Skip to main content

An Answered Prayer- Chapter Eight




 Magkapanabayan na silang naglalakad papasok ng bahay. Alam ng mga kaibigan niya na kina Florenz siya nagpalipas ng gabi ngunit hindi na niya pinaalam ang tunay na dahilan. Sinabi na lang niya na na-stranded siya pauwi dahil sa lakas ng ulan nang nagdaang gabi at wala siyang naging choice kundi ang tanggapin ang alok ng kanyang boss na sa bahay na lang nito magpalipas ng gabi.

                Bigla na lang hinawakan ni Florenz ang kamay niya dahilan para dumaloy sa sistema niya ang kakaibang damdaming hindi niya maipaliwanag. “Kung tuloy pa tayo sa plano mo dapat ngayon pa lang ipakita na natin sa kanila ang relasyon natin,” sabi nito.

                “H-ha..ah..o-oo. Tama ka nga do’n. Ah, Florenz,” wala sa sariling tugon niya.

                “Bakit?”

                “Pasensiya ka na at dinamay pa kita sa kalokohan ko ha. Kailangan ko lang kasi ito para sa kasiyahan ng mga kaibigan ko. Pero kung napipili-“

                “Wag mo akong alalahanin. Okay nga ito. May girlfriend na ako ulit. Kung sa ‘yo front lang ito, aaminin ko Setty na para sa akin totohanang relationship ito. Since ang gusto mo lang naman talaga sa buhay mo ay maranansang mahalin ng totoo, hayaan mo na lang sana na ako na lang ang magmahal sa ‘yo.”


                Muntik na siyang mawalang ng malay sa biglang paglutang ng utak at puso niya sa sinabi nito. Binalak pa niyang alisin ang pagkakahawak nito sa kamay niya ngunit hindi siya nito binitawan kaya alam niyang ramdam nito ang panlalamig at panginginig ng kanyang kamay.

                Huminto ito sa paglalakad at hinarap siya. “Nanlalamig na ang kamay mo at nanginginig. Okay ka lang ba? Wag mo ng alalahanin ang nangyari kagabi. Ipinapahuli ko ng lahat ang mga gagong iyon sa mga kaibigan kong pulis.” Titig na titig ito sa kanya habang bakas sa mata nito ang lubos na pag-aalala.

                O hinde! In love na talaga ako sa iyo!

                “Okay lang ako. Pagod lang siguro.”

                Masuyong hinawi nito ang bangs niya at isinilid iyon sa tenga niya. “From now on, I won’t let anybody hurt you beyond my back. Dadaan muna sila sa akin bago ka nila madampian.”

                Lumutang na ulit ang puso niya na sa tingin niya ay hindi na magbabago ng hobby tuwing madidikit siya kay Florenz.

                “Wow, ang sarap mo palang maging boyfriend. Salamat ha.”

                “Ehem..ehem…” Inistorbo sila ng pagtikhim ng kung sino man sa likod nila. Sabay pa silang napalingon para matuklasan lang pala na kanina pa silang pinapanood ng mga kaibigan niya at mga ‘valentino’ ng mga ito.

                “Ahm, parang narinig kong boyfriend na ni Setty si Florenz,” parinig ni Lem.

                “Ganon din ang narinig ko dude. Pero parang ang bilis naman ata. Di ba Thea my labs?” baling ni Carvin dito.

                “Oo nga,” tugon ni Thea. Bumaling ito kay Florenz. “Totoo ba yon?”

                Umakbay si Florenz sa kanya. “Oo. It’s official. Kami na nga.”

                “Setty, kelan pa?”

                Nagkatinginan  pa sila ni Florenz bago niya sinagot ang tanong ni Aya. “Ah, mga three weeks na,” pagsisinungaling niya. “Hindi ko iyon gustong itago sa inyo. Humanap lang ako ng right timing. Alam ko naman kasing na-bad shot si Florenz sa inyo kaya di ko malaman kung paano sasabihin sa inyo.”

                “At, medyo slow din kasi akong mag-catch up sa naging relationship namin ni Setty kaya medyo humanap talaga kami ng magandang buwelo,” dagdag ni Florenz. “By the way, I truly apologize sa nangyari noon. I know I hurt Setty that time. I just promise myself that I will no longer let anybody hurt her again. At kahit sarili ko ay pinagbabawalan kong saktan siya ulit,” buong sincerity nitong pagpapaliwanag sa mga kaibigan. In some unbelieveable reason, tila na-convince naman agad ang mga kaibigan niya sa sinabi nito.

                “Pero still kailangan mong dumaan sa due process.”

                Muntik na siyang mapatawa sa hirit ni Hyde. May kung ano na namang idea ang pumasok sa malikot nitong imahinasyon at pustahan kinagabihan ay maisasa-nobela na ang kalokohang naisip nito.

                “Due process? May sintensiya ba ang pagiging boyfriend niya?” pabirong tanong ni Florenz.

                “Oo, dahil ikaw ang kauna-unahang concrete boyfriend niya. Akin na lisensya mo,” seryosong sambit ni Hyde.

                “Ah… Hyde-”

                “Wag kang mangealam dito, Dr. Hirotomashi Yuri.”

                Agad namang natahimik ang asawa nito.

                Bumunot si Florenz ng wallet sa bulsa at walang tanong na iniabot ang driver’s license nito kay Hyde. “Ah, ito pa. SSS id, licensure id ko, voter’s id.” At iniabot din nito ang mga iyon kay Hyde.

                “Birth certificate?” tanong ni Aya.

                “At Baptismal na rin,” si Thea.

                Napatawa na lang siya nang mapakamot ng ulo si Florenz. “Kailangan ba iyon? Nasa bahay eh.”

                “Ganon? So hindi pa puwede,” seryosong deklarasyon ni Aya.

                “Anong hindi pa puwede?” kunut-noong tanong niya. “Kayo ha, wag n’yo ngang sindakin ang boyfriend ko.”

                “Ah, akala kasi namin puwede na kaming tumawag ng pari para maikasal na kayo. You know!” tugon ni Hyde sabay balik ng mga id ni Florenz dito.

                “Ganon ba yon? Di n’yo naman sinabi sa akin. Nadala ko sana. Sayang!” hirit ni Florenz na ikinatawa naman ng lahat.


                MAAGA pa lang ay sumabay na siya kay Hiro at nagpahatid sa restaurant nina Florenz. Alam niyang hindi niya puwedeng indianin ang pangako niya kay Sechi na dadaan siya doon bago siya pumasok sa trabaho. Abot langit pa rin ang saya niya. Kahapon lang ay maghapon ng nanatili sa bahay nila si Florenz at nakipag-bonding sa mga kaibigan niya.

Habang papasok ng restaurant ay ka-text pa niya ang ex niyang si Renz at masayang kinukwento ang magandang pagbabago sa love life niya. Nang di na ito nag-reply ay inabala na lang niya ang sarili sa pakikipag-chikahan kina Chandy sa loob ng kitchen.

At dahil gusto rin niyang makabawi sa kabutihan ng pamilya ni Florenz, nagboluntaryo siyang tumulong mag-asikaso ng customers. Kaliligpit lang niya ng isang mesang nabakante nang bumaba si Florenz mula sa bahay. Nakasuot ito ng pink na long-sleeves at tie. Pero sa halip na magmukhang bading, mas na-emphasize pa ng pink ang kagwapuhan nito. Di tuloy niya maiwasang  mapangiti. Nang makita siya nito ay agad nitong inagaw sa kanya ang dala-dalang tray na pinaglagyan ng mga baso at pinggan.
               
           “Teka lang, ano ba ‘yang ginagawa mo? Nakakahiya sa ‘yo. Ang ganda-ganda mo pa naman ngayon.” Pangiti-ngiti lang ito habang inaagaw sa kanya ang tray at ipinatong iyon sa isang mesa.

                “Okay lang ito. Enjoy naman ako.”

                “Madudumihan ka lang kasi kaya ‘wag ka nang magpumilit pa. Kumain na lang tayo at andon na ata sa kusina si Sechi.” Walang tanung-tanong na hinawakan nito ang kanyang kamay at masuyong iginiya papunta ng kusina.

                Matapos nilang mag-agahan ay nagpaalam na siya sa pamilya nito. Naks! Parang tunay na nga ang relasyon namin. Kung pumayag na lang kaya ako na maging totoo na ang relasyon namin?
                “Sorry to disappoint you Florenz pero iyong cutable mong kotse eh may sira ata. Di ko siya nagamit kanina kasi ayaw mag-start!” litanya ni Chandy.

                “Ha? Sigurado ka?”

                “Surenez na surenez!”

                Nasapo ni Florenz ang noo. “Sa dinami-dami ng araw, ngayon pa nag-inarte ang kotseng iyon.” Masuyong binalingan siya nito. At tulad ng unti-unti na niyang nakasanayan, kumakabog na naman ang puso niya sa kakaibang pagtitig nito sa kanya. “Okay lang ba sa iyo na mag-commute kahit nakapalda ka?”

                Tiningnan pa nito ang kabuuan ng dress na suot niya. Lalo tuloy siyang nailang. “Ah, ako ba ang inaalala mo? Wala sa akin ‘yan. Kahit sa ten-wheeler truck mo pa ako pasakayin. Carry ko yan!”

                In her mere surprise he suddenly burst with laughs. Sapo pa nito ang tiyan sa kakatawa. Nakaka-in love ang way ng pagtawa nito. Nakakagaan ng mundo.

                “Teka, ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Kung gusto mo sa kariton pa tayo sumakay. Di ba, bongga! Bagay na bagay sa attire nating pang-executive!”

                Naningkit na ang mata nito sa pagtawa. Nang mahimasmasan ito ay masuyong pinisil nito ang pisngi niya.
       
              “Ang swerte ko talaga sa girlfriend ko.”

                “Aba siyempre! Nag-iisa lang ako sa time dimension na ito ano!”

                Napangiti pa rin ito sa hirit niya. “Sumakay na nga tayo bago pa ako mabaliw dito.” Agad nitong pinara ang unang jeep na dumaan.

                Tahimik lang sila habang nasa sasakyan. Puno kasi ang jeep. Nang matantiya niya na sampung minuto na lang ang layo nila sa opisina ay binunot na niya ang kanyang mga ‘armas’ sa bag. Walang pakyeme-kyeme na nag-retouch siya ng make-up at nag-ayos ng buhok sa loob ng sasakyan. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng ibang pasahero. Naglalagay na siya ng final touch ng lip gloss nang balingan niya ang katabing si Florenz na pangiti-ngiti lang habang pinagmamasdan siya.

                “Bakit?”

                “Wala lang. You’re so amazing. Nakakapag-ayos ka ng sarili mo kahit sa ganitong sitwasyon.”

                “Well gaya ng sinabi ko noon, ibahin mo ang style ko. Wala  namang masama dahil maganda naman ako, di ba manong?” Binalingan niya ang katapat na pasahero na sa hula niya ay isang government employee. Tumango lang ang mama.


                SA buong umaga ay hindi miminsan niyang napansin na napapalingon ito sa kanya habang kapwa sila abala sa trabaho. Hanggang sa lapitan na siya nito sa mesa niya.

                “’Need anything Sir?” tanong niya nang hustong makalapit na ito.

                Kumunot-ang noo nito. “Sir? Ano iyon? Galit ka na naman ba at Sir na naman ang tawag mo sa akin?”

                “Ah, hindi! Baka kasi may makarinig na iba. Sabihin naman nila hindi ako sumusunod sa rules ng company,” palusot niya. Anong palusot iyon? Haler! Kayo lang dalawa ang tao sa opisinang ito ever! Pinagsasabihan na siya ng utak niya.

                “Niloloko mo naman ako eh. Wala namang ibang tao rito. Tayo lang talaga. Mabuti pa tumayo ka riyan. May pupuntahan tayo.”

                “Pero Florenz may trabaho pa ako at hindi pa lunch break.”

                Napapailing na hinila nito ang kamay niya at sa isang iglap ay lumabas sila ng opisina na magkasalikop ang kamay. Pinagtitinginan sila ng ibang empleyado. Ngunit nang balingan niya ito nakita pa niyang parang proud ito na hawak ang kamay niya sa halip na mailang.

                Pagkarating sa parking area ay iginiya siya nito papasok sa kotse at makalipas ang ilang minuto ay nagmamaneho na ito going Liliw Laguna.

                “Puwedeng magtanong?” hirit niya.

                “Libre naman ang magtanong.”

                “Saan tayo pupunta?”

                “Magtatrabaho tayo. Pupunta tayo sa construction site,” pangiti-ngiting tugon ni Florenz.

               “Ha? Hindi ako puwede do’n? Nakapalda ako!”

                “O akala ko ba kahit saan go ka? Wag kang mag-alala. May standard safety procedure kaming sinusunod doon para masiguradong ligtas ang lahat ng tao do’n. May kailangan lang akong asikasuhin.”

                “Eh ang problema kasi, lampa ako. Tsaka, bakit isinama mo pa ako?”

                “Ayokong magbiyaheng mag-isa. Boring iyon. Limang taon na akong ganon kaya nakakasawa na rin.”

                Napangiti siya. Ayaw mo lang sabihing gusto mo akong kasama.

                Hindi niya maiwasan ang humanga sa tinatayong hotel building na pinuntahan nila. Kahit hindi pa iyon tapos, halata sa ilang parte noon ang magandang disenyo ng gusali na kung tama ang hula niya ay medyo European ang konsepto. Nakasuot sila ni Florenz nang helmet nang akyatin nila ang third floor. Lahat ng mga tao roon ay bumabati ng good afternoon sa kanila.  Maya-maya pa ay busy na si Florenz sa pakikipag-usap sa mga empleyado roon. Naiwan siya sa isang sulok kaya inabala niya ang pagtitingin-tingin sa paligid. 

               Maingay ang paligid. May naglalagare, nagwe-welding nag-aakyat ng mga kahoy at bakal sa taas. Naglakad-lakad siya dahil naiinip na siya. Ni hindi man lang siya inutusan ng kahit na ano ni Florenz. Kulang na lang ay mang-agaw siya ng lagare sa mga karpentero para mawala lang ang pagkainip niya. Kaso, hindi naman puwede. Hanggang sa makarinig siya ng ingay mula sa itaas. Napatingala tuloy siya at nakitang may mga kahoy na babagsak sa kanya. Hindi siya nakapag-react agad. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Gusto niyang tumakbo para makaiwas ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa sa sobrang takot. Naramdaman na lang niya na may kumabig sa kanya at sa isang iglap natagpuan niya ang sarili na nakakulong sa mga bisig ng kanyang ‘knight in shinning, shimmering, splendid armor’ habang ang mga kahoy ay  may isang metro na ang layo sa kanya.

                “Setty, I’m sorry! Okay ka lang ba?” Sinalat ni Florenz ang mga braso niya pati ang kanyang mukha. Habang siya ay nanatiling nakatitig lang dito. “May sugat ka ba, o pasa, o nahihilo ka ba? Ano? Magsalita ka Setty. ‘Wag mo akong titigan ng ganyan. Tinatakot mo ako. Ano ba? Sabihin mo ano ang masakit sa ‘yo?” Nilingon nito ang mga kahoy at saglit na napamura bago balingan ulit siya. “Setty!” Niyugyog pa siya nito. Hindi siya makahirit dahil sa bilis ng pangyayari. “I’ll take you to the hospital.”

                Doon na siya natauhan. “Florenz-”

                “Baka may internal wounds ka o baka na-trauma ka na naman. Ayaw mong magsalita! Shit. Kausapin mo ako! Anong masakit sa ‘yo?”

                “Florenz-” 

                Hinawakan nito ang kamay niya. Ngunit tila nagbago ang isip  nito at akmang bubuhatin na siya. Sinita niya ito. “Florenz, teka lang!”

                “Wag ka nang umangal baka lumala ang nararamdaman mo. Baka bigla ka na lang mawalan ng malay, tapos ma-comatose ka….tapos…ah…ayoko ng isipin ang puwedeng mangyari kaya puwede ‘wag ka ng makulit.”

                “Pero Florenz!”

                “Setty!”

                “OA ka na!” 

Tila naman parang nahimasmasan nga itong si Florenz sabay talikod sa kanya at tumungo.  “OA ba? Sorry! Nag-alala lang naman ako.”

                Hinarap niya ito pero tila umiiwas ito na parang ayaw ipakita sa kanya ang mukha nito. Tinakpan pa nito ng dalawang palad ang mukha nito. Napangiti siya. Para itong batang  tinutukso ng mga kalaro. “Nothing to worry anymore. I’m okay. Bakit ka ganyan? Tumunghay ka nga. Para kang sira!”

                “Ayoko. Nahihiya ako sa ‘yo.”

                “What?” Napatawa siya. “Ano ka ba, you must be proud. Niligtas mo ang buhay ko. And I owe you my life again!”

                Pero nanatili itong nakatungo at tinatago ang mukha nito sa kanya kaya lalo niya ito kinulit. “Oy sige na tunghay ka na!”

                “Ayoko! Nakakahiya talaga ako. Pagtatawanan mo lang ang mukha ko eh.”

               “Bakit ba?” Sinilip niya ang mukha nito at napansing namumula ang pisngi hanggang tenga nito. Napahagalpak siya ng tawa. “Nagba-blush ka! Cute!”

                Ngunit sa halip na harapin siya eh tumalikod lang ito sa kanya at nagdiretso sa kotse nito. Sumunod siya. “Oy, ano ‘yan? Nag-iinarte ka? May balak ka pang iwan ako dito. Buksan mo ang pinto.” Nasa labas siya ng kotse. Ini-lock nito ang pinto. Tinted ang salamin ng kotse nito kaya hindi niya makita ang mukha nito pero lihim pa rin siyang natatawa. Nagba-blush din pala ang mga lalaki! Ang cute!

                Makalipas ang ilang minuto ay kinatok ulit niya ang bintana. “Oy, pinakaguwapong bombilya sa balat ng lupa! Sunog na ako dito sa labas!” Narinig niya ang pag-click ng lock ng kotse. Sa isang iglap ay nakaupo na rin siya sa tabi nito.

                Tiningnan niya ito. Nakabaling lang ito sa bintana ng kotse at mukhang nagtatampo. Natapakan ata niya ang konting ego nito.

                “Oy, nagtatampo ka ba?” Pabirong kinurot niya ito sa braso. Hindi siya kinibo nito. “Sorry na po. Di na po mauulit.”

                Binalingan na siya nito sa wakas. Bahagya pang namumula ang pisngi nito. Ngunit sa  halip na singhalan siya na palagi nitong ginagawa ay bigla na lang nitong hinagip ang braso niya dahilan para makaramdam na naman siya ng kung ano na tila kuryenteng dumaloy sa sistema niya. Sinuri nito ang braso niya. “Oh my, namumula na ang balat mo! Pasensiya ka na. Ikaw kasi ang kulit mo!”

                “Ah, okay lang iyan. Sanay naman akong mainitan ng araw. Ganon ang trabaho ko dati di ba? Lakad here, there, and everywhere.”

                “ Still my fault! I’ll take you to the hospital.” Binuksan na nito ang makina at pinaandar ang kotse.

                Wala na siyang nagawa sa gusto nito. Pumayag na lang siya kahit alam naman niya na okay lang talaga siya at walang kahit anong sumasakit sa kanya. He’s just being so caring anyway. Pagbigyan na natin!
 

                Araw ng Biyernes. Ni-request ng mga kaibigan niya na mag-spend din si Florenz ng quality time kasama nila sa Caliraya kaya sabay sila ngayong uuwi. Isinama na rin nila si Sechi dahil nakapangako na siya sa bata na dadalhin niya ito sa bahay nila. Kahit na hindi naman sila tunay na magkarelasyon, naramdaman naman niya na sincere lahat ng pag-aalaga na ginagawa nito para sa kanya. Maliban na lang kanina. Matapos siyang um-attend ng meeting ay naabutan niya itong tulala sa opisina habang nakatitig cellphone niyang naiwan niya sa mesa.

                “May problema ka ba?” Di na niya napigilan ang magtanong nag-aalala na rin kasi siya sa biglang pagtahimik na lang nito. Kasalukuyan silang nakaupo sa tabi ng lake. Katatapos lang ng initiation daw nito kina Lem. Bihadong kay Florenz gumanti ang tatlong valentino sa mga power trip niya noon sa mga ito.

                 “Ha?..w-wala. Pagod lang siguro ako. Maghapon din kasi akong nakatutok sa trabaho sa office at sa construction site. Tapos kung anu-ano pa ang pinaggagawa namin nina Carvin sa likod bahay.”

                “Sigurado ka ha?”

                Tumango ito at ngumiti. “Si Sechi? Tulog na ba? Di ko na nakantahan ang anak ko bago siya makatulog. Mahirap palang maging boyfriend ng barkadahan n’yo.”

                “Suko ka na?”

                Masuyong hinawakan nito ang kanyang kamay. Sa isang iglap ay magkasalikop na ang kanilang mga palad. “Ako pa? Kailangang ma-in love ka na sa akin ano.”

                “Bakit?”

                “Tumatanda na tayo, Setty. Baka hindi na tayo magka-baby kapag hindi pa tayo nagpakasal agad.”

                “Sira! Ni hindi ko pa nga nararanasan ang maligawan mo, kasal na iyang nasa dila mo. Asa ka!”

                “Sadyang aasa ako. ‘Pag binasted mo ako, magpapakalunod ako sa lake na ito.”

                “Di mo puwedeng gawin ‘yan. Kailangan ng anak natin ng ama,” pabirong hirit niya. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya tuwing tinatawag siyang “nanay” ni Sechi.

                Tinitigan lang siya nito. “Kailangan din niya ng ina.”

                “Asus. Eh di ba ako na ang kanyang butihin at kagandahang ina, wala na siyang hahanapin pa.”

                Napabungisngis ito. “Alam mo, ang swerte ng magiging asawa mo. Hindi iyon malulungkot for sure. Puwede bang ako na lang? Para mabuo na ang family ni Sechi.”

                “Make me fall in love with you first,” tugon niya.

                “Sabi mo ha.” He suddenly moved closer to her face. Matamang nakatitig ito sa kanyang mga labi pagkatapos ay tinitigan siya nito sa mata. Siyet! My first ever chever real kiss! He lowered his face aiming to land a kiss on her lips. Nagta-tumbling ang puso niya at pakiramdam niya anumang oras ay sasama ang iba pa niyang internal organs sa pagta-tumbling. Ngunit bago pa lumapat ang labi nito sa kanya ay narinig nilang nag-iiyak si Sechi.

                Kapwa parang nabuhusan ng malamig na tubig ang dalawa na nagkatinginan at pagkatapos ay nagka-iwasan ng tingin.

                “Ahm si Sechi umiiyak,” sabi niya sabay tayo mula sa inuupuang bermuda grass.

                Tumayo na rin si Florenz. “Oo nga, puntahan muna natin.”

                “Oo nga.”

                Hinawakan nito ang kanyang kamay habang patakbo silang pumasok sa bahay.  


PREVIOUS                                                                        NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…