Skip to main content

An Answered Prayer- Chapter Four




Akala niya ay magiging maganda ang araw na iyon dahil sabay silang mag-aagahan ni Florenz. Pero nagkamali siya. Alas-singko pa lang ng umaga ay tinawagan na siya ng boss niya, sinermunan, ininsulto, at sinesante sa kabila ng million-peso worth of contracts na nai-close niya sa loob lang ng isang linggo. Matagal na niyang pinagtitiisan ang attitude problem ng boss niya. Ngunit nang araw na iyon ay hindi na talaga siya nakatiis kaya nanagot na siya at nauwi na nga sa pagkatanggal sa kanya sa trabaho. Mabuti na lang at araw ng Sabado noon at walang trabaho si Florenz kaya pumayag itong ma-late siya.
           
Lulan sila ng kotse ni Hiro. Papunta kasi ang mag-asawa sa Maynila kaya isinabay na siya ng mga ito.
            
            Umaatungal pa rin siya habang nasa byahe sila.
            
           “Sis, anong gagawin ko? Waah! Wala na akong trabaho. Nakakabuwisit talaga ang Claire na yon. Sis, anong gagawin ko?” Nakaupo siya sa backseat at nasa passenger seat sa tabi ni Hiro si Hyde.


            “Hay naku, bombahin natin iyong company n’yo, gusto mo? Akala ko ba, gusto mo na talagang mag-resign? O ngayon, wala ka na do’n. Bakit umaatungal ka pa dyan? Pabayaan mo sila. Give yourself a break. Next month ka na lang maghanap ng work,” tugon ni Hyde.

            “Inunahan kasi niya akong mag-resign eh. Ang kapal ng fez ng boss ko na iyon!”

“Gusto mo Setty, samurai ko siya?” biro ni Hiro.

            “Sige, paki-samurai nga ang bibig ng walang-modo kong ex-boss. Waah! Anong gagawin ko?”

            Minsan talaga, para siyang sirang plaka kapag may problema siya. Pauli-ulit niyang babanggitin ang problema niya hanggang sa mapailing na lang ang mga kaibigan niya. Tulad ngayon, sabay pang napailing ang mag-asawang ito.

            “Sis, anong gagawin ko?”

            “Mag-ayos ka na dahil malapit na tayo sa tagpuan n’yo ni Florenz.” Nilingon siya ni Hyde. “Honestly, mukha kang bagong gising na naka-dress at stilletos.”

            “Ha?” Madaliang binuklat niya ang bag at hinagilap ang kanyang salamin, suklay, foundation, concealer, lipstick, lip gloss, eye shadow, eye liner, at mascara, at pinaglalagay lahat iyon sa mukha niya. Iyon ang kaisa-isang talent niya. Kaya niyang mag-ayos na parang nag-ayos sa parlor sa loob ng sasakyan kahit kakaragkarag na jeep pa iyan. Nang maayos ang sarili ay nag-spray pa siya ng pabango.

            Sakto namang pag-park ng kotse sa tapat ng restaurant ay tapos na siya sa pag-retouch sa beautiful face niya. Pagpasok niya sa restaurant ay natagpuan niya si Florenz na nakasuot ng apron at nagse-serve sa ibang customers. Nang makita siya nito ay sinenyasan siya nito na maupo sa mesang dati niyang pinuwestuhan noon. Mula sa mesa ay nagkaroon siya ng pagkakataong pagmasdan ito mula sa malayo. That Florenz guy is really adorable. Hindi naman talaga ito super-duper guwapo pero dahil sa kakaibang appeal nito ay parang ganon na rin iyon. She found him unique pero hindi niya matukoy kung ano ang unique dito. Pinagmasdan din niya ang gestures nito habang abala sa pagse-serve ng pagkain sa kalapit na table. Hindi niya malaman kung saan niya nahugot ang idea pero nasabi niyang may gawi itong may pagka-childish and at the same time, a father-figure. Napatanga na naman siya habang sinusundan ito ng tingin hanggang sa pumasok ito sa loob ng counter.

            Pagbalik nito ay hindi na nito suot ang apron at may dala na itong isang tray. Pero hindi kay Florenz napunta ang atensyon niya kundi sa kasunod nitong bagama’t nakadamit panlalaki ay kumekembot habang naglalakad. May dala din iyong tray. Kamukhang-kamukha ito ni Florenz minus the eyeglasses plus the feminine gestures.

            Ibinaba ng mga ito ang tray sa mesa.

            “Ay! Bongga! In fairness, ‘tol. Ang ganda pala nitong si Setty!” bulalas ng bading. Inilahad nito ang kamay sa kanya. “Ngapala ganda, ako si Chandy twin brother nitong napakaguwapong bombilya sa balat ng lupa!”

            Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito pero nagulat siya dahil nakipag-beso-beso pa ito sa kanya. “Hello, nice meeting you.”

            Pasimpleng sinabunutan ni Florenz si Chandy. 

            “Nagsalita ang hindi bombilya ha.”

            “Ikaw talaga napaka-sweetness mong kafatid.” Bumaling ito sa kanya. “Welcome to Manigbas Family!”

            Napatawa lang sila. May kapatid pala itong bading at halata sa mga kilos ng dalawa na tanggap ni Florenz ang pagiging pusong-babae ng kapatid. 

             Nakita niyang tiningnan ni Florenz si Chandy.

            “O siya, feel at home ha. Alam mo va ikaw ang unang vavaeng lantaran niyang ide-date dito sa resto namin. Ang haba ng vuhok mo ‘day!” sabi nito sa kanya. “Aalis na ako, pinapalayas na ako ni ‘tol!”

            “Sige na, umalis ka na nga! Mamaya na kayo magkwentuhan.” At itinaboy na nga ni Florenz ang makulit na kapatid. Bumaling ito sa kanya. “Kulit ng kapatid ko ano? So, what can you say?” sabi nito habang inaayos ang agahan nila.

            Mukhang nabasa nito na may gusto nga siyang sabihin. “Nakakatuwa kayo. Labs na labs mo ang kapatid mong iyon ano?”

            “Super. Nahahawa na nga ako minsan.” Napakunut-noo siya. Napatawa ito. “I mean, the humor and some gay terms but I’m not gay. Hindi kami magkasama sa kwarto.”

            “Anong profession niya?” Sinimulan na nila ang pagkain.

            “Graduate of Culinary Arts, nag-aaral ng AB Communication ngayon, and magka-sosyo kami dito. Teka, bakit siya ang pinag-uusapan natin?”

            “May masama ba do’n?” Binalingan niya ito.

            “Selos ako,” seryosong sambit nito.

            Natumbok nito ang gustong marinig ng puso niya. “Feeling mo ha. I like your bro I mean sis eh bro nga. Ano ba ‘yan? Basta, like ko kapatid mo.”

            Ito naman ang kumunot ang noo. “Like mo?”

            “Oo, sarap siguro na may kapatid na kasing saya niya. Nakakatanggal ng problema.” Bigla niyang naalala ang problema niya. 

            “May problema ka? Ano nga pala nangyari at na-late ka?” He was staring at her with full of concern. “Umiyak ka ba? Bakit ganyang ang mata mo, naniningkit na?”

            “Nawalan ako ng trabaho. Tinanggal ako sa trabaho kahit na ang dami kong milyones na naipasok sa kompanya. Di ko nga alam kung ano gagawin ko. Kailangan ko ng trabaho. May kapatid pa akong pinag-aaral.” Hindi niya napigilan na maiyak na naman nang maalala ang   pang-iinsulto ng ex-boss niya. Pinawi niya agad ang luha. “Sorry. Masama nga pala ang naiyak sa harap ng pagkain.”

            Bumilis ang tibok ng puso niya nang pawiin ng mga kamay nito ang luhang tumulo na naman sa pisngi niya. “Tama na, sayang ang make-up mo o. Ang ganda mo pa naman ngayon.”

            Binato niya ito ng tissue paper. “Inuuto mo lang ako eh.”

            “Hindi ah, Maganda ka talaga, itanong pa natin sa nanay ko gusto mo?” Napangiti na siya. “Hiring ngayon sa firm namin. Gusto mo? Are you willing to work with me?”

            “With you? As what?”

            “Naghahanap kasi ako ng executive secretary. Gusto mo? Medyo malayo nga lang iyon sa marketing. Maganda ang benefits ng Santos Construction Firm kaya nakuha ng firm ang loyalty ng mga empleyado nito. And for sure, ikakatuwa rin iyon ni Sir Carvin. Ano?”

            Hmm, magiging secretary mo ako at makakasama kita kahit saan. Hindi na masama. Exciting pa nga…puwede!  “Teka, pag-iisipan ko ‘yan. Hmm, sige payag na ako.” Inilabas niya mula sa dalang brown envelope ang kanyang resume at ibinigay iyon kay Florenz.

            Nakatanga lang sa kanya ito. “Nag-isip ka na sa lagay na ‘yon?”

            “Oo.”

            “Ang bilis naman ata.” Pinasadahan nito ng basa ang resume niya. “Okay you’re hired. Itatawag ko na lang kay Sir Carvin at sa HR na nakakita na ako ng secretary. Puwede ka ng mag-start sa Monday.”

            Siya naman ang natigilan sa pagkain. “Wala ka man lang bang itatanong, some sort of interview? Ang bilis mo rin akong tanggapin  ah.”

            Ngumiti ito sa kanya habang tinititigan na naman siya. “Mabilis din akong magdesisyon kaya madalas pumapalya ako sa personal kong buhay.” Ipinagpatuloy nito ang pagkain.

            “Ay, ganon din ako.” Nagkatinginan sila at nagkatawanan.

           “Wag ka na iiyak ha. Weakness ko kasi ang iyakan ng babae. It can easily break my fragile heart.”

            How nice of him! Ngayon, nakakasiguro siya na napakaswerte talaga ng makakatuluyan nito. Nangangahulugan lang na hinding-hindi nito papaiyakin ang kahit sinong babae.Kahit na mahirap i-predict ang ugali nito, batid naman niya na sobra itong mapagmahal dahil sa mga simpleng gawi nito plus ang detalyeng laman ng friendster account nito.


            ARAW ng libing ng namatay na anak ng isa sa mga hacienderong kapitbahay nila sa Caliraya kaya complete attendance sila na dumalo sa libing. At tulad ng parating nangyayari, nag-iisa na naman siya sa likod ng magkaka-partner niyang kasama. Kainis talaga! Paglinisin ko naman kaya ng turil ng baboy ang mga ito mamaya para hindi na lambing ng lambing sa mga tuwang-tuwa ko pang mga kaibigan? Si Florenz naman kasi, nagka-appointment pa. Hmmp! Patuloy ang pagmamaktol niya sa sarili niya. Kahit di naman kasi niya sadyaing balingan ang mga kasama at hindi naman pa-PDA ang mga ito, eh naiinggit pa rin siya.    

            Hanggang sa biglang siyang napatid at napasandal siya sa kung sinumang good samaritan na sumalo sa kanya. Agad naman siyang inalalayan ng binata.

            “Setty? Anong ginagawa mo dito?”

            Napatunghay tuloy siya agad. “Oy, Florenz!” Dahil halos magkalapit na ng husto ang katawan nila ay nasamyo niya ang masculine scent nito. Nakaka-in love ang bango nito. Bumilis na naman ang tibok ng puso niya nang maalalang hawak nito ang mga braso niya at halos nakayakap na ito sa kanya. Minsan tuloy naisip niya eh nag-oover react na ang puso niya ‘pag nakikita si Florenz. “I-I should ask the same thing. Ito ba ang appointment mo?”

            “Ah, yeah. Kakanta ako sa libing mamaya.” Sa wakas ay binitawan na siya nito.

            “Ako, nakikipaglibing. Funeral singer ka rin pala.”

            Nagpatuloy na sila sa paglalakad. “Ah, oo. Pati nga sa mga fiesta at  party ay kumakanta ako. Teka, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” Pakiramdam niya ay namula na ang pisngi niya nang marinig iyon. Salamat na lang at mataas ang sikat ng araw at puwede niyang idahilan iyon kung sakaling mapansin nito ang pamumula niya. Malaki talaga ang impact ng pagiging concern nito sa kanya.

            “Okay lang ako, medyo lampa lang ako talaga.” Naalala niya ang mga kaibigan na nasa harapan lang at busy sa mga partners nila. “Ngapala, sila ang mga kaberks ko at ang mga asungot nila.”

            Awtomatikong nagsilingunan ang mga ito sa kanya.

            “Oy narinig ko ‘yon ha. ‘Kaw ha, manyapa’t may kausap ka na diyan eh itinatakwil mo na kami!” hirit ni Aya.

            “Sino siya? Looks family!” si Thea.

            “Oo nga, saan ba kita nakita?” si Hyde.

            Tinugon niya ang mga ito. “Hey guys, this is Florenz. At hindi ko kayo tinakwil, ako nga ang kanina n’yo pa kinalimutan eh.”

            Nakipagkamay kay Florenz ang mga lukarit niyang kaibigan at ganon din ang mga ka-partners nito. Maging si Carvin ay nakikamay din kahit anim na taon na nitong kasama si Florenz sa trabaho.

            “Empleyado ko nga pala itong si Florenz dude sa firm. Siya ang bagong boss ni Setty,” sabi ni Carvin. Binalingan siya nito. “By the way, I just pulled out the contract from your damn shit ex-company. Nakaganti na ako sa kung anumang masasakit na sinabi ng Claire na iyon sa ‘yo. At kung puwede nga lang siyang palayasain sa neighborhood natin eh nagawa ko na.”

            Napangiti siya. Nadoon kasi sa bahay nila si Carvin nang humagulhol siya ng iyak sa pang-iinsulto ng ex-boss niya.

            “And also, sinugod namin iyong company na iyon para ipamukha sa kanilang seryoso kami sa pag-pull out ng contract. Milyones din ang nawala sa kanila dahil doon. Kaya ‘wag ka ng mag-alala. Ipinamukha ko na rin sa tabatsoy na dalahira mong ex-boss na kahit magmakaawa siya ay hinding-hindi na magbabago ang isip ng Santos Firm. At sinabi ko rin sa kanya kung bakit nagkamali siyang sinesante ka niya,” dagdag pa ni Florenz.

            “Ha? Ginawa nyo iyon? Teka, hindi ba delikado iyon?”

            “Hindi. Kung puwede nga lang ipakulam ang mga iyon ay pinakulam ko na. Hindi ka nasasaktan ng ganon ng ibang taong nakapaligid sa iyo tapos siya basta ka na lang ininsulto. Nagkamali siya ng kinalaban.” Halata sa mukha nito ang panggagalaiti.

            “Alam mo Setty, pasalamat sila wala ako noong nangyari ang eksena na iyon. Ako ang kukulam sa kanila!” sabat naman ni  Lem.

            “Sabi ko sa ‘yo, samurai ko na rang sira eh. Ako hintay rang sabi mo.”

            Sabay-sabay silang impit na tumawa sa hirit ni Hiro. Nasa kalagitnaan kasi sila ng prusisyon ng libing. Hindi naman appropriate na magtawanan sila. Napakaswerte talaga niya. Sa mga oras na iyon, na-realized niya na hindi naman niya kailangang isipin na nag-iisa siya.

            Maya-maya pa ay nakarating na sila sa sementeryo at sa pangalawang pagkakataon ay narinig na naman niya ang malamyos at malamig na tinig ni Florenz habang kumakanta ng Tears in Heaven na nasundan pa ng Warrior is a Child


PREVIOUS                                                                      NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…