Skip to main content

Love Wish Part Two



DAIG pa ni Emie ang tumira ng lahat ng klase ng alak sa isang lagok lang. Hilung-hilo siya. Ito talaga ang malaking problema niya kapag sumasakay siya sa eroplano. Kalalapag lang ng eroplano sa Pilipinas galing Korea. May kinuhanan silang eksena sa Andong habang ginaganap ang Mask Dance Festival. Kaya tatlong araw din sila roon para saksihan ang festival at kasamaang-palad kasama din sa trabahong iyon si Dharyl. Ito ang namahala sa creative designs ng set ng shooting. Hindi na ata niya matatakasan  ang mokong na iyon.

“Hoy babae, nasa Pilipinas lang tayo at wala sa buwan. Bilis-bilisan mo nga ang kilos mo,” buska ni Dharyl sa kanya nang lagpasan siya nito sa paglalakad.

Masama ang lagay niya kaya hindi siya makapaglakad ng maayos. Pakiramdam  niya ay konti na lang at bibigay na ang katawan niya. “Dharyl…” wala sa sariling natawag niya ang pangalan nito.

“Ano na naman—Emielaine?” Agad siyang dinaluhan ni Dharyl at nang maramdaman niya ang braso nito ay halos nabuway na siya. Nagdidilim na kasi ang paningin niya dahil sa sobrang pagkahilo. Napapikit siya. “Anong nangyayari sa’yo? Malakas ka pang mang-asar kanina ah,” buska pa nito. Walang kaalam-alam si Dharyl sa problema niyang iyon dahil hindi sila sabay dumating sa Korea  noon.



“N-nahihilo a-ako,” mahinang sambit niya. Inalalayan siya nitong makaupo sa isang bench. Inalis nito ang nakasakbat niyang back pack. Hinaplos nito ang  noo niya, ang kanyang kamay, habang pinapaypayan siya. Pinainom din siya nito ng tubig.  

“Naku, nakalimutan kong mahiluhin ka nga pala,” narinig niyang sambit ni Herald. Ito ang director ng film na ginagawa nila. “Emie, naririnig mo ba ako? Tatawag na ba ako ng doctor?”

“H-hindi na. Maya-maya okay na ako.” She took a deep breath. Naramdaman ulit niya ang masuyong paghaplos ni Dharyl sa kanyang noo habang pinapaypayan siya. Unti-unti gumagaan na ang pakiramdam niya. Nagawa na rin niya imulat ang kanyang mga mata. Sinalubong siya ng nag-aalalang mukha ni Dharyl.

 “Are you feeling better? Kasi kung hindi, magpapatawag na talaga kami ng doctor,” sambit nito. “O kaya naman, dadalhin ka na namin sa ospital.”

“Medyo okay na ako.”

“Sir, the bus is ready,” narinig niyang sambit ng isa sa mga kasama nila sa kinakapatid niyang si Herald.

Binalingan siya ni Herald. “Kaya mo na ba, Emie?”

Tumango siya. “Oo.”

Tahimik na inalalayan siya ni Dharyl makatayo at maglakad hanggang sa makasakay sila ng bus. Maingat na inalalayan din siya nitong makaupo ng komportable. Agad siyang napapikit nang lumapat ang likod niya sa headrest ng upuan. Umupo rin ito sa tabi niya.

Bigla niyang naramdaman na inakbayan siya nito at marahan nitong inihilig sa dibdib nito ang ulo niya. “Less than one hour pa ang byahe natin. Matulog ka muna.” Hinawi nito ang bangs niyang lumaylay sa mukha niya at naramdaman din niya ang pagdampi ng labi nito sa noo niya.

Hindi na nag-abala pa si Emie na tumugon. Agad kumabog ang puso niya sa ginawa nito kaya kinailangan muna niyang magconcentrate bago siya dapuan ng antok.


NAGISING si Emie nang marinig niya ang ingay. May mga taong nag-uusap.

“Sigurado ka bang okay lang siya, Penpen?” tanong ni Dharyl.

“Oo. Basta iyong mga gamot na ibinigay ko, maiinom niya,” tugon ng kausap nito.

Pasimpleng binuksan ni Emie ang isang mata. Nakita niya si Dharyl at ang kausap nito. Kilala niya si Penpen dahil isa ito sa mga kaibigan ng bunso niyang kapatid. At alam din niya ang namagitan dito at kay Dharyl.

“Salamat, Penpen ha.”

“No problem. Ngapala, alam ba ni Ate Emie ang tungkol sa atin?” tanong ng doctor. Malamang na nakaabot na kay Penpen ang tungkol sa biglaang relasyon nila ni Dharyl.

Nabanaag ang lungkot sa mga mata ni Dharyl. “Kailangan pa ba? Wala na naman tayo e, matagal na. Congrats nga pala sa baby ni’yo ni Hansen. Pasensya na at hindi kita nadalaw sa ospital.”

“Hindi mo ako nadalaw o hindi mo talaga ako dinalaw? Alam ko Dharyl, masakit sa’yo ang nangyari noon.”

“Wala na iyon, Penpen. Nakalipas na. Ang importante ay ang ngayon. Happily married ka na, at…” Biglang bumaling si Dharyl kay Emie kaya pumikit ulit siya. “Malapit na rin siguro ako.”

His words reached her heart. Anong ibig sabihin nito? Pakakasalan siya nito? E hindi pa nga normal ang relasyon nila. Bigla niyang na-imagine ang buhay kasama si Dharyl. May karga silang mga anak, mag-asawa sila, magkasama sila habambuhay. Sa gulat niya ay dumoble ang kabog ng puso niya.  Gusto niya ang mga eksena ng ilusyon niya.

“So you finally found your woman, Dharyl. Masaya ako para sa’yo. Ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan,” sambit ni Penpen.

Hindi na niya kaya ang mga kabaliwang naririnig kaya nagpapansin na siya. Umarte siyang naalimpungatan.

Agad siyang dinaluhan ni Dharyl. “Kamusta?” Sinalat nito ang noo niya. “Buti naman wala ka ng lagnat.”

Luminga-linga siya at saka lang niya napagtantong nasa sariling silid na pala siya. Hindi na niya matandaan kung paano siya nakarating doon.

“Hindi mo na siguro maalala nang ihatid kita. Medyo nagde-deliryo ka na sa lagnat kanina e. Pinatawag ko si Doc Penpen para matingnan ka.”

Nginitian niya si Penpen. Ngumiti din ito sa kanya.

“Sige, sa labas muna ako,” paalam ng doctor sabay labas ng silid.

Hinaplos ni Dharyl ang pisngi niya. Napatingin tuloy siya dito. “Nagkulang siguro ako ng pag-aalaga sa’yo sa Korea. Kasi naman para kang pusa na puslit nang puslit. Sorry. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit.”

Nagulat siya sa tinuran nito. Akala pa man din niya ay mang-aasar na naman ito.

“Di mo kasalanan iyon, kasalanan ko kasi pasaway ako at abusado sa katawan. Di ka ba uuwi sa bahay mo? Mas makakapagpahinga ka do’n.”

Kumunot ang noo nito. “Pinapalayas mo na ba ako?”

“Medyo. Kailangan mo ring magpahinga ano.”

“Ayaw mo bang alagaan kita?”

Ayaw kong magtagal ka pa dahil baka ma-in love na ako. “Ah, eh..”

“Emie, magagalit ka ba kung alokin kita ng kasal?”

Nagulat siya sa sinabi nito. “Joke ba iyan? Anong kasal? Di naman tayo in love ano. Ayokong maging panakip-butas lang sa pagkawala ni Penpen sa buhay mo. In the first place, kasalanan mo rin iyon. Pwede mo naman siyang pakasalan noon, magpapakasal naman siya sa’yo pero itinaboy mo siya. Alam ko ang nangyari sa inyong dalawa. At alam ko rin na mahal mo siya. Hindi mo ako dapat pakasalan para lang ipakita sa kanya na naka-move on ka na.”

Malungkot na tumayo ito at sumandal sa study table niya. Hindi na ito nagulat na alam niya ang buong detalye. Dharyl gave up Penpen because he thought, he can’t make her happy. Ilang buwan lang matapos ang insidenteng iyon e nagkaroon na ng sekretong relasyon si Penpen at ex nitong isa sa mga sikat na myembro ng Thunderkizz Band.

Matamang nakatitig lang ito sa kanya. “Akala ko noon, si Penpen ang tanging babaeng mamahalin ko. Pero alam mo, nang dumating ka sa buhay ko, unti-unti kong naramdaman na hindi ko mahal si Penpen. Lahat ng nararamdaman ko para sa’yo ay puro bago sa akin. Hindi ko alam kung anong tawag do’n, Emie.”

Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya, manhid siya noong mga oras na iyon. “Nasasabi mo lang iyan dahil ako na lang ang palaging nakikita mo kaya akala mo special na ako sa’yo. Pero kapag di mo na ako nakikita, kasabay noong mawawala kung ano man iyang nararamdaman mo.”

“Hindi ka naniniwalang posibleng mahal na kita?” He intently stared at her with full of emotions.

Ano nga ba ang dapat niyang paniwalaan? Na maaaring mahal nga siya nito o nagiging panakip-butas lang siya?

“Hindi ko alam. Siguro mas makakabuti kung mag-iwasan muna tayo, Dharyl. Ako ng bahalang kumausap kay Ninong para hindi na niya tayo kulitin. Wala lang naman talaga ang relasyon natin. Salita lang iyon, no more no less. Don’t come to me. Isipin mo na lang na…na break na tayo.” Pawang may kung anong tumusok sa puso niya nang sabihin niya iyon. Parang hindi rin siya handa na maghiwalay sila kahit iyon naman ang dapat. Everything started wrong. Panahon na siguro para itama iyon. Iyon ang makakabuti sa kanilang dalawa.

“Ako lang pala ang sumeryoso sa relasyon natin.” Tumingala ito na animo’y nagpigil umiyak.

Parang maiiyak na rin siya. Hindi niya alam na ganon pala kahirap gawin ang inaakala niyang tama. At nalilito siya sa inaakto nito. Maya-maya pa’y bumaling na ulit ito sa kanya. She can read sadness on his eyes and that emotion hurt her most.

“Sige.” Lumapit ito sa kanya at humalik sa noo niya as if kissing her goodbye. “Magpagaling ka ha. Aaalis na ako.” Naglakad na ito palayo sa kanya. Papalabas na ito ng pinto nang bumaling ulit ito ss kanya. “Sa susunod na haharap ako sa’yo, sisiguraduhin ko ng hindi mo iisipin na hindi kita sineseryoso.”  

And that was the last time she saw him. Tinupad nito ang sinabi nya. Hindi na ito muling nagpakita pa sa kanya.


UMIIYAK si Emie habang nakatambay siya sa lobby ng Pontez  Building. Katatapos  lang ng nakakapagod na trabaho. Pinaggawa kasi siya ng stage play script at nasa rehearsal siya buong maghapon. Idagdag pa ang malaking problema niya. Nasira ang laptop niya at kasamaang-palad lahat ng scripts na nasulat niya ay doon nakalagay at wala rin siya nai-back up ni isa. Isipin pa lang niyang uulitin niya ang lahat ng iyon ay parang gusto na niyang magbikti. Pero higit do’n mas malaking problema niya pagka-miss kay Dharyl. Sa loob kasi ng ilang linggo ay nasanay na siyang kasama ito at pawang malaking bahagi ng buhay niya ang nawala nang hindi na sila nagkakasama.
            
          Tahimik na humihikbi siya nang bigla na lang may lumitaw na panyo sa harapan niya. Tumunghay siya at sinalubong siya ng maamong mukha ni Dharyl. Nagulat siya nang muli niyang maramdaman ang pamilyar na pagkabog ng puso niya. Seryoso ang mukha nito. “Para kang tangang umiiyak diyan,” untag nito sabay pilit  na iniabot sa kanya ang panyo.
      
          Sinimangutan lang niya ito. Umiwas siya ng tingin at pinawi ang sariling luha. “Wala akong oras makipag-asaran sa’yo. Pass muna ako sa power trip mo. Malaki ang problema ko kaya pwede, tsupi, alis!” pagtataboy niya dito. Pero ang totoo, masaya siyang makita itong muli. Nitong nakaraang mga araw, pinagkakasya na lang niya ang pagka-miss dito sa pagtitig sa mga print ads ng isang fashion magazine kung saan ito nagmomodelo.
                
            Sa halip na umalis ito ay umupo lang ito sa harap niya. “Isang buwan, dalawang linggo, apat na araw, at limang oras ka na ngang nagpa-pass sa power trip ko, pass ka naman ngayon? Ang tagal naman ng cease fire natin.” He touched her cheeks. “Anong problema, Emie?” Ibinaling nito ang mukha niya dito kaya napilitan siyang harapin ito. Kung kanina ay wala siyang maaninag na emosyon sa mukha nito, ngayon naman ay tila punung-puno ito ng pag-aalala sa kanya.

                Then she felt her heart skipped when he started wiping her tears away gamit ang hawak nitong panyo. “Come on, tell me. Baka may magagawa ako para sa problem mo. Mas gusto kong nakikipag-away ka sa akin kesa makita kitang ganyan.”

                Dumoble ang kabog ng puso niya dahil sa sinabi nito. Ngayon lang ulit nagkaroon ito ng concern sa kanya. “Iyong laptop ko, nasira. Hindi ko na-back up ang files ko. Lahat ng trabaho ko, andito sa laptop na ito. Hindi ko kayang ulitin lahat iyon.”

                Bumuntong-hininga ito. “Sus, iyon lang ba?” Tumayo ito at kinuha kay Emie ang yakap-yakap niyang laptop. Hinawakan din nito ang kamay niya. “Tara sa opisina ko, gagawin ko ang laptop mo.”

                Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. “Magagawa mo ba talaga ang laptop ko?”

                “Wala kang tiwala sa ex-boyfriend mo?” He intently looked at her as if he was dead serious of pertaining himself as her former boyfriend.

                Inirapan niya ito upang itago ang kabang nararamdaman. “Kung sabihin kong, oo?  Eh lahat naman ng bagay napipilitan ka lang gawin dahil ayaw mong mawalan ng trabaho noon.”

                Kumunot ang noo nito. “Says who? Talagang hindi ka naniniwala sa akin ano?”

“Ewan ko.”

He opened the door of his office at pinauna siya nitong pumasok. “Well opinion mo iyan. Hindi ko na ipagyayabang ang skills ko at nakakapagod nang magpaliwanag.” Itinuro nito ang sofa. “Diyan ka muna. Matulog ka kung pagod ka. Aayusin ko lang ang laptop mo.” 

                “Salamat ha.” Tinungo na niya ang sofa.

                Ngumiti ito. “Kung alam ko lang na sirang laptop lang ang dahilan para makalapit ako sa’yo, saan noon ko pa nilagyan ng virus ang laptop mo,” sambit nito.

                “Ano?” asik niya rito.

                Umiling ito. “Nothing.”

                Tiningnan niya ito ng masama habang abala sa ito sa laptop niya. Habang tinitingnan niya ito ay unti-unting napapangiti siya. Parang balewala ang ilang linggo na iwasan nila dahil hindi man lang nagbago ang reaksyon ng puso niya ngayon nagkalapit na ulit sila.

                Ilang oras pa ang lumipas nang tumayo ito sa mesa nito at lumapit sa kanya. Nagulat siya nang isang angel figurine ang iniabot nito sa kanya. Pagkatapos ay bumalik agad ito sa mesa nito. Tiningnan niya ang angel figurine. Saka lang niya naalala ang love wish sa message board. At naalala rin niya kung anong meron sa araw na iyon. It was Valentine’s Day. Nagpapalit-palit ang tingin niya kay Dharyl at sa angel figurine. Oh no, is he granting my love wish?

                Nagulat siya nang tumikhim ito. “May letter sa loob niyan. May maliit na butas diyan sa ilalim ng figurine.” Pagkasabi noon ay itinuon ulit nito sa laptop ang atensyon nito.

                Kinuha niya ang letter at binasa.


                 Emie,
                                I know, you would never believe that once in our lifetime together, I fall in love with you. Sino nga bang maniniwala sa akin kung sa simula pa lang, wala na akong ginawa kundi ang makipag-asaran sa’yo. I admit, at first I was so damn irritated with your presence. I’m healing my broken heart, then suddenly you came in an unexpected moment. Pakiramdam ko noon, ang malas ko. Wala na nga si Penpen, napilitan pa akong magka-girlfriend ng taong hindi ko mahal. Malay ko ba namang mamahalin din pala kita sa pagtagal ng panahon? Inaasar kita dahil iyon lang ang tanging paraan para lalo ka ring mapalapit sa akin. Akala ko, pareho tayo ng naramdaman pero hindi pala.

                Hindi ako nagbibiro nang alokin kita ng kasal. I love you, Emie. And being with you is my greatest love wish. Kung ayaw mong maniwala, tingnan mo pa sa message board. Pero pinalayo mo ako at bigla akong nawalan ng access sa’yo. Nawalan ako ng  pagkakataong patunayan sa’yo na mahal kita.  Every single day away from you seemed like to be a never-ending sadness. That proved myself that I really do in love with you. ‘Cause I can’t stand the pain. I can’t stand the longingness. I just wanted to be with you. You are…you are what happiness means to me.  


                Maang na binalingan niya si Dharyl. Tahimik lang pala itong pinapanood siya habang mangiyak-ngiyak na siya sa binasa niya.

                “Dalawang oras pa para matapos mag-run ng programs na ini-install ko sa laptop mo. Gusto mo bang maglakad muna tayo sa may overpass?”  tanong nito.

                Bitbit ang angel figurine ay naglakad-lakad sila sa overpass. Gabi na kaya nakadagdag ang lighting ng syudad sa magandang scenic view.  Tahimik lang silang dalawa hanggang sa si Emie na mismo ang bumasag sa katahimikan. “Wala ka bang ipapaliwanag, Dharyl?”

                “Wala. Nasabi ko ng lahat sa letter,” tipid nitong sagot.

                “Are you granting my love wish?”

                “Bakit ayaw mo ba?”

                “Ikaw ang tinatanong ko.”

                “Oo, I’m granting your love wish.”

                “Bakit?”

                “Kasi gusto kitang ipower trip at gusto kong tumirik ang buhok mo sa asar mo sa akin,” sarkastikong sagot nito sabay harap sa kanya. “Emie ano ba? I love you. I want you to be mine. Mamahalin kita kahit hindi ka mahilig magsuklay, hindi kayo close ng make-up, magaslaw kang kumilos, hindi ka marunong magluto, palpak kang mamalantsa, at mahilig ka sa corny at cheesy na love songs. Ako ang guy na magpapadala sa’yo ng angel figurine na may love note kahit araw-araw pa kung gusto mo. Ide-date kita sa perya.” Isang sobre ang inilabas nito mula sa bulsa at ibinigay nito iyon sa kanya.

                 Dalawang plane tickets papuntang Hong Kong at entrance tickets sa Hong Kong Disneyland ang laman noon. Sa sobrang tuwa hindi siya makapagsalita, napatitig na lang siya sa mga mata nito. Ngayon naniniwala na siyang mahal siya nito.

                “Isasama kita sa sosyal na perya, sa Disneyland. I’ll promise you a romantic date.”

                “You don’t have to do this. Kahit sa peryang pam-pyesta lang okay na ako,” tugon niya.

                “Sasama ka sa akin?”

                Nakangiting tumango siya. “Oo, libre mo e.”

                Pinisil nito ang ilong niya. Namataan niya ang message board. Inilipat pala iyon sa overpass. “Hmm, sige nga, nasaan dito ang love wish mo?” tanong niya dito habang hinahanap iyon sa board.

                Itinuro nito ang ibabang bahagi ng sinulatan niya ng love wish niya. May nakaguhit na  arrow mula sa love wish niya patungo sa love wish nito. Binasa niya ang nakasulat doon.

                Ako na lang sana ang mahalin mo habang minamahal din kita. Ako na lang sana ang magbibigay ng angel figurine sa’yo na may love note. Ako na lang sana ang maka-date mo sa perya. Sana maniwala ka kung sakaling mag-propose ako sa’yo sa ibang paraan.  

                Binalingan niya ito. “Nasaan ang proposal mo?”

                Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. “Game na,” sambit nito sa kausap. Ngumiti ito sa kanya.

                Nagulat siya nang biglang mawalan ng kuryente. Nagdilim ang buong paligid, halos wala siyang makita. Sinubukan niyang hawakan si Dharyl.

                “Bakit madilim?” Nanlaki ang mata niya nang maalala ang minsang naging paninindak nito sa kanya. “Oy, Dharyl Daez, ‘wag mong ituloy ang madilim mong plano sa akin!”

                “Ha?” Sa gulat niya ay tumawa ito. “Wala akong planong rape-in ka. Turn around baby.”

                She did. Her heart melted when she saw those glow sticks na heart shaped na nakasabit sa cealing ng overpass. Nagkalat sa overpass ang mga glow in the dark hearts. Then she heard a familiar beat from the bulit-in speaker. Isa iyong rap song  ni Gloc9, Simpleng Tao. At sa pangigilalas niya, si Dharyl ang live na nag-rap.


               

Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang)

Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon sa pag-ibig mo..



             Hindi siya makapaniwalang nagsaulo ito ng isang rap song para lang sa kanya. Sumasayaw pa ito habang kinakantahan siya. Kahit wala sa timing ang rap nito at lalo na ang sayaw nito, wala siyang pakialam. Pinatunayan lang nito kung gaano siya nito kamahal.

Nang matapos ang munting performance nito ay nakangiting niyakap niya ito.

“Nagkandabulul-bulol pa ako sa pagsasaulo ng rap song na iyan, para lang mapasaya ka, Emie. ‘Wag mo ng itatanong sa akin kung kelan kita minahal kasi hindi ko rin alam. Basta isang araw, nagising na lang ako na ikaw ang una kong naiisip at napapangiti na ako. Subukan natin ulit. Baka, this time, maramdaman mo rin ang nararamdaman ko.”

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. They stared at each other’s eyes for a couple of minutes.

“Matagal ko na ring nararamdaman iyon, Dharyl. I love you for real.” 

Kinabig nito ang batok niya pinaglapat ang kanilang mga noo. They’re nose touched until he landed sweet kiss on her lips.



PREVIOUS

Comments

kiz said…
love the proposal.. :"> lapit na valentinessssssssss.. :D
Jez Galvez said…
oks na oks ang proposal, sana meron kaming araw ng mga puso para nemen mabigyan ako ng ganitong proposal,, wahahahahaha

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…