Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart - Chapter Fifteen




Maingat na inalalayan si Limien ng kapatid ni Hamiel na si Miguel. Sumampa sila sa yate ni Jeremiah. Nasa karagatan sila ng Boracay, ang dagat na pinakamalapit sa crash site ng eroplano. It has been a month. Nakapag-declare na ang mga rescuers na hindi na sila maghahanap ng survivors. Tapos na search and rescue operation…pati na rin ang search and recovery operation.  Unfortunately, walang nabuhay sa plane crash na iyon. At hanggang sa mga oras na ring iyon ay hindi pa rin natatagpuan ang katawan ni Hamiel. He was already included in the list of dead sa naturang aksidente.

            Mahirap man sa kalooban nila, kailangan na nilang tanggapin na wala na nga si Hamiel. Kaya ngayon, magpapaalam na sila dito. Nag-alay sila ng dasal kasama ang isang pari habang naglalayag sa karagatan ang sinakyan nilang yate. Ang mga naulilang  kapatid ni Hamiel na sina Miguel at Amhiela ay nag-alay ng sulat at huling mensahe.

            Isang kanta naman ang gusto niyang ipabaon sa kaisa-isang lalaking nilalaman ng kanyang puso. Bitbit ang mga puting bulaklak sinimulan niyang kumanta…inalala ang mga masasayang sandaling kapiling pa niya si Hamiel…

            “Hanggang may kailanman kahapon at ngayon ay may bukas na daratnan. Hanggang may kailanman, ang bawat sandali ay panahong nilalaan. Hanggang ako’y kailangan. Hanggang ikaw ay nariyan. Ako’t ikaw hanggang may kailanman…”


            She tried her best not to cry dahil alam niyang once na umiyak siya baka hindi na siya huminto sa pag-iyak hanggang sa mapagod siya. Hindi niya gustong mawala habambuhay si Hamiel. She still wanted him to be happy on his own. Hindi ito ang ending na ginusto niya para dito.   

            “Hanggang may saan man, ang dito at doon ay may landas na tagpuan. Hanggang may kailanman, ang bawat alaala ay ating pagsaluhan. Hanggang sa kalungkutan hindi ka iiwanan. Kasama mo hanggang may kailanman…”  

            Na-imagine niya si Hamiel, nakatayo sa harap niya…nakangiti at matamang pinakikinggan ang bawat salitang bumubuo sa kinanta niya. That special song… ito sana ang wedding song nila noon. Ni sa hinagap ay di niya naisip na sa halip na sa kasal, sa pamamaalam pala kay Hamiel niya ito maiaalay sa binata.

            “Kailan pa man, sa’yo lamang magmamahal. Kailan pa man, mangangakong magtatagal. Mula noon hanggang ikaw lamang. Ako para sa’yo… hanggang may kailanman…”  

            Hanggang may kailanman… hanggang sa kunin na rin siya ng kamatayan. Batid ni Limien na wala na siyang mamahalin pa. Dahil tama si Hamiel. Sa binata lang niya naibigay ang buong pusong pagmamahal na alam niyang wala ng makakapantay pa na kahit sino.

            Few minutes more ay nagsasaboy lang sila ng bulaklak sa tubig…simbolo ng pag-alala, dasal, at pamamaalam.

            Niyakap siya ng kanyang ina. “It’s not the end of the world, Limien. I know how painful it is but believe me, time can really heal wounds.”

            “I know, Ma. Siguro talagang ganito ang faith ng pamilya natin. Hindi tayo meant to have a happy ending love story.”

            “No, baby. It’s not true. May dahilan kung bakit nangyayari ito ngayon.”

            “Ah, Limien. Sa tingin naman dapat sa’yo ito mapunta.” Isang kahon ang ibinigay ni Muguel sa kanya. “Nakita ang mga laman na iyan sa gamit ni kuya Hamiel na na-recover sa crash site.”

            “Salamat, Migs.” Sinamahan siya ng kanyang ina sa isang silid say ate at nakiusap siyang iwan siyang mag-isa.

            Binuksan  niya ang kahon. Una niyang nakapa ay ang sweat shirt na binigay niya dito noong huli silang nagkita. Kinuha niya iyon at inihaplos niya sa kanyang pisngi. Iniisip na lang niya na pirasong damit na iyon ay suot ni Hamiel at nakasandal ang kanyang pisngi sa dibdib nito…tulad ng dati.   Andun din sa kahon ang promise bracelet nila at ang ilang mga bagay na tanging diwang saksi ng kanilang pagmamahalan.

            Umiiyak na hinawakan niya ang star pendant ng suot na kwintas. “Niloko mo naman ako, Hamham. Ang star na ito, hindi naman ito para kay Daddy. Para ito sa’yo. At tuwing maaalala kita, hahawakan ko ang star na ito. I know…andyan ka lang. Malapit ka lang.” 

            She spent the rest of the moments grieving. At pinangako niya sa sarili niya na sa mga susunod na araw, sisikapin niyang bumangon uli at magpapakatatag siya para kay Hamiel.

            SEVERAL months later…

            Limien was practicing her writing using Braille. Bagama’t batid niyang may posibilidad siyang makakita muli, pinag-aralan pa rin niya ang Braille alphabet and so far she was enjoying the fact that she can went back into writing. Ang pag-aaral ng Braille ang naging paraan niya upang kahit saglit makalimutan niyang nagluluksa siya. Pero talaga sigurong kahit anong mangyari, sa alaala pa rin ni Hamiel ang bagsak niya. Kaya nga lalo na lang niyang pinagbuti ang pag-aaral niyang magsulat gamit ang Braille alphabet.  Balak niyang gumawa ng mga kanta o tula para kay Hamiel na mga kapwa niya bulag ang makakabasa.

           She was in the garden at the side of the villa inside the Green Haven Farm. Inaayos niya ang mga papel nang biglang umihip ng malakas ang hangin. Natangay ng hangin ang ilan sa mga papel na natapos na niyang sulatan ng tula. At dahil importante iyon sa kanya, kailangan niyang hanapin ang mga papel na iyon. Tumayo siya at nag-alis ng suot na sandals. Nakakahiya namang gumagapang siya sa Bermuda grass mahanap lang ang mga papel. Paa na lang ang gagamitin niya.  

            Totoong mahirap maging bulag lalo na kung paghahanap ng bagay ang pag-uusapan. Pero sa mga ganitong panahon, ayaw din niyang dumipende sa iba. Gusto niyang kumilos mag-isa hangga’t kaya niya.

            Ang paghihirap niya ay hindi nagtagal. All of a sudden, naramdaman niya ang presence ng taong hindi familiar sa kanya kung sino pero alam niyang ito ang good Samaritan na palaging tumutulong sa kanya. She proved herself right nang hawakan nito ang kamay niya, isinilid sa kamay niya ang mga papel pati na rin ang isang stemmed rose. Aminin man niya o hindi, na-miss niya  rin ang good Samaritan na ito kung sino man ito. Ilang buwan din kasi itong nawala.

            “Salamat! Lagi mo na lang akong tinutulungan. Sino ka ba talaga?”

            As usual hindi ito sumagot kaya mag-isang bumalik na lang siya sa upuan niya. Naramdaman niyang may lumapit sa kanya. May unusual sound, pawang tunog ng gulong. Maya-maya pa’y naramdaman niyang muli ang kamay ng good Samaritan. All along alam niyang lalaki ang tumutulong sa kanya. Pero wala pa rin siyang idea kung sinong lalaki ang gagawa nito sa kanya. Para itong angel na handang tulungan siya. At ang pinagtataka niya dito, never pa itong sumagot sa mga tanong niya at lumilitaw lang ito kapag nag-iisa lang siya. Hinawakan nito ang binti niya at iniangat sabay patong nito sa binti nito.

            “Anong ginagawa mo?”

            The next thing she felt ay isinuot nito sa kanya ang kanyang sandals. Ganon din ang ginawa nito sa isa niyang paa. Tila isang batang sinusuotan ng sapatos ang pakiramdam ni  Limien. And it made her feel better.

            “Sino ka ba talaga? Bakit ayaw mong magsalita? Bakit palagi mo akong tinutulungan?”

            Maingat lang na ibinaba nito ang mga binti niya. Sinubukan niya itong kapain. Nakarating ang kamay niya sa arm rest. Naka-wheelchair na pala ang good Samaritan niya.

            “Naka-wheelchair ka? Anong nangyari?”

            Wala pa rin sagot. Naramdaman niyang papaalis na ito. “Teka, sandali! Bakit ba ayaw mo akong kausapin? Uy!” He’s gone. Iniwanan na naman siya ng maraming tanong ng good Samaritan niya. “Sino ba kasi siya????”

            “Sinong kaaway mo diyan? Mga papel?” untag sa kanya ng kanyang ina.

            “Ma! Nakita mo ba iyong lalaking naka-wheelchair na tumulong sa akin?” tanong niya sa mama niya.

            “Limien Rose, iniwan kitang mag-isa dito, inabutan din kitang mag-isa. Sinong lalaki? Wala namang tao dito, ikaw lang.”

            “Meron, Ma!” Pinakita niya ang binigay na stemmed rose ng good Samaritan. “Ito pa nga oh, binigay niya.”

            “Anak, walang ibang taong nakakapasok ng villa kundi tayo lang mag-ina at sina Jaziel na bibihira naman natin papuntahin dito. Hay naku, baka minumulto ka lang, anak.” Umupo ito sa tabi niya. “May good news ako sa’yo. Iyon na lang ang pag-usapan natin.”

            “Ano, Ma?”

            “May eye donor ka na!”

Sa tuwa ay niyakap niya ang kanyang ina. “Totoo, Ma? Makakakita na uli ako!”

“Yes, baby. Someone offered a great help para makahanap tayo ng eye donor mo. Kaya pupunta 
tayo ng hospital  ngayon para mag-undergo ka ng medical check up to see kung fit ka na for operation.”

“Kung sinoman siya maraming salamat sa kanya.” Ang kanyang pagkatuwa ay biglang napalitan ng lungkot.

“O bakit?”

“Naisip ko lang, Ma si Hamiel. Kung andito lang sana siya…matutuwa iyon pag nalaman niyang makakakita na ako ulit. Maaayos na rin sana lahat sa amin.”

“Masaya si Hamiel para sa’yo, anak. And for every mistakes of life, there’s always a room for making it right. Something good will happen, Mien. Have faith and believe on it.”

Naging abala na ang pamilya ni Limien para sa eye operation niya. After siyang ma-clear ng mga doctor at ma-recommend na fit for operation siya ay agad na siyang sumailalim sa eye operation sa Malaysia. Best of the best doctors ang umasikaso sa kanya roon.


LIMIEN felt nervous yet excited. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya. Ngayon ang araw na aalisin na ng doctor ang benda sa kanyang mga mata. Nag-iisa siya sa silid niya ngayon dahil kinakausap pa ng mga doctor ang mama niya.
          
        Tahimik lang siya habang nakaupo sa hospital bed at nakikinig ng music sa ipod niya. Bumukas ang pinto. Bagama’t wala siyang narinig na yabag, alam niyang may taong papalapit sa kanya. Someone grabbed her hand. Nakilala niya ang mga kamay na iyon. Ang kamay ng kanyang good Samaritan. 
  
          “Hanggang dito binabantayan mo ako?”

            Hindi na siya nagtaka nang di na naman ito sumagot.

“Alam ko, hindi mo na naman ako kakausapin kaya sige okay lang. Salamat sa pagdalaw mo rito.”

May isinilid itong card at as usual stemmed rose sa kamay niya.

“Thank you. Alam mo ngayon nila aalisin ang benda sa mata ko. Pwede mo bang hintayin iyon para makita kita? Alam ko hindi ka naman sasagot pero sana isa ka sa mga makikita ko sa muling pagmulat ng mga mata ko.”

Wala pa rin talagang verbal reply. Bagkus ay hinaplos lang nito ang kanyang pisngi. Maya-maya pa’y umalis na ito at pumasok na ang mama niya at ang doctor.

“Ma, nakita mo ba iyong good Samaritan ko? Sino siya?”

“Anak, wala naman kaming nakitang ibang tao na pumasok dito.”

Di nga kaya, minumulto lang talaga ako? Umiling siya. Hindi iyon ang tamang oras para takutin niya ang sarili.

“We were going to remove the bandage of your eyes, Limien. Are you ready?” tanog sa kanya ng Malaysian doctor.

“Yes, doc.”

Dahan-dahan, inalis ng doctor ang benda. She instructed her to slowly open her eyes. Tumalima siya. Medyo masakit pa ang mata niya pero tolerable naman. Hindi niya maipaliwanang ang naramdamang saya nang makaaninag siyang muli matapos ang halos higit sa isang taong pagkabulag. Unti-unti, ang blur sa paningin niya ay naging malinaw.

“Can you see clearly?” tanong ng doctor.

“Yes!”

Nag-instruct ang doctor na tumingin sa kanan at kaliwa niya without moving her head. Sumunod lang niya. May bago na siyang mata and seemed like her new eyes fit her well. In-examine uli ng doctor ang kanyang mga mata habang ipinapaliwanag ang mga bagay na dapat at hindi niya dapat gawin para masigurong habambuhay na muli siyang makakakita.  Pagkatapos noon ay iniwan na sila ng doctor.

Nang mabalingan niya ang kanyang ina ay nakita niya agad ang bakas ng saya sa mukha nito. Nilapitan niya ito at niyakap. “Mama! Nakita na kita uli! I’m so happy!”

“I’m happy for you, anak.”

Naalala niyaang papel na binigay ni good Samaritan. Kinuha niya iyon.  It was a letter, binasa niya ang nakasulat. I always look forward to see you smiling again. I love you so much, Mien ko. Natigilan siya. Nagtatanong na binalingan niya ang kanyang ina. Ngumiti lang ito at may kung sinong itinuro sa likod niya.

Bumaling siya. Pinigilan niya ang maiyak nang sa wakas ay makita niya ang kanyang good Samaritan.  There he was…lovingly staring at her while sitting on his wheelchair. This day was really a day of surprise for Limien. Ang una ay ang successful eye operation niya at pangalawa ang lalaking ito.

“Hamiel??!!!”

Tumakbo siya palapit dito at sinalubong ito ng yakap. Hindi siya makapaniwala ngunit abot-langit ang pasasalamat niya dahil buhay pala ito. And to prove that she was not dreaming, heto ngayon si Hamiel, yakap-yakap niya ng mahigpit.

“O, wag kang iiyak. Baka makasama sa bago mong mga mata iyan—aray!”

Sinuntok niya ang likod nito. “How could you do this to me, Hamiel?!! Akala ko wala ka na. Akala ko iniwan mo na ako. Pero all along pala kahit pinalayas na kita noon, naaksidente ka na’t lahat, andyan ka lang pala sa tabi ko…inaalagaan ako. Why do you have to hide?”

“Dahil mas makakabuti sa’yo na isipin mong wala na ako. I indeed got lost. Tatlong buwan after kayong mag-alay ng dasal para sa pagkamatay ko, natagpuan ako ng pamilya ko. They wanted to tell you immediately that I survived and I’m alive despite of this partially-paralyze situation but I refused. Sinabi ko na itutuloy ko nalang ang dati kong mission…ang alagaan ka sa malayo. Tutal naman hindi mo ako nakikita, hindi mo malalaman na nakatira pa rin tayo sa iisang bubong at ako ang good Samaritan mo.”

“Nakakainis ka!”

He moved to be able to stare at her. Ngumiti ito… the sweetest smile of his that never fail to make her heart skip to a rhythmic beat. “Alam ko na talaga na ganyan ang magiging reaction mo. Pero alam mo, lalo kitang minamahal kapag inaaway mo ako.”

“May gana ka pa talagang mambola. Lalo akong naiinis sa’yo! Pwede mo namang pasimplehin ang lahat! Kung noon pa lang nalaman kong buhay ka, wala ng prelude, wala ng interlude, kakaladkarin na kita sa simbahan at magpapakasal na ako sa’yo! But you made this drama! Gustong-gusto kitang sabunutan sa inis!”

“Ayaw mo ba na andito ako? Buhay na buhay o. Hinding-hindi na kita iiwan kahit itaboy mo pa ako.”

“Hindi na kita itataboy!”

“Okay, pero wag ka ng magalit sa akin.”

“Kung ikaw ako, hindi ka ba maaasar? Para akong buhay na patay nung mamatay ka. Namatay ang kalahati ng pagkatao ko. Ganun kasakit iyon Hamiel.” Niyakap lang uli niya ito. “Pero I’m glad, hindi iyon totoo. I’m glad you’re here with me. And I’m glad to know that you still love me.”

“That will never change, Mien. Di ba’t sinabi ko na noon, kahit kailan hindi mababago ang katotohanan na ikaw ang prinsesa ko, na mahal na mahal kita at mahal na mahal mo ako. O wag tatanggi, hahalikan kita!”

Ngumiti na siya na nauwi sa pagngisi. “Sinong may sabing mahal na mahal kita?”

Without any single word, he grabbed her nape and lovingly kissed her. Finally, after so long, they once again share their love with each other. His passionate sweet kisses were telling her all the things that words cannot easily express. She still can’t believe that it’s really happening.  Parang kahapon lang halos gumuho ang mundo niya sa pag-aakalang patay na ito. Now he’s back… alive and ready to show off his loving heart to her.

She did her best to lovingly response in his sweet kisses. Sa ganung paraan malalalaman nitong mula sa araw na iyon wala na talagang magpapahiwalay sa kanilang dalawa.

“I love you, Mien ko,” nakangiting sambit nito after their lips parted.

“Why me, Hamiel? Ilang beses ka ng nasaktan sa akin. Ipinagtabuyan na kita, iniwan, sinaktan pero sa huli ako pa rin ang minahal mo.”

“’Wag mo na akong tanungin kung bakit, paano at hanggang kelan. Basta ang alam ko, mahal kita, minahal kita at mamahalin kita kahit ano pa ang mangyari.” Hinaplos ito ang gilid ng mata niya. “Mata lang ang nabubulag,” hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan nito pagkatapos ay inilapat nito sa sariling pisngi, “memorya lang ang pwedeng mabura,” tinapik nito ang sariling binti, “binti lang ang napaparalisa,” dinala nito ang kamay niya sa tapat ng dibdib nito, “at hindi ang puso.” Ngumisi ito. “O kaya naman baka matindi lang iyong gayumang ginamit mo sa akin kaya kahit naalog na’t lahat ang utak ko, mahal pa rin kita.”

Sinamaan niya ito ng tingin. Okay na sana ang drama nito, may pahabol hirit pang nagpapangit. Pabirong bumitaw din siya dito bigla. At naglakad siya pabalik sa hospital bed niya. “Ah, gayuma pala. Sige, sayang ang emote ko sa’yo. Tutulog na lang ako uli.”

“Uy, pikon. Binibiro lang kita. Dito ka lang hug mo ako,” ungot nito. Inilapit nito ang wheelchair sa kanya.

“Ayaw! May gana ka pang magbiro eh seryoso naman ako. Sabi ng doctor, ipahinga ko daw ang mata ko. Matutulog na lang ako kesa makipaglampungan sa isang power tripper.” Humiga uli siya sa kama at pumikit.

“Ganon? Pero sige, magpahinga ka na nga lang. I’ll just be here, babantayan kita. Papanoorin kita. Hindi ko aalisin ang mata ko sa’yo.”

Lihim na napapangiti siya sa sinasabi nito. 

“Pero pag nainip ako, gagawin ko na lang sketch pad ang mukha ng Mien ko. Tama! May pentel pen pa naman—”

Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil hinalikan niya ito para manahimik.

“Limien, babae ka ba talaga?”  biglang tanong nito pagkatapos niya itong gelatin ng halik.

“Ano namang klaseng tanong iyan?” kunot-noong balik-tanong niya habang sinusulit niya ang feeling na hawak nito nang mahigpit ang kamay niya.

“Eh kasi ang ginawa mo, strategy iyon ng lalaki para patahimikin ang babae eh.”

“Bakit nakalagay bang sa babaeng madaldal lang iyon pwede? Wala naman ah. Try mong dumaldal uli.”

“Hahalikan mo uli ako? Ikaw talaga, gustong-gusto mo na ikaw ang nakakaisa sa ating dalawa. Madaya ka.”

“Hindi ka taong kausap Hamiel. Tutulog na lang ako.” Pumikit na lang uli siya.

Naramdaman niya ang labi ni Hamiel na nagbigay ng quick kiss sa labi niya. “Once we’re back in the Philippines, let’s get married, Mien ko.”

Nagmulat uli siya ng mga mata. Ngumiti lang ito sa kanya. “Akala ko hindi mo na sasabihin iyan. Nagbabalak na nga akong mag-propose sa’yo. Yes, Hamiel. Let’s get married and this time, wala na talagang atrasan. Todo na’to!”

“Isuot mo na ito.” Isinuot nito sa kanya ang engagement ring na may naka-engrave na diamonds. In fairness to Hamiel, ibang singsing  ang ibinigay nito. “Ayan. Hindi na iyan magtatagal, mapapalitan na iyan ng wedding ring. Sige na matulog ka na. Last hirit ko na itong pagpapakasal sa’yo.”

She lovingly looked at him. “I love you so much, Hamham ko. Ikaw na ang one great love ko.”

“I love you more, Mien ko. Tulog na, gusto mo pa ng lullaby?”

“Na-miss ko iyan. Sige nga, kantahan mo ako.” Pumikit na uli siya.

Hinawakan ni Hamiel ang kamay niya at kinantahan ng You, ang kanyang lullaby. Nakatulugan na niya iyon. How could anyone mean more to me than you….



PREVIOUS                                                             NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…