Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter Ten



“Thank you Sir Jake Akiko. Thank you for being part of this movie, Find Your Way To Me,” sambit ni Limien nang ihatid niya sa lobby ng Pontez Building ang ilan sa mga cast ng life story movie para sa kanyang ama.

            Katatapos lamang ng thanksgiving lunch para sa lahat ng cast, staff, crew, at executive producers ng pelikula.  Mamayang gabi ay premiere night na. And since her mother was too busy in preparation for that big event this coming night, she was the one who faced the guests of the thanksgiving lunch.

            “Young lady, it was me who have to say thank you. You’re mom expertise in film-making was very exemptional. I’m so proud na isa ako sa napili ni Direk Sandra para maging bahagi ng movie na ito. So paano? See you at the premiere night later, young lady. Mauna na ako.”

            “Yes, Sir. Sige po.”

            Matapos ang ilang taon ng pagbuo ng script at halos isang taon na paggawa ng pelikula, eto na nga ang pinakahihintay na sandali nilang mag-ina. The movie means a lot to both of them. Hindi lang basta para makagawa ng isang dekalibreng pelikula ang dahilan ng kanyang ina kaya nito  pinaghirapan ang pelikulang iyon. Kahit hindi magsalita ang kanyang ina tungkol doon, alam niyang ang pelikula ang tanging magagawa ng kanyang ina para suklian kahit konti ang pagmamahal na iniwan ng Daddy niya sa kanilang mag-ina.


            “Mauna na rin ako, Limien!” Nakipag-beso beso sa kanya si Irene Leviste. Ito ang gumanap na Sandra sa pelikula. At dahil role ng kanyang ina ang ginampanan nito, napalapit ito sa kanya. They had some bonding moments para pagkwentuhan ang mama niya. Nag-end tuloy ang movie na kuhang-kuha nito maging ang ilang kilos ng kanyang ina.

            “Sige, salamat ha. See you later. Don’t be late!”

            “Yeah! Ingat ka rin.” Binalingan nito ang katabi niya. “Bye, Rover! I can’t make beso-beso baka mahuli ka ng girlfriend mo!” biro ni Irene na ikinatawa nila.

            May pagkaselosa nga naman ang girlfriend ni Rover. “Sige na, text ka na lang para alam ko na safe kang nakarating sa planeta mo,” biro ni Rover.

            Binelatan lang ni Irene na parang bata si Rover. Pagkatapos ay naiwan na silang dalawa dahil nagpaalam na rin ang iba sa kanya. Rover Manalili was the one who took the role of her loving  Daddy  Ross.

            “Asan ang boyfriend mo, Mien?” tanong nito. “Tayo na naman ang natira dito sa lobby. Tuwing may meeting laging tayong dalawa ang naiiwan dito.”

            She was the one who did the music arrangements of the entire movie. At dahil ang ama niya ay certified musician, ilang scenes ng movie ay nagpe-perform si Rover. Siya ang naging personal music teacher ni Rover. Nag-aral ito ng tatlong classical piano piece para sa pelikula kaya napalapit na rin siya dito.

            “Hihintayin ko lang na madispatsa ka at babalik pa ako sa taas para tulungan si Mama,” sambit niya. “Mamaya na kami magkikita ni Hamiel. Naipit kasi sa mga animals iyong boyfriend kong iyon.”

            “Oh, I see. Limien, thank you ha.”

            “Para saan?”

            “Madami. Sa pag-aprub mo sa akin para sa role ng Daddy mo. That’s the first one. Alam mo naman na hindi ako artista talaga. Singer ako pero hindi nag-doubt ang mama mo sa akin. Kaya thank you. Salamat din  sa patience. Alam kong nahirapan kang turuan akong tumugtog ng piano.”

            Ngumiti lang siya. “Walang teacher ang napapgod para sa kanyang estudyante. Iyon ang sabi ng Daddy ko. At isa pa, I believe in your talent. Di ka sumuko kahit mahirap iyong role. You deserve it.”

            “Thank you din sa ginawa mo para sa akin nung Christmas Eve.”

            Napangiti siya. She remembered that day. Pinakiusapan siya nitong tumugtog ng piano sa butterfly sanctuary ng Green Haven Farm para sa pinakamamahal nitong loveliest fruit he ever had in his life. She never thought she can also be an indirect cupid sometimes. “Another worth it thing. Sinagot ka naman ni Apple.”

            “Yeah right. Oops, speaking of, ayan na siya.”  A young sweet lady came inside the lobby.

            And few minutes more, nag-iisa na siya. Bumalik siya sa office ng kanyang mama. Pero wala ito roon. Isang note ang iniwan nito.

            I’m on emergency meeting. Hintayin mo na lang ako anak. For the mean time, mag-facebook ka muna diyan. Mag-tweet-tweet kayo ng Hamham mo.  Love, Mama.  

            Napatawa siya. May pinagmanahan talaga siya sa pagiging luka-luka.

            Umupo siya sa swivel chair ng kanyang mama. At binuksan niya ang laptop nito. Pero sa halip na facebook, ang pamanang website ng kanyang ama ang binuksan niya at tiningnan ang mga comments.

            Bigla siyang natigilan nang bigla na lang manlabo ang kanyang paningin. Everything turned blurred at pagkatapos ay tuluyan ng naging  puti na lang ang nakikita niya. Nag-panic siya. Pumikit siya at muling nagmulat ng mata ngunit walang nagbago.  Trying her might, sinubukan niyang kapain ang cellphone niya or even ang telepono upang makahingi ng tulong sa mama niya o kahit kanino. But when she was about to reach her cellphone ay biglang nakaaninag siya. Pumikit uli siya ng ilang minuto pagkatapos ay nagmulat muli siya ng mata. Sa una’y blurred ang nakita niya pagkatapos ay unti-unting bumalik sa normal ang paningin niya.

              She took out a sigh of relief though she begun to bother for herself. Hindi iyon ang unang pagkakataon na na-experience niya iyon. In fact, mula noong bigla na lang siyang himatayin sa restaurant noong nakaraang taon ay nagsimula na siyang maka-experience ng panlalabo ng paningin. At nito ngang nakaraang araw, sa kalagitnaan ng pagiging abala niya ay napapadalas ang pangyayaring iyon.

            It happened again. Kailangan ko ng magpa-check up uli sa optalmologist ko. Though matagal na niyang alam na may posibilidad siyang mabulag, natatakot siya na mangyari iyon.

She was diagnosed to have nyctalopia, commonly known as night-blindness when she was just five years old. Her condition fell under the cause of Retinitis pigmentosa, a neurocutaneous syndrome and a genetic condition affecting the skin and the nerves of the eye. She was recommended to take some doze of Vitamin A to minimize the progress of blindness. Pero ayon sa doctor niya, gustuhin man niya o hindi, may possibilidad pa ring tuluyan siyang mabulag.

           
            “HAMHAM, ano bang meron?” kunot-noong tanong ni Limien sa kasintahan. Bigla itong nagyaya sa Tarlac at ni-request pa nito ang pagsama ng Mama niya, Mama nito at ang Tito Hansen niya. Buti na lang at eksaktong nagpaplano rin ng pagdalaw sa puntod ni daddy Ross ang mga ito ngayong tapos na ang hirap nila sa pagbuo ng movie.

            “I’m going to meet your Dad. Di ba sabi mo, pag nag-one year tayo, I have to face your Dad? I’m doing it now,” nakangiting tugon nito. They were on their way going to Rest My Heart Memorial Park via land cruiser of Hamiel. 

            Napakamot siya sa ulo. “Napakamasunurin mo naman. Nakalimutan ko na ngang sinabi ko iyon sa’yo eh.”

            “Eh ganon talaga, pag mahal mo ang isang tao.”

            “Ang cheesy nyo!” natatawang sita ng Mama Sandra niya na ikinatawa nilang lahat. Binalingan nito si Hamiel. “At ano iyang akbay-akbay na iyan. Magdistansya nga kayong dalawa. Grounded ka sa akin remember? Late ka ng five minutes nung premiere night. Pinaghintay mo ang anak ko kaya hala… distansya!”

            Napangiwi silang pareho ni Hamiel sabay alis ng braso nito sa balikat niya. “Tita, di na po mauulit. Na-traffic lang po ako.”

            “Magpagawa ka ng sarili mong skyway para hindi ka ma-traffic,” tugon ng nanay niya.

            “Ay!” Bumaling si Hamiel sa ina nito. “Mama, magkano po kaya ang magpatayo ng skyway?”

            Umugong ang tawanan sa loob ng sasakyan.

            “Aba, anong malay ko diyan? O, sundin mo ang kumare ko, wag ka munang lumapit diyan kay Limien. Mamaya na kayo magpa-sweet, nakakainggit kayo eh. Wala naman kaming mayakap dito,” tugon ni Tita Mhiel.

            “Andito naman ako. Naiwan sa Manila iyong palagi kong niyayakap eh. Ako na lang yakapain nyo at hayaan nyo na iyang mga bata na mag-moment. Para naman kayong hindi nagkaroon ng love life!” hirit naman ni Tito Hansen.

            “Ay ayoko sa’yo, Hansen. Mababangga tayo pag niyakap ka namin. Ikaw ang driver eh,” pakli ni Mama Sandra.

           A batch of laugh ruled over them. Nasundan pa iyon ng mga hirit ng biruan at asaran. Lihim na napapangiti si Limien. Ganon nga siguro kaganda ang pagkakaibigan ng mga ito noon  kaya kahit ngayong malalaki na rin silang mga supling ng mga ito ay pawang mga batang nag-aasaran at nagtatawanan pa rin ang mga magulang nila.

            Daddy Ross, you really have good sets of friends and family. Originally, hindi naman magkaibigan sina Tita Mhiel at Mama niya. Ang kanyang ama pa rin ang naging daan para magkakilala ang dalawa. At ang end result, halos parang magkapatid na mga ito ngayon.

            Carelessly ay nadampian niya ang kamay ni Hamiel. Nagtaka siya at tuluyang hinawakan ang kamay nito nang mapansing nanlalamig iyon.  Binalingan niya ito. “Okay ka lang? Nanlalamig ka ah.”

            Ngumiti lang ito sa kanya habang mataman siyang tinitigan. “Kinakabahan lang ako sa pagharap ko sa father mo.”

            “Nasa langit na iyon. Kahit pa maisip ng tatay ko na habulin ka ng taga, hindi na niya iyon magagawa,” sambit niya.

            Ngiti lang din ang itinugon nito sa kanya. Few minutes more, they finally reached their destination.

            Pag-aalay ng bulaklak at dasal ang una nilang ginawa. Pagkatapos ay naghukay ng konti si Tito Hansen sa gilid ng libingan. Doon ibinaon ni Mama Sandra ang kopya ng pelikulang Find Your Way to Me.

            “Ross, I’m done with it. Maraming nanood nito at alam kong magiging box office hit ang life story mo.  Sagad na ang effort kong iparating sa’yo kung gaano kita kamahal pero hindi pa rin sapat iyon para maibalik sa’yo ang sobra-sobrang pagmamahal na ibinigay mo sa amin ni Mien. Last movie ko na iyon. Sinabi ko noon na kapag natapos ko na ang life story mo, natin, hihinto na ako sa paggawa ng movie dahil alam kong hindi ko na kayang higitan pa ang nagawa ko na sa movie na iyon. Tulad ng dati, pinadalhan kita ng copy, panoorin mo ha.” Nangilid ang luha sa mata ng Mama Sandra niya.

            Niyakap ni Limien ang kanyang ina. Naging emotional na rin tuloy silang lahat. “O Ross, andito si Mien kasama ang boyfriend niya.” 

Her mom stepped aside para siya naman ang makapag-moment with her Dad. Hinila niya si Hamiel para makatabi niya.

“Daddy Ross, si Hamiel po, boyfriend ko. Di ba promise ko sa inyo, ipapakilala ko siya sa inyo ng personal? Eto na siya.” Binalingan niya si Hamiel. “Kausapin mo na ang tatay ko.”

Ngumiti si Hamiel. She was about to step back but he didn’t let her go. Nanatili na lang siya sa tabi nito.      

Bumaling si Hamiel sa puntod ng kanyang ama. “Sir Ross, mahal ko po ang anak nyo. Despite of the fact that you are not here with us, my respect for you will always stay on my mind and heart. I wouldn’t want to promise anything. I’ll just prove to you how much I love your daughter. Alam ko po na 24/7, nakabantay kayo kay Limien at sa akin, making it sure that your daughter will never get hurt. Inalagaan nyo siya. Ngayon naman po, hayaan nyo po sana na ako naman po ang mag-alaga sa kanya.”

Natigilan si Limien. Nagpo-propose na ba ang isang ‘to sa harap ng tatay ko? Her heartbeat went crazier when he suddenly threw her a stunning smile. Pagkatapos ay binalingan nito ang iba pa nila kasama doon. “Tito Hansen, the reason why I ask you to come over with us is for you to act in behalf of Sir Ross. Mama, Tita Sandra, Tito Hansen. May gusto po akong sabihin pero….” Bigla nitong tinapik ang dibdib nito at kasabay noon ay naramdaman niyang lalong nanlamig ang kamay nito na hawak pa rin niya. “Kinakabahan po ako kaya kakantahin ko na lang po.”

Magpo-propose nga!

Tumango lang ang mga nakakatanda habang si Limien ay napapakunot-noo. She felt it. She somehow knew it. Kung alam ko lang na magpo-propose ka na Hamiel, sana nagpa-parlor muna ako.  A teasing smile covered her habang tila natataranta si Hamiel sa gagawin.

May dinukot ito sa bulsa sabay luhod sa harap ng puntod ng kanyang ama. He was not looking at her. His full attention was on her father, Mama Sandra and Tito Hansen. Their only connection was their hands making them as one.

Muntik ng maluha sa tuwa si Limien nang marinig niya ang tinig nito na humimig na  pinaka-sweet na kanta na maiaalay ng isang binata sa magulang ng taong minahal nito.

He sincerely sung a song. “Sir, I’m a bit nervous ‘bout being here today. Still not real sure what I’m going to say. So bare with me please if I take up too much of your time…”

Ipinakita nito sa kanya ang kaninang dinukot sa bulsa. It was a diamond ring. Bumaling ito sa kanyang mga magulang at sa kanya. “See in this box is a ring for your oldest. She’s my everything and all that I know is it would be such a relief I knew that we were on the same side…”  

Kinuha nito ang singsing at isinuot sa kamay niya. Tuluyang tumulo ang luha ng saya sa kanyang mga pisngi. “Hamham…” Ngumiti ito at bumaling muli sa puntod ng kanyang ama.   

“Very soon I’m hoping that I can marry your daughter and make her my wife. I want her to be the only girl that I love for the rest of my life. And give her the best of me ‘till the day that I die. I’m gonna marry your princess and make her my queen. She’ll be the most beautiful bride that I’ve ever seen.  Can’t wait to smile when she walks down the aisle on the arm of her father on the day that I marry your daughter…”

 Hindi na nakatiis si Limien. She held him up to stand.Without breaking a contact with her lovely eyes, he continue singing while embracing her on her waist.

She’s been hearing for steps since the day that we met. I’m scared of what would happen if she ever left. So don’t you ever worry about me ever treating her bad.  I’ve got most of my vows done so far. So bring on the better or worse. And tell death do us part. There’s no doubt in my mind, it’s time…I’m ready to start. I swear to you with all of my heart…”

She just heard the sincerest proposal she ever imagined. The guy she loved since she was a child made her feel the she was the most precious woman in the world. Punung-puno ng panunuyo, pagmamahal at pangako ang mga matang nakatitig sa kanya ngayon. Hamiel’s eyes were teary and she knew that it was out of happiness, too.
          
          “The first time I saw you, I swear I knew that I say I do…” Sa halip na kantahin pa ang part na iyon ay tinula na lang nito. And that gave more emphasis on his sincere intention. “Limien Rose Ferrer, with our parents around us now, I would like you to know that I love you so much and I’m dying to look forward to see you on a wedding gown and finally be my Mrs. Limien Rose Ferrer-Catacutan. Will you marry me?”
       
          Tears of happiness and a sweet smile answered first on him before she could literally uttered any single word. Hindi niya ma-explain ang sayang nararamdaman. Ganon pala ang pakiramdam ng inaalok ng kasal.  Ni hindi niya magawang sumagot agad sa labis na kaligayahan. Binalingan niya ang kanyang ina at tito para humingi ng approval. Tumango lang ang mga ito. She took it as yes.

            Binalingan niya si Hamiel. Halatang kinakabahan pa ito. Nararamdaman pa niyang nanginginig pa ang kamay nitong nakayakap sa kanya.

            “Never ko pang nakitang ninerbyos ka ng ganyan, Hamham.” Hinaplos niya ang pisngi nito. “With the approval of my parents, yes Hamiel. I’ll marry—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang tuwang-tuwang niyakap na siya nito ng tuluyan.

            “Thank you, Mien.”

            “Thank you din, Hamham. Pero sana pinatapos mo ako.”

            “Okay na iyon!”

            They sealed the moment with a kiss. Saglit na nakalimutan nila na may mga magulang ngapala silang kaharap.

            “Andito ba tayo?” tanong ni Hansen.

            “Wala ata, Hansen,” tugon ni Tita Mhiel.

            “Palagay ko nga rin,” sambit ni Sandra. “Paano ba iyan Hansen? Mukhang dalawa na ang ihahatid mo sa altar. Ikakasal na rin si Danielle Ahne next year di ba?”

            “Oo nga, matanda na tayo, Sandra. Ang mga bata na dati ay pinapasakit ang ulo natin sa kakulitan, ikakasal na ngayon,” sambit ni Tito Hansen.

Pero deadma sa kanilang dalawa ang mga narinig. Mas abala sila sa isa’t isa. The kiss ended up with a sweet hug. At saka nila binalingan ang mga magulang na pinag-aawayan na ang aging moments ng mga ito.

“Ikaw lang ang matanda dito Hansen ha. Look at the evidences. Sexy pa rin kami ni Mhiel, makinis ang kutis, kaakit–akit!” biro ng Mama Sandra niya.

“Oo nga naman. Tumaas na nga lang ang standards ng mga beauty nyo. Pang-DOM na,” tatawa-tawang pang-aasar ni Tito Hansen.

“Over ka, ipadalaw kita sa asawa ko eh,” sabat ni Mhiel.

“Sa asawa ko rin, ipapadalaw kita,” dagdag ng Mama niya.

“Sige, kayo naman ang dadalawin ko pag hindi na ako nagising!”

Nagkatinginan na lang sina Limien at Hamiel. Parang mga bata minsan ang mga magulang nila pero aminado silang sana, palagi na lang ganon kasaya ang mga ito.

           
          LIMIEN kept herself busy signing important papers. Iyon ang naisip niyang paraan para maiwaglit sa isip ang nagging pag-uusap nila ng kanyang optalmologist.  Pero kahit anong gawin niya hindi talaga siya makapag-focus.
 
            She let go of the papers and leaned back on her swivel chair. The doctor said she was in no good. Ang mga sintomas na nararamdaman niya sa kanyang paningin nitong mga nakaraang araw ay senyales ng nalalapit niyang pagkabulag ng tuluyan. Inisa-isa pa ng mga doctor ang possibleng ma-experience niya, ang mawalan ng peripheral vision, ang unti-unti, pagliit ng espasyo na kayang abutin ng kanyang paningin, at ang total blindness na kinakatakutan niya.

            Of all time, bakit kailangan niyang malaman lahat iyon ngayong nasa preparation na sila ng kasal ni Hamiel? She would definitely end up being a useless wife. She had lots of reasons to be scared at all. Hindi lang dahil darating siya sa puntong hindi na niya masisilayan ang mukha ng kanyang mapapangasawa, mga kaibigan at magulang. Higit doon ang responsibilidad na kaakibat ng pagkabulag niyang iyon.

She always dreamt of being a mother. Mula nang mag-decide sila ni Hamiel na  magpakasal, kasama nilang nabuo ang pangarap na maging mga mabuting magulang. Gumuho din ang pangarap niyang iyon nang sabihin ng doctor na kung sakalaing magkaanak siya, maisasalin niya sa magiging anak niya ang sakit na iyon. Thinking that her future child will also pass through with all the pain and hardships that she had before because of having nyctalopia, she felt her heart crushed all over to dust.

            Tears suddenly fell from her eyes. Nahihirapan siyang i-contemplate ang sitwasyon niya. Ni hindi niya alam kung paano sasabihin iyon kay Hamiel.  She can’t hurt him or even drag him to suffer with her.  

Biglang bumukas ang pinto. Dali-daling pinawi niya ang luha nang makitang si Hamiel ang pumasok sa opisina.

            “Hey, why are you crying?” Nag-aalalang pinawi nito ang mga luha sa mata niya. “May masakit ba sa’yo?” Sinapo nito ang noo niya. “May nararamdaman ka bang di maganda?”

            Mataman niyang pinagmasdan ito na tila sinasaulo na niya ang bawat detalye ng tanging lalaking minahal niya ng buong-buo. You have to do it, Mien. Kahit masaktan ka, you have to do it for him. A loving guy like him doesn’t deserve a woman like her. Hamiel deserved someone who could give him all he need. A loving wife, a loving mother for their children, a dose of care and romance. Someone she would fail to be…kahit ipagpilitan pa niya.

            Another rush of tears fell from her when she got her final decision at that moment. “Mien ko, tell me, what’s the problem?”  

            “I have to call off our wedding. I’m sorry. I can’t love you more.”




PREVIOUS                                                           NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…