Skip to main content

An Answered Prayer- Chapter Five




Ilang linggo na ang mabilis na lumipas at nakapagsimula na rin siya sa bagong trabaho niya bilang executive secretary ni Florenz. Wala pala talagang patawad ito pagdating sa trabaho. Unang araw pa lang kabundok na paperworks ang ipinaayos nito sa kanya. Dahil nasanay siya sa field work, medyo nawiwindang pa siya sa bagong mundo niya, idagdag pa na sa loob ng opisina na iyon ay dalawa lang sila ni Florenz doon at halos magkatapat pa ang mesa nila.

            Dire-diretso ang trabaho niya at halos hindi siya kumukurap habang abala sa page-encode ng mga data sa computer system ng firm. Nangangalahati na siya sa itinambak nitong trabaho sa kanya nang lumapit ito sa kanyang mesa at nagpatong pa nang isang dangkal na patas ng papel.

            “Pa-shred nitong lahat. Ando’n sa may photocopy machine ang shreding machine,” utos nito na tila walang pakialam kung matabunan na siya ng bundok na papel.

Kaya tuloy nadadagdagan ang inis niya dito. Minsan kasi ay basta na lang ito mag-utos. Kesyo di daw nito magawa dahil marami daw itong gagawin pero nang binalingan naman niya ito, prenteng nakataas pa ang paa nito sa mesa habang hawak ang technical pen sa isang kamay at pinapanood lang siya kung paano siya nagkawindang-windang sa trabaho niya.


Gumaganti na talaga ang gago na ito! Pasalamat ka type ko ang fez mo dahil kung hindi nabato na kita ng giant puncher! Gusto sana niya iyong isatinig. “Yes, Sir. Ah, Sir puwede ba na tapusin ko muna itong ginagawa ko bago ko ito i-shred? Kasi you know Sir, matatabunan na ako ng papel dito.” Binalingan niya ng tingin ito at ang mga papel na pinatong nito.

“Okay. No problem, my dearest secretary. By the way, gusto mo ng merienda? Tsaka, ilang beses ko bang sasabihin na tanggalin mo na iyong ‘Sir’. ‘Pag tayo lang ang tao, Florenz na lang.”

“Hindi ako nagugutom. Tsaka, gumagalang ako sa nakakatanda.”

“Ang sungit mo naman, dearest secretary. Pasensiya ka na ha at marami akong pinapagawa sa iyo. Marami kasing naiwang trabaho iyong dati ko secretary.”

            Inirapan lang niya ito at ipinagpatuloy ang trabaho. “Kung wala na po kayong ipag-uutos Sir, lumayas na po kayo sa harap ko at hindi ako makapag-concentrate sa trabaho ko.”

            Tila nanadyang sumampa pa ito sa mesa niya. Iyan tuloy, two inches na lang ang layo nito sa kanya na nagpatalon sa puso niya. Tila inaatake na naman na maglikot ang puso niya.

            “Di ka makapag-concentrate dahil sa akin?” may halong malisyang sambit nito.

            “May boss kasi ako na mas hilig pa ang makipag-kwentuhan sa secretary kaysa asikasuhin ang sariling trabaho. Ang kulit-kulit pa ng boss ko na iyon. Tinambakan ako ng trabaho tapos papanooorin lang ako kung paano ako mawindang sa binigay niyang trabaho. By the way din Sir, sigurado ba kayong ishe-shred ko lahat iyan?” Tinuro niya ang mga papel. Binalingan niya ito. Kunot ang noo nito.

            “Ganon ba ako? FYI, inaaliw ko lang ang sarili ko dahil kinakabahan ako. May proposal presentation ako mamaya with the Board of Directors. And that presentation is my gate way to promotion. At iyang mga papel, oo dispatsahin mo na ‘yan lahat kaya nga inutos ko sa ‘yo eh.”

            Wala siyang kaalam-alam sa presentation nito dahil ayaw nitong magpatulong noong ginagawa nito ang presentation. “Grabe ka rin mag-aliw ng sarili ah. Tatambakan mo pa ako ng trabaho. Lumayas ka nga sa tabi ko at baka masipa pa kita.”

            “Bawal sa firm na ito, lalo na sa opisina ko ang masungit.” Pinisil nito ang tungki ng ilong niya bago siya nito iwan.

            “Florenz…”

            Nakangiti itong lumingon sa kanya. Muntik   na siyang mapanganga nang masilayan muli ang adorable dimples at expressive eyes nito. “Yes?”

            “G-good luck.”

            “Thanks.”


            NANG matapos niya ang page-encode ay sinimulan niyang i-shred ang mga papel. Napasadahan pa niya ng basa ang iba doon. May mga business letters, financial statements, at business plan.       Nasa kabilang opisina ang shreding machine, kung saan karamihan ng mga engineers ay doon naglulungga. Isa-isa na niyang isinasalampak sa machine ang mga papel nang pabalandrang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Florenz. Mukhang highblood na naman ang boss niya.

            “Setty, nilinis mo mesa ko?” Sabi na nga ba. Mainit nga ang ulo nito at nagtataas na naman ng boses. Kaya nagimbal tuloy ang buong opisina at pinagtitinginan na sila ng mga staff doon.

            “Yes Sir. Ipinatas ko lang ang mga papel doon Sir. Wala akong tinapon, wala akong kinuha. Inayos ko lang po ang patas ng papel,” tugon niya.

            “Bakit mo pinakialaman ang gamit ko? Nawawala ang proposal ko! Alam mo bang pawis at dugo ang pinuhunan ko para sa proposal na iyon? Wag ka kasing pakialamera!” Lalo pang tumaas ang tono nito.

            Foul.Tumagos sa kaluluwa niya ang sakit ng salitang binitawan nito. Pumikit siya at huminga ng malalim para maiwasang mapaiyak sa harap nito. “Sir, wala akong alam sa nawa-”

            “Wala kang alam? You supposed to be my secretary. You should know everything! Saan pang lupalop  ng opisina na ito mahahanap ang proposal na iyon? Naka-handwritten doon lahat ng discussion ko. Now, tell me!”

            Hindi siya makahirit. Gusto niya itong sampalin pero wala siyang lakas at hindi rin naman puwede. “Sir, wag n’yo po sana sa akin ibaling ang kasalanang hindi ko nagawa.”

            “At ako pa ang may kasalanan ngayon?  Oh my! Bakit ba kita kinuhang sekretarya ko?!” He turned off the shreding machine at hinalakwat ang pira-pirasong papel although it’s useless.

            Naglaho lahat ng magandang pagtingin niya kay Florenz. Di niya akalaing halos tulad lang ito ng lahat ng lalaking naging boyfirend niya sa text at ng ex-boss niya. Wala itong pakialam kung masaktan man siya sa pinagsasabi nito. Sa isang-iglap, man-hater na ulit siya.

            “Tama na iyan, Sir. Useless lang iyan. Nagsasayang ka lang ng oras dyan.” Pinilit niyang huwag maiyak at magmatapang.

            “And who the hell are you to tell me what to do?” binalingan pa siya nito.

            Natunaw na ang natitirang tapang niya. Tuluyan nang pumatak ang luha niya. Napahiya na siya dito, sa sarili niya, at sa lahat ng empleyado ng Santos Construction Firm. Iniabot niya dito ang itinabing business plan na nakasama sa pinapa-shred nitong mga papel. Balak niyang itanong kung talaga bang isasama iyon o hindi pero naunahan na siya ng pagpapahiya nito.

            “Ito ba ang hinahanap mo? O ayan Sir. Ibabalik ko sana iyan sa inyo kasi mukhang hindi iyan dapat itapon na lang. Sir, luka luka nga siguro ako, pero marunong po akong umintindi at may hiya rin naman ako sa katawan. Puwede n’yo naman akong kausapin ng maayos. In the first place Sir, tinanong ko sa inyo kung sigurado kayong ishe-shred ko ang mga papel na iyan. Kung nagsisisi ka at kinuha mo akong sekretarya mo, nagsisisi rin ako Sir.” Dire-diretsong pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. Tinitigan niya ito at nakitang  tila nahulasan ito ng init ng ulo. Pinawi niya ang sariling luha at matapang na hinarap ito. “Nagsisisi ako dahil binigyan kita ng pagkakataon na pumasok sa buhay ko. I’m resigning Sir.”

            “Setty-”

            “No. You will not be out of my firm. I’m going to transfer you to marketing department.”

            Kapwa sila napatingin sa may pinto. Nakatayo si Carvin  at Thea sa may pintuan  at masama pareho ang tingin kay Florenz.

            Bumaling si Carvin kay Florenz. “In my office, Engr. Manigbas. Now!” Nakakagimbal ang authoritarian na tono ng boses nito. Pati mga usiserong empleyado doon ay hindi magkamayaw kung paano babalik sa kanya-kanyang trabaho.

            Tumalima ito. Ngunit bago pa ito makalapit sa pinto ay inundayan na ni Thea ng suntok ito. Mabuti na lang at napigilan niya si Thea kaya hindi nito masyadong nasapol ang mukha ni Florenz. “Teka, sinaktan ka na nga, pinagtatanggol mo pa? Baliw ka na talaga. Tumabi ka dyan Setty at sasamain sa akin ang lalaking iyan.”

              “Wag na, Thea. Wag na. Useless lang, maupakan mo man siya nasaktan na niya ako,” awat niya.

            Sa halip na ipagpilitan ni Thea na suntukin si Florenz, niyakap na lang siya nito.

            Tinitigan pa siya ni Florenz. “I’m sorry...” At saka ito sumunod kay Carvin.

            Yeah, that simple two words melted all the pain in her heart. Hindi niya tuloy maintindihan ang sarili niya. Kung sa ibang tao, dapat ay nanggagalaiti na siya sa galit. Pero bakit hindi niya iyon maramdaman para kay Florenz?

            After the incident he sincerely asked for apology. Madali naman niya iyong naibigay. “I can forgive you but don’t expect me to be the same. Wala na akong balak makipagkaibigan pa sa iyo.”

            “Pero-”

            “Forgiving you is enough.”

            “Wag kang umalis sa firm, please!” He suddenly holds her hands gently and firmly as if asking him to stay with him forever. “I’ll pay for whatever consequence you want me to do, just don’t leave.”

            Hindi niya mawari kung bakit nakaramdam pa siya ng kakaiba habang hawak nito ang mga kamay niya. It was the first time she experienced holding hands with opposite sex. And for her, his hands gave her a sense of security. Mabuti na lang at wala na si Thea sa tabi niya. Malamang ay nalibing na siya nito ng buhay dahil ang dali niyang pinatawad ang lalaking ito.

            “Okay, hindi na ako magre-resign at hindi rin ako magpapalipat sa ibang department. I’ll stay as you’re secretary.”

            Ngumiti ito at bumalik na rin ang puso niya sa pagtatalon-talon. “Thank you,” sambit nito  habang nakatitig sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang tila relief sa nangyari.

            Madali niya itong napatawad at balik normal ang lahat. Pero ipinangako na niya sa sarili na hindi na ulit siya magkakagusto sa lalaking ito.    

Pag-uwi niya sa bahay ay naabutan niya sa lanai ang mga kaibigan niya na tila may mainit na diskusyon. Ni hindi nga napansin ng mga ito ang pagdating niya.

            “I just gave him the benefit of the doubt. Hindi ko siya puwedeng sesantihin na lang basta due to personal reason. It’s against our protocol.” Napapailing pa si Carvin habang idinedepensa ang sarili.

            “So anong ginawa mo kay Florenz?” tanong ni Lem.

            “I just exclude him from the promotion list.”

            “What?!” halos sabay-sabay na reaksyon nina Thea, Aya, at Hyde.

            “That’s the least I can do.”

            “The least? I can’t believe this. Hindi mo ba alam kung gaano kasama sa loob ko na hindi ko man lang nasuntok kanina ang lalaking iyon dahil inawat ako ni Setty!” inis na inis na kinutusan ni Thea ang kawawang boyfriend.

            “Pasalamat ang bombilya na iyon at hindi ko siya nahabol ng giant bolo ko!” hirit ni Hyde.

            “Hyde, ‘wag ka bayorente!” sita ni Hiro sabay yakap sa asawa.

            “Kaasar eh!”

            “Naku, pahinging picture ng lalaking iyon. Letse lang ang walang ganti. May lugar siya sa Adobe Photoshop!” exagerrated na reaction naman ni Aya.

            “Aya, ang adrenalin rush mo umiiral na naman!” sita ni Lem.

            “Tse! Tumahimik ka dyan kung ayaw mong ikaw na naman ang pagbalingan ko!”

            Natahimik na lang si Lem.

            “Si Setty kasi nakakainis! Nakasuntok na sana ako eh!” Nanggagalaiti pa rin si Thea.

            Sunud-sunod ang litanya ng mga kaibigan niya at halos natahimik na lang ang mga lalaki sa isang tabi para makaiwas sa gulo.

            “Present!” Sa wakas ay napansin na rin si Setty ng grupo. Umeksena na siya bago pa makabuo ng ambush attack ang mga kaibigan niya. Nag-grand entrance siya na parang walang narinig. Natigilan tuloy ang mga kaibigan niya. Tutuloy na sana siya sa kwarto nang maalalang may gusto siyang sabihin sa mga kaibigang nakamasid lang sa kanya.

            “Okay na kami ni Florenz. Wag na kayong mag-alala.” Binalingan niya sina Lem at Carvin. “Kung gusto n’yo nang pakasalanan sina Aya at Thea, walang problema sa akin. Ayokong maging dahilan ng problema. Pabayaan n’yo na lang ako.”

            “Pero Setty!” halos sabay-sabay na sambit ng mga ito.

            Binalingan niya ang tatlong lukarit niyang kaibigan. “We all deserve to be happy. Maawa naman kayo sa boyfriend n’yo, Thea, Aya. Noon pa lang alam kong gustong-gusto na nilang pakasalan kayo. But because of our agreement eh nasasaktan n’yo na sila.”

            Waring natauhan na binalingan ng dalawa ang kani-kaniyang boyfriend.

            “Ganon ba iyon? I’m sorry Lem.”

            “I’m sorry Carvin.”

            Napangiti lang ang dalawa at niyakap ang mga ito. How sweet talaga.

            “At about me, I’m happy! Kaya wag n’yo na akong intindihin. Maganda kasi ako.” Ngumiti pa siya ng todo. Pumasok na siya sa sariling kwarto.

            Doon niya naalala ang dati niyang abstract boyfriend. Bagama’t ito ang nakipag-break sa kanya, hindi niya magawang magalit man lang dito ng lubos dahil hanggang sa huli ay damdamin at kapakanan pa rin niya ang inisip nito kaya naisipan nitong tapusin na ang relasyon nila. Naisipan niyang buksan ang dating sim. Nagulat pa siya nang agad iyong mag-beep. Galing kay Renz, ang ex niya, ang mensahe. Napansin niyang isang oras pa lang ang nakakalipas nang ipadala nito ang mensahe.

            Hi Yesha, musta ka na? Hope you’re doing fine. Ako, hindi ako okay…puwede ka bang makausap? Yesha ang pangalang ginagamit niya noon kapag may nakikipagtext sa kanya.

            Nag-reply siya. Ngayon ko lang nabasa ang text mo. May problem ka?

            Ilang minuto lang ay nag-reply na rin ito. Ipinangako ko na na hindi na ako makakapanakit pa ng damdamin ng babae. Pero kanina, may nasaktan ako. Sana maayos ko pa iyon.

            Ganon. Nasaktan din ako kanina, pero napatawad ko na iyong nakapanakit sa akin. Don’t worry. Magiging okay din ang lahat sa inyo ng bagong girl mo.

            Sana nga…ako ba, napatawad mo na?

            Kinapa niya ang kanyang puso at wala siyang nasalat ni katiting na galit para kay Renz. Past is past. We can still be friends, right?

            Salamat, Yesha. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.


            Naging magkaibigan na nga ulit sila ni Renz at nag-agree sila na magiging textmates ulit kahit na pareho na silang may ibang gusto. Dual sim naman ang cellphone niya kaya parehong open ang luma at bago niyang sim. Mabuti na rin iyon, dahil kailangan niyang mag-divert ng atensyon para mabura kahit sandali ang damdamin niya para kay Florenz na hindi niya maintindihan kung bakit naroon pa rin sa sistema niya.

            Iyon ang akala niya. Dahil sa mga sumunod na araw ay wala na siyang ginawa kundi ang magsuplada kay Florenz pero ni katiting ay hindi ito nakitaan ng pagkairita. Bagkus ay parang tino-tolerate pa nito ang pagmamataray niya. Kaya naman sa halip na mainis dito ay lalo pa tuloy siyang nagkakagusto rito.

            “Hey my dearest secretary! Tanghali na. Tara lunch muna tayo.” Pangiti-ngiti pa ito habang nakasampa na naman sa mesa niya.

            Mabilis ang tibok ng puso niya lalo na ngayong nakakasanayan na niya ang maamoy ang pabango nitong nakakawala sa huwisyo. Naka-focus lang siya sa pagta-type. “Mag-lunch ka kung gusto mo. Hindi ako magtatanghalian kasama mo. Hindi ako nagugutom.”

            “Come on, Setty. Abot-langit ba talaga ang galit mo sa akin?” anito sabay pindot ng off button ng monitor niya.

            “Ano ba? Nagtatrabaho ako! Wag ka ngang magulo.” She turned on the monitor again.

            “Lunch time na hija, at gutom na ako kaya tumayo ka na dyan bago pa kita maisipang kaladkarin papuntang canteen. Payatot ka na nga, tapos hindi ka pa kumakain.”

            Grrrr!! “Hindi ako payatot! Sexy ako, excuse me! Kung nagugutom  ka eh di kumain ka at iwan mo ako dito. Nawalan na ako ng ganang kumain lalo na kung ikaw ang kaharap ko!”

            “Ayaw mo talagang kumain?” Bumaba na ito sa pagkakasampa sa mesa. Umiling siya. “Okay, hunger-strike kung hunger-strike. Kung hindi ka kakain, hindi rin ako kakain. May sakit ako at kapag hinimatay ako sa gutom, kasalanan mo iyon.” Bumalik ito sa mesa nito at pasalampak na umupo sa swivel chair.

            Napailing na lang siya. “Bahala ka dyang himatayin. Kahit bumula pa ang bibig mo dyan wala ako pake!”

            “Wag kang hahagulhol ng iyak ‘pag binurol ako ha, ” biro pa nito.

            “Tse!”

            At iyon na nga ang nangyari. Nakipagmatigasan ito sa kanya at hindi rin naman siya susuko. Kahit kumakalam na ang sikmura niya ay tiniis niya iyon hanggang sa abutin sila ng merienda.

            Pumasok si Carvin sa opisina nila.

            “Yow!” Nagpalipat-lipat sa kanya at kay Florenz ang tingin nito habang nilalantakan ang hawak na mamon. “Mukha kayong zombie. Hindi kayo nagtanghalian? Masama na talaga ang tama ng mga utak n’yo dude!”

            “Nagha-hunger strike kami, Sir,” tugon ni Florenz habang abala sa pag-aayos ng isang construction plan gamit ang Autocad software sa computer nito.

            Napamulagat si Carvin. “What?”

            “Hindi ko kasalanan kung bakit ayaw kumain ng engineer na iyan,” sabat niya.

            “Hindi ako kakain hangga’t hindi kumakain ang secretary kong iyan.”

            “Ang sweet n’yo naman! Sige, exit na ako mga dude. Nakakainggit ang sweetness n’yo. Hmm, matawagan kaya si Thea ko.” Basta na lang ito lumabas ng silid.

            Wala pa ring nagpatalo sa kanila. Tuluyan na silang nalipasan ng gutom hanggang sa matapos na ang business hour. Alas-siete eksakto nang mabilisan siyang nag-retouch ng make-up sa mesa niya.  Naglalagay pa siya ng lipstick nang bigla na lang sumulpot sa harapan niya si Florenz at matamang pinagmamasdan ang ginagawa niya. 

            “Dinner tayo?” alok nito.

            “Alam mo Sir kung nagugutom ka, kumain ka. Don’t mind me. At ‘wag mo akong tingnan ng ganyan as if ngayon ka lang nakakita ng babaeng nagre-retouch.” Ipinagpatuloy niya ang pagme-make up.

            “Ngayon nga lang ako nakakita ng nagre-retouch kasi madalas sa banyo ginagawa ng mga babae iyan.”

            “Puwes, ibahin mo ang style ko! Cute!”

            “Kaya nga nakaka-amazed kang tingnan eh.” He suddenly blew a breath-taking adorable smile. Natulala tuloy siya. “You’re so cute. Ah, no. You’re not just cute. You’re beautiful, pretty, definitely georgeous!”

 Natigilan tuloy siya sa paglalagay ng lipstick. Anak ng toooot! Naa-amazed siya sa akin? Wow, ang ganda ko nga!!! “Masama ka pala magutom, Sir. Ikain mo na lang iyan.” Inayos na niya ang gamit at isinakbit sa balikat ang bag. “Bye, Sir.”

            “Samahan mo ako mag-dinner.”

            “Hijo, nakakakain kang mag-isa noon, kaya mo rin iyon ngayon. You don’t need me to feed you!” Lumabas na siya ng opisina pero sinundan pa rin siya ng kumag.

            “I can feel you still hate me.”

            Hindi naman, nagpapakipot lang ako! Hindi siya umimik hanggang sa makasakay na sila ng elevator at makalapag sa ground floor.

            “Setty please. Ayusin na natin ito. Hindi ko na kaya ang ganitong treatment.” He suddenly grabbed her hands.

            Pero sa sobrang pwersa ng paghatak nito sa kamay niya ay na-out balance siya at napasubsob siya sa dibdib nito. Nasinghot niya ang nakakalokang pabango nito plus ang katawan nitong…ala Piolo Pascual. Akin ka na lang….Parang masarap himatayin sa dibdib mo, bombilya ka! At dahil gutom na nga siya, bahagya na nga siyang nahilo pero maagap naman siyang naalalayan nito.

            “Are you hurt? I’m sorry!”

            Nang mahimasmasan sa ilusyon ay walang lingon-likod niyang nilayasan ito at naglakad palabas ng company. Pero hanggang doon ay sumunod pa rin si Florenz.

            “Ihahatid na kita. Baka mahilo ka pa sa daan.”

            Binalingan niya ito. “Puwede, Florenz. Tigilan mo na ako. Kaya ko ang sarili ko.” Pumara siya ng jeep at madaling sumakay. Hindi na siya nahabol doon ni Florenz. 


PREVIOUS                                                                       NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…