Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter Eleven



Natigilan si Hamiel. Pakiramdam niya ay nabaril siya ng twenty shots sa puso. What happened? Bakit umiiyak si Limien ngayon sa harap niya at sinasabing hindi na matutuloy ang kasal nila?

            Umiling siya. “Ano ba iyang sinasabi mo, Mien? If you are trying to deliver a joke, hindi ka nakakatawa okay?”

            “I’m serious, Hamiel. I change my mind. I won’t marry you anymore,” seryosong sambit nito.

            He kept ignoring her words though it was beating his ego already. “Gutom lang iyan.” He held her hand. “Come, let’s eat dinner.”

            But she didn’t move. At sa unang pagkakataon ay nagpumiglas ito sa kanya. Nagtatanong ang kanyang mga mata nang balingan niya ito. She was seriously looking at him. “Ano ba Mien ang problema? Pag-usapan natin.”

            “I already said it, Hamiel. I changed my mind and I can’t marry you anymore.” She set a one second glance on him pagkatapos ay umiwas na ito ng tingin na tila nagpipigil na maluhang muli.

“W-why?” Nanginginig na ang boses niya, trying his might not to breakdown infront of her.


“I’m seeing Vlad for few days already. Na-realize kong mahal ko siya. Mas mahal ko siya kesa sa’yo. I’m not a good girl at all. Habang girlfriend mo ako,  lumalandi pa ako sa kanya despite and inspite of his preference. He’s still a man after all. Ayoko ng magpakasal sa’yo. I want to be with Vlad.”

He felt his heart slowly breaking into pieces.  Why are you telling me all lies? “Mag-usap tayo.” Kinaladkad niya ito papasok sa connecting room ng office. It was room with bed. Initsa niya ito sa kama.

“Aray! Who do you think you are to hurt me? Hindi mo pa ako asawa, nangmamaltrato ka na!” asik nito. She attempted to pick herself up from bed but he didn’t permit her. She was determined to hit him with her bare hands but he just held it tight. Puwersahan pumaibabaw siya dito. “Hamiel! Get off me!”

            “And who the hell you think you are to hurt me this way, Mien?”  he firmly asked.

            Natigilan ito habang nakatitig lang sila sa isa’t isa. Halong-halong emosyon ang nararamdaman niya, galit, sakit, frustration. Slowly, binitawan niya ang mga kamay nito ngunit nanatili sila sa ganoong position. He leaned his arms on the bed to keep a distance so that he could still see her expressions on what he will going to say.

            “Sa susunod na magsinungaling ka, galingan mo ha. Wala si Vlad dito, limang buwan na sila ng kapatid ko sa Batanes. Ngayon, sabihin mo sa akin kung anong dahilan mo at tumatakas ka na sa pagpapakasal sa akin.”

            “I don’t love you.”

            “Sinungaling!”

            “I mean it, Hamiel.  I just don’t love you anymore. Ayoko na kaya…tapusin na natin ito.” Seryoso ang mukha nito. She seemed trying her best to act as if she was just being forced to love him.  But he knew her better. “It was me, who has the problem. Hindi ko na kilala ang sarili ko dahil sa’yo. I realized that I can’t marry you. Hindi ko na kasi kilala ang Limien na nasa harap mo ngayon, Hamiel. I got drowned with your love hanggang sa hindi ko na makita ang sense ng relasyon na ito. Wala na akong nakikitang magandang mangyayari. We already reached the peak and there’s no other way but to decline. Nagsasawa na ako sa pagmamahal mo. And my feelings for you started to die.”

            Tila namanhid ang puso ni Hamiel sa narinig. He thought that loving her much was the best thing a man could offer to a woman. Then why does their relationship should end this way? And he was hearing almost the same lines he heard among those girls he had a relationship before. Hindi ba talaga siya good lover? “Bakit? Bakit ngayon lang, Mien? Sana sinabi mo agad para nagawan ko pa ng paraan. Bakit pinaabot mo pa dito? Bakit hinintay mo pang alokin kita ng kasal? Bakit ngayon lang…ngayon pa na isang buwan na lang, ikakasal  na tayo.” Hindi niya napigilan ang luhang lumandas mula sa kanyang mga mata at pumatak sa pisngi ng umiiyak ding si Limien.

            He failed to hear any response from her. Pumikit lang ito na tila dinadama ang pagpatak ng luha niya sa pisngi nito. “All my life, I gave that all to you. Lahat. Wala akong itinira sa sarili ko. Sabi ko kasi, I don’t need pride. I don’t need ego. I don’t care about the world anymore as long as you’re with me. That’s why I promise that you will never lose me, right? What happened, Mien? Saan ako nagkamali? I’m willing to do anything just don’t break my heart, please?”

            Sa unang pagkakataon sa buhay niya, ibinababa na niya ang pagkatao niya.  Siya na mismo ang nagmakaawa. Wala siyang pakialam sa pagkalalaki niya. People may laugh on him but he certainly didn’t care anymore. Imagining a life without Limien was the worst thing he thought would happen to him.

            “You don’t deserve a girl who will just hurt you over and over again,” umiiyak na sambit nito. She opened her eyes and sincerely looked at him. “I’m sorry, Hamiel. But you need to let me go.”

            “No! Alam kong may mas valid kang dahilan kaya mo ako sinasaktan ng ganito ngayon. I know, mahal mo ako. I live with you for 25 years of my life. Hindi ako naniniwalang basta na lang mamamatay ang pagmamahal mo sa akin. I won’t let you go.” Ipinakita niya dito ang identical bracelet na suot niya. “I promised you right?”

            Natigilan sila pareho nang bigla na lang napigtal ang chain ng bracelet at nahulog iyon sa kama. That’s it. Pawang  kasabay noon ay gumuho ang mundo niya.

            “See? Let me go, Hamiel. I want my freedom.”

            He didn’t response. Nanlalambot na humiga siya sa tabi nito. For couple of minutes they were just lying on the bed and crying. Nafu-frustrate siya. Alam niyang lahat ng sinabi ni Limien ay isang dahilan lang para pagtakpan ang tunay nitong dahilan kung bakit ito biglang nakikipaghiwalay.

            It takes few minutes more before he heard her voice again. “I’m sorry, Hamiel. Yeah, nagsinungaling ako. Sobrang mahal na mahal kita pero kailangan kong lumayo na sa ‘yo.” He felt her arms embracing him from his back. “Wala sa’yo ang problema. Ako ang may problema. I can’t be your wife. I can’t love you more for it will just give you lots of chances to get hurt. Kailangan kong lumayo para sa’yo. Para hindi na kita masaktan. I’m sorry I can’t tell you the whole thing. Sapat na sigurong nasaktan na kita ngayon para mabawasan iyong pagmamahal mo sa akin. So I’m begging, Hamiel. Let me go.”

            He heard her sobbed. Nakadagdag iyon sa sakit na nararamdaman niya. He held her hands. Pagkatapos ay bumaling siya ng higa. Now they were facing each other. Pinawi niya ang mga luha nito. Iyon din ang ginawa nito sa kanya. “Though it was so hard for me, I’m giving your freedom back to you. I’m letting you go now. Go ahead and find yourself, Mien ko. Hindi ko alam ang tunay mong rason pero naiintindihan kita. It will be really hard to live without you but I hope, I can stand on it. Always remember that I’m still here. I’m willing to wait, Mien. Kahit gaano katagal, basta babalik sa akin ha. I love you so much.”

            He moved closer and for the last time, he lovingly kissed her, a kiss with two meanings. A kiss meant to show her how much he loved her and a kiss to tell her goodbye and take care. Napatunayan niyang mahal talaga siya nito dahil sa huling pagkakataon ay masuyong tumugon ito sa mga halik na iyon.

            And the moment their lips parted, their relationship ended. Una na siyang bumitaw dahil  baka magkaroon na naman siya ng libu-libong dahilan para hindi i-let go si Limien. He loved her so much. At kung ang kalayaan nito ang tanging maibibigay niya upang patunayan dito kung gaano niya ito kamahal, gagawin niya kahit masakit sa kalooban niya. 

            Bumangon siya at pinawi ang sariling luha. Iniwasan na niyang tingnan ito sa mata kaya kung saan-saan na lang niya ibinaling ang kanyang paningin. “I’ll just ahm…pack my things from the villa. You really don’t have to leave, Mien. Ako na lang ang mag-move. Hindi na rin muna ako dadalaw dito. Since, may manager at supervisor na tayo dito, I’ll just let Yemmy to take over the management of the animal farm. I can still monitor the management kahit hindi ako tumutuntong dito. Sige.” Mabigat sa loob na dinala siya ng kanyang mga paa palabas ng silid. 

            “Hamham…”

            Before he finally stepped out of the room, narinig niyang tinawag uli siya nito sa nakakatawang nick name, na ito rin ang nagbigay sa kanya. Lalo siyang nalungkot. Bumuntong-hininga siya bago lumingon.

            “I’m going to miss you,” sambit nito.

            “Me, too.  I’ll just wait. Mag-iingat ka palagi ha. Wag ka na munang magkikilos kapag gabi para hindi ka madapa. Wag mong gagamitin iyong detergent powder sa laundry area nang walang hand gloves para hindi magsugat ang kamay mo. Wag kang kakain ng hipon habang walang bumabantay sa’yong kinakain ha. Bawal iyon sa’yo. Mai-irritate na naman ang balat mo. Wag kang magda-drive. Si Phil, siya na lang ang utusan mong ipag-drive ka pag aalis ka ng farm. I’ll tell Phil to stay here as your driver.” Mahal nga niya ito. Pati driver niya, ibibigay na niya dito. “Wag kang masyadong magpupuyat at magpapagod sa trabaho para hindi ka magkasakit.  Pag nilagnat ka, wag mong kakalimutang magsuot ng medyas para hindi manlamig ang paa mo. May mga gamot sa medicine cabinet sa villa. Pag umulan, wag kang magpapaulan. Don’t mind about the wedding preparations. Ako na lang ang magpapa-cancel ng lahat.” Muli ay napabuntong-hininga siya. “I have to go. Mage-empake pa ako.”

            Nagulat siya nang yakapin siya nito. His mind was still questioning kung bakit kailangang mangyari ang bagay na iyon sa kanila. Wala siyang magawa kundi ang tanggapin na mawawala sa piling niya ang tanging babaeng inalayan niya ng buong pusong pagmamahal.  He just lovingly embraced her back.      

           

            “I’M ALL alone since you walked away. As I begged for you to stay, you decided to leave me behind. It hurts to think that our love didn’t last. We built it up to watch it fall, watch it fall down. Well even though, we moved on separate ways, my love for you’s still the same. My heart still beats your name…”  Hamiel was singing while playing an acoustic guitar accompanied by the Karisma Band.

            Hindi maiwasan ni Limien na maapektuhan sa kanta at pagkakakanta ni Hamiel. She was sitting on a couch and watching a replay show via TFC. Nagkataong si Hamiel ang guest celebrity sa morning talk show ni Danica Urbano. That was one of top rated show sa Pilipinas.

Nasa Prague siya sa mga sandaling iyon with her mom. Umalis siya ng Pilipinas matapos ang huling pagkikita nila ni Hamiel for two reasons. One was to undergo a stem-cell treatment for her eyes and second was to easily let go of Hamiel which she was finding a hard time. Nauuwi lang siya sa palaging pagsesenti mode. At tila hanggang sa Prague ay hinahabol siya ng pagmamahal nito.

“I wish you’ll hear me singin’, singing this song for you. And let you know that I’m still, still longing for your love. I wish you’ll hear me singin’, singing this song for you. And let you know that I’m still, still breathing, still need you… I wish you were here with me…”

 Hamiel didn’t speak up anything against her when the media found out about their break-up. Bagkus ay inako pa nito ang lahat ng sisi sa pagkasira ng relasyon nila. She wanted to talk to him and tell him that it wasn’t right to play rude in front of the media just to protect her. Pero hindi niya ginawa. Natatakot siya na makumbinsi nitong makipagbalikan once na mag-usap sila. Things were getting too complicated.

Mataman lang siyang nakatutok sa tv. Pinagkasya na lang niya ang pangungulila  dito sa pagsulyap sa mga pictures nila sa cellphone at laptop niya, panonood ng videos sa internet at paminsan-minsan nga ay panonood sa tv kapag natsambahan niya.

After their last talk, hindi na sila muling nagkaroon ng connection. He didn’t even bother to call her, or send her a text message, ym message, or email. Kahit smiley, wala siyang nakuha dito. Maybe he was still hurting. 

“Malungkot ano? Nakaka-miss, nakakaiyak. Until now, malungkot pa rin ang mga mata ni Hamiel kahit nakangiti siya,” sambit ni Mama Sandra. “Eh kasi naman, iyong happiness niya, ayun, iniwan siya.”

“Ma, sige mang-asar ka pa,” pakli niya sabay pawi ng luha sa pisngi niya.

“Nalulungkot ka rin naman at nasasaktan. Bakit hiniwalayan mo pa?” tanong ng mama niya.

“Nasagot ko na iyan dati,” tugon lang niya.

“Anak, kung sakaling tumanda tayo. Tapos mawala na rin ako, at nangyari nga iyang kinakatakutan natin, paano ka na?”

“May mga friends naman ako.”

“But your friends  have their on lives too. Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong may asawang mag-aalaga sa’yo.”

“Ma, I can’t share a miserable life with him.”  Hinagip niya ang cellphone niya. Aminado siya, naghihintay siya ng tawag o text o kahit smiley lang mula kay Hamiel pero ilang araw na siyang walang napapala. Mukhang wala itong balak suyuin siya. “Hindi man lang tumatawag, ni text wala. Ano kayang pinagkakaabalahan ng lalaking iyan? Nambababae na kaya siya?”

“Ay naku Limien Rose!” Umiling-iling ang nanay niya at isinandal ang katawan sa couch. Tumingin ito sa ceiling ng bahay. “A combination of Pontez and Ferrer is a total disaster! You’re like your dad. Mahal mo naman pala, pero iniwan mo pa rin.  You’re like me. You hurt him, pero naghihintay ka ng paramdam niya.  Not to mention na ang katwiran mong iyan, ay ang naging katwiran din ng tatay mo dati nung iwan niya ako.”

“Wala na akong magagawa ngayon, Ma. I’ll face the painful consequence.”

 “No, you’re wrong. It’s not too late, Mien. Believe me. Noon, inakala ko rin na huli na para sa amin ni Ross ang magmahalan pero look what happened? I end up marrying him again and you are our precious evidence.”

“Ma, if Hamiel really cares, magtatanong iyon sa’yo o kina Tomomi tungkol sa akin pero wala. He didn’t bother to find out my reasons.”

“Eh di ba ayaw mong malaman niya ang rason mo? Ang gulo mo ha. Hay, naku, anak nga kita, walang duda. Pareho tayong balugtot mag-isip minsan.”

Napabuntong-hininga siya at pinagmasdan ang wallpaper ng cellphone niya. isa iyong sweet photos nila ni Hamiel. “Wala na siguro siyang pakialam sa akin. At kahit pa subukan kong bumalik sa kanya, hindi na ako sigurado kung tatanggapin pa niya ako uli gaya ng sinabi niya.  Mas mabuti na siguro na ganito na lang, Ma. Bahala na.”

“Why don’t you give yourself another chance? Anak, hindi rason ang condition mo para i-deprive mo ang sarili mong magmahal. Mabubulag ka lang siguro pero hindi ka mamamatay agad. Hindi madali ang mabuhay sa mundo habang may gyera ang puso at isip mo dahil hindi sila magkasaundo sa isang desisyon.”

“Nagkamali ba ako ng desisyon, Ma?”

“May nabasa akong libro. Ang sabi ng author, wala daw tama o mali sa isang desisyon. Nagiging mali lang iyon kung hindi mo napanindigan. Pero ang magtatalo naman sunod ay kung masaya ka ba o hindi. Go for your happiness, Limien. Life is searching for your inner happiness. I know it was him who defines it so well.”

Napangiti siya. Tama ang kanyang ina.   Dapat na niyang sundin ang puso niya. Bahala na kung saan siya tangayin ng pag-ibig. As long as she will be in the arms of Hamiel, she knew she would always be safe. Pero nawala ang ngiti niya nang maalalang isa na lang siyang deadma para dito.

“Sa tingin mo Ma, he still cares for me?”

Ngumiti ang kanyang ina sabay abot ng cellphone nito sa kanya. Napakunot naman ang noo niya. “Browse up the messages. Tutulog lang ako, anak.” Pumikit na ito.

She did. And she was surprised on what she saw. Tadtad ng text messages mula kay Hamiel ang cellphone ng mama niya. Isa-isa niyang binuksan ang mga  iyon. Simple lang ang mga mensahe. He was checking her condition from time to time. At ang mga iyon ay pinapadaan nito sa kanyang ina. She saw a heart-melting message at the end of the folder.

Tita Sandra, alam nyo naman kung gaano ko po kamahal ang anak nyo. Kahit po masaktan ako, hindi po ako selfish para pigilan siya. She wanted a life without me. Kahit po sobrang sakit, I have to let her go. But that won’t change my love for her. Andito pa rin po ako, hihintayin ko po siya.  

Naiyak na naman siya. Hanggang sa biglang mag-beep ang cellphone ng mama niya. She found out that the message came from Hamiel. She checked it out.

So sad I made her feel sad after seeing me on tv. Can I do something Tita to make Limien happy?  

Binalingan niya ang ina. Mukhang napahimbing na ito sa pagkakaidlip sa sofa. She was the one who made the reply.  You may call her. It might make her smile. Message sent.

Ang totoo ay nami-miss na niya ang boses nito, ang mga paglalambing nito, ang lahat-lahat tungkol kay Hamiel.  

Just in few minutes, her own cell phone rang. Hamiel was really calling her!  She suddenly felt her hearbeat went in faster rhythm. Kay tagal niyang hindi naramdaman ang kakaibang pagkabog ng puso niyang iyon.

She accepted the call. Maiingay na pawang tunog ng engines ang narinig niya sa background ng kausap sa kabilang linya.

“Hi, Mien. It’s me,” It was really Hamiel.

“Hi, Hamiel. O napatawag ka?” painosenteng hirit niya.

“Ah, ano kasi. I’m on a race track now. Dati kasi di ba pag may race ako, tinatawagan kita? Pampaalis kaba. You’re my good luck charm,” alanganing sambit nito.

“Ah, I see. Good luck sa race. Drive safely ha. I’m happy na finally nakabalik ka na rin sa dating hobby mo.”

“Well, I thought I should have some time with my late Dad. The only way to do it is to go back to race track.”

“That’s good for you. So, are you into drag racing or motocross this time?”

“Drag racing. I’m with Cielo and Mathew here. By the way, ahm, are you okay now? Sabi ni Tita Sandra, may lagnat ka daw kagabi.”

Napangiti ito. Maaalalahanin pa rin ito as usual. “Okay na ako. At hindi ko nakalimutang magmedyas gaya ng bilin mo.” Nakamulatan na niya na pag may lagnat siya, si Hamiel ang nagsusuot sa kanya ng medyas para hindi lamigin ang mga paa niya.

 Narinig niyang may ini-announce sa kabilang linya.

“Well, that’s good. Oh, sorry Mien but I have to end the call. Magsisimula na iyong race.”  

“It’s okay, good luck uli. At mag-iingat ka sa driving ha.”

“I will.”

A moment of silence. Ang akala ni Limien ay maglalaho na ito sa linya pero bigla itong nagsalita.

“Mien ko, I miss you so much.”

“Me, too. I miss you, Hamham.” Tears fell from her eyes. “U-uwi na ako sa’yo. Pwede  pa kaya?” Sapat na siguro ang dalawang buwan na pagkakalayo nila ni Hamiel para masubok ang relasyon nila. At ang unang-unang gagawin niya pag nakauwi na siya ng Pilipinas ay ang ipagtapat dito ang lahat-lahat tungkol sa kondisyon niya.

“Of course! Thank you so much Mien! I’ll wait for you, promise.” Bakas sa tinig nito ang sobrang tuwa.

Natapos ang pag-uusap na iyon na nakangiti siya. Bigla siyang na-excite  umuwi. Gusto na niyang makita itong muli, mayakap at mahagkan. Yakap-yakap ang unan ay humiga siya sa sofa at di nagtagal ay dinapuan ng antok.
          
           Isang nag-iingay na cellphone ang gumising kay Limien. She lazily grabbed her cellphone na inilapag niya sa center table sa sala. Tulog pa rin ang mama niya sa kabilang sofa. Cielo was calling.
           
             “Yes, insan?” sagot niya sabay hikab.
        
          “Mien, listen carefully. Alam kong madaling araw pa diyan sa Prague but you need to know something.”  Bigla siyang kinabahan.

            “Ano ba iyon?”


           
“Naaksidente si Hamiel. Critical siya.” Namanhid ata ang buong katawan niya sa narinig.







PREVIOUS                                                                         NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…