Skip to main content

Love Wish Part One




“Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito…” Pakanta-kanta pa si Emie habang naglalakad siya sa overpass na nag-uugnay sa twin building ng Pontez. Bitbit niya ang isang folder na naglalaman ng kauna-unahang approved film script na sinulat niya. “Kapag tumibok ang puso, lagot ka na…siguradong huli ka.”

 Emielaine Losin was held bestselling author of the year of Pontez Publishing, kung saan siya naging juvenile fiction author sa halos anim na taon habang nasa Indonesia siya at inaasikaso ang negosyo ng pamilya roon. Pagkabalik niya sa bansa isang buwan na ang nakakalipas ay naengganyo siyang mag-aral ng scriptwriting para naman may bago siyang experience sa pagsusulat.

Excited siya sa first film project niya. Paano kasi, ang ilan sa mga eksena roon ay isyu-shoot sa Japan, Taiwan at Korea. Makakapaglakwatsa pa siya sa ibang bansa habang nagtatrabaho kung magkataon.

“Oh yes! This is what we call life!” bulalas niya.

“Ayoko sana… na ikaw ay mawawala. Mawawasak lamang ang aking mundo-o-wo-o!”



Natigilan si Emie nang marinig niya ang sintunadong male version ng isa sa mga sikat na kanta ng Aegis. Awtomatikong  napatingin  siya sa nagmamay-ari ng boses na iyon. Isang binata na feel na feel ang bigung-bigong pagkanta ang nakita niyang nakatuntong sa hamba ng overpass. Mukhang tatalon ata mula roon ang binata.

Nataranta siya. Higit sa lahat ng eksena ng buhay, ayaw na ayaw niya ang suicide. Tumakbo siya papalapit dito. “Oy, bakulaw ‘wag kang tatalon!”

Lumingon itong kunot ang noo. “Ha?”

Bago pa ito makapaglitanya ng two pages nitong suicide note ay hinatak  na niya ito. Nawalan ito ng balanse at bumagsak sa kanya. Ngunit dahil may kalampahang taglay din siya, ang naging ending nilang dalawa ay ang sahig. Napadagan ito sa kanya at aksidenteng nahalikan siya nito sa labi. Nagulantang siya.

Waaah! Oh my lips… my innocent and beautiful lips!

Napapikit siya. Pero nang magtagal ay saka siya naging aware sa kakaibang kabang biglang umusbong habang magkalapat ang labi nila ng estranghero. Mabilis lang iyon dahil agad na lumayo ang binata at saka lang siya nagmulat ng mata.

“I’m sorry,” sambit nito habang titig na titig sa kanya ang expressive nitong mga mata. Lalo tuloy siyang  nailang isama pa ang kabang kanina pa niyang nararamdaman nang hindi niya alam ang dahilan. Nanatili silang magkayakap habang nakahiga na pawang nakalimutan nilang nasa overpass sila. Hindi niya magawang pumalag maging ang umiwas man lang sa nakaka-hypnotized nitong mga mata.

As if perfectly choreographed by faith, pumailanlang sa built-in speakers sa wall ng magkabilang dulo ng overpass ang makalumang kantang Ikaw Ang Lahat sa Akin.

Ikaw ang lahat sa akin, kahit ika’y di ko dapat ibigin. Dapat ba kitang limutin? Pa’no mapipigil ang isang damdamin kung ang sinisigaw, ikaw ang lahat sa akin?

“Ay ano ba iyan? Dito pa sa opisina gumagawa ng milagro?”

“Yak, ang halay naman ng mga iyan.”

“Di man lang nagtago kahit sa CR man lang, grabe.”

Doon na sila kapwa natauhan. Napansin nilang andami na palang mga matang nakatutok sa kanila at ang iba naman ay kinukuhanan na sila ng pictures gamit ang mga cellphone. Parang napasong naghiwalay sila ang bumangon at nag-iwasan ng tingin.

“Emielaine! Mr. Daez!”

Nagulantang lahat ng tao nang marinig ang authoritarian na tinig ng Big Boss ng Pontez. Alanganing nilingon  ni Emie ang Ninong niya. “In my office, now!”  


“WELL I guess, makukuha ni’yo ako sa lame excuse na iyan kung hindi ko kayo nakita ng dalawang mata ko in that malicious act. You’re making your way in the middle of overpass?! Emielaine, ano na lang ang sasabihin ng kumpadre ko ‘pag nalaman niya ito? He would think I’m not taking good care of his precious daughter,” buska ni Boss Robert.

“Ninong, wala kaming relasyon ng kumag na ito. Nakita ko lang siyang tatalon sa overpass. Pinigilan ko lang siya.”

Tiningnan siya ng masama ng binata. “Anong tatalon sa overpass? Oy, Miss, problemado nga siguro ako sa buhay ko pero hindi pa ako nasisiraan ng bait para magpakamatay.” Ipinakita nito ang hawak na digicam. “Kinukuhanan ko lang ng picture ang Pontez Building para sa website ng kompanya. Ang sabihin mo paranoid ka lang.”

Maang na sinugod niya ang  binata kahit na siya pala ang mali sa kanilang dalawa. “Anong paranoid? Niligtas  na nga kita, nakaisa ka pang kiss, ikaw pa ang nagrereklamo diyan?”

“Bakit Miss, ginusto ko ba ang dry lips mo? Baka ikaw pa nga itong nasarapan sa halik ko. At saka hindi ko iyon sinasadya. Di ba nag-sorry na ako? Kung hindi ka isang pakialamera na basta na lang ako hinila e di sana hindi nangyari lahat ng ito.”

“Aba, e wala ka palang utang na loob e. Wala ka ring modo. Nabastos mo kaya ako.”

“Eh bakit hindi mo ako tinulak palayo?” Ngumisi ito. “O baka naman nagustuhan mo rin na niyakap kita.”

“Kapal ng mukha mo!” Gigil na gigil na siya. Gusto  na niya itong balian ng leeg kung nagkataon lang sana na wala sila sa opisinang iyon.

“Enough!” awat ni Boss Robert. “Mr. Daez, kahit saan pa natin daanin si Emie ang naagrabyado dito. Maraming nakakita sa eksena ni’yo kanina.”

Napangiti siya sa tinuran ng Ninong niya. Syempre, kahit anong mangyari nasa panig niya ito. Pinandilatan din niya ang  binata nang tingnan ulit siya nito ng masama.

“Sir nag-sorry na po ako,” tugon ng binata.

“Apology accepted pero paano naman ang reputation ni Emielaine? Kaya mula ngayon, ikaw na ang boyfriend ni Emie. Aalagaan mo siya, babantayan, at ituturing na tunay na girlfriend.”

“What?” sabay na bulalas nila. Nagkatinginan pa sila at sabay na bumaling kay Boss Robert. “No way!”
“Kung ganyan lang po, Sir di bale na lang. Mas gusto ko pa pong tumalon sa overpass.”

“Sige, tumalon ka na nga. Itutulak pa kita, para mabawasan naman ang antipatiko sa planet earth.” Akala ata ng binatang ito na gusto niya ang nangyayari. Hah! Gwapo ka lang dude pero hindi  ikaw ang ideal man ko! Mukha mo!

“Sige, sesesantehin ko na lang kayo kung ayaw ni’yo. Madali lang akong kausap e. Look, I’m doing this for your own good, children.” Nagbigay na ng ultimatum ang Ninong niya. 

“Ninong, bakit pati ako masesesante e ako ang agrabyado dito?”

“Hoy, babae, mas agrabyado ako. Alam mo ba kung gaano kahirap ang dinaanan ko bago ko makuha ang position ko dito?” singhal ng binata.

“Hoy ka rin, I don’t care about you, Picachu!”

“Dharyl ang pangalan ko at hindi Picachu. And by the way, I don’t care about you, too.”

“Kids, nasa inyong dalawa  ang desisyon. It must be mutual, kung papalag ang isa sa inyo, asahan ni’yo na ang memo na magsasabing pinapalayas ko na kayo. So kung may pag-aawayan pa kayo, doon na ninyo ituloy iyan sa labas.”

Kapwa padabog na lumabas sila ng office.

“This is all your fault, Emie. Pag ako nawalan ng trabaho, mananagot ka talaga sa akin,” paninindak ni Dharyl. 

“Weh, bakit ako? E ikaw nga itong basta na lang humalik sa akin. At ikaw itong titig na titig sa akin. Kung binitawan mo ako agad, hindi tayo aabot dito. Grabe, sa tingin mo ba, gusto kong magka-boyfriend na parang instant mami lang? No way, high way!”

Inunahan siya nito sa paglalakad. “I’m sorry. I just can’t resist from your charm,” pabulong na sambit nito na medyo hindi niya naintindihan.

“Ha?”

Iritadong binalingan siya nito. “Sabi ko, ngayon girlfriend na kita, kawawa naman ako at  ang malas ko naman. Saan ang opisina mo?”

Napailing na lang siya sa tinuran nito. Anong tingin nito sa kanya? Tagapaghatid ng bad luck? “Hah! Mas kawawa naman ako. Wala ka sa one-fourth ng level ng mga naging boyfriend ko ano. Puwet ka lang nila! At saka, mas mataas ang net worth ko sa’yo. I don’t settle with less, you know.”

“Woman! Bahala ka na nga sa buhay mo.” Nagpatiuna ito sa elevator at ang pagkatalipandas talaga dahil hindi siya nito hinintay. Isinara agad nito ang elevator kaya ilang minuto pa ang hinintay niya bago siya nakabalik sa office ng Pontez Media.

Dahil tuloy sa nangyari ay buong araw na asar at sakit ng ulo ang natamo niya. Isama na rin doon ang kahihiyan dahil mabilis na kumalat sa buong opisina ng Pontez ang scandal nila ni Dharyl. Kaya para makatakas sa mas malupit na intriga ay nag-overtime na lang siya.

Mangilan-ngilan na lang ang tao sa Pontez Building nang lumabas siya ng opisina. Nakita niya sa lobby ang isang malaking message board na may signage na “Love Wish”. Isa iyon sa mga gimik sa opisina nila ngayong sasapit na naman ang Valentine’s Day. May 100 days countdown pa ngang nalalaman ang office nila. Dahil siguro nagkalat ang mga hopeless romantic sa opisina na iyon ay maraming nagsulat ng kanilang love wish sa message board na iyon. 

Matagal siyang tumitig sa board bago napasok ng hangin ang utak niya at nakisali na rin sa ka-cheezy-hang taglay ng message board. Isinulat niya ng buong puso ang love wish niya. Nang matapos ay nakangiting binasa pa niya iyon. Pati siya e natatawa sa sinulat niya.

“Hmm, isang guy na mamahalin mo at mamahalin ka kahit hindi ka mahilig magsuklay, hindi kayo close ng make-up, magaslaw kang kumilos, hindi ka marunong magluto, palpak kang mamalantsa, at mahilig ka sa corny at cheesy na love songs. Isang guy na papadalhan ka ng angel figurine na may love note, ide-date ka sa perya, at magpo-propose sa iyo sa kakaibang paraan? Emie, hopeless romantic ka pala!”

Tatawa-tawang si Dharyl ang   nabungadan niya nang lumingon siya. Kanina pa pala nitong binabasa rin ang love wish niya.

“Hoy, lalaking ewan, anong ginagawa mo dito? Sa kabilang building ka ah.” Sa buong maghapon nga ay nagawan niyang alamin ang initial background nito. Isa pala itong Creative Manager sa Pontez Vision, isa sa mga sister companies ng Pontez Media kung saan siya nagta-trabaho. At maliban doon, print ad model din pala ito. Ang kumag, kaya pala napaka-expressive ng mata ni Dharyl e dahil sa modeling charm nito.

“Emie, nakakalimutan mo na bang girlfriend na kita? Tinawagan ako ni Boss Robert, ihatid daw kita. Kahit ayaw ko, at alam kong ayaw mo rin, kailangan kong ihatid ka pauwi dahil ayaw kong mawalan ng trabaho. Kaya kung pwede, sumunod ka na sa parking lot. And by the way, walang tangang lalaking papatol sa love wish mong iyan. Men do have standards, too.”

Tinalikuran na siya nito. Ni hindi man lang siya nito pinahirit. “Antipatiko talaga!” Anong tingin nito sa kanya? Hindi papasa sa standards ng lalaki?

Wala nga siyang naging choice kundi makasama ito kahit ayaw niya. Hanggang sa mga sumunod na araw ay panay lang ang bangayan nila.  War pala ang gusto mo ha, then let the war begins!


“BILISAN mo nga! Grabe, kung gusto mong ma-late sa trabaho ‘wag mo nga akong idamay.” Agang-aga ay mataas na agad ang tono ni Dharyl nang sunduin siya nito sa bahay niya. Bahagi iyon ng sinasabing “responsibilidad” daw nito sa kanya bilang boyfriend niya.

Alam naman niyang hindi nito gusto ang ginagawa. Ewan ba niya kung bakit hindi man lang ito umapila ulit sa Ninong niya ngayon napatunayan na naman nila na aksidente lang lahat ng nangyari sa overpass.

“Haay, hindi ko alam kung bakit pinapahirapan mo ang sarili mo. Pwede ka namang maunang pumasok, bakit kailangang hintayin mo pa ako? Tapos, magrereklamo ka?”

Kinabig siya nito at isinandal sa kotse nito. Napamulagat siya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Parang gahibla na lang ay mahahalikan na siya nito. Nawindang ang puso niya sa hindi niya alam na dahilan.

“Hindi ka ba talaga marunong umintindi? Ayoko lang masabihang iresponsableng boyfriend ako kahit na isinumpa ko ang araw na naging girlfriend kita. Mahirap lang ako, hindi ako mayaman katulad mo. Ayokong mawalan ng trabaho, Emie kaya for God sake, makisama ka naman!”

“Relax dude, baka magkasakit ka sa puso niyan. Sige ka, madali kang mawawala sa planet earth. Mawawalan na ako ng kaaway, boring iyon.” Pero mas mukhang siya ang kailangang mag-relax dahil bumubundol na naman ang kaba sa puso niya. Having him that close gave her a very weird feeling.

Naningkit ang mata nito. Itinuon nito ang isang kamay sa sinasandalan niyang kotse. Kinabahan siya lalo. Iiwas sana siya nang itinuon din nito ang isang kamay sa dapat sanay lulusutan niya. Wala na siyang kawala sa pagkakakulong sa mga bisig nito.

Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya.“’Wag mong ubusin ang pasensiya ko dahil baka may magawa ako sa’yong hindi mo magustuhan,” may halong malisyang sambit nito. Pinandilatan siya nito. Then he moved away. At nagpunta na ito sa kabilang bahagi ng kotse. Saka lang siya nakahinga ng maluwag. “On the second thought, baka magustuhan mo pa nga iyon. Oh well, hindi na rin masama since Valentine’s is fast approaching, ninety- eight days to go.”

Nawindang siya sa sinasabi nito. May balak ba itong rape-in siya? On Valentine’s day? Wala sa sariling napayakap siya sa sarili.

“Get in my car, baby,” nakangising sambit nito.

Lalo siyang napraning. “Ah, mauna ka na.” Tatakbo na sana siya nang pigilan siya nito.

“Ang sabi ko, ‘wag mong ubusin ang pasensiya ko. So better get in my car!”

Parang sinapian siyang sumunod dito. Mahirap na dahil baka bigla na lang mangyari ang kinakatakutan niya.

Tahimik lang sila habang nasa byahe. Nasa parking lot na sila ng Pontez Twin Building nang magsalita ito. “Nasisindak ka rin naman pala e. Sa susunod pakabait ka ha.”

“Tse!” tanging nasambit niya sabay baba ng kotse. Hindi na niya ito hinintay tutal naman magkabilang building ang destinasyon niya. Asar na lumingon siya nang tawagin nito ang pangalan niya. “Ano?”

“Emie, kakain ka ng lunch sa tamang oras at susunduin ulit kita mamaya sa lobby.”

Inisnab lang niya ang pagpapa-sweet nito. Paano kasi, halatang scripted, papasok din kasi kasabay nila ang Ninong niya kasama ang kinakaptid niyang si Herald at asawa nitong si Zhei na boss niya.

“Sweet naman ng boyfriend mo,” komento ni Zhei.

“Ha?” eksaheradong umakto siyang may hinahanap. “Nasaan? Meron ba ako no’n? Aray!” Binatukan siya ng kinakapatid. “Ano ba, Herald?!”

“Pasalamat ka nga may pumatol pa sa’yo.”

“Kung siya rin lang, magpapakamatay na lang ako. Promise, mamaya nakabikti na ako sa overpass.”  
Naiiling na nilayasan na rin siya ng mga ito. Hindi na maganda ang nangyayari. Lahat na lang ata ng tao sa Pontez ay alam ang ‘relasyon’ nila ni Dharyl. Maliban sa pugad ng creative minds ang Pontez, mukhang pugad din ng tsismisan ang lugar na iyon.

Nagulat siya sa interrogation ng mga nakakasalubong niya. Kesyo kung totoo ba daw na tinangka siyang halayin ni Dharyl, kung totoong manyak ito, o kung totoo ang relasyon nila. Wala siyang inamin, wala rin siyang itinanggi sa mga iyon. Naisip niyang maiging ganti iyon sa paninindak ni Dharyl sa kanya.

Lunch break. Madalas ay sa canteen lang siya nagla-lunch kasama ang mga kaopisina niya pero nang mga oras na iyon ay nag-iisa siya. Ang lunchmate niya ay may date kasama ang boyfriend nito. Hindi naman niya mayaya ang bago nilang musical director dahil mas abala ito sa pagpapa-kyut sa stage director nila.

Matapos kumain ay hiningi na niya ang bill sa waitress. Nagulantang siya nang makita kung gaano kalaki ang bill niya, halos doble na ng presyo ng kinain niya.

“Bakit ganito ito? Baka nagkakamali lang kayo, Miss,” baling niya sa waitress.

“Ay Ma’am, kasama na po diyan ang bill ng boyfriend mo. Nasa’yo daw po kasi ang wallet niya.  Ang sweet ni’yong dalawa, Ma’am.” Iminuwestra pa nito ang mesa sa likod niya na sa pakiwari niya ay kinaroroonan ng boyfriend niyang hilaw. 

Ngiii! Pati ba naman sa canteen ay umabot na ang epidemia ng tsismis? Pero teka, bakit ako ang babayad ng nilamon niya?

Naglabas siya ng  limang daan at ibinigay iyon sa waitress. Nag-ipon siya ng galit at asar bago siya lumingon. Nagulat siya dahil sa kabilang table lang pala si Dharyl na pangit-ngiti pa sa kanya. “Ikaw, saksakan din talaga ng kapal ang mukha mo ano? Bakit mo ako pinagbayad ng nilamon mo?”

Kampanteng sinimsim nito ang iced tea hanggang sa maubos iyon. “Mas malaki ang net worth mo kesa sa akin di ba? O, bawasan natin ng konti ang yaman mo. Cool! Salamat sa libre ha.” Tumayo ito at muling binalingan siya.  “Napapahiya na ako sa buong Pontez. Okay lang naman siguro na ilibre mo ako ng lunch bilang pakunswelo man lang sa kahihiyang inaabot ko dahil sa’yo.” The he walked out.

Gantihan pala ha. Humanda ka.


NAKATAGO si Emie sa isa sa mga sulok ng lobby ng Pontez building. Kanina ay naisakatuparan na niya ang diwang pagganti sa mokong na iyon. Planado ang lahat. Nakausap na niya ang receptionist ng building bilang kakuntsaba.

Nakita niyang pumasok ng lobby si Dharyl. Luminga-linga ito at bumaling sa relo. “Nasa’n na ang bruhang iyon?’ sambit nito. Lumapit ito sa receptionist. “Miss, nasa office pa ba si Emielaine Losin?”

“Wala na po, Sir tao sa Seventeenth floor.”

“Ganon ba? Sige salamat.” Kinuha nito ang cellphone sa bulsa.

Napaghandaan na rin niya iyon. Naka-off ang cellphone niya.

“Nasaang planeta ka, Emilaine!”  Narinig niyang bulalas ni Dharyl nang hindi siya nito ma-contact. Ilang beses pa nitong sinubukang ma-contact siya.

Pinagmasdan lang ni Emie ito. Nagulat pa siya nang bumakas sa mukha nito ang pag-aalala na animo’y takot itong may mangyari sa kanyang masama. Napailing si Emie. Imposibleng mag-alala ang mokong na ito sa kanya. Isinusumpa na nga siya nito e.

Frustrated na lumabas ito ng building. Pasimpleng sinundan lang niya ito. Muntik na siyang mapahagalpak ng tawa nang makita ang mukhang nitong di maipinta nang mapagtanto nitong flat lahat ng gulong ng kotse nito. Maaga siyang lumabas ng opisina kanina para lang magawa niya iyon. Nagkamali ka ng pinagtripan, Mr. Daez. Seeing him as miserable as he was that time was the greatest reward she got from her revenge.

Kinuha nito muli ang cellphone at may tinawagan. “Hello Earth, umuwi na ba si Emie diyan? Wala na dito sa opisina ang kapatid mo e. Ha? Hindi pa? Nasaan kaya siya? Hindi ko ma-contact e.” Muli nabanaag niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Bigla tuloy siyang nakonsensiya. Pinagtripan na nga niya ito, pero siya pa rin ang inaalala nito.

May isa pa itong tinawagan, taga-talyer naman iyon at habang hinihintay ang mga taong mag-aayos ng sasakyan nito ay naupo ito sa gilid ng parking lot. Until he saw her little love note na nakasipit sa gulong. Napakaganda pa man din ng message niya, “Keep safe, while driving baby.”

Napapalatak ito.“Emielaine!” he shouted to no one in particular. “Kakalbuhin kita ‘pag nagkita tayo!”

Tumawa lang si Emie. Pagkatapos ay iniwan na niya ito. Nag-deny pa siya nang kastiguhin siya nito kinagabihan. Mula noon, official na ang war nila. Walang araw na hindi nila nabubwisit ang araw ng isa’t isa. At sa pagtagal ng panahon parang nakasanayan na nila iyon. 

                                                                                     NEXT

Comments

kiz said…
ayyyy. si emie ung kapatid ni Earth sa Senang Hati diba? :D kakakilig silang mag-away haha

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…