Skip to main content

An Answered Prayer- Chapter Seven



“Setty?”


                “Hmm..”


                “Thank you.”

               Napakunot ang noo niya. “Ha? Ako nga dapat ang mag-thank you sa iyo ah. Sinusupladahan na nga kita’t lahat, but still andyan ka pa din sa tabi ko. Parang ‘knight in  shinning, shimmering, splendid armor’ nga ang drama mo sa buhay ko. Utang ko sa iyo ang buhay ko, Florenz. Thank you.”


                Bumangon ito at sumandal sa head rest ng kama at tinitigan siya. Naghalo na tuloy sa puso niya ang takot sa mga manyakis at kilig para kay Florenz.


                He suddenly moved closer to her and gently brushed her hair. “Alam mo ba, humingi ako ng sign kay Clarine. Siya ang pinagdesisyon ko kung kelan ako magmo-move on. Sabi ko, kapag naka-witness ako ng same case ng pagkamatay niya, ipagtatanggol ko ang biktima. At kapag nagawa ko iyon, ibig sabihin noon napalaya na ako ni Clarine at puwede na akong magmahal ulit.”


                “Ibig sabihin namatay si ex mo sa…gang rape?”



                “Oo. Sa parehong lugar kung saan ka muntik nang….Anyway, iyon na nga. At dahil sa iyo, napalaya na ako ni Clarine. Puwedeng-puwede na siguro tayo.”


                “Ha?”


                Ano daw?? Woohooo… this is the moment!!!

                Iniiwas niya ang tingin. Tila umikot ng 360 degrees ang paningin niya sa sinabi nito. Napapikit tuloy siya.


                “Setty, gusto kita. I enjoy your company. Di mo lang alam pero nang dumating ka sa buhay ko, andaming nabago.”


                “Puwedeng malaman ang mga iyon?” Iminulat niya muli ang mga mata.


                “Nang dumating ka sa buhay ko, nagkaroon ako ng sakit ng ulo. Biro mo, ilang beses akong nadisgrasya dahil sa ‘yo tapos di pa do’n natapos dahil ginawa pa kitang secretary ko. Araw-araw na inspiration, distraction, pollution. Lahat ng iyon ikaw ang may dala sa buhay ko.”


                Pinandilatan niya ito ng mata. “Ganon? Sana di ko na lang pala tinanong.” Sinimangutan pa niya ito.


                Bumungisngis lang ito. “Kidding aside, ano bang puwede kong gawin para makabawi ako ng tuluyan sa iyo?”


                “Nakabawi ka na, Florenz. Iniligtas mo ang buhay ko and that means a lot.”


                “Pakiramdam ko kasi kulang pa iyon. I want to make you happy, Setty. Naguguluhan din nga ako sa sarili ko. Di ko maintindihan kung gusto pa lang kita o mahal na kita. But I’m pretty sure I’m in between of that two.”


                Siyet! Nagtatapat na ang loko!!!! Dapat siguro suyuin niya pa ako!


                “Sige, bibigyan kita ng pagkakataong bumawi.” Nilingon niya ito at natagpuan niya sa mga mata nito na tila nabuhayan ito ng loob.


                “Anything.”

                “Be my boyfriend in front of all.”


                “Hmm, nice idea! Sure!”


                “Pero hindi totoo ang relationship natin. It’s just kailangan ko ng magka-boyfriend para maikasal na ang dalawa kong kaibigan. Don’t worry, hindi ko aabusuhin ang puso mo. Hindi ito sana ang gusto kong love life pero kailangan ko itong gawin para kina Thea at Aya.”


                Napansin niya ang bahagyang lungkot sa mata nito kahit na nakangiti ito. “We could make it real. I promise I’ll be a good boyfriend. Kayang-kaya naman kitang pagtiyagaan. Since mahal naman kita, di ba dapat matuto akong magtiis.”


                Kinurot niya ang braso nito at agad naman itong napasinghap. “Kapal ng face! Ako pa talaga ang pagtitiyagaan mo, ganon? Hoy, kung alam lang ng mundo kung gaano kaswerte ang lalaking makakatuluyan ko ano!”


                “Sige nga, pa-experience!” ngumiti ito na tila may malisyang iniisip.


                Tinampal niya ang tiyan nito.


                He suddenly kissed her forehead. “So hanggang kailangan tayo mag-boyfriend?”


                Tila nanuot sa buong sistema niya ang ginawi nito. “H-hanggang sa maikasal sila.”


                “Puwede akong humirit ng isa lang.”


                “Ano iyon?”


                “Don’t stop to fall in love with me, okay. ‘Coz I won’t stop making you fall in love with me. ‘Wag mong pipigilan ang sarili mo kung ma-in love ka na rin sa akin. Pagbibigyan naman kita ng pagkakataon na mahalin din ako. ”


                Aba!!!! Kumakapal talaga ang face ha. Pero kinikilig pa rin ako!  Nginitian niya ito. “Ang yabang mo!”


                “Pero sana magtagal pa bago sila ikasal.”


                “At bakit?”


                “Para matagal kitang magiging girlfriend.”


                “Sira!”


“’WAG po, maawa po kayo sa akin! ‘Wag  n’yo po akong saktan!!!”


Napabalikwas ng bangon si Florenz nang marinig ang pagtili ni Setty. Binabangungot ito! Humahagulhol ito ng iyak nang  sa wakas ay magising ito. Wala siyang nagawa kundi ang ikulong ito sa mga bisig niya. Nanginginig ang buong katawan nito sa takot. Malaking trauma talaga ang naidulot ng insidenteng iyon kay Setty.


“Tahan na.” Masuyong hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito. “Ligtas ka na, wala ng makakapanakit sa ‘yo hangga’t buhay ako.” Anong puwede ko pang gawin para maging okay ka na, Setty ko? Hindi siya umalis sa tabi nito hangga’t hindi ito kumakalma. Matagal-tagal din na humahagulhol ito sa iyak, habol ang paghinga, at nanginginig ang katawan.


“I think I should take you to the hospital,” suhestyon niya.


Hindi ito umimik. Napayakap lang ito ng mahigpit sa kanya. Natutunaw na ang puso niya sa babaeng ito. Kung alam lang niya sana ang dapat gawin para hindi na ito ma-trauma.



HINDI mapigilan ni Setty ang pagluha niya. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang umiiyak at yakap-yakap ni Florenz. Ngunit di tulad kanina pagkagising niya, unti-unti na siyang nakakalma kaya siguro nararamdaman na niya ang pag-eksena ng patalon-talon niyang puso.


“Okay ka na ba?” pabulong na tanong nito sa kanya. Naramdaman niyang unti-unting kumakalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Tinitigan siya nito ng buong pag-aalala.


“Sana…sana maging okay na ako.”


Tumayo ito at akmang iiwan na siya nang hilahin niya ang kamay nito. “Teka Florenz, ‘wag mo muna ako iwan. Natatakot pa ako.”


Nakangiting sumampa ulit ito sa kama. “Makakatulong ba kung yakapin ulit kita?” She nodded. Then he immediately wrapped his loving arms around her.


Sa mga oras na iyon hindi lang security at comfort ang napala niya sa yakap nito. Naramdaman niya ang buong pagmamahal sa pagkakayakap nito. Siyet! Ito lang ata ang bombilyang super-duper bango kahit bagong gising! Wag mo na akong bibitawan ha!  Pati siya ay natatawa sa tinatakbo ng isip niya.


Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang butihing ina nito! Sa sobrang gulat at kalituhan, bigla na lang niyang naisipan na kagatin ang braso ni Florenz!


“Araaay!” Awtomatikong binitawan siya nito habang napasinghap. “At bakit ka naman nangagat ha?!” singhal nito sa kanya. 


“Y-yakap ka ng yakap! Inaabuso mo na ako!” Nilingon niya ang pintuan at nakitang bumubungisngis  si Ginang Merlita.


“What? Ang gulo mo talagang kausap kahit kailan!” Halata sa mukha ni Florenz ang sobrang pagkainis.


“Mga anak, nakahanda na ang agahan. Bumaba na kayo sa restaurant ha,” singit ng ginang. Binalingan pa siya nito. “Pakikagat na lang ulit ang anak ko para sa akin. Matagal ko ng hindi napapalo iyan eh.”


“’Nay naman! Sakyan ba daw ang trip ng babaeng ito!” angal nito na napapakamot pa ng ulo.


“Aba anak, magpakabait ka dyan sa girlfriend mo. Sige ka, baka maghanap pa iyan ng iba. ‘Pag nangyari iyon, papaluin kita sa puwet.”


Napabungisngis na rin siya. Na-imagine kasi niya ang hitsura nito habang walang-awang pinapalo sa puwet ng ina.


“’Nay!”


“Sige na, maiwan ko na kayo dito.” Mabilis na umibis ang ina ni Florenz at naiwan silang dalawa sa kwarto.


“Aswang ka ba?” walang anu-ano’y tanong ni Florenz pagkasara ng pinto.


Humagalpak ng tawa si Setty. “Patawa ka! Sa ganda kong ito? Mukha ba akong aswang?”


“Hindi nga. Pero para ka talagang aswang.” Tiningnan nito ang braso at kagyat itong napamura. “Grabe ka, baka may rabbies ka ha. Bakit  mo ba ako kinagat? Niyakap ka na nga’t lahat nangagat ka pa.”


“Wala lang. Trip.”


Tiningnan siya nito ng masama. “Hindi ko talaga maintindihan ang ugali mong iyan. Puwede ba, magpakatino ka nga. Para kang hindi babae. Parang di ka naturuan ng magandang asal.” Galit ang tono nito.


Natigilan siya. Mainit na naman ang ulo nito at masama na naman ang tabas ng dila nito. Ganito na talaga siguro ito kapag nagagalit. Sino nga bang matino ang hindi magagalit kung bigla mo na lang kagatin matapos kang yakapin at damayan?


“Baka nakakalimutan mo boyfriend na kita. Naglalambing lang naman ako,” tugon niya habang pinipigilan ang mapaiyak ulit sa pang-iinsulto nito.


“Naglalambing? Baka nakakalimutan mo rin na front lang ang relasyon natin at sa ‘yo nanggaling ang idea na iyon.” Pabalibang na binuksan at sinarhan nito ang pinto. Naiwan siyang nag-iisa sa kwarto.


Baka nakakalimutan mo ring nangako ka na gagawin mo ang lahat para ma-in love ako sa ‘yo! Kagabi  lang  iyon. Foul na talaga. Iiyak na ako! Awtomatikong pumatak ang luha niya. Bombilya ka, hindi na kita kakausapin! Nagpunta siya sa banyo at nakita roon ang damit niya. Nalabhan na ang mga ito at planstado na rin. Naligo siya at nag-ayos ng sarili. Matapos ay nagpaganda siya ng husto.


Bumaba siya sa restaurant at nakita niyang nasa isang mahabang mesa na ang buong pamilya ni Florenz. Maging si Sechi ay gising na rin at ginugulo ang ayos ng buhok ni Florenz habang buhat-buhat ito ng huli. Napatingin ito sa direksyon niya nang hustong makababa siya ng hagdan na nagdudugtong sa restaurant at bahay. Bukas na ang restaurant at mayroon na ring mangilan-ngilang customers na nag-aagahan doon. Matamang nakatitig lang ito sa kanya. Dinedma niya ito at magiliw na bumati sa ina at sa dalawang kapatid nito. Sa tabi ni Florenz siya pinaupo ng nanay nito kaya kahit naiinis pa siya sa lalaking ito ay wala siyang nagawa. Nang hustong makaupo na siya ay bigla siyang niyakap ni Sechi.


“Nay, sama ako Calilaya,” naglalambing na sambit ng bata.


Niyakap niya ito. “Ano ba sabi ni Tatay?”


“’Yaw niya.”


“Sundin mo si Tatay. Malayo kasi iyon.”


“Eh kelan kita kita ulit?”


Nagkatinginan sila ni Florenz. Anong tinitingin-tingin mo dyan ha? Isupalpal ko iyang pandesal sa mukha mo eh!


Binalingan na lang ulit niya ang bata bago pa niya maisakatuparan ang iniisip niya. “Bukas, dadaan ako dito bago ako pumasok sa trabaho.”


“Promise?” tanong ni Sechi.


“Promise.” She gave Sechi a kiss on head.


Nagsalin na si Florenz ng kanin at pang-ulam sa plato niya habang pasulyap-sulyap sa kanya. Nagagandahan ka sa akin ano?


Ibinuhos niya ang atensyon sa bata. “Sechi, kain tayo. Dapat kumakain ka ng marami para lumaki ka.” Ang mga sumunod na sandali ay nilaan na lang niya sa pagkain at pagpapakain sa bata.


Nang matapos ang agahan, basta na lang siya iniwan ng bata at nagtuloy naman sa pag-aasikaso ng customers sina Merlita, Chandy at Dhey, kaya naiwan siya sa tabi ni Florenz na nakamasid lang sa mga pinaggagagawa niya.


Nakasimangot lang siya habang inuubos ang kape niya. Walang umiimik sa kanilang dalawa. Kung badtrip ito sa kanya, badtrip din siya dito.


Setty?”


Hindi niya ito pinansin.


“Oy, galit ka ba sa akin? Bakit nakasimangot ka na naman dyan?”


Tiningnan lang niya ito ng masama. Aba, matapos mong mang-insulto eh kakalimutan mo na lang?! “Ganyan ba talaga ang ugali mo? Matapos mong makasakit ng damdamin eh basta mo na lang kakalimutan?”


Tinitigan siya nito waring inaalala kung ano nga ba ang ikinasama ng loob niya. Hanggang sa napatungo ito matapos ay buong sinserong tinitigan siya. Ayon na naman, hindi pa ito humihingi ng pumanhin ay napatawad na niya ito.


“I’m sorry Setty. Naalala ko na. May nasabi ata ako sa iyo na mali. I’m sorry.”


Tinitigan niya ito. You’re forgiven pero gusto ko pang mag-inarte. Pasensiyahan na lang tayo bombilya ka. “Pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganon.”


“Aba anak, ‘wag mong awayin yang girlfriend mo. Babago mo pa lang nagiging girlfriend eh inaaway mo na agad,” singit ng nanay ni Florenz. Napadaan lang ang ginang sa may mesa nila dahil kinuha nito ang order ng nasa kalapit na mesa nila.


“All right. I’m sorry.”


Inismiran lang niya ito.


“Oy, Setty ko sorry na nga.”


“Anong ‘Setty ko’ ka dyan. I’m not your property! Tumahimik ka dyan. One thing you must know about me is my own way of argument. Ayaw kitang kausapin kaya ‘wag mo akong kakausapin. Naiintindihan mo ba yon?”


“Sorry na nga… Bati na tayo! Ngumiti ka na dyan, please.”


Inirapan lang niya ito. Pag-iwas na rin niya iyon dahil konti na lang ay mahahalata na nito na kinikilig siya sa pagsusumamo nitong patawarin niya.


“Ayaw mo talaga ngumiti?” Hindi niya inintindi ito. “Puwes, patatawanin kita!”


Bigla itong tumayo at dinampot ang mic ng videoke machine. Ngumisi pa ito sa kanya bago bumaling sa iilang customers doon.


“Dearest customers, good morning! Maabala ko ang tahimik n’yong pag-aagahan. Ayaw kasing ngumiti ng girlfriend ko kaya mageeskandalo muna ako para mapangiti man lang ang nagtatampong magandang binibini sa dako paroon!”Tinuro pa siya nito at awtomatikong nagsitinginan sa kanya ang mga cooperative na customers.


Naghalo tuloy ang emosyon niya. Kinikilig siya pero parang gusto rin niyang batuhin ng lalagyan ng toothpick ang Florenz na ito.


Bigla itong kumanta, acapella version ng sintonadong Bahay Kubo. Pinigilan niyang matawa sa ngalan ng pag-iinarte niya. Umiwas na lang siya ng tingin para magawa niya iyon. Pero wala rin atang balak sumuko ang loko.


Itinigil nito ang pagkanta. “Wala atang effect. Hmm… Ang hirap palang magpa-cute!” Nagtawanan ang mga customers. “Kakanta ako ulit…with choreography.”


Bigla itong tumalikod at pagharap nito, nakatali na pataas ang laylayan ng t-shirt nito kaya nagmukhang hang-in ang shirt nito. Although maganda ang shape ng katawan nito, mas napansin niya na pawang bigla itong nasaniban ng espiritu ng kapatid nitong si Chandy.


At kumanta na nga ito na may kasamang dance step. “Okay! Five, six seven eight! Valer kuberch kahit jutay, ang julamantrax donchi ay anek-anek! Nyongkamas at nutring nyogarilyas at kipay, nyitaw, nyotaw jutani! Kundol jutola, jupot, jolabastrax, at mega join-join pa jobanox nyustasa. Nyubuyax nyomatis nyowang at luyax and around the kyeme ay fullness ng linga!”


Kasabay ng tawanan ng lahat ng nakakarinig kay Florenz ay hindi na rin niya napigilan ang mapahagalpak ng tawa. Sino ba naman ang hindi matatawa sa pagkanta nito ng gay version ng Bahay Kubo? On the other side, lalo lang niyang napatunayan na willing nga itong gawin lahat maging masaya lang siya. Sa isiping iyon ay naramdaman  niyang kumabog ang kanyang puso.


“Ay sus, bonggacious kang prettyness ka! Kailangan ko pa talagang maglantad bago kita mapatawa. So hardship ha!” litanya pa nito na kunwaring natuluyang maging bading nang sa wakas ay binitawan  na nito ang mic at bumalik sa mesa nila.


Sapo pa rin niya ang tiyan sa pagtawa. “Hindi ikaw si Florenz! Si Chandy ka! Ilabas mo si Florenz!”


“Gaga!” Pasimple pa nitong akmang sasabunutan siya tulad ng pagsabunot dito ni Chandy noon. Matapos ay inayos na nito ang sarili at nag-transform na ulit bilang pinakaguwapong bombilya sa balat ng lupa. Tinitigan na naman siya nito. “Napatawad mo na ba ako sa lagay na iyan?”


Tatawa-tawa pa rin siya. “Puwede na.”

Kumunot ang noo nito. “Anong puwede na?”


“Ihatid mo na lang ako sa Caliraya.”
            
          “Hindi mo pa ako napapatawad kaya kakanta pa ako.” Bumalik ito sa videoke machine at nagpindot ng numero. “Maagang harana para sa girlfriend ko at sa inyo na ring lahat.” At kumanta na nga ito ng Nais ko.


Ang larawan mo'y nasa paligid
Minamasdan at hinahagkan
At habang lumilipad ang aking puso
May binabanggit, may sinasambit...


Nais kong sabihin sa iyo,
Mahal kita at di kita iiwan
Nais kong yakapin kang mahigpit,
Kailanman ay di kita pababayaan
Mahal ko, mahal ko...







PREVIOUS                                                                       NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…