Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Chapter One



            The crowd was in silence. Nasa stage si Limien playing Rachmaninov Piano Concerto No. 2 in C 1st movement kasama ang kapwa pianist niya na si Vladimir at ang Imperica Orchestra. It was her first major concert bilang isang ganap na pianist pagkatapos ng successful launch ng kanyang classical music album isang taon na ang nakakalipas.  

            In her mere surprise, puno ang buong CCP complex  sa gabing iyon. And when she finally played the last few notes to end up the superb performance for that night, bigla niyang nakita ang Daddy Ross niya. Nakatayo ito sa gilid ng stage, pinapanood ang performance  niya.

            The crowd created encouraging noise after the last note. Standing ovasion ang ibinigay ng buong CCP sa kanya. Bilang isang alagad ng sining ng musika, iyon na ata ang pinaka-masarap na feeling. Pero wala sa crowd ang attention niya kundi sa kanyang ama na ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya.  

            “Dad!” Tinawag niya ito.

            Ngumiti lang ito pagkatapos ay tumalikod at naglakad palayo. Sinundan  niya ang kanyang ama. Iyon na ang pagkakataon minimithi niya.  Tumakbo siya para abutan ito. Nagulat na lang siya nang huminto ito sa paglalakad. Kasabay noon ay nabago ang lugar kung nasaan siya. Mula sa parking lot ng CCP ay naging isang magandang hardin ang lugar na iyon.


            Binalingan siya ng kanya ama. Nagulat siya nang maging malungkot ang mukha nito.

            “Dad…”

            “Magaling kang musician, anak. Malayo ang mararating mo. Proud na proud ako sa’yo.” Bahagya itong ngumiti ngunit hindi iyon umabot sa expressive nitong mga mata.

            “Dad, bakit malungkot ka?”

            Hindi nito sinagot ang tanong. Bagkus ay inilibot nito ang paningin sa magandang hardin na kinaroroonan nila. “Ang garden na ito, di ba ito ang unang pangarap mo?”

            “Po?” Inilibot niya ang paningin sa lugar. Matagal na niyang ninais magkaroon ng botanical garden. Kaya nga ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng Botany para mag-specialized sa mga halaman.

            “Matutupad mo ito kung maalala mo ang regalo ko sa’yo.” Naglakad na uli ito palayo. Sinubukan niyang habulin uli ito. Hindi pa niya ito nayayakap. Gusto niyang maramdaman ang presence ng tatay niya. Gusto niyang mayakap ito pero bago pa niya ito mahawakan ay bigla itong naglaho.


            “Dad…” Napabalikwas ng bangon si Limien at dahil sa sofa lang siya nakatulog, nawalan siya ng balanse at nahulog sa carpeted na sahig. “Aww…”

            “Nagsi-circus ka? Bagong career?” tatawa-tawang buska ni Hamiel.  Kasalukuyang naghahanda ito ng hapunan sa mesa.  Ang hinayupak, hindi man lang  naging concern kung nasaktan siya sa pagkakahulog.

            Doon lang siya nahimasmasan. Andon nga pala siya sa condo unit ni Hamiel. Binisita niya ito dahil kakauwi lang nito mula sa fashion show sa Europe at humabol lang sa concerto  niya noong nakaraang gabi. 

            Hamiel  Catacutan was one of the most popular commercial and print ads model. Paminsa-minsan ay lumalabas din ito sa mga teleserye at pelikula pero minimal exposure lang. Ayaw talaga nito na maging super sikat though hindi na nito iyon naiwasan. Pinanganak kasi itong biniyayaan ng langit ng full-packed kagwapuhan mula ulo hanggang toe nails kaya naman dumadami at padami ng padami ang mga babae at mga feeling babae na nagkakadarapa sa atensyon nito. But above the stardom and limelight,  ang first love nito ay mga animal ng kagubatan. He was a licensed veterinarian and an advocate of Wildlife Conservation Program of DENR.

            Si Limien naman, right after niyang makapagtapos ng Biology at mag-specialized sa Botany ay binalikan niya ang passion sa classical music. Nagpatuloy siya sa crash course sa conservatory school na mula pa noong high school ay pinasukan na niya. Since she was 10 years old ay kabi-kabilang piano competition na ang sinalihan niya at lahat iyon inuuwi niya ang 1st place. Lately, ginusto niyang mag-improve pa para na rin sa kanyang ama dahil tulad niya ay may passion din si Ross sa classical music. She worked hard on her debut classical music album noong nakaraang taon at ngayon nga, lalo pa siyang sumikat.

At dahil kakatapos din lang ng concerto ni Limien kagabi sa CCP, pagod pa siya at kulang sa tulog kaya nakatulog siya sa sofa nito.

            Naalala niya ang panaginip. Sa wakas, nagpakita na ang tatay niya sa kanya. Posible kayang nanood din ng concert niya kagabi ang ama niya? “What does he mean?”

            “Who? Nagtapat na ba sa’yo ang irog mo? Naks! Dalaga na ang  princess ko,” tudyo pa ni Hamiel. Lumapit pa ito sa kanya at pinisil ang kanyang pisngi.

            “Adik ka. Sa torpe to the max ni Vlad, sa tingin mo, paano iyon magtatapat sa akin?” Nakasalampak pa rin siya sa sahig. Kinuha niya ang throw pillow  at niyakap iyon. “Sayang hindi ko siya nayakap.”

            Pinisil ni Hamiel ang ilong niya.

            “Ano ba! Amoy bawang ang kamay mo!” sita ni Limien.

            “Ikaw, matindi talaga ang pagnanasa mo kay Vlad ano? Napanaginipan mo siya talaga?”

            Napangiwi siya. “Hamham, hindi naman si Vlad ang tinutukoy ko eh.”

            “Sino? Ibang lalaki? Nakow, lagot ka sa tatay mo! Remember ang sabi niya bawal ka pang mag-boyfriend until you’re 25. Mag-twenty three ka pa lang,” iiling-iling na sambit nito.

            “Naalog ba ang ulo mo sa pagsakay sa eroplano?” pakli niya pagkatapos ay seryosong hinarap niya ito. “Napanaginipan ko si Dad. First time.”

            Umupo na rin ito sa sahig sa tabi niya at sumandal sila sa sofa. “How was it?” seryoso na rin ito.

            They have been friends for almost whole of their lives. Five years old pa lang si Hamiel ay naging kuya-kuyahan na niya ito. She was just one year old then. Ikinuwento iyon ng nanay niya sa kanya. Ang naaalala na lang kasi niya ay kinamulatan na niyang andiyan sa tabi niya si Hamiel. Best friend, kuya, kapatid, tatay, kabatak, kakulitan, kaaway…tagapagtanggol, tagasaway… lahat na.  He was  more than what best friend means for her.

            Alam nila ang kwento ng isa’t isa. At dahil nga mag-best friend, syempre wala silang secrets. Alam nitong pagdating sa tatay niya ay seryoso siya kaya nagseryoso na rin ito.   

            Umiling siya. “Malungkot siya. Well masaya siya nung sinabi niyang proud siya sa akin pero bigla siyang nalungkot. Dinala niya ako sa isang napakagandang garden. Sabi niya makukuha ko ang pangarap ko kung maalala ko daw ang regalo niya—” Natigilan siya nang matukoy ang sinasabi ng tatay niya. “Oh my, Hamham! Iyong graduation gift ni Dad sa akin.  Nakalimutan ko na iyon!”

            “Ayon! Kaya siya malungkot kasi hindi mo pinansin ung lupang binigay niya sa’yo.  Ni hindi mo pa  napupuntahan ang lupa na iyon di ba?”

            “Hindi pa nga. Anong gagawin ko? Nagtatampo siguro si Dad. Kung kausapin ko kaya si Tomomi para kausapin si Dad?”  

            Tumayo si Hamiel at hinawakan ang kamay niya. “Relax lang, Mien. You don’t have to do that. Nagpapaalala lang ang Dad mo. Mabuti pa, kumain na tayo. The dinner is ready.”  Inalalayan siya nitong makatayo at dumulog na sila sa hapag.

            Magaling magluto si  Hamiel. Kaya naman pag magkasama sila ay hobby na niya ang makikain sa luto nito. Japanese food ang inihanda nito. And to complete the drama, chopsticks ang gamit nila.

            “Ang sarap mong magluto, Hamham! Pwede ka ng mag-asawa!” biro niya sabay subo ng special tempura nito. 

            “Ayaw pa ni Theacar mag-asawa,”  tukoy nito sa three-years long girlfriend nito na kaibigan din niya. “Besides, marami pa rin naman akong gustong ma-achieve bago ako mag-settle down.”

            Tumawa si Limien. “Seryosohin ba ang biro ko. Ewan ko sa’yo. Magkwento ka na lang. How’s the hottest celebrity in red apron huh?”  Napapangiti talaga siya tuwing nakikita itong naka-apron nitong color red.  Hindi nito choice ang red pero wala itong nagawa dahil ang apron ay galing mismo sa mama nito.

            “’Wag mong pagtripan ang apron. Nananahimik ito,” tumatawang buska nito.

            “Adik.”

            “Adik ka rin, magkabituka tayo eh!”

            “Seryoso, how’s your Europe trip?”

            Nagpatangu-tango ito. “The place is still awesome. Gusto kong bumalik sa Paris ng paulit-ulit. But then, it was so tiring. Isang araw lang ako nakapaglibot. At wala akong nabili sa’yo kundi…” Inilabas nito sa bulsa ang isang kwintas at ipinakita sa kanya. “Ito.”

            “Wow!” She remembered that necklace.  Nang minsang magbakasyon silang dalawa sa Paris ay nadaanan nila ang isang jewelry shop. Nagustuhan niya ang kwintas na iyon pero hindi na niya nabili dahil nagmamadali sila noon.

            Tumayo ito at isinuot sa kanya ang kwintas. “Like it?”

            “Of course,magkano nga uli ito? Ilang gives ko sa’yo?” biro niya.

            Tumawa lang ito. “Sira ulo ka talaga, Mien.” Ngumit lang siya. “A thank you will do, princess.”

            “Thank you, Hamham!” Niyakap pa niya ito bago ito bumalik sa upuan nito.  “Teka nga. Pinagluto mo ako ng yummy na food at binigyan mo pa ako ng necklace. Eh si Theacar ba naipagluto mo na ba? Anong binigay mo sa kanya?”

            “Kaninang umaga, I had a breakfast with her and the family.” He smiled. “I gave her a ring.”

            “Engagement ring?” excited na tanong niya.

            Umiling ito. “Hindi pa. Relationship ring lang iyon.”

            “Naks! Pa-sweet ang manong Hamham!”  tudyo niya dito pero natigilan siya nang biglang sumeryoso ang mukha nito at napabuntong-hininga pa. “May problema ba?”

            “Ngayon ang flight ni Theacar papuntang Miami.”

            “O, di mo siya ihahatid?” Umiling ito. “Bakit naman?”

            “Sabi niya wag na daw. Kasama naman niya si Heijiro.” A trace of worry suddenly appeared on his face.

            Hindi na kailangang itanong ni Limien kung ano ang dahilan. Heijiro was Theacar’s ex-boyfriend and first love. When things got complicated between Theacar and Heijiro, naghiwalay ang dalawa at pumasok naman sa buhay ni Acar si Hamiel. First love ni Hamham si Acar. 

            “Matagal na silang wala Hamham. Three years na rin ang relasyon ninyo. Wag kang mapraning diyan. They’ll just be working together at Miami.”

            Umiling ito. “I don’t know. Natatakot ako e. Alam naman natin na walang negative thing kaya sila naghiwalay. Nagkawalaan lang sila ng oras sa isa’t isa. But now, they’ll be working together, mas mapapadalas na magkasama sila.”

            “Sa tingin mo, lolokohin ka ni Theacar?”

            “No.  It’s not like that. I know Theacar still loves him. But so far, I was her choice. Lately nawawalan ako ng oras kay Theacar dahil sa hectic schedule ko. Pano kung sa pagbalik niya, malaman kong nawala na pala siya sa akin?”

            Tumayo si Limien at niyakap niya si Hamiel. “Kung saktan ka niya, pati ako mawawala sa listahan ng mga kaibigan niya. Mas love kita kesa kay Acar ano! Tsaka, siya rin, bahala siya. Mawawala sa kanya ang isang yummy na biyaya ng langit.”

            Tumawa si Hamiel. “Ikaw talaga! Alam mo kung hindi kita best friend, iisipin ko pinagnanasaan mo rin ang katawan ko.”

            “Kanasa-nasa naman ba iyan?” nagdududang tanong niya. “Patingin nga!” biro pa niya.

            Pabirong bintukan siya nito. “Aning ka talaga!”

            “Pinapatawa lang kita.” Bumitaw na siya dito at bumalik siya sa upuan niya. 

            “Anong plano mo sa regalo ng Daddy mo?” maya-mayang tanong nito.

            Natigilan si Limien hanggang sa may naisip siyang magandang idea. “Sumama ka sa akin bukas.”



              “HOW’S your trip, baby?” tanong ni Hamiel sa kasintahang si Theacar over a long distance call. Tinawagan niya ito matapos niyang matanggap ang text message nito. Andon na ito sa Miami.

            “Okay naman. Nakakapagod lang. Ang layo kasi ng bahay namin sa airport eh,” walang kalambing-lambing na sambit nito.

            “You take a good rest first before anything else,” malungkot na paalala niya dito. Iba talaga ang nararamdaman niya sa paglayo ng distansya nila ng kasintahan. Sa palagay niya ay unti-unting mawawala na sa kanya si Theacar.

            “Yeah, magpapahinga na nga ako when you called,” sambit nito.

            “Acar….” Napabuntong-hiningi siya. “I love you so much.”

           “It won’t help, Hamiel. Mas sanay akong wala kang oras sa akin, na hindi mo maamin sa interviews mo sa tv  na may girlfriend ka, at hindi mo madalas masabi na mahal mo ako. Why telling me those things now? Ngayon pa na ang layo ko na sa’yo,” malungkot na sambit nito.

            “I know my mistakes, baby. If only you could give me chance to make it right. Pero paano ako makakabawi sa’yo ngayong ang layo mo na? Pwede ba kitang puntahan diyan?”

            “No. Wag ka ng mag-aksaya ng oras Hamiel. Tanggapin na lang natin. Our relationship is dying already,” malungkot na sambit nito.

            Katahimikan. Hindi papayag si Hamiel na hayaan na lang ganon ang mangyari sa tatlong taong relasyon nila na inilagaan niya ng husto. Kokontra na sana siya nang marinig niya sa kabilang linya ang boses  ni Heijiro.

            “Acar, let’s  go. Mamamasyal pa tayo.”

            “Hamiel, magpapahinga muna ako. I’ll call you later!”  Busy tone na ang sunod niyang narinig sa kabilang linya.

            Magpapahinga? Habang namamasyal kayo ng lalaki mo? naiiling na buska niya sa isip. Dalawang buwan ng alanganin ang relasyon nila ni Theacar, ayaw lang niyang aminin sa sarili niya. The way she talked parang palaging nagpapahiwatig ito na makikipaghiwalay na ito sa kanya. Even the ring na ikinuwento niya kay Limien na binigay niya dito, isinauli nito. Natanggap niya ang singsing kaninang umaga. Ayaw niyang isipin na ang dahilan noon ay ang pagbalik ni Heijiro sa buhay nito. Alam niyang una sa lahat, kasalanan niya dahil aminado naman siya, hindi si Theacar ang first priority niya sa buhay.

Kunot-noong pumasok siya sa bahay nila sa isang subdivision. Magpapakita muna siya sa magulang bago niya sunduin si Limien sa katapat na bahay.  

             “Oh kuya kong pogi!” Sinalubong siya ng yakap ng bunsong kapatid na si Amhiela. Graduating ito ng Fine  Arts at nagbabalak mag-focus sa photography.

Tatlo lang silang magkakapatid. Siya ang panganay, ang sumunod ay si Miguel na sa ibang bansa nagtatrabaho at si Amhiela ang  bunso. Ito na lamang ang nakatira kasama ng magulang niya sa bahay. Mas madalas kasi siyang sa condo unit niya umuuwi dahil mas malapit iyon sa Pontez Building kung saan siya madalas dahil sa mga pictorial at commercial shoot.  Malapit din ang condo unit niya sa Veterinary Clinic kung saan siya affiliated.

“Asan sina mama?” tanong niya sa kapatid sabay akbay dito.

“Ayun, nasa kusina, nagmo-moment,” tugon ng kapatid niya.

“Huh? Nag-away sila kagabi?” Ganon ang term nilang magkakapatid mula noon pa man tuwing magkakatampuhan ang kanilang magulang at  kinabukasan din naman ay magkakaayos.

Tumango ang kapatid niya. “Si Dad kasi.” 

Pasimpleng sumilip sila sa kusina. Nakita niya ang ama at ina niya na seryosong nag-uusap.

“Mhiel…” Sinubukan ng ama niya na hawakan ang kamay ng kanyang ina pero umiwas lang ang mama niya. “Mhiel naman, we have been married for years, ngayon mo pa  ba naman ako pag-iisipan ng kung anu-ano?”

“Ngayon pang tumanda ka, saka ka nakaisip gumawa ng kalokohan, Haime. Hindi iyan kasama sa pinangako mo sa akin nang magpakasal ako sa’yo,” sambit ng mama niya.

“Hindi ko ide-deny ang nakita mo sa mga pictures. Pero sana, tanggapin mo ang paliwanag ko.  I’m a boss. Minsan kailangan ko ring makisama sa mga tauhan ko. What you saw are just part of the fun. Anong magagawa ko? Sa ako ang natripan ng mga empleyado sa stag party na iyon? I didn’t commit any sins just because of those photos!”

“Kahit saan mo daanin, kahit baliktarin mo ang mundo ng paulit-ulit, hindi na mababago ang katotohanan na humawak ka sa legs ng ibang mas batang babae at niyakap-yakap ka pa nila. And what happened after? Ayokong isipin!”

“Wala!”  Tumayo ang ama niya at niyakap ang kanyang mama. “Okay okay. I’m sorry. The next time, hindi na ako sasama sa stag party.  Wag ka ng magtampo sa akin. Ang lalaki na ng anak natin saka ka pa natutong magselos.”

“Masama ba? Siguro mas gusto mo iyong mga batang babae na iyon. Kasi bata sila.”

“Oh, Mrs. Catacutan, haven’t I told you that you look so young even after 23 years of our marriage? Mas sexy ka sa kanila. Mas type pa rin kita,” nakangising sambit ng kanyang ama. Napansin sila ng ama niya. “Your son is here, Mhiel.”

Wala ng naging choice sina Hamiel kundi ang magpakita na sa mama niya. Niyakap siya ng kanyang ina. “Baby, ang daddy mo, humahawak sa legs ng ibang babae,” parang batang sumbong nito.

Pinigilan ni Hamiel ang mangiti dahil baka pati siya ay madamay sa tampo moment na iyon. “Ma, stag party lang iyan. Sus, mahal na mahal ka ni Daddy. Kung hindi ka niya mahal eh di sana noon mo pa siya na-caught in the act.”

“Ay anak, wag mong gatungan please!” nailing na sambit ng ama niya.

“Nahuli ko na kaya siya noon. Mga bata pa kayo noon. Over time daw sa office, sa stag party naman ang punta!”

“Oh??” korong hirit nilang magkapatid sabay baling sa kanilang ama na napapailing, halatang guilty.

“Ewan ko sa inyo.” Humalik sa pisngi niya ang ina pagkatapos ay naglakad na ito papunta sa silid nito.

“Sundan ko si Mama,” sambit ni Amhiela.

Naiwan silang mag-ama.

“Lately, your mom acted like that. Madikit lang ako sa babae kahit walang malisya, feeling niya ipagpapalit ko siya,”  nailing na sambit ng kanyang ama.

He’s father was also his talent manager. Matagal na itong talent manager ng mga sikat na artista at performers sa mundo ng celebrity ngayon. And despite of being a disciplinary father, Haime never failed to be their loving father as well.  Limang taon na siya nang magpakasal ang magulang niya. At mula noon hanggang ngayon, alam niya sobra-sobra ang pagmamahal nito sa kanyang ina at sa kanilang magkakapatid.

Nakita niya ang nagkalat na pictures sa mesa. Ito ang mga pictures na pinag-awayan ng magulang niya. Most of the pictures showed his father in a crowd of sexy women in sexy outfits.

“I’m old now, son. And even if I’m young, I will not turn back on you mother’s love.”

“I know, Dad. May pagka-emotera lang si Mama,” natatawang sambit niya.

“Hindi ako emotera!”

Napangiwi lang silang mag-ama. Narinig pala ng mama niya ang sinabi niya. Padabog na isinara ng mama niya ang pinto ng silid nito.

“Sabi ng Tita Penpen mo, bahagi lang daw iyong ng post-menopausal something ng mama mo. I have an idea son. Will you stay here in our house for a while? Kahit mga couple of weeks lang. I asked Miguel last night. Uuwi daw siya. Let’s spend time for your mom para hindi na siya mag-emote!”

“No problem, Dad. Dito na muna po ako uuwi para kay Mama.”

“Good.” Tinapik nito ang balikat niya.

“Sige, Dad. Balik na lang ako mamayang gabi. Sasamahan ko lang po si Limien sa Tagaytay.”
            
“Oh, speaking of, Limien, wala ka ba talagang balak ligawan siya?”

            “Dad, i-offer nyo na lahat ng babae sa akin, but take Limien away from the list. I love her more than a friend, a lover, or whatever would mean.” Nailing na sambit niya.

            “Mahal mo naman pala, pakasalanan mo na.”

            “No!”

Noon pa man ay palagi na lang siyang binubuyo ng mga magulang niya na ligawan na si Limien. Tutal naman daw ay halos buong buhay na silang magkasamang dalawa. Maganda  daw na foundation iyon sa pag-aasawa. Pero hindi iyon kasama sa plano niya sa buhay. Ang maisip na magiging asawa niya si Limien, natatawa na siya. 


PREVIOUS                                                                   NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…