Skip to main content

Find Your Way To Me 2: Know Me By Heart- Prologue



Dear Daddy Ross,


            I’m here now, Dad. Sorry to keep you waiting for couple of days for my letter update. I just had been so busy these past few days for your death anniversary and my birthday as well. I bet, I have lots of things to share with you in this letter. So here it is, Dad.

            It’s your 21st year of death, Dad. Mama Sandra said there was no difference before and now. The pain was still in her heart. The grief, the forgiveness, the suffering. I can see them in her eyes. Dad, Mama loves you so much and she’s longing for your love. If only I can do anything to make her happy.

            Yes indeed, Mama said I’m her happiness but God knows, you are more than happiness means to Mama. You are her life. And every now and then, she always whispered to me how much she loves you. It was really sad that you are not here to make her happier.

But anyway, life must go on. So we tried hard to move on. But Dad, it is very difficult. Mahirap lang talagang iwasang mag-emote kapag death anniversary n’yo. As usual, we give tribute to you at Senang Hati Music Lounge last night. My band, the Karisma Band which so happen to be the successor of the Infinity Band, performed and jammed along with your old friends. Yeah, Dad they are old now while you’re still young in those videos you left for me.
            

          Narinig mo ba kami kagabi? Siguro niyaya mo ring mag-party ang mga kapwa mo souls diyan sa after life ano? Did you hear me sing that wonderful song for you?

           
          Napahinto si Limien sa pagta-type ng blog entry niya sa pamanang website ng kanyang ama nang mangilid ang luha niya.  Ang dating blog site na iyon that was formerly meant for her mom ay naging website na ngayon. Ginawa iyon ng Daddy Ross niya bilang outlet ng feelings nito sa kanyang ina noong mga times na nagkahiwalay ang magulang niya at muling ma-reunite after eight years. May dating title ito na “My Sweetness, My Sandra, My Life” and later nagkaroon ito ng tab para sa kanya na may heading na, “Our Little Princess Limien” kung saan inilagay ng kanyang ama ang mga pictures, videos at blogs na inialay nito sa kanya. Ipinagmalaki siya ng kanyang ama sa buong mundo. Kaya mula pagkapanganak ay marami ng nakakakilala sa kanya sa internet. At ngayon nga, may pangatlong corner na ito na may heading na “Dear  Daddy Ross.”
 
Ginawa iyon ng kanyang ina noong namatay ang kanyang ama. Nagsilbing outlet iyon ng Mama Sandra niya habang nangungulila ito sa loving daddy niya. Mula noong ipinanganak siya, namatay ang kanyang ama, at ngayong tapos na siya sa kolehiyo ay patuloy silang mag-ina sa pag-maintain ng website na iyon na sa tagal ng panahon ay libu-libo na rin ang followers.

Nalungkot siya. She really regret the chance of growing up with a loving father. God knows how much she wanted to see her Dad, to embrace him and tell him everyday how much she loves him, and to dance with him all day and night until the dawn breaks. God knows how much she wanted her Dad to be there beside her…alive. Pero lahat ng iyon ay hopeless wishes na lang. Her dad would never come back.
        
         The late Ross Daniel Ferrer had a rare type of cancer of the blood known as Acute Myeloid Leukemia and died when she was just one year old. Mula noon ay hindi na muli nag-asawa pa ang mama niya. Ngunit sa kabila ng pagiging non-existent  ng ama niya, hindi ito nagkulang sa pagmamahal sa kanya. Her dad left her with more or less seventy videos na installment basis niyang natatanggap. Ang ilan kasi sa mga video na iyon ay birthday gift nito sa kanya at ang iba naman ay naka-specified ang date kung kelan mapapasa-kanya. So far, fifty-three pa lang ang nasa kanya. At ang natitira ay nasa Mama pa niya.

            Ang mga videos na iyon na ginawa ng tatay niya ilang buwan bago ito mamatay ang siyang nagpakilala sa kanya kung sino ang kanyang ama. Noong bata pa siya, hindi niya alam na wala na siyang ama. Her mom kept on showing her the videos and whenever she asked where her dad was, isa lang ang sagot ni Sandra. “Nasa malayo  lang siya, anak.”

            She thought she had a broken family or her father was working abroad until she graduated in elementary. Ipinagtapat ng nanay niya na wala na ang tatay niya. Matagal na itong patay at ang tanging bilin nito ay ang kagustuhan nitong ma-recognize siya nito bilang mapagmahal na ama. Iyon ang first time na nagluksa siya sa kanyang ama. Noong una ay hindi niya matanggap na patay na pala ito. He was so alive on those videos. Talagang hindi siya makapaniwanang patay na ito. Ilang buwan pa ang lumipas bago niya natanggap na ulila na siya sa ama…na hindi na niya pwede pang hilingin sa mga dasal niya na umuwi na sana ang ama niya. Unti-unti natanggap niyang sa kabilang buhay na lang sila muling magkikita.      

            The videos were the living memories of her loving father. Kaya naman hindi na rin siya naghanap pa ng bagong ama. Naintindihan na rin niya kung bakit hindi na rin naghanap ng bagong asawa ang mama niya. Her father’s love for them was eternal.

            Ipinikit niya ang mga mata at umiling para iwaglit sa isipan ang napakarami niyang regrets sa buhay dahil hindi niya naranasang mayakap at makasama ang ama sa panahong nakakaunawa na siya sa mundo. Bumuntong-hininga siya at ipinagpatuloy ang pagta-type.

            Dad, sana nagustuhan mo iyong version ko ng Dance With My Father. Ako ang nag-arrange no’n. I got your talent, you know it. And hopefully, someday, my name will be known in the world of music…classical music or kahit sa love songs. I want to be a female Jim Brickman icon someday. I will sing love songs and play the piano and violin. But for now, I’ll start from being a female Beethoven, Ravel and Mozart. I’m working on my first classical music album. And all the arrangements of my piano pieces are solely dedicated to you. That’s my way to turn back the love you have given me despite of our great distance.  I love you so much Dad, I really do.

            Namataan niya sa mesa ang mga pictures nung mag-celebrate siya ng 22nd birthday niya at ang mga pictures noong nag-jam sila sa Senang Hati. Napangiti siya.

            It’s also my birthday today, Dad. Two nights ago, I celebrated my birthday with the family and close friends. Ayoko talaga ng party Dad kaya pasensya ka na at hindi natupad ang sinabi mo sa akin nung 18 years old ako na magpa-party si Mama ng bonggang bongga para sa akin. Well, how can I enjoy a party if this date was also the reason why you are not here with me? You died on my birthday.

            Nevertheless, I had a great birthday celebration. Ando’n lahat ng close friends ko. And even your old folks had a small party with us. Nakakatuwa, Dad.  Parents and their children were dancing and drinking together as if they were just group of friends. Yeah dad, may inuman session. But I didn’t drink much.  

            Naalala niya ang dahilan kung bakit hindi siya nakainom ng marami noong gabing iyon. Her best friend, Hamiel guarded her throughout the night. Kapag dadampot siya ng alak ay inaagaw nito ang baso at ito ang umiinom. Ang ending tuloy, nalasing ito at siya ang naging dakilang tagapag-alaga. Tawa siya ng tawa noon. Ibang iba kasi ang best friend niyang ito pag lasing, salita ng salita ng mga bagay na hindi naman connected at kadalasan ay walang sense. Lalo siyang napangiti nang maalala niyang in-explain pa ni Hamiel kung ano ang pagmamahal. Parang pang-adik lang ang sinabi nito.

               “Sa pag-ibig, kahit mashaktan ka o lumuha pa, ang mahalaga marunong kang maglaba at hindi ka takot mamalantsa. Dahil ang magaling magshaing ay may katapat na tunay na kanin. Hik!

 Tandaan mo, ang buhay ay hindi ishang piraso ng papel na pwedeng ibato sha nagliliyab na apoy na kapag ishinubo at napasho ay maaaring iluwa sha batish na kay tamish na hindi kayang pantayan ang kishlap ng brilyante ng mga diwata sa kagubatan. Hik!”

Tumawa na si Limien ng tuluyan. Noong una ay nagtataka siya kung saan ba nakuha ni Hamiel ang linyang iyon. Later on she found out that it was just a forwarded text joke mula sa bunsong kapatid nitong si Amhiela.

Nangingiting binalikan niya ang magta-type sa laptop niya.

Dad, si Hamiel, palagi pa rin siyang nasa tabi ko. Kahit na busy siya sa trabaho niya and most of the time kung saan-saan siya pumupunta, hindi pa rin niya ako nakakalimutan. He’s still my kuya, my playmate, my brother, my best friend. He’s my angel. Alam ko Dad, pinadala mo siya para may mag-alaga sa akin. Thank you, Dad. And in return, I promise to be his very best little princess no matter what.

Dad, since it was my birthday, can I ask something from you? Sina Laina at Tomomi, madalas kang nakikitang kasama ko. Sana lang Dad, makita din kita, makasama…mayakap. Kahit sa pananginip lang Dad. I’ll wait. I’ll patiently wait.


Your loving daughter,
Limien Rose



            Hindi niya alam kung pagbibigyan siya ng ama pero umaasa siya. Sinabi kasi sa kanya ni Tomomi na ayaw ng tatay niyang magpakita sa kanya dahil baka daw matakot siya. But she’s really dying to see her father kahit sa panaginip lang.  Minsan na nga niyang naisip pabuksan ang third eye niya kina Tomomi at Laina, pero hindi nila nagawa dahil tumututol daw ang loving daddy niya.

            Isinama  niya sa blog post ang video ng performance ng Karisma Band noong kantahin niya ang Dance With My Father version niya para sa kanyang ama at ilang mga pictures.  Pagkatapos, ay excited na kinuha na niya ang birthday gift niya galing kay Daddy Ross. As usual, it was a video.  


            “ANO po iyon, Dad? Seryoso po iyon o nabingi lang ako?” Nai-pause ni Limien ang pinapanood na video ng wala sa oras.

            She was inside the entertainment room of their house. No cellphone, no laptop, no internet, no interruptions. Iyon ang drama niya tuwing  kakausapin siya ng Daddy Ross niya sa mga videos. Ibinibigay niya ang buong oras at atensyon niya dito at lahat ng iniiwan nitong bilin at payo sa kanya ay sinusunod niya.

            But her father’s new request was quite unbelievable. She just can’t believe what she just heard. She grabbed the remote control, rewind the video and press the play button. 

            Hey there, my sweet lovely Limien Rose. How’s my 22 year-old baby? I know by the moment you are watching this video, you are already a grown up lady. How do you look  like baby? More of Sandra or more of me?

            Ngumiti si Limien. “It’s more of you, Dad.”

            Still feel awkward right? Ako rin. Pakiramdam ko nga isa na akong baliw. Imagine, I’m talking to my daughter that is years apart from my timeline here. But still, I’m full-heartedly willing to talk to you even from day to day kung pwede nga lang. Napapagalitan na nga ako ng Mama mo kasi siya ang nahihirapang mag-edit at mag-preserve nito para abutin mo pa ang mga videos na ginawa ko para sa’yo. Andami na nga eh. By the way, how’s your beautiful Mommy? I-kiss mo ako uli sa kanya ha. Sana ako pa rin ang one and only niya. Pero kung sakaling may iba na siya, I will still be happy. At least, may mag-aalaga na sa mag-ina ko.  

            Ngumiti ang Daddy niya pagkatapos ay tuluyan ng tumawa. May violent reaction ang mama mo dito. Hindi daw mangyayari iyon. Okay okay. So don’t forget to give her sweet hugs and kisses baby.

            Biglang lumungkot ang mukha ng kanyang ama.

            I know I missed a lot about you. You’re schooling, you’re teenage life, friends, peer pressure, crushes. Uy anak, wag munang mag-boyfriend ha. Wag munang magpaligaw. You’re still young. Siguro graduate ka na ng college ngayon ano? So better of, focus on your dreams first. Kahit ano pa iyon, suportado kita, suportado ka namin ng mama mo.       

            And then find your destined guy when your  twenty five already. Fall in love, have years of relationship and got married at twenty eight.  Pero hangga’t wala ka pa sa age na papayagan kitang ma-involve sa guys, no manliligaw, no fling, no boyfriend okay?

            Napangiwi siya. Confirmed. Tama nga ang narinig niya. Nasapo niya ang noo. Paano na ang pag-irog niyang panis sa kapwa niya pianist na si Vladimir Cerio who happened  to be her first crush way back in high school? Naging close silang dalawa dahil sa parehong interes sa music. Naging magkaklase rin sila sa conservatory school. Crush na crush niya ito. Pero paano na ang pagsintang panis niya dito kung pinagbabawal pa ng Dad niya hanggang ngayon na magka-boyfriend siya?  Baka maunahan siya ng iba kay Vlad.  Masasayang ang pagpapa-charming niya dito sa loob ng ilang taon.

            Iwinaglit niya muna iyon sa isip at pinagpatuloy ang panonood ng video.

            Pasesnya na uli anak ha. Wala si Daddy diyan sa tabi mo. Palagi na lang siguro akong hihingi ng tawad sa’yo.

            Pakiramdam niya ay piniga ang puso niya nang mapansing nangilid ang luha ng kanyang ama sa video. Kung masakit sa kalooban niya ang mabuhay ng walang ama, batid niyang tripleng mas masakit sa kanyang ama na iwanan siya.

            “Dad…”

            Ang totoo anak, gusto kitang mayakap. I want to be there for you. But fate did not allow it to happen. Wag ka sanang magagalit sa akin anak kung nagkulang ako sa’yo at sa mama mo ha. Hindi ko ito ginusto, anak.

            Tears fell from her eyes as the video captured the tears fell from her Dad’s lonely eyes. Ross seemed to lose his composure at that moment.

            You know what? Today, at this very moment that I’m doing this video for you, your Mama Sandra is crying at the other side of this room. Your mama is carrying you…the baby Limien who‘s too innocent and fragile. You’re just 8 months old in my timeline baby. Alam mo ba kung bakit kami emotional ngayon? Look.

            Tinanggal ni Ross ang bandana sa ulo nito. Tumambad sa video ang nanlalagas ng buhok ng kanyang ama. First time nitong ipinakita sa kanya ang epekto ng cancer at chemotheraphy sa katawan nito.

            Konti na lang buhok ng Daddy mo oh. I undergone chemotherapy hoping na baka mapahaba pa ng treatment ang buhay ko. Nag-decide kami ng Mama mo na subukan lahat ng possible treatment para magtagal pa ako sa piling nyo but…things are not working out. It  feels like my dying period has begun. The doctors confirmed. Tinapat na kami kanina na hindi na daw ako magtatagal. Kinakain na ng cancer ang katawan ko. Nang malaman namin iyon ni Sandra, ikaw agad ang unang pumasok sa isip ko. Paano ka na, pag nawala na ako?

            Her dad started to shed tears. Limien felt the emotional pain that her Dad was carrying that time. Unang pagkakataon din niyang nakitang umiyak ang tatay niya. Ross was always smiling and happy in his past videos. But this video was really different. As she watched her Dad crying ay tuloy-tuloy din ang pagpatak ng luha niya.

            “Dad, stop crying please.” She moved closer and touched the tv screen hoping that she could literally wiped the tears of her Dad. It was really heart-breaking.

Mabigat sa dibdib na pinagpatuloy ni Limien ang panonood.

Ross wiped his own tears and smiled. Pero hindi umabot sa mata nito ang ngiting iyon.

            Ooops! I’m sorry, anak. Na-carried away ang Daddy mo. Mama mo kasi, iyak ng iyak. Nahahawa tuloy ako. Sandra, come here.  

            The young version of her mom appeared on the video. Pugto ang mga mata ng mama niya. At gaya ng sinabi ng tatay niya kanina, may bitbit itong sanggol. It was her, eight months old. Umupo ito sa tabi ng Dad niya and smiled. Halos walang pinagbago  ang hitsura ng nanay niya even after 21 years. 

            Hi anak, look oh. Ang taba mo ngayong eight months ka na. Anyway, may speech pa itong tatay mo kaya maikli lang ang exposure ko ha.

            Tumawa ang mga ito. Napangiti rin siya. Tinapunan muna ng tatay niya ng nakakakilig na tingin ang nanay niya bago muling bumaling sa camera.  Her mom and dad was an evidence that eternal great love really do exists. Kaya nga  hinihiling din niya na someday magkaroon siya ng one great love katulad ng love story ng mga magulang niya.

            I love your mama so much. Her Dad gave her mom a quick kiss at muli itong bumaling sa camera.

            Kapag wala na ako, ikaw na ang bahala sa kanya ha. I hope someday, you’ll find your one great love too… when you’re 25 okay. Paano, time’s up na. Wait, may graduation gift nga pala ako sa’yo anak. It was a parcel of land located at Tagaytay. It’s all yours now. Do whatever you want on it. Sa ngayon naka-invest ang lupa sa Pontez Group of Companies. I ask your mom to give you some life lesson bago niya ibigay sa’yo ang lupa. You’re not young anymore. You need to learn more about life. Whatever her condition will be, I know you can do it. Good luck baby. Limien, I love you so much. ‘Til next time baby. Take care.

            Her parents waved before the video turned black. Ilang segundo nang tapos ang video ay nakatingin pa rin siya roon.  Her heart was filled with mixed emotions. It was so glad to know how much her Daddy loved her. Ngunit kapag naiisip niya ang sad part ng mga videos ng Dad niya ay hindi niya maiwasang maging emotional. Few minutes after ay ibinuhos lang niya sa pag-iyak. Her Dad never failed to make her cry. Wala naman siyang magawa kundi ang umiyak na lang. Kung mabubuhay lang sana ng mga luha niya ang kanyang ama, kaya lang hindi naman pwede iyon.

            Nang lumuwag na ang pakiramdam niya pagkatapos umiyak ay kinuha na niya ang DVD at itinago ang video na iyon sa cabinet kasama ng iba pang videos mula kay Ross. Tapos na ang session niya with her late father.

            She turned on her cell phone as she walked toward her mom’s room. Inabutan niya si Sandra na tulog na tulog sa kama. Yakap-yakap nito ang dating unan ng kanyang ama na dinamitan nito ng polo ng kanyang ama. Her mom used to live in that kind. Para daw hindi ito masyadong mangulila sa asawa ay ginawa na nitong parte ng buhay ang bihisan ang unan ng mga dating damit ng kanyang ama. Sa ganitong paraan, pakiramdam ni Sandra ay kapiling lang nito sa pagtulog ang yumaong asawa.

             Limien noticed the tears stain sa pillow na yakap ng Mama niya. Tulad niya ay palagi din itong umiiyak tuwing maaalala ang Daddy niya. Maybe mama was not that totally moved on. Her mom looked so tired. Nakita niya ang nagkalat na papel sa kamang hinihigaan nito. Those were film script copies.

            Sandra didn’t stop directing and creating films of different genre, but mostly inspirational films ang ginagawa nito. Ngayon ay isa ng sikat na multi-awarded director ng mga dekalibreng pelikula ang kanyang ina. Mostly ng mga obra nito ay nanalo ng kung anu-anong awards here and abroad. Ang kwento ng kanyang ina, ibinuhos na lamang nito sa craft ng film ang lahat ng lungkot nang mabyuda ito. Maybe it was the same reason why until now, her mom didn’t want to stop creating films.

            But despite of her mom’s exceptional talent in this craft, she still had difficulty in writing the script of her Dad’s life story. Teenager pa siya nang maisip nilang isa-pelikula ang buhay ng kanyang ama pero hanggang ngayon hindi pa rin iyon matapos ng mama niya. Palaging natatalo ng emosyon ang kanyang ina. Dumating sa point na sinabi niya sa mama niya na kung hindi nito kaya ay bitawan na lang nito ang film project at ipasa sa ibang magagaling na script writers ng Pontez pero nag-insist itong tapusin ang script kahit anong mangyari.

            Hindi na niya inabala pa ang ina. Tahimik siyang bumalik sa silid niya. 


                                                                                                NEXT

Comments

Apple jane said…
Naging emotional narin tuloy ako ,hehehe it just so sad story grabeee...huhuhu I bet nong sinulat nyo po ang part n Ito tumutulo ang Luha mo!!!oops wait Mglinis pa pla ako ng toilet patay me ni bossing nito!!!God speed!!!
liza hufana said…
gosh!can't help
myself but to cry😢😢😢very inspiring story and i've learned alot from this story.i don't know what to say and i'm speechless.kudos to you ms writer.hope
you will continue to inspire other people/readers and continue to write a beautiful and inspiring stories.
liza hufana said…
gosh!can't help
myself but to cry😢😢😢very inspiring story and i've learned alot from this story.i don't know what to say and i'm speechless.kudos to you ms writer.hope
you will continue to inspire other people/readers and continue to write a beautiful and inspiring stories.
annazhel10 said…
Sobrang emotional ako s chapter n to grv.....
Kht wala n c daddy Ross pra ky lemiel anjan prn
Kc grv Yong effort ni daddy Ross para maipkita LNG sknya
" any pgmamahal ng isang am a "

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…