Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter Three



Limien was playing Ravel Piano Concerto G major. Nasa rehearsal siya para sa isang invitational performance sa concerto ng Imperica Orchestra, ang pinaka-kilalang full cast orchestra sa bansa. Naging kilala din ang orchestra na iyon sa Europe lalo na sa Paris, kung saan unang nag-European tour concerts ang orchestra na iyon. At sa come back concert ng mga ito, siya ang naimbitahan mag-perform ng isang piano concerto.

            It’s been half a year since she started working on Green Haven Farm, ang  botanical garden and zoo in one nila ni Hamiel.  Maliban sa dalawang main facilities ng farm, naglagay na rin sila roon ng resort kaya naman lalong dumadami na ang nagpupunta sa lugar. Kasabay ng hands-on na pag-aasikaso  nila ng negosyo, patuloy pa rin nila ginagampanan ang iba pa nilang gawain sa buhay, siya bilang isang musician at si Hamiel bilang isang model slash actor.

            Aminado siyang mahirap pagsabayin ang dalawang bagay na iyon. Pero kinakaya niya. Ang totoo ay mas naaawa siya kay Hamiel. Minsan ay wala na itong masyadong pahinga dahil pagkagaling nito sa shooting or event ay didirestso na ito sa farm at aasikasuhin naman ang mga alagang hayop sa zoo nito.

            She superbly played the Ravel piece. Memorable sa kanya ang piyesa na iyon. Iyon ang tinugtog niya sa isang International Piano Competition  noong highschool pa lang siya. Tinalo lang naman niya ang higit sa isang daang deligado ng iba’t ibang bansa sa buong mundo. Inuwi niya ang first prize as kompetisyong iyon na ginanap sa Vienna.


            She always gave her best whenever she plays piano. Isa daw iyon sa nakaka-amaze sa kanya. Mukha daw kasing nasa concerto siya kahit nagre-rehearse lang siya. As expected, she played the last notes, excellently.

            Binalingan niya si Vlad pagkatapos. “How is it?”

            “What more can I say? You’re the best pianist I ever heard in my entire life. That was so brilliant. Babangon si Ravel para purihin ka sa magandang pagkakatugtog mo sa masterpiece niya,” biro pa nito.

            “Over ka naman!”  tugon niya habang inaayos ang  score sheet at inilagay iyon sa bag na dala. Tapos na ngayon ang rehearsal niya at tutuloy pa  siya sa client meeting slash barkada get-together  sa Senang Hati.  “Paano Vlad, mauna na ako. At good luck na rin sa sasalihan mong competition. Baka kasi hindi na kita ma-goodluck bago ka umalis. Busy kasi ako—” Natigilan siya at lihim na kinilig nang mapansing nakatitig sa kanya si Vlad.

 Nagagandahan ang lolo mo sa ‘kin! Weeee! Tuwing may rehearsal sila ni Vlad ay talagang nagpapaganda siya ng husto. Syempre, kailangan niya iyon para ma-in love ng bonggang-bongga ang long time crush niya.  Nitong mga nakaraang buwan ay napapadalas ang rehearsal nilang dalawa ni Vlad kaya napapadalas silang kumain sa labas mapa-lunch o dinner. At napapadalas din ang pagpapa-charming niya.

            “Limien…”

            Sasabihin mo bang may gusto ka sa akin? In love ka sa akin? Type na type din kita Vlad! “Ano iyon?” Mahinhing isinipit pa niya ang nakalaylay na buhok sa likod ng tenga niya. Pa-demure effect ba.

            Ngumiti ito ng matamis na ngiti. Kilig na kilig naman siya. “Si Hamiel, hinihintay ka na sa labas.” Ininguso nito ang glass door sa likod niya. Napalingon siya at nakita si Hamiel. Kumaway pa ito sa kanya. Panira talaga si Hamiel sa moment.

            Nadismaya siya. Akala pa man din niya ay effective na ang pagmamaganda niya sa harap nito. Nag-effort pa mandin siyang magsuot ng medyo revealing na damit courtesy of her ever reliable friend na si Tomomi para lang maakit si Vlad, pero parang walang effect. Nagpaalam na lang siya ng tuluyan dito. 

            Paglabas niya ng rehearsal room ay kunot noong tingin lang ang ipinukol sa kanya ni Hamiel habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. May mali ba sa suot niya? The last she checked herself in the mirror, maganda naman ang outfit niya for the day.

            “Anong problema mo?” tanong niya.

            “Bakit ganyan ang suot mo?” tanong ni Hamiel, still nakakunot ang noo.

            “Anong masama sa suot ko?”

            “Hindi mo ba nakikita? It’s revealing, daring, sexy. Alam ba ng nanay mo na ganyan ang suot mong damit habang nagre-rehearsal ka? Eh kaya naman pala kung makangisi at titig sa’yo iyang  si Vlad  parang tuwang-tuwa. Naka-expose sa kanya ang cleavage mo!”

            “Huh?” Hindi  niya inintindi ang biglaang pag-andar ng pagiging protective  ni Hamiel. Mas naka-trigger ng senses niya ang   sinabi nitong nakangisi si Vlad habang nakatitig sa kanya. Ibig sabihin effective ang pang-aakit niya.

            “Huh na lang sasabihin mo? Sinisilipan ka na, okay lang sa’yo?” Kumuha ito sa bulsa ng panyo at ibinato sa may boobs niya. “Takluban mo iyan bago pa—” Natigilan ito at napatingin sa cleavage niya pagkatapos ay umiwas ng tingin.

            Napakunot ang noo niya. “Bago pa ano?”

            Pumikit ito ng mariin na pawang may kung anong pinipigil sabihin at naunang naglakad sa kanya palayo. “Forget it!”  Sumunod na lang siya dito.

            Hindi naman ako bastos tingnan sabi ni mama ah.Ang tagal ko ng nagsusuot ng ganito, ngayon lang naman siya nag-react. Anong problema ng isang ito?  Nag-ring ang cell phone niya. Hindi naka-register sa cellphone niya ang numerong ng-appear sa screen. Sinagot niya ang tawag.

            “Hello?”

            “Friend!! Friend help me!!!”

Napakunot ang noo niya. Tiningnan niya uli ang numero. Hindi talaga ito familiar sa kanya. “Teka, sino ‘to?”

“Friend, si Tomomi ‘to! Saklolo!!!” tarantang-taranta ang tinig ni Tomomi sa kabilang linya.

Nitong mga nakaraang buwan ay naging hobby ng kaibigan niyang ito ang umalis ng bansa at magliwaliw sa kung saan-saan. At noong isang araw lang, bigla na lang itong umalis ng walang paalam.  Tumatawag lang ito sa kanya once in a while. Pero ibang-iba sa usual tawag nito ang natanggap niya ngayon. It seemed like something was wrong.

“Ha? Teka, nasan ka ba? Kaninong number ‘yang gamit mo?”

“Nakidnap ako!! Help!”

Kidnap? Nagsasabi ba ng totoo si Tomomi o nanti-trip lang?

“Sino iyan?” tanong ni Hamiel nang lingunin siya nito.

“Si Tomomi,” she mouthed.  She turned the phone to loud speaker mode para marinig ni Hamiel ang pinag-uusapan nila.

“I mean I’m about to be raped! Call 911 please!!!” hirit pa ni Tomomi.

Nagkatinginan sila. Napakamot siya sa ulo. Bangenge talaga minsan itong kaibigan niyang ito. “Ano ba friend? 911 ka dyan! Pagiging OA talaga ang epekto sa’yo ng adrenalin rush minsan. Nasa’n ka ba? Calm down para magkausap tayo ng maayos,” sambit niya dito.

Tila naman natigilan ito at na-realize na ang kalokohang sinabi. “D-did I say…911?” mas mahinahong tanong nito.

“Yes you did.” Binalingan niya si Hamiel na tila nagpipigil lang tumawa dahil baka marinig iyon ni Tomomi. Kung siya rin lang naman, natatawa siya sa power trip ng kaibigan. “Nasaan ka ba ngayon? Kaninong number ‘tong gamit mo? Anong sinasabi mong you are about to be raped? By whom?”

“Shut up!!”

“Shina-shut up mo na ako ngayon friend?” tanong niya.

“No no, not you friend. The rapist!”
          
           “Ha? Sinong rapist?” Busy tone ang sumagot sa tanong niya. Nagkatinginan sila ni Hamiel. Naputol ang tawag. She tried to return a call pero outside the coverage achuchu na ang number. “Hindi ko nakuha ang pangalan nung rapist daw. Should we really need to call 911?”  Paano kaya kung totoong nasa kamay ng kidnaper na rapist ang kaibigan niya? Though, she highly doubted that idea.
           
            “No need. Pa-trace na lang natin ang number. Akin na muna ang cellphone mo—” Natigilan na naman ito nang balingan siya. Iyong cleavage na naman niya ang napagdiskitahan nito. “Takluban mo sabi iyan!” giit nito sabay lakad uli palayo.
            
         “Ano ang problema mo sa cleavage ko? Para namang mase-seduce ka nito,” balewalang sambit niya. Pero natutop niya ang bibig nang ma-realize ang sinabi niya. Lalaki nga naman si Hamiel. “Sorry!” Sinundan niya ito at hinabol.
          
          “Wag kang feeling. Hindi kagandahan ang hinaharap mo!”

            Aba, kapal! “Hindi rin maganda ang katawan mo!”  Kung pulaan ang laban hindi niya atrasan ito.

            “Ikaw lang nagsabi niyan.”

            “Ikaw lang din ang nagsabi ng ganon!”

            Hinarap siya nito at isinauli sa kanya ang cellphone. “Pinapa-trace ko na sa taga-NBI iyong number.”  Hinawakan nito ang kamay niya at ngumiti ito. “We still have client meeting. Let’s go.”  Naguguluhang sumunod  na lang siya. Minsan talaga magulo ang ugali nitong si Hamiel.

            Hindi alam ni Limien kung bakit tila ang sarap sa pakiramdam niya na hawak-hawak nito ang kamay niya. Napatingin pa siya sa magkasalikop nilang mga kamay. Those fit perfectly. Ang sarap tingnan ng kamay nilang dalawa. Sa di niya inaasahang pangyayari, biglang kumabog ang puso niya habang pinagmamasdan ang kamay nila pataas sa seryoso nitong mukha.

            Why? Wag mong sabihin nagkakagusto ka na kay Hamiel, Mien ha. Hindi pwede iyan! sita niya sa sarili. Napailing siya para ma-erase ang iniisip niya.

            Papalabas na sila ng building nang makasalubong nila ang ama ni Hamiel.

            “Oh, baby. You’re so pretty today.” Sinalubong siya ng yakap ni Tito Haime. Humalik pa ito sa pisngi niya. Parang anak na ang turing nito sa kanya kaya naman giliw na giliw ito pag nakikita siya.

            “Thank you po, Tito.”

Binalingan nito ang anak. “At bakit ka nakasimangot ha? Kalimutan mo na iyong ex-girlfriend mo. Daming babae diyan o. Lingon ka lang, anak. Eto si Limien, ako na ang kakausap kay Ross para maging okay kayo,” biro pa nito.

Napapangiti lang siya. Talagang type ata ni Tito Hamiel na siya ang maging asawa ng best friend niya. Hmmm, thinking of advantages, hindi naman wrong choice itong si Hamiel. Kaya nga lang, magkaibigan sila. Iyon lang ata ang disadvantage. Lihim na napakunot ang noo niya sa naisip. Bakit ba naisip niyang balansehin ang pros and cons kung maging asawa niya si Hamiel? Piniling niya ang ulo. Iyon na naman siya. Hindi iyon pwede. At hindi iyon kasama sa life plan niya.

Lalong kumunot ang ulo ni Hamiel. “Dad! Hindi ko papatulan ang isang ito lalo na pag ganyan siya manamit.”

“Ang damit ko na naman ang nakita.” Binalingan niya si Tito Hamiel na nakangiti lang sa kanilang dalawa. “Tito, ang anak nyo may sumpong.” 

“Mukha nga, pero iyang holding hands drama nyo, itulong nyo lang iyan ha. Malay natin, magbago isip nyo!”

Nagkatinginan sila ni Hamiel at sabay na napatingin din sa kamay nilang magkahawak. Parang napasong bumitaw siya sa isa’t isa at nag-iwasan ng tingin sa magkabilang direksyon.

Napatawa na lang si Tito Haime. Nahiya naman siya.

“Alam nyo natutuwa talaga ako sa inyong dalawa.”  Nagulat siya nang sabay silang yakapin nito. “You take good care of each other always, okay?” Bumitaw na ito sa kanila at binalingan si Hamiel. “Ikaw na muna bahala sa pamilya natin anak.”

“May travel ka ba, Dad.”

“Pinag-iisipan ko pa kung tutuloy ako. Well in any case, ikaw na ang bahala sa mama mo okay? Well. I need to go. Mag-iingat kayo ha.”

“Kayo rin po,” koro nilang tugon.  Nagpatuloy sila sa paglalakad.

Himalang natahimik silang pareho until she broke the silence. “Weird ata ang kinikilos ng Daddy mo.”

“Oo nga eh.”

Hindi niya alam kung bakit pero parang may mangyayaring di maganda. Wala naman sana.


            NAKAKUNOT pa rin ang noo ni Hamiel habang nasa isang sulok ng board room  ng Senang Hati habang si Limien ay nagto-talk tungkol sa Green Haven Farm sa mga kaibigan nila. Hindi niya talaga gusto na nagsusuot ng sexy na damit si Limien. Or rather, ayaw niyang may ibang lalaki na papansin sa daring nitong pananamit. Alright. Naiilang siya. Naiilang siyang makita ang shape ng katawan nito, ang butt nito, ang legs at maging ang cleavage nito. He hated himself whenever those incidents happen. He felt so bad because he knew at the back of his mind, he’s silently praising his best friend’s georgeous body and beauty.

            Idagdag pa doon na hindi niya rin maintindihan talaga ang sarili. Parang palagi na lang niyang gustong ilayo si Limien kay Vlad. Kanina ay ilang minuto rin niyang pinagmasdan ang dalawa sa loob ng rehearsal room. May kung anong kumukulit sa puso niya tuwing makikitang magkasama ang dalawa. Parang ayaw niyang maging saksi ng mga ganong eksena. Parang nagseselos siya pero ayaw niyang tanggapin ang bagay na iyon. Bakit naman siya magseselos? May gusto ba siya kay Limien?

            Napailing siya. Mali iyon! Hindi niya dapat iniisip iyon, lalo na sa best friend niya. Lalo pa tuloy dumadami ang iniisip niya. Una ay ang wierd act ng tatay niya kanina at pangalawa ay ang unusual reaction niya towards Limien. Masama ata epekto ng araw-araw nilang pagkikita dahil sa pag-aasikaso ng negosyo. Nakakalimutan niyang magbest friend sila at hindi niya ito pwedeng isama sa listahan ng prospect niyang ligawan ngayong single na uli siya.

At pangatlo si Theacar. Kagabi lang ay naging official ang break-up nila ni Theacar.  Well in his part, kagabi lang naging final. Dahil mahigit limang buwan na talaga nang sabihin ni Acar na tapos na sila. Siya lang itong makulit na pinilit makipagbalikan.  Mahal niya si Theacar. And it was his first time to run after the one he loved. Pumunta pa siya sa Miami. Sinundan niya ito para suyuing muli at makipagbalikan. Nilunok na niya ang lahat ng pride na maari niyang lunukin just to win her heart again. Pero bigo siyang bumalik ng Pilipinas.

Ngunit kahit wala na sila, umasa pa rin siya na babalik din ito sa kanya until  he received a call from Acar last night. Umiiyak ito nang tawagan siya at nag-sorry ito sa kanya ng paulit-ulit. Alam daw nitong nasaktan siya ng lubos. Theacar was pregnant but he wasn’t the father. It was Heijiro, ang lalaking pinili nito over him.   Kaya pala ayaw na nitong makipagbalikan. Ngayon alam na niya ang tunay na dahilan. Nagtatataka lang siya sa sarili niya. Siguro nga ay ganon niya kamahal si Theacar. Ni hindi niya nagawang magalit. Ang tanging nararamdaman niya ay panghihinayang at sakit.

“Any further inquiries?” tanong ni Limien sa mga kaibigan.

Nagtaas ng kamay si Mathew.“Bakit ang sexy mo ngayon ha?”

Nagsunod-sunod ang kantyaw dito ng grupo.

“Nagdadalaga na si Mien,” hirit ni   Cielo.

“Weee! Gusto ng magpaligaw!” sabat naman ni Hinaro.

“Kayo naman, wala namang effort si Mien o, parang nagparlor lang,” dagdag pa ng pinsan nitong si Danielle Ahne.

Tumayo si Laina at lumapit kay Limien. “In fairness, bongga ang dress ng lola mo. Keithan Apparels. Saan ang rampa ‘day! Pasama!”

“Oo nga sama kami!” dagdag pa ni Christella.

Nagtawanan lahat doon. Kabukod-tangi siyang hindi natutuwa.

Nakisingit na rin sa usapan si Hamiel. “Pagsabihan nyo iyan na magsuot ng ayos kung ayaw niyang maging rapist attractor.”

Everybody set their weird look at him. “What? Look at her. Revealed na nga ang cleavage, backless pa. At para saan naman ang pa-charming na iyan? All to seduce Vlad?” tanong niya. Binalingan niya si Limien. “Kung iyon rin lang ang dahilan mo kung  bakit paikli ng paikli ang suot mo, maghubad ka na lang sa harap niya. Tapos ang problema mo!”

“Ano ba, Hamham. Kanina ka pa. I thought the issue was done.  Foul ka na ah!” tugon nito.

“Sino ka?” tanong naman sa kanya ni Danielle Ahne.

“Ilabas mo si Hamiel!” gatong pa ni Laina.

“Hindi ikaw ang kaibigan namin!” dagdag pa ni Christella.

“Sa pagkakatanda ko, ikaw ang nagsabi kay Mien na magsuot ng sexy na damit para magustuhan siya ni Vlad. Bakit kontra ka na ngayon?”

“May gusto ka na kay Mien ano?”

“In love ka sa best friend mo! Mahaba-habang inuman iyan!”

Napailing na lang siya. Lahat na lang ba, itutulak siya kay Limien? Palibhasa kasi hindi nila maintindihan ang tunay niyang nararamdaman. Well, pati siya, hindi na rin maintindihan kung ano ang dapat niyang maramdaman. Binalingan niya si Limien, walang imik lang ito sa isang tabi.

“Tigilan nyo nga ako sa kalokohan nyong iyan!” pabalang na sambit niya sa usiserang mga kaibigan.

“Ang init ng ulo ni Papa H!” 

“Mainit nga ang ulo niyan kanina pa, wag nyo na lang pansinin. Like what I’m doing. Mauubos lang buhok ko sa isang iyan,” sabat ni  Limien.

“Kayo naman. Parang di nyo naman alam ang sitwasyon niya. Pagbigyan nyo na ang bigo sa pag-ibig!” gatong pa ni Mathew. “Na-in denial na nai-in love na uli.”

“I’m not broken and I’m not in love!” defensive na sagot niya.

 “Inuman na pare!” dagdag pa ni Hinaro.

 “Pag-usapan natin love life mo!” hirit ni Cielo.

“Ayokong pag-usapan. Besides, si Limien at ang damit niya topic dito.”

“As far as I know, Green Haven Farm ang topic dito. Kung wala kang sasabihin tungkol sa negosyo, tumahimik ka,” sambit ni Limien sa tonong bahagyang tumataas na.

“Hala… ayan na… may war na, tago tayo!” parang batang hirit ni Cielo.

Pero hindi niya iyon inintindi. Nagulat din siya sa sinabi ni Limien. Napikon na rin ata ito sa kanya. Pero mas magaling na iyon kesa aminin niyang nase-seduce siya kapag naka-daring outfit ito. It would just make things complicated.

Nagkatinginan sila. Nagsukatan ng tingin. Pero ayaw niya rin na magkaaway sila ni Limien kaya siya na rin ang unang nag-give in.

“Alright. I’m sorry.” Natahimik ang lahat sa sinabi niya.

Pero hindi iyon pinansin ni Limien.

“My fault. Wrong choice of words. Lahat ng sinabi ko mali. Dapat hindi ko na sinabi iyon. Sinarili ko na lang sana.”

“Ah, so all along, while I’m taking consideration with your foolish suggestions ay iniisip mong desperada akong magpapansin sa lalaki? Na willing akong maghubad sa harap ni Vlad para magustuhan niya ako? Nagsusuot lang ako ng ganitong damit para akitin lang si Vlad? O sige, sabihin nating tama ka. Nagpapa-kyut nga ako kay Vlad.  But that doesn’t mean, I’m desperate. That’s too much, Hamiel. Alam mong hindi pa ako pwedeng magka-boyfriend. So why would I waste time acting like a desperate?” Tumayo ito. “Pakipirmahan na lang iyong mga papers, guys. Dadaanan ko dito bukas. Adjourn!” Walang lingong lumabas ito ng board room.

Naiwan silang lahat na natigilan lalo na siya. Anong ginawa mo, Hamiel!

Napailing na lang siya at pabagsak na isinubsob niya ang  ulo sa mesa. “Me and my stupidity.”

“Sa’yo galing iyan hindi sa amin,” sambit ni Hinaro.

“Lahat na lang ng ginawa ko nitong mga nakaraang araw puro mali.” Tumayo na siya.

“San ka pupunta?” tanong ni Mathew.

“Susundan si Limien ano pa ba?” Lumabas siya ng board room.

Naglalakad na siya sa hallway nang mag-ring ang phone niya. Ang mama niya ang caller. Sa di niya mawaring dahilan, ay bigla siyang nakadama ng kaba. Agad din niyang naalala ang ama niya. “Ma?”

Paghikbi ng kanyang ina ang una niyang narinig. “You’re Dad…”

Tila nablangko siya nang sabihin ng kanyang ina ang pinakamasamang balitang natanggap niya sa tanang buhay niya. 



PREVIOUS                                                                  NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…