Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter Four



Tahimik ang buong paligid ng malawak na sementeryo. Kahit napakaraming tao ang nakiramay at naghatid sa ama ni Hamiel sa huling hantungan ay  nanatiling  solemn ang lugar. Andon lahat ng artista, singers at models na na-handle ng ama nito mula noon hanggang sa bago ito mabawian ng buhay dulot ng atake sa puso. Pati na rin ang mga malalapit na kaibigan at kapamilya nito ay nakiramay din.

            Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Limien na wala na ang taong nagturing sa kanya bilang isang anak kahit hindi niya ito kadugo. Parang ang bilis ng pangyayari. Nung araw na namatay ito ay iyon ding araw na huli niya itong nayakap at nakausap. Ni hindi niya naisip na iyon na pala ang huli. Ni hindi man lang niya nagawang magpasalamat sa kabutihan ng ama ni Hamiel sa kanya. ito rin kasi ang manager niya.

            Inakbayan siya ni Hamiel. “Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, Mien. I feel so numb.”

            Niyakap niya ito. “Pati ako ganyan din ang nararamdaman. Parang tatay ko na rin si Tito.” Pumatak ang luhang kanina pa niyang pinipigilang pumatak.   

            Dahil na rin sa pag-iyak niya ay tuluyan na ring umiyak si Hamiel. Ramdam niya ang lungkot, pangungulila at takot na nararamdaman nito ngayong wala na ang ama nito. Naiintindihan niya ito. Kung siya nga na wala pang malay sa mundo nang iniwan ng ama ay labis na nagungulila, ito pa kayang si Hamiel na hindi lang naging ama si Tito Haime kundi naging best friend pa.


            “How can I survive this pain, Mien?” sambit nito sa pagitan ng paghikbi. “Nawala na sa akin si Theacar at nawala pa si Dad. Mien, wag kang mawawala sa akin ha. Ikaw na lang natitira sa akin.”

            Niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi lang awa ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Alam niyang higit sa kahit anong bagay ay mas nangingibabaw sa kanya ang kagustuhang tulungan itong makabangon pagkatapos ng pagsubok na ito. Alam  niyang sa kanya humuhugot ito ng lakas ng loob kaya naman kahit hindi pa nito hilingin, mananatili siya sa tabi nito.

            “I’m always here, Hamham. No matter what, I’ll always  stay at your side.”

            “Thank you, Mien and I’m sorry for the last time. Hindi na ako nakapag-sorry sa kasalanan ko sa’yo.”

            “Don’t mind it.  Hindi naman importante iyong pinag-awayan natin.”

            “Mien…” Humikbi pa ito bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Tiningnan siya nito. Namamaga ang mga lumuluhang mata nito, tanda ng ilang gabing pagluha at pagpupuyat.  Nagkasabay silang pawiin ang luha ng isa’t isa. “Salamat!”

            Sinenyasan siya ng pari. Oras na para mag-alay ng awitin para kay Tito Haime habang ibinababa sa hukay ang  kabaong nito. She was the funeral singer. Supposedly, si Hamiel sana ang kakanta pero nakiusap ito sa kanya kung pwedeng siya na lamang. Hindi pa daw nito kaya ang emotional burden na dinadala.

            Siya ang kauna-unahang lumapit sa kabaong ni Tito Hamiel bago ito tuluyang ibaon sa hukay. Parang pinipiga ang puso niya habang pinagmamasdan ang mukha nito na  napakamaaliwalas sa kabila ng biglaan nitong pagkamatay.

            “Tito, maraming salamat sa pagturing nyo sa akin na parang anak nyo na rin. Mahal na lahal ko po kayo. Wag po kayong mag-alala, aalagaan ko po si Hamiel.” Ipinatong niya sa kabaong ang puting rosas.

Umupo siya sa tapat ng isang piano. Isi-net up iyon sa tabi ng paglilibingan ni Tito Hamiel.  Then she started playing the first notes of Can’t Cry Hard Enough.

 “I’m gonna live my life, like every day’s the last. Without a simple goodbye, it all goes by so fast. And now that you’ve gone I can’t cry hard enough. No I can’t cry hard enough. For you to hear me now...”

Nagsisimula na namang mangilid ang luha niya. Pumikit siya at dinama ang kanta. Buong puso niyang inialay kay Tito Haime ang kanta. Habang kumakanta naman siya ay unti-unti binabababa ang kabaong sa hukay habang patuloy sa paghahagis doon ng rosas ang lahat ng mga nakiramay.

“There it goes, up in the sky. There it goes, beyond the clouds. For no reason why I can’t cry hard enough. No, I can’t cry hard enough. For you to hear me now…”

Binigyang laya niya ang tumulong luha na dumaloy sa kanyang pisngi habang kumakanta siya. Nang magmulat siya ng mga mata ay nahagip ng paningin niya ang mama ni Hamiel. Iyak lang ito ng iyak sa balikat ng kaibigan niya. Wal ring humpay ang pag-iyak ng dalawa pa nitong kapatid na sina Miguel at Amhiela. Walang pasidlan ang sakit na nararamdaman ng pamilyang iniwan ng Tito Haime niya. Muli, pakiramdam niya ay sinasaksak siya sa dibdib. Ganon pala talaga kasakit. Ganon pala kahirap magpaalam sa taong namayapa na.

Bago matapos ang kanta ay nabalingan niya ang kanyang ina. Ilang taon din na naging magkatrabaho sa iisang kompanya ang mga magulang nila ni Hamiel. Umiiyak din ang mama niya at alam niyang hindi lang para sa pagluluksa sa isang kaibigan ang mga luha nito. Alam niyang naaalala na naman ito ang kanyang ama.

Pagkatapos ni Hamiel maghagis ng bulaklak sa hukay ay pinili nitong sa tabi niya manatili at mula roon ay tahimik itong humihikbi habang pinapanood ang pagbaba ng kabaong ni Tito Haime.

Maya-maya lang tinabunan na ng lupa ang hukay at nilagyan na rin ng lapida. Tuluyan na silang nagpaalam kay Tito Haime. Pero alam niyang mas malalim na sugat pa ang dapat mahilom sa mga susunod na araw. Pero kahit anong mangyari, paninindigan niya ang pinangako niya kay Tito Haime. Aalagaan niya si Hamiel.


“UY, MAGANDA ba?”

Napaangat ng tingin si Hamiel mula sa binabasang blog sa internet sa laptop niya. Tumambad sa harap niya si Limien in a red dress na revealing na naman ang hinaharap at backless uli. Yes she was pretty. Kahit pa anong isuot kay Limien siguradong lilitaw ang kagandahan ng kaibigan niyang ito. Pero dahil ayaw na niyang i-tolerate ang pagpapa-charming nito kay Vlad, sumimangot siya.

“Hindi bagay sa’yo,” maikling tugon niya sabay balik ng paningin sa binabasang blog.

Article iyon tungkol sa kanya at sa latest na rumor na kumakalat, ang kanyang so-called relationship daw kay Limien. Hindi nakatakas sa mga intrigerong press media ang  pag-console sa kanya ng kaibigan nang mamatay ang kanyang ama ilang buwan na ang nakakalipas. Ang tagal-tagal na ng isyu pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay. Pati tuloy ang joint venture nilang negosyo, ang Green Haven Farm  ay binigyang malisya ng mga tao lalo na’t may nakaalam din na may villa sa loob ng farm na madalas ay nagiging bahay na rin nila ni Limien. Opisina kasi ang ground floor ng villa at pinanatili nilang living room, dining room at bed rooms ang sa second floor.

Wala namang negative sa mga issue na lumalabas. Para pa ngang tini-team up silang maging love team. Sanay na rin siya na iugnay siya sa kung kani-kaninong artista na nakakatrabaho niya. Pero hindi niya alam kung bakit naiilang siyang iugnay kay Limien.  

“Hamham naman. Nakailang palit na ako ng damit, wala ba talagang maganda?”  reklamo ni Limien. “O pina-power trip mo na ako.”

Binalingan niya ito. “Eh hindi ko naman kasi maintindihan sa’yo kung bakit ako ang pinapipili mo ng damit para diyan sa date nyo ni Vlad,” nakasimangot na tugon niya. “Alam mo naman ayaw kong magsuot ka ng ganyang damit pag kasama mo siya. Tawagan mo na lang kaya si Tomomi.”

“Hamham…” Naglakad ito palapit sa kanya at ngumiti. “Nagseselos ka ba?”

Natigilan siya sa tanong nito. Umiwas siya ng tingin pabalik sa binabasang blog. “Hindi.”
           
           “Okay. Ano ang gusto mong isuot ko pag si Vlad ang kasama ko?”
         
         “Mahal mo ba siya?” bagkus ay bigla niyang naitanong. Muli siyang natigilan sa biglang lumabas sa bibig niya.
     
       Natahimik din si Limien kaya bigla niya itong nilingon. Parang napaisip din ito sa tanong. “Gusto ko siya. Pero mahal? Di ko alam, Hamham. But there’s one thing I’m sure of.” Naglakad na muli ito pabalik sa dressing room nito. Kasalukuyan silang  nasa loob sila ng kwarto nito.

            “At saan ka naman sigurado?”

            Pumasok ito sa loob ng dressing room at muling sumilip para makita siya.  Ngumiti ito, iyong ngiti na madalas niyang sinasabi dito na iyon ang ngiting nagpapasaya sa kanya tuwing nakikita niya ito. “Mas mahal kita kesa sa kanya.” Then she entered the dressing room.

            “Ha?” gulat na bulalas niya. Sa di niya mawaring dahilan ay tila naging musika sa puso niya ang sinabi nito. “Ano iyon? Mahal mo ako?”

Gusto niyang klaruhin ang bagay na iyon dahil sa palagay niya iyon ang sasagot sa kaguluhan ng isip niya. Kung mahal nga siya nito, baka mas maging madali sa kanyang aminin sa sarili na noon pa man ay mahal na niya si Limien at pwedeng magkatuluyan sila.  Yes indeed, bukas na muli ang puso niya upang magmahal. Sinubukan na niyang makipag-date muli pero at the end of the day, sa piling lang ni Limien siya nagiging masaya.  Hindi naman siguro masama kung subukan nilang itaas sa romantic level ang long time love nila sa isa’t isa.

“Oo, mahal kita, Hamham. Ikaw ang best friend ko eh. Buong buhay ko magkasama na tayo eh si Vlad nung high school ko lang siya nakasama. Mas mahaba pa rin ang relationship natin.”

Daig pa niya ang binaksakan ng yelo sa ulo. Nalaglag ang magagandang pantasya niya para sa kanilang dalawa. Friendly love, platonic love. Bakit pa kasi nauso iyon? Tagilid pa rin pala siya.

“Nanliligaw na ba siya sa’yo?”

            Muli itong sumilip sa pinto para makita siya. “Ligaw? Hmmm, wala naman siyang sinasabi eh. Basta nagde-date kami.”

            “Anong klaseng date? Dalawang klase kasi iyan, Mien. Friendly date at romantic date. Alin ba sa dalawang iyon ang ginagawa nyo?”

            Lumabas si Limien sa dressing room. Nakasimpleng pants at blouse na lang ito. Napagod na atang mag-fit ng damit.  Padapa itong humiga sa kamang kinauupuan niya. Ang ulo nito ay nasa kanan niya.

            “Hmmm,paano ko malalaman kung ano iyong friendly date at alin iyong romantic date?”

            Binalingan niya ito. “A guy dating a girl to win her trust and friendship is meant for friendly date. No malice date. Walang hawak-kamay blues, hindi ka niya titigan sa mata. You just went out to eat, talk and part ways after. A guy dating a girl to win her heart is meant for romantic date. May sweetness drama. Hahawakan niya ang kamay mo, aakbayan ka niya, hindi niya aalisin ang mata niya sa’yo…” Bigla siyang napatitig sa mga nito. Her expressive eyes never failed him to feel light. Parang umaayos ang magulong mundo kapag nakikita niya ang mga matang iyon ni Limien. “At higit sa lahat, mag-offer siyang ihatid ka sa bahay o sa office after your date at hahalikan ka niya if you will allow it.”

            “Hmmm, paano kung magkahalo? Katulad ng pagde-date natin?”

            He was caught off guard. Parang mabilis na nag-flashback  sa utak niya ang mga sandaling lumalabas silang dalawa ni Limien. Oo nga naman, paano kung magkahalo?  Papunta na sa romantic dating sila kung di sana nabuksan ang topic na iyon. Ang kulang lang kasi sa element na iyon ay ang goodnight kiss tuwing ihahatid niya ito sa bahay.

            “Iba iyong kaso natin. Abnormal tayo eh,” hirit na lang niya. Inilapag niya ang laptop sa kalapit na mesa.

            “Hmm, lalo ata akong naguluhan.”  Umayos ito ng higa.

            Humiga na rin siya sa kama sa tabi nito. Ngayon, nasa opposite direction ang ulo nila. Napatingin siya sa kisame hanggang sa mapabuntong-hininga siya. Kailangan na niya sigurong subukan ang sarili niya. He definitely needed to do something that will help him understand what he really felt about Limien.

            “Are you thinking about your father again?” she suddenly uttered.

            Marami ng nagbago sa buhay niya sa pagkawala ng kanyang ama. Tumigil na siya sa pag-aartista. Hindi na siya muling tumanggap ng acting projects. Ang pagmomodelo at commercial endorsements na lang ang ginagawa niya. Bahagi iyon ng unti-unting pagpatay niya sa sariling career. He wanted to stop. Gusto na niyang bumalik sa pagiging pribadong tao. Ilang minuto bago mamatay ang kanyang ama ay nakausap niya ito at sinabi nitong kung gusto na niyang huminto sa showbiz career, gawin daw niya. Matagal na kasi niyang ginusto iyon. Ang mag-focus sa Green Haven Farm ang gusto niyang maging lifetime goal.

            “Hindi naman siya nawawala sa isip ko. Madalas nga unconsciously naida-dial ko pa ang cell number niya.” Napabuntong-hininga siya. Emotional pa siya pag ang tatay niya ag napapag-usapan. Sobrang sakit kasi sa kanya ang biglaan nitong pagkamatay. “Tapos mare-realize ko na lang na wala na nga pala siya pag telephone operator na iyong naririnig ko sa kabilang linya. Miss na miss ko na siya.”  Nagbabadya na namang tumulo ang luha niya. Hindi pa niya masabing tanggap na niyang wala na ang ama niya. Mahirap pa rin iyong tanggapin.

Nagkadikit ang mga kamay nila. He felt something strange. Parang gusto niyang hawakan ang kamay ni Limien. Pero kung gagawin niya iyon baka, ma-question na naman siya katulad ng bigla nitong pagtatanong kung nagseselos siya.

            She suddenly held her hand tight. Pagkatapos ay bigla nitong hinila ang braso niya dahilan para mapabangon sila pareho sa pagkakahiga.

            “Awoooo! Wag kang iiyak!”sambit ni Limien sa mababang boses na animo’y nananakot pero sa halip na matakot eh napatawa pa si Hamiel. Natatakluban ang mukha nito ng mahaba nitong buhok.

            “Bawal kang umiyak! Awooooo!”

            Hindi na napigilan ni Hamiel. Tumawa na siya ng lubusan dahilan para makalimutan niya ang bagay na ikinalungkot niya kanina. “Para kang baliw!”

            “Sinong dakila? Sinong tunay na baliw? Awoooo!”

            Hinawi niya ang mga buhok na  tumatakip sa mukha nito. Nakangiting mukha ni Limien ang tumambad sa kanya. Hinaplos niya ang pisngi nito then he moved closer and kissed her forehead. Pagkatapos ay niyakap niya ito. “You never failed me to laugh whenever things go wrong. Alam mo hindi ko talaga alam kung paano ang buhay ko kung wala ka. You are my angel, Mien.”

            “You are my angel too. And you are my prince.”

            “You are my princess.”

            “Where’s the seven dwarfs?” biro nito.

            “Kay Snow White iyon!” sambit niya sabay tawa.

            “Ay oo nga.”

            Bumaba na siya sa kama and extended his arms to her. “Come. Babawi ako sa’yo.”

            “Saan tayo pupunta?”

            Napangisi siya. “Ipapakita ko sa’yo ang difference ng friendly date at romantic date,” sambit niya sabay kindat.



            NAPAPAKUNOT lang ang noo ni Limien. Hindi niya alam kung ano itong trip ni Hamiel pero mas maganda ng sakyan niya iyon kesa naman mag-emote lang ito. Ide-date daw siya nito. Sa pagkakaintindi niya, dalawang date ang magaganap isang friendly date at isang romantic date. Pero mas nae-excite siya sa pangalawa. Ano kayang naisipan ni Hamiel para yayain siya na mag-date? May kinalaman kaya iyon sa sinabi niyang mahal niya ito?

            Iba namang pagmamahal iyon Limien Rose, wag kang masyadong assuming! Bigla siyang napaisip. Gagawin ba nito sa kanya lahat ng signus na sinabit nito kanina noong nasa bahay pa sila? Will that include the goodnight kiss as part of romantic date? Nagulat siya nang biglang kumabog ang puso niya nang may ma-imagine siyang kissing scene with Hamiel.

            Oh my! Waaah! Ayoko nito! Nakakabuang! sambit niya sa sarili.

Paano kung pagtapos ng dalawang date na ito ay ma-in love siya kay Hamiel? Anong sunod na mangyayari?  Magaling sana kung mahalin din siya nito. Paano kung hindi? Oooops, teka.   Paano si Vlad?

Nasapo niya ang ulo. Masakit palang ma-involve sa ganito. Dapat pala umiwas na lang siya sa parehong possibilities. Dapat sumunod na lang siya sa Daddy niya.  Kunsabagay, twenty four na siya ngayon. Isang taon na lang at pwede na siyang mag-boyfriend. Ang tanong na lang ay sino kaya?

“Mien, masama ba pakiramdam mo?” tanong ni Hamiel.

Doon lang niya na-realize na nakahawak pa pala siya sa ulo niya. “Ay hindi!” isinuklay niya ang kamay sa buhok niyang nakalugay. “Inaayos ko lang ang buhok ko.” Napakunot-noo siya nang makitang papasok sa Green Haven Farm  ang sinasakyan nilang kotse. “Akala ba magde-date tayo? Bakit dito sa Green Haven? Magwo-work pala tayo eh. Dinahilan mo pa ang date!” nakangusong sambit niya.

“Sabi ni Emzie, natapos na daw nila ni Jaziel ang reports. Kailangan na iyong ipasa bukas sa top management. Kailangan mapirmahan na natin iyong para ma-process na. Magde-date din tayo dito. Hindi kita tatakasan okay?” Natatawang sambit nito.

“Ano bang binabalak mong  gawin ha? Magde-date tayo dito eh alam mo namang andyan lang sa tabi-tabi ang mga ina natin,” sambit niya pagkababa niya ng kotse.

“Ano so? Single ka, single ako. We are both searching for love. Walang kasong iyon.”

“Sabi mo ipapakita mo lang ang difference ng friendly at romantic dates. Sample lang. You sounded like…” Napahinto siya sa dapat sanay sasabihin niya. Hindi kaya lumabas na intersado na siya ngayon dito?

“Like what?”

“You really want me. Tell me, may gusto ka ba sa akin?” Suddenly her heart skipped when he threw his breath-taking sweet smile on her. Iba talaga ang karisma ng kaibigan niyang ito. No wonder maraming babae ang naaakit nito. Ngiti pa lang, kahit wala pa itong sinasabi ay mapapa-oo ka na agad.  

“What if I do?”

“Do what?”

“Like you.”

Napipilan siya. Eh ano nga naman kung like siya nito?

 “Ah no… it’s not a like. Mahal din kita, Mien.”

Sa hindi niya mawaring dahilan ay pawang kinilig siya. Sa imagination niya ay nagtatatalon na siya sa kilig at kasabay noon ay ang pagkabog ng puso niya. They really love each other! Pero umurong lahat ng kilig na iyon at ilusyon  nang maalala niyang para sa magkaibigan lang ang pagmamahalan nila. They love each other, but not in romantic sense.

Bigla siyang nalungkot sa realization na iyon.

“Ikaw ang best friend ko eh! Sabi mo kanina, mahal mo ako dahil ako ang best friend mo. Ganon din naman ako sa’yo.”

Tama nga ang hinala niya. Hmm, magpalit kaya siya ng plano? Oplan akitin si Hamiel na lang kaya ang gawin niya?  Napangiti siya sa kalokohang naisip.

“Anong nginingiti-ngiti mo diyan ha? Oy, wag mo akong hubaran sa ilusyon mo. Masama yan!” biro nito na ikinatawa niya.

Tiningnan niya ito ng may malisyang tingin. “Eh bakit naman kita huhubaran sa ilusyon ko kung pwede naman kitang hubaran ng live?”

“Hold that thought, Mien. Baka multuhin ako ng tatay mo! Tara na nga nang matapos na ang paperworks at makapag-date na tayo.” Balewalang pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay. Iyon na naman ang eksenang iyon. Tila may kung anong kakaibang pakiramdam ang dumaloy sa kanyang sistema habang nadadama niya ang init ng palad nito sa kanyang mga kamay.
Napailing siya at napangiti. Bahala na nga! Naisip niyang i-enjoy na lang muna ang bagong nararamdaman na iyon. Tutal naman, bagong-bago iyon sa sistema niya. 






PREVIOUS                                                                        NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…