Skip to main content

An Answered Prayer- Chapter Ten




Naibsan lahat ng sakit na naramdaman niya nang harapin niya si Florenz. Nahagip pa ng paningin niya ang bahagyang pagtulo ng luha mula sa mga mata nito. Shucks! Iniiyakan niya ako! Nahusto na lang siya sa pagdama ng mga nabitawan nitong salita kanina lang. Mahal na mahal kita, Setty!

                Sa halip na pawiin nito ang sariling luha, mas inatupag nito ang pagpawi ng luha sa kanyang pisngi. “I’m sorry Setty, hindi ko ginustong masaktan ka. I love you so much. Noong una pa lang kitang makita noon sa airport, ipinagdasal ko sa Diyos na sana makita kita ulit. Until the answered prayer came. Nakita kitang naglalakad noong araw ng kasal ng pinsan ko. Sa sobrang excitement ko, napalakas ang pagbusina ko para mapansin mo lang ako.”

                Napakunot-noo siya. “Ha? Anong airport? Sa palengke tayo unang nagkita!”

                “Sa airport,” pagtatama nito. “Busy ka sa pagte-text noon sa waiting area ng airport. Mukhang may sinundo kayo ng mga kaibigan mo. Tinitingnan kita habang nasa loob ako ng sasakyan. Sinundo ko si Carvin noon. Bumaba pa nga ako ng kotse para salubungin si Carvin at para makita ka ng mas maayos. Mula nang araw na iyon, hindi ko na nakalimutan ang mukha mo.”


                “Ha?” Pumikit siya para halungkatin ang kasuluk-sulukan ng kanyang memory. Pinilit niyang alalahanin ang mga sandaling sinundo nila noon si Aya sa airport. Napamulat siya nang maalala iyon. “Ikaw ba ‘yon? Naman, nakapag-comment pa man din ako noon tungkol sa ‘yo.”

                “Anong comment?” Ito naman ang napakunot-noo.

                Siya na ang nagpunas ng mga luha nito sa pisngi. Makailang beses pa na lumuha ito habang nagpapaliwanag ito. “Sinabi ko sa kanila na mas guwapo ka kaysa do’n sa sinundo mo.”

                Sa kabila ng compliment niya ay bakas pa rin sa maamong mukha nito ang buong pag-aalala. Hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang mga kamay. Naramdaman na  naman niya ang pagtalon ng kanyang puso. Yeah, of course. In love pa rin kasi siya sa lalaking ito. Tila may kung anong nagdikta sa kanya na pakinggan ang paliwanag nito habang sa di kalayuan ay tahimik lang na nakamasid ang mga kaibigan niya.

                “Ilang beses kitang nasaktan. Alam ko iyon. At lalo pang nadagdagan ang kasalanan ko sa ‘yo nang matuklasan ko na ikaw si Yesha. Iyon ang dahilan kung bakit natulala na lang ako sa cellphone mo noong abutan mo akong hawak iyon pagkagaling mo sa meeting. I’m sorry.” Tinitigan siya nito nang buong sinseridad. “Ang sama ko. Kung puwede ko nga lang sanang sapakin ang sarili ko, matagal ko na siguro nagawa iyon. I know you don’t deserve a jerk like me. Kapag kasama kasi kita natatanga ako. Hindi ako nakakapag-isip ng diretso kasi nadi-distract ako sa presence mo.I know now why. It’s because I love you with all the entire me.

                “Noong umiyak ka sa harap ko dahil nawalan ka ng trabaho at alam kong nasaktan ka sa kung anumang nasabi ng ex-boss mo, nasabi ko sa sarili ko na hindi na puwedeng maulit iyon. Nadagdagan pa ang kagustuhan kong alagaan at protektahan ka noong muntik ka ng madisgrasya dahil tumanggi kang ihatid kita. Pero ang siste, ako pa mismo nakapagsabi ng di maganda sa ‘yo. Andami ko ng kapalpakan. But still you keep on forgiving me. Ano pa bang hahanapin ko? Ang Diyos na ang nagbigay sa ‘yo sa akin. Ang tagal kong ipinagdasal na sana dumating ang isang ikaw sa buhay ko. You’re all I need to recover my lost life. It’s just you. And I knew it. I finally found my happiness.”

                Napawi na ng tuluyan ang sama ng loob niya. ang tanging natitira na lang sa kanya ay ang consistent na pagtalon ng puso niya. Hindi siya makapaniwala na maririnig niya ang mga iyon kay Florenz.

                “Please believe me, Setty.” Niyakap siya nito at matapos niyang damahin ang yakap nito ay bumitaw siya para titigan ulit ito. Pakiramdam niya ay magandang hobby ang pagtitig sa expressive eyes nito lalo pa ngayong sa pangalawang pagkakataon ay wala itong suot na eyeglasses.

                “Okay.”

                Napakunot-noo ito. “Anong okay?”

                “Ahm, so mahal mo nga ako?”

                An admirable breath-taking smile covered his face. “Sobra! As in! Ikaw ba?”

                “Oo, I love you more Florenz. You’re also an answered prayer. Noong makita kitang kumakanta sa altar noon, nagdasal ako sa Poong Nazareno at hiniling na ibigay ka na lang Niya sa akin.Humingi ako ng sign at naibigay mo iyon ng walang ka-effort-effort!”

                Napansin niyang nagulat ito sa sinabi niya. “Ha? Talaga?”

                “Oo, mahabang kwento pa iyon. Saka ko na lang ikukwento sa ‘yo. Ang mahalaga mahal kita at mahal mo ako.”

                Tinitigan siya nito nang buong pagmamahal. “So, this is really official,” pangiti-ngiting sambit nito. Napansin niyang bumaba ang mata nito aiming to stare her lips. He moved closer to her face ang landed a sweet tender-loving kiss on her lips. Without any hesitation she gave in by answering all those sweet evidence of his love. There it was. Her first ever chever real kiss.

                Yehey! Nahalikan na rin ako! Magbunyi! Nagse-celebrate na ang puso at isipan niya. Hanggang sa marinig nila ang cheer ng mga kabigan niya. Pero hindi na nila inintindi ang mga ito.

                They keep on staring at each other’s eyes after they parted from kissing. “It’s not yet offcial,” sambit niya.

                Mabilis na bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Bakit?”

                Napatawa siya. “Marry me first.”

                Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Oh, that adorable breath-taking smile. Alam niyang habambuhay na niyang masisilayan iyon. And that fact made her feel so lucky. In her mere surprise bumunot ito ng kung ano sa bulsa at hinagip ang kanyang kamay. In one second, his holding a ring and lovingly wore the ring in her finger. Napangiti siya.

                “Serendipity Bathan, With all my sincerity, yes! I’ll marry you. Will you do the same too?”

                Napahalakhak tuloy siya. “Of course! Ako nga ang unang nag-alok ng kasal di ba?”

                “That was really so nice.” He immediately grabbed her lips again.

                Napatigil lang sila nang mapansing papalapit na ang mga kaibigan nila sa kanila.

                “Congrats!” sabay sabay na bati ng mga ito.

                “Pero bago tayo lubusang magsaya, may sasabihin nga pala sa inyo ang kurimaw kong boyfriend na ito,” sambit ni Thea sabay turo kay Carvin.

                Nilingon nilang dalawa si Carvin.

                “Ah…eh…” mukhang kabadong sambit ni Carvin. Nasindak na naman ata ito kay Thea.

                “Carvin, magsasalita ka o hindi kita pakakasalan?” Nagbigay na ng ultimatum si Thea.

                “Eto na nga, aamin na ako.” Bumaling ulit si Carvin sa kanila. “Ah…iyong tungkol doon sa muntik ka ng ma-gang rape Setty--”

                “Paano mo nalaman iyon?” nagtatakang tanong niya. At sa mukha ng mga kaibigan niya, mukhang alam din ng mga ito ang nangyari sa kanya.

                “Teka lang…magpapaliwang nga ako eh. Ako lang ang may pakana no’n. Set-up lang iyon para magkalapit kayo ni Florenz. Walang alam si Florenz.”

                “What?!” sabay na reaction nila.

                “Sir Carvin naman, alam mo ba pati ako eh natakot sa naging epekto noon kay Setty. Grabe ka!” Di alam ni Florenz kung maiinis ba o susuntukin na lang basta ito.

                “Naku, mapapatay kita Carvin! Nagka-post traumatic attack ako! Buwisit ka!” Inis din si Setty pero hindi gaano dahil aminin man niya o hindi naging dahilan rin iyon ng lalo nilang paglalapit ni Florenz.

                “Sorry na nga, pero tingnan n’yo naman iyong brighter side. Naging mas close kayo dahil do’n.”

                “Oy, hindi ako magpapasalamat sa ‘yo ha. Ikaw kaya ang ipa-rape ko!” asik niya.

                “Well…” Sumilay ang ngiti sa labi ni Carvin na tila nag-i-imagine ng sangkaterbang babaeng pumapalibot dito.

                Siniko ito ni Thea kaya napasinghap ito.

                “Sa sampung lalaki? Okay lang sa ‘yo?” pagpapatuloy niya. Humagalpak ng tawa ang lahat.

                “Yuck!” masuka-sukang reaction ni Carvin.



                Matapos ang ilang buwang preparation, sa wakas ay haharap na rin sila ni Florenz sa altar. Abay ang lahat ng kanyang kaibigan at ilang kamag-anak nilang dalawa. Si Sechi ang tumayong little bride.

                Nagsimula na ang entourage. At habang ninanamnam niya ang paglalakad sa aisle bilang center of attention ng lahat ng naroon sa wedding ceremony nila, pumapailanlang sa buong simbahan ang malamyos na tinig ng wedding singer- walang iba kundi ang kanyang husband-to-be na naghihintay sa kanya sa may altar. Titig na titig ito sa kanya habang kumakanta.

Watching as you softly sleep, what I'd give if I could keep. Just this moment if only time stood still. But the colors fade away, and the years will make us grey. But baby in my eyes you'll still be beautiful.  All I want is to hold you forever. All I need is you more every day. You saved my heart from being broken apart. You gave your love away and I'm thankful every day for the gift.


                Yes indeed. She was the happiest woman in the world. Florenz was an answered prayer and a wish granted. Habang ikinakasal sila ramdam niya ang buong pagmamahal nito. And she knew it. From that very start of that day, she will always feel the same. Marami pa siyang pinagninilay-nilayan at halos hindi na nga niya naintindihan ang sinabi ng pari nang inalalayan siya ni Florenz na tumayo. Tinitigan siya nito ng buong pagmamahal bago dahan-dahan nitong itinaas ang belong nakatakip sa mukha niya. ‘You may kiss the bride’ moment na pala. Sa dami ng iniisip niya ay muntik na niyang makalimutan na ikinakasal nga pala siya. Hay naku Setty, isa ka talagang luka-luka!

                “You look so beautiful in white, Setty. I love you so much.” Hinawi nito ang kanyang bangs na lumaylay sa mukha niya.

                “You’re more handsome without eyeglasses! I love you so much too.”

                Then they sealed the wedding ceremony with sweet kisses while the recorded golden voice of Florenz singing Forevermore echoed inside the church. 





THE END

Comments

angel kabigting said…
ang ganda the best :)), ahahahah gumicng ako ng 4 am para magbasa lang saya noh :)
Anonymous said…
whew! ang ganda tlaga ng love story... i like it..
Anonymous said…
...wow/....ang gAnda tlaGA soBra..
Anonymous said…
write more....this story reveals how good you are as a writer....really a heart touching romantic piece.
Rosalyn Nunez said…
Ang ganda tlga ng story...tnx writer.
Anonymous said…
This is a feel good story:)
Unknown said…
Nice one!

I love the story and hiro did made me laugh
Unknown said…
Nice one!

I love the story and hiro did made me laugh

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…