Skip to main content

An Answered Prayer- Chapter Two




Dumaan si Setty sa pinakapaborito niyang kainan para bumili ng kape. Isa iyong restaurant na presyong turo-turo. Nag-aagahan naman siya bago umalis ng bahay kaya lang masyado talaga siyang nasarapan sa kape sa kainan na iyon kaya ‘pag may pagkakataon ay dumaraan siya doon para magkape. Pagpasok niya sa loob ay biglang nag-beep ang message alert tone niya kaya naging abala siya sa paghahalakwat ng bag niya habang naglalakad. Lumaylay na naman sa mata niya ang mahaba niyang bangs at natakid pa siya sa isang paa ng silya. Dahil doon, bigla siyang may nabangga na narinig niyang napasinghap. Nang mag-angat siya ng ulo ay sumalubong sa kanya ang guwapong mukha ni Florenz. May hawak itong isang tasa ng kape na natapon sa business suit nito kaya pala ito napasinghap.

                “You, again?” Nakakunot-noo ito.

                “I’m  sorry! This time, tatanga-tanga talaga ako. Aaaminin ko iyon. I’m sorry!” Agad siyang kumuha ng tissue sa kalapit na table. Idadampi na sana niya iyon sa natapunang damit ni Florenz nang hawakan nito ang braso niya. Binalingan  niya ito.

                “Parati ka na lang bang wala sa sarili mo? No wonder kung gaano kadami na kaming biktima ng pahamak mong bangs!” anito. Kumulo ang dugo niya. Ngayon, totoong naiinis na siya. Nagsusuplado na naman ito tulad noong muntik na siya nitong masagasaan. Bigla na niyang naalala ang sign na hiniling niya. Strike one. Nakita na niya ito nang hindi sinasadya.


                “Hoy, wala kang pakialam sa bangs ko dahil akin naman ito. Bitawan mo ako.” May kung anong kakaibang damdamin kasing hatid ang mga kamay nito na nakahawak sa braso niya. Pero hindi siya binitawan nito. “Bitawan mo sabi ako, sisigaw ako dito ng ‘rape’ sige ka.”

                Marahang binitawan nito ang braso niya. Napabuntong-hininga pa ito at seryosong tinitigan siya. “All right! I’m sorry noong isang araw. Noong tawagan kita. Gusto kong bumawi. Let’s have breakfast?”

Napakunot ang noo niya. Nagbago agad ang mood nito? Ang bilis naman ata.

                May naisip siyang magandang ideya. She smiled. “Okay. Pero mas mabuti, ayusin mo muna ang sarili mo. Halata kasi sa cream na longsleeves mo ang mantsa ng kape at saka malagkit iyan.”

                Ngumiti ito. At kahit nakasalamin ito, naaninag pa rin niya ang expressive nitong mga mata.Sa palagay niya iyon ang asset nito. “Oo nga ano. Wait.” Iginiya siya nito sa kalapit na mesa at  pinag-urong ng silya bago siya pinaupo. “I’ll just fix this mess, wait there.”

                Napatango na lang siya bago siya nito iwan. Iyon ang unang pagkakataong naranasan niyang ituring na prinsesa ng isang lalaki. Nang makita niyang nakapasok na ito ng rest room, tumayo siya at umalis na sa lugar na iyon.  Wahahaha. Sige hanapin mo ako! Pero hindi rin niya nagawang lumayo agad sa lugar. Nagtago siya sa nakaparadang kotse sa labas ng restaurant. Napangiti siya sa biglang naisip. Habulin mo ako, Florenz. ‘Pag lumabas siya ng resto, ibig sabihin gusto rin niya ako. She uttered her wish with crossed fingers. Muntik na siyang mapatili nang biglang lumabas ito ng restaurant. Nagpalinga-linga ito at tinawag pa ang pangalan niya. Buo na sana ang kasiyahan niya sa munting kalokahan niya. Pero mukhang naasar na naman ito sa kanya. Pabalibang kasi nitong binuksan ang kotse nito at pinaharurot ang kotse sa daan.

                Binalewala na lang niya iyon. Nang mapansing malayo na ang tinatakbo ng kotse nito ay saka siya umalis sa pinagtataguan niyang kotse. Baka mapagkamalan pa siyang carnapper.


                HINDI maipinta ang mukha ni Florenz nang dumating siya sa opisina. Nakuha naman niya agad na pinagtripan lang siya ng Serendipity na iyon. Pero ang hindi niya maisip ay kung bakit nito ginawa iyon. Nakasalubong niya ang kanyang boss.

                “Good morning Sir Carvin,” bati niya. Mabuti na lang at nagka-love life na ang boss nila. Dati kasi ay mainitin ang ulo nito at palaging aburido sa buhay.

                “Yow! Good morning. Bakit ganyan ang hitsura mo? Agang-aga ha. Engr. Manigbas dude,  I think you need to look for a girlfriend to lighten up your life. Palagi na lang mainit ang ulo mo, dude,” seryosong sambit nito. Okay na sana, iyon nga lang, nasobrahan naman ata ito sa pagka-praning.

                “Hindi naman po naaapektuhan ng init ng ulo ko ang ginagawa kong trabaho.”

                Napailing si Carvin. “Yan din ang katwiran ko noon until I met my girlfriend. Magbababa ako ng memo. Ipagbabawal ko na ang single and available sa firm ko. Puwede naman iyon. I’m the boss and I will do what I want. Di ba, dude?”

                Alam niyang nagbibiro lang ang boss niya kaya tinawanan na lang niya. Siya lang naman ang pinariringgan nito. Siya lang ang natitirang single and available ngayon sa construction firm na pagmamay-ari ni Carvin.

                “Naghahanap naman ako, Sir. May nakilala na nga ako kaya lang ang weird, tinatakbuhan ako.”

                Makahulugang nilingon siya nito. “Florenz, maaaring di nga tayo close dude pero may gusto akong ireto sa ‘yo. Naghahanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya ng totoo. Akin na ang cellphone mo.”

                Sinunod na lang niya ito kaysa maisipan pa nitong tanggalin siya sa trabaho pag nagmatigas pa siya. Ibinigay niya ang cellphone dito. Nag-type ito ng number pagkatapos ay kunut-noong binalingan  siya. “Bakit Sir?”

                “Magkakilala kayo ni Setty?”

                “Setty?”

                “Serendipity ang tunay niyang pangalan.” Tumango lang siya. “Ow, nakakaamoy ako ng love story.”

                “Muntik ko lang siya masagasaan noong isang araw kaya kinuha ko ang number niya. Tinawagan ko siya pero tinarayan lang ako. Tapos kanina, tinakasan niya ako nang yayain ko siyang mag-breakfast kaya nga ako badtrip.”

                Napatawa si Carvin na ikinagulat niya.“Ibig sabihin, may ganon ng pangyayari? Seryoso na ata talaga iyon sa pagbabago ng prinsipyo sa buhay. Florenz dude, nabigo kasi iyon sa mga lalaki kaya ganon. Still interested on her?”

                Nilingon niya ang boss. “Seryoso ka ba Sir?” tumango ito. “Well, after five years siya lang ang nakakuha ng atensyon ko matapos mamatay ng huling girlfriend ko. Puwede.”

                “Engr. Manigbas, seseryosohin mo siya ha. Kung hindi mo siya mamahalin ‘wag mo na lang ituloy dahil kapag nasaktan iyon sa iyo, hindi lang kita sesesantehin. Mapapatay pa kita.”

                “At bakit naman, Sir? Dati n’yo bang girlfriend ‘yon?”

                “Hindi. Kabarkada iyon ng girlfriend ko. Hindi ako makakasal kay Thea ko hangga’t hindi nagkaka-boyfriend si Setty. May agreement silang dapat mauna ang nakakatanda sa magkakaibigan. Nauna na si Hyde kaya dapat magka-boyfriend na si Setty.”

                Mukhang seryoso nga ang boss niya. Bago siya  tumuloy sa trabaho niya ay ibinigay pa nito ang friendster account ni Setty sa kanya.


                MAGANDA ang pasok ng araw na iyon kay Setty. Kaninang umaga lang ay dumating ang unang sign na hinihintay niya. Dahil nakita na niya si Florenz ay naging masaya ang mood niya kahit na may pagkaanitpatikong ewan ito. Marahil iyon din ang dahilan kung bakit nakapag-close siya ng deal ng walang kahirap-hirap bago magtanghali. Bumalik siya sa restaurant kung saan niya nakita si Florenz kanina. Doon niya naisipang magtanghalian.

                Pagkatapos umorder ng kanin at pritong manok ay tinungo niya ang mesa na pandalawahan sa kaliwang sulok ng restaurant. Abala siya at sarap na sarap sa pagkain at pagsimsim ng iced tea nang biglang may umupo sa tapat niya. Agad siyang napatunghay.

                “You’re caught! Madalas ka ba dito?”

                Strike two. Nasa harapan na naman niya si Florenz. Nakatitig lang ito sa kanya at seryoso ang mukha. Napansin din niyang pareho sila ng inorder na pagkain. Woi, soulmate! Tumungo siya ulit nang maalalang tinakasan nga pala niya ito kaninang umaga. Lagot ka, Setty. Sasakalin ka na niyan mamaya.

                “Bakit mo ako tinakbuhan kanina?” tanong nito.

                Ayan na nga, sisipain ka na niyan! “Bakit basta ka na lang umupo sa tapat ko? Hindi ka man lang  humingi ng permiso kung gusto ko ng ka-share sa mesa na ito,” aniya.

                “Sagutin mo muna ang tanong ko bago ko sagutin ang tanong mo.” Nagsimula na itong kumain  na parang hindi naintindihan ang sinabi niya.  

                Itinuon na lang niya ang atensyon sa pagkain kaysa sagutin ang tanong nito. Wala kasi siyang maisip na puwedeng idahilan. Hindi naman niya puwedeng sabihin ang tungkol sa signs na hiningi niya kay Lord kaya nanahimik na lang siya.

                Biglang tumalon ang puso niya nang masuyong iniangat nito ang baba niya at sinalubong siya ng guwapong mukha nito. His thumb suddenly brushed the catsup on the side of her lower lip. Then, he smiled. “Alam mo, ayoko sa lahat ay iniisahan ako at wala din akong oras sa power trip na ginagawa mo. Ayaw kong palagpasin ang pagkakataong masakal ka kaya umupo ako dito.”

                Natigilan siya sa pagkain. Sabi na nga ba, sasakalin siya nito. Bahagya siyang umurong. “Bakit? Inaano ba kita? Hindi naman kita kaanu-ano kaya wala akong obligasyon sa iyo na samahan kang mag-agahan. Tsaka, wala namang pumilit sa ‘yo na magkaoras ka sa power trip ko. Hindi valid ang reason mo.”

                “I have all the right to sit here and all the right to do anything I want here.”

“Pagmamay-ari mo ba ang upuan na iyan?”

                Napailing ito. “Technically, medyo.”

                Napamulagat siya. “You own this business?” Tumango ito. “Hindi na ako babalik dito.”

                “Dahil pagmamay-ari ko ito?”

                “Oo.”

                “May galit ka ba sa akin? Bakit parang allergic ka sa akin? Wala naman akong ginagawa ah. Ikaw pa nga itong maraming konsumisyon sa akin.”

                Tinitigan niya ito. Pero parang mali ata ang diskarteng iyon dahil sa halip na mainis siya lalo ay natunaw pa lahat ng inis niya dahil sa maamong mukha nito at lovable na mata. Idagdag pa ang pagtalon ng puso niya. “Naintindihan mo ba ang mga sinabi ko sa ‘yo noon? Sige uulitin ko para maintindihan mo ng husto. I-hate-every-single-species-of-your-kind!”

                “Talaga? Eh bakit ang sweet ng mga ngiti mo habang nakatitig ka sa akin noong kumakanta ako sa simbahan noong wedding ng pinsan ko?” He suddenly blew a teasing smile.

                Oh, yes! She was caught in the act again!

                Pinandilatan niya ito. “Excuse me, hindi kita tinitigan. Ikaw ang nakatitig sa akin. Pangiti-ngiti ka pa  nga!”pagmamaang-maangan niya. Umiwas siya ng tingin dahil baka mag-blush siya.

                “I won’t deny that. Kaya nga kitang-kita ko kung paano mo ako titigan.”

                Ang kapal ng mukha. Pero guilty nga ako.… Teka sandali, tinititigan din niya ako? Therefore, nagtitigan kami?  Muntik na siyang mapatili.

Tumayo siya dahil tapos na naman siyang kumain. “I have to go.”

                “Setty!” pinigilan siya nito sa braso.

                Kunot-noong binalingan niya ito. “Paano mo nalaman ang nickname ko? Stalker na ba ang drama mo ngayon?”

                Ngumiti lang ito. “Serendipity Bathan, 28 years old, hometown is Lipa City pero sa Caliraya nakatira ngayon. You’re fond of reading romantic pocketbooks, Bob Ong’s and Paulo Coelho’s books. Description, mahilig magtext pero nang ma-realize na walang kwenta ang mga naging boyfriend sa text ay nawalan na ng hilig sa text. By the way, mahilig din akong mag-text. Mahilig ka sa horror movies at stories kahit matatakutin. Panganay sa apat na magkakapatid. Marketing field officer ng ceramic tiles company at nag-iisang single sa barkadahan. Who do you want to meet? Someone who will teach you what love really means through a romantic serendipity.”

                Napamaang siya. “Hinalungkat mo ang Friendster account ko?” Tumango lang ito. “At sinaulo mo pa ha. What do you want? Bakit ba ayaw mo akong lubayan?”

                “Friendship. Kung makaiwas ka kasi sa akin parang ako ang may atraso sa ‘yo. Dalawa na nga ang atraso mo sa akin.”

“Dalawa? FYI, hindi ko kasalanan kung apat na nga ang mata  mo, hindi ka pa makakita ng maayos sa dinaraanan mo. Lubayan mo nga ako.”

Pero parang hindi narinig nito ang patutsada niya. “Hindi lahat ng lalaki sa mundo ay katulad na mga walanghiyang nanloko sa ‘yo. Ibahin mo ako. I can prove it to you.”

                “Bitawan mo ako. Wala akong pakialam sa katwiran mo.” Mabilis naman siyang nakawala sa pagkakahawak nito. Nasa pintuan na siya palabas nang tawagin ulit nito ang pangalan niya. Nilingon niya ito. “What?”

                “You deserve to be loved, Serendipity.”

                Tila naglaho ang pagiging man-hater niya at inis sa sinabi nito. “I-I know. Thanks.” Ngumiti ito sa kanya na lalo niyang ikinagaan ng loob.



PREVIOUS                                                                          NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…