Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart - Chapter Fourteen




Hindi alam ni Limien kung anong oras siya nagising pero siguradong huli na iyon sa usual na gising niya. Tinanghali siya. Hindi siya agad nakatulog nang nakaraang gabi. How can she have a peaceful sleep knowing that Hamiel was just at the next room? Tanging kahoy lang ang namamagitan sa dalawang silid na iyon. 

            Naalala na naman niya. Pawang gusto na niyang iuntog ang ulo sa dingding. Hindi niya ma-take ang katigasan ng ulo ni Hamiel. Bakit ba  ganon ang isang iyon? Itinataboy na nga, nagpupumilit pa rin! Dumating nga sa point na nagsumbong siya sa nanay niya kinagabihan. Ang gusto lang naman niya ay ang kalimutan na ito. Tapusin na ang lahat. Sa ganoong paraan, magiging peaceful na lahat. Wala na siyang iintindihin na baka may masaktan pa siya kundi sarili na lang niya. But in here mere surprise, sinabi lang ng nanay niya na wala itong magagawa kung gusto ni Hamiel mag-stay sa tabi niya.

            Nooooooooo! If Hamiel will stay with her for few more days, tiyak na hindi na niya maitatago dito ang totoong nararamdaman niya. She knew deep inside her heart she was still madly in love with him. Balewala sa kanya kung nasaktan siya before. She knew she will only be on her happiest moment if Hamiel will be beside her all the time.  But she’s not selfish, too. Ilang beses na silang nagkasakitan nito. Ayaw na niyang saktan pa ito uli kaya alam niyang ang pinakamainam na paraan ay ipagpatuloy na lang ang buhay nila separately. Pero paano niya magagawa iyon ngayong saksakan naman ng kulit itong si Hamiel?

            Napailing siya. Tutal, hindi naman niya nakikita si Hamiel, magpe-pretend na lang siyang wala siyang pakialam. Ipapakita pa niya dito na totoo ang sinasabi niyang kaya niya ang sarili kahit bulag pa siya.


            Bumangon siya sa kama at kinapa ang cabinet kung saan niya huling isinabit ang kanyang bath towel. Isinakbat niya sa balikat ang tuwalya at naglakad siya palabas ng silid niya. Since memoryado na niya ang buong paligid ng bahay, kampante siya na naglakad palabas. Kaya naman laking gulat na lang niya nang matisod siya sa paa ng center table at diretsong nadapa siya. Aww! Anong nangyari sa bahay?

            May mali. Kinapa niya ang sofa sa kanan niya pero wala siyang makapa. Sigurado siyang sa puwestong iyon nakapuwesto ang sofa. Tumayo siya at naglakad papunta sa kusina. Tinahak niya ang dating trace ng walkway na dinadaanan niya papuntang kusina ngunit wala pa siyang limang hakbang ay napabangga na naman siya sa kung saan. Kumpirmado. Nabago ang buong ayos ng bahay!

            Agang-aga pawang gusto na niyang pumatay ng tao. “Hamiel!!!!!!” Sino pa bang siraulo ang makakaisip baguhin ang ayos ng bahay considering na nga na may isang bulag? Sigurado siyang pakana ito ng isang iyon.

            Sinusubukan nga talaga siya ni Hamiel dahil kahit naaamoy niya ang pabango nito at sigurado siyang nasa paligid lang ito at nakamasid sa kanya ay hindi naman ito umiimik ni kumikilos. 

            “Hamiel!!!!!!” Tumayo siya ng ayos at sinubukan uling maglakad pero papunta na sa direction kung saan sa tingin niya ay naroon si Hamiel.

            “Sino ka ba sa tingin mo, Hamham?” asik niya dito. “Anong karapatan mong baguhin ang ayos ng bahay nang basta-basta na lang?” Still, hindi pa rin ito umiimik, nabangga siya sa parang stand. Lampshade ata iyon.  Buti na lang hindi tumumba iyon. Letse! Nahihirapan na siya. Daig pa niya ang isang bulag na iniwang mag-isa sa isang isolated unfamiliar place. Natakot siya. Pakiramdam niya, hindi siya ligtas sa bagong ayos ng bahay. Hindi siya ligtas sa bagong paligid.

            “Hamiel!!!!” Naiyak na siya nang mapagtantong tila wala itong kaplanu-plano tulungan siya. “Eto ba ang challenge na gusto mo? Ang masugatan ako? Sabi mo aalagaan mo ako. Sisiguraduhin mong  hindi ako masasaktan. But you’re killing me!” Tumigil na siya sa paglalakad. Tumungo at umiyak. “Wala kang ideya sa hirap na pinagdaanan ko bago ko pa makabisado ang buong ayos ng bahay. Wala ka nung mga sandaling nasusugatan ako, nagkakapasa, nadadapa at umiiyak lang ako nang mag-isa. Wala kasa tabi ko nang mawala ang paningin ko. Wala kang ideya kung gaano kahirap mawalan ng paningin. Kaya anong karapatang gawin ito sa akin? Dahil gusto mong hindi ko maputanayang kaya ko nga ang sarili ko? Para magkaroon ka ng rason na manatili sa tabi ko? Iyon lang ba? You’re so selfish, Hamham!”

            The familiar loving arms of Hamiel embraced her. Ngunit sa halip na magpa-console nagpumiglas lang siya at sinimulang hampasin ito. “I hate you!”

            “I just love you, Mien. Pero tulad ng dati, mali na naman ang paraan ko.”

            “I want to hate you from now on. Ayoko na, Hamham.” Lalong lumakas ang paghampas niya dito ngunit nanatili itong buong pusong tinatanggap lang ang pananakit niya dito physically. “Kung alam ko lang na hahantong ang relasyon natin sa ganito, sana hindi na lang kita minahal, Hamiel. Masaya pa sana tayo sa mga sandaling ito kung di ko pinagbigyan ang puso ko. Pinagsisisihan kong minahal kita!”

            Kinabig uli siya nito at niyakap. “Please don’t say that. Naiintindihan ko ang galit mo sa akin. Oo mali ako, and maybe it’s too late for me to correct all my mistakes. I’m sorry, Mien. Nakasama sa’yo ang sobrang pagmamahal ko.”

            Itinulak niya ito palayo. “Umalis ka na, Hamham. Kung talagang mahal mo ako, umalis ka na.”

            “I will…for you. Pero bago iyon,” inalalayan siya nito, “ibabalik ko sa dati ang ayos ng bahay. Ibabalik lang kita muna sa room mo. Dadalhan kita ng pagkain then aayusin ko uli ang bahay. Aalis na ako after that.” Niyakap siya nito at dahil sinabi na nitong aalis na ito, hinayaan na lamang niya ang sarili na madamang muli ang yakap nito. “Don’t be scared, Mien.”

            Bakit nito iyon sinabi? Possible kayang alam nito na muli, nakaramdam siya ng takot? Pero saan nga ba siya talaga takot? Sa dilim o sa pag-ibig?


            TAHIMIK na ibinalik ni Hamiel sa dati ang ayos ng bahay. His plan failed. Ang plano sana niya ay sanayin si Limien sa pabagu-bagong environment para lalo itong maging matatag. Pinayagan siya ng mama nitong gawin iyon. But everything turned wrong. Ang pag-iyak ni Limien ang nagpahiwatig sa kanya na tama na. He needed to go kahit ayaw na niya.

            Pinagsisisihan kong minahal kita!, paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang linyang binitiwan nito. Kung tutuusin may kasalanan din siya. Ang simple lang naman role niya— alagaan si Limien at ang relasyon nila. Pero hindi niya iyon nagampanan ng ayos.

            Habang inaayos niyang muli ang bahay ay naririnig niyang umiiyak sa loob ng silid nito si Limien. Lord, pagaanin Nyo po ang loob niya. Wag Nyo na po siya pahirapan.. Nasasaktan siya sa bawat paghikbi nito. Pawang pati siya, pinagsisisihang naisip pa niyang ituloy sa romantic relationship ang simpleng best friendship nila. But it would only a waste of time blaming himself over and over again. The least thing he can do for her was to comply on his word.

            Matapos ayusin ang bahay at kunin ang lahat ng gamit niya sa silid niya, kumatok siya sa pinto ng silid ni Limien. Tahimik na sa loob. Hindi na ito umiiyak. Ang naririnig na lang niya ay ang mahinang tunog ng classical music mula sa player nito sa kwarto.

            “Mien, can I open the door?”

            “Sige. Come in.”

            Binuksan niya ang pinto at nakita niya itong parang batang nakahiga sa kama yakap ang isang teddy bear. He remembered the teddy bear. Grade Four pa lang ito nang iregalo niya dito ang stuff toy na iyon.

            “Naayos ko na ang bahay. Aalis na ako,” sambit niya.

            “Okay.”

            Nilapitan niya ito. Isinuot niya dito ang isang kwintas na may star pendant. “Hindi mo na nakikita ang star ng Daddy Ross mo. Kung maalala mo iyong star ng iyong ama, tumingin ka sa langit at hawakan mo ang pendant ng kwintas na ito. Di mo man makita ang bituin sa langit, mahahawakan mo pa rin ang iniingatan mong star.” Hinalikan niya ito sa noo at saka siya lumayo dito. “I’m leaving for good. Dala ko na lahat ng gamit ko. Take care, Mien. Just always keep in mind that no matter what happen to both of us, the fact that I loved you so much will remain unchanged.” He took all his courage to start walking away from her. He was about to close the door of her room when she suddenly called him.

            “Mag-ingat ka din palagi. And I’m sorry, too.” May kinuha ito sa cabinet at ibinigay nito sa kanya ang isang kahon. “Ibibigay ko sana iyan sa’yo as pasalubong nung nagpunta ako sa Prague noon. Isuot mo iyan pag naaalala mo ako. We can’t be together. I don’t like the idea but we already hurt each other so bad. Mas okay na ito di ba? At least, may matitira pa sa atin kahit friendship.”

            “Yeah. Can I see you once in a while?”

 Umiling ito. “You must not.”

“Okay. Thank you for the gift. I have to go. Bye.”

Tumango lang ito at humiga uli sa kama habang isinasara niya ang pinto ng kwarto nito.



TOMOMI’s garden wedding. Nag-isa si Limien sa mesa. She just finished her performance. Nagsipulasan ang mga kaibigan niya sa dance floor. Nagpaiwan siya dahil natatakot siyang pumunta sa crowd ng maraming tao. Baka mapaano pa siya, mahirap na. Tumayo siya para kumuha ng maiinom. Kanina ay naging familiar na siya sa lugar. Paano ba naman hindi eh sa Green Haven ang venue ng kasal ng best friend niya? Kahit paaano ay familiar na sa kanya ang ilang lugar sa farm. Plus, may mga caterer crew naman na mag-assist sa kanya kaya hindi siya nag-alanganing kumilos nang mag-isa.

Sa tantsa niya ay malayo pa siya sa pupuntahan nang may humawak sa kamay niya. Sunod na naramdaman niya ang baso na inilagay nito sa kamay niya. Napakunot ang noo niya. Sino ang nag-abot sa kanya ng inumin? 

“Thank you,” sambit na lang niya. Hindi naman sumagot ang nagbigay ng baso bagkus ay iginiya lang siya pabalik sa mesa niya. “Thank you uli.” Wala pa rin siyang narinig na tugon. “Pwede kang magsalita hindi naman bawal sa crew ng caterer ang umimik.” Pero walang effect ang sinabi niya. Bagkus ay may naramdaman siyang parang stem ng halaman na isinilid nito sa kamay niya. Pagkatapos noon ay naramdaman na niya ang unti-unting paglayo ng tao na iyon.

Naiwan tuloy siyang naguguluhan. Sino ba iyon? It wasn’t the first time na may good Samaritan na tumulong sa kanya. Minsan nga aksidenteng nahulog niya ang panyo niya sa simbahan. May isang tao rin na nagbalik sa kanya noon at nagsilid din ng stemmed rose sa kamay niya. May isang pagkakataon din na bumuhos ang ulan at na-stuck siya sa isa sa mga green houses. May nagbigay sa kanya ng nakabukas na payong. Nasa villa na siya nang ma-realize niyang may nakatali palang rosas sa payong. Pawang tuwing kailangan niya ng tulong may isang nakabantay na handang tulungan siya kapag nag-iisa lang siya. Sino kaya iyon?

An image of Hamiel registered her mind. Pero impossible na si Hamiel iyon. According to Tomomi, ilang buwan ng nasa ibang bansa si Hamiel para magtrabaho. Dapat nga ay kasama pa ang kaibigan niya sa photo shoot at commercial shoot nito sa ibang bansa kung hindi nga lang ito nakatakdang magpakasal. Napailing siya sabay hawak sa pendant ng kwintas na bigay ni Hamiel sa kanya. Nami-miss na niya si Hamiel. Walang araw na hindi niya ito naaalala at wala ring araw na hindi siya naghinayang sa lahat ng nangyari sa kanila. Minsan nga iniisip niya kung ano nga kayang nangyari kung sakaling hindi nagulo ang masaya nilang relasyon. Malamang sa mga sandaling ito ay isa na siyang ganap na Mrs. Catacutan.

She shook her head. She shouldn’t be thinking like that. Pinalaya na niya si Hamiel. Dapat ngayon ang hinihiling niya ay ang makatagpo ito ng taong magmamahal dito.

“Friend, okay ka lang ba diyan? Ay, pasaway talaga iyang mga kaibigan natin. Iniwan ka lang mag-isa dito,” sambit ni Tomomi.

 Tumawa lang siya. “Okay lang naman ako dito. At saka itinaboy ko na  sila. Mga tirador din ng dance floor ang mga iyan e. Friend, pano ba iyan misis ka na. Asan na iyang nerbyoso mong asawa?”

“Ayun nagpa-party mag-isa. Joke! Nakita kasi kitang nag-iisa, nagpaalam muna ako sa kanya to check you out. He’s dancing with his sisters.”

            “Balikan mo na lang asawa mo, I’m okay here.”

            “Mukha nga, nakakuha ka ng drinks mag-isa. Alam mo kung di kita friend, iisipin kong ine-echoz mo lang ang tao sa pagkabulag mo. Other than isang direction lang ang tinitingnan ng mata mo, wala kang sensyales na bulag ka. You’re so bright, Limien!”

            “Ewan ko sa’yo, friend. Eh hindi naman ako kumuha ng drinks ko. May good Samaritan na namang nagbigay sa akin with stemmed rose.”

            “Oh? Aba naman si good Samaritan mo ha. Sumisimple pati dito sa reception ng kasal ko.”

            “Friend, umamin ka nga sa akin.”

            “Oy, hindi ako ang good Samaritan mo. Bakit kita bibigyan ng roses? Hindi pa naman ako natotomboy ano.”

            Pinigilan ni Limien ang sarili na sabunutan ang nalulukring na naman niyang best friend. “Alam mo  talagang good luck na lang kay Jeremiah sa pagpapakasal niya sa’yo. Baliw!”

            “Ikaw naman, kasal ko naman ngayon. Pagbigyan mo na ang kagandahan ko. Ano bang gusto mong aminin ko sa’yo ha?”

            “Nasaan si Hamiel?”

            “Malay ko? Why ask me? Ask his personal assistant, friend.”

            “Omi!”

            “Nasa ibang bansa siya. Iyon ang alam ko. Bakit ba?”

            “Wala lang. Naisip ko kasi na baka siya ang good Samaritan ko pero hindi nga siya.”

            “Ay friend, ilusyon mode tayo ngayon? Itinaboy mo na siya di ba? Aba e napakahaba na ng buhok mo ‘day kung hanggang ngayon ay andyan pa rin si Hamiel at binabantayan ka ano. Haba ng hair mo!”

            “Oo na. Asa mode nga ako. Sige na balikan mo na iyong asawa mong kawawa naman sa’yo.”

            Hamiel occupied again her mind when she was left alone again. Pero hindi na rin namn iyon nagtagal dahil nagsibalikan na rin ang mga kaibigan niya sa mesa. Ang few hours more, the party ended.  



            LIMIEN had a bad dream kaya naman balisa siya nang magising siya. It was a terrible dream. Naglalakad siya kasama ni Hamiel sa kagubatan nakikita niya ito. Masaya  silang dalawa, parehong nakangiti. Ngunit nang sapitin nilang dalawa ang gitnang bahagi ng gubat, bigla itong bumitaw sa kanya. Ang damit nitong sky blue shirt at white pants ay naging all white. Kumaway si Hamiel sa kanya…kaway ng pamamaalam habang malungkot ang mukha nito at umiiyak. Lalapitan niya ito ngunit bigla siyang nagising. 

            Ilang minuto na ang nakalipas nang magising siya pero nanatili lang siyang nakahiga,  mag-isang pilit inaalis ang takot na naramdaman niya sa panaginip na iyon. Sa susunod talaga, hindi na siya matutulog pag hapon. Naramdaman niya ang kanyang ina na pumasok sa kanyang silid. Saka lang siya bumangon.

            “Anak, andito Tita Penpen mo kasama ang Tito Hansen mo,” sambit ng nanay niya.

            Naramdaman niya ang Tito niya. Humalik ito sa noo niya. “How’s our baby Mien?”

            “Hindi na ako baby!”

            Iyon palagi ang biruan nilang mag-Tito. Every now and then palaging parang isang baby pa rin ang trato sa kanya ng Tito niya. Sabi pa nga nito, she would always be a baby for him.

            “Mien, anak. Physical check kita ha. To make sure na okay na okay ka,” sambit naman ni Tita Penpen. She was her doctor ever since she was born.

            “Sige po.”  

            For the next few minutes, Tita Penpen checked her vital signs pati na rin blood pressure at temperature.  Tiningnan din nito ang kanyang mga mata.

            “Wala pa rin bang unusual changes sa eyesight mo, Mien? Hindi ba lalong dumidilim ang paningin mo?”

            “Hindi po. Pero minsan po parang nag-color gray pero miminsan lang po iyon.”

            “Mien, we have a good news for you. Pwede kang mag-undergo ng eye transplant.”

            Isang bagong pag-asa ang natanggap niya. “Talaga po? Ibig sabihin pwede na uli akong makakita?”

            “If eye transplant will be successful, yes pwede pa.”

            Niyakap niya ito. “Thanks Tita Penpen!” Bumitaw siya at niyakap ang mama niya. “Mama! Makakakita uli ako!”

            “I’m happy for you anak. Don’t worry, inaayos na namin ng Tito Hansen mo at syempre ni Tita Penpen ang lahat ng kailangan mo. We’re looking for donors too.”

            May narinig silang ring ng cellphone. Alam niyang sa nanay niyang cell phone ang nag-ring.

            “Yes? Ha? Okay sige. Sige. I’ll be there in few minutes.”

            “Alis ka, Ma?”

            “Ah ano, anak. Ah, may pupuntahan lang si Mama. Kasama ko si Hansen at Penpen. If you need anything, tawagan mo si Jaziel okay.”

            “Okay po.”

            Isang iglap, nag-iisa na siya. Di siya sigurado pero pakiramdam niya may nangyaring hindi maganda. At dahil hindi na siya makatulog uli, lumabas siya ng silid at nagpunta sa piano niya. She played the piano while singing. You of Carpenters ang napagdiskitahan niyang kanta. She missed the song. Iyon palagi ang kinakanta ni Hamiel sa kanya. Iyon din ang lullaby niya. Para na ring theme song nilang dalawa ni Hamiel iyon.

            And since it’s all true…how could anyone mean more to me than you….

            A rush of cold wind suddenly touched her face. Natigilan tuloy siya. The wind was different, hindi iyon paramdam ng kanyang ama…sigurado siya. Binalewala na lang niya iyon at ipinagpatuloy ang pagkanta hangggang sa magsawa niya.

            Umupo siya sa sofa, binuksan ang tv, at nakinig ng news. May naganap na plane crash somewhere in Aklan. Manila to Iloilo ang flight at wala pang nare-rescue na buhay. Puro patay lang ang inilalabas sa nag-crash at nagliyab na eroplano. Kahit walang nakikita si Limien nai-imagine naman niya ang kalunos-lunos na aksidenteng naganap. Sa ganitong mga pagkakataon, naiisip niya na maswerte pa rin siya. Dahil kahit bulag na siya, buhay pa rin siya. Mas masklap atang katapusan ng buhay ang mawala ka lang dahil naaksidente ka.

            Nakatulugan na niya ang pakikinig sa mga balita. Naalimpungatan siya nang marinig ang mahinang pagtatalo ng mama niya at Tito Hansen.

            “Hindi pwede, Hansen! Masasaktan ang bata! Masasaktan ang anak ko,” giit ni Mama Sandra.

            “Hindi habang buhay yayakapin mo ang anak mo, wag lang siyang masaktan. She deserves to know the truth! Besides, hanggang kelan natin matatago sa kanya ang nangyari?” sagot naman ni Tito Hansen.

            Ano bang problema nila na ayaw sabihin sa akin?

            “Pero kailangan na bang ngayon sabihin sa kanya? Baka naman hindi pa…false alarm lang. Hintayin kaya muna natin ang declaration ng mga rescuers.”

            False alarm? Rescuers? Lalo siyang naguguluhan sa mga naririnig niya.

            “No Sandra, mamili ka. Ako ang magsasabi o ikaw?”

            “Ano po bang problema? Bakit nag-aaway kayo?” nakisabat na siya.

            Naramdaman niya ang paglapit ng dalawa sa kanya. “Anak may sasabihin ang mama mo sa’yo,” sambit ni Tito Hansen.

            Hinintay niyang magsalita ang nanay niya. “Ma?”

            “Anak, may news sa tv. May eroplanong nag-crash sa Aklan.”

            “Narinig ko nga po iyong news.”

            “Anak…” Ikinulong ng kanyang ina ang kanyang mukha sa mainit nitong palad. “Anak, kumpirmadong sakay ng eroplanong iyon si Hamiel. Hindi pa siya nare-recover. Wala siya sa mga nailabas na bangkay. Wala pang survivor. Hinala ng rescuers, isa si Hamiel sa mga nasunog na bangkay.”

            Natigilan siya. Tila nabingi siya sa narinig. Ayaw niyang tanggapin ang mga sinabi ng kanyang ina. The next thing she knew she was already crying so hard and asking her mom to accompany her to the crash site.

            Iyon ba ang ibig sabihin ng panaginip niya? Pamamaalam ng habambuhay? “Ang malamig na hangin kanina…si Hamiel ba iyon? Ma, isama mo ako sa Aklan.”

            Mahigpit na niyakap siya ng mama niya at ni Tito Hansen. 






PREVIOUS                                                                NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…