Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing -Chapter Seven



Abala ang isipan ni Amhiela sa napakaraming bagay habang hinihintay na makarating sa seventh floor ang elevator. After niyang makuha ang pregnancy test result sa hospital ay agad siyang dumiretso sa Keithan Apparels para puntahan si Vlad.

Anong mangyayari ngayong buntis ako? Kaya ko ba? Magiging single parent ba ako? Panagutan niya kaya ako?  

Dalawang beses pang naulit ang contact nila ni Vlad matapos ng  una nilang make love scene nang maging officially on sila.  And the last one brought a baby in her tummy. Excited siya at masaya na magiging ina na siya. Ngunit kaakibat noon ang takot. Ngayon magkaka-baby na sila ni Vlad, hindi na siya sigurado sa magiging estado ng relasyon nila. Ayaw niyang maging excuse ang upcoming baby para matali ito sa kanya.

Ang indicator sound ng elevator na nagsasabing nasa tamang floor na siya ang gumising sa kanyang pagmumuni-muni. Bumuntong-hininga siya at naglakad papasok sa office ni Vlad.  Aagad siyang pinatuloy ng secretary nito nang hindi na pinapaalam kay Vlad ang pagdating niya.


Naabutan niya itong pumupuslit ng pagtulog habang nakasandal  sa swivel chair nito. Dahan-dahan siayng lumapit at binigyan ang sarili ng pagkakataong pagmasdan ito. Will you be happy if you found out about the baby? Masyado ng napaparaning si Amhiela. Iniisip niyang hindi magiging Masaya si Vlad…or worst, mag-pretend itong masaya, panagutan siya, pakasalan siya, paniwalain siya pagkatapos ay ma-discover niyang napilitan lang ito dahil sa bata.  Iniisip pa lang niya ang  worst scenario na yon ay naiiyak na siya.

Mukhang malalim ang pagkahimbing ni Vlad dala na rin siguro sa pagod sa trabaho at the same time ay kabi-kabilang shows.  Nakita niyang pinagpapawisan ito kaya kumuha siya ng panyo para punasan ang noo nito. That’s when she found out that he has fever.

“Vlad?” Ikinulong niya ang kanyang palad sa pisngi nito. 

Umubo ito at  nagising. “Ayen, anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa?”

“Nilalagnat ka. Bakit hindi mo sinabi sa akin?” bagkus ay patanong din niyang tugon.

“Lagnat-laki lang naman ito.” Hinawakan nito ang kamay niya. “I’m fine. Nakainom na rin naman ako ng gamot. So bakit bigla kang napadalaw?” Tumayo ito at iginiya siya sa receiving area. Umupo sila sa sofa.

“We have something important to talk about?” sambit niya.

“Mukhang sobrang important nga. Ano yon?”  Ibinigay niya dito ang envelop na naglalaban ng pregnancy test results niya. “Ano ‘to?” Ku not ang noo nito nang buksan ang envelop.

“Vlad, I’m pregnant.”

Naging blangko lang ang expression nang mukha nito nang balingan siya pagkatapos ay muling ibinalik nito sa lab test ang attention.

“Two months and one week,” pagpapatuloy niya.

“Ayen...”  Sa gulat niya ay tuwang-tuwa siya nitong niyakap. “Di ko ma-explain ang nararamdaman ko. I’m excited, I’m nervous… I’m definitely happy.”

Ngunit lalo lang natakot si Amhiela sa naging reaction nito. “Vlad…”

Nagtaka ito marahil sa inaakto niya kaya kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at mataman siyang tinitigan. “Bakit? Hindi mo ba gusto? Hindi ka pa ba ready?”

“Hindi, Vlad. Natatakot lang ako. Napakaseryosong bagay nito. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko.”

Ikinulong nito ang mga kamay nito sa kanyang pisngi at hinalikan siya sa noo. “Wag kang matakot, Ayen. Andito ako, aalagaan ko kayong mag-ina ko. Magiging mabuti akong ama sa kanya at asawa sa’yo. Bubuo tayo ng pamilya.”

That promise was too good to be true. Hindi naman ganoon kadaling makalimutan ni Vlad na bading ito…at lalong hindi iyon madaling alisin sa isipan ni Amhiela. 

“Pananagutan kita, Ayen. Magpapakasal tayo.”

Litong-lito si Amhiela. Ni wala siyang masabi sa mga sinabi nito. “Vlad…”

“Bakit ganyan ang reaction mo? Ano bang problema, Ayen?”

“Hindi ko gustong makasal  sa’yo dahil lang may upcoming baby na tayo. Kaya kong maging single parent na hindi umaasa sa pananagutan mo. “

“Ayen, ano ba yang sinasabi mo? Mahal kita at hindi ako papayag na mag-isa mong palakihin ang baby natin. Anaka ko rin iyan. Ano bang nangyayari ha? Mahal kita at mahal mo ako. The baby was made out of love. So what’s the problem?”

“Ikaw ang problema Vlad. Bading ka di ba? Pag pinakasalanan mo ako at saka mo ma-realize na hindi ka para sa akin at para ka sa kapwa mo lalaki, paano na kami ng anak natin? Pag pinakasalan mo ako, wala ng bawian yon. Magiging forced choice mo ng maging tunay na lalaki para amin. And what’s next? Babalik ka sa pagiging discreet? Ayokong magpakasal, Vlad. Ayokong magpakasal nang hindi ka sigurado kung totoong mahal mo ako o nadala ka lang sa saya, sa enjoyment na may girlfriend ka at malayo ka na sa speculations na bading ka. Eleven months na tayo bago mo pa nasabing mahal mo ako. Paano ako makaksiguradong mahal mo nga ako na hindi lang ako panakip-butas sa kabaklaan mo?”

Nagulat siya nang sampalin siya nito. Doon siya nagising sa katotohanan. Hindi siya nito mahal.

 “Of all the people, ang sakit na sa’yo ko naririnig ang mga bagay na yan, Ayen. Dahil ba bakla ako? Oo, minsan bumabalik sa sistema ko ang temptations, ang pagiging bakla ko. Pero nilalabanan ko yon kasi totoong mahal kita.”

Kumawala siya dito pero pinigilan siya nito. “Kung mahal mo ako, hindi mo ako pagbubuhatan ng kamay.” Nagpumiglas siya. “ Tapos na tayo. Aalis na ako.”

“I’m sorry, Ayen. Nabigla ako.” Pinigilan siya nitong makaalis. “Mag-usap muna tayo, please. Ayen naman, wag  ganito.”  He even hugged her to stop her from walking away. “Wag ganito.” He sobbed. 

“Mag-isip ka muna, Vlad. Ayokong magsisi ka kapag huli na ang lahat at nakatali ka na sa akin. Let me go, kailangan ko ng umalis.”  Nadurog ang puso niya nang dahan-dahang lumuwag ang mga braso nitong pumipigil sa kanya. Tahimik na naglakad siya palabas ng office nito habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha niya.


WALANG paglugaran ang halu-halong lungkot, sakit, galit at takot na nararamdaman ni Vlad. How stupid I am I was able to hurt her? Nasaktan niya si Amhiela, emotionally…at physically. Nasabunutan niya ang sarili  out of frustration. Hindi niya alam kung paano niya nagawa yon sa babaeng nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng true love.  Sinira kong lahat e, dahil lang sa lintek na gender crisis na to! Sinisisi niya ang sarili sa lahat ng nangyari. Hindi niya inasahang  darating ang araw na yon na  iiwan siya  ni Amhiela, dahil isa siyang bakla.

Tumayo siya.  Kailangan niyang lumabas ng office para makapag-isip isip. At sa mga sandaling ito, isa lang ang naiisip niyang puntahan. Agad niyang kinuha ang susi ng kotse sa mesa niya at bumaba ng gusali. Dumaan siya sa isang convenience store, bumili ng beer in cans at pumunta sa clubhouse ng subdivision kung saan nakatira ang pamilya niya. Ang pavillon na yon malapit sa clubhouse ang karamay niya tuwing may problema mula noong bata pa siya.
            
            Pagtuntong palang niya sa pavillon ay bumagsak na agad ang luha sa pisngi niya. Damang-dama pa rin niya ang takot ngayon iniwan siya ni Amhiela. Kinuha niya ang beer at umupo sa gilid, tumitig sa kawalan hanggang sa maubos niya ang   apat na cans. May natitira pang tatlo.
        
           “May problema ka ata. After years ngayon lang ata kita nakitang bumalik dito,” someone interrupted. 
    
            Natigilan si Vlad, natakot lumingon. Ilang taon na niyang hindi narinig ang boses ng lalaking yon pero sigurado siyang si Christian yon, his high school discreet lover. Iyon ang lugar kung saan sila nagkikita madalas noong mga bata pa sila at may discreet affair. Iyon lang kasi ang bahagi ng clubhouse na  hindi masyadong nagagawi ang mga tao.

                Umupo ito sa kabilang ibayo ng pavillon.  “Wag kang mag-alala, safe statement yon, Vlad.”  

                Narinig niya ang iyak ng isang sanggol saka lang siya napalingon. Akmang binubuhat naman ni Christian ang baby mula sa stroller nang mapatingin din ito sa kanya.

Ngumiti ito. “Bunso ko, anim na buwan pa lang,” sambit nito.

“Ilan na ba ang anak mo?” tanong niya.

“Tatlo. Isang 5 years old babae, 3 years old lalake at ito nga ang bunso, babae.”  Nakangiti eto ngunit parang alanganin at nagpapanggap lang na masaya.  “Tanda mo pa iyong girlfriend ko noong high school habang tayo din? Nagpakasal kami after graduation sa college kasi nabuntis ko siya pero nakunan siya nong 5 months na yung baby sa tummy niya. Tinuloy-tuloy na lang namin ang marriage and now I’m a father of three.”

                Hindi niya alam na nagkaasawa na pala ito. Masaya siya na hindi sa nakikita niya. Naalala niya ang sariling sitwasyon. Takot siyang humantong sa sitwasyong meron si Christian ngayon, nakatali sa kasal at nanindigan na lang kahit di naman masaya.

                “Masaya ka ba?” tanong niya. Stupid question!

                Binalingan siya nito. “May mga bagay sa mundo Vlad na kung tatanggapin mo sa sarili mong ikasasaya mo, magiging masaya ka.  At meron din namang mga bagay na talaga lang magpapasaya sa’yo. Nasa desisyon mo yan kung paano ka magiging masaya. Tinanggap ko na ang buhay ko at nagdesisyon na akong maging masaya.”  Ngumiti ito. “Kamusta ka na ba? Maliban sa  sikat na celebrity ka ngayon, wala na akong alam. May girlfriend ka ba? Asawa? Boyfriend?”

                “Ahm, may girlfriend ako at buntis siya.” Hindi na niya binanggit na tinanggihan ni Amhiela ang kasal.

                “Magpapamilya ka na rin pala.” Tila nalungkot ito  sa nalaman.

                He nodded. “Madalas ka ba dito?”

                “Oo. Dito lang kasi ako nagiging totoo. Dito kung saan naging tayo noon, kung saan din natapos ang lahat. Dumadaan ako dito pag inililibot ko ang baby at kapag nalulungkot ako tuwing naaalala kita. Dito lang kasi kita pwedeng alalahanin.” Tumayo na ito. “Sige Vlad, kailangan ko ng umalis. Natutuwa ako na nakita na kita uli.”

                “Sige, Christian. Take care.”

                He nodded pagkatapos ay umalis na rin ito. Mapaglarong tadhana. Bakit sa dinami-dami ng pagkakataong makikita niya si Christian ay ngayon pa kung kelan biglang naging malaking issue sa pagitan nila ni Amhiela ang pagiging bading niya?

                Babalik na lang sana siya sa pag-ubos ng beer in can nang mag-ring ang phone niya. His father was calling. “Bakit po, ‘Tay?”

                “Saan ka anak? Your mom told me, she felt you’re in trouble and you need some talk with the parents.”

                Napangiti siya at napakamot sa uli. Oo, pati siya minsan nawiwirduhan sa nanay niyang may pagsamanghuhula. His mom is a tele-emphatic person at may mga psychic abilities din itong hindi niya mawari pero nirerespeto niya. At isa na nga doon ay ang instant nitong malaman kung ano ang nararamdaman nilang mga anak nito.

                “Nasa clubhouse lang ako, Dad. Uuwi ako. Be there in five minutes.” He ended the call.

Papaalis na siya ng pavillon nang makita niya ang isang pamilyar na kwintas. It was a couple necklace na crucifix ang pendant. Kay Christian yon. Meron din siya noon pero itinago na niya at din a ginagamit. He kept the necklace, grabbed the plastic bag that contained the left beer in can and drove himself to his parents’ house.

                “Si Inay?” agad na tanong niya sa maid pagpasok niya ng bahay. Yes they were one of rich families of the country but their parents preferred to be humbly called Inay and Tatay.

                “Nasa office po, Sir. Pero si Sir Nathan po nasa lanai.”

                “Ah, sige salamat.” As he thought, talagang itinawag lang ng kanyang ina sa tatay niya ang tungkol sa naramdaman nito.

                He went to the lanai and sit beside his father.

                “So what’s the problem son?” tanong agad ng ama niya.

                “’Tay, di ba sabi nyo dati, nagpakasal kayo ni Inay dahil lang kay ate?” His father nodded. “Paano kayo nauwi sa ganong desisyon, ‘Tay?”

                “Anak, sa totoo lang hindi ko alam. Basta nang mapulot naming si Tomomi, wala kaming kahit na anong connection ng nanay mo. Bigla na lang naisip kong ampunin ang ate mo at sa isang gabi lang tatay na niya ako at nanay niya si Marie. Ginusto ko lang magkaroon ang ate mo ng kumpletong pamilya. It was an impulsive act. Pinakasalan ko ang nanay mo na hindi ko siya mahal, basta ko na lang tinanggap na  isa na akong pamilyadong tao. Few months after saka pumasok sa isip ko na parang ginawa kong kalokohan ang kasal. Doon na ako nagtatanong sa sarili ko kung ano ang dapat kong maging desisyon. Nabuksan ang chance na mahalin ko ang nanay mo. Maswerte lang siguro ako dahil sa pagmamahal din kami tumuloy.”

                “Tinanggap  po agad ni ‘Nay ang kasal?”

                “Sabihin na nating pareho siguro kaming impulsive na tao.” His father laughed. “Pero alam kong mahal ako ng nanay mo. Walang ikaw na darating sa amin, kung  nagkataong hindi. Bakit nagtatanong ka ng tungkol sa marriage anak?”

                Bumuntong-hininga siya. “Tay buntis ang girlfriend ko.”

                A shocked covered his father’s face. “Ano kamo? Ikaw bata ka, ano pang ine-emote mo diyan? Alam na ba ni Mhiel na buntis si Amhiela? Suskong bata ka, panagutan mo yan!”   

                Napangiwi siya. Nakita na naman niya ang aburidong reaction ng kanyang ama. The last time he saw that reaction was when his Ate Tomomi announced that she’s getting married. “Tay, iyon nga problema ko. Sinabi ko sa kanyang pananagutan ko siya. Handa po ako sa lahat. Sinabi ko pong magpakasal na kami pero tinanggihan niya at sinabi niyang hindi niya kailangan ang pananagutan ko.”

                “What?”

                Natigilan silang mag-ama. Naghihintay siya ng ibang reaction sa ama at ito naman ay nag-iisip ng sasabihin.

                 “Anak, mahal mo ba ang girlfriend mo?”

            “Opo, Tay. Mahal na mahal ko.” Sa loob ng halos isang taon ng relasyon nila ni Amhiela. Siguradong-sigurado na siya sa nararamdaman niya dito. Maaring paminsan-minsan ay naiisip niya si Christian ngunit pagkatapos ng pagkikita nila kanina, nakapagdesisyon na ang isipan niyang kalimutan na ito. May kanya-kanya na silang buhay at wala na silang babalikan pa.

               “Wag kang mag-give up. Baka nabibigla lang si Amhiela sa mga nangyayari sa inyo. Give her time, give her space. After few days, mag-propose ka. Kung mahal ka rin niya, sasagot na yan ng oo.”

                Paano kung hindi? Natatakot si Vlad sa suggestion ng ama pero wala siyang choice kundi ang subukan yon. Kung muli siyang tanggihan ni Amhiela…bahala na.


                “WEH, TOTOO ba to?”

                “Di nga?”

                “Naman!”

                “Ang mga ito naman parang ngayon lang naka-encounter ng pregnancy issue!”

                Sunod-sunod na hirit nina Maylee, Camille, Belle at Tomomi. Kasalukuyan silang nasa kwarto ni Amhiela, nag-uubos ng oras sa kwentuhan at tambay.Pinagpapasa-pasahan ng mga lukring niyang kaibigan ang medical certificate niya na nagsasabing buntis siya.

                Ilang araw na ang lumipas mula nang ipagtapat niya kay Vlad na buntis siya at nakipagkalas siya. Umasa siyang kinabukasan lang noon ay darating ito para suyuin siya. It never happened kaya naman  naiinis na siya.

                Wala siyang naging choice   kundi ipagtapat na sa pamilya niya ang lahat. Maluwag at may respeto namang tinanggap ng pamilya niya ang kanyang sitwasyon at kanyang desisyon.  At ngayon  nga, pinagtapat na rin niya sa mga lukring na kaibigan ang  pregnancy niya.  Iyon nga lang, dahil sa likas kang niyang pagiging lukring hindi agad naniwala ang mga ito kaya  naman kinailangan pa niyang magpakita ng pregnancy test result.

                “True talaga to?” hindi pa rin makapaniwalang hirit ni Maylee.

                “Hindi. Joke lang yan, nagdyo-joke lang ang doctor para magka-thrill sa buhay ko,” hirit ni Amhiela na ikinatawa nila.

                “Anong sabi ni Fafa Vlad? Anong plano?” tanong ni Belle.

                “May sakalang magaganap na ba?” segunda ni Camille.

                Bigla siyang nalungkot. “Iyon nga yong ini-emo  ko e.”

                “Bakit?” Korong tugon ng magkakapatid.

                “Eh kasi yang lukring nay an, kung kelan makakamit na ang greatest dream niyang makasal sa kapatid ko, ayon tinanggihan ang kasal.”

                “Ngek, nasisiraan ka na ng bait, Amhiela. Ano ka ba naman? Sa dinami-dami ng pagkakataong mag-iinarte ka, ngayon mo pa naisip kung kelan mas kailangan mong tumino!” sita ni Belle.

                “Eh… natakot akong magpakasal e.”

                “Mahal mo ba ang kapatid ko, Amhiela?”

                “Oo naman, Tomomi. Alam nyo naman na ang tagal ko ring sinintang wagas yang si Vlad e.”

                “Eh anong problema?” tanong ni Camille.

                Pinaalalahanan niya ang sariling wag ipagtapat sa mga ito ang gender crisis ni Vlad. “Eh, basta. Natakot ako e. At… sige aaminin ko, gusto ko lang naman na suyuin niya ako para magng sure ako na mahal niya ako talaga.”

                “Ayun! Nag-iinarteng wagas!” korong sambit ng mga ito sabay tawa.

                Napasimangot siya. Mga adik talaga ang mga kaibigan niya. Sa halip na damayan siya, e talagang gagatungan pa ang pag-iinarte niya.

                “So hanggang kelan ang pag-iinarte mode? Pag 8 months na yang tummy mo at ready to hello world na yang baby nyo?” tanong ni Tomomi.

                “Hindi naman ano. Kahit ngayon na,  suyuin niya lang ako. Gora na simbahan ang beauty ko!” 

                “Ah ganon ba? Itetext ko na ba ang kapatid ko?”

                “Uy wag naman Tomomi! Gusto ko kusang ginusto niyang pahabain hanggang edsa ang buhok ko.”

                “Grabe ka naman, todong pag-iinarte talaga?” sabat ni Maylee.

                “Inarte to the highest level,” dagdag pa ni Belle.

                Aapila pa sana siya nang mag-ring ang phone ni Tomomi. Tumahimik sila para magkaintindihan ito at ang caller nito. “Ah, sige okay.” Iyon lang ang tinugon nito pagkatapos ay makahulugang  tiningnan siya nito. “Friend, gusto ko ng tubig. “Tumayo ito at hinila siya. “Tara kuha tayo sa kusina.”

                “May tubig naman diyan sa mini ref ko,” apila niya.

                “Gusto ko galing sa kusina nyo.”

                “Pakuha na lang tayo sa maid.”

                “Amhiela naman, nabuntis ka lang naging lazy dog ka na. Masama yan. Dapat kumilos ka, para hindi ka mahirapang manganak no.”

                Nagpahila na siya dito. Nagulat siya nang paglabas nila ng pinto ay patay lahat ng ilaw ng bahay nila.

                Kunot-noong naglakad sila. “Anong nangyari? Naputulan kami ng kuryente?”  pa-joke na tanong niya.

                “Loka, sa yaman nyong yan?”

                Nang makalapit siya sa hamba ng second floor ng bahay nila ay saka lang unti-unti naghatid ng liwanag ang maliliit na ilaw. Then she heard a live sound of violin, cello, and humming of a choir group in a tune of You Were There.  Then may spot na may nakatutok na projector sa sahig.  All of romantic pictures  she had with Vlad were flashing on the floor.

                Kumabog ang puso niya. Di na niya kailangang manghula. This is it. Nanunuyo na si Vlad. “Oh My Tummy! Ano  to?”

                “Go, girl moment nyo na dali!” Tomomi pushed her to go down the stairs. Natakot siya noong una dahil madilim at baka mahulog siya. Nasa first step pababa ng hagdan na siya nang biglang nagliwanag sa spot niya at nakita niyang nakatayo sa harap niya si Vlad, in his most admirable sweet  smile. Inilahad nito ang kamay upang alalayan siyang bumaba. Nagpaubaya siya.

On cue, she heard the lovely voice of Limien Rose singing accompanied by an acoustic guitar. Nasa halfway  pa lang sila nang hagdan at saka lang niya napansin ang kuya niyang naka-wheel chair, playing acoustic guitar, while his future wife was singing beside him. At the back of them, is the Imperica Choral Group and on the opposite side was the twenty-five pieces Imperica Orchestra.

                I guess you heard, I guess you know. In time, I’d have told you but I guess I’m too slow. And it’s overly romantic but I know that it’s real. I hope you don’t mind if I say what I feel. It’s like I’m in somebody else’s dream. This could not be happening to me…

                She indeed can’t believe this was really happening. Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na gagawin iyon ni Vlad para sa kanya.

But you were there, and you were everything I’d never seen. You woke me up from this long and endless sleep. I was alone. I opened my eyes and you were there...

They finally reached the ground floor. Dinala siya ni Vlad sa gitna ng spot kung saan nagpa-flash ang mga pictures nila. He was just lovingly staring at her as he moved closer and embraced her waist. Wala siyang masabi na kahit ano, sapat na ang mga nangyayaring yon  para mapatunayan niyang hindi siya nagkamali ng lalaking mamahalin. Dad, I finally found him…finally.

Hinaplos nito ang pisngi niya ng buong pagmamahal. Then he slowly swayed. Tinangay siya nito sa pangarap na tila ayaw na niyang matapos. Malakas ang kabog ng puso niya at isa lang ang sinisigaw nito. Mahal na mahal kita, Vlad.

Hinalikan nito ang noo niya, habang sumasayaw sila sa saliw ng live na serenade. “Sorry kung ngayon lang kita sinuyo. Binigyan din kita ng oras para  makapagdesisyon pero hindi ibig sabihin noon ay nawaglit ka na sa isipan ko, Ayen. Mahal na mahal kita. At paulit-ulit ko yong sasabihin hanggang sa maniwala ka, hanggang sa maramdaman mong sincere ak kahit ikasawa mo pa yon.”

“No need na, Vlad. Naniniwala ako.”

He smiled. “Uulitin ko ang sinabi ko noon sa’yo.  Ayen, kung bibigyan ako ng pagkakataon, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pangalawa, pangatlo at sa mga susunod ko pang magiging buhay kung totoo ngang pwedeng ma-reincarnate ang tao. I mean it so much.  Ikaw ang happiness ko.  Masaya akong mag-concentrate sayo at sa magiging pamilya natin. Gusto kitang makasama habambuhay, Ayen.”  May dinukot ito sa bulsa then he moved closer. Pinaglapat nito ang mga noo nila. They both closed their eyes and felt each others presence.  “This is now or never. Will you spend forever with me, Ayen?”

Niyakap niya ito. “Yes, Vlad.”   

He opened his eyes moved a little farther enough to see how lovely she was that night. Isinuot nito ang singsing sa kanya. And they shared sweet kisses as their live background music continued serenading them.   

The rain has stopped, the storm has passed. Look at all the colors now the sun’s here at last. I supposed that you’ll be leaving but I want you to know. Part of you stays with me even after you go. Like an actor playing someone else’s scene, This could not be happening to me… But you were there, and you were everything I’d never seen. You woke me up from this long and endless sleep. I was alone. I opened my eyes and you were there...




PREVIOUS                                                                NEXT

Comments

kiz said…
wooooooooooh.. kasalan na :))) next na po pleaseeeeeeeee
Ferlin said…
sobrang like! HAHAHAHAH ♥ iloveit. :)
kimy said…
waaa....ako nlng vlad kng ayaw ni amhiella
Caryl said…
i xupeR dupEr Love it ! <3

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…