Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart - Chapter Thirteen



Tahimik lang na naghihintay si Limien sa emergency room ng isang hospital. She was rushed to the hospital early this morning. Nagising siyang wala na siyang makita kundi kadiliman at nilalagnat pa siya. And even after seeing the doctor, wala pa rin siyang makita hanggang ngayon. She got no choice but to finally accept her faith. Ito na ang unang araw ng pagkabulag niya.  Maluwag at matapang na tinanggap niya ang nangyari. Wala na rin naman siyang magagawa kahit umiyak pa siya. She just finally got tired of keeping the burden within herself.  Kung tutuusin expected na niyang mangyayari iyon. She wasn’t able to undergo the supposed stem cell treatment before.

           She felt someone embraced her. “Friend, okay lang iyan ha. Be strong. Dito lang ako palagi for you. I’ll help you out in best ways I can,” sambit ni Tomomi.

            Pinilit niyang ngumiti na lang kesa magdrama. “Don’t worry, friend. Pinaghandaan ko na ito. I’m just okay.”

            Of course she’s not okay. Few weeks ago, Hamiel just left her alone. Isang sulat na lang ang naabutan niya kinaumagahan matapos ang gabing nakita siya nitong nangangapa sa dilim. Noong mga sandaling iyon, pinilit niyang itago kay Hamiel ang pinagdadaanan niya. She just lost her peripheral vision that time. Pero dahil mas mahalaga sa kanya ang kondisyon ni Hamiel, nagpanggap siyang hindi siya nahihirapan sa sitwasyon niya.


            That night. That special night. Iyon din ang  huling gabing nakita niya ito at ang huling gabing hinagkan siya nito. Inakala pa niyang  ang mga yakap at halik na iniwan nito sa kanya ay magiging simbolo ng bagong simula sa kanilang dalawa ngunit nagkamali siya. Everything just ended when morning came and no trace of Hamiel was left at home.

            Ayon sa sulat, bubuuin muna daw ni Hamiel ang sarili upang maging karapat-dapat sa pagmahahal niya.  Ipinagtapat nito sa kanya ang tunay nitong nararamdaman…na ni puso nito ay hindi siya makilala. Wala itong maramdamang special para sa kanya. Unfair daw iyon sa pagmamahal na inaalay niya dito kaya mas makakabuti daw na lumayo muna daw ito pansamantala hanggang sa bumalik ang memory nito. Kapag na-regain na ang memory nito, ito mismo daw ang magkukusang bumalik sa piling niya. Aasa pa ba siya matapos ang lahat ng nangyari? But what if the amnesia turned permanent? Would that mean he will never come back?

            Sinubukan niya dati na hanapin si Hamiel pero napagod din siya. Ni pamilya nito ay walang idea kung nasaan na ito. Isang phone call sa mama nito ang iniwan nito upang iparating dito na ligtas ito kung saan man ito naroroon. At pagkatapos nga ng ilang linggo, wala pa rin silang balita tungkol dito.

             Few weeks. How many more weeks would she wait just to see him again? Sabi ng doctor ni Hamiel, short-term lang ang post traumatic amnesia. Kung ganon, malamang sa mga sandaling ito ay nakabalik na ang alaala ni Hamiel unless the doctors got wrong calculation. She still had the same question in mind. Babalik pa ba si Hamiel? Aminado siya, unti-unti na siyang napapagod maghintay.

            She felt the presence of her mother. Maya-maya lang ay naramdaman niya ang pamilyar na kamay nito na humaplos sa kanyang pisngi. Kahit hindi niya nakikita, alam niyang naaawa ito sa kanya.

            “Ma, I’m okay.”

            “Hindi mo dapat nararanasan ito anak. If only your Dad—”

            “Ma, don’t blame this to Dad. He was just a loving husband who wanted to be a father that time. Kahit pa si Dad ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng nyctalopia, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kasi nabuhay ako. Patay na si Dad. Don’t put the blame on him. Hindi niya gustong magka-cancer. At hindi niya sinasadyang iwanan ako ng complications dahil sa sakit niya.”

            Her mom sobbed and embraced her. “I’m sorry anak.”

            “Don’t worry, Ma. I’m going to be okay. Nakapag-practice na ako sa dilim di ba?  Ia-apply ko na lang iyong na-practice ko. I can manage now.”

            Ikinulong ng kanyang ina ang kanyang mukha sa mainit nitong mga palad. Naalala niya noong bata pa siya. Palaging iyong ginagawa ng nanay niya para alisin ang takot niya. Somehow it made her feel a little better.  “The doctors will study your case in order to find ways to turn back your eyesight. Titingnan daw nila kung possible ang eye transplant. If ever, gagawin namin ang lahat para makahanap ka ng donor.”

            Simula  na ng kalbaryo ni Limien. Pero  alam niya sa sarili niya na hindi ang pagkabulag niya ang magpapahinto sa mundo niya. All of a sudden, she remembered Hamiel.

            Nasaan na kaya ang Hamham na iyon? Napailing siya. Nabulag nga siya’t lahat mas inalala pa niya ang kalagayan ng taong nang-iwan sa kanya sa ere kesa sa sarili niyang kondisyon.

            Baliw ka na, Limien Rose! Umayos ka nga! sita niya sa sarili. Kakalimutan niya si Hamiel. Iyon ang palaging niyang sinasabi sa sarili niya pero hindi naman niya magawa.



            LIMIEN was full-heartedly playing a piano piece entitled “If I Could See You Again” of Yiruma. It was just one of the five piano pieces she would perform on Tomomi’s wedding. Medyo malapit na rin iyon kaya nagre-rehearse na siya. Though she’s already blind, it didn’t stop her from being an exemplary pianist. Good thing that she embraced classical music by ears and not by eyes. Kaya kahit walang nakikitang scores, kaya pa rin niyang tumugtog at her best.

            Her blindness never broke her. Katwiran niya, nabulag lang siya. Hindi pa iyon katapusan ng mundo niya. Nalagpasan na rin niya ang dating fear na inaalala niya dati. Wala na rin namang silbi ang matakot o mag-isip ng kung anu-ano…wala na rin naman ang taong una niyang inalala kung sakaling mabulag siya.

            Bagama’t tinanggap na niya ang kalagayan niya, ikinalungkot naman niya na hindi na niya magampanan ang tungkulin niya sa Green Haven Farm. Isa sa nawala sa kanya ay ang personal na mag-asikaso ng buong botanical garden. Upang magpatuloy ang operation ng Green Haven Farm, pumayag siyang ipahawak na lamang ang management nito sa Pontez Group of Companies. Sila na rin ang humanap ng qualified botanists na siyang pumalit sa trabaho niya. Sa ngayon, ang kanyang piano na lamang ang nakakapiling niya madalas.

            Naka-adjust na siya sa blindness niya. Though, paminsa-minsan, natitisod pa rin siya o nababangga sa mga muwebles ng villa, proud naman siyang sabihin na kahit papaano, kaya niyang kumilos mag-isa.

            She was on the halfway of the piece when she felt a presence of someone. Totoo pala ang sinasabi ng iba na kapag may isa sa senses ang nawala sa isang tao, ang natitirang senses ay nagiging mas matalas. Lumakas ang pandama at pandinig niya na siyang nagpapakilala sa kanya ng mga tao o bagay na nakakasalamuha niya araw-araw.

            Natigilan siya sa pagtugtog nang ma-realize na hindi pamilyar sa kanya ang taong naglalakad palapit sa kanyang direction.

            Hamham? Ikaw na kaya iyan? Bagama’t hindi na niya inaasahan pang babalikan siya ng kaisa-isang lalaking minahal niya ng lubos, hindi niya maitatanggi sa sarili na kahit kakaunting pag-asa ay umaasa siyang pupuntahan siya nito kahit saglit na pagdalaw man lang.

            “Did I disturb you?”

            Nalaglag ang balikat niya. Na-disappoint din siya. It wasn’t Hamiel.

            “Ah, no Vlad. Nagpa-practice lang ako para sa kasal ng ate mo. Halika dito.”

            Naramdaman niya ang tuluyang paglapit nito at pag-upo sa tabi niya. “How are you now, Limien? Pasensya ka na ngayon lang ako nakadalaw sa’yo.”

            “Okay lang naman. Nasasanay na rin ako sa sitwasyon ko. Buti nga nabisita mo ako. Okay lang kung ngayon ka lang. I know how busy you are.”

            Moment of silence. Suddenly, hindi niya alam kung ano pa ang pwedeng pag-usapan nila ni Vlad. Mula kasi nang maging sila ni Hamiel, bibihira na rin niya itong nakikita.

            “Limien…”

            “Ano?”

            “Na-in love ako sa babae,” seryosong sambit ni Vlad na ikinatawa niya. Sa pagkakasabi nito aakalain mong tila may kasalanang mortal itong nagawa.

           “Congratulations! Isa ka ng ganap na lalaki. Magbunyi!”

            “Naman, Limien!” Pawang nakikita niya sa imagination niya ang pagkakunot ng noo nito. Lalo siyang napatawa.

            “Ayaw mo ba no’n? Problem solved! Wala ka ng ipapaliwanag pa kay Tomomi at sa mga magulang mo. Bago pa nila nalaman na minsan kang naging darna eh na-convert ka na bilang He-Man. Bongga! Hindi mo na kailangang ipagtapat sa kanila na once in your life, nagka-gender crisis ka.”

            “Andon na nga ako…pero di pa rin ako sure kung tama ba ito o nababangenge lang ako.”

            “Si Amhiela ba iyan?” Nitong nakaraang buwan ay palagi na lang magkasama ang dalawa.

            “Yeah. We’re working on different photography projects. Palagi kaming magkasama. I didn’t mean it but suddenly I fell in love with her.”

            Napangiti siya. She raised her hand aiming to hold his hands. “Amhiela is like a little sister to me. Take good care of her, Vlad.”

            Biglang nag-ring ang cellphone nito. “Thanks, Limien. I think I have to go. Hinahanap na ako ni Amhiela. Hahanapin pa kasi namin si Ham—” Natigilan ito. Batid niyang alam nito ang buong kwento sa pagitan nila ni Hamiel.

            “Mahirap maghanap ng taong ayaw magpahanap.”

            “Ibabalik namin siya sa’yo.That’s a promise, Limien.”

            Umiling siya. “No need. Hindi ko na siya hinihintay.”



            YOU stupid, Hamiel. What the hell are you doing here? sita ni Hamiel sa sarili habang matamang nakatitig sa malaking gate ng Green Haven Farm. Ilang minuto na siyang parang sirang nakatayo lang doon.  I know I shouldn’t be here! Pero dito pa rin ako dinadala ng paa ko!

            He finally decided to be back. Matagal ng bumalik ang alaala niya ngunit ngayon lang siya nakapagdesisyon na bumalik. Nang umalis siya ng villa, at iniwan na lang niya basta-basta si Limien, binitbit niya ang lahat ng bagay na sa tingin niya ay makakatulong para sa pag-regain ng memory niya. Hindi naman siya nabigo dahil unti-unting nanumbalik nga ang mga alaalang binura ng drag racing accident. Ngunit kasamang nanumbalik ang lahat ng emotional burden ng relasyon nila ni Limien. Kaya nahirapan siyang magdesisyon kung dapat pa ba niyang balikan ito o tuluyang palayain na lamang in his expense.

            He already caused her so much pain. Isang pagpatak pa ng luha mula sa mga mata ni Limien ay tiyak na ikadudurog ng puso niya. And he can’t even take the risk. Natatakot siya. Maaaring sa kanyang pagbabalik ay masaktan lang uli ito sa kanya.

            Pero hindi rin naman siya matahimik. God knows, he wanted to keep his promise the Limien will never lose him. Kaya kahit clueless kung anong pwedeng mangyari, heto siya ngayon sa labas ng Green Haven Farm, naghihintay ng tamang pagkakataon upang muling masilayan ang nag-iisang babaeng inalayan niyan ng buong buhay niya.

            Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago siya nagsimulang pumasok ng Green Haven Farm. Nakakilang hakbang pa lang siya nang makita niya si Tita Sandra. Kapwa sila natigilan. Hindi niya alam kung paano haharapin ang ina ni Limien. Alam niyang may pagkakamali siya. Kahit saan pa daanin, sinaktan niya ang anak nito nang iwan niya ito sa unang pagkakataon.  Ito na ang lumapit sa kanya.

            “Hamiel… Babalikan mo na ang anak ko?” seryosong sambit nito.  Hindi niya maunawaan kung may bahid ba iyon ng sama ng loob sa ginawa niya.

            “Kung papayagan nyo po ako, gusto ko na pong bumalik sa kanya,” tugon niya.

            “Sumunod ka sa akin, mag-usap tayo. Ina sa anak, hijo.”

            Tumalima siya. Sa coffee shop sa loob ng Green Haven sila  nakarating para mag-usap. Tahimik lang muna siya. Nakikiramdam, kabado. Hinintay kung ano ang gustong sabihin ni Tita Sandra sa kanya. Until finally, after few minutes of silence, she spoke up.

            “Bakit ka bumalik? Honestly, hindi ko alam kung makakabuti pa sa anak ko ang pagbalik mo.”

            Tough question. “Alam ko po na mali na iniwan ko siya. I became selfish. Inuna ko iyong nararamdaman ko sa halip na i-consider ang nararamdaman niya. I know I hurt her so much when I left her. Pero kung hindi ko po iyon ginawa, malamang mas nasaktan ko pa siya dahil noong mga oras na iyon, hindi ko alam kung sino siya sa buhay ko.  Bumalik po ako para tuparin ang promise ko sa kanya na babalik ako once na ma-regain ko ang memory ko.”

            Matamang nakatitig lang sa kanya ang ginang na tila tinatantsa ang sinasabi niya. He understood her so much. Nag-iisang anak nito si Limien kaya ganon na lamang nito pakaingatan.

            “I saw my daughter fell in love you. I saw her in her happiest days when she’s with you. Pero nakita ko rin kung gaano siya nasaktan dahil sa’yo. She fought for your life. She did everything just to remain standing beside you. The least thing you may do was to stay with her. Iyon lang hiniling ng anak ko sa’yo noon. But you didn’t. Umalis ka. And then again, I saw my daughter in misery.”

            “Inaamin ko po ang lahat ang pagkakamali ko. Gusto ko na pong ituwid lahat hangga’t di pa naman huli.”

            “Mahirap sa akin bilang isang ina ang muling ipagkaloob ang anak ko sa taong minahal niya ng lubos at nanakit din sa kanya ng lubos.”  Tumayo na ito. “Pero wala rin ako sa lugar para pigilan ka. After all, malalaki na kayong dalawa ni Mien. Alam nyo na kung anong dapat nyong gawin sa relasyon nyo.”

            “Salamat po, Tita Sandra.”

            “Nasa villa siya. I’ll just be at the office.” Papaalis na ito nang muling bumaling sa kanya. “Sabihin mo lang kung gusto mong ibalik sa’yo ang management ng zoo. Sa inyo naman ni Limien ang farm na ito. By the way, don’t pity my daughter once you saw her. She doesn’t need mercy, she need love.”

            “Po?” Naguluhan siya sa sinabi nito. He hadn’t got any news about Limien mula nang umalis siya. Kahit pa nga nang umuwi siya sa pamilya niya noong nakaraang gabi ay wala siyang nakuhang kahit anong detalye tungkol dito.

            “Akala ko bumalik ka dahil alam mong bulag na siya.”

            Natigilan siya.



            HALOS blangko pa rin ang isipan ni Hamiel habang papasok siya sa villa ng farm. Bakit siya nabulag? Halos paulit-ulit lang ang tanong na iyon sa isipan niya. He knew that there was a possibility that she might be totally blind after years due to her night blindness. Pero bakit ganito kaaga? At bakit naganap ang bagay na iyon kung kelan wala siya sa tabi nito, taliwas sa ipinangako niya noon?

            Now he hated himself more. Kung alam lang niya na kaya pala ito nangangapa sa dilim nung huli niya itong makita ay dahil nawala na ang peripheral vision nito at naghahanda na ito sa tuluyang pagkabulag, hindi na lang sana siya umalis. Sana ay kahit papaano ay nasa tabi siya nito noong mga sandaling nawalan ito ng paningin.

            Lalo pang gumuhit ang samu’t saring emosyon sa puso niya nang makita niya si Limien. Naglalakad ito na tila nangangapa sa ere at dumiretso sa dating silid niya. Pawang tinutusok ang puso niya dahil naaawa siya dito at wala naman siyang magawa. He felt tears fell from his eyes. Na-stuck siya sa kinatatayuan niya. Ni hindi niya ito malapitan. At hindi niya alam kung paano ito haharapin.

            “May tao ba diyan?” tanong ni Limien. Naramdaman na siguro nito ang presensiya niya. But still he didn’t move. Impit din na humikbi siya. Seeing the woman he loved the most  suffering that much, made him feel numb. Iyon na ata ang pinakamasakit  para sa isang taong nagmamahal. Ang makitang nasa miserable kondisyon ang taong mahal niya pero sa di niya maipalaiwanang na dahilan, wala naman siyang magawa para ilayo ito sa sitwasyon.       Lumabas si Limien mula sa silid niya bitbit ang isang kahapon. Nag-alala siya. Baka mabangga ito sa mga furnitures o kaya naman ay madapa. Lalapitan na sana niya ito para alalayan nang makita niyang tila baliwalang naiwasan nito ang mababanggang furniture. Tila nakabisado na nito ang ayos ng mga gamit sa loob ng villa.

            “Cielo? Ikaw na ba iyan?” tanong uli Limien nang maibaba nito ang kahon sa isang mesa.

            Hindi pa rin sumagot si Hamiel. Matamang pinagmasdan lang niya si Limien na nakabaling sa direction niya. Panghihinayang ang sunod niyang naramdaman. Ano kayang magiging reaction mo kung sakaling nakikita mo ako ngayon, Mien ko?

            “Ayaw sumagot? Pipi mode ka ngayon Cielo? Anyway, inayos ko na ang natitirang gamit ni Hamiel. Ikaw na lang magdala sa bahay nila ha. Tulong mo na rin iyan sa akin para maka-move on na ako ng tuluyan—”

            Hindi na napigilan ni Hamiel ang sarili, agad niya itong sinalubong ng yakap.

            “Hindi ka si Cielo. Sino ka?”

            Hindi pa rin siya nagsalita. Bagkus ay hinigpitan lang niya ang yakap dito…sinusulit ang mga sandaling napalayo sila sa isa’t isa.

             Hinawakan nito ang kanyang kamay na pawang may hinahanap na kung ano hanggang sa mahawakan nito ang promise bracelet nila.

            “Hamham…”

            “Marami akong kasalanan sa’yo, Mien. I’m sorry… I’m sorry…”

            Natigilan si Hamiel nang bigla na lang nitong inalis ang mga braso niyang nakayakap dito pagkatapos ay maagap na dumistansya ito sa kanya. “Mien.”

            “Salamat sa pagbisita mo. At least alam kong ligtas ka nga sa panganib at buhay ka pa. And it seemed like you succeeded in regaining your lost memory. I’m glad you did it, Hamham.” Kinuha nito ang kahon na kanina’y bitbit nito at iniabot sa kanya. “I did the honor to clean up your room. Ang tagal ko lang hinayaan na nilalaman pa rin ng silid na iyon ang mga gamit mo kasi akala ko hindi ka magtatagal gaya ng sinabi mo. Pero lahat ng bagay may hangganan, Hamiel. Dumating na rin ako sa puntong napagod na akong maghintay. Nakakatawa lang ano? Kung kelan inayos ko na ang gamit mo, saka ka bumalik. Paano, marami pa akong gagawin. Salamat uli sa pagdalaw.”

            Tumalikod na ito sa kanya at naglakad papunta sa kusina. Hamiel knew that it wasn’t the time for him to give up. Higit sa lahat ng oras, ngayon siya mas kailangan ni Limien sa piling nito. Ibinaba niya ang kahon sa isang mesa at sinundan si Limien. Mula sa likod ay niyakap niya itong muli.

            “Let me stay with you. I want to be the one who will take good care of you from now on.”

            “I don’t need a caregiver, Hamham. I can manage all by myself. And besides, Mama is always here with me. Kaya pwede mo na akong iwan. Bumalik ka na lang kung saan ka nagpunta noong iniwan mo ako.”

            “Hindi na ako babalik do’n. All I want is to stay beside you.”

            “Sino bang bulag sa ating dalawa? Di mo ba nakikita ang sitwasyon ko? Bulag na ako.
 Hindi na rin ako karapat-dapat para sa’yo di ba? Baka magkaroon na naman tayo ng bagong round para magkasakitan pag pinagbigyan pa kitang pumasok uli sa buhay ko. Hamiel, para sa ikatatahimik ng mundo nating dalawa, maghiwalay na tayo ng tuluyan.”

            “Ayoko. Kailangan mo ako sa tabi mo.”

            “Sinabi ko na sa’yo, hndi ko kailangan ng tagapag-alaga.”

            “Then prove that to me! I’ll stay here! Hindi ako aalis dito hangga’t di mo napapatunayan sa akin na kaya mo ngang mag-isa.” He moved to face her. Ikinulong niya ang kanyang mga palad sa pisngi nito. “Alam mo kahit palayasin mo ako minu-minuto hindi mo ako mapapaalis. Kasi kung aalis ako ngayon, ikaw rin lang ang aalalahanin ko. Maraming circumstances sa paligid, Limien.”

            “Kaya kong lumibot sa bahay nang mag-isa nang hindi nasusugatan o nagkakapasa. Kaya ko ang sarili ko.”

“Maaaring kabisado mo nga ang paligid ng bahay pero hindi assurance iyon na hindi ka mapapahamak. Let me stay. Nangako ako dati na ako ang magiging mata mo. Sisiguraduhin kong ligtas ka palagi. Kapag nakita mismo ng mga mata ko na magiging ligtas ka kahit wala ako, ako mismo ang lalayo.”

  For the second time ay bumitaw ito sa kanya. “Wag mo akong pag-aksayahan ng panahon, Hamiel. Go out and look for other woman who could love you much better than I did.”

“You know I can’t.”

“You can. Wala na tayong relasyon nang iwan mo ako. Wala ng dahilan para patuloy pang magulo ang mundo natin—”

“I can’t. ‘Cause you’re the only woman who loved me for real and it was the best. I can’t find any better from someone who already gave the best love, a man could ever ask for. Give me a week Mien. I’ll comply with my promise just prove me that you can handle everything on your own.”

“Ewan ko sa’yo!”

He took it as yes.  



PREVIOUS                                                                          NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…