Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart - Epilogue




“Kay haba-haba man ng prusisyon, sa akin din ang iyong tuloy!” patawang hirit ni Limien na ikinatawa naman ng asawa niya.

            “Nakakatakot talaga na nakakatawa iyang pagka-possesive kuno mo,” buska ni Hamiel.

            It was their first night bilang Mr. and Mrs. Catacutan. Actually, madaling araw na. Alas-dos na natapos ang party. Hindi naman nila agad naiwan ang mga dumalo kaya hinintay na rin nilang matapos ang kasiyahan bago sila tumuloy sa kanilang silid sa Green Haven Resort.

            Panay lang ang pagbibiruan nilang dalawa kaya walang mag-aakalang newly weds ang nasa loob ng suites na iyon. Puro tawa lang kasi ang maririnig sa kanila at hindi kung anu-ano. 

            “At ngayong aking- akin ka na, wala ka ng kawala sa aking mga kamay,” patuloy na hirit Limien.

            Tumatawa pa rin si Hamiel habang nagbibihis ito. “Kahit bitawan mo ako, ako pa mismo ang kakapit sa’yo.”  

            “Type!”

            Pumailanlang ang halakhak nilang dalawa. Lumabas na si Hamiel ng banyo. Ang loko, hindi man lang pinasilay sa kanya ang katawan nito. Talagang nagsara pa ng pinto habang nagbibihis.


            Tumayo siya mula sa kama para alalayan ito. Hindi pa ito nakakalakad ng ayos pero sa awa naman ng Diyos, hindi na nito kailangang mag-wheelchair. Saklay na ngayon ang gamit nito. Inalalayan niya itong makaupo ng maayos. 

            “Magbihis ka na, Mien para makapagpahinga na tayo. Ilang araw din tayong pagod sa preparations.”

            “Sige, okay ka na diyan muna?”

            “Oo naman.”

            Naglakad na siya papunta sa banyo bitbit ang pamalit na damit. Pabirong nilingon niya si Hamiel. Hindi siya nabigong mahuli na nakatingin ito sa kanya. “Want the door close or open? Ayaw mo ba talaga ang live show? Nag-practice pa naman ako, sayang.”

            Tumawa si Hamiel. “Are you trying to seduce me, Mrs. Catacutan?”

            She seductively grinned. “Am I seductive to you?”

            Tumawa ng malakas si Hamiel. Pagkatapos ay sumeryoso ng mukha. “No!”

            Sinamaan niya ito ng tingin. “Ganon?”

            “Sa totoo lang mas natatawa ako sa’yo kesa nase-seduce. Bagsak ka sa seductive test. Kaya magbihis ka na lang diyan at matulog. Baka bukas, magbago tingin ko sa’yo,” biro pa nito.

            “Ang yabang nito! Sarap sapakin!” Padabog na isinara niya ang pinto at nagbihis. Nakasimangot na siya nang lumabas ng silid. Wala na siya sa mood makipagbiruan pa kay Hamiel.

            Laking gulat niya nang paglabas niya ng pinto ay basta na lang siya kinabig at hinalikan ni Hamiel. She full-heartedly response on him. After all, that’s what married couples do. Show love, express love and make love.

            “O akala ko ba hindi ka nase-seduce?”

            “Hindi nga. Nama-magnet ako. Gusto ko na lang na palaging nakadikit ka sa akin. No reklamo,Mien ko. Asawa kita. Right ko ito.”

            Wala na siyang sinabi bagkus ay tumawa na lang siya. Minsan talaga walang kwenta na lang ang napapag-usapan nilang dalawa pero hinding-hindi niya ipagpapalit ang mga sandaling tulad nito. Few minutes more they were both lying on bed. Inuubos ang oras hanggang sa makatulog sila. They don’t care about the first night. They have all the nights to make their way to have babies of their own. Sa ngayon, mas in-enjoy nila ang lambingan ng bawat isa.

            Kinabukasan, nagising si Limien sa isang harana. Hamiel was singing You while playing a violin habang nakasampa sa kama. May naka-ready na ring breakfast in bed para sa kanilang dalawa.

            Hindi na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Finally, she rested her heart to the one she knew by heart and soul.  After his romantic morning serenade, he gave her a sweet morning kiss. Pagkatapos noon ay pinagsaluhan na nila ang agahan.

            She grabbed the fruit salad. Sinubuan niya ni Hamiel. Ganon ang ginawa nito sa kanya hanggang sa maubos na nila ang mga pagkain.

            “So what should be the next Mien ko?” Kinindatan siya nito.

            “Ikaw, agang-aga pang gabing eksena iyang iniisip mo,” sita niya.

            “Bakit? Yayayain lang naman kitang mag-movie marathon tulad ng dati. Ikaw talaga, palagi mo akong pinagnanasaan. Halatang-halata ka talaga,” biro nito.

            “Ewan. Ay may ibibigay pala ako sa’yo.” Tumayo siya at kinuha mula sa drawer ang isa cd at inabot iyon dito. “Ipinabibigay ni Daddy Ross. This is for you.”

            “Para sa akin? I thought he only made videos for you.”

            “I thought so, pero sabi ni Mama, may iniwan din daw sa magiging asawa ko at magiging anak. Watch it now. You have to watch it alone sabi ni Daddy. Doon ka na lang sa labas. Ako na ang bahalang magligpit nitong kinainan natin.”

            “Okay. Ano kayang sasabihin ng tatay mo? Kinakabahan tuloy ako,” sambit nito habang palabas ito ng pinto.

            Naiwan siyang mag-isa sa silid. Inayos niya muna ang pinagkainan nila at nilagay sa mesa pagkatapos ay inayos niya ang kama.

            Saka niya kinuha ang kanyang laptop and started to write a blog.


Dear Daddy Ross,  

            I finally got married yesterday. Ganon pala ang feeling, Dad. Kahit tapos na ang wedding ceremony at ang party, nasa puso ko pa rin iyong kaba at excitement na naramdaman ko during the moment. You’re right, Dad. True love really does exist. I found my one great true love in the heart of a man I call, Hamham ko. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na after all that happen to us, mauuwi pa rin kami sa pagpapakasal.

            I know Dad that in every single moment of my life, you are there with me. I know you’re there throughout the moments that I cry, I laugh, I fall in love, got hurt, and love again. Thank you, Dad. You have loved me so much. I love you more than that, Dad. Feeling ko po, kayo ang naghatid sa akin sa altar at hindi si Tito Hansen. I can feel you Dad.  

            Isa na po akong Mrs. Limien Rose Ferrer-Catacutan ngayon.You don’t have to worry about me as much as you did before. May kaagapay na ako sa buhay. Hamiel promised to stay by my side until life ends. Yes, Dad. You have to accept it.  Your baby Limien was no longer a baby Dad. Sooner or later, I will carry a child…your grandchild. And I will make sure that my upcoming babies will know their lolo by heart. Ipapakilala kita sa mga magiging apo mo, Dad. Kaya wag ka ng mag-alala na baka makalimutan kita. It is a big no. I will always carry your memories in my heart until our meeting day came.

            I will always love you Dad. Patuloy ko pong hihingin ang patnubay para sa aming mag-asawa. I know wherever you are, you are happy for me.


Loving you always,
Limien Rose  

            Pagka-post niya ng blog entry ay saka naman bumalik si Hamiel. Agad itong yumakap sa kanyang baywang mula sa kanyang likod. Hinawakan niya ang mga brasong nakayakap sa kanya.

            “Anong sabi ni Dad sa’yo?”

            Hinalikan nito ang pisngi niya at isinandal ang mukha sa balikat niya. “Ibinilin ka niya sa akin. He told everything a loving father could say to the man who took away his precious daughter. I also got the opportunity to see you when you are just ten months old. Watching your Dad from a video was very extraordinary.”

            “Umiyak ka?”

            “I can’t help it. Naalala kong lahat ng pinagdaanan natin. You’re father reminded me how lucky I am that I marry you. I love you so much, Mien ko.”

            “And I love you more, Hamham ko.”

            She turned to him and they shared another batch of sweet kisses a loving couple could ever share of. True love really exists. Bagama’t mahirap mahanap ang true love, you would realize at the end that the journey finding your true love was more than a worth it endless road to travel. 



THE END


Comments

Anonymous said…
hay naku ilang beses ko na to nabasa pero as usual napapaiyak pa din ako lalo na sa moment nila Mien & Daddy Ross nya (video moment). Indeed napa kasweet at sobrang touching na kahit matagal na syang wala sa mundo eh he prepare a way para lang maging part sa growing years ng anak nya. Eternal Love of a father...

ur avid fan...adik pa nga..lol!
Anonymous said…
grabe....ang ganda ng story..nka2iyak sobra.totoo tlaga ang one true love never ends....
Anonymous said…
Ganda po talaga. Sana kwento din ni danielle ferrer. I'm so happy to read stories like this po. Continue to write po ate. God Bless. Waiting sa mga susunod na stories.
Anonymous said…
Ganda nman nito ms. Melai. Nakakatuwa nakakaiyak lahat n yata ng emotions nramdaman ko. More stories ms. Melai. God bless u.

-abby
Apple jane said…
Napakatouching story!sinisipon tuloy ako sa kakaiyak tomorrow sobrang vc kami ulit catering portion,c boss kc daming fren na pakainin!!iba talaga ang magawa ng isang great o euro love w/money lahat malampsan financially in emotionally!!!this was a great story!!!God speed!!!!
Melai said…
salamat miss april jane. :)
Melai said…
salamat din po sa mga nagbasa nito ng paulit-ulit. :)

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…