Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter Eight




Kakaibang solemnity ang naramdaman ni Limien habang naglalakad siya papasok ng Rest My Heart Memorial Park. Doon nakalibing ang kanyang ama at panganay na kapatid. Tulad ng kanyang ama ay hindi na rin niya nakasama ang ate Sandra Daniela niya. Three days lang daw nabuhay ang ate niya. Namatay din ito dahil ipinanganak itong maraming komplikasyon. She was lucky dahil kahit may ilan din siyang complications na nakuha sa ama niya, nabuhay naman siya at maayos naman ang lagay niya sa ngayon.

            Ilang linggo na nang maamin niya sa sarili na mahal niya si Hamiel. Pero hanggang ngayon ay tikom ang bibig sa nangyari. She kept on staying away from him. Naghanap siya ng paraan para magkaroon ng excuse na hindi ito kausapin o makaharap. Kahit ang magpanggap na busy siya ay ginawa niya. Hindi na rin muna siya nagpapalipas ng gabi sa villa para mawalan ito ng dahilan para makausap siya. Hindi pa rin niya alam ang tamang hakbang sa sitwasyon niya ngayon. Hindi naman siya makahingi ng tulong sa nanay niya dahil alam niyang abala ito sa sinusulat na script habang nasa Prague ito.

At dahil wala na siyang matakbuhan, minabuti niyang pumunta ng Tarlac at dalawin ang ama at kapatid. In few minutes more, narating na niya ang magkatabing libingan. Inalis niya ang ilang kalat na mga tuyong dahon sa dalawang magkatabing lapida at saka niya inilagay ang mga dalang bulaklak. Pagkatapos ay nag-tirik na rin siya ng kandila at nagdasal ng taimtim.       


“Hi ate, hello po Daddy. Gulat kayo ano? Bigla akong dumalaw kahit wala namang okasyon ngayon. Tulungan nyo akong mag-isip, Daddy. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano tatakas sa sitwasyon ko. Are you trying to discipline me Dad kasi hindi ka nasunod? Natuto agad akong ma-in love na dapat sana next year pa nangyari gaya ng sinabi mo.

“Dad, iyon ba ang love? Kailangan ko ba talagang masaktan para ma-realize kong mahal ko nga si Hamham? Sabi nila masaya, exciting at masarap sa pakiramdam ang pagiging in love. Bakit sa akin malungkot? It was too painful, too. Dad, please help me. Don’t let this pain last longer. Make me strong, Dad. I’m counting on you.”

Matapos niyang kausapin ang ama at kapatid ay nagdesisyon na rin siyang umalis. Di rin namang siya pwedeng magtagal dahil naghihintay sa sasakyan ang mag-boyfriend na sina Tomomi at Jeremiah. Matatakutin ang nabingwit na boyfriend ng kanyang kaibigan kaya naman hindi na sumama ang mga ito sa puntod ng mga magulang.

She was already on her way to the parking lot when her cell phone rang.  Ang Mama niya ang tumatawag.

“Ma! Musta ka na diyan sa Prague?” tanong agad niya nang sagutin ang tawag.

“I did it, Mien!” masigla at excited na sambit ng kanyang ina. “ I did it! Tapos na ang script, anak. And finally, I’ll be coming home soon!”

Na-excite siya sa ibinalita nito. “That’s great, Ma! Excited na akong mapanood iyon.  Kelan ka uuwi, Mama. I miss you so much!” And aside from that, she definitely needed a hug from her mother to make her feel better.

“I miss you more anak. May aasikasuhin lang ako anak and then I’ll be back by next week. Mien, I received your email and it was just last night when I read it. Ngayon anak, na-define mo na ba  kung kanina ka in love?”

Napabuntong-hininga siya. She never kept secrets to her mom dahil maliban sa ina niya ito, ito rin ang lifetime best friend niya. “Yes, Ma. It was Hamiel who win my heart,” malungkot na sambit niya. “Pero Ma, may mahal naman siyang iba eh. Mahal pa rin niya si Theacar. Iyong baby ni Acar, baka si Hamiel ang ama noon. Therefore, hindi ko siya pwedeng mahalin, Ma.” She felt her eyes turned teary again. Minsan talaga gusto niyang sabunutan ang sarili niya. Ilang beses na niyang isinasaksak sa isipan niya na dapat na niyang tigilan ang pag-iyak pero palagi pa ring doon ang ending niya.

            “Sinabi ba iyan ni Hamiel sa’yo? Did those words literally came out from him? Makinig ka sa sasabihin ni Mama okay. Minsan niloloko tayo ng nakikita ng mata natin dahil may sarili tayong theory na pinaniniwalaan natin. Madalas iniisip natin na kung ano iyong nakita natin, iyon na iyon. Hindi na tayo gumagawa ng information gathering, jump agad sa conclusion. Pero may mga pagkakataong malayo sa katotohanan ang nakita natin. Alam mo, anak nangyari iyan sa amin dati ng Dad mo. Madalas kong bigyan ng malisya sila ng Tita Diane mo. Pinangunahan ako ng selos at ng sakit. Nasaktan ko si Ross, nasaktan ko rin ang sarili ko. Anak, alamin mo muna ang lahat ng details mula kay Hamiel mismo. Kung makumpirma mong tama ka, and then saka ka maglagay ng period. Malay natin, nagkakamali ka lang.”

            Iyon pa rin ang laman ng isipan niya makalipas ang ilang minutong pagtatapos ng kanilang mag-uusap. May punto ang nanay niya. Dapat nga siguro niyang kausapin si Hamiel para makumpirma ang lahat at iyon ang gagawin niya once na makabalik na siya sa Tagaytay.

            Inabutan niyang nagkukulitan sa parking lot sina Tomomi at Jeremiah. Nakaharap sa kanya si Omi at nakatalikod naman sa kanya ang huli. Umandar na naman ang pagkalukring ng kaibigan niya. Umarte itong pawang  may nakitang multo habang nakatingin sa kanya. 

            “Bakit Omi ko?” tanong ni Jeremiah.

            “Donkey ko, may babaeng multo na nangyayakap ng lalaki sa likod mo!” pananakot nito. Akmang lilingon si Jeremiah pero pinigilan ito ni Omi. “Wag kang lilingon! Yayakapin ka niya!”

            “Omi naman, wag mo naman akong takutin. Anong gagawin ko?”

            “Halika dito dali! Yakapin mo ako para hindi ka niya lapitan!”

            Yumakap nga naman agad itong si Jeremiah. At ang friend niyang luka-luka, tuwang-tuwa naman. Napailing na lang tuloy siya. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Handang magpauto sa ngalan ng buwan.

            “Haay Jeremiah, kawawa ka naman kay Omi. Pasensya ka na medyo baliw kasi iyang naging girlfriend mo,”  komento niya. Sumakay na sila sa sasakyan. 

            “Ganon talaga kasi hindi niya ma-resist ang kagwapuhan ko.  Gusto niya palaging niyayakap ko siya. Gustong- gusto niyang hina-harass niya ako!”

            “Eh nagpapa-harass ka naman!” sambit ni Tomomi.

            “Syempre, basta para sa’yo.”

            Nagtawanan na lang sila. How she wished her own love story will end up like what they have. Pangitang-pangita kasi kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.  Kahit madalas naaabutan iyang nagkakaaway ang mga ito, at the end of the day, sila pa rin ang magkasama at magkayakap. It was so sweet and very inspiring.



            “SIR Hamiel, umuwi na si Ma’am Limien. Andito po siya sa Green Haven Farm. Dito rin daw siya magpapalipas ng gabi,” sambit ni Jaziel.  Ibinilin kasi niya dito na i-inform sa kanya ang whereabouts ni Limien.

            “Okay, salamat Jaziel.”

            It’s been weeks and he’s missing Limien so much. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at bigla na lang itong naging mailap sa kanya. Hindi naman siya manhid para hindi mahalatang sinasadya nitong umiwas. Naubos na ang patience niya sa kakaisip kung ano bang nagawa niya para sumama ang loob ni Limien sa kanya. Pero wala talaga siyang maalala na may ginawa siyang ikakatampo o ikakagalit nito.

            Kagagaling lang niya sa recording ng tribute album para sa kanyang ama. Akala nga niya ay darating si Limien sa recording studio dahil ito nga ang gumawa ng arrangements  ng mga kanta sa buong album. Pero walang anino ni Limien na dumating sa studio.  Nalaman na lang niya na nagpunta ito ng Tarlac. 

            Kahit medyo pagod at masama ang pakiramdam ay nagtuloy siya sa Tagaytay. Iyon na ang pagkakataon para makausap niya si Limien. Baka pag nagpabukas pa siya ay magkaroon na naman ito ng excuses para hindi siya harapin. Late evening na nang makarating siya sa Green Haven Farm.

            Naabutan niya si Limien sa sala ng villa. Bukas ang tv at nakasalang sa dvd player ang dvd collection nito ng Nodame Cantabile, isang anime turned Japanese drama and movie na nag-feature ng napakaraming insights about classical music. May mga bote ng beer sa center table. Ang apat ay may laman pa ngunit may limang bote na empty na. Nainom na marahil ni Limien. 

            Nakatutok ang mga mga nito sa pinapanood na J-drama habang nilalagok ang beer.

            Agad niya itong nilapitan. “What the hell are you doing?” sita niya dito. 

            Binalingan siya nito at nginitian. Mapupungay na ang mga mata nito, sensyales na lasing na ito. “Oy Hamham pogi! Tagal nating di nagkita ah. Halika dito, nood tayo ng Nodame Cantabile. Ang pogi ni Chiaki pero mas pogi ka sa kanya, in fairness. Tara, inuman tayo! Cheers!”  Ini-straight up nito ang laman ng bote na hawak nito. “Hik! Ooops! Ano? Titingin ka na lang ba? Shige na, magkwentuhan tayo.”  Binalik nito ang atensyon sa pinapanood sa tv. Umakto pa itong tumutugtog ng piano habang tila sinasabayan nito ang bidang si Nodame sa pagtugtog ng Beethoven Symphony No. 7.

            Natigilan si Hamiel. This was the first time na nakita niyang lasing si Limien. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang dapat niyang maramdaman. Naaawa siya dito and at the same time namumuo ang galit niya sa taong naging dahilan kung bakit ganito si Limien ngayon.  Sobra ba talagang nasaktan si Limien kaya umabot sa puntong naglalasing na ito para makalipot kahit sandal sa pagkabigo nito kay Vlad?

            Inagaw niya ang boteng binuksan nito at akmang iinumin. “Stop it! You’re already drunk. Enough!”

            “No! Ibigay mo nga  sa akin iyan. Beer ko iyan eh.” Nag-attempt itong agawin sa kanya ang bote pero inilayo niya iyon dito. Sinubukan pa nitong tumayo mula sa pagkakasalampak sa carpeted na sahig pero dahil lasing na ito hindi na ito nakatayo.  Nabuway lang ito.

            Inalalayan niya itong makaupo ng ayos sa sofa. Ipinatong niya sa mesa ang bote at saka niya muling hinarap si ito. Nakatingin lang ito sa kanya.

            “Hindi mo kailangang sirain ang buhay mo dahil brokenhearted ka lang, Mien. You don’t have to drown yourself with beers.”

            “Ikaw pag lashing ka, di kita tinatanong kung bakit ka nagpapakalunod sa alak. Kaya wala ka ring pakialam kung gushto ko malashing! Masharap pala ang malashing, Hamham! Gusto ko pa malashing kaya akin na iyang beer ko—Aw!”

            Pinalo niya ang kamay nito nang akmang dadamputin nito ang beer. “Tama na nga sabi.”

            Tumango ito. “Okay, hindi na ako iinom sa isang kondisyon.”

            “Okay, anong kondisyon?”

            Hinila siya nito. “Upo ka dito sa tabi ko, magkwentuhan tayo habang inuubos mo ang natitirang beer. Deal?”

            “Okay deal.” Mas magaling na iyon kesa lalong malasing ito. Umayos na siya  ng upo sa tabi nito at sinimulang inumin ang unang bote ng beer. “Alam mo, hindi mo dapat sinisira ang buhay mo dahil lang hindi ka mahal ni Vlad. Maganda ka Mien, talented and sweet. There are lots of guys that will surely put an eye on you. Marami diyan na pwede mong mahalin at mamahalin ka rin.”

            “Alam mo tama ka naman eh. Alam ko naman iyon. Kung ikaw ako tapos iyong napili ng puso mong mahalin ay alam mong may mahal ng iba, mamahalin mo pa rin ba siya?”

            “Kung ako, hindi ko na siya mamahalin. Kasi ako lang masasaktan sa bandang huli. Hahanap na lang ako ng iba.”

            “See? Kaya nga ang sakit-shakit eh. Kasi hindi ko siya pwedeng mahalin. May mahal siyang iba.”

            “Come on, Mien. Hindi lang si Vlad ang lalaki sa mundo!” giit niya dito.

            Ngumiti lang ito sa kanya. “Alam ko. Hindi naman siya kashali sa ushapan na ‘to eh. Lalaki ang prefer ni Vlad, hindi babae ‘no! Oops! Shikret lang iyon!  At hindi siya ang pinaglalasing ko ngayon.”

            Naguluhan siya sa sinabi nito at napakunot ang noo sa revelation na iyon tungkol sa kaibigan nila. Pero kung hindi si Vlad ang pinagmumukmok nito, eh sino?

            “Then who was the guy?” Binuksan niya ang pangalawang bote at uminom.

            Seryosong tinitigan lang siya ni Limien. “Tell me, iyong anak ni Theacar, anak mo ba iyon?”

            Napakunot ang noo niya sa tanong. Ano namang konek noon sa pinag-uusapan nila? “No. I never made love with Theacar. Sigurado akong hindi ako ang ama ng anak niya.”

            “Good to hear that. Si Theacar, mahal mo pa siya? I want an honest answer, Hamham. Nakasalalay sa’yo ang coordination ng mga bituin sa langit.”

            Natigilian si Hamiel sa mga unusual questions nito. Napaiwas tuloy siya ng tingin. Bakit ba iyon tinatanong sa kanya  ni Limien? Until he realized something. Ako ba ang tinutukoy mo kanina? Tama ba ang hinala niya o tinatamaan lang siya ng beer?

            Hinawakan nito ang kamay niya dahilan para balingan niya muli ito. “Hamham, answer the question please.” Nagulat siya nang magsunod-sunod ang pagpatak ng luha nito. “It’s so important to me ‘cause I can’t stand the pain anymore.”

            Hamiel moved closer to her. By looking at her, alam niyang sobra-sobra ang emotional pain na pinagdadaanan nito. At sa  tinatakbo ng usapan, possible na siya ang dahilan ng mga luhang iniiyak nito ngayon. He managed to wipe her tears away.

            “Stop shedding tears for me, Mien.”

            “Nahihirapan na ako, Hamham.”

            “Are you in love with me?” Naglakas na siya ng loob na itanong iyon.

            Tumango ito. “I’m afraid I am. I’m sorry. Ayokong guluhin ka kasi alam ko namang mahal mo si Theacar pero kasi…ikaw kasi…napaka-sweet mo, maalaga ka, mabango ka at ang pogi-pogi mo. At saka hindi mo ako pinababayaan. Ikaw lang ang nagpakita ng ganyan sa akin.”   It was a revalation that set him off guard. Hindi rin siya makapaniwalang mahal din siya ni Mien.

             “Mien, listen. Let me cast the pain away. Wala kang dapat alalahanin sa akin. Theacar is just part of the past. You are my present.”

            “Sige, mag-joke ka pa,” sambit nito. Hindi ito naniwala sa pinagtapat niya.

            “I’m dead serious here. Mahal kita, Mien.”

            “Yeah, because I’m your best friend.”

            “Not just because of that. I love you so much, Mien! I love you okay?” 

            “Love mo rin si Picachu, Kurapika, at Zenki.”

            Umiling na lang si Hamiel. Lasing ito. Hindi siya nito maiintindihan. Tumayo na lang siya at walang ka-effort effort na binuhat niya ito. Hindi naman ito umangal. “Bukas tayo mag-usap pag hindi ka na lasing.”

            “Sasabihin mo ring mahal mo ako bukas?”

            “Oo. Araw-araw pa kung gusto mo.”

            “Yehey! Buhat ako ng sweet prince ko!”

            “At lasing ang princess ko!” patol niya sa pagkalasing nito. Dinala niya ito sa kwarto nito at maingat na inihiga sa kama. Kinumutan niya ito.

            “Mahal mo talaga ako?” biglang tanong nito sa kanya.

            Ngumiti siya habang hinahawi niya ang buhok nito. “Oo nga, mahal kita.”

            “Kung love mo talaga ako, pwede bang dito ka lang sa tabi ko? Wag mo akong iiwan,”  sambit nito.

            “Sure.” Hinalikan niya ito sa noo at humiga siya sa tabi nito. Niyakap niya rin ito hanggang sa pareho na silang makatulog.

              

            TAHIMIK ang buong villa habang nag-aagahan sina Limien at Hamiel.  Isang malaking himala. Palagi kasing puno ng tawanan ang buong bahay tuwing magkasama sila pero ngayon parang walang may balak umimik. 

            Nahihiya si Limien sa mga pinagsasabi niya noong nakaraang gabi. She just can’t believe it. Nagtapat siya kay Hamiel. At itong lalaking ito, sinabing mahal siya nito.  Hindi niya alam kung sinakyan lang siya nito o ano. Gusto niyang i-confirm kung totoo  ba ang sinabi nito pero nahihiya na siya. 

            Itinuon na lang niya ang atensyon sa agahan kahit na hindi siya sigurado kung matutunawan ba siya. Consistent kasi ang pagkabog ng puso niya ngayong ilang inches lang ang layo ni Hamiel sa kanya, sumasama sa hampas ng hangin ang bango nito at higit sa lahat, napapansin niyang enjoy na enjoy itong pagmasdan siya. In her peripheral vision, nakikita niyang  pangisi-ngisi pa ito habang pinapanood siya.

            Hanggang siya na rin mismo ang bumasag sa silence. Nag-angat siya ng tingin at caught in the act na nakangiti ito sa kanya. “Alright! Five minutes. Bibigyan kita ng limang minuto para tumawa. Sige na, Hamham. Itawa mo na lahat ng ginawa at sinabi ko kagabi. Nakakatawa naman talaga iyon di ba?  All of a sudden sinabi ko sa’yong mahal kita.”

            “Oops! Correction. Ang sabi mo, you’re afraid that you are in love with me. Hindi mo sinabing mahal mo ako. So, mahal mo nga ba ako, Mien? Wow, makapagpa-party nga.”

            “Sige, ipahiya mo pa ako sa sarili ko, Hamham!” asar na tugon niya. Talagang wala na siyang mukhang ihaharap pa sa kaibigan niyang ito. Bistadong-bistado na siya. Tinapunan  niya ito ng masamang tingin nang biglang kumirot ang ulo niya. May hangover pa siya at parang mage-evolve iyon bilang migraine. Napapikit tuloy siya sabay sapo ng noo niya. “Aww. Naparami ata ang nainom ko kagabi.”

            Tumayo si Hamiel at nilapitan siya. Inalis nito ang kamay niyang nakahawak sa sentido niya.  Napatingin tuloy siya dito. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito. Sabihin mo nga. Paano ako hindi mai-in love sa mga matang iyan, Hamiel?, gusto sana niya iyong itanong pero pinigilan niya ang sarili niya. Nahusto na lang siya sa pagtitig dito habang marahan at maingat nitong minasahe ang sumasakit niyang sentido.

            “Masakit pa ba? Kumain ka na kasi ng ayos then take this medicine. Para hindi na sumakit ang ulo mo.”

            Pakiramdam ni Limien ay dumoble ang  kabang nararamdaman niya. He was so damn sweet. Kung magiging boyfriend niya ito at araw-araw ay magiging ganito ito ka-sweet sa kanya, hindi niya pagsisisihang nagtapat siya kagabi. Lord, nananaginip ba ako? O live action na ito?

            Natigilan ito sa pagmamasahe sa noo niya nang mapansin nitong nakatulala lang siya dito. “Mien, alam kong nagagwapuhan ka talaga sa akin pero wag ka namang ganyan. Para kang namatanda eh.”

            Tumawa lang siya at pabirong hinampas ito sa balikat. “Hindi kita kokontrahin. Pakiramdam ko kasi namatanda nga ako.” Sumeryoso siya. “Hamham, seryoso ka ba kagabi nung sabihin mo na…” Hindi niya alam kung paano ba niya sasabihin iyon. Nahihiya pa talaga siya.

            “Na mahal kita?” Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito.  Then he lovingly gazed at her. “I love you, Mien. I really do. Alam ko sa sarili ko na matagal na kitang mahal. It’s just, I tried my best to ignore it kasi natatakot akong masaktan, knowing na ang alam ko ay in love ka kay Vlad. At the same time, takot din ako na baka ikaw naman ang masaktan ko. God knows, I may hurt other girls out there but I would never forgive myself if I hurt you.

            “Nang makita kitang umiyak, nasaktan, at kagabi nga, nalasing at wala akong magawa, nasaktan ako. All along I thought it was Vlad who hurt you. Seeing you in despair made me realized how much I love you. I want to cast away the pain. I want to take you away from Vlad. Pero nang malaman ko kagabing ako pala ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ng sobra-sobra, di ko na alam kung dapat ko pa bang sabihin sa’yo na mahal kita. But I did, though. Kasi somehow, baka maalis noon ang nararamdaman mong sakit. I’m sorry, Mien for hurting you.” A trace of guilt covered his face.

            Inalis ni Limien ang kamay nito sa pisngi niya at hinawakan niya iyon ng mahigpit. “It wasn’t your fault, Hamham. Kasalanan ko iyon. Emotera kasi ako. Tama ang sinabi sa akin ni Mama. Dapat pala talaga tinanong ko muna sa’yo ang lahat. Eh di sana, hindi ko na nasaktan ang sarili ko at hindi rin kita nasaktan.”  

            A moment of silence took between them. Nakatitig lang sila sa isa’t isa. It seemed like they were both memorizing every details of each other’s face.  Until he moved closer to her face. Pinagdikit nito ang mga noo nila. Their nose touched. She felt thousands of emotions at that moment. Being close with the man she loved was the greatest thing that could ever happen to any woman.

            “Mien… if you let me kiss you now it would mean we will be taking this friendship into romantic level. Magbabago ang buhay nating dalawa. So if you’re not yet ready, stop me.  I would understand.”

            But she didn’t move as he slowly grabbed her nape. Handa na si Limien na mabago ang buhay niya. She just let things  happened.  The moment their lips touched, she knew  she finally found her right one. She just closed her eyes and tasted the sweet love that Hamiel was full-heartedly giving her.

            “Mien, I love you so much,” he sincerely said after their lips parted. He was lovingly looking at her as if she was the best thing that happened into his life. Feeling niya tuloy ang ganda-ganda talaga niya. “Pero alam mo, sana naga-I love you ka rin sa akin para mas masaya.”

            Natawa siya sa hirit nito. “Hindi pa ba ako naga-I love you sa’yo?”

            Niyakap siya nito sa baywang. “Hindi pa kaya. Nagpahalik ka agad. Halatang-halata ang pagnanasa mo sa kagwapuhan ko.”

            Bumitaw siya sa pagkakayakap nito. “Ako pa talaga ang may pagnanasa, ganon? Hay naku, mas magaling pa, uubusin ko na lang ang agahan ko.”

            But he didn’t let her go. “Hindi kita bibitawan. I love you ko muna.” Bumuntong hininga ito at ngumiti. “From this day on, I promise to give you my whole life. Haaay, ano bang gayuma ang pinainom mo sa akin at mahal na mahal kita ha?”

              “Sus, naakit ka lang sa kagandahan ko, walang halong gayuma iyan, ganda lang ang puhunan.” Tumawa ito. Bigla niya itong niyakap ng mahigpit. “I love you so much, Hamham ko.Thank you for casting all the pain and tears away. Thank you for loving me.” Nangilid ang luha sa kanyang mga mata sa sobrang saya na nararamdaman niya.

Humigpit din ang yakap nito sa kanya, waring sinasabing hinding-hindi na siya nito papakawalan pa…in sweetest and passionate way.  They stayed that way for a moment. Until cold wind suddenly passed in between them.  Nagbitaw tuloy sila sa pagkakayakap at nagkatinginan.

“Lagot ka kay Daddy. Hinalikan mo ako. Di pa ako pwedeng mag-boyfriend pero tayo na. Lagot ka!” pananakot niya dito.

“Ngek! Tito Ross, limang buwan na lang po twenty five na si Limien. Baka naman po pwede ng i-advance. Mahal na mahal ko po ang anak nyo,”  sambit nito.

Napangiti siya nang biglang may malamig na hangin na namang dumaan sa paligid nila. Mukhang nagpapaalala nga ang kanyang ama.

“Kontra si Tito Ross. Umupo ka na, Mien. Kumain ka na at uminom ng gamot. Baka nagagalit ang Daddy mo dahil inuna nating maglambingan kesa kumain.”

Binalikan na nila ang agahan at nagsimulang kumain muli.

“Mien, sa tingin mo, magpaparamdam sa akin ang Dad mo?” tanong ni Hamiel.

“Gusto mo ba, ipadalaw ko si Dad sa’yo?” nakangising tanong niya.

“Wag naman, Mien.  Kakatakot naman iyon. Hmm, kung sa kwarto mo na lang kaya ako matulog mamayang gabi? Baka dalawin ako ng tatay mo eh. Magtatago ako sa kumot mo,” nakangising sambit nito.

Pinandilatan lang niya ito. “Sira! Hindi pwede!”   


PREVIOUS                                                                 NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…