Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter Nine



“Wala na ako diyan sa kakalabanin mo, Cielo. Dapat ikaw na manalo ngayon pare!” hirit ni Hamiel sa kaibigan over a conference call. Cielo was one of the participants of drag racing category sa isang racing tournament sa Batangas.

            Kasalukuyang nasa Batangas Racing Circuit ang mga kaibigan niya upang samantalahin ang ilang araw na bakasyon mula sa hectic na kaliwa’t kanang gig at tv guestings. Yes indeed, he was back into limelight, taliwas sa orihinal niyang plano na tuluyang talikuran ang showbiz. Kasabay niyang nadala sa entablado ng stardom ang Karisma Band at ang girlfriend niya. The tribute album for his Dad recently received a triple platinum record award. It was a surprise hit. Hindi nila naisip na pwede palang mangyari ang bagay na iyon.

            When Hamiel agreed to his mom’s idea on creating a tribute album, he only thought about singing a song for his Dad. Wala sa plano niya ang makilala bilang isang singer. It was not part of the plan but he was thankful it happened.  Kung nasaan man ang ama niya ngayon, sigurado siyang proud na proud ito sa bagong achievement niya sa buhay. He was not just a model and actor. He was now a recording artist. Plus, natupad na rin niya ang isa pang hiling ng kanyang ama, ang maging girlfriend si Limien.

            “Wow, para mo na ring sinabing 2nd lang talaga ako sa’yo, pare,” emote ni Cielo.

            “Eh sadya ka namang second placer ka lang kay Hamiel,” buska ni Hinaro.   


            “Partida na iyan pare. Pasalamat ka na lang hindi magco-compete si Hamiel. It’s your time to shine! Moment mo ngayon,” tatawa-tawang dagdag pa ni Mathew.

            “Is that an encouragement or an insult?” tanong ni Cielo.

            “Both!” korong sambit nila sabay tawa.

            The guys of the Karisma Band were on their way to competition. Cielo would solely compete on drag racing and Hinaro and Mathew on motocross. Katatapos lang ng motocross competition at nakapanalo na ng gold and silver ang dalawa.

            Hamiel decided not to compete kaya nga sa halip na sumama sa Batangas ay nagpaiwan na lang siya. Most of the greatest memories he had with his father happened in a race track. Pareho sila ng ama niyang adik sa drag racing at motocross. Sa naaalala niya, bata pa lang siya ay magkasama na sila ng ama  niya sa race track.  Doon naganap ang napakaraming bonding moments nilang mag-ama. And when his father died, he felt like car racing was not for him anymore.

            Kaya ang drama niya ngayon, doon lang siya sa bahay unless Limien had plans for both of them.  

            Narinig niyang ini-announce na ang susunod na competition and they all give their good luck to Cielo. And few minutes more, the call ended. Bumalik siya sa kama at humiga. It was just eight in the morning at gusto pa niyang ipagpatuloy ang pakikipag-bonding sa kama niya. Ilang araw ding kinalimutan nilang magkakabanda ang salitang antok kaya naman ngayong may chance na siyang matulog ay susulitin na niya.

            Malapit na uli siyang makatulog nang mag-ring ang cellphone niya. 

            “ Good morning, Hamham ko!”  Ang malambing na boses ni Limien ang narinig niya na hindi lamang nanggising sa diwa niya bagkus ay nagpasaya rin ng kanyang umaga.

            “Good morning din, Mien ko! Did you have a good sleep?” tanong niya. Limien had a girls night out last night with Danielle Ahne, Christella, Tomomi and Laina. At alam iyang alas-dos  na ng umaga natapos ang gimik ng mga ito.

            “Yeah. Hindi naman ako uminom masyado gaya ng bilin mo kaya ligtas din ako sa hangover moments. So what’s the plan for the day?”

            He stood up and went to the veranda of his room. Sa katapat na bahay ay nakita niya si Limien sa veranda ng kwarto nito.  Kinawayan niya ito. “I actually don’t have plans. I will only rely to you. Do whatever you want to me. I’m all yours today.”  He teasingly smiled.

            Tumawa naman si Limien. “Ikaw, binibigyan mo ako ng motibo ha. Ingat ka baka patulan kita, Hamham ko,” biro nito.

            “Ano bang plano mo sa akin, Mien ko?”

            “Hmm, tara sa Green Haven Farm, aalipinin kita,” may halong malisyang biro nito.

            He suddenly burst out with laughs. How she love this woman. She never failed to make him laugh in her crazy ideas.

            “Let’s see after thirty minutes, magpapaalipin ako sa’yo,” patol niya sa joke nito.  They ended the call with exchanging sweet I love you’s. Pagkatapos noon ay naligo na siya.

            Sa sala ay naabutan niya   ang kanyang ina at si Tita Sandra.

            “The problem is, ayaw ng anak mong tanggapin ang role bilang Ross sa movie. Nape-pressure daw siya,” litany ni Tita Sandra. “Now I have to run over an audition for the role. I’m having a difficulty in finding the perfect one for Ross.”

            “I understand Hamiel. Kung ako ang anak ko, mape-pressure din ako sa’yo. Imagine, he will be working with not just a superb director but also his future in law. For sure, makakakita rin tayo ng perfect para sa role ng asawa mo. And how about the role for Tito Robert?”

            Ang tinutukoy ng mama niya ay ang tumayong ama-amahan ni Tita Sandra nang maulila ito.

            “That’s another thing. Jeremiah told me that his father won’t do it. Sinubukan ko pa din. I wento to Isla Yvette and guess what? Binasted ako ng aking favorite artista. Tinanggihan ni Jeremy ang role and ni-refer si Jake Akiko. I’m still finding ways to find that man.”

            “Well justified naman, iyon Sandra. Jeremy loves his wife so much. All because of love. Na-in love ka rin naman sa tanang buhay mo.”

            “Iyan din ang rason ng anak mo bihado. He loves my daughter so much. Sana nga lang, wag muna nilang maisipang magpakasal—o Hamiel anak!”

            Ngumiti lang siya nang mapansin siya ng mama ni Limien. Humalik siya sa pisngi nito at sa mama niya.

            “Hindi pa ba nagbabago ang isip mo anak?” tanong ni Tita Sandra.

            “Pasensya na po talaga, Tita.”

            Ngumiti ito. “It’s alright anak. Basta wag mo muna papakasalan anak ko ha.”

            “Matagal pa po iyon, Tita. Kakasimula pa lang po namin at hindi naman po kami nagmamadali. Promise po iyon.”  Tumingin siya sa relo. Lagpas na siya sa thirty minutes na sinabi niya kay Mien. “Alis po muna kami ni Mien.”

            “Saan naman ang date nyo?” tanong ng mama niya.

            “Sa Green Haven Farm po, Ma.”

            “Teka, di ba’t day off nyo? Bakasyon nyo sa trabaho.  Bawal magtrabaho ha. Binabaan ko ng memo ang dalawa nyong secretary. Nasa akin na ang loyalty nila. Pag nalaman kong nagtatrabaho kayong dalawa iba-ban kita sa bahay. Hindi mo mahahawakan ni dulo ng daliri ng anak ko sa loob ng isang buwan!”

            Napangiwi siya sa sinambit ng Tita niya.

            “Hindi po, promise.”

            “Ma! Sinisindak nyo na naman si Hamham!”

            Napalingon sila sa bagong dating. Ngumiti si Limien sa kanya pagkatapos ay hinila na ang kamay niya. “Expired na iyong thirty minutes mo. We have to go. Bye Ma. Bye Tita.”  Kumaway ito sa dalawa. Iyon na rin ang ginawa niya.

            “O siya, mag-iingat kayo ha. Hamiel, iyong promise mo sa akin hijo.”

            “Opo, Tita.”

            “Anong promise iyon?” tanong ni Limien habang  naglalakad na sila palabas ng bahay.

            Nginitian lang niya ito at inakbayan. He kissed her temple. “Sa amin na lang iyon ng Mama mo.”

            Getting married. Hindi niya naisip iyon until he heard about it from his future mother  in law. He was pretty sure that Limien was the one he will marry someday but that was still a future plan.  Pinagmasdan niya sa Limien habang naglalakad sila at ang atensyon nito ay nasa dinaraanan nila. Maybe it will not be that bad if I silently start planning about that.


            LITERAL na pang-aalipin ang ginawa ni Limien kay Hamiel. Nasa villa sila at kasalukuyang ginagawa ang isa sa kanilang  bonding moments— ang maglinis ng villa. The villa became their sanctuary ever since Green Haven Farm  was born. The place was the only intimate and personal place within the farm. Walang ibang nakakapasok doon kundi sila lamang at ang kanilang pamilya. Even maids were not allowed inside unless ipahintulot nila. Kaya ang house chores, sila ding dalawa ang umaasikaso.

            Kanina ay pinag-aalis at pinalitan nila ang mga bed sheets at kurtina. Pagkatapos ay winalisan niya ang buong bahay habang si Hamiel naman ang nag-mop ng sahig at nagpunas ng iba-ibabaw. The last task was to wash all the bed sheets and curtains. Nauna na sa laundry area si Hamiel at binalikan niya sa kwarto ang mga maruruming bed sheets.

            Inabutan niya si Hamiel na abala sa pagkukusot ng mga kurtina. Though he was  doing a feminine chores, he still appeared very manly in the middle of peach curtains.

            Pakanta-kanta pa ito ng mga kung anu-anong love songs. Kaya naman nahusto muna si Limien sa pakikinig habang punagmamasdan niya ito. Aminado siya. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari sa buhay niya. Ang biglang pag-boom ng career niya, dati bilang pianist of classical music at ngayon bilang singer na rin, ang unti-unti pagbuo ng casting ng life story ng father niya at ang lalaking ito na abala sa paglalaba.

            Kung maging mister kita, ipaglalaba mo rin ba ako? An image of him, washing her clothes and their children’s suddenly registered her imagination. Lihim siyang kinilg sa iniisip. Pawang napaka-sweet naman kung mangyari iyon.

            So far their relationship was getting any better. They remained bestfriends though they knew it was obviously more than that. Ang mahalaga sa kanila ngayon nasa ibabaw pa rin ng romantic relationship nila ang pagkakaibigan.

            Nasira ang kanyang pantasya ng patawang bumirit ng mala-theatrical na hirit itong si Hamiel. “Labadami….labangooooo!”

            Hindi niya tuloy napigilan ang mapatawa ng malakas kaya napansin na siya nito.  Ngumiti lang ito sa kanya at kinuha ang dala-dala niyang bed sheets.

            “Hindi mo naman feel na feel ang paglalaba?” tanong niya. Mukha kasing aliw na aliw ito sa pagkukusot.

            “Hindi naman masyado. Na-miss ko lang ang maglaba,” natatawang hirit nito.

            “Ako na lang diyan. Ako na lang magkukusot, magbanlaw ka na lang.”

            “No!” Pinigilan siya itong maagaw ang kinukusot nitong kurtina.

            “Hamham naman! Halos 95% ng task, ikaw ang kumilos para malinis ang bahay,” ungot niya.

            Nginitian siya nito. “It’s okay Mien. Diyan ka na lang. Panoorin mo na lang ang aking machong paglalaba,” biro nito. “At isa pa, nangako ako sa Mama mo na hindi ka mapapagod kapag magkasama tayo.”

            Inungusan niya ito. “Sus, nagpapaniwala ka naman sa death threats ni Mama.”

            “Magaling na iyon ano. Baka mamaya totohanin ng Mama mo iyon. Dehado ako sa isang buwan na di ko mahahawakan ni daliri mo,” tatawa-tawang tugon nito.

            “So okay lang sa’yo na para akong bangenge dito na pinapanood ka lang?”

            “Ganon talaga ang ginagawa ng amo sa kanyang alipin.”

            “Sineryoso mo naman. Sige na kasi. Ako na ang magkukusot. Ikaw na sa banlaw.”

            “Ayaw! I said no! Diyan ka lang. Chill lang, relax, okay.”

            “Are you trying to control me Hamiel? Dahil lang ayaw mo, hindi ko na gagawin?”

            “At saan galing iyon? Dahil lang ayaw kitang paglabahin?”

            “Kaya ka siguro hiniwalayan—” Natutop niya ang bibig nang mapagtanto ang nadulas sa dila niya. Kasabay noon ay nagbago ng expression ang mukha nito. “Sorry. I-I didn’t mean—” Natigilan siya nang tingnan siya nito ng seryoso. She knew that strange look means. Na-offend niya ito.

            “It’s okay.” Binalikan na lang uli nito ang paglalaba.

            “Hamham…” Lumapit siya at niyakap ito sa likod. She leaned her head to his shoulders.

            “Mien, okay lang talaga. Totoo naman iyon. I used to be a controlling boyfriend. Gusto ko na sinusunod ako ng girlfriend  ko. I used to control a relationship. I’m sorry. I won’t act the same way again.”

            “Hamham, hindi naman ganon iyon. It just slipped out of my tongue. I know na inaalagaan mo lang ako kaya ayaw mong magpatulong—”

            “Gusto mo ikaw na lang ang magsampay?” pagbabago nito ng usapan. She knew it. He was avoiding the argument. Frustrated na napabuntong-hininga siya.

 Binalingan siya nito. He smiled but she knew him better. Hindi noon napawi ang guilt na nararamdaman niya.  Bumuntong hininga ito at at saka tinuyo ang kamay. Pagkatapos ay ikinulong nito ang kanyang mukha sa mga palad nito. 

He lovingly stared at her. “Wag ka ng malungkot, Mien.”

“Why suddenly you step back from argument? Dati kapag nao-offend kita pinagtatanggol mo ang sarili mo kahit na magkaaway pa tayo.”

“Eh kasi po…” He moved closer and kissed her nose. “That’s the answer. I love you more than my senseless ego. Kaya ngumiti ka na okay?” Ibinigay nito ang mga isasampay na kurtina.

Habang tumatagal mas nararamdaman niya kung gaano siya kamahal ng kanyang kasintahan. She felt her heart beating fast again. Gano’n pa rin ang puso niya tuwing malalapit kay Hamiel kahit na ilang buwan na rin ang tinagal ng relasyon nila.

Tinanggap niya ang kurtina at ngumiti.

“Iyan. Ang ganda-ganda ng girlfriend ko lalo na pag nakangiti.”

“Bolero. Sige na isasampay ko na ito.” 

Lumabas siya ng laundry area at inabala ang sarili sa pagsasampay. Nang matapos ay binalikan niya si Hamiel. A guilt feeling suddenly covered her heart when she put her eyes on him. Di tulad kanina, malungkot at seryosong naglalaba na ito ngayon. She knew deep inside, Hamiel was hurt.

Kailangan kong bumawi sa’yo Hamham ko.

“Ah, Hamham…”

“Yes?” Agad siya nitong nilingon.

“I’m going to cook. Anong gusto mong kainin?”

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito. Alam na niya. He would definitely love to taste his favorite food that so happened to be her specialty. 



“HAY naku, Mien ko. Makakalimutan ko ang salitang diet sa’yo,” tatawa-tawang hirit ni Hamiel habang naglalatag ng banig sa veranda.

“Wag ka ng mag-diet,” tugon ni Limien.

She was also a good cook. Sa sarap ng chicken empanada nito, nakalimutan na niya ang kaninang ikinatampo niya dito. Ngayon naman, mag-bonding uli sila under the stars. Naglatag din siya ng comforter habang ito naman ang naglagay ng mga unan.

“Hindi pwede, Mien. Hindi pa pwedeng mawalan ako ng abs nang hindi mo pa napapagsawaan ito,” biro niya.

Tumawa ito. “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako interesado sa abs mo?”

Magkatabing humiga sila banig.  Tiningnan niya ito ng masama. “Don’t tell me sa katawan pa rin ni Vlad ikaw interesado? Magwawala ako dito.”

Tumawa lang si Limien. “Ikaw talaga. Alam mo namang lalaki ang prefer no’n. Malay nga natin interesado rin siya sa katawan mo.”

Napangiwi siya. Though he respect the homosexuals, it was still awkward to know that one of his guy friends was one of them.   

“Hindi ka talaga interesado sa katawan ko?” He teasingly smiled. Hinampas lang tuloy nito ang mukha niya ng nahagip na unan.  “Aray naman!”

“Wag kang bad influence sa innocent mind ko, Hamham!” Bigla itong dumistansya ng higa sa kanya na ikinatawa niya. Maya-maya pa’y naging abala ito sa pagtitig sa langit.

Nahusto lang tuloy siya sa pagtitig dito habang abala naman ito sa mga stars. Isa din sa favorite bonding moments nila ang mag-star gazing. Mula pagkabata ay ginagawa na nila iyon. Madalas sila noong magpalipas-oras sa attic ng bahay nina Limien para panoorin ang mga bituin.

“Sayang ang view ng mga bituin kung sa akin ka lang titingin,” sita nito sa kanya. Napilitan tuloy siyang bumaling na rin sa langit. 

“Oo nga naman. Mas maganda pa naman ang mga bituin kesa sa’yo,” biro niya.

“Sige, asarin mo pa ako.”

“Mamaya na lang uli pag may maisip akong pang-asar,” patol niya. Hinila niya ang kamay nito at pinagsalikop niya ang nga iyon.

Itinaas ni Limien ang isa pa nitong kamay na animo’y pilit inaabot ang mga stars. She was doing it again, ang favorite hobby nito kapag nagsa-star gazing sila.

“Naalala mo pa ba noong mga bata pa tayo? Ikaw ang nagturo sa akin nito. Sinabi mo na ang makinang na bituin, na tila mahahawakan ko pag itinaas ko ang aking kamay ng ganito, ay si Daddy Ross. Nakadungaw lang siya sa akin at binabantayan niya ako.” Binalingan siya nito. “Itaas mo rin ang kamay mo.”

Sumunod lang siya. Tinitigan niya ang kanyang kamay habang tila inaabot ang isang makinang na bituin.

“That star was your father, Hamham. Binabantayan ka niya.”

Magkasabay na ibinaba nila ang mga kamay. At pareho nakatingin sila sa kani-kanilang stars. “Ang layo na nila sa atin Mien ko. Ang layu-layo.”

“Pero naaabot mo pa rin natin.” Lumapit ito sa kanya at humilig sa balikat niya. “Sa tingin mo, masaya kaya sila para sa atin, Hamham?”

“Oo naman. We love each other. And we continuously loved each other.” Pasimple siyang dumukot sa bulsa at kumuha ng isang maliit na kahon. Binuksan niya iyon. Pagkatapos ay iniangat niya ang kamay ni Limien. Isinuot niya dito ang isang unisex type na bracelet. “With this, you will never lose me, Mien.”

Ipinakita niya dito ang kamay niyang may suot ng identical bracelet.

Sumiksik ito sa tabi niya sabay yakap sa kanya. She dotingly glanced on him. “I will never let go of you, Hamiel. Never.”

He smiled. “Possesive ka pala. I like it.”

“Oo at nilalamig ako!”

“Kaya pala, nananantsing ka na ha—aray!” Kinurot nito ang tagiliran niya.
           
           “Bakit ka ba ganyan? Puro harassments at carnal thoughts iyang iniisip mo. May balak ka bang rape-in ako?

           “Wala. Ikaw ata ang meron eh.” Sumimangot ito. Hinalikan lang niya ito sa ilong pagkatapos ay ikinumot na niya dito ang nahagip na comforter.

           “Bakit ako lang? Magkumot ka rin. Share tayo.”

           Umiling siya. “Ayoko. Baka ma-rape mo ako,” biro niya.

           Umingos ito. “Ewan ko sa’yo.” Ipinikit nito ang mga mata.

           Iniyakap naman niya ang kanyang braso dito para hindi ito lamigin. “ I love you, Mien ko. I love you so much.”

           Hinintay niyang tumugon ito. Pero ilang segundo na ay wala pa rin itong response. Doon lang niya napansing nakatulog na pala ito. Nakangiting hinaplos niya ang ulo nito habang mahinang kumakanta siya ng isang love song.

“You are my heart and my soul, my inspiration just like the old love song goes. You are one of the few things worth remembering. And since it’s all true, how could anyone mean more to me than you…”  

Nakangiti pa rin siya habang pinagmamasdan ang maamong mukha nito na nahihimbing. Pakiramdam ni Hamiel, walang ng mas sasaya pa sa mga sandaling magkapiling silang dalawa ni Limien. Nang kagyat na humampas ang hangin ay lalong sumiksik ito sa kanya. Minabuti na niyang  buhatin ito at ihiga na sa kama nito bago pa makasama dito ang malamig na hangin.

Malalim na ang tulog ni Limien kaya hindi ito naalimpungatan nang buhatin niya. He gave her a goodnight kiss on her cheeks bago siya lumabas ng silid nito.


PREVIOUS                                                               NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…