Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing- Chapter Six



“Kamusta namang work environment mo, doon sa Pontez?” usisa ni Vlad.
  
              They were on their way to Green Haven Farm. Ang unang project ni Amhiela sa Widlife Discovery magazine ng Pontez Publication ay mag-feature ng mga animals na makikita sa Green Haven Farm na pag mamay-ari ng kuya Hamiel nito kasosyo si Limien Rose Ferrer. At bilang supportive boyfriend, sinamahan niya ito kahit na alam niyang kabisadong-kabisado nito ang lugar.

                “Okay lang naman, mababait naman ang mga people do’n. Iyong iba, nakasama ko na dati sa mga exhibits at photography contests kaya hindi na rin naman mahirap mag-adjust,” tugon ni Amhiela. “So far, wapak naman. Ikaw?  Kamusta ang Keithan ng wala ang kagandahan ko?” hirit nito.

                “Malungkot. Wala na akong mayaya ng lunch o kaya dinner na ASAP e. Need ko pa mag-drive ng 2 kilometers para makita ka lang. Dati, lalabas lang ako ng office at bababa sa 2nd floor, andoon ka na. Hindi na rin tayo araw-araw nagkikita.”

               “Miss mo ako ano?” hirit nito.

                Kagyat na binalingan niya ito. “Obvious ba?” 


                “Ay hindi naman. Obvious na obvius lang.”

                They laughed. Hanggang sa makapasok na ang sinasakyan nila sa Green Haven Farm. Agad sumalubong sa kanila ang kapatid nitong si Hamiel na kasalukuyang nagpe-play good Samaritan para sa kaibigan niyang si Limien Rose na hanggang ngayon ay inaakalang namatay si Hamiel sa isang aksidente. Naka-wheel chair ito.

                “Pare, pwede ko bang bisitahin si Limien?” tanong niya. 

                “Oo pare, andon siya sa garden ng villa kasama ang mama niya.”

                Binalingan niya si Amhiela. “Iwanan ko muna kayong magkapatid. Bibisitahin ko lang si Limien ha.”

                “Sure, Vlad. After kong kumuha ng pictures, dadaan din ako sa villa.”

                “Sige.” He kissed on her cheeks, a very usual act of affection since they had a relationship.  Pagkatapos doon ay pumunta na siya sa villa habang ang magkapatid ay patungo sa wildlife zoo sa loob ng malawak na farm.

                Papasok ng villa ay nakasalubong niya si Sandra, ang ina ni Limien na isang film maker. “Vlad, hijo. Kamusta ka na?” Sinalubong siya ng ginang ng yakap at halik sa pisngi.

                “Okay lang Tita, medyo busy pero kaya pa naman.”

                “Yeah, I heard about your shows. Dumadami na uli ha. Gonna be producing your first album wherein you will not just play piano. You have to sing okay?”

                Nagulat siya. That was a huge privilege that the known Sandra Pontez-Ferrer was willing to invest on him in the music industry. “Oh, thank you Tita. I’m looking forward to do the album with Limien.”

                Ngumiti ang ginang. “So it means, It will be soon. Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Hijo, nakakita na kami ng donor. Kakatapos din lang medical check-up ni Limien kahapon and found out that she was more than ready to undergo the operation. Lilipad na kami pa-Malaysia bukas. Soon makakakita na siyang muli.”

                “Talaga po?” Tumango ang ginang. “Wow, that was double good news for me today.  Pwede ko po bang makita si Limien?”

                “Sure, andoon siya sa garden. Dumiretso ka na lang doon at pupuntahan ko lang si good Samaritan.” Natatawang hirit ng ginang.  For couple of months inilihim ng lahat kay Limien na ang good Samaritan nito ay walang iba kung ang  true love nitong si Hamiel. “Oh, reminder hijo, never tell who’s the good Samaritan is. The revelation will happen as soon as the operation became successful.”

                “Noted, Tita.”

                Nagtuloy siya sa garden at nakita si Limien nasa pavilion, at abala sa pagtugtog ng piano. Dahan-dahan siyang lumapit.

                “Good Samaritan?” Huminto ito sa pagtugtog nang maramdaman siya. “Oh, no! It’s you, Vlad. Tama ba ako?”

                Tumama  siya. “Nabulag ka lang naging expert ka ng manghula ah.”  Nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi.

                She smiled and faced him.  Maaliwalas na ang aura nito di tulad nang huli niya itong makita noong nag-alay sila ng panalangin sa pag-aakalang pumanaw na si Hamiel ilang buwan na ang nakakalipas.

                “Lumakas lang ang pandama ko… at pang-amoy, parang aso lang,” biro nito. “Napadalaw ka, salamat ha.”

                “Sinamahan ko lang ang girlfriend ko para sa wildlife photography materials na kailangan niya sa magazine project niya,” nakangiting kwento niya.

                “I can feel your happiness and in love feeling, Vlad. Masaya ako para sa inyo ni Amhiela.”

                “Ako rin. Mien. Masaya ako sa kanya.”

                “Vlad, lalaki ka na ba?” Tinawanan nilang sabay ang tanong nito.

                “Bakit, naging babae ba ako?” pilosopong tanong din niya.

                “Siraulo, you know what I mean.”

                “I know, right?” Hinawakan niya ang kamay nito at sumandal siya sa piano. “Ibinaon ko na sa limot na nagkaroon ako ng gender crisis. Ayokong saktan si Amhiela. Lumalayo ako sa possibilities na makasakit sa kanya.”

                “Mahal mo na siya ano?”

                Ngumiti siya. Kung noon ay hindi niya masabing mahal niya ang girlfriend niya, ngayon ay awtomatikong oo ang sagot ng puso at isipan niya pag tinatanong niya iyon sa sarili habang nagmumuni-muni. “Mahal na mahal, Mien.”

                “Ayeee! Goodbye Darna, Hello He-man!” They both laughed. “Wedding singer ako ha. Pakihintay na makakita ako muli. Ooperahan na ako sa mata  in the next few days.”

                Niyakap niya ito. “I’m happy for you, Mien. Magpagaling ka agad kasi marami tayong pagsasamahang projects pag ready ka ng sumabak uli sa madibdibang practice, recording and shows. Hihintayin kita.”

                “Sure,  malapit na ngapala ang birthday mo ano? Baka hindi na kita mabati kasi magiging abala ako sa operation ko. Happy birthday!”

                “Salamat, Mien.”

                Kapwa sila natigilan. Vlad knew that she somehow loved him too before. He also did… but the only love he was able to give her was love for a friend. Di tulad ng love na nararamdaman niya ngayon kay Amhiela. Kumalas siya sa pagkakayakap at pinagmasdan si Limien. “Bigla kang nalungkot. Cheer up girl. Hindi ka ba excited makikita mo na uli ang mga halamang pinaghirapan mong i-breed few months ago? Napakaganda na ng botanical garden mo, Mien.”

                “Excited syempre. Kaya lang, naisip ko si Hamiel. Kung buhay lang sana siya, baka maayos pa namin lahat.”

                Hinawakan niyang muli ang mga kamay nito. “Kung nasaan man siya, masaya siya para sa’yo.”

                Ilang minutong kwentuhan pa ang dumaan hanggang sa magpaalam na siya dito upang balikan si Amhiela.  
   


                “YOU DON’T have to tour me here, kuya. Napagsawaan ko na rin ang pasikot-sikot  dito,” sambit ni Amhiela sa kapatid.

                Aminado siyang may sama ng loob pa rin siya dito dahil sa napakaraming emotional burdens na dinala nito sa kanya lalo na sa kanilang ina. But she did know that  no matter what, they were still siblings. Kahit pagbali-baliktarin pa ang sitwasyon, magkapatid sila. At ang magkakapatid ay may silent wars at silent forgiveness na madalas hindi na pinag-uusapan at hinahayaan na lang mamatay ng kusa.

                Iniangat niya ang SLR camera at kumuha ng shots ng isang pamilya ng tiger na nakita niya.  Habang nagtatrabaho siya ay parang buntot na nakasunod sa kanya ang kuya niyang bihag ng wheel chair ngayon matapos itong maka-survive sa isang plane accident.

                “Galit ka pa ba sa akin, Ayen?” tanong nito.

                “Hindi. Masama lang loob ko kuya. Don’t mind this, mawawala rin ito. Masaya ako noong nalaman kong buhay ka pa pala, lalo na noong mismong nakita na kita buhay. Pero hindi naman nawala iyong mga pains na naidulot mo sa akin….kay Mama.” Muli niyang iniangat ang camera to capture photos of another tiger couple.

                “Ayen…look at me,” sambit ni Hamiel.
  
              Paglingon niya ay isang kahon ang iniabot nito sa kanya> Kahon pa lang alam niyang SLR ang laman noon. “I know,  hindi na mababalik iyong camera na nasira ko kaya bumili ako para may magamit ka kesa naman aasa ka sa luma mong SLR.”

                “Kuya, hindi camera ko ang nasira mo. Iyon alaala ni Dad. Kahit bigyan mo ako ng sampung SLR e wala naman iyang memory ni Dad.”

                 Malungkot na iniurong nito ang kahon palayo sa kanya. “Alam ko, sana mapatawad mo na ako Ayen. Aalis ako bukas at sasama sa flight nina Limien for her operation. Sasamahan ako ni Mama. Isang buwan pa bago tayo magkikita uli. Sana by the time, matanggap mo na itong peace offering ko.”

                Kinuha niya ang kahon. “Sinong may sabing hindi ko tatanggapin iyan? Nag-iinarte lang ako kuya, give up ka na agad?” Nginitian niya ito. There’s no point if she will keep on blaming him for what had happened in the past.

                Teary eyed na tumawa ito. “Halika nga, hug mo si kuya.”

                She did. “Basta kuya, last ng malateleseryeng drama yon ha.”

                “Oo, last na yon. Sana kayo ni Miguel maayos na rin.”

                Bumitaw siya sa pagkakayakap sa kapatid at bumalik sa trabaho. “Maayos yon kung tatanggapin niyang photographer ako at hindi businesswoman. Naiintindihan ko na galit siya kasi solo niyang pinapatakbo ang negosyo na dapat  magkatulong kami. Pero kung naiintindihan niya lang sana na hindi ako para sa negosyo. Para ako sa visual arts.”

                “Darating din ang araw, magiging okay din kayo.”

                Nagkibit-balikat na lang siya. “Hayaan mo na yon kuya. Change topic na lang tayo,” sambit niya habang abala rin sa pagkuha-kuha ng mga relevant subject para sa  project niya. 

               “Hmm, sigurado ka na ba sa boyfriend mo?” 

                Natigilan si Amhiela at kunot-noong binalingan muli ang kapatid. “What do you mean, kuya?” Alam ba niyang, nag-slide sa gilid si Vlad?

                “May nasabi kasi sa akin si Limien dati and—“

                “Alam mo?” Tumango ito. “Kuya, mahal niya ako. Lahat ng ginagawa niya ngayon  para sa akin ay solid evidence na mahal niya ako. Wala akong pakialam kung ano siya kahapon dahil mas mahalaga sa akin kung sino siya ngayon.”

               “Naninigurado lang ako, Ayen. Ayokong masaktan ka.”

                Ngumiti siya. “Hindi niya ako sasaktan.” Pero napaisip rin siya sa mga oras na yon. Paano nga ba kung dumating na sila sa puntong maging issue sa pagitan nila ni Vlad ang gender preference nito? “Kung masaktan man ako, choice ko yon kasi minahal ko siya.”

                “Be careful, Ayen,” may halong pag-aalalang sambit ng kapatid niya.

                May sasabihin pa sana siya nang dumating si Vlad. Ngumiti na lang siya sa kapatid bago sinalubong ng sweet smile ang boyfriend.

                “Ayen,  magtatagal ka pa?” tanong ni Vlad.

                “I think so. Better of, mauna ka na kasi male-late ka sa rehearsal mo. Baka abutin pa ako ng two hours sa paglilibot at pagkuha ng pictures.”

                “Sige, mauna na ako.” Hinawakan nito ang kamay niya. He moved closer and gave her a quick kiss on lips.  “Ingat ka dito ha. Tawagan mo ako pag  nakauwi ka na. See you tomorrow.”

               “Sige, I’ll call later.”  Magkahawak kamay pa sila hanggang sa ito na ang bumitaw habang patalikod itong naglalakad. “Drive safely.”

                “Yeah, I will.” Then he turned away. Inihatid niya ito ng tingin.  Ngunit hindi pa ito nakakalayo ay muli itong bumaling sa kanya and shouted, “Ayen!”

                “Yes?”

                “Take care.”

                “Yeah… you too.”

                “I love you!”  he shouted. Then he smiled and waved before he vanished from her sight.

                Natigilan si Amhiela. It was the first time she heard him say, I love you to her. And those particular words made her senses go crazy.

                 “Did he really say I love you?” wala sa sariling usal niya habang nakatanaw pa rin sa nilakaran ni Vlad kahit na wala na ito.

                “Oo iyon din ang dinig ko, ang lakas nga e. Bakit? Di ba kayo naga-I-love-you-han e mag-boyfriend kayo?”

                Doon siya natauhan at  naka-recover sa shock mode. “Ay kuya, it’s complicated kasi.”

                “Fb status?”

                “Si kuya, nagpapatawa di naman kalbo, tara na nga ilibre kita ng kape sa Kofi Cups!” Pumunta siya sa likod ng wheel chair ng kapatid para siya mismo ang magtutulak ng wheel chair nito.

                “Sira, libre naman talaga tayo sa lahat dito.”

                “Oo nga no? Basta tara.” Natahimik na siya after noon. At ang tanging naiwan sa isip niya ay ang sweet quick kiss ni Vlad at ang masarap sa pandinig na I love you nito.  

               
                NAGISING si Amhiela sa marahang haplos sa noo niya ng pamilyar na mainit na kamay na nasundan  ng kiss sa noo. Pagmulat ng mata niya ay ang nag-aalalang mukha ni Vlad ang nabungadan niya. 

                “O, Vlad anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong niya.  Kasalukuyan siyang nasa sariling silid at nagpapahinga matapos niyang mag-undertime sa trabaho.

                “Tinatawagan kita kanina pa, hindi ka sumasagot. Nag-alala ako kaya tumawag ako sa office mo and found out na nag-undertime ka at masama daw ang pakiramdam mo kaya agad kitang pinuntahan dito.” Sinapo nito ang noo niya at leeg. “Hindi ka naman mainit. Ano bang nararamdaman mo?”

                “Parang nahihilo lang ako kanina. Sa pagod na rin siguro. Alam mo naman na katatapos lang ng trip ko sa Davao sabay sabak uli sa office works,” sambit niya.

                Humiga ito sa tabi niya at iniyakap nito ang braso sa baywang niya. The he leaned down to kiss her temple. Pagkatapos ay pinagmasdan lang siya nito. “Masama pa ba ang pakiramdam mo?”

                “Hindi na masyado kasi nakapahinga na ako.”

                “Gusto mo bang dalhin kita sa doctor?”

                “Hindi na Vlad. Wag ka ng mag-alala okay na ako. Napagod lang siguro ako.”

                “Sure ka?”

                “Oo nga kulet!” She pinched his nose.     

                “Kung i-cancel na lang kaya muna natin ang dinner kasama ang pamilya ko? Magpahinga ka na lang muna.”

                “Kaya ko naman, Vlad. Nakakahiya na rin kasi sa Mama mo at nakapaghanda na siya. Nag-text na nga siya e.”

                “Pero…” Tila alanganin pa ito.

                Hinaplos niya ang pisngi nito. “I’m fine, okay.” Bumangon na siya at inalalayan siya nito. “Hintayin mo na lang ako sa labas, maliligo lang ako at magbibihis. “ She kissed him.    


                NAG-AALALA si Vlad habang naghahapunan kasama ang pamilya niya at ang girlfriend niya. Halata pa rin kay Amhiela na hindi maganda ang pakiramdam nito pero tumuloy pa rin ito sa first dinner nito with his family bilang girlfriend niya.

                Hinawakan niya ang kamay nito. “Okay ka lang?” tanong niya. Ang totoo mula nang  puntahan niya ito sa bahay kanina para i-check ang kalagayan nito ay hindi na siya mapakali at maya’t maya na siyang nagtatanong kung okay lang ito.

                “May problema ba anak?” tanong ng Nanay Marie niya.

                “Oo nga, parang ikaw ang dapat tanungin, Vlad kung okay ka lang ba at hindi ang girlfriend mo. Wag kang mag-alala anak at boto kami dyan sa girlfriend mo,” dagdag pa ng kanyang ama.

                “Eh kasi po Nay, Tay, masama po kasi ang pakiramdam ni Ayen kanina. Nag-aalala lang  naman po ako—” Pasimpleng hinila ni Amhiela ang kamay niya. Napalingon tuloy siya dito at nagbabantang pinandilatan siya. “What? Sa nag-aalala na ako sayo e.”

                “Okay ka  nga lang ba, friend?” tanong ni Tomomi.

                “Ano bang nararamdaman mo hija? Kung masama ang pakiramdam mo e dito ka na lang muna, ipapahanda ko na ang guest room kesa naman umuwi ka doon sa bahay nyo. Baka makasama pa sayo ang pagbabyahe,” sambit ng Nay Marie niya.

                “Oo nga, dito ka na lang muna hija at balita ko ang  nanay mo ay nasa travel pa rin,” pagsang-ayon ng  Tay Nathan niya. “At walang mag-aalaga sayo  sa bahay nyo.”

                “See, our family won okay.  Dito ka na lang muna, “ nakangiti ngunit  nag-aalala pa ring sambit ni Vlad.

                Alanganing ngumiti si Amhiela sa lahat. “Maraming salamat po. Okay lang naman po ako. OA lang po itong anak nyo.”

                Ikinatawa ng lahat ang sinambit ng girlfriend niya. 

                “I like you, hija. Feel at home ha. Mula noon ay parte ka na ng pamilya bilang kaibigan ng anak ko pero ngayon bilang babaeng nabola ng bunso ko,” nakangiting sambit ng kanyang ina.

                “Nay! Hindi ako nambola, ako ang niligawan—aray!” pabirong hinampas ni Amhiela ang balikat niya. Gumanti siya ng paghaplos sa pisngi nito.

                “Nyay! Ang sweet naman. Nasaan na ba ang donkey ko? Matawagan nga at naiinggit na ako,” hirit ni  Tomomi. “So that means, sister na kita for real! Welcome to the family, Amhiela! Apirrr!”  Nag-high five sila ni Tomomi.  

                Masaya ang naging takbo ng kwentuhan ng pamilya niya at ng kasintahan pero hindi talaga siya mapakali kaya panay ang pagpansin niya kay Amhiela.  Until the dinner ended well.   Tumayo na sila sa hapag at lilipat na sa sala.

                Inalalayan niya si Amhiela ngunit nakailang hakbang pa lang sila ay bumulong na ito sa kanya. “Nahihilo ako, Vlad.”

                Agad niya itong niyakap at inalalayan. “Ayen.” Naramdaman niyang nawalan ito ng balanse. Buti na lang at at yakap niya ito.

                “Okay lang ako, nahilo lang.”

                “Anak, pagpahingahin mo na siya sa guest room,” sambit ng kanyang ama.

                Inalalayan na lamang niya ito hanggang sa makahiga ito ng ayos. Siya na ang nag-alis ng sapatos nito at saka niya ito kinumutan. Umupo siya sa gilid ng kama at iniakbay ang  isa niyang braso sa balikat nito at ang isa naman ay may hawak na pamaypay para makalanghap ito ng hangin.

                “Tatawag na ako ng doctor,  Ayen. I’m so worried.”

                “Wag na, pahinga lang ‘to. Bukas pagkagising ko okay na ako promise. Pag hindi pa ako naging okay bukas, ako na mismo ang magsasabi sayo na dalhin mo ako sa doctor.”

                “Okay sige, matulog ka na. I’ll just be here. I love you.”

                “I love you too, Vlad.”

                Binantayan niya ito buong gabi para makasigurong okay lang ito. Kinabukasan ay naging maayos na naman ang lagay nito at hindi na kinailangan pang dalhin sa hospital.


                MATYAGANG naghihintay si Amhiela sa isang dressing room sa set ng The Morning Talk with Danica sa HBH  Network.  Birthday ni Vlad ngayon at na-invite itong maging celebrity guest sa show kung saan mag-tribute din ang show para sa birthday celebration ng boyfriend niya. She was part of the surprise for him.
       
         These past few months ay naging laman sila ng blind item at naging tahimik sila pareho tungkol sa tunay nilang relasyon. Ngunit  nang matanggap ni Vlad ang invitation na mag-celebrate ng birthday sa top rated morning show na yon, nagdesisyon itong aminin na sa public ang relasyon nila. Pumayag siya at naghanda sa consequences. At ngayon nga, lingid sa kaalalaman ng boyfriend, siya ang major surprise para dito. Kakantahin niya ang song na sinabi nito sa pre-interview na song na best na nagde-describe sa relasyon nila ngayon. Walang idea si Vlad dahil ang alam nito ay nasa bahay siya, nagpapahinga at di na naman maganda ang pakiramdam.

                “Miss Amhiela, pwede  ka ng lumabas pero doon ka lang sa side na hindi niya makikita, malapit na ang number mo,” anang production assistant.

                “Sige salamat,” tugon niya.

                Pumwesto na siya sa gilid dahil stand-by na siya. Isang video muna ang pinakita na naglalaman ng blind items and tsismis tungkol sa relasyon nila ni Vlad.  Nagro-roll pa lang ang video ay nagtitilian na sa kilig ang mga audience ng show lalo na ang mga fans ni Vlad.

                “Aww. That was so sweet,” komento ni  Danica Urbano, ang host ng show. “Vlad, eto na ang pinakahihintay ng lahat.  For the past few months nagsimula sa blind items hanggang sa umabot na sa twitter ang issue. Ang tanong ng sambayanan, sino si Amhiela Catacutan sa buhay ni Vlad Cerio?”

                The audience went crazy the moment Vlad showed off his charming smile. “She’s the most special girl in my life next to my mom and sister,” tugon nito na ikinatili na naman ang audience.

                “How long had you been into relationship? Kasi sa totoo lang, pati ako kinikilig sa mga pictures na nagpa-flash sa screen. Kitang-kita kung gaano katamis ang pagtitinginan nyo.”

                Ay pati ako kinikilig din. Lihim na napapangiti si Amhiela habang nakatutok ang paningin sa monitor  doon sa   side ng set.

                “The relationship was still baby. Eleven months and two weeks, four days,” natatawang sagot ni Vlad.

                “Hindi naman halatang mahal na mahal mo siya at bilang na bilang ang araw.”

                “Well,  sabi nga nila once matagpuan mo na ang para sa’yo, pahalagahan mo.  And that’s what I did. When I finally found, Ayen, everything in my life became positive, lively, and beautiful. She’s my inspiration…an inspiration to look forward everyday.”

                “Sweet. If there will be a song that best describe your relationship, ano ito?”

                “You of Jim Brickman.”

                “Can you play the song for us?”

                “Sure.” Tumayo si Vlad at pumwesto sa piano.

                He started playing the first note and sing.

                “I never felt alone, I was happy on my own. And who would ever know there was something missing?...”

                Pumasok na si Amhiela,  singing the next line. “I guess I didn’t see the possibility. It was waiting all the time but it never crossed my mind till you opened up my eyes. Now all I think about is you, in my life, in my dreams, in my heart. I know it’s true that I belong with you. Because of you in my world, in my arms, I have everything. And now I can’t imagine what I’d do without you…”

                Kitang-kita na nasupresa si Vlad sa paglitaw niya. Tuloy-tuloy pa rin ito sa pagtugtog pero nakasentro na sa kanya ang atensyon. He was lovingly smiling at her while she was singing and walking towards him.

                “I never thought love could be such a curiosity. What attracted you to me was so unexpected but it was waiting all the time and it never crossed my mind, til you opened up my eyes. Now All I think about is you…”  

                Tumayo siya sa tabi nito at umakbay. Sinabayan na siya nito sa chorus. “…In my life, in my dreams, in my heart. I know it’s true that I belong with you. Because of you in my world, in my arms, I have everything. And now I can’t imagine what I’d do without you…”
  
              Finally the song ended with his piano notes. Pagkatapos noon ay agad siyang niyakap ni Vlad and whispered, “You surprised me.” 

                “Please welcome, none other than the special girl of Vlad, Amhiela Catacutan. Welcome to the show Amhiela,”  bati ni Danica.

                She faced the audience. “Thank you and hello sa mga viewers.”

                “Amhiela, we have few questions for you. Ito muna, anong meron si Vlad at na-in love ka sa kanya?”

                She sweetly turned to Vlad nanamumula na ang tenga. Senyales na nahihiya ito. “Ano nga ba? He’s sweet and caring pero ang kakaiba sa kanya, hindi niya alam na sweet at caring siya unless sabihin mo sa kanya na ganon siya. He was very humble to notice how lovely, nice and sweet he is.”

                “Vlad what makes Amhiela the sweetest?”

                “May charm itong si Ayen na siya lang ang nakitaan ko. She can make me smile kahit wala siyang gawin kundi ang tingnan lang ako.”

                Nagtilian ang audience.

                “To end the show, Amhiela mag-birthday message ka na kay Vlad.”

                Bumaling siya kay Vlad at muling nagtilian ang audience nang magtitigan  sila.  He was a bit teary-eyed kahit wala pa siyang sinasabi. “ Vlad, happy birthday.   Kahit anong pagsubok ang pagdaanan natin, nandito lang ako sa tabi mo. I’ll support you in any journey you take. I will always remain sweet and loving to you. Thank you for sharing your happiness with me. I love you. Wagas na wagas!” 

                “Ikaw naman Vlad, kinikilig na ako sige na, what’s your message to  Amhiela?”

                “Ayen,  sabi mo dati mag-promise lang ako pag handa na ako. It’s high time to promise you since we are  going to celebrate anniversary  in a short while. Ayen, kung bibigyan ako ng pagkakataon, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pangalawa, pangatlo at sa mga susunod ko pang magiging buhay kung totoo ngang pwedeng ma-reincarnate ang tao.” The crowd cheered. “That’s how much I love you. Thank you for coming into my life and staying with me despite of difficulties I love you so much.”

                “True love moves in mysterious ways indeed. Vlad and Amhiela is just one of the thousands of pairs that proved the world that true love really exists. Mga kachika sa umaga, samahan nyo po uli ako bukas para sa umagang puno ng tawanan, kwentuhan, at inspirasyon dito lang sa The Morning Talk with Danica. Kiss muna kayo dali to end my show!” 

                      Walang hesitation, Vlad awarded her a quick kiss on lips. 



PREVIOUS                                                                         NEXT

Comments

Haffle :)) said…
waaaaaa! superrrrr kilig :"""""> amhielaaaa and vlad for the win! wuhoooo! next please! :))
kiz said…
eeeeeeee,, kinekeleg ako talaga!!!! :)) Ang bengga ng extra mode ko dito, ang tino kong tao. haha. next naaaaaaaa :))))

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…