Skip to main content

An Answered Prayer- Chapter Nine




Masarap ang tulog ni Setty. Pagmulat pa nga ng kanyang mga mata ay nakangiting mukha ni Florenz pa ang una niyang nakita kaya napangiti siya.

                “Good morning,” nakangiting bati ni Florenz.

                Pupungas-pungas pa siya at prenteng nakahiga sa kama. “Good morning.”

Ngunit nang mapagtanto na nakahiga rin ito sa kama niya ay napabalikwas siya ng bangon at nagtitili sa pinakamataas na tonong kaya niya. “Anong ginawa mo sa akin? Bakit dito ka sa kwarto ko natulog? Pinagsamantalahan mo ako! Waah!!!!” Pinagbabato niya ito ng kahit anong mahagilap niya.

                Sinubukan siya nitong awatin sa pagwawala niya. “Ano ka ba? ‘Wag ka masyado maingay! Relax ka lang, walang nangyari! Si Sechi, magigising sa taas ng tono ng tili mo!”

                Doon lang niya napansin  ang bata na nahihimbing pa rin sa pagkakatulog. Nakatulugan na pala nila ang pagpapatulog sa bata noong nakaraang gabi. Mabilisan niyang inayos ang magulong buhok at walang lingon-likod na nagpunta ng banyo. Humarap siya sa salamin at pabulong na sinermunan ang sarili.


                Luka-luka ka talaga! Ano namang klaseng pag-iinarte iyon ha? Napapaghalata ka tuloy na may pagnanasa ka sa bombilya na ‘yon. Well, meron naman talaga. Bruha ka, Setty!

                Makalipas ang ilang minutong pakikipag-conference sa sarili ay lumabas na rin siya ng banyo. Napatanga na lang siya nang mapansin ang mga white at peach rose petals na nakakalat sa sahig at sa kama. Wala na roon si Sechi at si Florenz. Lumabas siya ng kwarto niya at natagpuan sa labas ng pinto si Sechi. May hawak itong red roses at iniabot iyon sa kanya.

                Muntik na siyang mapaiyak sa tuwa. Ito ang way niya ng panliligaw! Siyet! Kinikilig ako! Woooh!

                “Sabi ni Tatay, bigay ko daw ito sa ‘yo,” nakangiting sambit ng bata.

                Tinanggap niya ang bulaklak at binuhat si Sechi. “Salamat, baby!”

                “Sabi pa ni ‘Tay, sagutin mo na daw siya. ‘Nay, ano bang tanong ni Tatay?”

                Napangiti siya. “Kung siya daw ba ang pinaka-pogi sa mundo. Ano ba daw dapat sagot ko?”

                “Oo daw po.”

                Aba, pati bata tinuruan ng kabalbalan!

                Naagaw ni Florenz ang atensyon niya nang marinig niya itong kumakanta sa gawing kusina. Grow old with you  ang kinakanta nito. Pumasok siya sa kusina habang buhat pa rin si Sechi. Naroon pala ang tatlo niyang kaibigan at ginagawang live MP3 player si Florenz habang ito ay naghuhugas ng pinggan.

                “Good AM people!” bati niya sa mga ito. “Nasaan ang mga alipores n’yo?” tanong niya sa tatlo. Napahinto si Florenz sa pagkanta at nahusto na lang sa pagtingin sa kanya.

                “On call ang aking si Hiro. Alas-dos pa lang ng madaling araw eh nilayasan na ako,” tugon ni Hyde na as usual kaharap pa rin ang laptop nito habang nag-aagahan.

                “Si Carvin nasa likod-bahay,” sagot naman ni Thea.

                “Si Lem kasama ni Carvin doing the backyard chores,” sabat ni Aya. “Ahm, Setty hanggang kelan mo aalipinin ang mga iyon? Namamayat na si Lem ko eh.”

                Tumawa siya. “Aba, hindi ko na nga sila inuutusan ah. Nagkukusa na sila ngayong maglinis ng bahay. Ayos din ‘yon. Hindi tayo napapagod at namamayat si Lem! O di ba? Ang ganda ko!”  kalat-kalat na hirit niya. Dinampot niya ang isang pandesal at ibinigay iyon sa buhat-buhat niyang si Sechi.

                “Ang gulo mo talaga kausap kahit kelan!” komento ni Hyde. Bumaling ito kay Florenz. “Oy aming live MP3, pa’no mo natitiis ang isang ito? Nagkakaintindihan ba kayo nitong si Setty? Taga-ibang planeta kasi ang isang ito eh.”

                Magre-react sana siya kaya lang bigla siyang inakbayan ni Florenz. Kaya sa halip na makapag-react eh natameme siya.

                “Actually, galing din ako sa ibang planeta kaya siguro nagkakasundo kami,” nakangiting tugon ni Florenz. Tumawa lang ang tatlong lukarit niyang kaibigan.

                “Naku naman, alien invasion ba ito?” napapailing na si Thea.

                “Hindi. Alien ka rin naman eh! Planeta ito ng mga aliens,” sabat ni Aya.

                “But kidding aside, siguro mahal ko lang talaga si Setty kaya kahit ano pa siya eh tanggap ko.” Binalingan siya ni Florenz at saglit silang nagtitigan.

                “Lupit no’n pare!” Bigla na lang umeksena si Lem. Binalingan siya nito. “Setty, pahiram muna sa boyfriend mo. May part two lang ang initiation nito.”

                “Teka Lem, ano pa ang pinapagawa n’yo kay Florenz?” tanong niya bago pa nito mahila si Florenz palabas ng kusina.

                “Wala naman masyado, initiation lang.” Nasa labas na ang mga ito nang humirit pa ulit si Lem. “Actually, sa kanya kami bumabawi sa pang-aapi mo!” biro nito sabay takbo.

                “Hoy!” Kunot-noong sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito.

                Matapos mag-agahan ay abala na sila sa kanya-kanyang mundo. Pinaliguan niya at binihisan si Sechi pagkatapos niyang maligo. Sa kanyang silid ay naririnig niya ang malulutong na tawanan nina Florenz, Lem, at Carvin mula sa likod-bahay. Sa nariring niya, pinag-uusapan ng mga ito ang pagkakahuli ni Carvin sa marimarim na halikan ng dalawa nilang kapitbahay na hilaw sa tapat mismo ng bahay ni Carvin. Ang tinutukoy ni Carvin ay ang dati niyang boss at ang dating maepal na feeling manliligaw ni Thea.

                Napangiti na lang siya. Akalain mo nga naman. Mas usisero pa ang mga lalaki kaysa mga babae. Nang hustong maayusan niya si Sechi ay lumabas ito sa kwarto para maglaro sa lanai ng bahay. Susundan na sana niya ang bata nang makita niya ang isang sim na nakapatong sa bed side table. Kanino ito? Hindi ito sa akin.  

Lumabas siya ng kwarto at naabutan sa sala sina Lem at Aya na nagsasasayaw ng Tokyo Drift. Magiliw na pinapanood ng batang si Sechi ang mga wirdong dance steps ng dalawa.

“Oy maglabiduds, inyo ba itong sim sa bed side table ko?” tanong niya sa dalawang patuloy pa rin sa pagsasayaw. Umiling lang ang dalawa. “Sige, salamat.”

Nilagpasan niya ang mga ito at nagtuloy sa lanai kung sa’n abala sa paggawa ng lesson plan si Thea. “Bru, sa ‘yo ba ito? Nakita ko sa kwarto ko.”

“Hindi sa akin ‘yan. Isa lang talaga ang sim ko. Di ba ikaw ang maraming sim? Baka sa ‘yo iyan,” tugon ni Thea.

“Hindi ito sa akin. At saka, dalawa lang naman ang sim ko. Pareho iyon nakasalpak sa cellphone ko.”

Iniwan niya si Thea at nagtuloy siya sa kusina. Andon pa rin si Hyde na hindi man lang natinag sa pwesto nito kanina pa.

“Sa iyo ba ito?” tanong niya kay Hyde.

Saglit na inihinto nito ang pagta-type sa laptop nito. “Naku, sis hindi sa akin ‘yan. At hindi rin kay Hiro. Speaking of my guy, dumating na siya. Konti na lang daw tao sa hospital kaya pinauwi na siya.”

“Ah, kaya pala parang narinig ko ang boses ni Hiro kanina. Eh, kanino kaya ito?”

Nagkibit-balikat lang ito bago bumalik sa pagta-type. Bumalik siya sa kwarto niya para kuhanin ang cellphone niya. Naisipan niyang isalpak ang sim sa kanyang cellphone upang masigurong hindi nga kanya ang nakakalat na sim. Una niyang tiningnan ang mga messages. Muntik na niyang mabitawan ang cellphone nang tumambad sa kanya ang pangalang Yesha sa mga text messages. Kinutuban siya. Binuksan niya ang mga mensahe at binasa iyon. Iyon ang mga mensaheng pinadala niya  sa dati niyang boyfriend na si Renz. Kung ganon, ang dati niyang text boyfriend na minahal niya at nakasakit sa kanya noon ay isa sa mga kasama niya sa bahay! Pero imposible namang naging text mate niya si Carvin o si Lem o si Hiro. Naalala niya si Florenz.  Florenz…Renz… Bakit nga ba hindi niya iyon naisip? Ngayon lang niya na-analyze na ang daming ugali ni Florenz na parang katulad ng ugali ni Renz tuwing katext niya ang huli. Sinubukan niyang kalmahin ang sarili pero walang nangyari.

Lumabas siya ng kwarto para komprontahin si Florenz.

“Ah, Setty! May pasarubong ako sa-” Hindi na natuloy ni Hiro ang sasabihin nang parang hangin lang niyang lagpasan ito.

“Oy, ano problema mo?” habol tanong pa ni Aya. Tapos na ang dancing session nito at bumalik na marahil sa likod-bahay si Lem.

Hindi rin niya sinagot ito. Pagkalagpas niya ng lanai ay nagdiretso siya sa likod-bahay. Marahil dahil nakita ng mga kaibigan niya na tensyonado siya, sinundan siya ng mga ito.

Natagpuan niya sina Carvin, Lem, at Florenz na masayang nagtatawanan. Nakasampa pa sa puno ng niyog si Florenz habang ang dalawa ay nagkakayod ng buko.

Napansin agad ni Carvin na galit siya. “Yow, Setty! Bakit ganyan ka? May problema ka ba?”

Hindi niya ito pinansin. Sa halip ay tumingala siya para salubungin ang nakangiting si Florenz. Paano ba ako magagalit sa ‘yo?! Eh isang ngiti mo lang, nawawala na ang sama ng loob ko!  

“Hoy Flourescent Manigbas, bumaba ka dito!”

“Bakit? Nangunguha pa ako ng buko para sa ‘yo. May problema ba? Bakit ka sumisigaw?” kunot-noong tanong nito.

“Anong bakit? Bumaba ka sabi!” Lalo pa tumaas ang tono niya. Ngunit hindi ito natinag kaya iniharap niya dito ang hawak na sim. “Ikaw ba si Renz?” Nakita niyang natigilan ito.

“Setty, wait there. Bababa ako, magpapaliwanag ako. Please, ‘wag ka muna magalit sa akin.”

“What? Ibig sabihin alam mo na ako si Yesha?  I can’t believe you! Ilan beses mo ba talaga ako papaasahin tapos eh sasaktan lang?” Tuluyan na siyang nasaktan.

Bumaba si Florenz mula sa puno at nilapitan siya ngunit dumistansya siya dahil baka masapak niya ito sa sobrang sama ng loob. “Believe me, please. Bago kita makilala ng personal, hindi ko alam na ikaw si Yesha. Kahapon ko lang na-discover na ikaw si Yesha. Kaya nga, nawawala ako sa sarili ko kahapon dahil alam ko na pag-iisipan mo ako ng masama. God knows Setty, hindi ko gustong saktan ka.” Bakas sa mata nito ang lubos na sinseridad ngunit nadala na siyang maniwala.

“Eh ano bang gusto mong isipin ko? Minahal ko si Renz kahit na araw-araw akong nasasabihan ng mga kaibigan ko na wala kang kwenta. Inintay kita noon sa dapat sana ay eyeball natin, pero ni anino mo wala akong nakita! Pagkatapos ikaw pa ang unang nakipaghiwalay sa akin. Mula noon kinalimutan ko na si Renz. Then, I met you. Si Florenz na di ko maintindihan ang ugali pero laging nasa tabi ko kapag kailangan ko ng sasagip sa katangahan ko. Ikaw na nangako na mamahalin ako! Ikaw na nangako na ipaparamdam sa akin ang hinihintay kong true love. Kung kelan tanggap ko na ang lahat ng effort mo, ngayon ko pa nalaman na ikaw at ang Renz na nanakit sa damdamin ko ay iisa lang. Ano ito lokohan? Alin pa ang hindi totoo?” Hindi na niya napigilan ang mapaiyak.

“Ah, Setty. Pakinggan mo muna si Florenz,” sabat ni Hyde.

Nilingon niya ang mga kaibigan. Hindi siya makapaniwalang walang bakas ng galit sa mga kaibigan niya na nakakapanibago. Madalas ay hindi nagpapatalo ang mga ito lalo na kung naaagrabiyado ang isa. “At kinakampihan n’yo pa siya? Ano ba? Hindi na ba talaga ako importante dito?”

“Alam kasi namin ang tunay na kwento,” sabi ni Thea.

“Kaya makinig ka muna sa kanya,” dagdag pa ni Aya.

“Yeah I got it! Pinagkaisahan n’yo ako. Planado ang lahat ah. Bakit kailangan na saktan n’yo ako ng ganito? Ah alam ko na. Naaawa kayo sa akin di ba? Dahil lahat kayo may boyfriend o asawa samantalang ako nag-iisa. Well, ang ganda ng plano n’yo!” pabalang na sagot niya.

“Mali ang iniisip mo, Setty. Makinig ka muna,” pagpupumilit ni Hyde.

Napapailing na lang siya. “Alin pa ang hindi totoo?” Bumaling siya kay Florenz. “Hindi mo ako mahal? Pinaniwala mo lang ako na mahal mo ako.”

“No Setty, I-”

“Hindi mo nga ako mahal.” Pinawi niya ang sarili niyang mga luha sabay talikod sa mga ito. “Sayang, akala ko pa man din nakita ko na ang lalaking mamahalin ko habambuhay.”

Papalayo na sana siya sa mga ito nang bigla siyang yakapin ni Florenz mula sa likod. Sa hindi niya mawaring dahilan, hindi niya magawang magalit ng lubos dito kahit na pinaniwala siya nito na maaari rin siyang mahalin nito. And she knew the reason why. Yes. She loved him. Despite and inspite of all, she still loved him and she will always be in love with him.  Ramdam niya ang sinseridad at buong pagmamahal nito habang yakap siya. “Bakit sinabi mo pa na nagkakagusto ka sa akin, na gagawin mo ang lahat just to make me fall in love with you, na ako ang gusto mong maging asawa, na ako ang gusto mong maging ina ni Sechi? Umasa ang puso ko sa ‘yo!”

“Dahil iyon ang totoo! God knows, how much I love you! Please, don’t walk away! Mahal na mahal kita, Setty. Mahal na mahal!” Naramdaman niya ang tila likidong tumutulo sa likod niya. Umiiyak si Florenz!


PREVIOUS                                                             NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…