way na sila pauwi, still on their wedding outfits.  Hinawakan ng kanang kamay nito ang kamay niya at hinalikan yon.

                “Uuwi tayo sa bahay natin at hindi sa bahay ko. Oh here we are!” 

                Nag-park ang kotse sa tapat ng isang may kalakihang bahay. Bumaba si Vlad  at pinagbuksan siya ng pinto. Inalalayan na rin siya nitong makababa ng kotse.

                “Welcome to our new house, Mrs. Cerio!”

                “A-atin ‘to?” Hindi pa rin siya makapaniwala na bumili ito ng bahay para sa kanilang pamilya.

                “Oo, binili ko ito noong naging tayo. Ewan siguro noon unconsciously alam kong magiging misis kita.” Hinawakan nito ang kamay niya at tinitigan siya ng buong pagmamahal. “I love you so much, Ayen… my Mrs. Cerio.”


                “I love you so much, Vlad!”  

                He leaned down and claimed her lips. Pagkatapos noon ay nginitian siya nito. “Tara, pasok na tayo.” Dahan-Dahan siya nitong binuhat, taking good care of the four months baby on her tummy.  “Sunod tayo sa tradition para maging masaya tayo habambuhay.”

                Napangiti na lang siya nang kumapit siya sa balikat at leeg nito. Hndi siya nito ibinababa hanggang sa makarating sila sa kwarto.  Their room has a simple interior, perfect para mag-asawa ang design. It’s romantic, cozy and relaxing. Pagpasok nila ay agad niyang napansin ang piano sa opposite side ng kama. Nakatabi ito sa glass wall. “Okay na siguro dito. Ibaba mo na ako.”

                “No, sa kama daw dapat.” Maingat siyang inihiga nito sa kama. Pagkatapos ay mataman siyang tinitigan.  “I still can’t believe it. You’re my Mrs. Amhiela Catacutan-Cerio now. Noong tanggihan mo dati ang kasal, akala ko hindi na mangyayari ‘to.” He kissed her nose.  “I love you.”

                “I love you more, Vlad. Maraming salamat. Wag kang mag-aalala. I’m going to be the lovliest, sweetest, bestest, and the sexiest wife for you.”

                “Kasama talaga yong sexiest?” tatawa-tawang tanong nito.

                “Oo bakit ayaw mo? May reklamo ka?” pabirong pinagtaasan niya ito ng kilay.

                He moved closer to her face and let his nose touched hers. “Wala, sasabihin ko nga na ikaw na ikaw talaga yon. The perfect imperfectly wife.”

                “Vlad…”

                “Hmmm?”  

                “Magbihis na tayo, pagod na ako e. Gusto ko ng matulog.”

                Bumangon na rin ito at inalalayan siyang makabangon ng ayos.  Pumasok siya sa dressing room at nagbihis. Napangiti siya nang marinig niya ang piano. Vlad was playing a familiar David Pomeranz song. 

                Paglabas niya ang dressing room ay sinalubong siya ng matatamis na ngiti ni Vlad habang tumutugtog ito ng piano. She walked towards him. Umupo siya sa tabi nito.

                “You know how to play this song right?” tanong ni Vlad.

                “Of course, that’s the only piano piece I know.”

                “Then play with me.”

                Sinimulan niyang kapain ang tiklado ng piano. In her mere surprise habang sabay nilang tumutugtog ay kumanta ito.                

                “That I was born for you and that you were born for me. And in this random world, this was clearly meant to be. What we have the world could never understand or event ake away. And til the day I die, I bless the day that I was born for you… “

                Binalingan niya ito. He was caught in the act of lovingly gazing at her. Kilig na kilig na siya kaya hindi na niya napigilang mag-blush.  Napahinto na tuloy siyasa pagtugtog.

                “Hey, you’re blushing.” Niyakap siya nito. “Ang cute talaga ng misis ko.”

                “Tigilan mo na kasi ang pagpapakilig sa akin! Nakakainis ka!”

                Tumawa ito. “Sige, magbihis lang ako. Mauna ka ng magpahinga.” Tumayo ito at biglang napasandal sa piano. Nasapo nito ang noo.

                “Vlad?” Tumayo siya para alalayan ito. Agad naman nitong kumapit sa braso niya. “Anong nangyayari sa’yo?” Sinukob siya ng pag-aalala dito.

                “It’s happening again,” nanghihinang tugon nito.

                “Ang alin?”

                “Vertigo…”

                “What?” Inalalayan niya itong makahiga sa kama. Ngunit bago pa man sila makarating sa gilid ng kama ay tuluyan itong nawalan ng malay. “Vlad!”   


                MABIGAT ang pakiramdam ni Vlad nang maalimpungatan siya. Saka lang niya  naalalang nawalan pala siya ng malay. He was now lying on their bed. May naririnig siyang boses ng mga magulang niya sa labas ng silid. Bumaling siya sa kaliwa kung saan nakaupo sa tabi niya ang asawa. Nakasandal  ito sa head rest at matygang nag-abang na magkamalay siyang muli.

                Nang makita nitong gising na siya ay pumatak ang luha nito at yumakap sa niya.  Nag-alala siya dito.

                “Calm down, Ayen. Masama yan sa baby natin. I’m fine. Okay na ako.”

                Bumitaw ito sa pagkakayakap at binalingan. “Hindi ka okay. May multiple sclerosis ka. Hindi okay yon. Bakit di mo sinabi ang tungkol dito Vlad? Nakakapagtampo ka, nakakainis ka!” humikbi ito.

                “Okay lang ako, Ayen. Wala rin naman akong nararamdamang mali sa katawan ko kaya di ko na sinabi sa’yo. I’m sorry. Please, tahan ka na.”

                “Hindi ka okay. Paano ako magiging okay?”

                “Okay ako, Ayen. Look babangon ako.”  Dahan-dahan siyang bumangon.  Bakas sa mukha ni Ayen ang pag-aalala sa ginawa niya. “O see? Nakabangon ako. I’m fine.”

                “Vlad naman e!”   

                Niyakap niya ito. “Wag ka ng umiyak at masyadong mag-alala sa akin, Ayen.” He moved a little, kissed her forehead and wiped the tears from her eyes with his thumb.

                “Magpapagamot ka, Vlad ha.” He nodded. “Magpapagaling ka ha.”

                “Yeah, I will.”  Tinapik niya ang kama. “Humiga ka ng maayos, Ayen. You have to rest now.”

                “I have to take care of you first.” Kumapit ito sa kanya nang bahagya itong mahilo.

                 “Ikaw at ang baby natin ang  kailangang magpahinga, Ayen.” Dahan-dahan niyang inalalayan itong makahiga ng ayos.

                “Family mo nasa labas—”

                “Don’t worry about them. Alam na nila ang pasikot-sikot sa bahay.” He kissed her on lips at humiga na rin siya sa tabi nito. “Rest well, Ayen.”

                “I love you, Vlad.”

                 “Love you.”

                Pinagmasdan niya ito habang natutulog dala ang pag-aalala dito at sa sarili niya. Am I really sick?  Bakit sa dinami-dami ng pagkakataon ay ngayon pa siya tinamaan ng sintomas ng sakit na matagal na niyang alam na meron siya? Nakaramdam siya ng pagkahilo kaya pumikit na lang siya at sinikap makatulog.


                THREE months later. Amhiela was already on the seventh month of pregnancy. So far so good. Hindi na muling inatake ng vertigo si Vlad pero para makasigurado ay nagpa-undergo na rin ito ng medication.

                Kasalukuyan silang nag-aagahan. Vlad was ready to go to work habang siya naman ay naka-maternity leave na. When she got pregnant, she took herself away from action in wildlife photography. Natengga siya sa office sa Pontez para mag-manage ng photo-editing team.  Pero kinulit siya ng kinulit ng asawa na mag-stay na lang sa bahay kaya ang ending niya ngayon, plain housewife.

                “Ayen…”

                “Hmmm?”

                “Since alam na nating babae ang baby natin, pwede na ba akong magpanic buying ng baby stuffs?”

                Napatawa siya. “Panic buying talaga? Grabe ka naman.  Sige, mamili na tayo.”

                “Excited na kasi ako e. Sasama ka? Baka mapagod ka lang don.” Hinawakan nito ang kamay niya.

                “Kailangan ko rin namang maglakad-lakad para hindi ako mahirapang manganak. Bakit?  Ayaw mo akong kasama?”  naglungkut-lungkutan siya.

                He pinched her nose. “Kung pwede ngang di na umalis sa tabi mo e hindi na ako aalis. Sige after work ko, sunduin kita dito ha. Mamimili na tayo.”

                “Ayeee! Sige hintayin kita mamaya ha.”

                Nag-ring ang phone nito. Tila nagbago ang facial expression nito nang makita kung sino ang tumatawag. Hinawakan nito ang cell phone pero muling ibinalik sa mesa at hinayaan na  lamang mag-ingay.

                “Sino yan? Bakit di mo sagutin?”

                “Ah, h-hindi naman importanteng tawag.” Nagsalin ito ng kanin sa plato niya. “Kain ka pa, Ayen.” His phone rang again. Natigilan ito at napatingin uli sa cell phone at saka muling pinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain sa plato niya.  “Kailangan palagi kang full para hindi nagugutom ang baby natin.”

                “Sino ba yan? Sagutin mo na at baka importante naman. Nag-iingay lang iyang cellphone mo. Mauubos lang ang battery niya sa kaka-ring.” Dinampot niya ang cell phone nito.

                “Ayen—”
                Nakita niyang Christian ang pangalan ng tumatawag. “Sinong Christian, Vlad?” Ibinalik niya ang cellphone sa mesa nang tumigil ito sa pag-iingay. Binalingan niya si Vlad. Naka-concentrate ito  sa pagkain at tila biglang naging balisa. “Okay ka lang?”  Hinaplos niya ang pisngi nito, dahilan para bumaling ito sa kanya.

                Ngumiti ito. Hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito. “Oo naman.”

                Bumalik na rin siya sa pagkain. “Okay, so sino si Christian?”

                “Ah, w-wala yon, Highschool batchmate, nangungulit sa reunion e hindi naman ako pwede.”

                “Hindi ka pupunta sa reunion nyo?”

                 “Uunahin ko pa ba yon kesa sa panganganak mo? Dito lang ako sa tabi mo.” He smiled.  “Mas kailangan mo ako kesa kailangan niya ako,” pabulong na sambit nito.  

                “Ha?”

                “Ang sabi ko mas kailangan mo ako kesa kailangan nila ako don.” Tumayo na ito. “I have to go at mahuhuli na ako sa trabaho. “  He kissed her. “See you later, Ayen. Love you.”

                “Teka! Gumawa ako ng sandwich, baunin mo.” Tumayo siya at kinuha ang binalot niyang sandwiches para dito.

                “Wow, ang sweet talaga ng misis ko. Salamat dito.” He kissed her again.

                Nangingiting inihatid niya ito ng tingin. Ayeee! Kinikilig pa din ako! Waaaah!  Kundi lang siya buntis, baka kanina pa siyang nagtatalon sa kilig.
               

                “WHAT THE hell are you doing, Christian?” singhal ni Vlad dito. Ilang beses siyang sinusubukang tawagan nito mula pa kaninang nasa bahay pa lang siya. Ayaw siyang tigilan kaya naman napilitan din siyang sagutin iyon.  At ang ending napilitan din siyang makipagtagpo dito. “Naiintindihan mo ba yang sinasabi mo?”

                Kasalukuyn silang nasa pavilion, kung saan sila huling nagkita.

                “Vlad, ilang taon ko ng niloloko ang sarili ko. Sinasabi kong mahal ko siya. Pero ang totoo, ikaw lang naman ang minahal ko. Things get clearer when I saw you again here after so many years.”

                “Christian, walang mababago kahit paulit-ulit mong sabihin iyan! May anak ka, may asawa, hindi mo ba sila mahal? May asawa na rin ako, at magkaka-baby na rin kami. Magkahiwalay na ang buhay natin.”

                “Mahal ko sila, pero mahal din kita.”

                “Hindi tamang dahilan yan!”  Nasapo ni Vlad ang noo sa pagtitimpi. Kung hindi lang siguro niya nauunawaan  si Christian ay baka nabigwasan na niya ito kanina pa. He was suggesting an escape. Siya at ito, tatakas sa responsibilidad ng pagpapamilya at magsasama.

                “Hindi rin tama ang lokohin natin ang ating mga sarili, Vlad.”

                “Wala akong niloloko, Christian!” He looked at him intensely. “Look, kung may problema ka sa sarili mong pamilya, problema mo na yon. Mahal ko ang asawa ko. At hindi ko siya iiwan para sumama sa’yo. You know what? This talk is useless.”  He turned his back.  Kalokohan ang iniisip nito. Mas gugustuhin niyang mamatay kesa iwanan ang mag-ina niya.

                “Ang necklace.”

                Napahinto si Vlad sa paglalakad. 

                “Iniwan ko yon dito. Kinuha mo yon di ba? Kasi importante ang necklace na yon sa ating dalawa kaya pinulot mo kahit may pagkakataon naman na balikan ko yon. Kasi pareho tayo ng nararamdaman dib a? Sige, Vlad ngayon mo sabihin hindi mo ako minahal. Ngayon mo sabihin hindi mo na ako mahal.”
    
            Pumikit siya ng mariin. “Oo, minahal kita, hindi ko alam kung mahal pa kita. At madalas kitang maalala. Masaya ka na?” He continued walking away from him. “Sa masabi ko yan, walang mababago. Pinipili ko ang mag-ina ako. Mabuting asawa at mapagmahal ang misis ko. Sila ang pamilya ko at hinding-hinding magiging ikaw.”

                “Vlad, maghihintay ako sa’yo sa susunod na linggo,” he shouted.  

                “Maghihintay ka sa wala, Christian. Hindi ko iiwan ang mag-ina ko. Hinding-hindi ako tulad sa’yo,” sambit ni Vlad sa sarili.


                “O KAMUSTA naman ang buhay?” tanong ni Belle.

               “Eto buntis!” pilosopong sagot ni Amhiela.

                “Ako feeling buntis!” Umagaw pa si Tomomi sa manggang kinakain niya. “Nakakainis ka naman kasi Amhiela.  Nauna akong ikinasal pero nauna kang magka-baby.”

                “Eh di gumawa na kayo ng donkey mo,” sabat ni Maylee.

                “Yon e kung magkita pa sila. Palaging nasa trip around his own world yon di ba?” hirit ni Camille.

                “Wag nyo ngang ipaalala yan. Kahit ganon ang asawa ko, sweet siya at love na love niya ako,” depensa ni Tomomi. “At saka hindi ako ang bida dito, kundi ang future baby ng barkada.”

                Baby shower ng baby girl nina Amhiela at Vlad. At mga kaibigan at pamilya lamang ang andon. Kanina ay ang Karisma Band ang kakuwentuhan niya. At ngayon namn ay ang mga tropa niya. Naghiwalay silang mag-asawa para maasikaso ng ayos ang lahat ng bisita.

                “Buti ka pa friend, palaging nakadikit sa’yo ang kapatid ko. Sweet pala ang lokong yan ano?”

                Tinawanan lang niya ang sinabi ni Tomomi. “Ewan ko nga ba sa lalaking yan. Pinapahaba ng bongga ang hair ko. Ngayong magkasama na kami sa bahay, ngayon ko lang talaga siya mas nakilala ng husto. Mas lalo nga siyang sweet e.”

                “Naku, super sweet kamo? Bantayan mo siya, friend. Kasi di ba sabi nila pag super sweet ang lalaki, may ginagawang milagro—aray!”

                Sinabunutan ni Belle si Maylee. “Sira ka talaga. Wag kang BI sa bagong kasal.”

                Napatingin lang siya kay Vlad na nasa di kalayuan. Naaala niya ang eksena nila noong isang araw habang nag-aagahan sila. Sino nga ba ang Christian na yon? Hindi siya nag-aalalang baka may babae ito. Mas natatakot siyang ipagpalit siya nito sa lalaki…bagay na hindi naman niya mai-share sa mga kaibigan.

                Naramdaman na ata ni Vlad na nakatingin siya dito kaya saglit na nagpaalam ito sa mga kakwentuhan at nilapitan siya. Agad itong  umupo sa tabi niya.

                “Bakit mo sila iniwan don?” tanong niya.

                Hinaplos nito ang pisngi niya. “Kasi hinihila na ako ng misis ko sa mga titig niya. Bakit ka ba  nakatingin kasi ng ganon sa akin? Wag masyado Ayen. Ikaw rin, mawawalan ka ng share sa face value ng baby natin. Magiging kamukha ko yan ng buong-buo.”

                Nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Kung ganon ang malas naman ng baby at kapatid ko pa ang kamukha,” pang-aasar ni Tomomi.

                “Ate ha, pag nagka-baby ka ipapanalangin kong kamukha ko rin para di mo na ako asarin,” sagot ni Vlad.  Hinawakan nito ang tummy niya. “O di ba baby?  Pag lumabas ka na wag kang sasama kay Tita Omi ha, adik kasi yon!”

                A bunch of laughs again.

                “Sa akin ka lang sasama ha at kay Mommy.”

                Napapangiti na lamang si Amhiela. Bakit ko nga ba pinag-iisipang ipagpapalit mo ako ngayong kitang kta ko kung gaano mo kami kamahal ng baby natin? Nahinto siya sa pagmumuni-muni ng sumipa ang bata. Napasinghap siya dahil medyo napalakas ang  sipa ng baby.

                “Sumipa siya.” Binalingan siya ng asawa niya. “Masakit ba?”

                “Try nating sipain ka sa tiyan tapos tatanungin kita kung masakit,” pilisopong sagot niya.

                He pinched her nose. “Supladang buntis. You have to rest now, Ayen.”

                Nagpaalam na siya sa mga bisita at sumama na lang dito nang dalhin siya nito sa kanilang silid. Inalalayan niya itong makahiga ng ayos. Kinumutan din siya nito. 

                He kissed her lips. “Text or call me, if something goes wrong ha. Ako na ang bahala sa mga bisita, hihintayin ko lang silang lumayas at babalik ako agad.”

                “Sira ka talaga. Wag kang mag-iinom ha.”

                Itinaas nito ang kanang kamay sa anyong panunumpa. “Hindi ako iinom promise.” He leaned down again and claimed her lips. “Be back okay.  I love you.”

                “I love you,” tugon niya with her sweet smile.

                Nakangiti pa rin siya kahit nakalabas na ito ng silid hanggang sa hilahin na rin siya ng pagod at antok. Kalagitnaan ng gabi ay naalimpungatan siya. Wala pa rin si Vlad sa tabi niya. Malamang ay may bisita pa sila. Bumangon siya para mag-banyo. Nang makalabas ng banyo ay may napasin siyang kwintas  na nakapatong sa book shelf. Kinuha niya yon. Hindi kasi yon familiar sa  kanya.  Sinilip niya ang pendant.

               Natigilan siya. Names Vlad and Christian were engraved in the necklace. Nanlambot siya sa natuklasan.  May affair ba si Vlad sa Christian na to? Agad niyang itinago ang kwintas nang maramdaman niyang may paparating. Few seconds more, binuksan ni Vlad ang pinto.

                Agad siya nitong nilapitan at inalalayan nang makita siya nito. “Bakit gising ka?” nag-aalalang tanong nito.

                She pretended to be alright. “Nagbanyo lang ako. May  bisita pa?”  Humiga na siya sa kama at padapa ding humiga ito sa tabi niya.

                “Wala na, kakaalis lang. Nakakapagod pero sulit di ba? Marami ng excited para kay baby Ayen Mirasol.”

                “Vlad…” Nag-alangan si Amhiela kung kakastiguhin na ba niya agad ang asawa. Naisip niyang baka naman nagkakamali siya at naging malisyosa lamang siya.  May necklace nga, malisyosang pag-iisip lang ba yon?

                “Hmmmm,” sagot nito. Mukhang pagod na pagod na nga ito.

                Wrong timing. Next time na lang niya ito kakastiguhin. Hahanap muna siya ng pruweba. “Magpalit ka na at matulog ka na.”

                   Bumangon ito at niyakap siya. “Alam mo napakasarap ng feeling na kino-congrats nila ako kasi magiging tatay na ako. Lalo akong na-excite sa paglabas ni baby. Salamat, Ayen. Kinumpleto mo ang buhay ko na dati pakiramdam ko palaging kulang.”

                “Puyat lang yan, Vlad.”

                “Seryoso ako. Masaya akong naging misis kita.”

                Hinarap niya ito at tinitigan. Pinawi ng mga salitang yon ang pagdududa niya kanina. “Masaya din ako na ako ang pinili mong maging misis.”

               Sabay silang napahikab at napatawa.

                Kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya at bumaba ng kama. “Magbibihis na ako, matulog ka na uli.”  He kissed her forehead before he took his steps toward the dressing room.


                  Nakapa ni Amhiela ang kwintas sa bulsa niya. Ano nga kayang ibig sabihin ng kwintas na to? Litong-lito siya. Ramdam niya ang pagmamahal ng asawa sa kanya ngunit tuwing sumasagi sa isip niya ang posibilidad  na may ginagawa ang asawa na hindi niya alam ay nawawalan siya ng kumpyansa sa pagmamahal nito sa kanya.  I have to do something.




PREVIOUS                                                                     NEXT

Comments

Haffle :)) said…
san ba nakatira yang christian na yan at ng maipa-salvage! Dakilang epal ang drama! Hahahahaha. Ihhhhhh! Galingan mo Amhielaaaaaa! :)))) wooot! next na!
kiz said…
amppppppppp.. pakisako si Christian pleaseeeee. HAHAH. next na poooo :)

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…