Skip to main content

An Answered Prayer- Chapter One




Matiyagang naghihintay si Florenz sa pagdating ng Boss niya. Kasalukuyan siyang lulan ng green na crosswind at nag-aabang sa parking area ng NAIA. Ka-text niya ang kanyang text-girlfriend. Mula nang mamatay ang kanyang fiancĂ©e limang taon na ang nakakalipas, hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na magka-girlfriend ulit. Kaya para maibsan ang pangungulila, pinatulan niya ang makipag-relasyon sa textmate. Mabait naman si Yesha. Bagama’t hindi pa niya ito nakikita sa personal, nararamdaman niya na mabuting tao ito kaya sinusubukan rin niyang maging mabuting boyfriend dito.

                Ngunit alam niyang hindi sapat ang pag-uusap nila sa text para masabing normal lang ang relasyon nila kaya pinag-uusapan na nila ni Yesha ang mag-eyeball. Ayaw na rin naman niyang patagalin ang relasyon nila nang hindi nakikilala ang isa’t isa sa personal.

                Nag-beep ang cellphone niya. Ok. Let’s c each oder on d premiere nyt.

                Niyayaya siya nitong manood ng isang Indie Film. Nakakuha kasi ng complimentary tickets ng isang Romance Indie Film ang best friend ni Yesha na isang romance novelist.

                Magre-reply na sana siya nang mahagip ng kanyang mata ang isang babaeng abala sa pagte-text ilang metro lang ang layo sa sasakyan niya. Sa di mawaring dahilan ay napako na lamang sa babae ang atensyon niya. May mahaba itong buhok at may bangs na nakalaylay sa mukha nito. May kasama itong dalawa pang babae. Tila may hinhintay ang mga ito. Di rin nagtagal ay sinalubong ng mga ito ang isa pang babae na may dalang bagahe. Napangiti na lang siya nang biglang tumawa ang babae sa pagitan ng kwentuhan ng mga kaibigan nito.


                Nasapo niya ang kanyang puso. Makalipas ang limang taon, ngayon lang ata siya napangiti ng todo ng walang specific na dahilan.

                Lord, kung ang babaeng iyon na po ang pinakahihintay kong babae na babago sa takbo ng buhay ko, gawan N’yo po sana ng paraan na magtagpo pa ulit kami.

                Natawa na lang siya sa kawirduhan ng panalangin niya. Biglang nag-ring ang cellphone niya. Agad niyang sinagot ang tawag nang rumihistro sa screen ang pangalan ng Boss niya.

                “Yes, Sir Carvin. Nasa parking area na po ako kanina pa. Okay Sir. Don’t worry Sir. Lahat ng kailangan n’yo for the meeting ay settled na. Okay Sir.”

                Bumaba siya ng sasakyan para salubungin ang kanyang boss at para masilayan ng malinaw ang babaeng kanina pa niyang tinatanaw sa loob ng kanyang sasakyan. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata nila ng babae. Ngumiti rin ito sa kanya pero agad napabaling sa cellphone na hawak ang atensyon nito. Tinitigan na lang niya ito habang abala ito sa pagkutingting ng cellphone.

                “Sino bang sinusulyapan mo dyan, Engr. Manigbas? Get in the car. I don’t want to be late in the meeting,” agad utos ng boss niya nang hustong makalapit ito sa kanya.

                Binigyan niya ng huling sulyap ang babae bago siya pumasok sa sasakyan. Nag-beep ulit ang cellphone niya at si Yesha ulit ang nag-text. Hey, bakit d na u text? Bc knb, Renz? Ingats!

                Saka niya naalala si Yesha. May girlfriend nga pala siya. Di siya dapat tumitingin sa iba dahil may girlfriend siya.


                MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Setty. Napuyat kasi siya sa kakasenti sa paghihiwalay niya ng kanyang boyfriend sa text. Lagi naman ganon ang nangyayari sa kanya. Magtitiwala siya sa mga textmates niya, mai-in love sa mga ito, at the end, siya pa ang maghahabol wag lang masabing wala siyang naging boyfriend. But technically, na-realized na rin niya na walang kwenta ang mga naging boyfriend niya. Sabi nga ng best friend niyang si Hyde, abstract ang boyfriend niya. Ni isa man kasi sa mga ito ay hindi niya nakita ng personal. Purely text…text boyfriend.

                Mula sa silid niya ay naririnig niya ang tawanan ng tatlo niyang kaibigan na sina Hyde, Thea at Aya kasama ang asawa ni Hyde na si Hiro at boyfriends ng dalawa na sina Lem at Carvin. Tuwing weekends kasi ay doon sa resthouse nila sa Caliraya nagse-stay ang mga boyfriends ng mga lukarit niyang kaibigan.  Pinasadya pa talaga nilang ayusin ang dalawang guest rooms para sa kanila. Lalo tuloy niyang naramdaman na out of place na siya. Lahat ng kanyang mga kaibigan ay may kani-kanila ng mga minamahal samantalang siya, hanggang ngayon ay wala pang nagiging matinong love story.

                She blew a deep sigh. Ano pa nga bang magagawa niya? Hinagilap niya ang cellphone at napatitig doon. She still wanted to see her latest ex-text-boyfriend to confirm her feelings na ayaw na niya talaga.  Biglang nag-beep ang cellphone niya at galing ang message sa ex text-boyfriend niya.

                Sori, It’s just di na talaga ako puwede makipagkita sa ‘yo.. I’m sori talaga. Siguro ito nga makakabuti sa atin. I just want to make sure na hindi ka masasaktan.Hope you understand.

                Hindi siya nag-reply. Nagulat na rin siya sa sarili niya dahil hindi man lang siya nalungkot o naiyak sa sinabi nito sa kabila ng sakit na nararamdaman niya. Naibuhos na ata niyang lahat ang luha noong nakaraang gabi. Sa isang iglap ay nakapagbuo siya ng desisyon. Sawa na siya sa love life niya kaya ipinangako niya sa sarili na iyon na ang huling beses na papatol siya sa textmates. Titigilan na niya iyon. At kung papalarin pa siyang magka-love life, paghihirapan ng lalaking iyon na suyuin siya ng personal bago makuha ang matamis niyang oo. Mula ngayon, real boyfriend na ang makukuha ko. Burado na sa history ko ang textmates.  Napangiti siya sa desisyon na iyon.

                Lumabas siya ng silid at nakita niya ang mga lukarit na kaibigan na nagkukwentuhan sa sala kasama ang kanilang mga minamahal. Isa-isa niyang tiningnan ang magkakapareha. Aminin man niya o hindi, nginangatngat ng inggit ang puso niya. Napaka-sweet ng mga lalaking ito sa mga lukarit niyang kaibigan at siya ang diwang saksi na makapagpapatotoo ng mga iyon. Di bale, magkakameron din ako niyan….sana…

                Lumapit siya sa mga ito.

                “O Setty, mabuti naman at naisipan mong lumabas ng lungga mo,” ani Aya.

                “Akala namin eh wala kang balak maki-join sa amin,” si Thea.

                Nginitian niya ang mga ito. “Bakit naman hindi ako makiki-join eh masaya kaya iyong mga ganitong moments. Lalo na ngayong andyan ang mga alipores n’yo. May mapapagtripan na naman ako.”

                “Ganon? Pagtitripan mo na naman kami ha. Bad ‘yan Setty!” sabat ni Lem.

                “Kagatin kita dyan, gusto mo? Wala kang pakialam sa gusto kong gawin. Hindi por que mahal kayo ng mga lukarit na ito eh ligtas na kayo sa akin. Lem, nakapag-mop ka na ba ng sahig? Carvin, Hiro nalinis nyo na ba ang bahay ni Mimo?” Ang alagang baboy ni Thea ang tinutukoy niya.

                “Kanina pa po, Ma’am!” Sabay-sabay na tugon ng mga ito.

                Nagtawanan sila. Mula nang mapagkasunduan nila ang ganitong weekend set-up, madalas na lang niyang utus-utusan ang mga boyfriends nina Aya, Thea at maging ang asawa ng best friend niya.  Pinagma-mop niya ang mga ito ng sahig, pinagwawalis ng bakuran, pinaglilinis ng fishpond at lake, at pinagluluto rin minsan. Noong una, ay pinagtitripan lang niya ang mga ito para hindi magpa-sweet ang mga ito sa mga kaibigan niya sa harap niya. Pero ngayon, mukhang nasasanay na ang mga ito. Kahit di niya sabihin ay ginagawa ng mga ito ang ibang household chores.

                “Sis, how are you now?” tanong ni Hyde. Biglang sumeryoso ang paligid at lahat ng atensyon ay nasa kanila.

                Muntik na siyang mapaluha. May maaninag na pag-aalala sa mga mukha ng mga ito. Maging sina Lem, Carvin, at Hiro ay ganon din ang pagtingin sa kanya.

                “Oy, mukha ba akong suicidal at ganyan na lang kayo makatingin? Okay lang ako. I’m very fine! And I’m pretty!” tugon niya.

                “Nag-aalala lang naman kasi kami sa iyo, dude. Minsan talaga may mga kabaro kaming walang-hiya kaya pagpasensyahan mo na lang,” sabat ni Carvin.   

                “Tama ka do’n, walanghiya talaga kayo. Kaya ayoko ng magtiwala sa mga kabaro n’yo. Wala na ata ni isa mang lalaki sa mundo ang matino.”

                “Ouch!” sabay-sabay na reaction ng tatlong lalaki.

                Napatawa siya. “You’re too lucky because you’re all exempted guys!”

                “There’s stir a good guy alound for you,” sambit ng Hapon na si Hiro na salamat kay Hyde ay medyo naaayos na ang baluktot na English at natututo na rin ng matinong Tagalog.

                “I know. From now on, di na ako makikipag-textmate.”

                “Sinabi mo rin iyan noon eh. Serendipity Bathan, makinig ka ha. Di kasi ganon katotoo ang ganyang relationship sa text. You’re in love with mere words and not with the relationship kasi puro text, puro salita lang. Walang eye to eye contact, wala kang nakikitang mukha, walang kang adorable smile na nakikita kahit pa tadtarin niya ng smiley ang text niya sa iyo. In love ka sa salita lang.” At naglitanya na naman ang writer niyang best friend.

                “Tama ka, Hyde. Na-in love ako sa salita. Pagod na ako sa ganon kaya ayoko na. Enough of being stupid.”

                “Hey girl, you’re not stupid. It’s just, that guy doesn’t deserve your love at all,” sabi ni Aya.

                “Meron din para sa ‘yo,” si Thea. “Andyan lang sa tabi-tabi, pakalat-kalat.”

                Napangiti na lang siya. Ang swerte niya talaga sa mga kaibigan, isama na rin ang mga ‘alipores’ ng mga ito.

                “Wag kayong mag-alala. Seryoso ako, di na ako papatol sa text at sa susunod na may dumating na guy sa buhay ko, kailangan niya akong suyuin ng husto. I deserve to be loved, right guys?”

                “Yeah!” sabay-sabay na tugon ng lahat.

                “You rike, Japanese? I have cousins, single! Bait sira turad ko!” hirit ni Hiro. Mula noon pa man, baliktad na talaga ang L at R sa dila ni Hiro.

                “Ako, may ka-officemate ako, single din. Lamang lang ako ng isang paligo do’n. Aray!” Agad na siniko ni Aya ang boyfriend nito.

                “May tauhan ako, single din iyon. Mas guwapo nga lang ako,” hirit naman ni Carvin. Agad naman itong nakatikim ng dagok mula kay Thea.

                “Ang yayabang n’yo talaga,” puna ni Thea.

                “Thank you na lang,” nakangiting tugon niya.  “I know, makakahanap din ako ng lalaking mamahalin ako ng totoo in a romantic incident.”



                NAGLALAKAD siya sa tabi ng kalsada sa isang palengke. Nakalaylay sa mga mata niya ang pahamak niyang bangs pero kahit ganon ay kita pa rin naman niya ang dinaraanan. Mainit ang ulo niya dahil nasermunan siya ng boss niya. Isa siyang marketing field officer ng kompanya ng mga ceramic tiles. Papunta siya ngayon sa simbahan para magpalipas-oras. Iyon kasi ang madalas niyang gawin kapag umaatake ang pagkagulo ng pag-iisip niya. Tulad ngayon, natutuliro pa rin siya dahil naiinggit siya sa mga kaibigan niyang makulay ang buhay.

“Bakit naman kasi ito pa ang pinagtiyagaan kong trabaho?! Kung hindi ko lang kailangan ng pera, nag-resign na ako. Ang ganda kong ito, isang taon ko nang iginagala para magbenta lang ng tiles at inidoro!” Kinakausap niya ang sarili niya habang naglalakad. 

                “Ayoko na. Sawa na rin ako sa buhay kong ito. Siguro dapat magpalit na ako ng trabaho. Ano bang buhay ito? Wala na nga akong love life, wala pang kwenta ang trabaho ko.” Narinig niya mula sa dinaanang stall ang kantang Beautiful Girls.  “Ah, this is suicidal, suicidal!” Sinabayan niya ang kanta. “Gusto ko ng mamatay…gusto ko ng mamatay….aaaay! Ayoko pang mamatay!”

                Dahil sa kakausap niya sa sarili niya, hindi niya namalayan na muntik na pala siyang mahagip ng nagmamadaling kotse. Bumusina ito ng malakas at huminto bago pa naman siya matamaan. Pero natakot talaga siya kaya napatili siya. Habol pa niya ang hininga dulot ng nerbyos nang bumaba ng kotse ang isang good-looking guy na nakasuot ng barong at may suot na eyeglasses. Napatanga na lang siya. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang siya napatanga sa isang lalaki at ngayon rin lang siya nakaramdam ng excitement. Excitement? Para saan?

                “Miss, sa susunod kung gusto mong magpakamatay ‘wag kang mandamay ng iba. Uminom ka na lang ng sleeping pills at humiga ka sa kama mo ng maayos. Maganda ka pa ‘pag binurol ka,” singhal ng guwapong binata. Bigla siyang natauhan. Aba, muntik na ngang makapatay nagsusuplado pa.

                “Hoy lalaking apat ang mata, naririnig mo ba iyang pinagsasabi mo? Muntik ka na ngang makapatay, nagsusuplado ka pa.” Akala mo ha, di por que saksakan ka ng guwapo eh matitinag ako sa iyo ah.  

                “Hoy ka rin, Miss. Pahara-hara ka sa kalsada, alam mo ba ‘yon? Tsaka try mong pagupitan iyang bangs mo.”
  
              “Nananahimik akong naglalakad sa tabi ng kalsada kaya puwede ba, ‘wag mong ibaling sa akin ang katangahan mo. At ‘wag mong sasabihing hindi mo ako nakita dahil apat na iyang mata mo! At ‘wag mo ring pakialaman ang bangs ko. Style iyan.”

                Bumuntong-hininga ito at tumingin sa wristwatch. “God! I’m late!” Bumaling muli ito sa kanya. “Akin na ang cellphone mo.”

                Napamulagat siya. “Bakit? Wag mong sabihing holdupper ka rin? Ayoko nga.”

                “Mukha ba akong kriminal?”

                “Muntik mo na nga akong sagasaan di ba?”

                Bumunot ito sa bulsa at iniabot sa kanya ang cellphone nito.

                “Hindi mo na ako kailangang suhulan pa. Hindi naman ako nasaktan kaya di naman kita idedemanda. Mag-sorry ka na lang,” sambit niya.

                “Ilagay mo ang number mo!”

                “Ha?”

                Ipinilit pa talaga nito ang cellphone nito sa kanya. “Bilisan mo, late na ako. Mamaya na lang tayo mag-usap. Tatawagan kita.”

                Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari at basta na lang niya sinunod ito. Matapos i-type ang number niya sa cellphone nito ay ibinalik na niya iyon dito. Sasakay na ulit ito sa kotse nang bumaling ito sa kanya. “I’m sorry, your name is…?”

                “Serendipity.”

                Ngumiti ito sa kanya na ikinagulat niya hindi dahil akala niya hindi ito ngumingiti kundi dahil sa kakaibang sayang dulot ng ngiti nito sa puso niya.

                “Cute name. I’m Florenz. I’ll call you later.”

                Naiwan siyang nakatingin lang sa papalayong kotse. Mukha siyang playboy at saka kinuha niya ang number mo, makikipag-textmate lang iyon sa ‘yo tulad ng mga hudas mong ex. Nagkomento na naman ang utak niya. Saka lang niya na-realize na posible ngang iyon ang gawin ng Florenz na iyon. Too late. Nakuha na ng mamang apat ang mata ang bagong cell number niya. Ah basta, paninindigan ko ang sinabi ko, ang desisyon ko.

                Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa simbahan. May nakaparadang bridal car sa labas. Nagmadali siyang pumasok sa simbahan dahil gusto niyang silipin ang ikakasal. Madalas niya kasing tingnan ang groom at bride at ang wedding gown na suot ng huli tuwing may naaabutan siyang wedding ceremonies. Ngunit pagpasok niya ng simbahan, hindi ang ikinakasal ang kumuha ng atensyon niya. Natigilan siya ng pumailanlang sa buong simbahan ang malamyos at nakakakilig na tinig ng lalaking wedding singer na kasalukuyang kumakanta habang naglalakad ang bride at mga abay.

                …Pangarap ko ang ibigin ka, at sa habang panahon ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka…

                Kaya sa halip na bride siya mapatingin ay nagdiretso sa altar ang mga mata niya at nakita niya ang guwapong wedding singer- ang lalaking muntik nang sumagasa sa kanya. Sa di niya mawaring dahilan ay napako na lang sa wedding singer, na sa pagkakatanda niya ay Florenz ang pangalan, ang atensyon niya. Napangiti siya. Pakiramdam niya ay siya ang kinakantahan nito. Halos wala sa sariling naglakad pa siya ng mas malapit sa puwesto ni Florenz para lalong mapagmasdan ang mukha nito. Ewan niya kung bakit niya gustong gawin iyon. Pawang may sariling isip ang mga paa niya. Hanggang sa nagsalubong ang mga mata nila. Di siya sigurado kung totoo ba ang naramdaman niya. Pero base sa narinig niyang kwento mula sa mga kaibigan niya, ang kabang biglang sumulpot sa puso niya ay indikasyon daw ng kilig o love. Dumoble pa ang kabang iyon nang ngitian siya nito habang nakatingin pa rin sa kanya at kumakanta. Konti na lang at mapapatili na siya kung hindi lang ibinaling nito ang tingin sa ibang direksyon. Tumungo siya at napangiti. Nang matapos ang entourage ay nagpunta siya sa rebulto ng Black Nazarene. Nagtirik siya ng kandila at taimtim na nagdasal.

                Lord, hihingi po ako ng sign. Lord, kapag nakita ko ulit siya ng tatlong beses mula ngayon bago matapos ang buwan na ito, ibig sabihin siya na po talaga. Maraming salamat po. 



                TINUTULUNGAN niya si Thea sa pagluluto ng hapunan nila nang magligalig ang cellphone niya. Nakapatong lang ang cellphone niya sa mesa. Mula ng nakapagdesisyon siya tungkol sa pambabalewala sa mga textmates at humiling siya sa Diyos ng sign kanina lang, hindi na rin niya masyadong iniintindi ang cellphone niya.

                Pumasok si Hiro sa loob ng kusina. Kararating lang nito mula sa hospital kung saan ito nakadestino bilang Community Doctor. Nakasabit pa nga sa leeg nito ang stethoscope. “Setty, ingay ng cerphone mo. Sagutin mo na.” Hanggang ngayon talaga ay baligtad pa rin halos ang R at L sa dila ni Hiro.

                “Busy ako sa pagluluto kaya hayaan mo na iyan.” Ipinagpatuloy niya ang paghahalo ng nilulutong gulay.

                “Aba, seryoso ka na talaga ha,” biglang singit ni Hyde na kakapasok lang sa kusina.

                “Seryoso talaga ako, ano.”

                Sinilip ni Thea ang cellphone niya. “Sino ba ito? Hindi naka-register sa phone mo ang number ah.”

                Napaisip siya. Nagpalit na siya ng number at tanging mga importante tao lang sa buhay niya ang nakakaalam ng number niya kaya imposibleng isa sa mga ex niyang hudas  iyon. Dinampot niya ang cellphone at  tinitigan lang ito. Hindi rin pamilyar sa kanya ang numero.

                “Sagutin mo na nga ang call na iyan. Baka boss mong tabatsoy lang iyan,” hirit ni Thea.

“Naku, wala akong pakialam sa baboy na iyon.” Kamalas-malasan ay naging boss pa niya ang kinayayamutan nilang kapitbahay na si Claire.

“Whatever! Masakit na kasi sa ulo ang pag-iingay niyan eh. I-silent mo na lang kung trip mo talagang deadmahin.” Nasapo pa ni Hyde ang sintido. Inaatake na naman ito ng migraine.

                Nakita niyang masuyong inalis ni Hiro ang kamay ni Hyde at ito na ang humilot sa sintido nito.

                “Ikaw kasi surat ka ng surat,” hirit ni Hiro habang minamasahe ang ulo ni Hyde.

                “Sulat at hindi surat. Writer nga ako eh,” tugon ni Hyde dito.

                Ngumiti lang si Hiro.

                Nakakatuwang isipin na mas nauna pa talagang mag-asawa si Hyde sa kanya gayong di naman ito ganoong interesado sa mga lalaki. Madalas kasi ay nakokontento na lang ito sa mga male characters na nililikha nito. Ganunpaman, masaya siyang makitang masaya ang best friend niya sa piling ng asawa nito.

                Tumigil ang pag-ring ng cellphone niya. Pero saglit lang iyon dahil makalipas ang ilang segundo ay  nag-iingay na ulit iyon kaya sinagot na lang niya.

                “Ah, Miss Serendipity?” agad na tanong ng nasa kabilang linya.

                Natigilan siya. Agad bumalik sa isipan niya ang malamyos na tinig ng wedding singer. Pangarap ko ang ibigin ka…Oo nga pala, kinuha nito ang number niya kanina. Serendipity, ang decision mo ‘wag mong kakalimutan. Pinaalalahanan niya ang sarili.

                “Yes?”  Lumabas siya ng bahay para maging private ang pag-uusap nila.

                “Glad you answer my call. This is Florenz.”

“Ah, iyong muntik ng sumagasa sa akin. What do you want? Marami pa kasi akong tatapusin.” Kunwari ay nagmamataray siya pero sa loob-loob niya ay excited ang pakiramdam niya.

“Wala lang, just checking if you’re really okay.”

                 “Ah ganon, pasensya ka na kasi wala na akong oras para sa mga taong walang magawa sa buhay katulad mo. Babu.” Puputulin na sana niya ang conversation nang humirit pa ito.

                “Can I know your address?”

                “Bakit?” Aakyat ka ba ng ligaw? Haharanahin mo ba ako? Itatanan mo na ba ako?Yehey!

                “Dadalhan kita ng bulaklak.” Tugon nito.

                “Bakit? Ibuburol na ba ako? Wala naman akong sakit kaya di mo na kailangang mag-abala pa.”

                “Gusto ko lang naman sana na makapag-apologize sa ‘yo ng personal. I’ll bring you flowers and chocolates--”
                “Wag na. Allergic ako sa bulaklak at lalo na sa chocolates. Ikakamatay ko lang iyan,” singhal niya.

                “I just want to be a friend, a constant texter or caller mo kung okay lang sana sa--”

                “Hindi. Hindi okay.”

               “Bakit?”

                “Gusto mong malaman kung bakit? Dahil walang lalaking matino sa mundo. Lahat kayo, walang kwenta. Wala kayong alam kundi ang manakit ng damdamin ng babae. I hate every single species of your kind! Ilan na ang naging boyfriend ko sa text pero lahat sila niloko ako at pinaasa. All I really wanted is to have a real love life. Pero iyang mga walang kwentang kabaro mo ay winalanghiya lang ako. Naintindihan mo ba yon?” Sa unang pagkakataon ay nailabas na niya ang sama ng loob na iyon na matagal na niyang kinikimkim sa puso niya. Ang malas lang at si Florenz ang napagbalingan niya.

                “Seren--”

                “’Wag ka nang magpumilit pa. At ‘wag mo na akong tatawagan kung ayaw mong kulamin kita!”

                She pressed the end call button. Bakit ako nainis sa kanya ng tuluyan?  Maging siya ay naguguluhan sa sarili niya dahil kanina lang ay hiniling niya sa Diyos na sana ay si Florenz na nga. At ngayon namang ito na nga ang lumapit ay itinaboy naman niya. Hindi niya namalayan na naging man-hater na pala siya. Inalog niya ng pauli-ulit ang kanyang ulo.  Stick pa rin siya sa plano. Gusto kong magkita kami ulit nang hindi sinasadya di tulad ng gusto niyang mangyari. Gusto kong patunayan sa sarili ko na totoo ang destiny.


                                                                                NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…