Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter Five



“Oh, ten minutes lang ha. Ayokong naghihintay ng matagal sa makaka-date ko,” sambit ni Hamiel.

            Napakunot lang ng noo si Limien. Para talagang seryoso ang lokong ito. “Ten minutes? Okay ka lang? Hindi tayo magbabasa ng reports? Adik ka din eh.”

            “Okay, thirty minutes!”

            “One hour! Kung ayaw mong magbasa ng report, bahala ka pero ako, magbabasa ako.”

            He gave in. “Okay, an hour.” Hesitant na binitawan nito ang kamay niya. Pagkatapos ay nag-iba na sila ng way. Magkabilang pinto kasi ang offices nila.

            Napapiling pa siya at napapangiti nang maglakad siya papasok sa office niya. Pagkapasok niya ay agad siyang sinalubong ni Jaziel.

            “Nasaan na ang business report?”

            “Nasa table mo na, Ma’am,” nakangiting sagot nito pero ang tingin naman ay lagpas sa kanya. Sinusulyapan na naman nito si Hamiel.

            “Hindi ka pa ba nasasanay na boss mo  siya, Jaziel?”


            Napabalik sa kanya ang atensyon nito sa kanya. Well, okay lang naman sa kanya na sinusulyapan nito si Hamiel. Konsintidorang amo pa nga siya. Siya pa ang nagbigay kina Jaziel at Emzie ng links kung saan matatagpuan ang nag-uumapaw na mga pictures ni Hamiel sa internet.  Napaamin niya lang naman sa isang girl employees night out na kaya nag-apply ang dalawa dahil fan na fan sila ni Hamiel.

            “Ang hirap atang masanay, Ma’am. Ang swerte ni Emzie, up-close siya kay Sir Hamiel. Baka naman Ma’am pwede kaming magshift minsan,” hirit nito.

            “Let’s see. May mga naghanap ba sa akin?”

            “Iyong mga phone calls, most ay nagpapa-set ng appointment. Iyong mga client inquiries naman, iyon iba na alam ko sinagot ko na lang tapos iyong iba, sinagot ni Ma’am Sandra.”

            “Okay. Nasa’n si Mama?”

            “Nasa loob ng office mo.”

            “Okay, salamat.”

            “Eh, Ma’am, hindi ba talaga kayo ni Sir?”

            “Hindi.”

            “Eh ano iyong holding hands tsaka iyong date nyo na narinig ko?” tila kinikilig na biro nito.

            “Usisera ka talaga. Magtrabaho ka diyan. Kung petiks ka magbasa ka ng online pocketbook.”

            Nadala naman ito sa authority. “Sige po, Ma’am. Abangan ko na lang po na mag-kiss kayo! Exciting!”

            Pabirong tiningnan niya ito ng masama.

            Nag-peace sign ito. “Joke lang, Ma’am. Sabi ko nga, Ma’am. May trabaho pa akong gagawin at magbabasa pa ako ng online pocketbook.” 

            Pumasok  siya sa opisina na napapailing.

            “Di ba’t day off mo? Anong ginagawa mo dito?” Nagulat siya nang biglang  magsalita ang nanay niya. Napalingon tuloy siya sa kaliwang bahagi ng opisina. Nakaupo ang mama niya sa sofa at kalong nito ang laptop. Abala ito sa pagta-type na malamang ay iyon pa ring script ng life story ng  daddy niya.

            “Ma naman! Bakit ba kayo nanggugulat?” Naglakad siya papunta sa table niya at umupo sa kanyang

            Nag-angat ng tingin ang kanyang ina. “Hindi ako nanggulat. Nerbyosa ka lang. Well kung iyan rin lang business report ang pinuntahan mo, sana iniutos mo na lang na dalhin sa bahay. Minsan ka na nga lang mag-rest day,  pero anong ginagawa mo? Dito pa rin sa Green Haven Farm ka nagpapahinga,”  agarang sermon ng kanyang ina.

            Napangiwi siya habang iniisa-isang i-scan ang mga pinabago niya sa report sabay pirma na rin sa mga necessary pages. “Chill out, Ma. Pipirma lang po kami ni Hamiel ng business reports then…” Natigilan siya. Dapat rin ba niyang ipagpaalam ang so-called date nila ni Hamiel?

            “Then what?”

            “Maglilibot kami sa zoo at garden to refresh,” sambit na lang niya.

            “Mag-refresh o mag-supervise? Limien Rose ha, babawiin ko ang titulo ng lupang ito pag di ka tumino. Six days of working is enough! Magpahinga ka ng isang araw.”

            “Magre-refresh lang po talaga kami. Kung gusto nyo, sumunod kayo. Then may party mamayang gabi sa opening ng Senang Hati dito sa Green Haven  Resort, may gig kami. Hindi naman trabaho iyon, Ma.”

            “Workaholic ka. Para kang tatay mo,” may halong tampo pa ring sambit ng nanay niya.

            Tumayo siya at tinabihan ito sa sofa. Ipinatong naman nito ang kalong na laptop sa center table. “Ma, nagpapahinga naman po ako. Minsan nga kahit office hours tulog lang ako sa  bedroom ko sa itaas. Pag ginagabi po kami ng uwi ni Hamiel, galing lang po kami sa gig ng Karisma Band o kaya nagkayayaan lang kaming mag-dine out. Mabibilang sa kamay na nag-overtime kami.”

            “I’ll check that thing from your secretary,” sambit nito.

            “Sure, Ma.”

            “Change topic tayo. Iyong best friend mong iyon,hindi ba talaga nanliligaw iyon sa’yo?”

            “Ma, naman. Kung nanliligaw si Hamiel, ikaw ang unang makakaalam. Hindi naman totoo iyong mga articles sa internet at news na nanliligaw siya sa akin. Kilala nyo naman kami, Ma.”

            “Sayang,” pabulong na sambit nito pero narinig niya.

            “Po?” Ano ba iyon? Pati ata nanay niya nahawa na sa magulang ni Hamiel na type na type na magkatuluyan silang dalawa.

            “Wala. Ah, anak may sasabihin ako sa’yo. What if pumunta muna ako sa Prague? Hindi ko matapos talaga ang script. Baka dapat pumunta ako kung saan kami nagsimula ng Daddy mo.”

            “If  you think it’s the best thing to do, sige Ma. Okay lang po na maiwan ako dito. Malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko.”

            Hinalikan ng kanyang ina ang kanyang ulo. “Sure ka? Ito iyong first time na malalayo ka sa akin kasi di ko alam kung hanggang kelan ako sa Prague.”

            “Sure, Ma. Basta pag na-miss kita, pupunta agad ako ng Prague!” biro niya. Buong buhay niya ay hindi pa siya iniiwan ng kanyang ina. Kahit may shooting ito sa ibang bansa, palagi siyang isinasama nito. She believed her mom needed to have time alone with her Dad memories at hindi niya ito pipigilan.

            “Salamat anak ha.”   Napansin niyang natahimik ang kanyang ina. Nakatingin lang ito sa malayo and perhaps she’s thinking of her father all over again.

            “Ma, Paano mo nalamang in love ka kay Dad?”

            Napangiti ang kanyang ina. “Paano ko nalaman? Actually, mahirap malaman kung in love ka na. We ignore or deny to ourselves sometimes. In my case, I woke up one day and got surprised. Si Ross ang unang taong naalala ko tuwing gigising ako.  Pagkatapos noon, lahat na lang ng kilos niya napapansin ko. Nae-excite ako tuwing magkikita kami. Nami-miss ko siya agad pag wala siya sa paningin ko kahit isang oras lang ang lumipas. I felt something strange pag ngumingiti siya sa akin, pag hinahawakan niya ang kamay ko at lalo na pag tinititigan niya ako. Kinakabahan ako na nae-excite. Ganon.” Tinapunan siya ng kanyang ina ng may malisyang tingin. “Bakit mo naitanong? In love ka?”

            “Po? Ah…eh…” Napaisip din siya. Pawang lahat ata ng signus na sinabi ng kanyang ina ay nararamdaman na niya lately…pero bakit hindi para kay Vlad na ultimate crush niya? Di kaya in love ako kay Hamham? Natigilan siya sa realization.

            “Come on, Limien Rose. I’m your beautiful mother. Tell me, who’s the lucky guy? The ultimate crush or the best friend?”

            “Po?” Paano naisip iyon ng kanyang ina? Wala na ata talaga siyang maililihim sa magulang. “Hindi po ako sigurado, Ma.”

            Ngumiti lang ang kanyang ina. “Don’t rush. Darating din ang perfect timing  para maging sigurado ka. But it is so nice to know that you are starting to fall in love dear.”

            Niyakap lang siya sa tuwa ang nanay niya. No doubt. Her Mama Sandra was the most understanding, sweetest and best mother of all. “Thank you, Ma. Magagalit kaya si dad kung ma-in love na ako?”

           “Wala na siyang magagawa do’n. Binibigyan kita ng freedom kasi puso mo iyan eh. Sundin mo na lang ang gusto niya na next year ka mag-boyfriend. Ngayon, mag-enjoy ka muna. At kapag pinaiyak ka nila, magsumbong ka kay Ross. Mumultuhin niya ang magpapaiyak  sa’yo,” biro pa nito.

            “Ay! Wag naman ganon Ma! Kelan ka aalis?”

            “Actually, naka-empake na ako. Magpapaalam lang sana ako sa’yo.”
 


            GANITO lang kasimple ang friendly date, Mien,” sambit ni Hamiel. He tried his best not to held her hand or become sweet. Para naman maipakita niya na ganon lang kasimple  ang friendly date. May isang oras na rin silang naglilibot sa Green Haven Farm. Hindi para mag-supervise, kundi para mag-date. Pinangatawanan niya ang kalokohang naisip kanina.

            “So ganito na lang ito? Lakad-lakad, talk about anything under the sun tapos ano?” tanong nito.  Mukhang sinasakyan naman nito ang trip niya.

            “Wala ng significant thing. Pag nagkasawaan kayo ng usapan, magkakayayaan ng umuwi.”

           “Ganon?”

            “Oo.”  Biglang nag-ring ang cell phone niya. Sinagot niya ang tawag. “Yes, Emzie.”

            “Sir, pasensya na po. Alam ko pong day off nyo pero may natanggap po kasi akong report mula sa clinic. Nanganak na po iyong tiger na binabantayan natin pero mahina daw po iyong  isa sa tatlong cubs.”

            “Okay sige, tell the staff I’m coming over to check the condition.”

            “Yes, Sir.”

            Binalingan ni Hamiel si Limien. “Okay lang, daan muna tayo sa clinic? Nanganak na iyong tiger kaya lang mahina iyong cub.”

            “Cub?”

            “Baby tiger.” They headed their way going to the veterinary clinic inside the Green Haven Farm. “Pagkatapos natin sa clinic…hmm, gusto mo na ba ng romantic date?”  Binalingan niya ito at nginitian.

            Lihim din siyang natutuwa ng sobra-sobra. Mukhang sa unang pagkakataon ay may epekto na kay Limien ang charm niya.   Nakatulala lang ito sa kanya na pawang may ina-analyze sa mukha niya. Nagising lang ito sa pagkatulala nang  pumitik siya sa may mata nito.

            “Okay ka lang? Madali lang naman iyong tanong ko ah.”

            Nauna itong maglakad papasok sa clinic. “Ah, wala. May iniisip lang ako. Ikaw ang bahala tutal, trip mo naman ito.”

            Nangingiting sumunod siya dito hanggang sa magkasabay uli sila sa paglalakad. “Ako ba ang iniisip mo?”

            “H-hindi ah!” agad na  tangi nito.

            “Iyong totoo? Okay lang naman eh. Parang iniisip mo lang naman. Hindi naman siguro x-rated thoughts iyang inisiip mo unless—”

           “Nanay ko ang iniisip ko. Feeling mo naman!” putol nito sa biro niya. Bumuntong-hininga ito. “Aalis siya, pupunta siya sa Prague.”

            “Sasama ka?” Umiling ito.  Buti na naman, mami-miss kita kung sakali eh. “ Malaki na ang nanay mo. Kaya na niya ang sarili niya.”   

            Kunot ang noong binalingan siya nito. “Bangenge ka talaga. Parang baliktad naman ang statement. Para sa akin dapat iyon hindi para kay Mama.”

            “Mien, hindi natin kailanman maiintindihan ang nararamdaman ng isang nabyuda  hangga’t hindi natin iyon nararanasan. Iyon ang sabi ni Mama sa akin. Si Mama din nagpaalam, sasama daw siya kay Miguel sa Australia. Maiiwan muna kami ni Amhiela dito.  Pag nakatapos si Amhiela sa Masteral niya next month, magta-travel din iyon dahil balak niyang maging wildlife photographer. Maiiwan rin akong mag-isa.”

            “At least meron tayong farm to keep us busy.”

            “Yeah right. And also, we have each other.”

            “Tama.”

            Agad siyang sinalubong ng dalawang veterinarian na ini-hire niya para mag-supervise sa health conditions ng mga animals sa zoo. Agad niyang nilapitan ang incubator kung saan nakalagay ang sinasabing mahinang new born Siberian tiger cub. Iniabot naman sa kanya ni Yemmy, one of his trusted veterinarian, ang reports.

            Pinasadahan niya iyon ng basa habang  inoobserbahan ang cub. “Pre-mature siya.”  He checked the hearbeat, normal naman  at pati temperature nito ay normal din.

            “Oo nga, Sir. Mahina ang lungs niya pero wala naman kaming nakitang viral infections or disease. Dala lang po ng pagkakulang niya sa buwan ang paghina ng lungs niya.” 

            Kumuha siya ng recommendation sheet sa mesa drawing ng clinic. Isinulat niya doon ang  gamot  na kailangang iturok sa cub plus other recommended actions. Iniabot niya ang pirmadong sheet kay Yemmy.  “Dr. Almendral, if anything goes wrong,  please hand me a call immediately.”

            “Yes, Sir.”

            Matapos harapin ang saglit na trabaho ay hinanap ng paningin niya si Limien. Nakangiting pinapanood nito ang  mga new born cubs sa isang specialized crib. Nilapitan niya ito. 

            “Cute ano? Parang ako.”

            “Mas cute sila kesa sa’yo.”

            Sapul na naman siya. Bakit ba laging natatabla siya kapag nagpapa-kyut siya dito? Kinuha niya ang isa sa mga cub. Binuhat niya ito at pinainom ng gatas gamit ang feeding bottle.

            “Sosyal naka tsupon pa ang tiger!” sambit ni Limien. “Ang kyut-kyut. Pwede ko ba siyang hawakan? Di ba siya mangangagat?”

            “Mabait naman siya. Eto o.”  Ibinigay niya ditto ang babay tiger at tinuruan niya ito ng tamang pagbubuhat nito. “Parang new born human din naman ang mga new born animals. They need warm temperature, extra care and love.”

            Hindi niya maiwasang mapangiti. She looked so amazing while she was taking precautions as she handled and fed the cub. He wondered how she would act if she will carry her own baby… their baby.  Napiling si Hamiel ng wala sa oras. Ang layo ng naaabot ng ilusyon niya. Ni hindi pa nga niya maamin kay Limien na nagsisimula ng maging more than friends ang tingin niya dito.

            Tumawa ito nang tila humikap ang  cub. “Wow! Ang cute! Asan nga pala ang nanay nila?”

            “Nasa operating room. May mga sugat ginagamot pa but she’s okay.”

            Ibinalik na nito sa kanya ang cub. Pagkatapos ay lumabas na sila ng clinic. “No I know why you love animals. Seeing them made me feel glad that I witness a new beginning of a new life. They are all amazing.”

            “Got it right, Mien. Teka…” Napatingin siya sa relo. Hindi na nila namalayan mag-aalas-sais na. Kailangan na sila sa Senang Hati. “We better go at Senang Hati, malalagot na naman tayo kay Mathew at Hinaro. Doon na lang natin ituloy ang romantic date.” Inakbayan niya ito habang naglalakad sila papunta sa direction ng establishments ng Green Haven Resort.

            Karisma Band had gone long from being a simple band that started out of simple katuwaan. High school sila noon  at napagtripan nilang gayahin ang mga magulang nila, the  Infinity Band whom that moment was still lively performing every weekends at Senang hati Music Lounge. Years after, pinagpahinga nila sa pagtugtog ang mga magulang nila. They took over the stage of Senang Hati having the name, Karisma Band. At ngayon nga, the music lounge, now in the management of the twins Laina and Hinaro, successfully opened almost 10 branches here and abroad. Music lounge pa lang iyon. Ibang usapan pa ang Senang Hati restaurant na naunang itayo ng magulang ni Limien sa Pampanga. May 100 branches na iyon around the country. Green Haven Farm was lucky having Senang Hati inside the farm. Panghatak kliyente rin iyon.
  
          “So far, are you enjoying the night, Senang Hati?” tanong ni Hamiel. Nasa kalagitnaan na sila ng gabi. Ilang kanta na rin na by request ng audience ang nai-perform nila.

            Siya at si Limien ang lead vocalists ng banda, habang hawak niya ang acoustic guitar, si Limien naman ay sa keyboard. Cielo, one of the twins of Herald and Zhei and cousin Limien, was holding the violin. Ito rin ang humahawak ng keyboard pag wala si Limien. Hinaro was on drums, Christella on bass guitar, Danielle Ahne on lead guitar, and Mathew on rhythm. At ang kanilang ever reliable bossing aka band manager, si Laina. 

            The crowd cheered and asking for more. “Okay. Okay. I am requesting everyone to go to the center and dance with me.” Binalingan niya si Limien. “Gusto nyo bang pasayawin natin si Limien?”

            Agad siyang pinandilatan nito pero wala rin itong nagawa dahil sinakyan na ng crowd ang sinabi niya.

            Hinawakan niya ang kamay nito at isinama niya sa gitna ng stage. Cielo on the other hand, took over the keyboard.

            “Well, maliban sa gusto kong pasayawin si Limien eh iaalay ko rin itong next RNB song para sa kanya.”

            “Woooh! Mag-alabyuhan na kasi!”

            “Magligawan na!”

            “Sakalan na!”

            Sari-saring kantyaw sa kanila ng mga kabanda.

            “Wag ganon, guys. Baka mausog!” sakay niya sa biruan.  Inakbayan lang niya si Limien nang pabirong sumimangot ito.

            Sinenyasan niya ang banda at saglit na binulungan si Limien. “This is part of the romantic date. Enjoy it.”

            “Wag kang masyadong pa-sweet baka maniwala ako,” bulong ni Limien.

            “Okay lang sa akin kung maniwala ka.”

            Accompanied by the keyboard he started humming the first notes of Just The Way You Are. “Oh her eyes, her eyes make the stars look like they’re not shining. Her hair, her hair falls perfectly without her trying. She so beautiful and I tell her everyday.”

            He intently looked in her eyes as he sang and dance all at the same time. Plus hindi niya binitawan ang kamay nito. “Yeah, I know, I know when I compliment her she won’t believe me. And it’s so, it’s so sad to think she don’t see what I see. But everytime she asks , ‘Do I look okay?’ I say…”  

            Naging kampante na rin si Limien kaya nakisayaw na ito sa kanya. “When I see your face. There’s not a thing that I would change. Cause you’re amazing just the way you are. And when I see you smile the whole world stops and stares for a while. Cause girl you’re amazing just the way you are…”

            Naging hyper ang crowd kaya nasundan pa ng mga RNB songs na ang iba ay duet pa sila ni Limien. There’s nothing compared when he was on stage. Pakiramdam niya ay malaya siya sa napakaraming alalahanin sa buhay.    Dahil super successful alas-kwatro na natapos ang  gig.

            “Congrats, Laina and Hinaro! Mahal na mahal ko kayong mga anak ko!”  sambit ni Tito Earth, ang ama ng kambal.

            “Thank you Dad!”  tugon ng kambal.

            “Wala ba talaga kayong plano na mag-recording? Sabihin nyo lang, magpapahanda na ako ng kontrata,” sambit ng Mama Mhiel niya.

            “Bahala na po,” tugon naman nila. Puro mga busy sa kani-kanyang trabaho silang mga members ng banda kaya kahit ilang beses ng may nag-alok na mag-sponsor ng kanilang music album ay hindi nila pinapatulan.

            “Pero pag-isipan nyo rin ha. Kasi nagpaplano kami ng tribute album para kay Haime. Gusto sana namin  na kayo ang maging leading artist sa album na iyon. Alam nyo namang proud na proud sa inyo ang asawa ko,” sambit ng Mama niya.

            “Ah, kung para po kay Tito Haime, go!” tugon ni Christella.

            “Oo nga,” dagdag nina Mathew  at Danielle Ahne.

            “Madali po kaming kausap. Go na go po iyan,” sambit ni Hinaro na tinanguan din ng kakambal nito.

            Binalingan naman ni Hamiel si Limien. “Kailangan kita sa album na iyon.”

            “You don’t have to ask. Magbo-volunteer talaga ako.”

            Inakbayan niya ito. “Tara, time to rest.”  Binalingan niya ang mga kaibigan. “Mauna na kami.” Nilapitan niya ang ina at hinalikan sa pisngi. “Ma, ingat po kayo sa pag-uwi.”

            “Don’t worry about me. Kasama ko naman sina Penpen at Hansen eh. Ingatan ang future daughter in law ko ha,” biro nito. Pero kahit nagbibiro ito ay halata pa rin niya sa mga mata ng mama niya na pinagtatakpan lang nito ang lungkot.

            “Ma!”

            “Joke lang! Sige na.”

            Hinawakan muli niya ang kamay ni Limien.

            “Ang sweet naman!”

            “Picture-an nyo dali!”

            “Video! Video!”

            “Wag mo silang intindihin, Mien. Mga baliw lang ang mga iyan,” sambit niya nang mapansing nate-tense na si Limien sa nangyayari. Nanginginig na kasi ang kamay nito.

            “Bitawan mo muna ako.”

            “Ayoko nga. Moment natin ito!”


          
Tumawa lang ito. And those laughs made him feel alive again.



PREVIOUS                                                                       NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…