Skip to main content

Find Your Way To Me 3: Keep The Music Playing- Chapter Two



Nagmamadali si Amhiela sa paglalakad papunta sa picnic garden ng resort na nilipatan nila. Late na siya sa usapan nilang magkakaibigan. Dahil kalilipat lang nilang resort wala muna silang trabaho sa araw na yon kaya naman napagkasunduan nilang magkakaibigan na pare-parehong nagtatarabaho sa iisang kompanya na tumambay muna, mag-relax, at nagtsismisan.

Natagpuan niya ang mga kaibigan na nakaumpok sa ilalim ng puno ng narra na may nakalatag na banig at abala sa pagkain ng kung anu- ano.

“Uy sorry, late ako!” Umupo siya sa tabi ni Tomomi.

“Ay hindi na bago yan, sayo Miss always late,” biro ni Maylee.

“Okay lang late ka, dumating ka namang ready e,” buska pa ni Belle.

“San ang party? Ayos na ayos ka ah. Samantalang  kami mukhang bruhang naisipang mag-picnic lang,” hirit pa ni Camille.



They were the Uzen sisters. Ang tatlong amazonang berdugo ng Keithan Apparels. They worked in different departments in the company. Belle was on Events, Camille was on Operations, and Maylee was on Administrative. At tuwing may field projects palaging kasama ang tatlo along with Tomomi who handled the fashion house and Vlad as General Manager.
At dahil madalas na magkakasama sila sa iisang building, naging malapit silang magkakaibigan. No harm kung isa lang fashion photographer sa company si Amhiela at sila ay mga bigating boss. People in Keithan Apparels knew her credibility as a photographer and part-time photo-journalist. Minsan ay nagsa-submit din sya sa mga magazines ng mga portfolios niya at sumasali rin siya sa mga contests and that help her earned her credibility and name in the industry. 

           “Oy, wag asarin ang lola. May date yan!” buska ni Tomomi.

“Aba yon ang bago. Sino naman ang nagkamali?” tanong ni Belle.

“Isang gwapong fafa!” tugon niya sabay dampot sa bread pan.

“One of your client models?”  hula ni Maylee.

“Hmm, pwede. Pang-model ang kagwapuhan niya pero hindi siya model.”

“Celebrity?” hula ni Camille.

“Pwede,” Amhiela answered.
            
           “Singer? Which of them? Andaming singer na nanliligaw sa’yo right?”  tanong ni Belle.
       
           “He knows how to sing pero di siya singer.”

“Actor!” hula ulit ni Maylee.

“Malabo. Hindi marunong umarte yon,” sabat ni Tomomi.

“Right, hindi siya actor. Teka nga, ano ba to? Pinoy henyo?”  tanong niya.

“Eh sino ba kasi ang date mo?” tanong ni Camille.

“Ako, may clue!” hirit ni Tomomi.

Amhiela just smiled. Nang yayain siya ni Vlad noong nakaraang araw para sa isang date ay kay Tomomi agad siya unang napakwento sa sobrang excitement.

“Anong clue?” korong tanong ng tatlo.

“Kaapelyido ko siya.”

Natigilan ang tatlong Maria ng pamilya Uzen, tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Tomomi.

“Hello? What’s with that reaction?” apila niya.

“Sigurado bang niyaya ka ni Vladimir mag-date? Baka naman ikaw ang namilit ng date,” sabi ni Camille.

“Over! Hindi naman ako ganong kadepserado, medyo lang. Pero trulili, niyaya niya ako at hindi ko siya pinilit no!” tugon niya.

“Eh di ba ma pagka-shagilid iyon?” tanong ni Maylee.

“Hindi yon totoo! Kayo kasi itinanim nyo na sa isip nyo na tagilid siya!” Tumingin siya sa malayo na tila nagde-day dream. “Well, in fact, he is a man…a real man.”

“Eh hindi naman kami ang may kasalanan dyan. Ayang kapatid ang sisihin mo,” sambit ni Belle sabay  nguso kay Tomomi.

“Bakit ako?” Napabuntong-hininga si Tomomi. “Ewan ko ba, kasi naman bakit kasi lumaki siyang isa sa mga life size Barbie ko? Ayoko ring isiping tama ang hinala kong bading siya pero ewan ko ba, feel ko talaga mga sis. Feel na feel ko, paminta ang kapatid ko, naka –hiding inside the closet lang.”

Biglang nagkatinginan ang tatlong maria at si Tomomi pagkatapos ay sabay-sabay na binalingan siya.

“Oh, anong ibig sabihin nyo mga bruha?” 

“Tutal naman may date kayo ni Vlad, bibigyan ka namin ng mission,” sambit ni Tomomi.

“Mission?” kunot-noong tanong niya.

“Hanapan mo siya ng ebidensya,” sabi ni Camille.

“Ng signs,” dagdag ni Maylee.

“Ng pilantik symbols,” hirit ni Belle.

“What?” hindi makapaniwalang bulalas niya. Oo matagal na niyang alam ang hinala ng mga kaibigan na bading si Vlad. But taking their date as advantage to seek evidences of his preference was something too much. “Nababaliw na kayo, really!”

“Do it as a favor for me, Amhiela,” sabat ni Tomomi. “Sige na girl. Please, walang malalaman si Vlad. I just want to know para alam ko kung paano ko siya babantayan, poprotektahan and such. Please?”

In that case, Tomomi had a point. Napilitan siyang tumango at sumang-ayon.

“Thank you, Amhiela!”

“Pero hindi ibig sabihin non, naniniwala rin akong gay siya. He is a man. Papatunayan ko yan sa inyo.”

“Go girl!” cheer nila.

“Pero in-case, nagma-mariah nga ang kapatid ko pag mag-isa, gawin mo na lang siya lalaki.”

She showed off her naughty smiles. “I like that idea huh! Kung magdilang-demonyo kayo at  tamang hinala ang drama nyo e ako na ang bahala. Daanin ko sa alindog yan.” But at the back of her mind, she was praying and hoping that they were all wrong.


 NAIILANG man ay tinuloy pa rin ni Vlad ang pre-planned date with Amhiela. He kept on noticing her acts. Madalas nitong pinagmamasdan siya. Nakatingin ito sa bawat kilos niya. Lalo tuloy siyang nako-conscious at nagiging guarded. Inlababong wagas ba ang babaeng itey sa akez o inaamoy kung paminta akez?

Hindi maiwasan ni Vlad ang magduda lalo na’t kaibigan nito ang ate niya at ang mga babaeng kababata na unang nagparamdam sa kanya ng kabonggahang feeling na maging babae. Napaglalaruan kasi siyang life size manika ng ate niya at ng magkakapatid na Uzen noong mga bata pa sila. Ngunit kahit ganon ang childhood set up nila, never niyang inamin sa mga ito ang lihim niya dahil alam niyang sa pagdami ng nakakaalam, sa paglaki din ng chance na mabisto siya ng tuluyan.

They were in the middle of a good dinner. At walang masyadong nagaganap kundi ang pag-enjoy nila sa food at ang consistent pagsulyap ni Amhiela sa kanya na waring may gustong sabihin o itanong pero hesitant.

He placed her spoon on the plate and look at her. “Amhiela, kung may sasabihin ka o tatanungin gawin mo na.”

“Ha?” maang-maangang banat nito.

“Amhiela, I know you have something in your mind about me that concerns you. What is it?”

“Ah…” Ngumiti ito at nagpa-cute lang sa kanya. “Sus, ikaw naman.  Iniisip ko lang kung anong nakain mo at niyaya mo ako ng date. Ipapakain ko uli yon sa’yo araw-araw para tiba-tiba naman ako.”

Napangiti siya. She was doing it again…ang isang dahilan kung bakit type niyang maging bff si Amhiela. She never failed to make him laugh every time they were together. Bff ka diyan! Kaloka, liligawan mo yan da va?! Iyon ang plano mo, Vladera! His non-existing but hunting thoughts reminded him of his damn reasons why they had that date.

“Well Amhiela, matagal na naman tayong magkasama sa work and I already knew you even before you entered Keithan Apparels and I think I should know more about you,” he seriously said. Lord, anong kalokahan itong ginagawa ko? Please forgive me let me go! Choz!   

Natigilan ito ngunit eventually ngumiti at pabirong tinapik nito ang balikat niya. “Uy, nade-develop ka na sa akin ano? Sabi na nga ba, maakit din kita e. Payag ka na? Liligawan na kita?”

Napakamot siya sa batok.  “Sira, ano ka ba naman? Babae ka. Lalaki ang nanliligaw.”

“And you mean?”

Siya naman ang natigilan. Oh, wala ng atrasan. Magpapakalalaki na akez! Ay ako pala!  “If it would not bring any hassle on both of us…I..ahm…” napabuntong-hininga siya. “I want to court you.”

Her smiling face suddenly became serious. “Did I hear it right? Liligawan mo ako?”

He nodded. “Kung okay lang sa’yo.”  He purposely stared at her, acting like he was damn sincere on that courtship. Well, dapat ika-sincere ko nga ito or else, patay ako.

“Kailangan ko talagang malaman kung ano ang kinain mo kahapon. You suddenly change your mind!”

He smiled. “Well, sabihin nating I realized something. You’re right, I am a man and I deserve to have a woman beside me.”

“Hindi ba ito power trip?”

“Ikaw ang alam kong mahilig magpower trip dito. Wag ka ng magduda okay. Patulan mo na lang ako bago magbago ang isip ko.”  Too late para bawiin pa niya ang nasabi niya. Patulan? Oh my gassss!

“Wag mo akong ganyanin, Vladimir. Papatulan talaga kita.”

Alanganing ngumiti siya. “Sure.”

Nagkatitigan sila at sabay na natawa.

Iniangat niya ang wine glass to toss for a drink. “Para sa pagpatol natin sa isa’t isa!” Napangiwi siya sa sinabi niya pero madali niyang binawi iyon at pinalitan ng ngiti.

Tumawa si Amhiela at iniangat din ang wine glass nito. “Para sa nakakalokang pagpatol na yan. Cheers!”

   “Cheers!”

They continued finishing their meals pagkatapos ay nagyaya itong maglakad-lakad sa tabing dagat. Amhiela was very cheery while taking her steps on white sands. Iniisip naman ni Vlad kung ano ba itong napasok niya. No way to back out, napasubo na siya. All he had to do was to stick to the plan.

He was thinking about lots of things. Ang totoo ay hindi niya talaga alam ang gagawin. Yes, ilang romance movies na ang napanood at nabasa niya pero iba pa rin pala pag tunay na date…lalo na sa tulad niyang hindi naman talaga bet ang mag-date ng girlaloo.

Nasa kalagitnaan siya ng hesitation kung hahawakan ba niya ang kamay nito, paano ang makipag-holding hands o kung aakbayan na lang niya ito, o yayakapin sa waist nang matisod ito ng kawayang nakabaon sa buhanginan. Initial reaction ay niyakap niya ito para maalalayan.

Nagkatinginan silang dalawa. “Ah, okay ka lang?”

Tumango ito. “Sorry, I’m kinda clumsy. Ganito talaga ako e, tangang maglakad!” nakangiting sambit ni Amhiela sa kanya ngunit ilang saglit lang ay napalitan ng ngiwi ang ngiti nito. “Aww!” suminghap ito nang subukan nitong ilakad ang natisod na paa.

Nag-alala siya. “What’s wrong? Na-injured ang paa mo?”

“I think so.”

“Upo muna tayo don!” Itinuro niya ang bench sa di kalayuan. “Can you walk?”

“Oo kaya yan, layo pa sa bituka nito e,” sambit nito ngunit napasinghap uli ito nang ihakbang nito ang paa. Mabuti na lang at yakap niya ito. Nakakuha agad ito ng suporta sa kanya enough para di siya matumba.

Binuhat na lang niya ito. Hanggang sa makarating sila sa bench. Dahan-dahan niya itong ibinaba sa bench. At agad niyang ininspeksyon ang paa nito. Her left foot was a little bit swollen. “Namamaga paa mo, kailangan malagyan agad yan ng yelo. Wait there!”

“Sige.”

Iniwan niya ito saglit para humingi ng yelo sa pinakamalapit na beach bar doon. Pagbalik niya sa bench ay agad niyang inilapat sa namamagang paa nito ang yelo.

“Aray!” impit na daing ito.

  Na-tense siya. Tama ba ang remedy na to o mali ang alam ko? Tinapunan niya ng tingin ito. “Medyo masakit lang to pero it will eventually give relief later. Tiisin mo na lang.”

“Wala bang ibang choice?”

“Magtiis lang ang choice mo.”

“Aww!”

Dahan-dahan niyang inilapat ang improvised cold compress. “Masakit pa ba?” tanong niya makalipas ang ilang minuto.

“Hindi na masyado, salamat Vlad ha.”  She smiled.

He smiled back. “I got careless. Kung nabantayan kita hindi ka siguro matatapilok.”

She pinched his nose. “Hindi mo nga kasalanan okay? Kasalanan ng katangahan ko.”

“Will you kindly refrain using that term, tanga. Hindi ka ganon okay?”

She smiled. “Sige sabi mo e.”

Umupo siya sa harap nito. He then tapped his shoulder back. “Ride on my back. Hindi mo pwedeng ilakad ang paa mo at baka lumala. Doon na lang muna tayo sa room ko. Medyo malayo pa dito ang room mo e.”

“Sigurado kang bubuhatin mo ako?”

“Oo, nabuhat na kita kanina, what’s new? Sige na.” Hinila niya ang dalawang kamay nito at niyakap na niya sa shoulder niya. In few minutes more, naglalakad na uli sila sa buhanginan. He was carrying her on his back.

“Mabigat ba ako, Vlad?”

“Nope, magaan ka lang.”

“Salamat ha?”

“For what again?”

“Isa ito sa dream kong eksena sa buhay ko e. You just materialized my fantasies.  A date on a beach resto, a perfect night strolling in shoreline, to be carried by a man on his back... Thank you. You’re sweet and gentleman really.”

Nanlambot siya sa sinabi nito. Sweet ako oo pero gentleman? Man? Napangiwi siya. Buti na lang at hindi niya ito nabitawan.  “I’m just doing the right thing.”

“And the romantic thing. Wala ka talagang naging girlfriend?” Umiling siya. “So lucky me pancit canton huh!”

Napangiti na siya. Mabenta talaga sa kanya ang humor nitong si Amhiela. She never failed to make him laugh. “So anong gusto mong gawin sa room ko?”  Nakagat niya ang labi nang mapagtanto niya ang nasabi niya.

”Hindi ako easy girl, Vlad.”

“Hi-hindi iyon ang ibig kong sabihin, Amhiela.  Baka kako gusto mong mag-inuman, mag-videoke, mag-movie  marathon…” Mag-nail art, mag-soft curl, panoorin si Lee Min Ho?  

“Hmmm, let’s take some drinks na lang. Inuman session while getting to know each other better. Okay lang sa’yo Vlad?”

Teka baka malasing ako at mabisto ah. Pero kung tatanggi ako, obvious naman lalo. Bahala na nga. “Okay lang.” 


UMAYON kay Amhiela ang lahat ng wala siyang masyadong effort na ginawa. Nauwi sa ilang bote ng Tanduay Ice at pulutang chicheria at sisig ang date nila ni Vlad. At least sa mga sandaling yon, di na niya kailangang salisihan si Vlad para makahanap ng ebidensyang magpapatunay o babali sa hinala ng mga kaibigan niya tungkol sa preference ni Vlad. Ito na mismo ang naglatag ng option na makipag-inuman sa kanya. Ang kailangan lang niyang gawin ay ang hayaang maunang malasing ito, bago siya tamaan. At walang kahirap-hirap ding nangyari yon.

Alam ni Amhiela na may tama na si Vlad. He kept on laughing and laughing even though there’s nothing to laugh about. Pati mga damit ng artista sa TV pinagtatawanan niya lalo na kung alam niyang hindi Keithan Apparels iyon. Then he kept on telling stories about his childhood.

“Mga bruhalita yang mga kaibigan mo… kaibigan nyo ng ate ko. Gawin ba naman akong human-size  na Barbie doll nila noon. Nilagyan nila ako ng bonggang wig, sinuot sa akin ang pinang-seven year old birthday gown ni ate tapos nilagyan nila ako ng crown sa ulo. O di ba? Bata pa lang ako, sila na nagpilit sa akin ng lintik na preference na to?” Inisang inuman nito ang isang bagong bukas na Tanduay Ice at nilapag sa mesa ang bote.

Amhiela saw a trace of regrets and hatred in his eyes. Pawang indirectly, sinisisi ni Vlad ang kapatid nito at mga kababata.  “Vlad…”

“Naririnig mo ako Amhiela di ba?” Binalingan siya nito. At inilapit nito ang mukha nito sa kanya at tinitigan siya. “Maganda ka girl. Sayang ang beautifulness mo kung mag-stick ka sa akin. Mag-crayola ka lang ng bongga sa huli.”

Hindi na kailangang maghanap pa ng ebidensya. Kusang dumudulas ang dila ni Vlad sa mga gay languages. At nararamdaman ni Amhiela na sinsero ito. Confirmed at define na define na. isa nga itong paminta.

“Oh, Amhiela don’t give me that damn look. Alam ko, alam mo rin. Pinaghihinalaan ako ng mga kaibigan mo na bakla ako di ba? Puwes, may shashabihin ako sa’yo.” Payakap na inakbayan siya nito. “Tamang hinala yon. Tama sila, I’m gay. I’m one of the lonely gays in the world. Kasi top secret yon ng buhay ko.” Tears fell from his eyes. “No one! No one should know about this. Itinago kong lahat sha closet ko at isashama ko yon sa hukay. Wala akong karapatang aminin sa mundo na lalaki akong lilingon lang sa kapwa ko lalaki dahil isa akong Cerio, anak ako ng isa sa pinagpipitagang negosyante ng bansa. I am Vladimir Cerio, a song writer, composer a musician, an artist. I have a name and people know who I am. I should be proper, I should be right! Damn!”

Niyakap niya ito. “Okay lang naman yon, Vlad.” Yes kahit natitigilan din si Amhiela sa revelation nito, nangibabaw sa kanya ang feeling na damayan ito. Her feelings for him didn’t change at all.

“Okay? Hindi okay yon. Hindi pagkakamali ang maging bakla, Amhiela. Di yon katulad ng iniisip ng makikitid ang utak na basta na feel mong lumalandi at kumembot yon na. Hindi kami madumi. Hindi manyapa’t attracted kami sa kapwa naming naka-brief hindi na kami proper. Oo tanggap naman ng society ang mga gays, pero meron pa ring personal discrimination. At iyon, hindi ko yon kayang i-handle kapalit ng mga luhang papatak mula sa mata ng mga magulang ko.”

“You don’t have to suffer from it, Vlad.”

“Hello! Hindi mo ba ako naririnig? Sinabi ko ng lahat! Beki ako, vading, vaklesh, suma-slide sa gilid!” Napikon na ata ito sa kanya dahil sa halip na magwala si Amhiela ngayong alam na niyang bading pala talaga ito e nanatili siya sa tabi nito at nakikinig.

She smiled. “Eh ano naman? Ikaw naman para bading lang e, ang laki ng problema mo. Iba lang takbo ng puso at utak mo pero physically, lalaki ka so lalaki ka pa rin.”

Kinuha ito ang isa pang bote ng Tanduay Ice at uminom. “Ewan ko na! Ewan ko na talaga! Masisiraan ako talaga ng bait sa’yo. Ikaw ata ang lasing at hindi ako.”

Ngumiti lang siya. “And that reminds me to stop you. Akin na iyan. Tapos na ang session at lasing ka na.”

Inilayo nito ang hawak na bote. “No! Isa pa ubusin ko pa to.”

Nakipag-agawan siya sa bote. “Hindi na pwede kasi lasing ka na, tapos na okay—aray!” Di niya sinasadyang maigalaw ang na-sprained na paa habang nakikipag-agawan ng bote dito. Agad niyang nasapo ang binti. “Aaww!”

“Iyan kasi ang likot-likot mo, Amhiela.”   Tumayo ito.

“Oy teka kaya mo?”  Nag-alala siya sa pagtayo nito dahil alam niyang lasing ito,  at baka hindi na rin nito kaya.

“Oo naman! Ako pa? Di ako lasing!”

“Yeah, right—Ay! Teka lang Vlad, anong ginagawa mo?” Bigla na lang siya nitong binuhat. Wala na siyang nagawa kundi ang kumapit dito para di siya mahulog.

“Ang likot mo eh. Pag namaga iyang paa mo sa kalikutan mo, kukutusan kita.” Inihiga siya nito sa kama nito pagkatapos ay humiga ito sa tabi niya. “Dito ka na lang matulog, Amhiela. Wag kang mag-alala, kahit lasing ako, alam kong bading ako…” He smiled at her. “Safe ka sa akin. Pagpasensyahan mo na lang at amoy alak ako. Ah, uminom ka rin naman, quits lang tayo…amoy laseng! Matulog ka na. Sleep tight!” Pagkatapos noon ay pumikit na ito.

Nagkaroon si Amhiela ng pagkakataong matitigan ang mukha ng binata. Maamong-maamo iyon, payapa, walang bakas ng problemang dinaramdam ng mag-isa ng ilang taon. Ngayon unti-unting nagsi-sink in sa utak niya ang pinagtapat nito. He was really gay. And the question now was, bakit kaya nito sinabi iyon sa kanya? At bakit siya nito niyaya ng date at nagsabing manliligaw ito sa kanya kung hindi naman pala iyon ang prefer nitong gawin?

Nahinto ang pagninilay-nilay niya nang yumakap ang braso nito sa kanya. Her heart started to beat like crazy when his arms touched her tummy and waist. He even moved closer.  Pagkatapos ay nagsalita ito habang nakapikit. “Safe ka sa akin, hindi kita sasaktan. Gusto ko lang maging malapit sayo. Baka sakaling makalimutan kong bakla ako. Ah, wag mo akong intindihin basta safe ka sa akin, wag kang mag-worry, matulog ka na dali!”

Hindi niya napigilan ang sariling haplusin ang mukha nito. Pawang biglang nadoble ang kaba sa dibdib niya. Hindi naman yon ang problema, Vlad. Ikaw kasi ang di safe sa akin.  Pati si Amhiela ay maloka-loka na sa tinatakbo ng utak niya.  Nai-in love ako sa bading? Kaloka!

Napangiti siya. Iniyakap na rin niya ang mga braso dito dahilan para maka-face to face niya ito. Hindi ako makapaniwalang ang gwapong mukhang yan ay bading. So and so, I’m turning my attention to Plan B. Don’t worry Vlad, I’ll be the only woman who will make you feel like a man… real man.


PREVIOUS                                                                  NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…