Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter Seven



“Tomomiiii! Toooomooomiiii!” parang batang ungot ni Limien sa kaibigan.

Kasalukuyang nasa office siya nito sa Keithan Apparels para maging instant mannequin para sa mga bagong creations nito ng gowns na as usual siya na naman ang unang magrarampa sa sunod ng invitational performance niya kasama ang Philharmonic Orchestra. Mula pa noong nag-aaral pa lang ito ng fashion designing ay siya na ang ginagawa nitong mannequin. Para daw kasing katawan ng mannequin ang katawan niya. Ang kapalit, hindi siya nagagastusan sa damit dahil ang Keithan Apparels ang nag-sponsor sa kanya. Tuwing lalabas siya sa tv o sa concerts, at maging sa iilang commercial endorsements at mga music videos ay carry niya mula head to toe ang Keithan Fashion.
           
         “Haaay, Limien Rose Ferrer! Wag ka ngang maingay, friend. Baka akalain ng mga kaopisina ko dito may sunog!” sita ni  Tomomi habang inaayos nito ang laylayan ng gown na pina-fit nito sa kanya. “Sige okay na iyan. Hubarin mo na muna.”
        
        Napapakamot sa ulong pumunta siya sa dressing room. “Friend, eh kasi naman ang gulo-gulo ng sitwasyon ko! Anong gagawin ko?” sambit niya habang nagbibihis. Nang matapos ay ibinigay na niya ang damit dito.

            “Kasi naman. Dapat sinunod mo na lang ang tatay mo. Kung next year ka pa nag-explore  about love eh di sana hindi ka nababaliw riyan.”


            “Friend, andito na eh. Nako-confuse na ang kagandahan ko!” Parang baliw na umupo siya sa sofa sa tapat ng office table ni Tomomi. Umupo naman ang huli sa swivel chair nito at inabala ang sarili sa harap ng sketch pad nito.  

            “Simple lang naman kasi iyan friend ano. Sino ba talaga ang gusto mo? Ang kapatid ko o si Hamiel? Kahit kasi sino sa dalawang iyon, basta masaya ka friend, suportahan kita.”

            “Iyon nga ang nakakalokang problema ko!” Humiga siya sa sofa, iyong higa na animo’y may camera sa kisame  na kukuhanan siya ng pang-MTV na video. “Di ko ma-define friend. You know how much I like your brother since high school years. And until now, the feeling is just the same.”

            “O, yun naman pala. Anong ine-emote emote mo diyan sa sofa ko?” 

            “Friend, may tama din ata ako kay Hamham!” Eksaheradong hinawakan ng dalawa niyang kamay ang kanyang ulo. Kulang na lang ay mag-Lady Gaga steps siya habang nakahiga para sa total emotera effect.

            “Aww. Sana dalawa ang puso mo! Mahirap iyan!”

            Bumangon siya sa pagkakahiga at nag-emote na lang siya habang nakaupo. Idinipa niya ang mga braso sa sofa “Sabi ko sa’yo friend eh. Complicated!”

            Tumawa lang ito. “Try mo kaya friend na mag-contortion tapos magtumbling ka diyan sabay split?” biro nito.

            “Pwede?” nakangiting patol niya sa sinabi nito. Lumapag nga siya sa carpeted na sahig at nag-bending at split.

            Lumakas ang tawa ni Tomomi. “Alam mo friend, kaya kita labs eh. Napapatawa mo ako ng walang effort.”

            “Baka kasi makahanap ng sagot pag nagpabali-baliktad ako dito.” Kung wala nga sigurong mga mannequin sa paligid ng opisina ay nag-tumbling na rin niya.

            “Eh teka lang friend, once na-define mo na kung sino sa dalawa ang gusto mo, anong gagawin mo?”

            Napaisip din siya sa tanong na iyon. Ano nga naman ang gagawin niya? Eh parang pareho namang walang gusto sa kanya ang dalawang iyon. “Eh di sa kanya na lang ako magbubuhos ng atensyon ko kung sino man siya.” Umayos siya ng upo sa carpeted na sahig, walang pakialam kung nakabestida pa siya.

            Umiling si Tomomi. “Friend, hindi kasi ganyan ang love. Kahit magdesisyon ang isip mo, minsan may ibang desisyon ang puso mo. Pwedeng sa isip mo si Vlad ang gusto mo, pero si Hamiel naman ang nasa puso mo or vice versa.”

            “So, alin ang dapat masunod?”

            “Kung wala naman masasagasaang tao at sa tingin mo naman ay walang mali, puso mo ang sundin mo.”

            “Ganon? Wow friend, iba ang effect sa’yo ni Jeremiah Yttan Romualez. Meron ka ng love vision ngayon.”

            Binato siya nito ng crumpled paper. “Loka. May love vision na ako bago pa ako magka- Jeremiah sa buhay ko. Pero sana makita mo na rin nga ang right guy mo. Baka sakaling gumaling iyang kabaliwan mo.”

            Hihirit pa sana siya ng kontra nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Amhiela. May ibinigay itong folder  kay Tomomi nang makita siya nito.

            Awtomatikong iniangat nito ang bitbit na camera. “Wow ate, hindi kayo bati ng sofa at diyan sa carpet nakalupagi?”

            “For a change, trip ko lang,” patol naman niya.

            “Pose ka nga ate!”

            Pinagbigyan niya ito. Sari-saring pose sa carpet at sofa ang ginawa niya habang panay ang kuha nito ng pictures niya. Pati ang nananahimik na flower vase ay hindi niya pinalagpas.  At habang todo, camera-emote siya ay tawa lang ng tawa ang dalawa.

            “Iba ka talaga, Ate Limien. Salamat sa pictures ha,” tatawang hirit ni Amhiela nang magsawa ito.

            “Anong salamat? May bayad iyan,” biro niya.

            “Si kuya ibabayad ko. Sa’yong-sa’yo na siya.”

            “Waaaah, wag ganyan Amhiela. Baka maaning ako, patulan ko iyan!”

            “Okay lang ate, boto ako sa’yo!”

            Waaaaaah! Baliw na ako!  Tumayo na siya at nag-ayos ng sarili. “Ewan ko sa inyo, aalis na ako. Nakakaloka kayong kausap. Text-text na lang friend.”

            “Sure.”

            “At ikaw Amhiela, i-tag mo sa akin iyan pag nag-facebook ka.”

            “No problem. Pati kay kuya ita-tag ko!”

            “Tse!”

           

            HAMIEL was trying his best to play piano. Pinag-aaralan niya ngayon ang tumugtog ng piano in preparation sa tribute album na gagawin niya with the Karisma band para sa kanyang ama. Ang gusto kasi niya ay siya mismo ang tutugtog at kakanta ng song na dedicated niya sa tatay niya. May konti siyang alam sa pagpa-piano pero hindi niya iyon na-pursued dahil mas ginusto niya ang gitara. Now he was practicing the piece that he would dedicate to his Dad.

            Isang linggo na nang magkasakit si Limien. Ngayon ay pinagpasalamat niya sa Diyos at mabuti na uli ang lagay nito. He promised himself to be more caring for her. Hindi niya alam kung anong pwedeng maging consequence ng tuluyan niyang pag-give in sa nararamdamaan niya para sa best friend niya pero handa siyang sumugal.

            Kapag hindi siya busy sa pag-supervise ay sinasamantala niya ang oras para makapag-practice sa office ni Limien. May piano kasi roon. Doon na rin kasi nag-re-rehearse si Limien kapag kailangan. 

            He was playing and singing Never Say U Can’t of Bruno Mars. Ito ang kantang sumakto sa gusto niyang i-dedicate sa kanyang ama. Ang bagong arrangement ng kanta ay ginawa ni Limien. 

            “When I was just a little boy, barely strong enough to stand. I could always count on him. He thought me everything I know and ‘til this day it shows. He was more that just a friend… There were so many times I would doubt myself. But his words were always there to help.”

            An image of his Dad suddenly flashed on his mind. Ngayon ay mas nauunanwaan na niya ang nararamdaman ni Limien tuwing maaalala nito ang ama. Ngayon ay pareho na sila ng sitawasyon. Ilang buwan na ang nakakalipas pero pakiramdam niya ay palaging kahapon lang namatay ang tatay niya. It was still painful.

            Emotional na naman siya ngayon habang pinagpapatuloy niya ang pagkanta at pagtugtopg ng piano. “How would it be? Where I am? If my father didn’t tell me to never say I can’t. He’d carry me and never let me fall. Oh and the only thing he asked right before he passed was to never say you can’t…”

             Napahinto siya nang magkamali siya sa pagtipa ng tiklada.

            “Mali ang last four notes! From the top!”

            Napalingon siya sa pinto ng office. Nakadungaw lang doon si Limien. Nakarating na pala ito mula sa meeting nito sa Keithan Apparels.

            “Kelangan ma-perfect ko ito bago mag-recording,” sambit niya nang tuluyan na itong pumasok sa opisina.

 Umupo ito sa tabi niya. “Kaya mo iyan. It’s for your father and remember sabi niya, walang bagay na hindi mo kaya kasi naniniwala siya sa’yo.” She intently looked at him.  “Kanina ka pa bang nagpa-practice?”

He nodded. “I think I had enough of practice today. Tugtugan mo naman ako.” Tumayo siya at umupo sa katabing sofa. 

“Anong gusto mong tugtugin ko?”

He lovingly gazed on her. Alam niyang may posibilidad na hindi pareho ang nararamdaman nila ni Limien pero gagawin niya ang lahat para siya ang makatuluyan nito. Gagawin niya kahit ano, kahit pa ang makipag-kompetensya kay Vlad para sa puso nito.

“Play the music of your heart.”

“Huh?”

“In love ka ngayon di ba?”
            
            Nagulat ito sa sinabi niya.  “Halata ba?”
           
         “Not really, nararamdaman ko lang. Basta tugtugin mo  kung ano iyong music na type mong tugtugin ngayon.”

            “Okay.”

            Few minutes more na-recognize na niya ang tinutugtog nito. It was Kiss In the Rain of Yiruma. She was playing a sweet sad music.  As I thought in love ka nga, Mien. Pero sana sa akin ka na lang na-in love, sambit niya sa sarili. At hindi sa kanya.

            Ipinikit niya ang mata at dinama ang bawat notang naririnig.  Inilusyon na rin niyang inalay nito ang musika sa kanya. Hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.  

            Nang magising siya ay nag-iisa na siya sa opisina. Wala na si Limien. Nag-iwan lang ito ng note na nagsasabing pupunta lang ito sa greenhouse at magta-tabulate ng progress ng mga pinapatubo nitong imported ornamental plants. Nagpaplano na kasi sila na gamitin ang ilang natitirang bahagi ng lupa para maging flower farm at kasunod na noon ang pagpapatayo ng flower shop.

            Napailing si Hamiel. Kagagaling pa nga lang ni Limien pero heto at hyper na naman itong magtrabaho na parang hindi nagkasakit. “She’s being workaholic again!” He got up and fixed himself. Lumabas na siya ng office nito at nagtungo na siya sa green houses. Currently ay may limang greenhouse sa Green Haven Farm.  Kailangan niyang tulungan at bantayan si Limien para makasigurong hindi na ito magkakasakit uli.

            Nagulat na lang siya nang makitang lumabas sa isa sa green houses sina Limien at Vlad. Ewan niya kung anong nangyari sa kanya at napatago siya sa pinakamalapit na halaman. Narinig niya ang usapan ng mga ito.

            “Limien, pasensya ka na, naabala ko pa tuloy ang trabaho mo,” sambit ni Vlad. “Sobrang na-bother kasi ako sa aksidenteng narinig ko kanina.”

            “Asus! Wala iyon basta ikaw. Thank you sa pagiging honest, Vlad. At least ngayon malinaw na ang lahat.”

            Hinawakan ni Vlad ang kamay ni Mien. “Though we are not meant for each other, I still love you, Mien. Wag mong kakalimutan iyon ha,” nakangiting sambit nito.

            “I know.”  Nakita ni Hamiel na nakangiti nga si Limien pero halata namang nalungkot ito.

            “Hindi ka ba talaga galit?”

            “Vlad, wala naman akong  magagawa kung iba ang pinili mo. Wala akong dapat ikagalit sa’yo.  In fact, nagpapasalamat pa ako sa’yo ng sobra-sobra. Kasi dahil sa nalaman ko, may na-realize akong isang importanteng bagay.”

            “Ano naman iyon?”

            Ngumiti si Limien. “I let you know pag okay na lang lahat.”

            Minabuti na ni Hamiel na umalis na lang sa lugar na iyon. In the first place hindi naman tama na nakikinig siya sa usapan ng dalawa. Pumuslit na siya at bumalik sa opsina. He felt sorry for Limien. Matagal na nitong gusto si Vlad at alam niyang nasaktan ito ngayong alam nitong wala itong pag-asang mahalin ni Vlad. Sa pagkakaintindi niya sa narinig, may ibang pinili si Vlad. Pero alam niyang hindi ganoon kadali para kay Limien na kalimutan na lang iyon. At dahil doon, alam niyang hindi rin magiging madali para sa kanya na pumalit kay Vlad sa puso ng kanyang best friend.


            ILANG minuto na ang nakakalipas nang umalis si Vlad at nakabalik na rin si Limien sa inaasikasong mga halaman. She can’t help but smile. Dahil sa ipinagtapat ni Vlad kani-kanina lang ay mas lalong naging malinaw para sa kanya ang nararamdaman niya. Vlad might be her long term crush pero hindi niya ito mahal. Ni hindi nga siya nalungkot o nasaktan nang malaman niyang hindi rin siya mamahalin nito dahil may iba ito preference pagdating sa usaping puso. Natuwa pa nga siya at nakahinga ng maluwag. Dahil sa natuklasan ay pawang naging mas madali sa kanyang aminin sa sarili na posibleng nai-in love na nga siya kay Hamiel.  Ngayon, hindi na siya confused. In fact, defined na defined na niya.

            Nang matapos siya sa ginagawang tabulation ay agad siyang lumabas ng greenhouse para puntahan sa office si Hamiel. Di niya alam kung bakit pero parang gusto niyang makita at makasama ito matapos niyang maliwanagan. Tutal maggagabi na, yayayain niya itong mag-dinner.

            Papasok na siya sa villa nang makita niyang papalabas ng opisina sina Hamiel at Theacar. Buhat ng huli ang isang baby. Natigilan siya sa eksenang nakita.

            “Paano, aalis na kami ni baby,” paalam ni Theacar.

            “Kailan uli kita makikita?” 

            “Anytime, Hamiel.  Basta may oras ka, pwede mo kaming makita.”

            “Pwede kitang dalawin sa bahay nyo?”

            “Oo naman.”

            “Great! Magbibigay ako ng time sa inyong mag-ina.  I’m so happy na dinalaw nyo ako dito. Na-miss kita, Acar.”

            “I know it.” Ngumiti ito. “We gonna go.”

            Humalik si Hamiel sa pisngi ni Theacar at sa ulo ng baby bago sumakay ng kotse ang mag-ina. Pagkatapos ay nanatiling nakamasid ito sa papalayong kotse. Parang may jungle bolong sumibak sa puso ni Limien habang nakatanaw sa eksenang iyon. Bakit kailangang makita pa niya kung gaano kamahal ni Hamiel si Theacar sa kabila ng lahat? Bakit ngayon kung kelan nagawa na nitong buksan ang puso niya para tuluyang mahalin ito? Hindi nga kaya si Hamiel ang ama ng batang iyon na inakala nilang lahat ay kay Heijiro? Another strike ng jungle bolo seemed to crush her heart.  Hindi niya napigilan ang luhang basta na lang tumulo ng walang paalam at nagtuloy-tuloy pa.

            Ganon pala kasakit ang magmahal ng taong may ibang mahal. At dahil pakiramdam niya ay hahaba pa ang crying moment niya, minabuti niyang ipagpatuloy ang paglalakad para makarating na siya sa loob ng villa para doon magkulong at umiyak ng umiyak.

            Natigilan lang siya sa paglalakad nang magkatinginan sila ni Hamiel. Pinawi niya ang luha sa pisngi at tumungo sabay takbo.

            “Mien!”  Hinabol siya ni Hamiel. “Miel, sandali.”

            “Hamham, sensya na. Gusto kong mapag-isa.”

            “Anong problema? Pag-usapan natin.”

            “Ayokong pag-usapan! Pabayaan mo muna ako.”

            “Pero—”

            Dire-diretsong tumakbo siya. Pero dahil office hours pa at ayaw na niyang gumawa pa ng bagong eksena, sa second floor siya ng villa dumiretso. Binuksan niya ang pinto at dumiretso sa sala. Nakita niyang sumunod pa rin sa kanya si Hamiel. Pero nanatili ito sa labas ng pinto at nakamasid sa kanya.

            “Ang kulit mo naman! Umalis ka sabi! Minsan ko lang ginustong mapag-isa. Pagbigyan mo naman ako Hamiel!” Ibinato niya lahat ng nahagip na throw pillow dito pero hindi ito kumibo. Sinalo nito lahat ng ibinato niya hanggang sa siya na rin mismo ang sumuko.

            Umupo siya sa sofa. She tried her best na pigilang mapaluha lalo pa’t ang dahilan ng mga luhang iyon ay nakamasid lang sa kanya ngayon. Pero traidor din ang luha niya. Napapaiyak pa rin siya kaya sa halip na magpigil ay hinayaan na lang niya.

            Pinawi niya lang ang luha nang makalapit sa kanya si Hamiel at umupo sa tabi niya.

            “Umiiyak ka ba?” malambing na tanong nito.

            Umiling siya, trying all her might not to shed tears kahit sa mga oras na iyon lang. “Hindi.”

            “Eh ano iyang tubig sa pisngi mo?” tanong uli nito.  He touched her chin pero umiwas lang siya.

            Obvious ba? Umiiyak nga ako! Adik ka! “Pinagpapawisan ang mata ko. Pakialam mo ba?” singhal niya dito.

            Natahimik ito. Dahilan para umepal na naman ang luha niya. Waaah. Ayoko na!  Tumungo siya. Hinayaan niyang lumaylay ang mahaba niyang buhok para matakluban ang luhaan niyang pisngi. Natigilan lang siya nang sumulpot ang panyo sa harapan niya.

            “Ano iyan?”

            “Pampunas ng pawis mo.”

            Sa halip na kiligin, pakiramdam niya ay lalo nitong tinataga ang puso niya. Bakit nauwi sa ganon ang sitwasyon nila? It was so ironic. Kung sino pa ang taong dahilan ng mga luha niya ang siya pang nag-offer na pawiin ang mga iyon. Umiwas lang uli siya at hindi pinansin ang panyo.

            “Haay…” Once again, he touched her chin. Hindi na siya umapila nang hawiin nito ang buhok niya at tumambad dito ang luhaan niyang pisngi at ang umiiyak niyang mga mata. Malungkot na nakatitig din ito sa kanya. Gamit ang panyong hindi niya tinanggap, pinunasan nito ang pisngi niya at ang gilid ng kanyang mga mata. Pero sa halip na humupa ang pag-iyak niya ay nagpatuloy lang ang pagpatak ng luha niya.

            “Mien, huminto ka na sa pag-iyak please. Hindi ako sanay na ganyan ka. Si Vlad ba ang dahilan? If he can’t love you back then stop loving him. Maraming iba diyan na kaya kang mahalin ng higit sa ibinigay mo kay Vlad.”

            Yeah right. At ang ibang tinutukoy mo ay siyang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito. How she wish she could utter those words but she simply can’t. Things would be more complicated if Hamiel would find out about her feelings.   

            “This is not meant for Vlad.”

            Nagulat ito sa sinabi niya. “Then who was that damn shit guy who made my princess cry?”

            It was you! “It’s for myself. Because I loved a guy that I must not love. The pain was drowning me. Wala kasalanan ang lalaking minahal ko. Ako lang ang dapat sisihin.”  Magaling ng isipin nitong si Vlad pa rin ang tinutukoy niya kaysa mahalata nitong ito ang sinasabi niyang minahal niya.

            “Mien…”  He lovingly embraced her. “If shedding tears would make you feel better, go ahead. I’ll just be here.”  She felt like she was succumbed by security in the way he embraced her. As if the gesture was telling her that he will protect her from all the pain and heartaches. But it was a total opposite.  Dinadagdagan lang nito ang sakit na sumusugat sa puso niya.

            Biglang kumabog ang puso niya ngayong yakap-yakap siya ni Hamiel. Naiyak na lang lalo siya. Bakit ganon? Sa halip na mabawasan ang pagmamahal niya dito ay parang nadagdagan pa ata.

            Wala na siyang nagawa kung ang iiyak na lang lahat.


          Mahigpit na niyakap siya ni Hamiel, waring sinasabing magiging okay din ang lahat. Alam niyang naaawa ito sa kanya. Tama. Ang nararamdaman nito para sa kanya ay hindi pagmamahal kundi awa.







PREVIOUS                                                                        NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…