Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter Two




“Wow! This place is awesome!” bulalas ni Limien.  Nakarating na sila sa Tagaytay.  Nang ipasok nila ang sasakyan sa gate ay tumambad sa kanila ang isang villa. Pumasok sila sa loob ng villa at ngayon ay nasa veranda sila sa second floor.

            “Okay ang Daddy mo ha. I agree. This place is really awesome.”  Umakbay ito sa kanya. napabuntong-hininga pa ito. “Sarap ng hangin dito. Fresh na fresh.”

            “Tama,” tanging nasambit ni Limien.  Habang umiihip ang hangin ay sumasama doon ang pabango ni Hamiel. “Ang bango mo naman, Hamham.”

            “Syempre, naman. Ang gwapo dapat laging mabango. At saka…” Naramdaman niyang sininghot  nito ang buhok niya. Sa di niya mawaring dahilan ay tila nagkaroon iyong ng impact sa sistema niya. “Mabango rin kasi ang magandang kasama ko ngayon kaya dapat lang na  ganon din ako.”

            Napangiti siya. “Ano namang logic do’n?”

            “Wala lang.  Pareho lang tayong cute at mabango.”


            “Sira!” Napabuntong-hininga siya. “Ten hectares daw ang lupang ito. I like this place. Thank you Dad!” sambit niya sa hangin.

            “Anong plano mo dito?” tanong ni Hamiel.

            “Like what Dad said, matutupad ko na ang pangarap ko. This will be the best botanical garden in the country. Sabi ni Mama, I need to learn how difficult it is to handle business and earn on my own. Kailangan kong magpasa ng project proposal sa board of directors without help from anyone in Pontez. I need to pass the proposal and get the approval of the majority of the board.”    

            “Wow, andami naman. Kaya mo ba?”

            “Kakayanin. I need it to own the land.” Bigla siyang may naisip na idea. “Hamiel, why don’t we work together on this?”

            “Huh? Paano?”

            Iminuwestra niya ang kalawakan ng lupa. “Sa tingin mo anong pwede pang gawin sa lupa maliban sa botanical garden na may kinalaman sa  gusto mong gawin sa buhay mo?” nakangising tanong niya. Definitely, her idea will make him say yes to this joint venture.

            Napaisip din ito sabay excited na ngumiti sa kanya. “Are you thinking of putting up a zoo?” Tumango siya. “Oh my! Sure, Mien! That was so great! Finally,  I could be with the animals!”

            Napatawa siya. “Ang pangit atang pakinggan ng huli mong sinabi. Anyway,  iyon nga. We set up a botanical garden and a zoo. Kung pwede pa, magtayo din tayo ng resort. We will open it to public as tourist spot!”  excited na ring sambit niya.

            “In that  case we could do what we really love. You with your plants and me with animals.”

            “Tama!”

            “And we will always be together. We will be working on the same place!”

            “Yes! It’s great right?”

            “Yeah! Call ako diyan. Planuhin natin ang business proposal. Magpapaalam ako kay Dad na maglie-low ako  sa pagmo-model kapag nakapasa ang proposal natin.”   

            “I think I should do the same thing. Pero bago tayo ma-excite eh mag-explore muna tayo sa lugar,” sambit niya.

            All of a sudden, nagkatitigan sila. Nagkangitian. At biglang nag-iwasan ng tingin. Sa din niya rin maintindihang pangyayari ay tila may kabang biglang umusbong sa puso niya nang magkatinginan sila. Nailang na rin siguro ito sa kanya kaya bigla na rin siya nitong binitawan.

            “Ma’am Limien…”

            Napalingon sila pareho nang tawagin siya ng caretaker ng bahay, si Mang Alfonso.

            “Handa na ang tanghalian, hija. Kumain na kayo ng boyfriend mo,”  sambit nito.

            “Ay hindi ko po—”  Hindi naituloy ni Limien ang sasabihin nang akbayan siya  muli ni  Hamiel. Ang bango mo, Hamham!

            “Sige, po. Susunod na po kami ng girlfriend ko!” sambit ni Hamiel kay Mang Alfonso. “Aray!”

            Siniko niya ito.  “At kelan kita naging boyfriend, Mr. Catacutan? Baka isumbong ako niyan kay Mama.” Tumawa lang si Hamiel.

 Hindi iyon ang unang pagkakataon na napagkamalan silang magkasintahan. Ang totoo, maraming nagsasabi na para silang mag-boyfriend tuwing magkasama sila. Marami rin ang napu-frustrate sa kanilang dalawa. Kulang na lang ay may magtayo ng fans club at gumawa petition para maging sila.  Most of the people surrounding them believed that someday they will realize that they belong to each other. 

Pero para sa kanilang  dalawa, alam nilang hindi ganon iyon. Maraming hindi makaunawa ng kakaibang pagmamahalan nila ni Hamiel. Yes, they love each other but that love thing was not meant for romance at all.   
            
            “Tara na, gutom na ako.”
         
        Hinawakan ni Hamiel ang kamay niya at hinila siya papunta sa komedor kung saan nakahain ang tanghalian nila.

           “Kain lang kayo ng kain, mga anak ha,” sambit ni Mang Alfonso. Adobong manok at afritada ang  niluto nito para sa kanila.

            “Kayo rin po, sumabay na po kayo,” alok niya  dito.  Magsisimula na siyang kumain nang mapansin niyang matamang nakatitig sa kanya ang matanda. Alanganing ngiti lang ang iginanti niya dito.

            “Kamukhang-kamukha mo ang tatay mo. Para kang babaeng version ni Ross,” sambit nito.

            “Marami nga pong nagsabi sa akin na kamukha ko nga daw po si Daddy,” tugon niya.

            “Napakabait ng iyong ama. Hindi siya marunong mang-mata ng kapwa. Noong buhay pa siya, madalas siya dito para asikasuhin ang lupang ito. Para daw pag nagkaanak siya ay may mamamana naman daw ang anak niya mula sa kanya. Nung huli kitang makita hija, sanggol ka pa noon. Ibinibida ka niya sa mga tauhan niya dito.”

            “Ano po madalas ginagawa ni Daddy pag kasama niya ako noon?” Natutuwa si Limien na makarinig ng kwento tungkol sa kanyang ama. Kaya naman habang kumakain sila ay nagpakwento siya kay Mang Alfronso tungkol sa kanyang ama.

            “Ang natatandaan ko,  paborito mong makalanghap ng sariwang hangin. Gustung-gusto mo iyon. Tumatawa ka pag dinadala ka ni Ross sa mahangin na lugar. At madalas, doon siya nakaupo habang pinapatulog ka.” Itinuro nito ang isang rocking chair sa may veranda. “Malakas pa ang tatay mo noon. Pero ilang buwan lang ang lumipas, nabalitaan naming wala na siya. Ilang taon rin akong nagsilbi sa tatay mo at ngayon naman ay sa nanay mo.”

            “Sabi po ni Mama, tumira siya dito ng isang taon matapos mamatay si Daddy,” sambit ni Limien.

“Ah, oo. Naging yaya mo pa nga ang asawa ko.”

            “So ito pala ang  lugar kung saan nagluksa ang mama mo. This is really a place with sentimental value,” komento ni Hamiel.

            “Ang mama mo noon, malungkot na malungkot. Kahit dinadalaw siya ng mga kaibigan niya at kaibigan ng daddy mo, dumating kayo dito at umalis kayo na walang pagbabago sa mama mo. Malungkot siya. Kahit naman ngayon ganon pa rin siya. Paminsan-minsan, dumadalaw dito ang mama mo at tuwing mapapagawi siya sa veranda na iyan, nalulungkot siya.”

            Marami pang ikinuwento si Mang Alfonso tungkol sa kanyang mga magulang hanggang sa matapos nila ang pagkain ng tanghalian. Tumambay muna sina Limien at Hamiel sa veranda. Umupo siya sa rocking chair.

            “It feels good to sit in this chair where my dad used to sit back and made me sleep.” Umihip bigla ang hangin. Nagkatinginan sila ni Hamiel.

            “Hala, ang Daddy mo, nagpaparamdam na,” sambit ni Hamiel.

            Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa rocking chair. “Ikaw kasi sinabi mo kanina na girlfriend mo ako,” natatawang sambit niya.

            “Joke lang naman iyon! Preace po, Tito Ross. Walang malice iyon!”

            Tumawa lang si Limien. “Praning! Takot ka sa mumu ano?”

            “Bakit ikaw hindi?”

            “Takot din!”

 “Ikaw rin naman pala eh. Tara na nga, explore na tayo ng hacienda mo.”

            They went out of the villa. Pinuntahan nila ang ilang bahagi ng lupain hanggang sa makarating sila sa isang pababang bahagi  ng daan. Ayon kay Mang Alfonso, may  buhay na ilog daw roon.

            Umuna ng pagbaba si Hamiel sa medyo mahirap na daan pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya para alalalayan siya.

            “Dahan-dahan, medyo madulas ang daan,” sambit pa nito sabay ngiti. 

            Napangiti na rin siya. “Ganyan ka rin ba sa mga naging girlfriend mo?”

            “Anong ganyan?”

            “Ganyan. Maalaga, malambing, gentleman, sweet…” Pati si Limien ay napaisip  sa mga sinabi niya. Bakit nga ba niya biglang napansin iyon kay Hamiel? And come to think of it, na kay Hamiel din pala ang mga qualification na gusto niya sa lalaki.

            “Well I don’t know. Lahat ng naging girlfriend ko, isa lang ang sinasabi. Hindi daw nila naramdaman na may boyfriend sila. Maybe, I’m a good friend but not a good lover,” malungkot na sambit nito.

            “You’re the best for me. Teka, may problema ba kayo ni Theacar?”

            “Matagal ng may problema ang relasyon namin. In denial lang ako. Hindi na rin ako magtataka kung sa pagbalik niya dito, hindi na niya ako itratong boyfriend niya. She might be enjoying other man’s company by now.”
            “Parte na naman ba iyan ng pagkapraning mo?—Ay!” Bigla siyang nadulas. Agad naman siya nitong nayakap bago pa siya lumagapak sa medyo maputik na lupa.

            “Sinabi ko ng dahan-dahan nga at madulas. Okay ka lang?” nag-aalalang sambit nito habang nakatitig sa kanya.

            Napatango lang si Limien.  Ano bang nangyayari? Para siyang nasa isang romantic movie o romance pocketbook. Siya ang heroine at si Hamiel ang hero. Iyon ang pakiramdam niya.  Hmmm, sweet, caring savior, gwapo, papable, mayaman, talented, yummy. Hindi ka naman bad choice, Hamham. Napiling niya ang ulo ng wala sa oras. Ano ba iyong pumasok sa inaagiw niyang utak? Kelan pa niya naisip na bigyang malisya ang mga eksena nila ni Hamiel? Muntik na niyang makalimutan ang pag-irog niyang panis kay Vlad.

            Agad siyang umayos ng tayo at nginitian si Hamiel na pawing walang nangyari. They continued walking.

            “Hindi ako napapraning lang this time. Nagsisinungaling na si Theacar sa akin,”  sambit nito.

            “Ha?”

            “Sabi niya kanina, magpapahinga lang daw siya. Pero narinig ko ang boses ni heijiro na niyaya siyang mamasyal. And maybe I’m stupid. Pinabayaan ko lang sila.”

            Sa wakas nakarating na sila sa may ilog. “Ganon? Teka nga, eh ano ba talagang status ng relasyon nyo?”

            “Ewan ko na, Mien. She seemed like she wanted to break up with me everytime we talk to each other. Sabi niya, namamatay na ang relasyon namin. I know it’s my fault kasi wala akong oras sa kanya at hindi ko siya magawang maging first priority ko. Gusto kong bumawi. Ayaw naman niya.”

            “Ano iyon? Kayo na hindi na kayo? Magulo ata iyon ah.” Umupo sila sa batuhan sa mya gilid ng ilog.

            “Magulo nga. Kami pa rin  unless she finally said that we’re through. Enoigh about my love life, business na lang pag-usapan natin.” Inilibot nito ang paningin sa ilog.  “Maybe we could make this place as picnic area.  Bawal maligo sa ilog. Palagyan natin ng narrow bridge dito sa baba at hanging bridge naman doon sa itaas. What do you think?”

            Talagang nag-shift na ito ng topic.

“Maganda nga iyan. Kailangan natin ng  landscape artist, architect, at financial adviser para sa expert opinion for project proposal.”

           “Madali na iyan. I have lots of connections.”
  


            “ILANG photos pa, Sechi?” tanong ni Hamiel sa photographer ng isang celebrity magazine kung saan siya ang ifi-feature na celebrity of the month. 

            “Isang set pa, Hamiel. Ten photos.”

            “Sige.”  Nilapitan siya ng kanyang fashion stylist. “Tomomi, change outfit na ba?”

            “Yup.” Ibinigay nito sa kanya ang isang set ng damit. “Bilisan mong magbihis para matapos na ang photo shoot mo at mapuntahan mo na si Limien.”

            “Alam mo?” tanong niya.

            “I’m also her best friend. At isa pa, isa ako sa napa-oo niyang maging investor nyo once na ma-approve ng board ang proposal nyo. She can definitely get the approval, I’m sure of it. Pero alam ko ring nag-aalala ka sa kanya kaya go…. Bilis! Magbihis ka na!”

            Nailing na tinungo niya ang dressing room. Hamiel and Limien worked for the proposal almost three months.  Marami silang hiningian ng tulong para lang maging pulido ang project proposal nila. Konting tao rin lang ang may alam na siya ang business partner ni Limien. Even his father didn’t know until he’ll heard about it himself in the board meeting of Pontez Group of Companies. Gusto niyang surpresahin ang ama na stockholder ng kompanya na pagmamay-ari ng pamilya nina Limien.

            Pagkatapos niyang magbihis ay nilapitan uli siya ni Tomomi. Inayos nito ang pinasuot kanyang damit, ang kwelyo, ang laylayan ng manggas at pati ang fit ng pants. Rakista look ang drama niya. Isinuot nito ang leather band accessories sa arms niya. At inayos ang foundation niya. Maya-maya pa’y all set na uli siya para sa pictorial.

            “Iyong pose na rakista next door ang drama, Hamiel,” instruction ni Sechi.  Pinabaling din siya nito sa iba’t ibang anggulo habang tuloy-tuloy ang pagkuha nito ng pictures. At sa wakas, natapos na rin ang pictorial.  

            Tumawid lang siya ng gusali from Pontez Media to Pontez Realty na nasa kabilang building ang office.  Agad niyang tinungo ang board room pero huli na pala siya. Wala ng tao roon.

            “Sir, can I help you?” tanong sa kanya ng isang napadaang staff ng Pontez.

            “Tapos na ba iyong  meeting ng board?” tanong niya.

            “Katatapos lang, Sir.”

            “I see. Nakita mo ba si Limien?”

            “Ay opo Sir, papunta po sa overpass.”

             Overpass? Nabigo ba sila sa proposal?  Baka sa sobrang depression tumalon ng tulay si Limien. Nasindak siya sa naisip kaya naman agad siyang tumakbo sa may overpass at hindi na niya nagawang magpasalamat sa staff na nakausap.

            Wala namang tao sa overpass nang makarating siya doon. Lalo siyang napraning. Sumilip pa siya sa ibaba pero mukhang wala namang nahulog doon. Nakahinga siya ng bahagya nang makasalubong niya ang kanyang ama.

            “Hamiel! Paano nyo nagawa ni Limien iyon ha? You made me so proud of you, son!” bungad agad ng ama niya sa kanya.

            “Thank you, Dad.” Masarap talagang makarinig ng papuri mula sa magulang. “Gusto ko po sana Dad na subukan naman pong gamitin iyon pinag-aralan ko. Thanks to Limien kasi pina-realized niya sa akin na hindi pa late para matupad ko ang goal na iyon.”

            “You can do it, son. Di ba sabi ko sa’yo, never say you can’t. I believe in you. And no matter what, alam kong kayang-kaya mo iyan.”

            “I know, Dad. Andyan ka palagi eh.”

            Ngumit lang ang kanyang ama. There’s something strange to his father. Lately, napapadalas ang pag-spend nito ng time with the family. Madalas na rin itong nag-re-request na umuwi siya ng maaga kahit most of the time ay magkasama sila pag may shooting siya ng commericial, tv appearances at ramp modeling events. Madalas din silang mag-drag racing at motocross, the common sport that they both loved.

            “Do you want me to decline some of your appointments para maka-focus ka diyan?” nakangiting sambit ng ama niya.

            “That’s the best suggestion, Dad.”

            “Okay, see you later then.”

            “Ay, Dad. Nakita nyo po si Limien?”

            “Nasa office siya ng mama niya sa Pontez Media. Hmm, liligawan mo na ba ang batang iyon?”

            Napabuntong-hininga siya. Here he go again. “Dad, may girlfriend ako.”

            “Really? Bakit hindi mo dinadala sa bahay?”

            “Dad…long story.”  Paano niya dadalhin doon si Theacar kung parang nakabitin sa ere ang relasyon nila?

            “Okay. Okay. Sabi ko nga, hindi ko dapat pinapakialaman iyang bagay na iyan. See you then, son. Pauwi na ako.”

            “Take care, Dad.”      

            “You, too.”

            Dali-dali siyang nagpunta sa opisina ni Tita Sandra.  He was about to knock on the door nang may marinig siyang kaduda-duda mula sa loob.

            “Aray! Masakit naman, Vlad. Aww. Dahan-dahan please!”

            “Wag ka kasing malikot. Lalo tayong magtatagal nito. Konting tiis, malapit na.”

            Nanlaki ang mata niya sa narinig. Are they making their way on Limien’s mom office? Ano bang kalokohan ang ginagawa ng dalawang iyon sa loob? An image of Limien making love with Vlad and other men suddenly flashed his mind. Iba’t ibang position pa ang nakita niya. At lahat ng iyon ay hindi maganda sa paningin niya.

            Agad niya ipiniling ang ulo.  Napapraning na naman siya. That was quite impossible. Boyfriend nga wala ito, ang magka-bed scene pa kaya? Pero bakit ganon ang mga naririnig niya?

            “Aray! Wag na lang kaya, nasasaktan ako eh.”

            “Anong wag na lang? Hindi pwede. Mawawala din naman ang sakit maya-maya lang.”

            Naalarma siya. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang nagkaroon ng feeling na dapat niyang ilayo si Limien sa kahit anong tukso. Hindi siya makakapayag na may maka-bed scene ito! Kung bakit tutol na tutol siya ay hindi niya alam. Basta ang nasa isip lang niya nang mga oras na iyon ay ang iligtas ang prinsesa niya. 

            “Uy, Hamiel. Anong tinatayu-tayo mo diyan?”

            Bago pa niya mabuksan ang pinto ay nakita na siya ni Tita Sandra.

            Alanganing ngiti ang ibinigay niya sa mama ni Limien sabay pasimpleng harang niya sa pinto. Malalagot ng husto si Limien pag nahuli ito ng ina sa ginagawang milagro sa loob.

            “Hi Tita. Hinahanap ko po si Limien.”

            “Andyan siya sa loob kasama si Vlad. Pumasok na tayo sa loob—”

            “Ay Tita,  magkape muna kaya tayo sa cafeteria?”

            “Magpatimpla na lang tayo ng kape sa secretary ko. Masarap magtimpla ng kape iyon.”

            “Pero—”

            Hindi na niya napigilan ang mama ni Limien nang buksan nito ang pinto.

            Patay! Pero si Hamiel ang napahiya sa sarili niya nang makita kung ano ang ginagawa ng pinagbintangan niyang may milagrong pinagkakaabalahan.  May hawak na bulak si Vlad na akmang idinadampi nito sa noo ni Limien. Natigilan na lang tuloy siya.

           “Hamham!” Parang batang tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya. “We did it, Hamham! Approved na sa board ang project proposal natin!—Aray!”

           Bumitaw siya agad sa pagkakayakap dito at tiningnan niya ang noo nito. May sugat iyon at bukol.

            He touched her cheeks and move closer to her face. Pagkatapos ay maingat na hinipan niya ang bahagi ng noo nito na may sugat at bukol. “What happened? Bakit may bukol ka?”

            “Ah…eh…” alanganing ngumiti lang ito sa kanya.

            “Katarantahan nauntog sa elevator. Clumpsy as always,” sabat ni Tita Sandra.  Napabaling si Hamiel dito. “Congrats nga pala sa inyo. Basta pag may kailangan kayo ha, wag kayong mahiyang magsabi sa akin. I’ll help you out.”

            “Thank you, Mama.”

            “Thank you po, Tita.”

            “Sige, may meeting lang kami nina Herald. Kayo na bahala kay Limien ha. You may go out and celebrate. Ihatid mo lang si Limien sa bahay ha. I’ll go ahead.” Lumabas na ito ng silid.

            “I’ll better go,too,” sabat ni Vlad.

            “Sumama ka na sa amin ni Limien,” anyaya niya dito. Alam naman niyang gustong-gusto rin naman  ni Limien na makasama pa ang ultimate crush nito.

            “Kayo na lang muna, pare. May trabaho pa ako eh. Magagalit na si  Ate Tomomi dahil tambak na ang trabaho ko sa Keithan Apparels.” Papalabas na ito ng pinto.

            “Vlad, thank you ha,” pahabol ni Limien.

            “No problem basta ikaw. Iyong rehearsal at dinner natin bukas don’t forget.” Nginitian pa nito ng pa-cute na ngiti si Limien bago ito lumabas ng office.  Silang dalawa na lang ang naiwan.

            “So you have a dinner tomorrow ha. Makaka-score ka na kay Vlad!” biro niya.

            “Sira!” Parang hibang na nakatingin lang si Limien sa nakasarang pinto. “Ang gwapo niya talaga. Ang sweet pa! Ginamot niya ang sugat ko!” Tumili ito na parang kinikilig. Napailing lang siya. “Ang ganda ko, Hamham!”

            Pabirong binatukan lang niya ito sabay iwas dito at umupo siya sa sofa. “Para kang baliw diyan. Ganyan ka ba ma-in love? Kung ako ang lalaking tipo mong mabiktima, matatakot ako sa’yo. Hmmm, mabalaan nga si Vlad. Kawawa naman ang kaibigan nating iyon dahil sa pagnanasa mo.”

            Binato siya nito ng throw pillow. “Ang sama mo talaga! May date kami bukas after ng rehearsal namin para sa tv guesting. Makapagpa-parlor kaya?”

            Umiling-iling siya. “Baliw nga!” Tumayo na siya at hinila ito papalabas ng office. “Tara let’s celebrate. Hindi na natin magagawa ang mag-celebrate sa mga susunod na araw dahil magiging busy na tayo.” Inakbayan niya ito.

            “Ililibre mo ako, business partner ha!”  Gumanti ito ng yakap sa kanya. Wala silang pakialam kung pagtinginan sila ng staff ng Pontez. Sa ganon sila ka-sweet, wala namang silang magagawa. At isa pa, isa iyon sa mga moments nila ni Limien na hindi niya maipagpapalit sa kahit anong bagay.  

            “Ilibre kita ng pisong fishball sa labas,” biro niya.

            “Ang  kuripot!”

            “Sige, dalawang piso.”

            “Ang kulet mo!”

            “Ano? Kyut ako? Matagal na ano.”

            Tumawa ito. “Kyut din ako di ba?”

            “Pag-iispan ko ang sagot diyan—Aray!” Tinampal nito ang tiyan niya.

            “Aba, may abs ka na pala. Kelan pa iyan?” buska nito.

            “Pakialam mo naman sa abs ko? Gusto mong makita?”

            “Yuck!”

            “Yuck ka diyan. Malay ko nga pinagsasawaan mo mga pictures ko sa internet eh.” 

            “Hindi ako interesado. Kay Vlad na katawan lang ang gusto kong makita.”

            Tumawa sila. “Manyak, ang baby Mien ko! Lagot ka sa tatay mo, bawal ka pa makasilay sa katawan ng lalaki!”

            “Iyon lang. Kawawa naman ako.”  Puno ng asaran at tawanan sila habang lumalabas ng gusali. Buong gabi silang nag-celebrate. Kumain sila ng street foods na matagal na nilang trip. Hindi lang nila masyadong na-enjoy ang maglagalag ng malaya dahil maraming naka-recognize sa kanila. Ilan din ang nagpa-picture at nagpa-autograph hindi lang sa kanya, kundi pati na rin ay Limien.  Ang ending tuloy, nag-night party na lang sila sa Senang Hati buong gabi.



PREVIOUS                                                                    NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…