Skip to main content

An Answered Prayer- Chapter Three




Hindi maalis-alis sa isipan ni Setty ang sinabi ni Florenz habang hinihintay niya si Carvin sa opisina nito. Nasabi na niya noon pa kay Carvin na siya ang magko-close ng deal sa pagitan ng company niya at ng construction firm nito.

You deserve to be loved. Ngayon lang niya naranasan na masabihan ng ganon na tila napakaimportante niyang tao para dito. Naramdaman din niya ang respeto nito sa kanya. Napangiti tuloy siya. Sa loob ng isang araw ay nakuha niya ang dalawang signs. Isa na lang at hahayaan na niyang pumasok ng tuluyan si Florenz sa buhay niya.  Nahinto ang pagmumuni-muni niya nang pumasok na si Carvin sa opisina galing sa isang meeting.

“Setty, pasensiya na ha dude. Ang dami ko kasi inaasikaso. Nagtatampo pa si Thea sa akin. Kanina ka pa ba? Pinakain ka ba ng secretary ko?” sunud-sunod na tanong nito.

“Okay lang ako. Kararating ko lang—”

Biglang pumasok ang secretary nito sa opisina. “Sir, late na po kayo sa sunod na meeting.”


Bumaling si Carvin sa kanya. “Mukhang di kita maaasikaso ngayon. Ganito na lang, you go to Engr. Fluorescent Manigbas. Iyong katapat na pinto paglabas ng office ang office niya. Nasabi ko na sa kanya iyong deal. Siya na lang ang papirmahin mo.”

“Okay. Ngarag ka ata ngayon ha.”

“Medyo. Pasensiya na talaga. I have to go.” He kissed on her cheeks na palaging ginagawa nito sa mga kaibigan ng girlfriend nitong si Thea. Friendly kiss lang naman iyon kaya walang naging impact sa kanya. Para lang siyang hinalikan ng tatay niya.

Sinamahan siya ng secretary ni Carvin hanggang sa pinto ng engineer na tunog bombilya ang pangalan. Kung hindi lang iyon engineer ay nabalahura na niya ang pangalan nito. Kumatok siya at dahan-dahang  pinihit ang seradura. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makapasok siya sa opisina. Nasa harapanan na naman niya si Florenz na napatingin din sa kanya. Buo na ang sign mula kay God.

“Wow, dinadalaw mo ba ako? Please come in,” nakangiting sambit nito.

“At bakit naman kita dadalawin? Kapal din naman ng mukha mo ano. Bakit close ba tayo para dalawin kita?” Umupo siya sa visitor’s chair sa tapat ng mesa nito. May hawak-hawak itong technical pen at nakahain sa mesa ang sandamakmak na tracing papers na may mga blueprints.

“Suplada ka pala talaga, Miss Setty Bathan. So, what can I do for you?”

Inismiran lang niya ito. Inilatag niya sa ibabaw ng tracing papers ang contract na papipirmahan dito.   

“Ano ito?” tanong nito.

“Papel na may ink na may love letter,” asar na tugon niya.  “Sir, ngayon lang ba kayo nakahawak ng kontrata?”

“Ganyan ka ba, makipag-deal sa client? No wonder kung may naisasara kang deal.”

“I don’t need you comment Sir. Hindi ako malalagay as marketing field officer kung hindi ako maganda at magaling. Problema ko na iyon.” Naiinis na ako sa ‘yo! Ang bilis talaga ng kabig ng karma. Pinagtripan niya ito kanina kaya ngayon ay siya naman ang pinagtitripan nito.

“Yeah, you’re beautiful. So what do you need?” Pinaikot-ikot nito ang sa daliri ang hawak na tech pen habang binabasa ang kontratang inihain niya. Samantalang siya ay tila nawala sa sariling huwisyo. Anong sabi niya? Maganda raw ako? 

“Authograph  mo lang, Sir.”

“Kung ayokong pirmahan ito?”

 Ipapalapa kita sa mga alaga kong bayawak sa bahay! “Ipapasesante kita sa Boss mo, Sir.”

“Talaga? For what ground?”

“Dahil sa pagkakatanda ko eh sa ‘yo pinaaasikaso ni Carvin ang pagpirma niyan pero hindi mo ginawa. Paglabag iyon sa utos ng boss.”

 Nagkibit-balikat ito. “Ano bang meron ang tiles nyo na angat sa iba?”

Oras na para sa sales talk. “Well Sir, high quality and low cost. Hindi magiging well-known here and abroad ang products namin kung hindi maganda ang quality and designs namin.”

“Nababasag ba ang ceramic tiles nyo?”

Letse! May ceramics bang hindi nababasag? “Our products are made of high quality raw materials from foreign countries. Hindi siya madaling mabasag, unlike those tiles made of low quality. Puwede mong subukang ipukpok sa ulo mo para masiguradong hindi siya madaling mabasag.” Nakita niyang napataas ang kilay nito. “Pero syempre, tanga lang ang gagawa no’n. I assured you, you’ve got the best tiles in our company. May tanong pa kayo Sir?”
           
           “Bakit Serendipity ang pangalan mo?” Napataas ang kilay niya at biglang napatanga nang balingan niya ito. Nakatitig ito sa kanya at abot-tenga ang ngiti pero halata niyang nang-iinis lang. He has cute and adorable dimples na lalong nag-angat ng pagiging good-looking nito. Kumakabog na naman ang puso niya.
           
            Aba, ano bang pake mo? Cute naman ang pangalan ko ah. “Eh bakit Fluorescent ang pangalan mo? By the way, anong brand ka ng bombilya?”
            
          “Philips.” Pinirmahan nito ang contract na parang hindi man lang naramdaman na nang-aasar na rin siya. Lalo tuloy siyang nainis . “Kung kaharap natin ang nanay ko habang tinatanong mo iyan, malamang nasabunutan ka na no’n. My mother hates those questioning why her three children named Fluorescent, Chandelier, and Dheylight. May-ari daw ng furniture house ang tatay noon bago siya mamatay. Napagtripan nina inay na ipangalan kami sa mga ilaw dahil my bright future daw kami.”
          
          “Ah, nice story.”

            “Your turn.”

            “Of what?”

            “Answering my question. Bakit Serendipity ang pangalan mo?”

            “Sa isang ‘serendipity’ daw nagkakilala ang mga magulang ko. Iyon lang. Kakaibang love story na kung ikukwento ko pa sa ‘yo ay makakatulog ka lang sa sobrang haba.”

            “Hmmm. That’s why you’re also waiting for a romantic serendipity? By the way, kung napapansin mo tatlong beses na tayo pinagtatagpo ngayon araw na ito. Soulmates siguro tayo.” Iniabot nito sa kanya ang contract.

            “Soulmate? Kung ikaw ang ka-soulmate ko, makikipagpalit ako ng soul ora-mismo.”

            “FYI Miss Bathan, maraming naghahangad na maging soulmate ko.”

            “Puwes, hindi ako kasama sa mga iyon. Kanilang-kanila na ang kaluluwa mo. Aanhin ko naman iyan eh meron din akong kaluluwa.” Tumayo na siya. “Salamat sa deal, Mr. Manigbas.” Nakipag-kamay siya dito. At sa sandaling naglapat ang palad nila ay may kung anong  kakaibang damdamin ang biglang dumaloy sa braso niya. Tumalon ang puso niya nang balingan niya ito. Nakatitig na naman ito sa kanya at nakangiti. This time, wala ng halong pang-aasar ang ngiti nito.  Siyet! Mas guwapo ka talaga pag nakangiti!

            “Can we now be friends?”

            Sinubukan niyang alisin ang kamay niya sa pagkakahawak nito pero hindi siya nito pinakawalan. “I insist, Setty. Hindi naman ako nangangain ng tao kaya wala kang dapat ipag-alala.”

            “Okay, fine! Bitawan mo na ako bago magbago ang isip ko.” Finally, binitawan na nito ang kamay niya.

            Bago siya lumabas ng opisina ay dinampot niya ang nakakalat na paper clip sa mesa nito. “Akin na lang ito?”

            Kunot-noong tinitigan siya nito. “Aanhin mo ‘yan?”

            “Souvenir!”


            NAGPALIPAT-LIPAT sa laptop at sa cellphone ang mata ni Setty. Hinintay niyang magparamdam si Florenz sa kanya matapos niyang umalis sa office nito. Kasalukuyang gamit niya ang laptop ni Hyde para i-accept ang request ni Florenz na idagdag ito sa friends niya sa Friendster. Hinalungkat na rin niya ang account nito. Akala mo ha. Hindi lang ikaw ang marunong magsaulo ng account ng may account. Pero hindi pa man niya nabubuksan ang mga photos nito ay dumating na ang maiingay niyang kaibigan.

            “Oy, Setty. Teka, mukhang good mood ka ata ngayon ah,” puna ni Aya.

            “May dahilan ba iyan?” tanong ni Thea.

            Binalingan niya ng tingin ang cellphone niya.

            “At bakit patingin-tingin ka na naman sa cellphone mo?” ani Hyde.

            Nilingon niya ang mga ito. “Masaya ako. May bago akong textmate.”

            Di na siya nagtaka nang makita niya ang disappointment sa mukha ng mga nito. Bago pa siya makapagpaliwanag ay umani na siya ng singhal sa mga ito.

            “Ha? Ano na naman iyan?”

            “Sabi mo, magbabago ka na?”

            “Sabi na nga ba, walang patutunguhan iyang desisyon mo noon eh.”

            “Saang planeta mo na naman nakuha ang textmate na iyan?”

            “Aso ba iyan? Kambing? Baka? Manok? Baboy? Malay natin baka nage-evolve na ang mga animals ngayon at marunong ng magtext.”

            “O baka naman organism lang iyan, fungi, germs o virus?”

            Napailing na lang siya. Daig pa niya ang criminal na kinastigo ng mga pulis sa mga pinagsasabi ng mga ito.

            “Mga lukarit kong kaibigan, isa siyang tao. Guwapong tao at napakagaling kumanta. He’s an Engineer and a wedding singer,” depensa niya.

            “Weh, eh paano mo naman nasabi iyan? Nakita mo na ng personal? Naman!” si Aya.

            “O narinig mo na bang kumanta ng live iyan?” si Thea.

            Matamis na ngiti lang ang tugon niya sa mga ito.

            “Wag mong sabihin na nakita mo na nga iyan ng personal? Hihimatayin ako!” hirit  ni Hyde.

 Tumango siya. “Limang beses na. At take note hindi namin sinadyang magkita. Nagkita muna kami at ngayon pa lang kami magsisimulang maging magka-text. Pero parang mas gusto ko na personalan na lang palagi,” tugon niya. Binalik niya ang atensyon sa Friendster account ni Florenz. Binuksan na niya ang  photos nito.

            Nilapitan siya ng mga ito at eksaktong bumulaga sa kanila ang guwapong picture ni Florenz sa monitor ng laptop ni Hyde. Doon tuloy napabaling ang atensyon ng mga ito. Mabuti na lang at wala sa paligid ang mga ‘valentino’ ng mga ito. Kung nagkataon, lagot ang mga kaibigan niya sa mga iyon.

            “Yan ba? Wow! Wala akong masabi kundi wow!” sabi ni Hyde.

            “Wag mo ng pagnasaan iyan Ate Hyde. May asawa ka na.” Inilayo ni Thea si Hyde para mas makita nito ng malapit ang picture. “Wow nga! As in super wow!”

            “Patingin nga ako.” Sumilip na rin si Aya. “Anong super wow?  Super-duper wow! Lamang siya ng sampung paligo kay Lem!”

            “Walong paligo kay Carvin ko.”

            “At limang paligo kay Hiro ko.”

            “Ngayon, tama nga sila. Save the best for last!” May kasabay pang sabunot sa kanya ang litanya ni Aya. “Paano kayo nagkakilala? Magkwento ka.”

            Iyon na nga ang ginawa niya. Ikinuwento niya ang buong detalye ng pagkakakilala nila ni Florenz at maging ang sign na hiningi niya kay Lord habang binubuksan isa-isa ang seventy-two photos nito. Hanggang sa makakita siya ng picture nito kayakap ang isang babae. Binasa niya ang caption ng picture. My dearest girl, may she rest in peace. Biglang may kumurot sa kanyang puso. Kung ganon ay namatayan pala ito ng girlfriend noon.

            “Sino ang babaeng iyan? Taken naman ata siya eh,” usisa ni Hyde.

            “Girlfriend niya na…namatay na. ‘May she rest in peace’ ang naka-caption eh. How sad. Kawawa naman siya.” She clicked the next button at tumambad naman sa kanila ang picture nito na may buhat na bata na sa tantiya niya ay mga dalawang taong gulang. “Mukhang may anak sila.” Nalungkot siya di dahil ama na ito kundi dahil sa nakaramdam siya ng awa para kay Florenz. Ang aga nitong nabyudo.

            Tinapik ni Aya ang balikat niya. “Okay lang iyan. Malay mo, ikaw ang maging second wife niya. Hindi na iyon masama.”

            “Tsaka, mukhang bagay kayo,” dagdag ni Thea.

            “Teka parang mali. Basahin n’yo ang caption,” ani Hyde.

            Iyon nga ang ginawa nila. My adopted child, Sechi.

            “Adopted child? Baka nag-ampon siya para maka-recover sa pagkamatay ng girlfriend niya,” aniya. Tinitigan niya ang picture. Hindi nagkakalayo ang hitsura ni Florenz at ng bata. Bigla siyang napangiti kaya nagulat pa siya nang mag-ring ang phone niya.  Sa wakas ay nagparamdam na nga si Florenz. Pansamantalang iniwan niya ang mga kaibigang pinagnanasaan si Florenz at nagpunta siya sa kanyang silid habang kausap ito.

            “So, anong ginagawa mo ngayon?” anito sa kabilang linya.

            “Nakikipag-usap kay Florenz,” biro niya. Narinig pa niya ang impit na pagtawa nito. “O bakit? Eh sa talaga namang kinakausap kita ah.”

            “Oo nga, sabi ko nga. Aside from pakikipag-usap sa akin, may ginagawa ka pa ba? Baka nakakaistorbo ako sa ‘yo.”

            “Wala naman. Katatapos ko lang i-confirm ang request mo sa friendster ko noong tumawag ka. Ikaw?”

            “Ako? Nagma-mop ng sahig.”

            Napakunut-noo siya. “Sa opisina mo sa Santos Construction Firm?”

            Tumawa na ito ng tuluyan. “Nakakatuwa ka rin palang humirit ano. Akala ko eh pagsusuplada lang ang alam mo. Syempre hindi sa firm. May janitor naman kami do’n. Nagma-mop ako dito sa restaurant ko. Wala lang sinisipag kasi ako.”

            “Ganon? Eh ikaw pala ang may ginagawa eh. Istorbo lang ako.”

            “Ako kaya ang tumawag sa iyo, which means ako ang nang-iistorbo. Nabasa mo na siguro ang content ng Friendster account ko ano?” sumeryoso ang tinig nito.

            “Yeah. Sayang iyong…. girlfriend mo,” nag-aalangang sambit niya.

            “She died five years ago. Ikakasal na sana kami in two months nang mamatay siya. Ni hindi ko nga siya naipakilala sa magulang ko. Namatay kasi siya noong araw na ipapakilala ko na siya sa pamilya ko. Kaya alam ko ang pakiramdam ng naiiwan, Setty. Kung naging man-hater ka, ako naman inilayo ko ang sarili ko sa mga babae.”

            “Bakit naman?” nakaramdam siya ng simpatya para dito.

            “Dahil tulad mo, ayoko ko na ring masaktan. Humingi nga ako ng sign kay Clarine kung kelan ako dapat magmove-on sa pagkawala niya. At hanggang ngayon, hindi pa rin niya ibinibigay sa akin iyon.”

            Napaisip siya. Ang swerte ng girlfriend nito. Mukhang ang sarap nitong magmahal. “Teka, naniniwala ka sa signs?” Iniba na lang niya ang usapan bago pa siya tuluyang mapaiyak sa kadramahan nito.

            “Oo. Naniniwala ako sa signs, sa destiny, sa serendipity.”

            “Wow, believer din ako noon.”

            “Sabi ko sa iyo eh. Soulmates tayo. Magka-birthday nga tayo. Mas matanda lang ako ng dalawang  taon.”

            Nagulat siya at natuwa sa napag-alaman. “Talaga? August 21 ka rin? Ang galing naman! Ano pa kaya ang similarities natin?”

            “It’s up to us to discover, I guess.”

            “Yeah.” Narinig niya sa kabilang linya na may matandang babaeng tumawag sa buong pangalan nito. “Mukhang hinahanap ka na ng nanay mo. Tama ba ako?”

            “Oo nanay ko nga iyon. Papaluin na naman siguro ako dahil may nabasag na naman ako kanina sa sobrang inis ko sa iyo. Nabasag ko iyong tasa.” Tumatawa pa ito habang nagkukwento.

            “Napapalo ka pa sa laki mong iyan?” Parang nakakatawa ata na napapalo pa ito ng nanay nito sa hitsura nitong certified heartthrob image at kasing katawan lang naman ni Piolo Pascual.

            “Pasaway kasi ako. Nakakabasag ako ng wala sa oras lalo na pag  galit.”

“Bayolente ka pala.”

            “Di naman praning lang. Ahm, I think I have to go bago kami maghabulan ng walis ng nanay ko.”

Napatawa siya.“Okay, babu!”

            “Wait, Setty.”

            “Hmm?”

            “Can we meet here for breakfast? For real na  breakfast. Bawal akong takasan at indianin kaya I’ll expect you tomorrow morning?”

            “Nagtanong ka pa eh pinagbawalan mo na akong tumanggi!”

            “Ah, oo nga ano. So I’ll expect you then.”

            “Sure. Goodnight.”

            “Goodnight!”


                Napabuntong-hininga siya habang pabiglang isinalampak ang katawan sa kama. Excited siya para bukas. Inisa-isa na nga niyang isipin ang laman ng closet niya para makapili na siya agad ng maisusuot na damit bukas kahit tinatamad siyang tumayo. Lord, maraming salamat po.   







PREVIOUS                                                                     NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…