Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter Six



Nakakapagod ang buong gabi pero enjoy din. Successful naman ang launch ng Senang Hati sa Green Haven. Maraming nagpunta, malaki ang naging unang kita ng Music Lounge. Plus the so-called romantic date nila ni Hamiel na hindi naman niya naintindihan kung anong klase, enjoy din. Iyon nga ba ang romantic date? Ang matuwa ka dahil inalayan ka ng kanta at consistent na kumabog ang puso mo habang hawak nito ang kamay mo?

            Naglalakad na sila papasok sa villa. Nagkasundo sila ni Hamiel na doon na lang magpahinga. Lalo lang kasi silang mapapagod kung magbabyahe pa sila pabalik ng Maynila.

            “O, miss bulag sa gabi, dahan-dahan ka diyan!”

            Bago pa siya matisod sa hagdan ay naalalayan na agad siya ni Hamiel. Ang isang ito talaga, parang gumagawa talaga ng paraan para ma-in love siya. She has a little problem sa eyesight niya. Nahihirapan siyang makakita ng maayos kapag madilim.

            Her heart was pumping like crazy again ngayon halos yakap siya ni Hamiel. “S-sensya na,hindi pa ako sanay sa pasikot-sikot dito sa villa. Dapat siguro sanayin ko na sarili ko para pag gabi, hindi ako mahirapan.” Hindi rin ako sanay sa sobrang ka-sweet-an mo!

            “At hindi ka madapa! Ayaw pa kasing magsalamin eh. One-step up pa nasa pinto na tayo.” Dumipende siya sa sinabi ni Hamiel. Nahihirapan kasi siya talagang makakita but she’s trying her best though.


            “It won’t help, Hamiel. Alam mo namang in born na ang night blindness ko. Hindi ko kailangan ng salamin. Vitamin A ang kailangan ko.”

            “Dapat pala plantasyon ng mga gulay at prutas na rich in vitamin A ang ninegosyo mo. Tapos kainin mo lahat iyon.”

            Tumawa siya. “Ewan ko sa’yo.”

Sa wakas, medyo nakaaninag na siya ng konti. Kaya naman nagulat si Limien nang pagbukas niya ng pinto sa second floor ng villa ay mga rose petals at scented candles sa sahig ang bumungad sa kanya.  Dimlight lang ang liwanag sa paligid na dulot pa ng mga nagkalat na kandila.

            Nagtatanong na binalingan niya si Hamiel. Nakangiti lang ito sa kanya na nagpatalon na naman ng puso niya.  “Ano ‘to?”

            “Still part of the romantic date. Nagpahanda ako ng early breakfast sa loob.” Hamiel held her hand as they entered the dining  area.

            Fully decorated ng lights, candles at flowers ang dining area ng villa. Parang biglang na-convert ang buong lugar sa isang romantic place.

            Hamiel pulled the chair for her at inalalayan siyang umupo.  Ang haba ng hair niya. Daig pa niya ang princess kung itrato nito. Ito pa ang nagsalin ng pagkain sa plato niya.

She just can’t help but smile as she watched him busy pampering her.  Hanggang sa bigla siyang tapunan nito ng tingin. Nahuli tuloy siyang nangingiting nakatitig dito.

“Bakit? Ikaw ha tinititigan mo ako. Masama iyan, baka ma-in love ka sa akin. Nagde-demo lang ako ng date sa’yo ha.”  hirit nito.

Pabirong inirapan niya ito. “As if! Well, I’m thinking of something about you.”

“Ano?”

“Iniisip ko kasi kung  ganito ring date ang ibinigay mo sa mga naging girlfriend mo. Wala lang. No wonder you won their hearts. This was so sweet.”

“Well, thank you for the compliment.” Bigla itong napabuntong-hininga.

“O bakit?”  sambit niya habang inaabala ang sarili sa pagkain ng agahan.

“Ang totoo, wala akong nai-date ng ganito sa tatlong naging girlfriend ko. Ikaw palang ang naide-date ko ng totoong romantic date.”

Napaangat siya ng tingin sa sinabi nito at diretsong nagtagpo ang kanilang mga mata. Habang kumakain pala siya ay pinapanood lang siya nito.  Di niya tuloy naiwasang kiligin sa ginagawi at sinabi nito. “Paano mo napasagot ang mga naging girlfriend mo?” tanong na lang niya.

“Kinindatan ko lang tapos nag-I love you na sa akin! Ganon talaga pag gwapo eh.”

Tinawanan lang niya ito. “Alam mo maniniwala na sana ako sa drama mo kaso humirit ka pa.”

“Well, seriously, dinadaan ko lang dati sa pagbibigay ng flowers, patawag-tawag, dinner out, gimik out. Iyon, tapos sinasagot na nila ako. Iyong mga dinner, simpleng dinner lang sa mga restaurant. Si Theacar, medyo iba sa first love ko na iyon. Kasi nagawa ko pang ipagluto siya. Pero at the end, parang wala rin iyong bearing. Ipinagluluto din naman kita  pag patay-gutom ka na.Wala na ring iyong pinagkaiba sa mga nagawa na nating dalawa.”

“Eh bakit ngayon mo lang ginawa ito? Siguro kung naging mas sweet ka kay Theacar hindi sana…” Napahinto siya sa dapat sasabihin. Hindi siya sure kung tama ba ang lalabas sa bibig niya. Baka isipin ni Hamiel bine-blame niya ito kung bakit nagawa ni Theacar na bumaling sa iba nang magsimulang magkalabuan ang relasyon ng dalawa.

“Sana ano? Hindi sana kami nagkahiwalay dalawa? I don’t think so. First love niya si Heijiro. Kahit kami na ay alam kong mahal pa rin niya si Heijiro. Siguro ginawa lang akong instrument ni Lord, para magkatuluyan ang dalawa. Iba ang nakalaan sa akin.” Nakangiting tinititigan na naman siya nito.

Umiwas na siya ng tingin bago pa siya mag-blush. “At bakit ka sa akin nakatingin?”

“Naisip mo na ba kung anong klaseng date meron kayo ng Vlad mo?”  bagkus ay tanong nito.

“Hmmm, oo. Pero may date pa kami bukas kaya hindi pa final iyon.” Bukas nakatakda ang test niya sa sarili. Para sa wakas, makumirma na niya ang hinala na baka in love siya kay Hamiel.

Pagkatapos nilang kumain ay magkasamang iniligpit muna nila ang pinagkainan at inihatid siya nito sa labas ng silid niya.

“Paano? Romantic date ends here?” tanong niya.

“Yup. It actually ends up with a kiss if you will allow it to happen.”

Kinabahan siya at nabigla nang isinandal nito ang isang kamay sa nakasarang pinto habang papalapit ang mukha nito sa kanya. Waaaaaah! My first kiss! My first ever bonggacious kiss!  

Dahil hindi niya talaga alam ang gagawin, napasandal siya sa pinto. Tumitili na siya at nagtatatalon sa imagination niya lalo na nang isandal naman nito ang isang kamay sa pinto. Nakakulong na siya. And with that close distance, hindi niya maiwasang masamyo na naman ito. Ang bango kahit napagpawisan na sa gig!

“W-wala ka namang balak na halikan ako ano?” sambit niya. Kailangan na niyang bumalik sa katinuan. Baka kung anong magawa niya pag hinalikan siya nito. At talagang siya pa ang may gagawing di maganda ha.

Without breaking his eye on her, hinaplos nito ang pisngi niya. Another strange feeling rushed her system. “Actually, meron.” He landed a kiss on her forehead. Pagkatapos ay nginitian siya.

Sa forehead nga lang iyon pero daig pa niya ang hinalikan sa lips sa tuwa. Ngumiti lang siya. Iyong pa-demure na ngiti. Baka kasi mahalata nitong kinikilig siya, nakakahiya.

In just a snap, nakalayo na ito sa kanya. “So this is it. Have a good rest. After lunch pa naman ang date nyo ni Vlad kaya magpahinga ka na lang muna. Ako na ang bahala sa Green Haven Farm.”

“Okay.”

Iyon lang at nagtungo na ito sa katabing silid. At siya, parang wala pa rin siya sa sarili nang pumasok siya sa silid.


 “KUYA! Ano  bang ginagawa natin?” reklamo ni Amhiela. Ito ang nahila ni Hamiel para isama sa pagsunod-sunod niya kay Limien.

Ewan ba ni Hamiel sa sarili niya. Para siyang sinisilihan at di mapakali knowing na nakikipag-date sa ibang lalaki si Limien. Oo na, inamin na niya sa sarili niya. Nagseselos nga siya. Lalo na ngayon na kitang-kita niya na pangiti-ngiti pa si Limien habang magkakwentuhan ang dalawa over an afternoon meal.

Napapakunot din ang noo niya. Pasaway talaga itong si Limien. Sinabi na nga niyang wag isusuot ang daring red dress na iyon, aba at talaga iyon pa ang napiling suotin.

“Ano bang iniisip niya at talagang ganun pa ang suot niya? Magpapa-rape ba talaga ang isang iyon? Damn! Buti na lang pala sinundan natin siya,” bagkus ay tugon niya sa kapatid.

“Kuya naman eh! Kung nagseselos ka, sabihin mo na kay Ate Mien na gusto mo siya. Hindi iyong para tayong eng-eng dito na sinusundan siya. And of all the spot na pwedeng pagtaguan bakit dito mo pa napili sa may CR?”

Nakakubli silang magkapatid sa pathway papunta sa restroom ng restaurant. Iyon lang kasi ang pinakamalapit na spot sa mesang kinaroroonan nina Vlad at Limien.

“Pwede wag ka ng magreklamo. Maki-ride ka na lang,” sambit niya dito habang di pa rin inaalisang paningin sa dalawang nagde-date. “I just need to be sure na safe si Mien.”

“Masigurado na safe siya o to make sure na hindi siya maaagaw sa’yo? Hay, kuya. Kung ligawan mo na  nga kaya si Ate Limien? Then let her decide kung sino ang mamahalin niya. Galingan mo na lang ang panliligaw.”

“I’m not in love with Mien okay!” giit niya sa kapatid.

Mahinang tumawa lang ito at umiling-iling. “Yeah, right. Hindi ka nga in love sa kanya. Halatang-halata.”

Hindi na niya pinatulan pa ang sinabi ni Amhiela. Inabala na lang niya ang sarili sa pagiging stalker—oh well, stalker na nagtatago din sa mga stalker niya. Nakasuot kasi siya ng cap at eyeglasses para hindi siya agad makilala ng ibang tao.

Nakita niyang hinawakan ni Vlad ang pisngi ni Limien. At ang kaibigan naman niyang ito, mukhang nasisiyahan pa at kilig na kilig na lalong ikinainis  niya.

“What the heck he was doing?”

“Kung lumalapit ka na do’n at kinakaladkad mo na palayo kay Sir Vlad si Ate Limien, tapos ang usapan,” hirit ng kapatid niya.

An idea came to his mind. “Tama!” Itinulak niya ang kapatid niya palapit sa mesa. “Distract them para bitawan niya si Limien.”

Napakamot sa ulong sumunod si Amhiela. Wala naman itong magagawa dahil isa rin ito sa fan ng so-called love team nila.

“Uy, Amhiela!” Si Vlad ang unang nakapansin dito.  Boss ito ng kapatid niya na apprentice na ngayon sa Keithan apparels bilang in house photographer for fashion.

“Hi po, Sir Vlad. Hi Ate Limien.”

“Anong ginagawa mo dito?” Korong tanong ng dalawa.

“Ah…eh  si kuya kasi….” Napalingon pa si Amhiela kay Hamiel. Agad naman siyang nagtago sa takot na baka makita siya ni Limien. Wala na tuloy siyang makita sa nangyayari at ang tangi na lang niyang nagagawa ay ang makinig. “Ano…si kuya nagpapabili ng pagkain.”

“Ah, ganon ba?” sambit ni Limien.

“Eh nasa’n ang kuya mo?” tanong ni Vlad.   

“Nasa office siya.”

“I see. Sipag talaga ni Hamham ha. Oh wait, you guys stay here. Excuse for a while. I’ll just go to the restroom,” sambit ni Limien.

Naku! Patay ako!  At bago pa makaisip si Hamiel kung paano siya magtatago ay naglalakad na palapit sa kinaroroonan niya si Limien. Wala na siyang nagawa kundi ang tumungo at pagbalingan ang bonsai plants sa gilid ng pathway. As if naman na effective ang style na iyon.

Nahagip ng peripheral vision niya si Limien. Dumaan ito sa gilid niya at lumagpas. Nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang ligtas na siya.

“Alam mo, Hamham buti na lang hindi ka nagpulis o nag-secret agent. Hindi ka effective.”

Napangiwi siya sa sinabi nito. Bistado ang kalokohan niya. At dahil wala na siyang maide-deny pa, alanganing binalingan niya ito. In his mere surprise, hindi seryoso o galit na Limien ang nakita niya. Nakangiti pa ito sa kanya.  Napakamot na lang siya sa ulo.

“Sensya na, peace out!” sambit niya.

“Hindi ko alam kung anong dahilan mo sa pagsunod sa amin ni Vlad pero….” Sadyang ibinitin nito ang sentence.

“Pero ano? Galit ka?”

Umiling ito. “Pero cute. It’s cute.”

Napangiti siya sa sinabi nito.

May sasabihin pa sana siya dito nang bigla itong mabuway. “Mien!”  Agad naman niya itong nayakap. “What’s wrong?”

“I don’t know, bigla akong nahilo.” 

Bago pa niya masabi ang second question ay tuluyan itong nawalan ng malay sa bisig niya. Natakot na siya at nabalot ng pag-aalala.  Nagkaroon na rin ng commotion at napansin na nina Amhiela at Vlad ang nangyari.  Agad na lumapit ang dalawa.

“What happen to her?” tanong ni Vlad.

“I don’t know, she just fainted.”

Tinapik niya ang pisngi ni Limien. “Mien…. Mien!” Pero wala itong response kaya  maingat na niya itong binuhat at patakbong inilabas ng restaurant at isinakay sa kotse.


NAPAPAPIKIT pa rin si Limien dala ng kagyat na pagkahilo. Lulan sila ngayon ng kotse ni Hamiel. Ito ang nagda-drive at ang mama nito na napasugod din sa hospital nang dinala siya roon ni Hamiel ang siyang katabi niya sa back seat. Sa passenger seat sa tabi ni Hamiel nakapwesto ang kapatid nito. At ang date niyang si Vlad? Ayun, bumalik na sa opisina matapos malamang okay na ang lagay niya. Na-appreciate naman niya na hinintay ni Vlad na maging maayos siya bago ito personal na nagpaalam since buong pamilya na ni Hamiel ang umakong ihatid siya pauwi. Iniwan pa nga siya ni Vlad ng kiss sa cheeks bago ito umalis. It was a sweet gesture indeed pero parang may kulang. Pinagpalagay na lang niyang masama lang ang pakiramdam niya kaya niya naisip na  may kulang sa gawi nito. And the next thing happened, eto na nga at kasama na niya sa iisang sasakyan ang pamilya ni Hamiel.

They’re heading their way, pauwi matapos siyang ma-clear sa hospital at payagang hindi na ma-confine. Pero hindi siya sigurado kung saan siya iuuwi. Wala pa kasi siya sa huwisyo nang marinig niya ang pag-uusap ng pamilya ni Hamiel Sa pagkakarinig niya, doon ata muna siya sa bahay ng mga ito dahil wala rin namang mag-aalaga sa kanya sa bahay nila. Wala ang mama niya at nasa Prague na.

“Nahihilo ka pa, anak?” tanong ni Tita Mhiel.

“Medyo po,” tipid na sagot  niya.

“Di bale, malapit na naman tayo sa bahay. Makakapagpahinga ka na ng ayos.”

“Tita, salamat po ha.”

Niyakap siya ni Tita Mhiel. “Sus. Anak na kita, Limien. Tsaka para sa friendship namin ito ni Sandra. Nung kami ang nangailangan ng emotional help, tinulungan nyo kami. Eh tayo-tayo rin lang naman ang magtutulungan. Mga relatives mo naman ang lalayo ng bahay. Tatawagan ko na lang ang Tito Hansen mo o ang Tito Herald mo para ipaalam na andito ka sa amin.”

Nakumpirma niyang tama ang hinala nang sa kanang gate pumasok ang kotse. Sa bahay nga nina Hamiel siya inuwi ng pamilya nito. Pagka-park ng kotse ay agad na bumaba si Hamiel ng sasakyan at ito na ang nagbukas ng pinto.

Maingat na inalalayan siya nitong makababa ng kotse. Pagkatapos ay payakap na hinawakan nito ang braso niya para naman maalalayan siya sa paglalakad papasok sa bahay. 

“Kaya mo na ba?” tanong ni Hamiel.

 Binalingan niya ito. Punong-puno ng pag-aalala ang mababasa sa kanyang mga mata. Kaya naman kahit masama ang pakiramdamn niya ay pinilit niya ngumiti para mabawasan ang pag-aalala nito. “Oo, Hamham.”

“Di nga? Buhatin kita gusto mo?” Sa wakas ay nakangiti na uli ito. Bagay na nagpabilis ng tibok ng puso niya.

Natigilan siya. Bakit sa’yo kahit konting kilos mo lang basta malapit ka sa akin may iba akong nararamdaman? Pero kay Vlad, hinalikan na ako sa pisngi wala pa rin akong naramdaman. Anong ibig sabihin no’n, Hamham? Mahal kita? Kung ganon, ano ang nangyari sa pagkagusto ko kay Vlad? Echoz lang?  

Iyon ang iniisip ni Limien nang makaramdam uli siya ng pagkahilo. Buti na lang at hindi siya binibitawan ni Hamiel. Kung nagkataon baka mahimatay na naman siya tulad kanina.

Hindi na tuloy siya nakapalag pa nang buhatin siya nito. Parang wala na siyang naging pakialam sa paligid. Umakyat na sila ng hagdan at maya-maya pa’y naramdman niyang maingat siya inihiga nito sa kama. Kinumutan siya nito pagkatapos ay naramdaman niyang umupo ito sa gilid ng kama. Then he gently touched her cheeks. Hinawi rin nito ang buhok niyang tumakip sa mukha niya. That sweet gesture made her feel certain strange feeling in her system. Parang ang sarap-sarap hangarin na sanay palaging ganong ka-sweet si Hamiel.

She slowly opened her eyes and greeted by the most precious guy of her life… next to her father, of course. His expressive eyes were telling her how much he worry about her condition.

“I’m going to be fine, Hamham.”

Bumuntong-hininga ito humiga sa tabi niya at niyakap siya. “I’ll make sure na hindi na mauulit iyon, Mien. Sobra mo akong tinakot kanina. Kaya siguro hindi ako mapakali kanina kasi may mangyayari sa’yo. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ko ginustong sundan ka sa pakikipag-date mo.” Hinalikan nito ang noo niya.

“Thank you, Hamham. Ikaw talaga ang angel ko.”
           
May sasabihin pa sana siya ngunit hindi na niya nasabi nang mag-ring ang cellphone nito. Napatingin lang ito sa screen ng cellphone pagkatapos ay bumaling sa kanya. Hindi nito sinagot ang tawag.

            “Sino iyan? Bakit ayaw mong sagutin?”

            “Kailangan ko pa bang kausapin si Theacar?”

            Bahagya siyang nalungkot nang malamang si Theacar ang tumatawag dito. Parang gusto niyang sabihin na wag na lang nitong sagutin ang tawag. Pero paano kung importante iyon?

            “Walang masama kung kakausapin mo siya. Matagal ng tapos ang issue sa inyong dalawa.” Parang siya mismo ang sumakal sa sarili niya dahil sa sinabi niyang iyon.

            Muling nag-ring ang cellphone nito. Bumaling ito sa kanya, tumayo at lumabas sa veranda ng silid at saka nito sinagot ang tawag.   Pagbalik nito ay nakangiti na ito nang umupo sa kama.

            “Okay na kami ni Theacar. Magkikita kami next week. Sinabi ko kasi na aalagaan kita this week kaya hindi ako pwede ngayon.” 

            Parang pinilipit ang puso niya sa sinabi nito. Ano kayang ibig sabihin nito? Nagkabalikan sila? Eh di ba’t may anak na si Theacar. Lalo siyang nahilo sa kakaisip. Hindi kaya si Hamiel ang totoong ama ng bata? Napapikit siya tuloy sa pagkahilo.


           
“Magpahinga ka na muna, Mien. Babantayan kita.” Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa noo. Bagay na lalong nagpalito sa kanya.




PREVIOUS                                                                      NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…